You are on page 1of 10

Banghay aralin sa FILIPINO 8

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
A. Naipapakita ang mahalagang detalye sa pamamagitan ng pagkakasunod-
sunod sa mga pangyayari sa kwento
B. Naibibigay ang sinisimbolo ng mga tauhan sa paksang tinalakay
C. Naisusulat ng mga mag-aaral ang kaugnayan ng mga pangyayari sa kwento
sa kasalukuyang panahon.
II. Paksang Aralin
Pamagat: Mabangis na Lungsod
Uri ng Akdang Pampanitikan: Maikling Kwento
May-akda: Efren Abueg
Sanggunian: FILIPINO Grade 7 Learner’s Material (quarter 1 and 2 ) pp. 41-44
Kagamitan: Kagamitang biswal, projector, yeso at pisara

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsisiyasat sa kapaligiran
4. Pagtatala ng liban Wala po ma’am.
Mayroon bang liban sa araw na ito?

B. Balik-aral
bago tayo magsimula sa panibagong aralin,
nais ko munang balik-aralan ang tinalakay
Ma’am, nemo ang batang papel po.
kahapon.

Ano ang pamagat ng kwentong tinalakay Si Rene O. Villanueva po.


natin kahapon?

Tama! Sino naman ang may akda ng Si Nemo ay isang batang papel na
maikling kwnetong “Nemo ang Batang pinaggugupit-gupit para sa proyekto ng mga
Papel?” styudante. Naisip ni Nemo na gusto niya
maging isang totoong bata kaya humiling
Mahusay! Maari na ninyo ibuod ang siya sa bulalakaw at nagkatotoo ngang
kwentong ito? naging isang tunay na bata siya. Ngunit
napunta siya sa mahirap na pamilya at hindi
siya naging masaya dito. Kaya naisip niya na
gusto niyang bumalik sa pagiging batang
papel at isinama niya ang kanyang mga
kaibigan at lahat sila ay naging batang papel.
Pak! Pak! Pak! Ganern
Magaling! Bigyan natin ang ating sarili ng
tatlong Pak Ganern Clap.

C. Motibasyon
bago tayo magsimula sa ating panibagong
aralin may inihanda akong mga larawan.
Alam niyo naman lahat siguro ang larong
“4 pics 1 Word”

Magpapakita ng larawan.

Mag-aaral

Kumain

Mag-laro

Ang nakita ninyong larawan ay iilan


lamang sa mga karapatang pambata.

D. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Bago tayo tuluyang magsimula sa ating
pormal na talakayan. Bigyan muna natin
ng kahulugan ang mga salitang maaring
maksagabal sa inyong pag-unawa sa
tekstong binasa. At gamitin ito sa sariling
pangungusap. 1. Walang-alam
Walang muwang niyang sinagot ang tanong
1. Walang-muwang ng kanyang guro.

2. Naaawa
Nahahabag ang kanyang ina sa sinapit ng
2. Nahahabag kanyang mga anak.

3. Tumunog
Kumalansing ang baryang nasa bulsa niya.
3. Kumalansing
4. Kinaiinisan
4. Kinasusuklaman Ang grupo ni Yang ang kinasusuklaman sa
klase.
5. Brutal
5. Marahas Mahilig si Karen sa marahas na palabas.

Mahusay! Naitindihan ba?

Marahil ay maraming salita nag nadagdag


sa inyong kaalaman sa ating talakayan
ngayon.

Ngayon ay magsisimula na tayo sa ating


paksang-aralin sa araw na ito.
Basahin ang maikling kwento sa loob ng 5
minuto.

MABANGIS NA LUNGSOD ni Efren R.


