You are on page 1of 102

INSTABRIGHT e-GAZETTE

ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
PAGBUO NG GABAY SA SULATING PANANALIKSIK SA
SENIOR HIGH SCHOOL
Alvin Pricas Metrillo
Guro sa Filipino
0912-103-2059 / 0945-678-9811
alvin.metrillo@deped.gov.ph

Lagom:

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo ng gabay sa sulating pananaliksik sa


Senior High School.
Nakatuon din ito sa pagtukoy sa antas ng kahandaan sa gawaing pananaliksik mula
sa pagpili ng paksa hanggang sa pagbuo ng lagom, konklusyon at rekomendasyon. Gayundin,
nilayon ng pag-aaral na matukoy ang kabuuang antas ng kahandaan at suliraning
nararanasan ng mga mag-aaral sa sulating pananaliksik.
Gumamit ang mananaliksik ng Descriptive Survey Research Design. Ang
talatanungan ang pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos at pagkuha
ng mga impormasyon upang malaman ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa sulating
pananaliksik sa Senior High School sa Distrito ng Mataasnakahoy. Nagsagawa rin ng focus
group discussion (fgd) at pakikipanayam ang mananaliksik upang masusing mailahad ang
kabuuang antas ng kahandaan sa ginawang pagtataya ng mga guro. Ang kabuuang bilang
ng mga kalahok sa pag-aaral ay 134 na mga mag-aaral mula sa strand ng Science,
Technology, Engineering and Mathematics (STEM) at Accountancy, Business and
Management (ABM) at 22 mga guro na nagtuturo ng pananaliksik sa senior high school sa
Distrito ng Mataasnakahoy.
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, ang kabuuang antas na kahandaan ng mga mag-
aaral sa gawaing pananaliksik ay may sapat na kahandaan. Samantalang mabigat na suliranin
naman ang nararanasan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng sulating pananaliksik. Dahil dito,
ang mananaliksik ay bumuo ng gabay sa pagsulat-pananaliksik na magagamit ng mga guro
at mag-aaral upang madaling maisagawa at mapaunlad pa ang pagbuo ng nasabing gawain.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Inirerekomenda ng mananalikisk na isailalim sa rebyu ang binuong gabay sa pagsulat-
pananaliksik at gamitin ang awtput na binuo sa pagtuturo ng pananaliksik. Magsagawa ng iba
pang malalim na pagsusuri o pagtataya at pahalagahan ang kultura ng pananaliksik.
Iminumungkahi rin ang pagsasagawa ng kaugnay na pag-aaral na nakatuon naman sa
pagsusuri ng nabuong pananaliksik (research output) ng mga mag-aaral gamit ang rubrik sa
pananaliksik.

KABANATA I
ANG SULIRANIN
Panimula
Patuloy ang pagsulong ng kaalaman at kakayahan ng tao kaya patuloy ring umuunlad
ang bansang kinabibilangan nito. Ang pagtuklas ng natatagong karunungan ay higit na
nakatutulong upang maging maginhawa ang buhay at pamumuhay ng mga tao. Nagsisimula
ito sa pamilya na bahagi ng lipunan kung saan nagmumula ang iba’t ibang karanasang
nagpapatibay ng katangian at taglay na isipan sa bawat aspeto ng buhay. Habang sa paaralan
naman nililinang ang mga talentong mayroon ang bawat isa upang matamo ang inaasam na
kaunlaran.
Natutugunan ang pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng pagtuklas ng iba’t
ibang mga kaalaman at mga bagay na nagsisilbing batayan ng pag-unlad. Ito’y nagsisimula
sa pag-iisip, pagtatanong, pagbabasa at pananaliksik tungkol sa mga bagay na nais bigyang-
linaw. Sa pamamagitan ng mga natamong ideya, maliit man o malawak, natututunan ng tao
ang pumasok sa mundo ng pananaliksik. Ang gawaing ito ang lumilinang sa kakayahan ng
tao upang madagdagan ang kaalaman tungkol sa iba’t ibang bagay.
Sa kaliwa’t kanang usapin, hindi nawawala sa isip kung paano nabuo ang isang bagay
na dahil sa natural na likha ng kapaligiran o pagpapalang bigay ng Diyos, napahahalagahan
ang lahat ng kanyang kaloob. Anumang bagay ang nakikita at nadarama ng puso’t isipan, ito
ay nagbibigay ng palaisipang namumukod tangi kung saan nagmula ang mga bagay na
mayroon tayo ngayon. Dahil sa kakaibang bagay na hindi maipaliwanag, tila isang tuksong
umaakit at kumikiliti sa isip ng tao ang pagsasagawa ng pananaliksik tungo sa pagtuklas.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Upang matuklasan ang nakatagong kaalaman na maaaring ang sinuman ay
nagmamay-ari nito, nagbibigay-liwanag ito na sumisimbolo sa pag-asa na ang bawat bagay
ay may katumbas na paliwanag. Ipinauunawa nitong hindi lahat ng pintong nakakandado ay
hindi bukas para sa lahat sa halip, nagsisilbi itong hamon sa bawat isa na ang susi ay nasa
kamay lamang at naghihintay sa pagtanggap upang makadaupang palad ang hamon para sa
lahat, ang gawaing pananaliksik.
Isang pangkaraniwang gawain sa paaralan ang pananaliksik bilang pangangailangan
sa isang larangan o disiplinang pipiliin. Ang pagbuo nito ay maituturing na paghahanda sa
kursong kukuhanin ng mga mag-aaral na kalaunan ay kanilang kabibilangan. Isa rin itong
pagsasanay sa siyentipikong pagdulog sa paglutas ng mga suliranin sa makatotohanang
larangan na tinatawag nating buhay. Sa kabilang banda, hindi maiiwasan ang pagkakaroon
ng negatibong pananaw tungkol sa pananaliksik. Subalit kung titimbangin at isasaalang-alang
ang kagalingang dulot, hindi malayong ang hinahangad na matiwasay at kaaya-ayang
pamumuhay ay mararating ng bawat isa.
Kaalinsabay ng panawagan ng globalisasyon na ang hangarin ay pag-unlad, sumagot
ang Pilipinas bilang pagtalima sa pagkakaroon ng malaking pagbabago sa sistema ng
edukasyon at ito ay ang kurikulum na K to 12 na ang hangarin ay sa lalong ikauunlad ng mga
Pilipino at bansa nito. Upang matugunan ang hangaring ito, ibinilang sa mga asignaturang
itinakda ang gawaing pananaliksik sa larangan ng akademya na kasalukuyang ipinatutupad.
Ito ang isang gawain o asignatura sa Junior at Senior High School na kailangang pag-aralan
sapagkat ang unang layunin nito ay mapabuti ang kalidad ng buhay ng tao.
Sa kasalukuyan, dala ng mabilis na pag-unlad ng agham at teknolohiya, hindi
maitatatwa na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng pananaliksik. Maituturing itong
susi ng kaunlaran sa halos lahat ng larangan ng buhay, maging sa pamahalaan,
pangangalakal, edukasyon, komersyo at lahat ng uri ng industriya. Dapat pagtuunan ng
panahon at atensyon ang pananaliksik upang ang minimithing pagbabago ay tuluyang
magtagumpay. Ang mga tao sa akademya tulad ng mga mag-aaral sa antas tersarya at
paaralang gradwado ang higit na inaasahang matuto nito sa kadahilanang maglilingkod sila
sa iba-ibang larangan o gawain, sa pamahalaan o pribadong sektor, sila ang higit na
inaasahang makapagsasagawa ng kinakailangang pananaliksik (Mendoza at Romero, 2007).
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Kaugnay nito, ang pananaliksik ay isang pangangailangang akademiko na tumutulong
para sa mabilis na pag-unlad at sumisimbolo sa kaalaman ng iskolastikong pananaw. Ito ang
isa sa mga gawaing pangmag-aaral na nangangailangan ng sipag, tiyaga, dedikasyon at tatag
ng loob upang mapagtagumpayang matapos. Isang katotohanan na ang maunlad na bansa
sa larangan ng akademya ay bukas ang isipan sa kahalagahan ng pananaliksik. Ang Pilipinas
ay nagsimula sa ganitong gawain, kaalinsabay nito ang ideyalistikong simulain ng K to 12.
Itinakda ang simula ng pananaliksik sa Baitang 11 na ang mithiin ay mailantad ang mga mag-
aaral sa seryoso at kritikal na pangangalap ng impormasyon upang makilala ang kagalingang
dulot nito na makatutulong sa pagpapaunlad ng buhay at ng bansa sa kabuuan.
Masasabing mahirap na gawin ang pagbuo ng pananaliksik subalit ang paghihirap ay
may hatid na malawak na kaalaman at kaginhawaan. Nangangailangan ito ng kasipagan,
pagtitiyaga, pagiging tapat at isipang bukas sa katotohanan na saanmang dako tumingin, ito
ay laging nakaabang at nagbabadyang sumagi sa buhay ng indibidwal. Kung mapaninindigan
ang gawaing ito, hindi malayong makatulong sa komunidad at propesyong kinabibilangan
maging sa kapwa mag-aaral at makalilikha rin sila ng maganda at kawili-wiling samahan.
Bilang isang pangkaraniwang gawaing pangmag-aaral, marami ang nabibigla at
nagkakaroon ng takot kung paano gawin at buuin ang isang pananaliksik. Ang iniisip ng iba
ay pahirap at dagdag na gawain lamang na hindi batid ang kagalingang dulot nito. Sa kabilang
banda, nakatutuwang isipin na bagaman mapaghamon at mahirap ang pananaliksik, may mga
mag-aaral pa rin na nagnanais kumuha ng kursong may ganitong gawain. Dahilan upang
pagtibayin at buhayin ang unti-unting nawawalang interes sa pagbuo nito. Ang magandang
pangitaing ito ang nagpapatunay na ibaon man sa limot ang pananaliksik, pilit pa rin itong
isasagawa upang mapagtagumpayan ang paksa at mga tanong na nais sagutin. Taglay ang
tapang upang harapin nang hindi nagmamadali at may pag-asang ang inilatag na gawain ay
matatapos sa takdang panahon, hindi malayong ang pagsubok na ito ay malampasan.
Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa pagbuo ng pananaliksik ang isang
katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik. Ito ang magsisilbing sandata sa anumang
suliraning maaaring maranasan sa simula hanggang sa matapos ang nasabing gawain.
Gayundin, ang pagiging maingat sa pagpili ng paksa at mga datos o impormasyong ibibigay
ay kailangang pinag-isipang mabuti at binasa ng makailang beses. Ang paglalahad ng
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
interpretasyon at pagbibigay-patunay ay nangangailangan ng masusing pagsisiyasat upang
magkaroon ng maganda at tumpak na katibayan. Hindi maaaring pasinungalingan at
ipagsawalang bahala ang mga hakbang na dapat sundin upang matiyak na magiging maayos
ang daloy ng pagsasagawa nito. Hindi kailangang malimutan ng isang mananaliksik ang
pagiging sistematiko nang sa gayo’y hindi mahirapan sa umpisa pa lamang.
Hindi rin maikakaila na malaki ang pananagutan ng mananaliksik partikular sa mga
datos na kinakalap upang maging malaman at makatotohanan. Sa bawat ideya at
impormasyon, may kaakibat itong pagkilala, munti man o malaki ang naiambag. Ito ang
pagpapakita ng respeto at katapatan hindi lamang sa sarili kundi sa pinaghanguan ng mga
datos. Ang karampatang pagtatala ng anumang hiniram o nabasang ideya ang tuon upang
masabi na hindi isang pagnanakaw ang binuong pananaliksik. Sapagkat, hindi maituturing na
matibay o malakas ang isang pananaliksik kung ito ay may pagkukubli o anumang uri ng
pagtatago at pagkiling sa ideya at kaalaman.
Sa bagong kurikulum ng senior high school, kinikilala ang kahalagahan ng
pananaliksik bilang bahagi ng paglinang ng kaalaman ng mga mag-aaral sa makaagham na
pagtuklas ng mga datos at mga kailangang kasanayan sa higit na mapaghamong antas ng
pag-aaral. Ayon sa ipinalabas ng deskripsyon ng kurso para sa asignaturang Pagbasa ng Iba’t
Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, inilalahad ang masusing pagsasagawa ng pag-aaral
tungo sa pananaliksik, kalikasan, gamit at paggamit ng wikang Filipino sa mga sitwasyong
komunikatibo at kultural sa lipunang Pilipino. Ito ay nagpapahayag ng pagbibigay-halaga sa
gawaing pananaliksik.
Dahil sa katotohanang naranasan ng mananaliksik bilang guro sa asignaturang
pananaliksik, naglakas-loob na pag-aralan ang pagbuo ng sulating pananaliksik. May layuning
makatulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng interes sapagkat nakita ng mananaliksik na
nakadarama sila ng takot, alinlangan at kawalan ng pag-asa upang isakatuparan ang gawaing
ito. Ang kakulangan ng kagamitan sa pagtuturo gaya ng gabay ng mag-aaral tungkol sa
gawain ay isang malaking hamon upang makabuo nito. Sa puntong ito, hangad ng
mananaliksik na makapag-ambag sa larangan ng pagtuturo ng kagamitang lubos na
makatutulong sa pagtuturo ng mga guro at sa pagkatuto ng mag-aaral. Gayundin, binigyang-

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pansin ang proseso sa pagbuo ng sulatin sa senior high school upang makatulong na mabago
ang nararamdaman at pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay bumuo ng gabay sa sulating
pananaliksik para sa Senior High School.
Nilalayon din ng pag-aaral na sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa sumusunod na gawaing
pananaliksik ayon sa mga guro:
1.1. pagpili ng paksa;
1.2. paglalahad ng tentatibong balangkas;
1.3. pagsulat ng literaturang konseptwal at kaugnay na pag-aaral;
1.4. paggamit ng instrumento sa pangangalap ng datos;
1.5. pagpili at pag-aanalisa ng angkop na istadistika;
1.6. paghahanay ng mga datos at pagbibigay-interpretasyon; at
1.7. pagbuo ng lagom, konklusyon at rekomendasyon?
2. Ano ang kinalabasan ng kabuuang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral ayon sa
mga guro?
3. Ano ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa sulating pananaliksik?
4. Gamit ang nakalap na datos, anong gabay sa sulating pananaliksik ang nabuo?

Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral ay sumasaklaw sa pagbuo ng gabay sa sulating pananaliksik para sa
mga mag-aaral ng senior high school. Nakasentro ang pag-aaral sa pag-alam ng antas ng
kahandaan ng mga mag-aaral sa pananaliksik at sa mga suliraning kanilang nararanasan sa
gawaing ito. Saklaw rin ng pag-aaral ang mga gurong nagtuturo ng pananaliksik at mag-aaral
bilang kalahok o respondente mula sa mga paaralang senior sa Distrito ng Mataasnakahoy.
Ang mga mag-aaral bilang kalahok ay nasa strand ng Science, Technology, Engineering and
Mathematics (STEM) at Accountancy, Business and Management (ABM), samantala, ang
mga gurong kalahok naman ay nagtuturo ng pananaliksik sa Baitang 11 at 12.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Hindi saklaw ng pag-aaral ang iba pang tekstong pinag-aaralan sa pananaliksik.
Gayundin, hindi kasama bilang kalahok sa pag-aaral ang mga gurong hindi nagtuturo ng
pananaliksik na nagtuturo sa parehong baitang at mga mag-aaral na nasa ibang strand ng
Humanities and Social Sciences (HUMSS) at General Academic Strand (GAS) at Technical-
Vocational-Livelihood (TVL).
Limitado ang pag-aaral sa 134 mag-aaral na kumukuha lamang ng asignaturang
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik at 22 mga gurong
nagtuturo ng pananaliksik sa senior high school sa Distrito ng Mataasnakahoy.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na isinagawa sapagkat
malaki ang maitutulong nito sa pananaliksik para sa mga mag-aaral at guro ng senior high
school. Ito ay makatutulong sa malalimang pagtingin sa pananaliksik at magdudulot ng
malaking kapakinabangan sa mga manunulat ng aklat sa pananaliksik, sa pamunuan ng mga
senior high school, sa mga guro, sa mga mag-aaral at sa susunod na mga mananaliksik.
Para sa mga manunulat ng aklat sa pananaliksik, magsisilbing batayan ang resulta ng
pag-aaral upang makabuo ng espisipiko at tuwirang pagtalakay tungkol sa gawaing ito.
Magkakaroon din sila ng ideya kung ano ang dapat pang bigyang-pansin sa pagbuo ng sulatin
upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa gawain.
Para sa pamunuan ng mga senior high school, ang pag-aaral na ito ay higit na
makatutulong upang iangat ang kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa pananaliksik sa
pamamagitan ng nabuong gabay sa gawain o asignaturang ito. Makatutulong din ito hindi
lamang sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
manapa’y sa iba pang asignatura na may kinalaman sa pananaliksik.
Para sa mga guro, matutulungan sila upang mapadali ang pagtuturo sa pagbuo ng
sulating pananaliksik sa pamamagitan ng resulta ng pag-aaral. Kailangan ng mga gabay para
sa wastong proseso at pamamaraan sa pagtuturo tungo sa madaling pagkatuto. Mapag-iibayo
nila ang kanilang pagtuturo kapag may wastong gabay na magagamit sa pagtuturo at
pagsusulat ng mga mag-aaral na makapupukaw sa interes at makalilinang sa kanilang
kakayahan sa pananaliksik.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Para sa mga mag-aaral, ang resulta ng pag-aaral ay makatutulong sa kanila upang
mapadali ang pagkatuto at makasunod nang wasto sa proseso at pamamaraan sa pagsulat.
Mabibigyang-linaw rin ang mga katanungan na may kinalaman sa pananaliksik at magsisilbi
itong batayan sa mas malawak na kaalaman at pagpapahalaga sa kultura ng pananaliksik.
Para sa susunod na mga mananaliksik, magsisilbing batayan ang pag-aaral na ito sa
patuloy na pagtuklas kung paano buuin ang sulating pananaliksik sa senior high school.
Maaari din itong maging hanguan para sa ibang kaugnay na pag-aaral na may kaparehong
paksa. Gayundin, magsisilbi itong manuskrito na makatutulong upang makabuo ng
panibagong ideya at konsepto para sa susunod nilang pag-aaral lalo’t higit sa gawaing
maaaring gamitin sa iba pang araling may kaugnayan sa pagbuo ng sulating pananaliksik.

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Inilalahad sa kabanatang ito ang literaturang konseptwal at mga kaugnay na pag-


aaral, sintesis, balangkas teoretikal, balangkas konseptwal at depenisyon ng mga termino na
naging mahalaga sa pagbibigay-linaw sa isinagawang pag-aaral.

