You are on page 1of 1

Franchesca Kheana L.

Pizarro Grade 10 – Bonifacio


Output II: Anekdota
Layunin: Nakasusulat ng isang anekdota batay sa sariling karanasan
o nasaksihan sa iba.

“Bulaklak”

Araw ng sabado, pumunta ang kanyang pamangkin upang


bisitahin ang hardin ng tiyuhin. Madaming bulaklak doon na
napakaganda sa paningin. Napansin ng kanyang pamangkin na
ilan sa mga ito ay nasa labas at nasisinagan ng araw, ang ilan
naman ay nasa lilim. Gayunpaman, maganda pa rin ito.
Kapansin-pansin din ang isang paso na may kakaibang tanim na
bulaklak ngunit ito’y lanta.

“Tiyo, bakit ilan po sa mga bulaklak niyo ay nasa loob?


Maganda naman po ito kaya marapat lang na ilabas” tanong ng
kanyang pamangkin.

Lumapit ang tiyo sa lantang bulaklak na nasa paso at unti-


unting ipinasok sa may lilim. Unti-unting bumuka ang bulaklak
na parang bagong dilig lamang. Humarap ang tiyo sa kanyang
pamangkin.

“Hindi lahat ay kailangan makita mula sa labas, minsan


ito’y na sa loob”.

You might also like