Abueg
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga
gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga
taong pagal, sa mga taong araw-araw ay
may bagong lunas na walang bisa. Ngunit
ang gabi ay waring manipis na sutla
lamang ng dilim na walang lawak mula sa
lupa hanggang sa mga unang palapag ng
mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol
lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang
gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng
mabangis na liwanag ng mga ilaw-
dagitab.Ang gabi ay hindi napapansin ng
lalabindalawahing taong gulang na si
Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng
pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay
Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa
may layunin sa pagiging naroroon, kundi
dahil sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa
walang muwang na isipan ni Adong,
walang kabuluhan sa kaniya kung naroon
man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay
Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang
bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na
ang mga tindahang hanggang sa mga
huling oras ng gabi’y mailaw at
mabawasan ang mg taong pumapasok at
lumalabas doon, dahil sa isang bagay na
hinahanap sa isang marikit na altar.
Sapagkat ang simbahan ay buhay ni
Adong. Kung ilang hanay ang mga pulubing
naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng
suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong
ugat ng punongkahoy at halaman. At sa
mga hanay na iyon ay nakatunghay ang
simbahan, naawa, nahahabag. At
nakatingala naman ang mga hanay na
iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan
kundi sa mga taong may puso pa upang
dumukot sa bulsa at maglapag ng konting
barya sa maruruming palad. Mapapaiyak
na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga
ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy
na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa
siyang tanghali sa loob ng marusing na
bakuran ng simbahan, nagsawa na ang
kaniyang mga bisig sa wala pang tunog ng
katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw
na tunog ng babala. Babalang
ipinararamdam ng pangangalam ng
kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot
na waring higad na gumagapang sa
kaniyang katawan. “Mama... Ale, palimos
na po.” Ang maraming mukhang
nagdaraan ay malalamig na parang bato,
ang imbay ng mga kamay at hiwatig ng
pagwawalang-bahala, ang hakbang ay
napapahalaga ng pagmamadali ng pag-
iwas. “Palimos na po, ale... hindi pa po ako
nanananghali!” Kung may pumapansin
man sa panawagan ni Adong, ang nakikita
niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam.
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga
magulang para maisugal,” madalas
naririnig ni Adong. Nasasaktan siya,
sapagkat ang bahagi ng pangungusap na
iyon ay untag sa kaniya ni Aling Ebeng, ang
matandang pilay na kaniyang katabi sa
dakong liwasan ng simbahan. At halos
araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi
lamang niya ipinahahalata kay Aling
Ebeng,Ebeng, ni kanino man sa naroroong
nagpapalimos. Alam niyang hindi
maiiwasan ang paghindi sa kaniya ng
limang piso, sa lahat. Walang bawas. “May
reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni
Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik
kapag nagpatumpik-tumpik siya sa
pagbibigay. At ang mga kamay ni Adong ay
manginginig pa habang inilaladay niya sa
masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga
baryang matagal ding kumalansing sa
kaniyang bulsa, ngunit kailan man ay hidni
nakarating sa kaniyang bituka. “Maawa na
po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na
ako!” Ang mga daing ay walang halaga,
waring mga patak ng ulan sa malalaking
bitak ng lupa. Ang mga tao’y naghihikahos
na rin. Ang panahon ay patuloy na
ibinuburol ng karukhaan. Ang kampana ay
tumutugtog at sa loob ng simbahan,
pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni
Adong ang pagkilos ng mga taong
papalabas, waring nagmamadali na tila ba
sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa
simbahan ay napapaso, nakararamdam ng
hapdi, hindi sa katawan, kundi sa
kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya
ang paglalahad ng kaniyang palad at
pagtawag sa mga taong papalapit sa mga
taong sa kaniyang kinaroroonan. “Malapit
nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng
na walang sino mang pinatutungkulan.
Manapa’y para sa lahat na maaring
makarinig. Biglang-bigla, napawi ang
katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang
bituka ang nararamdamang gutom. Ang
pangambang sumisigid na kilabot sa
kaniyang mga laman at nagpapantindig sa
kaniyang mga balahibo ay waring dinaklot
at itinapon sa malayo ng isang
mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa
kaniyang harap ang mga taon malamig,
walang awa, walang pakiramdam-
nakadarama siya ng kung anong bagay na
apoy sa kaniyang kalooban. Aywan niya
kung bakit gayon ang nararamdaman niya
matapos mapawi ang kaniyang gutom at
pangamba. Kung ilang araw na niyang
nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay
naroroon pa’t waring umuuntag sa kaniya
na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad,
hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat ang
mga palad na nagbibigay ay nandidiring
mapadikit sa marurusing na palad na wari
bang mga kamay lamang na maninipis ang
malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang
mga barya sa kaniyang lukbutan. Ilan pang
barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa
kaabalahan niya’y hindi na napansing
kakaunti na ang mga taong lumalabas
mula sa simbahan. Nakita na naman ni
Adong ang mga mukhang malamig, ang
imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig
ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang
ng nagmamadaling pag-iwas. “Adong...
ayun na si Bruno” narinig niyang wika ni
Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang
ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno
nga. Ang malapad na katawan, ang
namumutok na mga bisig. Ang maliit na
ulong pinapangit ng suot na gora.
Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa.
Dinama niya ang mga barya roon.
Malamig. At ang lamig na iyon ay waring
dugong biglang umagos sa kaniyang mga
ugat. Ngunit ang lamig na iyon ay hindi
nakasapat upang ang apoy na
nararamdaman niya kangina pa ay
mamamatay. Mahigpit niyang kinulong sa
kaniyang palad ang mga baryang
napagpalimusan. “Diyan na kayo, Aling
Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala
ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan
ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!” Narinig
man ni Adong ang sinabi ng matanda,
nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa
simula’y marahan, ngunit nang makubli
siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay
pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa
pagitan ng mga dyipni na mabagal sa
pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng
mga taong salu-salubong sa paglalakad. At
akala niya’y nawala na siya sa loob ng
sinuot niyang mumunting iskinita.
Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab. Ang mabangis na Lungsod po.
Dinama niya ang tigas niyon sa
pamamagitan ng kaniyang likod. At sa
murang isipang iyon ni Adong ay tumindig
ang tagumpay ng isang musmos na Si Efren R. Abueg maam
paghihimagsik ng paglayo kay Bruno, ng
paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, Kilala po siya bilang isang nobelista maam.
sa malalamig na mukha, sa makatunghay
na simbahan, sa kabangisang sa mula’t
pa’y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa
kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din
Opo, maam.
niyang ipinakalansing. “Adong!” Sinundan
iyon ng papalapit na mga yabag. Si adong po ay labindalawang taong gulang
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay na namamalimos sa harap ng simabahan ng
naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang Quipo.
tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang
kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay Si Bruno po ay may mapalad na katawan,
ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na namumutok na mga bisig at may maliit na
sa kaniyang bisig, niluluray ang munting ulong pinapangit ng suot na gora.
lakas na nagkakaroon ng kapangyarihang
maghimagsik laban sa gutom, sa Wala na po maam
pangamba at
kabangisan. “Bitiwan mo ako! Bitiwan mo Wala na po.
ako!” Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang
basag na tinig. Naramdaman na lamang
Opo.
niya ang malupit na palad ni Bruno. Natulig
siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali,
hindi na niya naramdaman ang kabangisan
sa kapayapaang biglang kumandong sa
kaniya.