Literaturang Konseptwal
Ang pananaliksik na isinagawa ay nakatuon sa pagbuo ng gabay sa pagsulat ng
sulating pananaliksik. Sa pamamagitan ng masusing pagbabasa ng mga babasahing may
kinalaman sa pananaliksik at malawakang pangangalap ng mga impormasyon, inaasahang
ito ay lalong makapagbibigay-halaga sa pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-
aaral sa asignaturang pananaliksik.
Kahandaan sa Sulating Pananaliksik. Maituturing na panimulang hakbang sa
pananaliksik ang malawakang pagbabasa sa pagkuha ng mga datos o impormasyon.
Nadaragdagan ang ideya sa posibleng maging pokus ng pag-aaral at kung paano
payayamanin ang pagtalakay. Kung naging kapaki-pakinabang ang impormasyon, kuhanin ito
at itala ang pinaghanguan. Kung isang aklat, kuhanin ang pamagat ng aklat, ang may-akda at
pahina kung saan matatagpuan, petsa ng paglalathala at ang naglathala. Itala ang pamagat
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
ng artikulo, ang may-akda, kailan naisulat, ang web address at kung kailan nakuha ang
impormasyon mula sa website kapag may impormasyong hango sa internet (De Castro at
Taruc, 2010).
Isang makabuluhang gawain ang pagsasagawa ng pananaliksik kaugnay ng
pagsisiyasat at paglikom ng mga datos o impormasyon. Sa pamamagitan ng pagtatanong at
obserbasyon, natututunan ang mga bagay na humahantong sa kaalaman. Natutugunan nito
ang mga suliraning naghahanap ng solusyon. Masasabing ang lahat ng bagay ay may
katumbas na paliwanag sa pananaliksik. Kailangan ng kahandaan ang pagsasagawa ng
pananalikisik sapagkat nagkakaroon ng ideya ang tao dahil sa kuryosidad kung kaya hindi
malayong dahil sa pananaliksik ay umunlad ang bansa.
Binigyang-diin nina Cruz et al., (2013) ang mga babasahin o literaturang kaugnay ng
paksa ng pananaliksik at ang mga pag-aaral. Sa mga naunang pag-aaral, kailangang matukoy
ang mga layunin, disenyo at resulta ng pag-aaral. Ipinababatid ang kasalukuyang kalagayan
ng kaalaman kaugnay ng paksang tinatalakay. Samantala, kailangang ang pag-aaral at
literaturang isasama at tatalakayin ay mga bago at nailimbag pa sa loob ng huling sampung
taon. Mas mainam na gumamit ng mga pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan. Ang
pagtiyak sa gagamiting materyal ay maituturing na pagiging obhetibo o walang pagkiling at
nauugnay sa pag-aaral. Tiyakin din na sapat ang dami ng isasamang literatura at pag-aaral.
Si Marquez Jr., at Garcia (2011) ay may talakay rin sa pagsasama ng literaturang
konseptwal at pag-aaral. Isinasaalang-alang dito ang mga binasang aklat, dokumento, artikulo
at iba pang sanggunian na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ipinahahayag dito
ang ideya ng bawat may-akda at ang apelyido lamang ng may-akda ang isinusulat matapos
ang pahayag karugtong ang taon ng pagkalimbag ng pinagkunang sanggunian. Binubuo
naman ng mga kaugnay na pag-aaral ang isa pa ring mahalagang bahagi mula sa mga mga
binasang tesis at disertasyon na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ipinakikilala rin
dito ang mga may-akda ng mga sangguniang ginamit maging ang taon ng pagkakalimbag.
Matapos ilahad ang kaugnay na literatura at pag-aaral, kasunod nito ang sintesis na
nagsasaad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral sa mga naunang pag-
aaral. Binabanggit dito kung ano ang pagkakatulad at ang pagkakaiba ng dalawang pag-aaral
batay sa mga inilahad na kaugnay na pag-aaral.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Ang pangangalap ng datos ayon kina Bernales et al., (2016) ay magiging sistematiko
sapagkat nakaayos ang balangkas ng paksang sasaliksikin. Mapadadali rin ang pagsasagawa
nito sapagkat matutukoy ang mga posibleng sanggunian at instrumento. Sa pangangalap ng
datos, maaaring isagawa ang pakikipanayam at sarbey. Isang uri ng pasalitang diskurso ang
pakikipanayam na maaaring kasangkot ang dalawang tao o isang pangkat at indibidwal. Bago
ganapin ito, masusing paghahanda ang isinasagawa at maaaring itakda ito depende sa
aveylabiliti ng dalawang panig. Sa pagsulat ng pananaliksik, ito ay isang
napakamakabuluhang paraan ng pagkuha ng mga impormasyon. Itinuturing din ito na
mabisang paraan ng pagbe-verify ng mga impormasyong nakalap at isang pagkakataon
upang maapdeyt ang mga nakalap tungkol sa makabagong pag-unlad hinggil sa isang tiyak
na larangan o paksa na maaaring hindi pa nailalathala.
Mahalagang pag-aralang mabuti ang magiging paksa sa pagsulat ng pananaliksik
upang makabuo ng mahusay na layunin. Ang mga layunin ang magsisilbing gabay sa
manunulat kung paano gagawing mas komprehensibo ang isusulat. Ito ang mga hakbang na
kailangang isagawa upang masagot ang mga tanong tungkol sa paksa. Kaugnay nito, may
dalawang bahagi ang layunin: ang pangkalahatan at tiyak na mga layunin. Sumusukat sa
kabuuang larawang nais gawin ng manunulat ang pangkalahatang layunin. Kailangang ito ang
unahing buuin bago himay-himayin upang matukoy at matiyak ang layunin ng pananaliksik.
(https://www.filipinoscribe.com/pananaliksik101/pagpili-ng-paksa/, 2016)
Hindi madaling gawin ang pamimili o paghahanap ng paksa o suliraning sasaliksikin.
Ang paksa ang pinakasentral na ideya na komokontrol sa takbo ng isasagawa o
isinasagawang paksa. Ayon kina Astroga at Nucasa (2010), piliin ang paksang hindi masaklaw
para hindi maging hadlang ang limitasyon ng panahon. Ang paksang pampananaliksik ay
kailangang matatapos sa takdang panahong sakop ng pag-aaral. Kailangang isaalang-alang
kung ano ang edad ng populasyon o tagatugon na gagamitin sa paksang pag-aaralan upang
magkaroon ng direksyon at maging obhetibo ang resulta ng pananaliksik. Nakaaapekto ang
kasarian sa resulta ng pananaliksik. Kailangang matiyak ang mga kasarian ng populasyong
gagamitin sa isasagawang pag-aaral. Tukuyin ang pangkat na kinabibilangan ng populasyon
kung ito ay mga mag-aaral, bata, matanda, walang hanapbuhay, may hanapbuhay at ang
kalagayang pang-ekonomiko ng mga taong pinatutungkulan sa pag-aaral.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Ipinahayag naman ni Jocson (2016) na sa bawat galaw ng mag-aaral, saan man siya
bumaling, tila nakangiting nag-aanyaya ang kapaligiran upang magsagawa ng pananaliksik.
Napakagandang matuto ng mga dapat para sa isang pananaliksik. Magkaugnay na paksa ang
wika at kultura para sa isang pananaliksik. Bilang isang mag-aaral, tatanggaping isang hamon
ang ganitong uri ng gawain. Dagdag pa, ang pananaliksik ay isang akademikong gawain kung
saan nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na mapalawak ang karanasan,
maragdagan ang mga kaalaman, at higit sa lahat maging kapaki-pakinabang sa kanyang
sariling pag-unlad. Nagiging madali ang gawaing ito sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang
ng mga sakop batay sa panahon, edad, kasarian, propesyon o pangkat na kinabibilangan,
anyo o uri, at lugar.
Habang isinaad naman ni Madrona (2016) na dapat na may kaugnayan ang paksang
pipiliin sa disiplina, personal o strand na kinabibilangan. Dahil dito, magiging madali at
magkakaroon ng paunang kaalaman tungkol sa paksang nais saliksikin. Gayundin, sikapin ng
mananaliksik na magkaroon ng interes sa kanyang pipiliing paksa sapagkat magiging madali
para sa kanya ang pangangalap ng datos kung ito ay naaayon sa kanyang kawilihan.
Nagkakaugnay naman ang sinabi nina Bernales et al., (2009) sa nauna. Aniya, ang
ilang konsiderasyong dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang pampananaliksik ay ang
mga sumusunod: Kailangang ito ay may kasapatan sa datos kung saan ang pagkakaroon ng
sapat na literatura tungkol sa paksang pipiliin ay mahalaga. Kung mangilan-ngilan pa lamang
ang mga magpagkukunan ng datos, magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik.
Ang gawaing ito ay para sa isang semestre lamang. Kung kaya, ang limitasyon ng panahon
ay magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa.
Sa kabilang banda, may mga paksa na kailangan ng paghahanda para sa mahabang
panahon na higit pa sa isang semestre. Humahantong ang gawaing ito sa walang kabuluhan
kung ukol sa isang paksang walang katuturan o kabuluhan. Kailangang pumili ng paksang
hindi lamang napapanahon, piliin ang paksang hindi lamang mananaliksik ang makikinabang,
piliin ang paksang pakikinabangan ng marami. Dagdag pa nila, kung ang paksa ay naayon sa
kawilihan ng mananaliksik o interes, magiging madali para sa kanya ang pagsasagawa nito.
Hindi kailangang pilitin ang sarili sa pananaliksik kung ang gagawin ay tungkol sa bagay na
hindi niya gusto.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Nakapokus naman ang ideya nina Atanacio et al., (2016) sa pananaliksik sa bahagi
ng pagsulat ng tentatibong balangkas. Layunin nitong makagawa ng isang kongkreto at lohikal
na pagkakasunod-sunod ng mga ideyang kasama sa sulating pananaliksik. Kailangan ito
upang makabuo ng isang organisadong sulatin. Ang pagsasama ng mahahalagang datos ay
makatutulong upang ang pananaliksik ay mapatibay. Ang tatlong pangunahing bahagi nito ay
kailangang ilakip tulad ng panimula, katawan at konklusyon. Inilalahad sa panimula ang tesis
na pahayag at ang layunin ng pananaliksik. Ipinaliliwanag ang pangunahing kaisipang nais
bigyang-diin at kung bakit ang mga mambabasa ay mahihikayat na basahin ang sulatin. Sa
katawan inilalagay ang mga argumento na magsisilbing pansuporta sa tesis na pahayag.
Mainam na humanap ng tatlong argumento na susuporta sa bawat posisyong nais patunayan.
Sa pamamagitan naman ng paghahawig o paraphrasing, inilalahad ang tesis na pahayag. Ito
ang magiging buod ng argumento at sa bahaging ito ipinahahayag ang dahilan kung bakit
nakabuo ng argumento.
Ipinahayag ni Villaruel (2012) na mahalagang isaalang-alang at malaman ng isang
mananaliksik ang pag-uugnay ng mga ideya . Dito’y mahalaga ang paggamit ng transisyunal
na pananalita sa pagkakawing-kawing ng mga ideya at kaisipan. Ito ay ang pag-uugnay ng
mga salita, parirala at pahayag sa loob ng mga pangungusap, talata at komposisyon. Sa
pamamagitan ng paggamit nito, nagiging malinaw ang mga kaisipang nais iparating sa sulatin.
Pinagsasama-sama nito sa paraang lohikal ang mga pangungusap sa talata na nagiging
matibay ang pag-uugnayan sa bawat isa. Sa katunayan, napakayaman ng wikang Filipino sa
mga transisyunal na pananalita.
Isa pa ring dapat isipin sa pagsulat ng sulating pananaliksik, na dapat isaaalang-alang
upang makapagsulat nang maayos ay ang mahusay na paggamit ng wika at tamang
mekanismo sa pagsulat. Isa sa mga halimbawa nito ay ang wastong pagtatalata.
Maisasakatuparan ito kung gagamitin ang mga sumusunod na pagpapalinaw ng mga ideya,
pagbibigay ng halimbawa, mungkahi o payo, paggamit ng katwiran, pagkakatulad at
pagkakaiba sa ibang konsepto o bagay, pagbanggit ng mga pananaw ng mga dalubhasang
tao at iba pa. Layunin nitong magkaroon ng kumpletong kaisipan sa bawat talata ng
isasagawa o isinasagawang pananaliksik.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Kaugnay nito, isinasaayos ang mga naiwaksing ideya sa isang organisadong
pamamaraan. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagbabalangkas na maaaring gawin sa
paraang deduktibo o induktibo. Matapos gawin ito, kinakailangang mangalap ng datos na
susuporta sa mga kaisipan at maaari nang gumawa ng balangkas kapag kompleto ng lahat
ang mga impormasyong kailangan. Ang unang pagtatangka sa pagsulat ay tinatawag na draft.
Pagkatapos gawin ito, basahin at iwasto ang pagkakaayos ng mga ideya o kaisipan sa
pamamagitan ng pagrerebisa at pag-eedit kung saan itinatama ang istruktura ng wikang
ginamit. Kapag naitama na ang mga pagkakamali at naisulat nang muli, isa na itong
manuskrito (final copy) matatawag (Nuncio et al., 2014).
Dagdag pa rito, ang sinabi nina Mangahis et al., (2008) na napakahalaga ng balangkas
sa pananaliksik. Ito ang nagsisilbing gabay sa daloy ng mga bahagi ng sulatin. Ang balangkas
na papaksa at balangkas na pangungusap ang karaniwang ginagamit. Samantalang, ang
pangwakas na balangkas ay maaaring ang dating tentatibong balangkas o maaaring
panibangong balangkas na siyang gabay upang maisulat ang unang burador. Kailangang
batay sa impormasyong nakalap ang burador na nagtataglay ng datos sa isang isyu o usapin
at dapat na walang papanigan ang mananaliksik. Upang magsaad ng pormalidad, ginagamit
ang ikatlong panauhan sa pagsulat maliban na kung kailangang isalaysay ang naging
karanasan ng mananaliksik.
Sa katunayan, ilan sa mga transisyunal na pananalita ay ginagamit sa pagpapahayag
ng pananaw, ng kondisyon, ng bunga o kinalabasan, ng pagdaragdag at pagbibigay ng
halimbawa. Gayundin, kabilang dito ang pagpapahayag ng sabay na kalagayan o pangyayari,
ng hindi pagsang-ayon, pagsang-ayon at hindi ganap na pagsang-ayon, ng pagbabago ng
paksa o tagpuan, ng salungatan at marami pang iba. Samakatuwid, ginagamit ito upang
maging maayos ang daloy ng sulatin.
Ang literaturang konseptwal ang isa sa mga mahalagang bahagi ng sulating
pananaliksik. Ang paggamit ng mga dyornal, tesis, disertasyon, aklat, magasin at iba pang
babasahin na mapaghahanguan ng mga impormasyon, teorya at iba pa ay lubhang mahalaga.
Ang maayos na paghahanay nito ay nakatutulong sa pagpaplano ng paksang pag-aaralan.
Maaaring sa paraang kronolohikal ang sistema ng pagkakaayos. Inihihiwalay ng mananaliksik
ang lokal na sanggunian sa mga dayuhang sanggunian at nakabukod ang mga tesis at
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
disertasyon sa mga aklat. Sa pagkalap ng mga impormasyon, sikaping makabago at
napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik. Ang mga gagamiting
sanggunian ay dapat na may kaugnayan sa paksa at sa kabuuan ng pananaliksik. Kailangan
ding makatutugon ang sapat na bilang ng mga sanggunian sa paksang pag-aaralan (Alejo et
al., 2005).
Sa kabilang banda, ganito naman ang naging pagtalakay nina Cruz et al., (2010) sa
paggamit ng instrumento sa pangangalap ng datos. Kaugnay ng suliranin, pinakamabuting
paraan sa pagtatamo ay ang obserbasyon sa mga nagaganap na pangyayari.
Kinasasangkutan ito nang masusing pagmamasid ng mananaliksik sa aktwal na sitwasyong
pinag-aaralan. Sa paraang ito, inilalatag ang balangkas sa gawain ng obserbasyon na
nakabatay sa mga nilalayong isagawa sa mga datos gayundin sa kung ano at sino ang
paglalapatan ng pamamaraan. Isinasaalang-alang din ang ugnayan ng mga kalahok at mga
tala ukol sa tagamasid, mga gagawing pamamaran sa pagmamasid. Kaangkla rin ng gawaing
ito ang pagbabalangkas ng mga instrumento na gagamitin sa pagsasakatuparan ng gawain.
Isa pang pamamaraan sa pangangalap ng datos at impormasyon ang malinaw na
tinalakay nina Nuncio et al., (2015) ang focus group discussion (fgd). Ang talakayang ito ay
kadalasang binubuo ng 6 hanggang 15 kalahok upang makuha ang opinyon, karanasan at
ideya ng mga kalahok, ito ay ginagamit. Sa pagpili ng mga kalahok, maaaring gumawa ng
pamantayan na may kaalaman sa paksang tatalakayin at mga tanong. Ang paksa ng
talakayan ay nakatutok sa mga tanong na sasagutin ng mananaliksik sa pag-aaral. Sa
pagsasagawa nito, ang mga tanong na dapat sagutin sa pag-aaral ay kailangang balikan.
Upang maging maayos ang daloy, ang mga pangunahing tanong ay isinusulat subalit hindi
dapat na sinasagot lamang ng simpleng oo o hindi. Samakatuwid, kailangang may pare-
parehong background at interes ang mga kalahok tungkol sa paksa.
Kung ang pag-aaral ay nangangailangan ng istadistika, ang pagsusuri ng mga datos
ay kailangan. Dapat ipaliwanag nang maayos kung paano susuriin ang datos pati na rin ang
haypotesis na patutunayan o kaugnay na dapat malaman. Ang pagpili at paggamit ng angkop
na istadistika ay isang mabisang paraan na gagamitin sa pag-aaral. Nangangailangan ito ng
isang maingat na paghusga sa pagpili ng paraan para sa pag-aanalisa ng mga datos. Ang
disenyo at anyo ng suliranin ay ang pangunahing batayan sa pagpili ng istatistikal na
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
metodong gagamitin. Bago isagawa ang pagpapasagot sa mga talatanungan, kailangang
kumunsolta ang mananaliksik sa istatistisyan at saykometrisyan upang masiguro kung
tamaang metodo at ang mga tanong sa ginagawang pag-aaral (Galang et al., 2007).
Ang istadistika ay bihirang magbigay ng isang simpleng uring oo o hindi bilang sagot
sa tanong. Sa lebel ng kahalagahang istadistikal (statistical significance), kadalasang
humahantong sa pagbibigay interpretasyon na nilalapat sa mga bilang at kadalasang
tumutukoy sa probabilidad ng isang halagang tiyak na di-tanggap na haypotesis na minsang
tinatawag na halagang-p. Ang isang pagkakaiba na mataas na mahalagang istadistikal ay
wala pa ring praktikal na kahalagahan ngunit posibleng angkop na magpormula ng mga
pagsubok para rito. Mas mabuting iulat ang mga interbal ng kompiyansa sa isang mas mabuti
at tumataas na karaniwang pakikitungo. Bagaman ang mga ito ay nililikha mula sa parehong
mga kalkulasyon gaya ng sa mga pagsubok ng haypotesis o mga halagang p, ang mga ito ay
naglalarawan ng parehong sukat ng epekto at kawalang katiyakan na pumapalibot dito.
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Estadistika#Mga_pamamaraang, 2017).
Sina Marquez Jr., at Garcia (2011) naman ay naglahad ng mga paraan sa pagbibigay-
halaga sa mga datos. Hindi nagiging makabuluhan ang pangangalap ng mga datos kung hindi
pag-uukulan ng sapat na pagpapahalaga. Upang makabuo ng tunay na anyo at larawan ng
makabuluhang babasahin, masusing paghihimay at lubos na pang-unawa sa mga nakalap na
datos ang dapat gawin. Ang mabuting pagsusuri sa mga akdang tuon sa pag-aaral ay
maaaring isagawa. Ang pagsisikap na maitala ang kahalagahan ng bawat elementong
sangkot sa kabuuan ay malaki ang maiaambag sa pagbibigay-halaga sa puntong sosyal at
moral na taglay gayundin ang kahalagahan nito.
Kaugnay nito, nalikom nang lahat ng mga datos, bubuo ng pamantayan sa pagsusuri
na maaaring gamitin sa mga susunod na may tuon sa mga tauhan, paksa, istilo ng pananalita,
tagpuan, ilustrasyon at pangyayari. Sa bahaging ito, gagamitan ng paglalarawan, pag-uugnay,
pagtanggi, interpretasyon, pagpapahalaga, paglalahat at pagtataya. Dito’y ipinaliliwanag kung
paano sinuri ang mga datos at kung ang pag-aaral ay nangangailan ng istadistika. Dapat din
na ilagay sa talahanayan ang mga nakalap na datos upang higit na maging malinaw ang
presentasyon nito.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Sa pagpapatuloy ng paglalahad ng bawat bahagi ng pananaliksik ay binigyang-diin ni
Reyes (2016) na isa sa pinakamahalagang bahagi nito ang presentasyon at interpretasyon
ng mga datos. Dito inilalahad ang mga resultang natuklasan sa pag-aaral. Ang mga tanong
na layong matugunan ng pananaliksik ay dito mismo sinasagot. Dahil sa naipakikita ng
mananaliksik ang kakayahang itanghal ang mga datos na nakalap sa sistematikong paraan,
gagawin ang malalim na pagsusuri upang mapalutang ang kabuluhan o saysay ng mga ito.
Dito makikita ang mga bagong kaalamang maiaambag ng pananaliksik sapagkat sa bahaging
ito makikita ang mga pangunahing tanong sa pag-aaral. Nakabatay ang pagbibigay-
interpretasyong ito sa kung ano ang sinasabi ng mga datos at hindi gawing labis, sa puntong
sinusubukan ng mananaliksik na basahin ang isip ng mga kalahok sa pag-aaral.
Isa namang pagtalakay ang binuo ni Pacay III (2016) tungkol sa haypotesis na
pinakalohikal o pinakamakatuwirang mga palagay. Ang bahaging ito ang pinatutunayan,
pinatitibay, sinususugan o pinasusubalian. Ang haypotesis ay may iba’t ibang uri gaya ng
haypotesis na deklaratibo, prediktibo, patanong at null. Ang haypotesis na deklaratibo ay kilala
sa tawag na direksyunal na haypotesis. Ito ay isang batayang uri na nakatuon sa paglalahad
ng positibong ugnayan ng dalawang salik sa pananaliksik. Ang unang salik o bahagi ay sanhi
at ang pangalawa bilang bunga.
Kaugnay ng pagbibigay ng isang kondisyonal na sitwasyon sa paksa ang haypotesis
na prediktibo. Dito matutukoy at masusuri matapos isakatuparan ang panukala o
rekomendasyon ng pananaliksik. Maaari namang magsilbing haypotesis na patanong ang
mga lohikal na tanong na inilahad sa pananaliksik. Ang kahalagahan at sagot sa mga
patanong na ito ay masusuri sa pagtatapos ng gawain. Tinutukoy sa haypotesis na null na
walang indirektang umiiral sa mga salik na naitala kaugnay ng problemang pinapaksa ng
pananaliksik. Madalas itong ginagamit sa kwantitatibo o sa isang tiyak na istadistikal na
pagsusuri.
Maidudugtong naman dito ang mga ideyang tinalakay nina San Juan et al., (2007) na
ang bahaging ito ay mahalaga sapagkat dito masasagot ang lahat ng mga tiyak na
katanungan na nasa unang kabanata sa ilalim ng paglalahad ng suliranin. Ipinaliliwanag ito
sa pamamagitan ng paglalagay ng mga datos sa talahanayan. Nagbibigay-diin ito sa mga
makahulugan at ‘di makabuluhang resulta o kinalabasan. Dito’y tinutukoy, nabibigyang
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
paliwanag at interpretasyon ang mga pangunahing datos. Sa ganitong paraan, tatalakayin
ang posibleng kalabasan at ang nakalap at nabasang mga datos ay maaaring ihambing at
pagtibayin bilang suporta sa pag-aaral. Gayunpaman, ang pagkakamali sa paghahanda ng
talahanayan na tumatalakay sa lahat ng nilalaman, makabuluhan man o hindi makabuluhan
ay dapat na iwasan.
Sa pananaliksik, tumutukoy sa proseso ng pag-oorganisa ng mga datos ang
presentasyon sa lohikal, sikwensyal at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa
isinasagawang interpretasyon at pag-aaral. Ito ay maaarinng nasa anyong tekstwal, tabular
at grapikal. Ang tekstwal na presentasyon ay gumagamit ng patalatang pahayag upang
mailarawan ang mga datos. Layunin nitong maituon ang atensyon sa mahahalagang datos at
magsilbing pansuporta sa presentasyong tabular at grapikal. Nagtataglay ito ng pagiging
kohirent, malinaw, tuwiran, maikli, lohikal, may kaisahan, may empasis, at wasto ang
gramatika (Wennie, 2012).
Isa pang pangangailangan sa pananaliksik ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman tungkol sa wika at tamang konstruksyon ng pangungusap. Ito ay kasangkapan para
sa malalimang pagkatuto at pag-unawa sa mga aralin. Makatutulong ito upang lalo pang
mapalalim ang pag-unawa sa mga aralin at sa paghahanda para sa mga pagsusulit o gawaing
pang-akademiko. Gayundin, sa pananaliksik mahalaga ring may kasanayan sa pagsulat,
nakasusunod sa tamang mekanismo upang ang anumang isusulat na makakalap na
impormasyon ay mabibigyan ng tamang pagbasa at pag-unawa (Julian et al., 2013).
Ito ang huling kabanata sa isang pananaliksik. Nakapaloob sa bahaging ito ang
pangkalahatang lagom ng buong pag-aaral, ang paglalahat na ipinakikilala sa pamamagitan
ng pagbibigay ng konklusyon at ang mga solusyon sa mga suliranin sa anyong
rekomendasyon. Sa lagom, isinasama ang buod ng paglalahad ng mga suliranin, haka-haka,
layunin, haypotesis, disenyo ng pag-aaral, paraan ng pagpili at mga kalahok, instrumentong
ginamit o gagamitin sa pangangalap ng datos, balidasyon ng instrumentong ginamit, paraan
ng pagpoproseso ng mga datos at istadistikang ginamit (Ulit, 2008).
Sa bahagi ng kinalabasan, nakapaloob dito ang mga resulta ng isinagawang pag-
aaral. Ito ay pinagsama-sama subalit malinaw na sumasagot sa mga inilahad na suliranin o
layunin ng pag-aaral. Dapat na samahan ng mga bilang, salitang istatistikal na sukat na
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pinaghabi-habi sa makabuluhang pangungusap. Dapat din na naayon sa presentasyon ng
mga suliranin o layunin ng pag-aaral. Hindi dapat na magbigay ng sariling hinuha sa bahaging
ito ng sulatin. Samantala, ang konklusyong ibinibigay ay naaayon sa kinalabasan ng pag-
aaral. Ito ay nakabatay ayon sa dami at pagkakasunod-sunod ng kinalabasan ng pag-aaral.
At sa huli ang konklusyon, ito ay dapat na tumpak at maayos na masagot ang mga
katanungang tinutukoy sa layunin ng pag-aaral. Kung ang mga katanungan ay hindi
malalapatan ng mga kasagutan, mawawalan ng kabuluhan ang pananaliksik. Dapat din na
matukoy ang mga napag-alaman sa inquiry. Hindi kailangang bumuo ng konklusyon batay sa
mga implayd o hindi direktang epekto ng mga datos o impormasyong nakalap. Gaya ng lagom,
ito ay maikli at tuwiran ngunit kailangang maihayag ang mga kailangang impormasyong
hinihingi ng mga tiyak at ispesipikong tanong. Iwasan din ang mga salitang nagpapahayag ng
walang katiyakan. Ang isang diwa na una nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang
maihayag sa ibang paraan na hindi pag-uulit ng kabuuang ideya. (http://wenn-
lagomkonkusyonrekomendasyon.blogspot.com, 2012)
Kaugnay nito, ang pananaliksik ay masusi sa bawat detalye at datos, at nag-uusisa sa
bawat katwiran bago lumikha ng angkop na kongklusyon. Ilan sa prosesong ito ang pagiging
mahusay na pagsisiyasat sa bawat ideya at katibayan na ilalahad sa proseso ng pagkalap ng
datos, pagtitimbang at pag-aaral ng datos na nakalap sa pamamagitan ng pagsusuri,
pagbibigay-linaw sa mga ideya o paksa na bagamat makabuluhan ay nangangailangan pa rin
ng karagdagang datos o impormasyon. Ang pananaliksik ay napasusubalian sa mga dating
pinaniniwalaan sa pamamagitan ng mga bagong datos na nakalap upang pagtibayin o
pabulaanan. Higit sa lahat, ito’y nagpapatunay sa mga haka-haka o sabi-sabi (Mangahis et
al., 2008).
Mga Bahagi ng Sulating Pananaliksik. Mula sa K to 12 Core Curriculum (2013),
sinasabing bubuo ang mga mag-aaral ng pananaliksik kaugnay ng penomenang kultural at
panlipunan sa bansa. Ang mabubuong pananaliksik ang magsisilbing pinal na awtput ng mga
mag-aaral. Nakapaloob din sa gabay ang pag-aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng
iba’t ibang anyo at uri ng teksto na nakatutulong sa pagbuo at pagsulat ng sistematikong
pananaliksik. Nararapat ding napapanahon ang mapipiling paksa sa gawaing ito bilang
paghahanda sa pagsulat ng gawain. Sa puntong ito, mahalagang bigyang-pansin ang mga
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
bahagi ng sulating pananaliksik upang maayos na maihanay ang bawat bahagi kasama ang
ideya, datos o impormasyong nakalap.
Tinalakay nina Bernales et al., (2016) ang mga bahagi ng sulating-pananaliksik at ang
nilalaman ng bawat isa. Ang pinakaunang pahina ng pananaliksik ay tinatawag na fly leaf 1.
Blangko ito na nangangahulugang walang sulat na kahit ano. Ang pamagating pahina ay
nagpapakilala sa pamagat ng pananaliksik. Nakalagay rito kung kanino ihaharap ang papel,
kung anong asignatura, kung sino ang mga mananaliksik at panahon ng komplesyon.
Kumukumpirma sa pagkakapasa at pagkakatanggap ng guro ang dahon ng pagpapatibay. Sa
pahina ng pasasalamat o pagkilala, tinutukoy ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pananaliksik. Nakaayos nang pabalangkas
sa talaan ng nilalaman ang mga bahagi at nilalaman ng pananaliksik kung saan nakatala ang
kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan. Bago ang katawan ng pananaliksik,
isang blangkong papel ang makikita na tinatawag na fly leaf 2.
Nahahati sa limang bahagi ang unang kabanata kung saan isang maikling talataang
kakikitaan ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik, ang panimula. Sa
bahaging ito inilalahad ang layunin ng pag-aaral ang pagkalahatang layunin o dahilan kung
bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy sa kahalagahan ng pag-aaral ang
kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang indibidwal, pangkat, tanggapan,
institusyon at disiplina. Sa saklaw at limitasyon tinutukoy ang simula at hangganan ng
pananaliksik. Itinatala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat
isa ay binibigyan ng kahulugan batay sa konseptwal at operasyunal na gamit. Ang
pagpapakahulugan ay maaaring konseptwal kung saan ibinibigay ang istandard na kahulugan
ng mga katawagan bilang mga konsepto at operasyunal naman sa pagbibigay-kahulugan
kung paano ginamit sa pananaliksik.
Samantala, ang ikalawang bahagi ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at
literatura. Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pag-aaral, babasahin o literaturang kaugnay
ng paksa ng pananaliksik. Mahalaga ang kabanatang ito sapagkat ang estado ng laman
kaugnay ng paksa ay ipinapaalam ng mananaliksik. Ang bahaging ito ayon kina San Juan et
al., (2009) ay isa sa mahalagang bahagi ng sulating pananaliksik. Ipinaliwanag nila kung
paanong ang pag-aaral ay nauugnay sa kanyang isinasagawang pananaliksik. Dahil dito, may
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pangangailangan na magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga nasulat na mga babasahin at mga
pag-aaral na may kaugnayan sa kasalukuyang isinasagawang pag-aaral. Isinasakatuparan
ito upang mapagaan ang pagbibigay-interpretasyon sa mga kinalabasan ng pag-aaral, upang
matiyak kung anong pag-aaral ang nagawa kaugnay ng pag-aaral. Gayundin, upang ang
estratehiya o pamamaraang ginamit sa pananaliksik ay matuklasan kung ito ay nakabuti o
hindi. Nilalaman din nito ang banyagang literatura, banyagang pag-aaral, lokal na literatura at
lokal na pag-aaral.
Sa pagsasagawa, may mga kailangang tandaan sa pagpili ng mga sanggunian. Dapat
ay bago at napapanahon ang pipiliin nang sa gayon ay bago rin ang mga impormasyong
mababasa. Nararapat na kilalanin ang mga may-akda o pinaghanguan ng datos. Tiyaking
mayroong kaugnayan sa paksa ng sulatin ang isasamang literatura. Ang resulta ng
pananaliksik ay hindi obhektibo at walang kinikilingan. Ang pagkakaroon ng sapat na bilang
ng mga literatura bilang sanggunian ay makatutulong sa maayos at makabuluhang
pananaliksik.
Habang nasa ikatlong bahagi naman ang disenyo at paraan ng pananaliksik. Ang
disenyo ay naglilinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Tinutukoy
ang kalahok sa pananaliksik kung ilan sila at paano at bakit sila napili. Gayundun, ang mga
paraan tulad ng pakikipanayam, pamamahagi ng talatanungan sa instrumento ng pananaliksik
bilang pangkaraniwan at pinakamadaling paraan sa isang deskriptib-analitik na disenyo.
Inilalarawan tritment ng mga datos kung anong istadistikal na paraan ang ginamit. Ang
pagkuha ng bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa talatanungan ay sapat na sa
bahaging ito. Sa kabilang banda, ang ikaapat na kabanata ay inilalatag ang presentasyon at
interpretasyon ng mga datos na nakalap sa pamamagitan ng tekstwal, tabular o grapikal na
presentasyon. Dito inilalahad ang analis o pagsusuri. Sa huling kabanata inilalahad ang
lagom, konklusyon at rekomendasyon. Binubuod sa lagom ang mga datos at impormasyong
nakalap na komprehensibong tinalakay. Ang kongklusyon ay mga abstrasyon, implikasyon,
interpretasyon, inference, pangkalahatang pahayag at paglalahad batay sa mga datos at
impormasyong nakalap. Mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan
sa pananaliksik naman ang makikita sa rekomendasyon. Sa huling pahina, dito matatagpuan
ang listahan ng mga sanggunian na isang kumpletong tala ng lahat ng hanguang ginamit at
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
apendiks na tinatawag na dahong-dagdag kung saan maaaring maglagay ng liham,
pormularyo sa ebalwasyon, talatanungan, bio-data ng mananaliksik, mga larawan at iba pa.
Suliranin sa Pananaliksik. Layunin ng pananaliksik ay mapaglingkuran, matulungan,
maiangat at tunguhin ang mabuting buhay. Mahalagang magkaroon ng sipag at tiyaga sa
pagbuo ng pananaliksik. Nararapat maglaan ng mahabang panahon upang makabuo ng isang
makabuluhang gawain. Ang pagsasagawa nito ay nangangailangan ng tatag sapagkat sa
proseso ng paggawa, mararanasan ng mga mananaliksik ang ilang mga suliranin na
magdudulot ng hirap sa pagbuo ng gawain.
Isa sa mga suliranin ng mananaliksik ang pagpili ng paksa. May mga gawaing
nakapaloob dito na nangangailangan ng malaking gastusin na kung titipirin ay maaaring
makaapekto at magsakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Dahil dito, sa pagpili ng paksa,
kailangang isaalang-alang ang kakayahang pinansyal ng mananaliksik sa isasagawang
sulatin. Mahalagang matuto at masanay sa wasto at mabisang presentasyon ang
mananaliksik lalo na sa wastong mekanismo sa pagsulat tulad ng pormat, margin, indensyon
at iba pa. Bilang bahagi ng disiplina, sinasalamin nito ang kultura ng pananaliksik at sinop sa
pagbuo. Higit na mapadadaling maunawaan ang mga kaalamang nais iparating kung wasto
at mabisang presentasyon ang makikita. Sa katunayan, walang makapagsasabi na ang isa
ang tama at ang iba ay mali sapagkat iba’t iba ng pormat ang iminumungkahi ng iba’t ibang
unibersidad at kolehiyo (Bernales et al., 2009).
May mga pagkakataon na nagtatakda ng iba’t ibang pormat ang mga guro ng iisang
paaralan kung kaya’t nagbubunga ito ng kalituhan sa mga mag-aaral. Nagpapagawa naman
ang ibang guro na walang itinatakdang pormat. Dahil sa ganitong sitwasyon, nagbubunga Ito
ng pagkakaiba-iba sa pormat ng mga awtput ng mga mag-aaral. Ang mga progresibong
unibersidad at kolehiyo ay may itinakdang isang tiyak na pormat sa pagsulat ng anumang
papel-pampananaliksik sa anumang disiplina o larangan. Layunin nito na makapag-establish
ng isang kultura sa pananaliksik na nagpapahayag ng respeto sa nasabing larangan. Ito ang
nagiging kalakaran sa anumang unibersidad at kolehiyong nangangarap na umagapay sa
mga pagbabago sa pangunahing institusyong pang-akademiko sa loob at labas ng bansa.
Sinasabi nga nina Austero et al., (2006) na mahirap ang gawaing pananaliksik
sapagkat napakalaki ng pananagutan sa sarili, sa mga may-akda, sa mambabasa at sa
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
lipunan. Kailangang taglayin ang pagiging masipag at matiyaga sa ganitong uri ng gawain.
Ganito ang suliranin ng iba sapagkat ang pananaliksik ay walang humpay na pangangalap ng
datos, walang sawa sa pagsusulat ng mga ideya, pagbabasa at paghahanap ng mga tao na
maaaring mapagkunan ng tala sa paksang sinasaliksik. Dito’y kailangan ang tiyaga,
pasensya, malawak na pang-unawa sa pagkakaiba-iba ng mga tao sa panahong sila ay
nagsasagawa, nagpapasagot sa talatanungan, kinukuhang muli sa tagasagot ang
talatanungan at marami pang pagkilos upang maisakatuparan ang gawain. hinahabol upang
sumagot sa talatanungan.
Ang mga resulta ay kinukuha ng mananaliksik mula sa mga pangunahing hanguan at
mga sanggunian o hanguang first-hand sapagkat dapat na sariling likha ang pag-aaral. Ang
pagpapasagot ng mga survey form sa mga kalahok ay hindi madaling gawain lalo’t higit ang
muling pagkalap ng mga ito. Gumugugol at naglalaan ito ng mahabang panahon. Itinatala
nang maayos at isa-isang sinusuri ang mga nakuhang sagot at binibigyan ng interpretasyon.
Para sa mga karagdagang impormasyon, suhestyon, rekomendasyon at pagwawasto,
isinasangguni sa istatistisyan at isinusulat, nirerebisa saka sinusulat muli kapag iniharap na
sa mga tagasuri, panel o ebalweytor.
Nagiging suliranin din ang paglilimita, pagbuo ng suliranin at panahong sakop sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Hangga’t maaari isaalang-alang ang paglilimita sa isang
pangkat ng mga kalahok. Sa gawaing ito, kilalanin ang eksaktong pananaw o paninging ibig
ilapat at maging tiyak sa paglalahad ng mga salik ng edad, kasarian, propesyon at iba pa.
Dapat ding kilalanin ang sariling kakayahan gayundin ang interes sa bubuuing pag-aaral (Cruz
et al., 2010).
Ang isa naman sa mahalagang bahagi ng pananaliksik ay ang pamagat. Ito ay
nagbibigay ideya kung tungkol saan ang isang sulatin. Isa rin itong suliranin kung hindi
maganda o maliwanag ang pamagat sapagkat tungkulin nitong makapukaw ng atensyon at
kawilihan ng mambabasa, tinutupad nito ang paglalagom ng paksa na tinatalakay sa pag-
aaral. Nagsisilbi itong batayan ng mga kaisipang inilalahad sa pananaliksik at gabay sa mga
nagbabalak pang magsaliksik. Nagbibigay ito ng distinksyon at pagkakakilanlan sa
mananaliksik na lumikha ng pag-aaral. Ang paglalahad ng mga pamagat na maliwanag at
ispesipik ay mainam na bahagi ng gawain. Maaaring isama ang mga baryabol na gagamitin
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
sa pag-aaral sapagkat naipakikita nito ang limitasyon ng pananaliksik. Mahalagang iwasan
ang pagbubuod ng pamagat.
Maihahambing dito ang pananaw nina Ordoñez et al., (2007). Ayon sa kanila,
nagkakaroon ng kalituhan ang mga mananaliksik sa pagtukoy sa huwaran at organisasyon
ng teksto. Ang pagpili ng mga materyales o aklat na naglalaman ng mga kailangang
impormasyon ay malaking bagay na dapat isaalang-alang. Kung hindi ito maisasagawa nang
maayos, suliranin din ang idudulot nito sapagkat gugugol ng mahabang panahon sa
paghahanap o pagpili ng mga kinakailangang datos. Sa puntong ito, ang matalinong pagpili
ng mga babasahin ayon sa pangangailangan ay makikilala sa pamamagitan ng ugnayan ng
mga nilalaman ng aklat, magasin, dyaryo at iba pang babasahin. Kung tutuusin, bawat aklat
sa iba’t ibang disiplina ay pare-pareho ang daloy at nilalaman. Nagkakaiba lamang ito batay
sa lapit o dulog ng may-akda ayon sa kanyang kasanayan at lawak ng kaalaman. Kapag aklat
ang gagamitin, isang sulyap pa lamang sa pamagat, bilang ng pahina, paunang salita at
pagtingin sa mga kabanata ay maaaring alam na kung ano ang dapat basahin at isama sa
pagsulat ng pananaliksik.
Mahalagang dapat taglayin ng isang mananaliksik ang pagiging kritikal kung balido o
hindi ang mga ideya o pananaw. Hindi kailangang tanggapin na lamang ang ideya o kaisipan
na inihain ng mga may-akda. Kung kaya, ang paghuhusga sa teksto ayon sa kahalagahan at
kaangkupan sa tema ng paksa ay dapat isaisip. Dito gumagawa ng hatol kung isasama ang
mga ideya o pananaw. Balido ang isang pananaw kung may suporta ito sa paraang may
pangangatwiran at iba pang palapalagay taglay ang pagiging lohikal. Samantala, kung wala
itong anumang patunay at hindi sumusuporta sa inihaing argumento at haka-haka lamang ang
nilalaman, hindi ito balido.
Magiging malinaw ang isang pananaliksik kung susuriin ang kahulugan ng mga
terminong nababanggit sa kabuuan ng manuskrito. Sa pagbibigay-kahulugan, ito ay may
dalawang paraan. Una, ang konseptwal na pagpapakahulugan kung saan batay ito sa aklat-
sanggunian. Ikalawa, ang operasyunal na batay sa paraan ng pagkakagamit ng termino sa
pag-aaral. Isinasagawa ito upang magbigay linaw at maging makahulugan ang bawat talakay
(Sioson et al., 2014).

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Inilahad din nila na matapos mapag-aralan ang mga konsiderasyon sa pagsulat ng
mga bahagi ng pananaliksik, dapat na maipakita ang paraan ng pagkilala sa mga pinagkunang
datos o impormasyon. Ang mga sanggunian at iba pang babasahin ang pinakamahalagang
pinaghahanguan ng mga impormasyon. Ang mga ito ang tangi sa pinagmulan na tinatawag
na pangunahing batis na tiyak na sanggunian at maituturing na first-hand. Sekondarya kung
maaaring ilipat o isalin sa iba’t ibang midyum. Sa pagsulat, hindi maitatatwang kumakalap ng
datos ang mananaliksik ng mga konseptong maaaring nabasa o nakuha niya mula sa iba’t
ibang midyum. Kailangang pairalin ang pagiging obhetibo sa pamamagitan ng maayos na
pagkilala (citation)sa pinagkunan na isa ring suliranin lalo na ng mga baguhang mananaliksik.
Isa pa rin sa mga pinakasuliranin sa pagsulat ng pananaliksik maging sa sistema ng
edukasyon ang plagyarismo ayon kay Pacay III, (2016). Ito ang pagkopya ng balangkas,
karikatura, sulatin, disenyo o anumang likhang-isip, tahasan man o hindi, o maging bahagi
man lamang nito nang walang pahintulot sa orihinal na nagmamay-ari. Ang hindi wastong
pagkilala sa pinaghanguan ng mga impormasyon ay isang akto nito. Samakatuwid, labag ito
sa etika ng pananaliksik.
Ang isang mag-aaral, guro, lingkod-bayan, negosyante, kapwa propesyunal na
mananaliksik, marapat lamang na sundin ang etika sa pagsulat ng pananaliksik at maging
matapat sa bawat ideyang kukunin. Tanging mga sarili at orihinal lamang ang gagamitin. Ang
higit sa pagiging potensyal na kaso ng paglabag sa intellectual property right law at copyright
law ang isyung plagyarismo, moral at etikal na responsabilidad ito ng mananaliksik.
Samakatuwid, tungkulin na humingi ng permiso at pagkilala sa kanilang mga gawa kahit
kaunting bahagi ng likha ng iba.
Sa pagpasok ng internet na dala ng modernisasyon sa teknolohiya, ang pangongopya
o ang pagka-copy-and-paste mula sa social media ay madaling gawin na sa tingin ay
mapakikinabangan. Bunga ng teknolohiya, tila nagiging tamad ang mga mag-aaral bilang
mananaliksik dahil sa gawaing ito higit sa pag-aaral. Hindi ito isang lihim sa lipunan at hindi
biro ang kaso ng plagyarismo. Samakatuwid, bumabalot sa larangan ng pananaliksik ang
plagyarismo hindi lamang sa mga mag-aaral, kundi maging sa ibang mananaliksik.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Gabay sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik. Dahil sa mga nabanggit, naging
malaking suliranin ito lalo sa usaping plagyarismo. Sa kurikulum na K to 12, nakahanay ang
mga asignaturang may kinalaman sa pananaliksik. Maituturing na ang pagbuo ng gabay ay
isang kagamitang panturo na kailangan upang mapatibay at mabuo nang mabilis ang gawain.
Gamit ang binuong gabay ng mananaliksik bilang pangangailangan sa asignaturang Pagbasa
at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, magkakaroon ng ideya at
maisasakatuparan ng mga mag-aaral ang gawaing ito.
Upang mabilis ang pagbuo, kailangan ng mga pamamaraan nang sa gayo’y
sistematikong nasusunod ang bawat proseso. Isa sa pinakamabisang paraan ay ang
pagkakaroon ng gabay na magsisilbing pundasyon ng isinasagawang pananaliksik. Ito ang
sinasabing pantulong sa mga guro at mag-aaral na nagbibigay ng patnubay kung paano gawin
ang kaukulang proseso. Taglay nito ang kapakinabangan upang tugunan ang
pangangailangan sa pagtuturo tungo sa pagkatuto. Nagpapatibay rin ito upang matamo ang
layunin ng bawat aralin o gawain.
Bilang gabay sa pagsisimula ng pananaliksik, maaari itong isagawa sa pamamagitan
ng pagtatanong. Magkakaroon ng mataas na motibasyon na magpatuloy sa pagtuklas, kung
may kuryosidad sa isipan ng mananaliksik. Bukod pa rito, kailangang magkaroon ng mabisang
paraan sa pagsisimula ng masalimuot na proseso ng pananaliksik. Maraming katanungan ang
naglalaro sa isipan kung saan at paano nabuo ang isang bagay. Hindi lamang natutugunan
ng mga simpleng oo at hindi ang pagiging kontento ng isang tao. Dito nagsisimula ang
pagsisikap na makabuo nang hindi lamang payak na tanong kundi potensyal na sasaliksiking
mga paksa (Sioson et al., 2014).
Sa panimulang pagtukoy sa paksang pag-aaralan, gamitin bilang gabay ang mga
salitang patanong kasunod ang konsiderasyong katanungan at halimbawa. Ito ang
magbibigay-daan sa pagbuo ng potensyal na titulo. Upang maiugnay ang maraming butil ng
karunungang nasa paligid, hinihikayat ang multidisiplinaryo at kolaboratibong pananaliksik.
Ang pagbabasa ng mga aklat reperensya sa mga aklatan at internet sites ay lubos na
makapag-aambag sa ikatatagumpay ng pagtiyak na potensyal sa paksa ng saliksik. Ang
research agenda ng sariling institusyong kinabibilangan o kaya ang mga tanggapang
pampubliko at pribado na may Research and Development Center ay maaaring gawing
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
sanggunian. Sa aktwal na pananaliksik, ang paglilimita ng paksa ay kailangang isaalang-alang
upang ganap at obhetibong maisasakatuparan. Iminungkahi na gawing batayan ang
prinsipyong espisipiko, nasusukat ang layon, nakatuon sa resulta at batay sa oras at panahon.
Binubuksan ng isang panimula ang anumang sulatin upang maihanda ang mga
mambabasa. Nilalayon nito na bigyan ng paunang patikim ang tagatangkilik.
Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagsulat sa kaligirang kasaysayan ng paksa at mga
patunay ng preperensya at pagkakaroon ng suliraning dapat bigyan ng tugon at pansin. Ang
panimula ay isinusulat sa unang panauhan ng mga nominal at isinasagawa upang maging
obhetibo at patunayang walang pagkiling ang kabuuan ng pananaliksik. Ang direktang sipi ng
mga konsepto kasama ang pinaghanguan ay maaaring ilagay.
Ipinaliwanag nina Galang et al., (2007) ang mga gabay sa pagpili ng paksa. Pumili ng
kawili-wili at kapaki-pakinabang na paksa upang magkaroon ng interes sa pagtalakay nito.
Piliin ang paksang napapanahon opaksang kamakailan lamang upang maging interesado ang
mga mambabasa. Tiyakin din na may mapagkukunang sapat na sangguniang pagbabatayan.
Sa gayong paraan, higit na mapalalawak ang paksang tatalakayin. Kalimitan, bibihira ang mga
materyal na nasusulat kung ang paksa ay bago at hindi palasak. Bilang mananaliksik, iwasan
ang masyadong teknikal at matatayog na paksa kung hindi rin gaanong maabot ng
kakayahan. Ito’y maaaring kabagutan, baka iwan pa at hindi na tapusin kung hindi umayon sa
kagustuhan o hilig kung kaya dapat na nagbibigay motibasyon at kasiyahan. Sa paksang
napili, tandaan na ang layunin ng pananaliksik ay magdudulot ng malawak na kaalaman.
Samakatuwid, ang pagpili ng paksang maaaring bigyan ng kongklusyon o pagpapasya
ay pagpapatunay sa higit na pagkatuto ng mananaliksik. Kailangang paunlarin ang paksa sa
abot ng kakayahan at pag-unawa. Ang pagiging palabasa, sensitibo sa kapaligiran o sa iba’t
ibang karanasan ng mga tao ay makatutulong sa bahaging ito.
Sa kabuaan, hindi lahat ng nilalaman ng isang paksa ay hahanguin mula sa pansariling
karanasan lamang. Hindi ito nangangahulugan na doon lamang iikot ang nilalaman ng paksa
dahil ito’y hilig o interes ng mananaliksik. Katunayan, hindi masasabing matalino ang ganitong
istilo sapagkat isang katangian ng papel pananaliksik ay dapat magtaglay ng iba’t ibang
kaalaman na manggagaling sa iba’t ibang sanggunian na ginamit sa pananaliksik. Dahil sa