E. Pagtatalakay sa Paksa

Ano ang pamagat ng paksang inyong


binasa?

Sino naman ang may-akda nito?

Magbigay ng ilang impormasyon tungkol


sa buhay ni Efren R. Abueg.

Magaling! Kilala siya bilang isang


nobelista , kuwentista, mananaysay at
kirito.

Maliwanag ba kung sino Si Efren Abueg?


Kilalanin naman natin ngayon ang mga
tauhan sa Mabangis na Lungsod.

Sino-sino ang nga tauhan sa kwento? At


ibigay ang katangian

Iba pang tauhan?

Magaling! May iba pa bang kasagutan mga


bata?
Ngayon ay hahatiin ko kayo sa limang
pangkat at bawat pangkat ay may kanya
kanyang mga gawain. Bibigyan ko kayo ng
sampung minuto para isagawa ito at
tatlong minuto para sa ipakita o itala sa
klase .
Maliwanag ba mga bata?
Ayon po sa pagkakaintindi ko, parang matira
Pangkat 1- iapapakita nag mga katangian matibay po. Kay po tinawag na mabangis na
ng mga tauhan sa pamamagitan ng tableau lungsod kung malakas ka mabubuhay ka
kung hindi maiiwan ka nalang.
Pangkat 2- mula sa kuwebto gumuhit ng
mga karapatang ipinagkait kay adong
Mam, siguro po ay dahil sa lungsod may
Pangkat 3- sa pamamagitan ng isang skit, iba’t-ibang uri ng tao at may kanya-kanya
pagsunod-sunodin ang mahahalagang silang ugali o katangian, kung ikaw ay bago
pangyayari da kuwento. sa lungsod maaring hindo mo makikita
kaagad ang pagkakaiba-iba ng mga tao sa
Pangkat 4 - bumuo ng isang Concept Web
lungsod.
at itala ang iba’t-ibang karapatang
pambata

Pangkat 5- gumawa ng isang maikling dula-


dulaan o role play tungkol sa pagkikita ni
Nemo at Adong

Pagsasagawa ng bawat pangkat:


Batayan 5 4 3 2 1 Ipinakita po dito na may mga taong
1. Kasiya-siya ba nag gumagamit ng iba para sa sariling
ginawang pag-uulat? O kapakanan. At hindi po lahat ng pumapasok
pagpapaliwanag ng sa simbahan ay mabubuti, yung iba po ay
gawain? pakitang tao lamang.
2. Mahusay bang
naksunod sa ipinagawa
ng guro ang pangkat?
3. Napukaw ba ang
taga-ulat ang
atensyon/ damdamin ?
Kung ako po si Adong hindi po ako tatakas
4. May sapat bang muna, habang namamalimos ako maaring
kaugnayan ang lalapit ako sa isang nakatatanda o may
kasagutan sa paksang mataas na posisyon para humingi ng tulong.
tinalakay?
5. Nakiisa ba ang
bawat kasapi sa
pagbuo ng gawain?
Opo
Mahusay kayong lahat! Lubos ninyo ngang
Wala na po
naunawaan ang paksang tinalakay natin
ngayon. Dahil naipakita niyo ito ng mabuti
at naayon sa ating paksang tinalakay.

F. Paglalahat

Sa kabuuang pangyayari, bakit kaya


Mabangis na Lungsod ang ibinigay na
pamagat ng may akda?

Magaling! Iba pang kasagutan?

Ang lahat ng inyong mga sagot ay tama.


Maaring bakit na tinawag na mabangis na
lungsod dahil ang mundo natin ay kalaka’ y
ang matira ang matibay. At nag lungsod ay
maaaring iba’y-ibang uri ng mga tao. Hindi
lahat ng nakapalibot sayo ay mabuti at
mabait. Tanging sarili mo lang ang puwede
mong pagkatiwalaan.

Anu-anong mapapait na katotohanan ng


buhay ang malinaw na inilahad sa akda?

Tumpak! Kaya mula dito sa maikling


kwentong ito makikita ang mga mapapait
na katotohanan sa buhay at katulad na
lamang sa mga nabanggit na mga sagot
ninyo.

Mahusay kayong lahat! At talagang


naintindihan ninyo ang ating aralin sa araw
na ito .

G. Paglalapat
kung ikaw si Adong gagwin mo din ba ang
ginawa niyang pagtakas kay Bruno?

Mahusay ang iyong sagot. Sa panahon


ngayon marami na tayong pwedeng
lapitan ng tulong.

Maliwang na ba sa inyo ang kwento?

May katanungan pa ba?

Lubos na ninyong nauunawaan ang teksto.

IV. Pagtataya
Panuto: sumulat ng 3 hanggang 5 na pangungusap tungkol sa tanong na nakalaan

“bilang isang kabataan sa bagong henerasyon, paano mo kaya matutulongan si


Pangulong Marcos para maibsan ang kahirapan at mabawasan ang mga batang di
makapag-aral?”.

V. Takdang-aralin
Gumawa ng isang tula na ang paksa ay “MGA BATA SA KUMONIDAD”.S

You might also like