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
may patunay o ebidensya kung saan nakalap ang mga impormasyong pinagkunan, nagiging
ganap na malawak at kapani-paniwala ang mga kaalamang nakapaloob dito.
Sa sulating pananaliksik, kailangang pag-isipang mabuti ang mga ideya o konsepto na
isasama sa pagsulat nito. Upang matiyak na tama ang mga impormasyong nakapaloob,
balikan at basahing muli ang nilalaman ng sulatin. Ang pormat ng pananaliksik ay kailangang
bigyang-pansin at kung hindi ito masusunod, kailangang ayusin at baguhin. Suriin ang
konstruksyon ng mga ginamit na pangungusap at tiyaking ito ay tama at maayos gayundin
ang mga bantas nito (Marquez, Jr., 2016).
Isa rin itong pang-akademikong uri ng sulatin na tumutukoy sa pag-alam, pagsusuri,
pagsisiyasat o maaari ding pagtuklas sa iba’t ibang impormasyon sa isang partikular na
larangan. Upang maisakatuparan ang gawaing ito, nararapat na sumailalim sa prosesong
pagdulog upang maging patas at sistematiko ang paghuhusga sa magiging resulta nito. May
tatlong yugto sa pagbuo ng pananaliksik: preliminaryong hakbang; pangangalap, ebalwasyon
at interpretasyon ng mga datos; at pag-aanalisa ng mga datos at aktwal na pagsulat ng
pananaliksik. Sa preliminaryong hakbang, kailangang pumili ng paksa na may halaga sa sarili,
komunidad o disiplinang kinabibilangan. Maaaring bumuo ng tsart tungo sa pagpapalawig
nito. Kailangan ding tukuyin ang mga tiyak na makikinabang sa gagawing pananaliksik. Kung
gayon, ang pagtatakda ng limitasyon hinggil sa paksa ay isinasaalang-alang din. Hanggat
maaari, humingi ng tulong sa mga propesor o eksperto kaugnay ng napiling paksa. Ang
pagtukoy sa iba’t ibang pananaw ukol sa napiling paksa ay nakapaloob sa hakbang na ito.
Makatutulong din ito upang mabalanse ang lahat ng impormasyong nakalap (Francisco,
2013).
Ang ikalawang yugto ay ang pangangalap, ebalwasyon at interpretasyon ng mga datos
na naglalayong maging malinaw ang pangkalahatang ispesipikong paksang susuriin. Sa
pangangalap ng datos, dapat na tingnan ang kawastuhan ng pagkakasulat ng mga ito. Tayain
ang kinalabasan para sa katiyakan, katotohanan, pagiging balanse at kompleto. Maging
detalyado sa pagtatala at gumamit ng alinmang elektronikong kagamitan na makatutulong sa
pagkalap ng mga datos tungo sa mahusay na pagpapasya ng resulta ng pananaliksik. At
muling balikan ang itinakdang tesis at layunin ng pananaliksik. Sa kabilang banda, ang pag-
oorganisa ng mga datos at aktwal na pagsulat ng pananaliksik, iminungkahi na rebisahin ang
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
itinakdang balangkas kung kinakailangan. Ang pagsunod sa itinakdang pormat sa paggawa
ng sulating pananaliksik ay bahagi ng kahandaan sa sulating pananaliksik. Siguraduhing
dokumentado ang lahat ng mga batayang materyal na gagamitin sa pagsulat ng pinal na draft.
Sa huli, muli itong basahin tungo sa teknikal at konseptwal na pagwawasto.
Ipinayo niya na ipalimbag ang sulating pananaliksik at iharap ito sa tagapayo. Matapos
matutunan ang wastong proseso, makatutulong ito sa pag-alam sa pangkalahatang bahagi
upang mabigyan ng lagom o pananaw ng pananaliksik. Bilang panghuli, ang pagbasa ng
buong sulating pananaliksik at pagwawasto sa mga kamalian pang makikita ay
nakapagpapaganda sa pagbuo at daloy ng mga ideya sa pananaliksik.
Dagdag pa niya, may mga bagay na makatutulong upang higit na maging maayos ang
pananaliksik. Ang pagiging matapat sa pangangalap at pag-uulat ng mga datos ay halimbawa
ng pagtugon sa gawaing ito. Hindi maaaring manghula o mag-imbento ng mga datos. Bahagi
ng gawain ang pagpapasagot ng talatanungan kung kayat anuman ang kinalabasan nito ay
siyang dapat na iulat. Ang pagbuo ay walang pagkiling sa resulta ng pag-aaral. May mga
pagkakataon na taliwas ang resulta ng pag-aaral sa inaasahan. Sa madaling sabi, hindi ito
dapat manipulahin. Isipin lagi ang pagiging maingat sa anumang ginagawa o gagawin.
Mahalaga ang paulit-ulit na pagbabasa upang maging malinis at maayos ang pagkakasulat
ng impormasyon at maiayos ang kahinaan ng pananaliksik sa papel. Higit sa lahat, ang isang
mananaliksik ay bukas ang isipan sa mga puna at bagong ideya upang mapaganda at
mapabuti ang gawain na nangangailangan ng pasensya, pagtitiyaga at pagsisikap.
Sa tuwirang pagpapahayag ni Gonzalvo Jr., (2012), nagbigay siya ng paalala sa
pagsulat ng sulating pananaliksik. Dahil sa ang mga mag-aaral ay nasasanay sa pagbabasa
at pagsusulat, malaking bahagi ang papel na ginagampanan ng pagkakaroon ng interes sa
pananaliksik. Dapat maunawaan na malaki ang maitutulong sa paglinang ng paksa ang mga
sanggunian o babasahin. Sa pagsulat nito, hindi kinakailangang gumamit ng matatalinhaga at
malalim na salita upang masabing maganda at mahusay ang nilalaman. Sa simula pa lamang,
ang lahat ng makatutulong na aklat, peryodikal, magasin, pahayagan at iba pang sanggunian
ay dapat itala upang mabawasan ang pag-aaksaya ng oras kung ang mga ito ay babalikang
muli.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Sa pagpapatuloy, ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagtatala mula sa binasa ay isang
bentaha sa pagbuo ng sulating pananaliksik. Ang nilalaman ng babasahin ay hindi kailangang
kopyahin nang buo. Sa halip, kuhanin lamang ang mahahalaga at kapaki-pakinabang.
Gayundin, upang hindi maging watak-watak ang mga ideya, mahalagang gumawa ng
balangkas na susundin sa pagbuo ng burador. Ang isang mahusay na manunulat ang
sumusunod din sa ganitong paraan. Kailangang naaayon sa pagkakaayos ng balangkas ang
burador upang makita ang pagkakaugnay ng mga kaisipan. Bago muling ipagpatuloy ang
pagsulat ng pananaliksik, kailangang magpahinga ang isipan ng mananaliksik ng ilang araw.
Sa bahaging ito ng pagsasaayos ng burador, ang tuon ay ang kayariang pangwika, bantas at
pagkakasulat.
Ipinahayag naman nina Evasco et al., (2011) ang ilang dapat sundin sa pagbuo ng
konseptwal o teoretikal na balangkas. May tatlong pangunahing elemento at hakbangin sa
bahaging ito na kinabibilangan ng pagkilala sa mga konsepto, pagkilala sa pagkakaugnay-
ugnay ng mga konsepto at paglalarawan sa pagkakabalangkas. Pinakamahalaga sa isang
sulatin ang pagkilala sa mga batayang konsepto. Kung mauuri ang mga konseptong ito batay
sa kahalagahan, makatutulong ito sa ginagawang pananaliksik. Sa pagkilala ng
pagkakaugnay at pag-uugnay ng mga konsepto, magagamit ito sa pagpapaliwanag at
pagsusuri ng sulating pananaliksik. Mahalagang tukuyin kung ano-ano ang mga
magkakaugnay o magkakasamang konsepto. Gayundin, mahalaga ring tukuyin kung tuwiran
o hindi tuwiran ang mga konseptong ito sa pananaliksik.
Dagdag pa nila, ang paggamit ng anyo ng paglalarawan gaya ng talahanayan at
dayagram ay magsisilbing kasangkapan hindi lamang pag-aayos at pag-oorganisa ng mga
konsepto kundi sa pagsusuri at pagpapaliwanag sa ginagawang pananaliksik. Bawat linya at
hugis ay may kahulugan kung kayat dapat na maging maingat sa paggamit nito na
naglalarawan ng pagkakaugnay at pag-uugnay ng konsepto. Madaling iangkop, naiintindihan
at may malinaw na batayan ang gagamiting paglalarawan sa pagkakabalangkas.Sa kabuuan,
upang higit na malinaw ang konsepto o teoretikal na balangkas, maaaring lakipan ito ng
kahulugan ng mga ginamit na salita, sanggunian o sumusuportang literatura, at tumbasan ng
mga ginamit na simbolo.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Nagkakaugnay pa rin ang ideyang nabanggit sa naging mga pahayag nina Alejo et al.,
(2005) tungkol naman sa paggamit ng wastong dokumentasyon sa sulating pananaliksik.
Anila, ito ay mahalaga sapagkat kinikilala ang bawat ideya o impormasyon bilang paggalang
sa mga manunulat na pinagkunan ng mga tala. May iba’t ibang gamit ang dokumentasyon sa
pananaliksik. Ang pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon ay nangangailangan ng
dokumentasyon. Sa kaso ng dokumentasyon, mas madaling lumabis kaysa magkulang at
sundin ang pinakaligtas na payo sa pamamagitan ng paggamit ng dokumentasyon. Sa
ganitong pag-iingat, nabibigyan din ng proteksyon ang mananaliksik. Ginagamit din ang
dokumentasyon sa paglalatag ng katotohanan ng ebidensya, pagbibigay ng cross-reference
sa loob ng papel at pagpapalawig ng ideya.
Nagbigay rin sila ng ilang konsiderasyon sa pagsulat ng pinal na pananaliksik. Ang
mga ideya o konsepto na kailangang isama sa sulating pananaliksik ay dapat na pag-isipang
mabuti. Upang matiyak na tama ang mga datos na nakapaloob, balikan at basahing muli ang
nilalaman nito. Maging ang pormat ay kailangang pagtuunan ng pansin. Kung ito man ay hindi
nasunod, ayusin at baguhin ito. Ang pagsusuri sa mga ginamit na pangungusap kung hindi ito
gaanong maayos ay kailangang baguhin din. Makatutulong ang pagbabasang muli ng buong
pananaliksik upang iwasto ang mga kamalian pang makikita. Bilang panghuli, gumawa ng
talaan ng sangguniang ginamit at ipalimbag ang sulating pananaliksik at iharap sa tagapayo.

Kaugnay na Pag-aaral
Sa bahaging ito ng pag-aaral, inilahad ang iba’t ibang isinagawang pananaliksik na
may pagkakaugnay sa kasalukuyang pag-aaral.
May layuning mapaunlad ang pagbuo ng pananaliksik ng mga guro sa elementarya sa
Sangay ng Lipa ang isinagawang pag-aaral ni Loyola (2015). Natuklasan niya na ang mga
guro ay bukas ang isipan sa pagbuo ng pananaliksik lalo’t ito’y nasa propesyon at lugar na
kinabibilangan. Natuklasan din niya na ang pagiging matiyaga at seryoso sa ganitong uri ng
gawain at ang pagkakaroon ng layunin ang kaaya-ayang pag-uugali ng isang mananaliksik.
Gayundin, natuklasan na napakahalaga ng pagdalo sa mga pagsasanay, komperensiya at
seminar kaugnay ng pananaliksik. Ang pagiging limitado sa badyet, kakulangan sa oras upang
gawain ang pananaliksik, hindi sapat na pagsasanay, kakulangan ng mapagkukunan ng
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
kaugnay na literatura at kawalan ng mga programang may kaugnayan sa pananaliksik ang
mga nagsisilbing balakid sa pagbuo ng pananaliksik. Iminungkahi nila ang pakikipag-ugnayan,
suporta at pakikilahok ng bawat isa kaugnay ng pag-aaral upang mapagtagumpayan ang
performans ng pananaliksik at upang mapatibay ang sarili at propesyunal na pag-unlad ng
mga guro.
Sa pag-aaral ni Vergara (2010), na may layuning matukoy ang motibasyon at
kahandaan sa pananaliksik ng mga mag-aaral sa antas tersarya sa Lungsod ng Batangas,
inalam niya kung paano tinataya ng mga kalahok sa pag-aaral ang lebel ng motibasyon sa
pananaliksik. Gayundin, ang lebel ng mga mag-aaral sa gawaing pananaliksik batay sa
praktikal, pagsasalita, pagkikinig, pagsusulat, pagbabasa at paglutas sa suliranin. Natuklasan
niya na nanguna sa personal na motibasyon ng mga mag-aaral sa gawaing pananaliksik ang
pagbibigay ekspows sa pagiging malikhain at inobasyon, pagdaragdag sa bagong kaalaman
at ideya at paghasa ng kakayahan sa gawaing dapat unahin sa pamamagitan ng paglalaan
ng sapat na panahon. Ang makakuha ng yunit at mahasa ang pasalita at pasulat na
pakikipagkomunikasyon ang binigyang-diin ng mga mag-aaral sa pang-akademikong
motibasyon sa pananaliksik. Iminungkahi niya na magkaroon ng mga pagsasanay at
kolokyum sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng administrasyon sa mga gurong tagapayo
sa pananaliksik upang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa larangan ng
pananaliksik.
Sa pag-aaral na isinagawa ni Escarez (2015), nakatuon ito sa pagpapaunlad ng mga
kasanayan sa pagsasagawa ng pananaliksik sa agham para sa mga mag-aaral sa kolehiyo.
Gumamit siya ng palarawang disenyo sa kanyang pag-aaral. Natuklasan niya na karamihan
sa mga guro ay may degri ng masteral at doktoral ngunit hindi nakadadalo sa mga
pagsasanay at seminar. Natuklasan din na karamihan sa mga mag-aaral ay mahusay sa
agham, may kakayahan sa pakikipagkomunikasyon at nakikibahagi sa mga gawaing extra-
curricular subalit may malaking suliranin sa pagbuo ng pananaliksik tulad ng saklaw,
delimitasyon at limitasyon ng pag-aaral, sintesis, paglalapat ng angkop ng istadistika at pag-
aanlisa ng kinalabasan at pagbibigay-interpretasyon. Iminungkahi niya na gumamit ng ibang
estratehiya ang mga guro batay sa awtput ng pag-aaral. Iminungkahi rin niya na pahintulutan
ang mga guro na dumalo sa mga pagsasanay at seminar tungkol sa pagpapaunlad ng
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pananaliksik sa asignaturang agham. Hinihikayat ang pakikipagtulungan ng mga guro sa
Agham at Ingles upang matugunan ang kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
pananaliksik.
Sa pag-aaral ni Abadilla (2006) na naglalayong mataya ang kaangkupan, kabisaan at
mapagtibay ang nabuong modyul ng mga gurong nagtuturo ng panimulang pananaliksik,
lumabas na ang kagamitang pampagtuturo ay makabuluhan sa paglinang ng kakayahang
kognitib ng mga mag-aaral. Malaking tulong ang modyul sa mga mag-aaral sapagkat ang mga
pagsasanay ay higit na maayos at mabisa tungo sa paglinang ng kakayahang pandamdamin,
ang pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan. Ang kagamitang pampagtuturong nabuo
ay nagpapatunay na ang pagkatuto ay maaaring maganap hindi lamang sa loob ng silid-aralan
kundi sa labas man at maaaring walang pagdalalo ng guro. Iminungkahi niyang ipa-try-out sa
ibang paaralan ang modyul at mag-alok ng suporta, himukin at ganyakin ang mga guro na
bumuo ng mga kagamitang pampagtuturo tulad ng modyul na magagamit sa sariling larangan
ng espesyalisasyon.
Nagsagawa ng pag-aaral si Danao III (2010) na layuning makapaghanda ng modyul
na pantulong sa paglinang ng mga kasanayan sa pag-aaral ng pananaliksik para sa antas-
tersarya gamit ang pamaraang palarawan (descriptive approach), tinangkang makabuo ng
bagong lapit (approach) mula sa batid na estratehiya sa pagtuturo ng pananaliksik.
Natuklasan na sa pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo, mabisa ang mas maraming
pagsasanay at gawain ang mag-aaral bago at pagkatapos ang pagtalakay sa bawat aralin.
Napatunayan niya na kailangan pa rin ang gabay ng propesor sa pagpapagamit ng modyul
upang matiyak ang itinakdang layunin ay matatamo. Iminungkahi niya na maaaring maghanda
ng iba pang modyul na lilinang sa iba pang kasanayang pampananaliksik at aktwal na
ipasubok sa iba pang paaralan upang matukoy ang kabisaan at kaangkupan sa pagkakaroon
ng parehong resulta.

Sintesis
Tinalatakay sa bahaging ito ang mahahalagang konsepto ng literaturang konseptwal
at ang pagkakatutulad at pagkakaiba ng mga nakaraang pag-aaral sa kasalukuyang pag-aaral

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
na nagpapatibay sa pangangailangan upang makabuo ng gabay bilang pantulong na
kagamitan sa pagbuo ng pananaliksik.
Ang inilahad na konsepto nina Jocson et al. ay nagbibigay-diin sa pagpapahalaga sa
pananaliksik na nagsisilbing motibasyon ng mga mag-aaral upang isakatuparan ang gawaing
ito. Habang ang kasalukuyang pag-aaral ay tumutukoy naman sa pagbuo ng gabay sa
pagsulat ng pananaliksik. Natuklasan nilang ang pinakamahalagang kasangkapan na dapat
matutunan ng mga mag-aaral ang pananaliksik lalo na sa high school upang mapaunlad ang
sarili tungo sa anumang propesyong hinahangad. Samantalang ang kasalukuyang pag-aaral
naman ay nakatuklas sa panig ng mag-aaral na nahihirapan sila sa paghanap ng mga
kaugnayan na pag-aaral sa mga silid-aklatan. Kapwa mag-aaral at guro ang naging
respondente ng pag-aaral.
Lumabas sa nakaraang paglalahad nina Mangahis et al. na sa bawat detalye at datos
na nakalap, kailangang mahusay na pagsisiyasat sa ideya at katibayan na ilalahad. Taliwas
naman ito sa kinalabasan ng kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang binigyang-pokus dito
bukod sa pagbuo ng gabay ay mga suliraning nararanasan ng mga baguhang mananaliksik
na mga mag-aaral. Ang pagtitimbang-timbang at pag-aaral sa pamamagitan ng pagsusuri,
pagbibigay-linaw ay nangangailangan pa rin ng karagdagang datos o impormasyon.
Natuklasan naman nina Good at Santos sa kanilang pagpapakadalubhasa na
mabuting buhay, mahalagang magkaroon ng sipag, tiyaga at positibong pagtingin sa pagbuo
ng pananaliksik. Habang ang kasalukuyang pag-aaral ay binigyang-pansin ay mga
negatibong pagtingin ng mga mag-aaral sa pananaliksik na kanilang naging suliranin sa
pagbuo nito. Dagdag pa sa tuklas, kailangan din ng tatag sapagkat sa proseso ng paggawa
maaaring maranasan ng mga mananaliksik ang mga pagsubok o suliranin sa pagbuo nito. Ito
ang nagsisilbing motibasyon ng mga mag-aaral upang maisagawa nang maayos ang gawain.
Isinaad naman nina Sioson et al., na kailangang may kuryosidad sa isipan ng
mananaliksik upang magkaroon ng mataas na motibasyon na magpatuloy sa pagtuklas. Sa
pagsisimula ng masalimuot na proseso, kailangang magkaroon ng mabisang paraan at gabay
sapagkat sa pagtatanong ng tao nagsisimula ang pananaliksik. Naglalaro sa isipan ang
maraming katanungan kung saan at paano nabuo ang isang bagay. Ang pananaliksik ay hindi
natutugunan ng simpleng sagot na oo at hindi kung kayat dito nagsisimula ang pagsisikap na
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
makabuo ng potensyal na sasaliksiking mga paksa. Upang maisagawa at maiugnay ang
maraming butil ng karunungan, hinihikayat ang multidisiplinaryo at kolaboratibong
pananaliksik.
Ang pag-aaral ni Abadilla ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat
parehong kagamitang panturo ang binuo ng dalawang mananaliksik. Nagkakatulad din
sapagkat ang parehong kagamitang binuo ay para sa mga mag-aaral na kumukuha ng
pananaliksik. Nagkakaiba naman ang dalawang pag-aaral sapagkat ang nakaraan ay bumuo
ng modyul at ito’y tinaya, samantalang ang kasalukuyang pag-aaral ay bumuo ng gabay para
sa mga mag-aaral na kumukuha ng pananaliksik na nasa Senior High School.
Ang pag-aaral ni Danao III ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat
parehong bumuo sila ng pantulong sa pag-aaral o gawaing pananaliksik. Parehong
kwantitatibong disenyo ng pananaliksik ang ginamit at parehong naniniwala ang dalawang
mananaliksik na ito’y mabisang pantulong sa pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga
mag-aaral. Nagkakaiba naman sapagkat modyul ang binuo ng unang mananaliksik
samantalang gabay sa pagtuturo ng pananaliksik ang binuo ng kasalukuyan. Nagkakaiba rin
sa pinaglaanang antas ng mga mag-aaral ang gagamit ng mga pantulong na binuo, ang
nakaraan ay para sa mga mag-aaral sa kolehiyo, samantalang ang kasalukuyang pag-aaral
ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa Senior High School.
Hindi mailalayo ang naging pag-aaral ni Loyola sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat
parehong tinukoy ang mga suliraning nararanasan sa pagbuo ng gawain. Ang parehong pag-
aaral ay nagkakatulad sapagkat inalam ang kakayahan sa pananaliksik ng mga kalahok.
Nagkakaiba naman sapagkat ang kalahok sa nakaraang pag-aaral ay mga guro samantalang
mga guro at mga mag-aaral ng senior high school ang kalahok sa kasalukuyang pag-aaral
gamit ang kwantitatibong metodo disenyo.
Sa isinagawang pag-aaral ni Escarez kinakitaan ito ng pagkakatulad sa kasalukuyang
pag-aaral. Parehong nakatuon ang dalawang pag-aaral sa sulating pananaliksik at inalam din
ang mga suliranin sa pagbuo nito. Nagkakatulad ito sapagkat mga guro ang kalahok sa
parehong pag-aaral subalit sa kasalukuyan ay mga gurong nagtuturo ng pananaliksik.
Nagkakaiba naman sapagkat sa agham ang pinagtuunan ng nakaraan samantalang
asignaturang Filipino ang sa kasalukuyan.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Ang pagtakay naman ni Vergara ay may pagkakatulad sa kasalukuyang pag-aaral
sapagkat nakatuon ang parehong pag-aaral sa kahandaan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng
pananaliksik. Nagkakaiba naman sapagkat inalam sa naunang pag-aaral ang lebel ng mga
mag-aaral sa pananaliksik batay sa praktikal, paglutas ng suliranin at makrong kasanayan
gaya ng pagsasalita, pagkikinig, pagsusulat at pagbabasa. Sa kasalukuyang pag-aaral ay
pinagtuunan ng pansin ang mga bahagi ng pananaliksik upang malaman ang antas ng
kahandaan ng mga mag-aaral sa gawain.

Balangkas Teoretikal
Ang pag-aaral na ito ay nakaangkla sa balangkas o teorya na nagbibigay-kaugnayan
sa mga layunin. Ang contructivism ang naging batayan maging ang iba pang kognitibong
teorya nina Jean Piaget, John Dewey, Lev Vygotsky at Jerome Bruner upang mapagtibay ang
konsepto ng mananaliksik.
Sinasabing ang constructivism ay isang konsepto na sa nakaraang mga taon ay
nagbigay-diin at pansin sa pagbuo ng pananaliksik. Ito ay ginagamit sa higit pa bilang isang
teorya na nagpapaliwanag tungkol sa pananaliksik at pagtuturo nito. Ito ay sumusuporta sa
mga larangang nagbibigay-malay tulad ng pananaliksik na nagtataguyod ng mga karanasan,
impormasyon at mga gawain na nagdudulot ng pag-aaral ng indibidwal. Sa pananaliksik na
nagpapakita kung paano natututo ang tao, ang pamamaraan sa pagkatuto kung saan ang
mga mag-aaral ang mismong bubuo ng pananaliksik. Mahalagang sa kabila ng pagbabago,
ang ideya na ang mga mag-aaral ay aktibong nagtataguyod ng kanilang sariling pag-aaral na
kilala bilang constructivism. Sina Vygotsky at Bruner ang nagpatunay na ang kolektibong
gawain ay nakatutok kung saan nakatuon ang pag-aaral sa pagbuo ng pananaliksik (Holland,
2011).
Ang learning by doing ni John Dewey ay may mahalagang papel na
ginagampanan sa pakikisangkot o pakikihalubilo sa gawain. Sa pamamagitan nito,
natututunan ng mga mag-aaral kung paano naganap ang aktibidad, paano nangyari at
ano ang naramdaman nila habang isinasagawa ang gawain. Nagpapatibay ito ng sariling
pang-unawa sa pamamagitan ng praktikal na pagsasagawa. Nagsisilbi rin itong
motibasyon upang matutunan ng mga mag-aaral ang pagbuo ng isang tiyak na gawain.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Samakatuwid, ang pakikilahok ang susi upang matutunan ang nakaatang na gawain
gaya ng pananaliksik. (https://en.wikiversity.org/wiki/Wikiversity:Learning_by_doing, 2016)
Ang teorya ni Jean Piaget na cognitive development o kognitibong pag-unlad ay isang
teorya sa kalikasan at pag-unlad ng talino ng tao. Ito ay may kaugnayan sa kaalaman kung
paano nagkaroon ng ideya, bumuo ng gawain at gamitin sa mabisang paraan. Kaugnay nito
ang progresibong organisasyon ng kaisipan na nagbubunga ng kaalaman at karanasan mula
sa kapaligirang ginagalawan. Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kaisipan sa mga bagay
sa pagitan ng nalalaman nila at natuklasan sa kapaligiran gaya ng silid-aralang ginagalawan
na kalauna’y humahantong sa pagsasaayos ng mga ideya.
Ayon naman kay Vygotsky, ang mga mag-aaral ay dapat na ihantad sa
mapaghamong mga gawain sa tulong ng mga guro. Ang lahat ng ito ay nagaganap sa
zone of proximal development (ZPD). Ang zone na ito ay ang pagkakaiba sa pagitan ng
magagawa ng mag-aaral nang nag-iisa at kung ano ang maaari nilang gawin sa tulong
ng mga guro. Sa pamamagitan ng mga karanasan ng mga mag-aaral at pagbibigay ng
mga gawain gaya ng pananaliksik, ang mga guro ay maaaring magbigay ng intelektwal
na pag-unlad upang tulungan sila na matuto at umunlad sa iba't ibang yugto ng pag -
unlad (Mc Leod, 2012).
Sinabi naman ni Bruner sa kognitibong pag-unlad na ang pag-aaral ay aktibong
proseso kung saan ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng mga bagong ideya o konsepto batay
sa kanilang kasalukuyang kaalaman. Dito inilalahad ang kasalukuyang sitwasyon o suliraning
sasaliksikin na maaaring lumikha ng mga bagay bilang awtput. Pinipili at binubuo ang
impormasyon pagkatapos ay isinasama ang materyal na maaaring gamitin. Ito ay isang
patunay na ang pananaliksik ay isang patuloy na proseso na nakapokus sa pagtatanong batay
sa umiiral na sitwasyon sa paglutas ng suliranin. Ginagamit ng mga mag-aaral ang sariling
karanasan at kaalaman upang matuklasan ang katotohanan at relasyon nito sa kanilang
pagkatuto (Culatta, 2013).
Ang mga nabanggit na mga ideya ay nagsisilbing batayan sa constructivism upang
ilapat sa pagbuo ng sulating pananaliksik. Ang mga guro sa modelong ito ay administreytor o
nagsisilbing gabay sa mga mag-aaral sa pagsulat at pagbuo ng gawain. Samakatuwid, ito ay

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
gawaing higit na makapagpapaunlad at makapagtataguyod sa pagsulong ng kultura ng
pananaliksik.

Balangkas Konseptwal
Ang pananaliksik ay isang gawain na isinasagawa hindi lamang ng mga mag-aaral.
Sinuman ay maaaring gumawa nito upang mabatid ang nais na sagot tungo sa pag-unlad ng
sarili, pamayanan, kultura at bansa. Nakasalalay ang ikatatagumpay ng pananaliksik sa
proseso sa pagbuo nito higit lalo sa mga mag-aaral ng senior high school na ipinatutupad sa
ilalim ng K to 12. Nagaganap ang lahat ng karunungang inaasam sa pamamagitan ng
pananaliksik partikular sa penomenang kultural at panlipunan sa bansa. Dahil dito, malaki ang
kapakinabangan at kagalingang dulot nito sa buhay gamit ang sipag, tiyaga at tatag ng loob
upang maisakatuparan ang gawain.
Input Proseso Awtput
Antas ng kahandaan ng
mga mag-aaral sa
gawaing pananaliksik

1.1pagpili sa paksa;
1.2 paglalahad ng
tentatibong balangkas;
1.3 pagsulat ng
literaturang konseptwal
at kaugnay na pag-aaral;
1.4 paggamit ng
instrumento sa
pangangalap ng datos; Pangangalap ng datos
1.5 pagpili at pag- sa pamamagitan ng
aanalisa ng angkop na talatanungan
istadistika ng
kinalabasan; Focus Group Gabay sa Pagsulat-
1.6 paghahanay ng Pananaliksik
Discussion (FGD)
mga datos at pagbibigay-
interpretasyon; at
Pakikipanayam
1.7 pagbuo ng lagom,
konklusyon at
rekomendasyon

Suliraning nararanasan
sa pagbuo ng sulating
pananaliksik

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Figyur 1
Konseptwal Paradim sa Pagbuo ng Gabay sa Sulating Pananaliksik
sa Senior High School

Ginamit sa pag-aaral na ito ang IPO Model na binubuo ng input, proseso at awtput.
Nakapaloob sa input ang may kaugnayan na mga katanungan na inilahad sa suliranin.
Samantala, ang magiging proseso ng pag-aaral ay ang pangangalap ng datos sa
pamamagitan ng pamamahagi ng talatanungan, pagsasagawa ng focal group discussion (fgd)
at pakikipanayam. Ang awtput ng pag-aaral ay gabay sa sulating pananaliksik na
makatutulong upang mapadali ang gawain.
Makikita ang paradim sa naunang pahina. Nasa unang kahon ang antas ng
kahandaan ng mga mag-aaral sa gawaing pananaliksik ayon sa mga guro. Ang proseso sa
pagbuo ng sulating pananaliksik ay binubuo ng pagpili sa paksa, paglalahad ng tentatibong
balangkas, pagsulat ng literaturang konseptwal at kaugnay na pag-aaral, paggamit ng
instrumento sa pangangalap ng datos, pagpili at pag-aanalisa ng angkop na istadistika,
paghahanay ng mga datos at pagbibigay-interpretasyon at pagbuo ng lagom, kongklusyon at
rekomendasyon. Kasama nito ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa pagbuo
ng sulating pananaliksik.
Nakapaloob sa ikalawang kahon ang prosesong ginawa ng mananaliksik gaya ng
pangangalap ng datos at impormasyon sa pamamagitan ng mga ipinamahaging talatanungan,
pagsasagawa ng focal group discussion at pakikipanayam. Sa huling kahon naman ang gabay
sa pagsulat-pananaliksik bilang kagamitang panturo sa Senior High School.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Upang maging malinaw at lubusang mauunawaan ng mambabasa, ang mga
sumusunod na termino ay binigyang-kahulugan.
Gabay. Isang dokumento o aklat na naglalaman ng datos o impormasyon at panuto
upang isakatuparan ang isang gawain. (https://en.wiktionary.org/wiki/guide, 2018) Sa pag-
aaral, ito ang nabuong awtput ng mananaliksik na makatutulong sa mga guro at mag-aaral
upang mapadali ang sulating pananaliksik sa senior high school.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Kagamitang Panturo. Ito ay mga bagay na ginagamit upang mapadali ang
interaksyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral upang ang talakayan ay maging epektibo
(Garcia, 2018). Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa gabay na magagamit sa pagtuturo ng
pananaliksik sa Senior High School.
Kahandaan sa Sulating Pananaliksik. Ito ay binigyang-kahulugan nina Jocson et al.
(2005) bilang malaking gampanin na dapat isaalang-alang upang ang daloy ng pagbuo ng
pananaliksik ay sumunod sa sistematiko at nakaplanong gawain. Sa pag-aaral, ito ang
pagtalakay sa kahandaan ng mga mag-aaral sa pananaliksik na magiging batayan ng gawain.
Pagpili ng Paksa. Binigyang-kahulugan ito nina Atanacio et al., (2016) bilang unang
hakbang sa pagbuo ng pananaliksik. Sinasabing ito ang bahaging pinakamahirap simulan
sapagkat hindi sapat na gusto lamang o kabilang sa mga hilig gawin ang nais isulat. Sa pag-
aaral, ito ay tumutukoy bilang hakbang sa gawaing pananaliksik.
Pangangalap ng Datos. Ito ang pagtukoy at pagkuha ng anumang uri ng datos na
kailangan sa pananaliksik. Gayundin, ang klasipikasyon kung saan maaaring matagpuan ito
partikular sa silid-aklatan (Bernales et al., 2016). Sa pag-aaral, isa itong mahalagang proseso
sa gawaing pananaliksik kaugnay ng iba pang hakbang upang makabuo ng makahulugan at
makatotohanang saliksik.
Paksa. Ang paksa ang pinakasentral na ideya na komokontrol sa takbo ng isasagawa
o isinasagawang pag-aaral. (Astroga at Nucasa, 2010). Sa pag-aaral, ginamit ang salitang ito
bilang bahagi ng gawaing pampananaliksik na nakatuon sa antas ng kahandaan at suliraning
nararanasan ng mga mag-aaral sa sulating pananaliksik.
Senior High School. Antas ng pag-aaral sa bagong kurikulum na K to 12, Baitang 11
at 12. Kinapapalooban ito ng core curriculum at mga asignatura sa strand at larang na mapipili
ng mag-aaral (http://www.deped.gov.ph/k-to-12/faq/senior-high-school 2017). Sa pag-aaral,
ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral na nasa Baitang 11 na na sentro ng pag-aaral sapagkat
sila ang kumukuha ng asignaturang pananaliksik.
Sulating Pananaliksik. Naglalaan ito ng pangunahing konsiderasyon at
pagpapahalaga sa mga teorya kabilang na ang paglalatag, pagsubok at paglutas nito.
Kaakibat nito ang masinsinang pangangalap, pag-aaral, pagsusuri, pagkilala at pagpapatunay
ng mga kaisipan (Cruz, 2013). Sa pag-aaral, tumutukoy ito sa gawaing bubuuin ng mga mag-
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
aaral kaugnay ng kurikulum sa K to 12 at core subject na Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Nakahanay ito sa mga asignatura sa Baitang 11 at 12.
Suliranin. Ito ay tumutukoy sa pagsubok sa kakayanan at tibaysa
pagkatao(https://brainy.ph/question/310520, 2016). Sa pag-aaral, ito ay binigyang-kahulugan
bilang suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
Tentatibong Balangkas. Tatlong-pahinang papel na naglalaman ng mga plano at
tunguhin ukol sa pananaliksik ng isang tiyak at piniling paksa (Pacay III, 2016). Sa pag-aaral,
tumutukoy ito sa gawaing pananaliksik bilang baryabol kaugnay ng rasyunal, pangkalahatang
layunin, mga tiyak na layunin, suliranin ng pag-aaral at iba pa sa pagtukoy ng antas ng
kahandaan ng mga mag-aaral sa gawain.

KABANATA III
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga disenyo, paksa ng pag-aaral, mga instrumento
at pamamaraang ginamit sa pangangalap ng mga datos kabilang na rin ang mga istadistika
sa pagsusuri at pagpapakahulugan.

Disenyo ng Pag-aaral
Palarawang disenyo ng pag-aaral ang ginamit ng mananaliksik. Sa maraming uri ng
deskriptibong pananaliksik, piniling gamitin ang Descriptive Survey Research Design. Ang
disenyong ito ay gumagamit ng talatanungan upang makapangalap ng iba’t ibang datos (Hale,
2011). Talatanungan ang pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos at
pagkuha ng mga impormasyon upang malaman ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral
sa sulating pananaliksik at mga suliraning nararanasan nila sa gawain.

Paksa ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa proseso ng pananaliksik para sa mga mag-aaral
ng Senior High School sa Distrito ng Mataasnakahoy. Ito ay naglalayong makabuo ng gabay

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
sa pananaliksik upang maging pantulong sa mga guro sa pagtuturo at mga mag-aaral sa
pagbuo ng sulating pananaliksik.

Mga Kalahok sa Pag-aaral


Makikita sa Talahanayan 1 ang distribusyon ng mga kalahok sa pag-aaral. Ang mga
kalahok sa pag-aaral na isinagawa ay ang mga mag-aaral na nasa strand ng STEM at ABM
at mga gurong nagtuturo ng pananaliksik sa senior high school sa Distrito ng Mataasnakahoy.
Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Kalahok sa Pag-aaral
Populasyon
Paaralan Mag-aaral Guro
ABM STEM

Mataasnakahoy Senior High School 39 36 75 13


Holy Trinity of Padre Garcia
Bats. Inc., Mataasnakahoy Branch 10 6 16 5
La Purisima Concepcion Academy
Senior High School 17 26 43 4
Kabuuan 66 68 134 22

Ginamit ang purposive sampling sapagkat pinili ang mga pangkat ng kalahok batay sa
katangian ng populasyon, disenyo at layunin ng pag-aaral (Crossman, 2018). Tanging ang
mga guro at mag-aaral sa nasabing mga paaralan ang mga kalahok na higit na nakaaalam
ng mga datos at impormasyong kailangan.
Ang mga paaralang senior sa Distrito ng Mataasnakahoy na painanggalingan ng mga
kalahok sa pag-aaral ay ang mga sumusunod: Mataasnakahoy Senior High School, Holy
Trinity of Padre Garcia, Bats. Inc., Mataasnakahoy Branch at La Purisima Concepcion
Academy Senior High School. Makikita sa kabuuan na lahat ng mga mag-aaral na kalahok
mula sa nakatalang strand ay 134 at kabuuang bilang ng mga guro ay 22.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Mga Instrumentong Ginamit
Upang makabuo ng maayos na pananaliksik, kailangan ang masusing pangangalap
ng datos. Sa puntong ito, bumuo ang mananaliksik ng isang makabuluhang instrumento, ang
talatanungan.
Talatanungan. Ito ang pangunahing instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos.
Binuo ito sa pamamagitan ng pananaliksik at malawakang pagbabasa ng mga aklat at iba
pang babasahin, pagtatanong sa ibang guro na nagtuturo ng pananaliksik, pagsangguni sa
tagapayo at sa mga nakaraang pag-aaral na may kaugnayan sa paksa.
Binubuo ng dalawang bahagi ang talatanungan. Ang unang bahagi ay tungkol sa antas
ng kahandaan ng mga mag-aaral sa gawaing pananaliksik tulad ng pagpili ng paksa,
paglalahad ng tentatibong balangkas, pagsulat ng literaturang konseptwal at kaugnay na pag-
aaral, paggamit ng instrumento sa pangangalap ng datos, pagpili at pag-aanalisa ng angkop
na istadistika, paghahanay ng mga datos at pagbibigay-interpretasyon at pagbuo ng lagom,
konklusyon at rekomendasyon. Ang ikalawang bahagi ay para sa mga mag-aaral ng STEM at
ABM tungkol sa suliraning nararanasan sa pagbuo ng sulatin.
Paghahanda ng Talatanungan. Bumuo ng draft ng talatanungan ang mananaliksik
sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat at mga babasahing may kaugnayan sa paksang
pinag-aralan, pagsangguni sa ilang gurong nagtuturo ng pananaliksik at tagapayo. Kinakitaan
ito ng pangangailangang mapakinis kung kaya’t ang mga puna at mungkahing ibinigay ng
tagapayo ay isinaalang-alang. Ang pagbabago ay agarang isinagawa at nang maayos na ang
talatanungan, naghanda ng apat na sipi ang mananaliksik para sa balidasyon.
Balidasyon. Matapos iwasto ng tagapayo, muling ipinasuri at ipinavalideyt ang
talatanungan sa panel upang lalong mapaunlad at mapakinis ito. Batay sa naging payo at
mungkahi, nirebisa at isinama ang kanilang mungkahi at iniharap na muli ang kopya sa
tagapayo para sa pinal na draft. Matapos mapakinis nang lubos ang binuong talatanungan,
iniharap ang kopya sa dekana. Ang naging mungkahi ng dekana ay isinama sa pinal na
pagpapakinis ng talatanungan. At sa huli, isinagawa ang pagpaparami nito upang ipamahagi
sa mga kalahok ng pag-aaral.
Pamamahagi. Ang nasabing talatanungan pagkatapos marebisa ay pinarami ayon sa
bilang ng kalahok ng pag-aaral. Gayundin, ang mananaliksik ay nagbigay ng pormal na liham-
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pahintulot sa mga punungguro at tagapamahala ng paaralang senior high school sa Distrito
ng Mataasnakahoy. Ang liham na nabanggit ay may lagda ng tagapayo at dekana ng
kolehiyong kinabibilangan ng mananaliksik. Sa binuong talatanungan, tinalakay ang layunin
ng pag-aaral at tiniyak ang pagiging kumpidensyal ng impormasyong nakalap.
Paraan ng Pagkuha ng Datos at Pag-iiskor. Ang mga talatanungan ay kinalap ng
mananaliksik na muling napabalik sa araw na napagkasunduan. Pagkatapos masagutan,
sinimulan ang pagsusuri sa mga sagot sa bawat tanong na nakalahad. Ang mga kasagutan
sa mga natipong talatanungan ay inihanay, binilang at sinuri para sa gawaing presentasyon
at interpretasyon.
Pinag-aralang mabuti ng mananaliksik ang nakuhang datos mula sa talatanungan.
Ang mga sagot ay inihanay, binilang, sinuri upang malaman ang datos ng pag-aaral. Itinally
ang mga datos na nakalap at nang matapos kaagad itong isinangguni sa istatistisyan para sa
prosesong pang-istadistika. Ginamit ng mananaliksik ang Lykert Scale sa pagbibigay
interpretasyon sa weighted mean na nakuha sa pag-aaral. Nasa ibaba ang ginamit na opsyon.
Opsyun Interbal Berbal na Interpretasyon
4 3.5-4.0 Lubos na Kahandaan (LK)
Napakabigat na Suliranin (NS)
3 2.5-3.49 Sapat na Kahandaan (SK)
Mabigat na Suliranin (MS)

2 1.5-2.49 Kulang na Kahandaan (KK)


Hindi Gaanong Suliranin (HGS)
1 1.0-1.49 Walang Kahandaan (WK)
Hindi Suliranin (HS)
Focus Group Discussion. Upang masusing mailahad ang kabuuang antas ng
kahandaan sa ginawang pagtataya ng mga guro, nagsagawa ng focus group discussion (fgd).
Humingi ng pahintulot ang mananaliksik sa pagsasagawa ng fgd kasama ang iskedyul upang
makapangalap ng mga dagdag na ideya at impormasyon na lalong nagpatibay sa
isinagawang pag-aaral. Nagkaroon ng pagpapalitan ng opinyon, paniniwala o persepsyon ang
mga kalahok na guro sa fgd at malayang pinag-usapan ng mga miyembro ng pangkat ang
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
mga tanong na ibinigay. Habang nagaganap ito, nagtatala ang mananaliksik ng mahalagang
punto.
Pakikipanayam. Sa pamamagitan ng liham na nabatid at nang napatibay na ang liham
na nabanggit, naghanda rin ng liham sa mga kakapanayamin upang humingi ng pahintulot na
maging bahagi sila ng pag-aaral. Isinagawa ang pakikipanayam sa napagkasunduang
panahon at oras upang makapangalap ng dagdag na impormasyon. Matiyagang nakinig at
nagtala ang mananaliksik ng ibinahaging opinyon, damdamin at persepsyon ng mga kalahok.
Istadistikang Ginamit
Sa isinagawang analisis at pagsusuri, ang ginamit ng mananaliksik ang sumusunod
na payak na istadistika upang mapagtibay, makabuluhan at maging balido ang mga datos na
nakalap.
Composite Mean. Ito ay ginamit upang makuha ang kabuuan ng weighted mean.
Weighted Mean. Ito ay ginamit upang malaman kung ano ang pagkakasunod-sunod
ng bawat aytem batay sa resulta ng pag-aaral tungkol sa antas ng kahandaan at nararanasan
ng mga mag-aaral sa sulating pananaliksik sa Senior High School.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito nakalahad ang pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga datos na


nakalap kaugnay sa pagsulat ng gawaing pananaliksik.
1. Antas ng Kahandaan ng mga Mag-aaral sa Gawaing Pananaliksik Ayon sa mga
Guro
Ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa gawaing pananaliksik ay tumutukoy
sa kalagayan ng mga mag-aaral kung sila ay handa sa gawaing ito. Nakatuon ang pag-aaral
na ito sa nasabing antas mula sa pagpili ng paksa hanggang sa pagbuo ng lagom, konklusyon
at rekomendasyon.
1.1. Pagpili ng Paksa. Makikita sa talahanayan 2 ang antas ng kahandaan ng mga
mag-aaral sa pagpili ng paksa. Ang nanguna ay may parehong weighted mean na 3.14 at

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
may sapat na kahandaan ay ang pagsusuri ng paksang makabuluhan kaugnay ng wika at
kultura at pagtukoy sa saklaw ng panahon kaugnay ng napiling paksa.
Talahanayan 2
Antas ng Kahandaan sa Pagpili ng Paksa
Aytem Weighted Berbal na
Mean Interpretasyon
1. Pagsusuri ng paksang makabuluhan 3.14 Sapat na Kahandaan
kaugnay ng wika at kultura
2. Pagtukoy sa saklaw ng panahon
kaugnay ng napiling paksa 3.14 Sapat na Kahandaan
3. Pag-iisip ng paksa na naaayon sa
strand na kinabibilangan 3.05 Sapat na Kahandaan
4. Paglilimita ng paksa upang maging
malinaw ang tunguhin 2.77 Sapat na Kahandaan
5. Pag-alam sa mga batayang
katangian ng isang mainam na paksa 1.77 Kulang na Kahandaan
sa sulating pananaliksik
6. Pagkuha ng sapat na impormasyon
kaugnay ng paksa 1.77 Kulang na Kahandaan
7. Pagpili ng paksang kawili-wili o
nakapupukaw ng interes 1.73 Kulang na Kahandaan
8. Pag-iwas sa malawak na paksang
pag-aaralan 1.59 Kulang na Kahandaan
9. Pagtukoy ng paksa kaugnay ng
layunin 1.41 Walang Kahandaan
10. Paghanap ng paksang napapanahon
1.32 Walang Kahandaan

Composite Mean 2.17 Kulang na Kahandaan

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Sinabi ng mga kalahok na guro na mainam na ang napiling paksa ay may kaugnayan
sa wika at kultura. Dito nasasalamin ang pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa kulturang
mayroon ang Pilipino. Kailangan ding isaalang-alang ang saklaw ng panahon kaugnay ng
napiling paksa sapagkat may sinusunod na proseso at pagtalakay gamit ang curriculum guide
sa senior high school. Kadalasang nakahain ang asignaturang pananaliksik sa ikalawang
semestre para sa mga mag-aaral ng baitang 11. Kung kaya, sa saklaw ng panahon ng pagbuo
ng gawain, mahalagang magkaroon ng timeline upang magkaroon ng gabay at mabilis na
mabuo ang sulatin. Lumabas sa pag-aaral na ito ang sinabi ni Jocson na sa bawat galaw ng
mag-aaral, saan man siya bumaling, tila nakangiting nag-aanyaya ang kapaligiran upang
magsagawa ng pananaliksik. Magkaugnay na paksa ang wika at kultura kaya’t
napakagandang matuto ng mga dapat sa ganitong gawain. Bilang isang mag-aaral,
tatanggaping isang hamon ang pagbuo nito sapagkat nabibigyang pagkakataon ang mga
mag-aaral na mapalawak ang karanasan, maragdagan ang mga kaalaman at higit sa lahat
maging kapaki-pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad.
Sumunod dito ang pag-iisip ng paksa na naaayon sa strand na kinabibilangan at
paglilimita ng paksa upang maging malinaw ang tunguhin na may weighted mean na 3.05 at
2.77 na may parehong sapat na kahandaan din ang ibinigay ng mga kalahok. Binigyang-diin
sa panayam ng mga guro na natutuwa sila sapagkat ibinabatay ng mga mag-aaral ang paksa
ayon sa kanilang strand na kinabibilangan. Magandang simulain ito sa pananaliksik sapagkat
natututunan nilang iayon ang kanilang isinasagawang gawain sa strand na kanilang napili o
pinagkakadalubhasaan.
Dagdag pa nila, matutugunan ang paglilimita ng paksa sa pamamagitan ng
malawakang pagbabasa ng mga aklat at iba pang babasahin kaugnay ng paksang tatalakayin
o tinatalakay. Ang pag-alam sa mga batayan sa paglilimita ay magsisilbing gabay upang
makapili ng paksang angkop at nais ng mananaliksik. Upang hindi maging masyadong
masaklaw ang pag-aaral at pagtalakay na gagawin, ipinahayag at sinang-ayunan ang pag-
aaral na ito nina Astroga at Nucasa na mahalagang sa simula pa lamang ay limitahan na ang
napiling paksa. Dapat na maging malinaw sa mananaliksik ang saklaw ng panahon ng pag-
aaral sa paksang napili. Isinasaalang-alang ang edad ng kalahok o tagatugon na gagamitin
sa paksang pag-aaralan upang magkaroon ng direksyon at maging obhetibo ang gawain.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Nakaaapekto rin ang kasarian, pangkat na kinabibilangan kung sila ay bata, matanda, walang
hanapbuhay, may hanapbuhay at kalagayang pang-ekonomiko sa resulta ng pananaliksik.
Kulang na kahandaan ang naipamalas ng mga mag-aaral sa pag-alam sa mga
batayang katangian ng isang mainam na paksa sa sulating pananaliksik at pagkuha ng sapat
na impormasyon kaugnay ng paksa na parehong may weighted mean na 1.77. Ganito ang
sinabi ng mga kalahok na guro, kailangang pagtuunan ng pansin ang mga batayang katangian
sa pagpili ng paksa. Nagkakaroon ng kalituhan ang mga mag-aaral sa mga batayan gaya
edad, kasarian at lugar upang makapili ng magandang paksa. Kung hindi ito mabibigyang-
pansin, magkakaroon ng suliranin sa pagbuo ng magandang pamagat.
Sinuportahan ang pag-aaral na ito sa ibinigay nina Bernales et al. na konsiderasyong
dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang pampananaliksik. Mahalagang makahanap at
maisama ang mga kailangang datos at sapat na literatura tungkol sa paksang pipiliin.
Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-ngilan pa lamang ang
mga magpagkukunan ng datos. Ang limitasyon ng panahon ay dapat bigyan ng konsiderasyon
sa pagpili ng paksa sapagkat ang gawaing ito ay isinasagawa sa loob ng isang semestre.
Humahantong ang gawaing ito sa walang kabuluhan kung tungkol sa isang paksang walang
katuturan o kabuluhan sapagkat may mga paksang kailangan ng paghahanda para sa
mahabang panahon na higit pa sa isang semestre. Sa pagpili ng paksa, isaalang-alang kung
ito ay napapanahon, may mapagkukunan ng sapat na datos at mapakikinabangan ng
nakararami.
May weighted mean na 1.73 at kulang na kahandaan ang pagpili ng paksang kawili-
wili o nakapupukaw ang interes. Sinabi ng gurong nakapanayam na ang pagkakaroon ng
interes sa gawaing ito ay isang napakalaking hamon sapagkat ang pagbuo nito ay hindi basta-
basta at mahirap. Ang mga asignatura sa senior high school ay mula sa kolehiyo, partikular
sa pananaliksik kaya’t mahalagang may interes ang mga mag-aaral sa paksang kanilang
napili upang maging kawili-wili ang paksa at gawain. Dahil dito, madaling maisasakatuparan
nila ang layunin sa pagbuo ng sulatin. Mahirap pumili ng paksang makapagbibigay ng
kawilihan sa mananaliksik at mga mambabasa. Ito’y nagsisilbing hamon upang maipakita ang
pagiging seryoso at pagkakaroon ng ideya sa ganitong gawain.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
May kulang na kahandaan ang pag-iwas sa malawak na paksa ng pag-aaral na may
weighted mean na 1.59. Sa focus group discussion, ipinahayag ng isa sa mga gurong kalahok
na kapag ang napiling paksa ay masyadong masaklaw, magkakaroon ng sagabal sa mabilis
na pagbuo ng nito. Upang maiwasan, kailangang sumangguni ang mga mag-aaral sa mga
gurong bihasa o may kaalaman sa larangan ng pananaliksik. Makatutulong din ang
pagtatanong at koordinasyon sa pagitan ng mananaliksik at tagapayo upang maiwasan ang
malawak na paksa. Ang pag-aaral na ito ay pinagtibay nina Bernales et al. kung saan
binanggit nila na may kaugnayan ito sa paglilimita ng paksa upang maiwasan ang masaklaw
na pag-aaral. Sa pamamagitan ng gawaing ito, mabibigyan ng direksyon at pokus ang
pananaliksik maging ang padampot-dampot na pagtalakay sa paksa ay maiiwasan.
Sa panayam, sinabi ng isang guro na ang layunin ang nagsisilbing batayan upang
matukoy ang paksa ng pananaliksik. Kailangang nakaangkla ang bawat katanungang inilahad
sa layunin sa paksa nang sa gayo’y maiugnay ito sa iba pang bahagi. Sinuportahan ang pag-
aaral na ito ni Madrona kung saan inilahad niya na sa pagbuo ng mahusay na layunin,
mahalagang pag-aralan ang paksa sa pagsulat ng pananaliksik. Ito ang magsisilbing gabay
sa manunulat kung paano gagawing mas komprehensibo ang sulatin. Ito rin ang isinasagawa
upang masagot ang mga tanong tungkol sa paksa. Mayroong dalawang bahagi ang layunin:
ang pangkalahatan at tiyak na mga layunin. Sumusukat sa kabuuang larawang nais gawin ng
manunulat ang pangkalahatang layunin. Kailangang ito ang unahing buuin bago ito himay-
himayin sa mga tiyak na layunin. Ang paliwanag na ito ay nakakuha ng weighted mean na
1.41 at walang kahandaan ang pagtukoy ng paksa kaugnay ng layunin sa pag-aaral.
Ang pahayag mula sa learning resource na Quipper ang binigyang-diin ng
mananaliksik sa pagtuturo upang maging madali sa mga mag-aaral ang pagtukoy sa paksa
kaugnay ng layunin. Nakapaloob sa tiyak na mga layunin ay mga tiyak na hakbang upang
humantong sa pagsagot sa pangkalahatang layunin. Nagsisilbing tseklist ng mananaliksik ang
mahusay na layunin sa pagbuo ng sulatin at nagiging gabay ito sa pagbuo ng mga datos
hanggang sa pagbuo ng konklusyon. Hango sa paksa at nakasulat sa paraang mailalahad
ang layunin ng pananaliksik na nakapaloob sa iisang pangungusap.
Ang pinakahuli at walang kahandaan ay ang paghanap ng paksang napapanahon
na may pinakamababang weighted mean na 1.32. Binigyang-diin ng mga guro na mahalagang
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
isaalang-alang ang napapanahong paksa sapagkat kaakibat nito ang pagkakaroon ng interes
at pagkalap ng mga bagong impormasyong sasaliksikin. Ganito naman ang sinabi ng isa pang
guro, dapat na ang paksang napili ay hindi lamang napapanahon kundi nakatatawag ng
pansin o interes at nakapagbibigay motibasyon upang maipagpatuloy ang pagbuo ng sulatin.
Dahil sa bago at mahirap ang mga asignatura sa senior high school tulad ng pananaliksik,
masyado pang mura ang isipan ng mga mag-aaral upang makahanap at makapili ng nasabing
paksa sapagkat laganap ang mga gasgas at hindi makatotohanang paksa. Bagamat
gumagamit sila ng modernong teknolohiya, nahihirapan pa rin silang makahanap ng paksang
napapanahon kaugnay ng kanilang strand na kinabibilangan.
Sa kabuuan, ang antas ng kahandaan sa pagpili ng paksa ay may composite mean
na 2.17, nagpapakita na kulang na kahandaan ng mga mag-aaral sa nasabing gawain. Para
sa mananaliksik, ang mga mag-aaral sa K to 12 ay nangangailangan ng gabay sa wastong
pagpili ng paksa na makatutulong upang umisip at pumili ng paksa para sa isasagawang pag-
aaral.
1.2 Paglalahad ng Tentatibong Balangkas. Sa talahanayan 3 matatagpuan ang
tungkol sa antas ng kahandaan sa paglalahad ng tentatibong balangkas.
Mapapansin na ang pagsunod sa uri ng balangkas na gagamitin ang nanguna na
may weighted mean na 3.14 na sinundan ng paggamit ng balangkas sa pagsulat ng sulating
pananaliksik na may weighted mean na 3.09 ay parehong may sapat na kahandaan.
Nakatutulong ang paggamit ng balangkas sa gawaing pananaliksik sapagkat maipakikita ang
tiyak na daloy nito. Tiyakin lamang na ang mga mahahalagang detalye at pansuportang ideya
ay angkop at may kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral. Sa pamamagitan nito,
magkakaroon ng direksyon ang anumang uri ng balangkas na gagamitin. Mas mainam na
pumili muna ng uri ng balangkas na gagamitin kung ito ay papaksa, patalata o pangungusap.
Kapag nakapili na, isulat ang mga pangunahing ideya at ilagay ang mga pansuportang ideya
bilang na magpapatibay sa mga inilahad na ideya.
Parehong may weighted mean na 3.00 at may sapat na kahandaan ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangunahing ideya at mahahalagang detalyeng ipapaloob sa
balangkas at pag-aayos ng mga panandang gagamitin na dapat nakapaloob sa balangkas.
Ayon sa gurong kalahok sa fgd, nakabubuo na ang mga mag-aaral ng mga ideya na ipapaloob
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
sa balangkas kung kaya, madali na nilang maisasaayos ang lalamanin ng kanilang isusulat.
Isang mahalagang katangian ng isang sulatin ang pag-uugnay sa bawat bahagi nito kung
kaya’t mabilis na mauunawaan ang nais iparating nito sa mga mambabasa. Dapat na may
kaugnayan ang lahat ng ilalagay na mahahalagang detalye sa mga pangunahing ideya upang
hindi maging maligoy at may patutunguhan ang bubuuing balangkas.
Nakatutulong naman ang paggamit ng mga pananda sa balangkas upang matiyak
kung ito ay pangunahin o pansuportang ideya. Maaaring gumamit ng mga pananda gaya ng
malalaki at maliliit na titik at numero upang hindi malito sa magiging daloy ng balangkas.
Hangga’t maaari, iwasan ang mga paulit-ulit na salita na nasabi na sa pangunahing ideya.
Magkaroon din ng konsistent na pagpapahayag ng mga salita. Kung sinimulan sa pangngalan,
pandiwa o pang-uri ang unang pantig o salita, ipagpatuloy ito upang magandang tingnan at
madaling basahin.
Talahanayan 3
Antas ng Kahandaan sa Paglalahad ng Tentatibong Balangkas
Aytem Weighted Berbal na
Mean Interpretasyon
1. pagsunod sa uri balangkas na 3.14 Sapat na Kahandaan
gagamitin
2. paggamit ng balangkas sa pagsulat 3.09 Sapat na Kahandaan
ng sulating pananaliksik
3. pagkakaugnay-ugnay ng mga 3.00 Sapat na Kahandaan
pangunahing ideya at mahahalagang
detalyeng ipapaloob sa balangkas
4. pag-aayos ng mga panandang 3.00 Sapat na Kahandaan
gagamitin na dapat nakapaloob sa
balangkas
5. pagsulat ng mga susing ideya 2.95 Sapat na Kahandaan

2.68 Sapat na Kahandaan

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
6. pagpapanatili ng kaayusan ng
balangkas gamit ang transisyunal na 2.45 Kulang na Kahandaan
pananalita
7. pagsasama ng magkakaugnay na 2.41 Kulang na Kahandaan
ideya o datos ayon sa kahalagahan
8. Pagpapangkat-pangkat ng mga datos 2.32 Kulang na Kahandaan
o impormasyon
9. pag-uugnay ng mahahalagang 2.05 Kulang na Kahandaan
bahagi ng sulatin
10. pagtatala ng pangunahing kaisipan 1.36 Walang Kahandaan
ayon sa pagkakasunod-sunod
11. pagbubuod ng punong ideya gamit 1.27 Walang Kahandaan
ang sariling pananalita
12. pagsasaayos ng mga ideya sa
organisadong pamamaraan
Composite Mean 2.48 Kulang na Kahandaan

Isang mahalagang papel na ginagampanan sa pagbuo ng gawain ang pagsulat ng


mga susing ideya na may weighted mean na 2.95 at may sapat na kahandaan. Ang pagtukoy
sa mga salitang ito ang nagpapatunay na sa pamamagitan ng mga ideya, napayayaman ito
sa pamamagitan ng pagpapalawak ng kahulugan at nais iparating nito. Nilalaman din ng
balangkas ang pangunahing kaisipan na sunod-sunod na inilalagay batay sa kahalagahan at
uri. Bago sumulat ng balangkas, ang pagpili ng mga susing ideya ay dapat na isaalang-alang
upang madaling maiugnay ang mga ideya at konseptong ipapaloob sa gawain.
Ang pagpapanatili ng kaayusan ng balangkas gamit ang transisyunal na pananalita
na may sapat na kahandaan. Sa naging resulta, nangangailangan ito ng wastong paggamit
ng mga transisyunal na pananalita kahit pa nakakuha ito ng weighted mean na 2.68.
Ginagamit ang pananalitang ito upang maging malinaw at maganda ang daloy ng mensaheng
nakapaloob sa sulatin. Nagpapakita rin ito ng maayos na pagkakahanay ng mga ideya at
pangungusap sa talata. Ang pag-aaral na ito ay pinagtibay sa ipinahayag ni Villaruel na
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
napakayaman ng wikang Filipino sa mga transisyunal na pananalita upang mapag-ugnay ang
mga ideya at kaisipan. Mahalaga ang paggamit nito sa pagkakawing-kawing, pag-uugnay ng
mga salita, parirala at pahayag sa loob ng mga pangungusap, talata at komposisyon. Sa
pamamagitan ng paggamit nito, nagiging malinaw ang mga kaisipang nais iparating sa
pananaliksik. Sa paraang lohikal, napagsasama-sama nito ang mga pangungusap sa talata
na nagiging matibay ang pag-uugnayan sa bawat isa.
Kulang na kahandaan ang naipakita ng mga mag-aaral sa pagsasama ng
magkakaugnay na ideya o datos ayon sa kahalagahan at sa pagpapangkat-pangkat ng mga
datos o impormasyon na may weighted mean na 2.45 at 2.41 Ang pagsasama ng mga ideya
o datos ayon sa kahalagahan ay nagpapatibay upang hindi maging maligoy ang daloy ng
sulatin. Ang wastong pagtitimbang at pagpapatas ng ideya at datos ay naisasagawa sa
pamamagitan ng antas ng kahalagahan at kabuluhan sa sa isa’t isa. Nalilinang din sa gawaing
ito ang pagpili ng angkop na ideyang ilalatag sa gawain bilang kasanayang dapat matutunan
ng mga mag-aaral.
Sa pag-uugnay, pinapangkat ang mga impormasyong nakalap sa makabuluhang
paraan. Ito ay dapat na tuloy-tuloy at ginagamitan ng mga salitang naaayon sa paksa ng
sulatin. Ayon sa mga gurong nakapanayam, may kahinaan ang mga mag-aaral sa mga
nabanggit. Kulang pa sila sa kaalaman at kasanayan sa pagsasama ng mga magkakaugnay
na ideya, pagpapangkat-pangkat ng mga datos. Anila, kailangan pang pagtuunan ng mga
guro ang bahaging ito sa kanilang pagtuturo upang makasunod sila nang maayos sa pagsulat.
Ang daloy ng balangkas ay kailangang naaayon sa pagpapangkat-pangkat ng mga datos.
Ang pag-uugnay ng mahalagang bahagi ng sulatin at pagtatala ng pangunahing
kaisipan ayon sa pagkakasunod-sunod ay kulang din sa kahandaan na may weighted mean
na 2.32 at 2.05. Sa katunayan, bawat bahagi ng pananaliksik ay mahalaga at dapat na lohikal
ang pagkakasunod-sunod ang pagkakahanay sa pananaliksik. Kapag naiayos at nakapili na
ng balangkas na gagamitin, ang dalawang gawaing nabanggit ay magkasabay na gagawin
upang mapaunlad ang daloy ng kaisipan. Kung maisasagawa nang maayos, hindi malayong
ang nais iparating ng gawain ay makapag-aambag sa kabuuan ng sulatin. Ayon sa mga guro,
maaaring gumamit ng panandang Romano sa pagtatala ng kaisipan. Sinusundan ito ng
suportang kaisipan bilang pagpapatibay sa pangunahing kaisipan. Nagkakaroon ng kalituhan
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
ang mga mag-aaral sa pagtatala ng mga pangunahing kaisipan, kung saan naisasama nila ito
sa kanilang mga opinyon.
Sa nakitang kakulangan sa kahandaan, ang sinabi nina Atanacio et al. ay dapat bigyan
ng halaga sa pagtuturo na ang layunin sa pagsulat ng tentatibong balangkas ay makagawa
ng isang kongkreto at lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga ideyang kasama sa sulating
pananaliksik. Isinasagawa ang pagsasama ng mahahalagang datos na nakatutulong upang
mapatibay ang pananaliksik. Ang panimula, katawan at konklusyon ay kailangang
magkakasunod na nakalahad. Ipinaliliwanag sa panimula ang pangunahing kaisipang nais
bigyang-diin at kung bakit ang mga mambabasa ay mahihikayat na basahin ang sulatin. Sa
katawan inilalagay ang mga argumento na magsisilbing pansuporta sa tesis na pahayag.
Mainam na humanap ng tatlong argumento na susuporta sa bawat posisyong nais patunayan.
Sa pamamagitan naman ng paghahawig o paraphrasing, inilalahad ang tesis na pahayag. Ito
ang magiging buod ng argumento at sa bahaging ito ipinahahayag ang dahilan kung bakit
nakabuo ng argumento.
Lumabas na walang kahandaan ang pagbubuod ng punong ideya gamit ang sariling
pananalita. Sinabi ng isang guro na mahalaga ang pagbubuod gamit ang sariling salita
sapagkat dito nalalaman kung gaano kabisa ang paggamit ng wika at wastong konstruksyon
ng pangungusap ng mga mag-aaral. Sa katunayan, nakakuha lamang ito ng weighted mean
na 1.36. Gamit ang punong ideya, hindi nila ito nailalapat sa kanilang sariling pananalita. Ang
kanilang nababasa sa mga babasahing sanggunian ay hindi nila inirirebisa batay sa kanilang
pagkaunawa. Sa halip, copy and paste ang kanilang nagagawa.
Dahil sa resulta ng pag-aaral, nagmungkahi sina Auestero et al. ng mga paraan sa
pagsulat ng balangkas na makapagpapaunlad sa pagbubuod gamit ang sariling pananalita.
Sa tinatawag na glossing, babasahin ang isang seksyon na maaaring ilagay sa kwaderno o
sa margin ng aklat. Ito ang paraan ng pagsulat ng mga susing ideya sa paraang gusto ng
mambabasa. Maaari ding gumamit ng mga parirala o pagdadaglat upang mapaikli ito, o kaya’y
numero o letra at i-tsart ang mga impormasyon na nakuha sa iba’t ibang aklat o sanggunian
sa sintesayzing. Pagkatapos ay pagsamahin at magtala ng mga katanungan mula sa mga
punong ideya na maaaring i-aplay sa iba pang impormasyong nakuha.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
May pinakamababang weighted mean na 1.27 ang pagsasaayos ng mga ideya sa
organisadong pamamaraan na may kaugnayan sa pagbubuod ng mga ideya gamit ang
sariling pananalita. Sa interpretasyong berbal, lumabas itong walang kahandaan. Kung hindi
wastong nailahad ang mga ideya at kaisipan, hindi magkakaroon ng organisadong
pagkakahanay ng mga ideya. Ang paggamit ng draft ang isang magandang gawain sa
bahaging ito kasunod ang iba pang mga gawain upang pagsama-samahin ang bawat ideya.
Sa natuklasang ito, may pagtalakay at pagpapatibay sina Nuncio et al. kung saan isinasaayos
ang mga naiwaksing ideya sa isang organisadong pamamaraan na magagawa sa
pamamagitan ng paggamit ng balangkas sa paraang deduktibo o induktibo. Sa bahaging ito,
kailangang mangalap ng datos na susuporta sa mga kaisipan at maaaring gumawa ng
balangkas kapag kompleto ng lahat ang mga impormasyon. Tinatawag na draft ang unang
pagtatangka sa pagsulat. Kasunod nito ang pagbabasa, pagwawasto at pag-aayos ng mga
ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pagrerebisa at pag-eedit kung saan itinatama ang
istruktura ng wikang ginamit. Kapag naitama na ang mga pagkakamali at naisulat nang muli,
isa na itong manuskrito.
Sa pangkalahatan, ang kahandaan ng mga mag-aaral sa paglalahad ng tentatibong
balangkas ay may composite mean 2.48 at kulang sa kahandaan. Masasabing ang
pagkakaroon ng gabay sa gawaing ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang lubos na
maunawaan ang wastong pagbabalangkas gamit ang uri at mga paraan nito.
1.3 Pagsulat ng Literaturang Konseptwal at Kaugnay na Pag-aaral. Matutunghayan
sa talahanayan 4 ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng literaturang
konseptwal at kaugnay na pag-aaral.
Nanguna ang pagtukoy sa mga layunin, disenyo at resulta ng kaugnay na pag-aaral
na may weighted mean na 3.18 at may sapat na kahandaan. Ayon sa mga gurong kalahok,
isinasama sa pagsulat ng kaugnay na pag-aaral ang layunin, disenyo at resulta ng kaugnay
na pag-aaral upang malaman ang kalagayan at kaugnayan nito sa isasagawa o
isinasagawang pag-aaral. Maaari itong makita sa abstrak na inilaan ng mga mananaliksik.
Isinasama rin ang mga natuklasan at rekomendasyon ng nakaraang pag-aaral sa
kasalukuyang pag-aaral. Mas mainam na tingnan ang Kabanata V upang mabasa nang buo

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
ang natuklasan at naging resulta ng pag-aaral. Sa ganitong paraan, mailalagay ng
mananaliksik ang mga kailangang datos sa kanyang pag-aaral.
Ang pagtiyak sa mga pag-aaral nang nagawa kaugnay ng isinagawang pag-aaral ay
may weighted mean na 3.09 at may sapat na kahandaan. Ito ay maaaring tesis o disertasyon
na isinagawa ng mga mananaliksik na matatagpuan sa silid-aklatan ng mga pamantasan.
Dahil ang mga mag-aaral ay nasa senior high school, alinman sa dalawang nabanggit na uri
ng pag-aaral ay maaaring gamitin at ipaloob ang mga mahahalagang datos sa isasagawang
pag-aaral gaya ng layunin, resulta, natuklasan at rekomendasyon ng pag-aaral. Tiyakin
lamang na may kaugnayan ang tesis o disertasyon sa napiling paksa.
Samantala, ang pagkalap ng mga impormasyon mula sa banyaga at lokal na
literatura ay nakakuha ng weighted mean na 3.05. Sumunod ang pagkalap ng mga
impormasyon mula sa mga lokal na pag-aaral na may weighted mean na 3.00. Ang dalawang
gawaing ito ay parehong may sapat na kahandaan. Ang pagkalap ng mga impormasyon mula
sa banyaga at lokal na literatura at pag-aaral ay magandang konsepto sa pananaliksik. Dito
nakatitiyak na kung mabatid na may malaking kaugnayan ito sa kasalukuyang pag-aaral, mag-
iisip ang mananaliksik ng kakaibang anggulo ng pananaliksik upang hindi maulit ang nagawa
ng pag-aaral. Ang pagkalap ng mga impormasyon mula sa banyaga at lokal na literatura ay
marapat lamang na isagawa upang magsilbing pansuporta ito sa pag-aaral. Hindi lamang ito
ang layuning ginagampanan ng nasabing mga literatura, nakapagbibigay rin ito ng sapat at
kagyat na impormasyong magpapatibay sa isang pananaliksik.
Ang pag-aaral na ito ay nagkakatulad sa tinalakay nina Cruz et al. na ang paggamit
ng mga pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan ay mainam na gawain sa pananaliksik. Ang
pagtiyak sa gagamiting materyal ay maituturing na pagiging obhetibo o walang pagkiling at
nauugnay sa pag-aaral. Sa gawaing ito, tiyakin na sapat ang dami o hindi kapos ang susulatin
o isasamang literatura at pag-aaral.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Talahanayan 4
Antas ng Kahandaan sa Pagsulat ng Literaturang Konseptwal at Kaugnay
na Pag-aaral
Aytem Weighted Berbal na Interpretasyon
Mean
1. pagtukoy sa mga layunin, disenyo at 3.18 Sapat na Kahandaan
resulta ng kaugnay na pag-aaral
2. pagtiyak sa mga pag-aaral nang nagawa 3.09 Sapat na Kahandaan
kaugnay ng isinagawang pag-aaral
3. pagkalap ng mga impormasyon mula sa
banyaga at lokal na literatura 3.05 Sapat na Kahandaan
4. pagkalap ng mga impormasyon mula sa
mga lokal na pag-aaral 3.00 Sapat na Kahandaan
5. paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng nakaraan at 2.91 Sapat na Kahandaan
kasalukuyang pag-aaral
6. pagpili ng mga bago at napapanahong
mga impormasyon 2.45 Kulang na Kahandaan
7. pagtukoy sa mga isasamang literaturang
konseptwal at kaugnay na pag-aaral 2.41 Kulang na Kahandaan
8. pangangalap ng datos mula sa iba’t
ibang uri ng sanggunian
9. paghahanay ng mga datos mula sa iba’t 2.32 Kulang na Kahandaan
ibang sanggunian kaugnay ng paksa ng
sulatin 2.00 Kulang na Kahandaan
10. pagkilala sa mga may-akda ng
pinaghanguan ng mga impormasyon
1.32 Walang Kahandaan

Composite Mean 2.57 Sapat na Kahandaan

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Ang paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng nakaraan at kasalukuyang pag-
aaral ay may sapat na kahandaan na may weighted mean na 2.91. Ang gawaing ito ay
tinatawag na sintesis. Ito ay isinasagawa matapos ilahad ang kaugnay na literatura at pag-
aaral. Nagsasaad ito ng pagkakatulad at pagkakaiba ng kasalukuyang pag-aaral sa mga
naunang pag-aaral. Binabanggit dito kung ano ang pinagkaiba ng dalawang pag-aaral batay
sa mga inilahad na kaugnay na pag-aaral. Sa ilang mga pamantasan, kakikitaan ng sintesis
ang ikalawang bahagi ng pananaliksik sa pamamagitan ng pagbibigay ng konsepto batay sa
literaturang konseptwal.
Nagkaroon naman at lumabas ang pagkakaroon ng kulang na kahandaan ang pagpili
ng mga bago at napapanahong mga impormasyon na may weighted mean na 2.45.
Maiuugnay ito sa naging pahayag ng mga guro na isa sa napakahalagang gawain sa
Kabanata II ang pagtukoy at paglalahad ng literaturang konseptwal sapagkat ito ang
magsisilbing pundasyon at batayan sa magiging resulta ng pag-aaral. Dito nakasalalay ang
magandang pagtalakay sa Kabanata IV na magpapatibay at magpapatatag ng kinalabasan
ng pag-aaral. Kailangang ang pag-aaral at literaturang isasama at tatalakayin dito ay mga
bago at nailimbag pa sa loob ng huling sampung taon. Nahihirapan ang mga mag-aaral sa
pagsasama ng mga bago at napapanahong mga impormasyon sapagkat walang sapat na
sangguniang maaaring gamitin tulad ng aklat at iba pang babasahin sa mga paaralan. Kung
hindi isinaalang-alang ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa at lubhang napapanahon
na halos wala ng makitang aklat at makalap na impormasyon, magiging suliranin ito sa mga
mananaliksik sapagkat magiging limitado ang datos na magsisilbing patunay at pansuporta
sa pananaliksik.
Sumunod ang pagtukoy sa mga isasamang literaturang konseptwal at kaugnay na
pag-aaral na may weighted mean na 2.41 at kulang na kahandaan. Ang literaturang
konseptwal ay mga babasahing mayroong kaugnayan sa paksa ng binubuong pananaliksik.
Mahalagang matukoy ng mananaliksik ang mga isasamang literaturang konseptwal sapagkat
makakukuha dito ng mga ideya kung paano makapipili at makabubuo ng talatanungan na
magiging batayan sa gagawing pananaliksik. Maiiwasan din ang pagkakatulad ng
isasagawang pananaliksik sa iba pang naunang pag-aaral. Gayundin, gamit ang makakalap

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
na literatura, magiging malaman ang Kabanata II na magpapatitibay at magisilbing saligan at
susuporta sa magiging resulta ng isasagawang sulatin.
Pinagtibay ang pag-aaral na ito nina San Juan et al. kung saan sinabi nila na isa sa
mga mahahalagang bahagi ng sulating pananaliksik ang pagkakaroon ng literaturang
konseptwal at kaugnay na pag-aaral. Ipinaliwanag nila kung paanong ang pag-aaral ay
nauugnay sa isinasagawang pag-aaral. Dahil dito, may pangangailangan na magkaroon ng
pagbabalik-aral sa mga nasulat na mga babasahin at mga pag-aaral na may kaugnayan sa
kasalukuyang isinasagawang pag-aaral. Nilalaman nito ang banyaga at lokal na literatura at
pag-aaral. Isinagawa ang bahaging ito ng pananaliksik upang mapagaan ang pagbibigay-
interpretasyon sa mga kinalabasan ng pag-aaral, upang matiyak kung anong pag-aaral ang
nagawa na kaugnay ng isinasagawang pag-aaral. Gayundin, upang ang estratehiya o
pamamaraang ginamit sa pananaliksik ay matuklasan kung ito ay nakabuti o hindi.
May mga kailangang tandaan sa pagsasagawa at pagpili ng mga sanggunian. Dapat
ay bago at napapanahon ang pipiliin nang sa gayon ay bago rin ang mga impormasyong
mababasa. Nararapat na kilalanin ang mga may-akda o pinaghanguan ng datos. Tiyaking
mayroong kaugnayan sa paksa ng sulatin ang isasamang literatura. Ang resulta ng
pananaliksik ay hindi obhektibo at walang kinikilingan. Ang pagkakaroon ng sapat na bilang
ng mga literatura bilang sanggunian ay makatutulong sa maayos at makabuluhang
pananaliksik.
Kulang na kahandaan at may weighted mean na 2.32 ang pangangalap ng datos mula
sa iba’t ibang uri ng sanggunian. Sa tulong ng mga gurong nagtuturo sa pananaliksik, maingat
itong binabasa, pinipili at inihahanay sa pag-aaral na isinasagawa. Ang gawaing ito ay
malawak sapagkat nangangailangan ito ng masusing pagbabasa upang makakuha ng
relayabol at balidong mga datos o impormasyon. Sa pagkalap, maaaring gumamit ng iba’t
ibang sanggunian tulad ng mga aklat, tesis, disertasyon, pahayagan, dokumento, dyornal at
elektronikong hanguan. Maraming mapaghahanguan ng mga datos subalit tiyakin na
mailalagay nang wasto ang bawat mahahalagang detalye ng pinaghanguan sa sanggunian.
Ang pag-aaral na ito ay pinatotohanan sa inilahad nina De Castro at Taruc na
maituturing na panimulang hakbang sa pananaliksik ang malawakang pagbabasa bilang
pagkuha ng mga datos o impormasyon. Nadaragdagan ang mga ideya sa posibleng maging
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pokus ng pag-aaral at kung paano patatakbuhin ang talakayan. Kuhanin ang ideya o kaisipan
at itala ang pinaghanguan kung kapaki-pakinabang at makatutulong ang impormasyon sa
pananaliksik. Tinalakay rin nila ang paraan sa pagtatala o pagkilala ng mga pinaghanguan.
Kung ang pagtukoy sa mga layunin, disenyo at resulta ng kaugnay na pag-aaral ay
nanguna sa gawain na may sapat na kahandaan, ang paghahanay ng mga datos mula sa
iba’t ibang sanggunian kaugnay ng paksa ng sulatin ay isa naman sa mga gawaing nasa huli
ng hanay. Ito ay may weighted mean na 2.00 at walang kahandaan. Sa pagsulat ng
literaturang konseptwal at kaugnay na pag-aaral, mahalagang maihanay ang mga datos na
nakalap sa tamang talata at posisyon upang maunawaan ang ideya at nais iparating ng
mananaliksik. Ipinabatid ng mga gurong kalahok na kung napapanahon at hindi malawak ang
paksa, maraming makukuhang impormasyon mula sa mga sanggunian. Ngunit ang
mahalagang gawain sa bahaging ito ay ang wastong pagkakahanay ng mga datos upang ang
daloy ng pananaliksik ay maging makabuluhan. Maaaring talakayin ang topical o
mahahalagang bahaging dapat ipaloob sa literaturang konseptwal sa pamamagitan ng
maayos na paghahanay ng mga ideya at kaisipan.
Ang pagkilala sa mga may-akda ng pinaghanguan ng mga impormasyon na may
pinakamababang weighted mean na 1.32 ay natuklasang walang kahandaan. Ipinahayag ng
mga gurong kalahok na isang mahalagang gampanin ang pagkilala sa pinaghanguan lalo na
sa may-akda. Hindi ito nagagawa nang wasto ng mga mag-aaral. Nagkakaroon pa rin sila ng
kalituhan kung paano ang tamang pagkilala kapag 1,2,3 o mahigit pa ang may-akda. Upang
maiwasan ang isyu ng plagyarismo, maingat na kinikilala ang ideya maliit man o malaki ang
naiambag sa pananaliksik. Iminumungkahi ang paggamit ng American Psychological
Association (APA) kung saan itinatala ang mga mahahalagang detalye ng ginamit na
sanggunian gaya ng pangalan ng may-akda, taon ng pagkakalimbag, pamagat ng aklat, lugar
ng palimbagan at pangalan ng palimbagan.
Pinatunayan sa pag-aaral ang sinabi nina Marquez Jr., at Garcia na isinasaalang-
alang ang mga binasang aklat, dokumento, artikulo at iba pang sanggunian na may
kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Anumang ideya o pahayag mula sa may-akda ay
dapat na kilalanin. Binubuo ng mga kaugnay na pag-aaral ang isa pa ring mahalagang bahagi
mula sa mga mga binasang tesis at disertasyon na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
aaral. Ipinakikilala dito ang may-akda ng mga sangguniang ginamit kasama rin ang taon ng
pagkakalimbag. Bawat ideya, pananaw at pahayag mula sa pinaghanguan ay matapat na
inilalagay at kinikilala.
Sa kabuuan, ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa pagsulat ng literaturang
konseptwal at kaugnay na pag-aaral ay may composite mean na 2.57 at may sapat na
kahandaan. Pinatunayan ito ng mga guro at sinabi nilang marami sa mga mag-aaral ang
marunong magsaliksik sa paksang kailangang hanapan ng impormasyon kaugnay ng
ikalawang bahagi ng pananaliksik.
Paggamit ng Instrumento sa Pangangalap ng Datos. Makikita sa talahanayan 5 ang antas
ng kahandaan sa gawaing pananaliksik kaugnay ang paggamit ng instrumento sa
pangangalap ng datos.
Talahanayan 5
Antas ng Kahandaan sa Paggamit ng Instrumento sa Pangangalap ng Datos
Aytem Weighted Berbal na
Mean Interpretasyon
1. paghahanap ng datos gamit ang internet bilang 3.41 Sapat na Kahandaan
karagdagang hanguan
2. pagkuha ng mga datos gamit ang mga aklat 3.23 Sapat na Kahandaan
3. pakikipag-usap ng personal sa mga taong 3.00 Sapat na Kahandaan
kasangkot sa pag-aaral
4. pag-oorganisa ng mga ideya gabay ang mapa ng 3.00 Sapat na Kahandaan
konsepto
5. pagsasagawa ng focus group discussion 2.77 Sapat na Kahandaan
6. paggamit ng mga sanggunian sa tulong ng 2.55 Sapat na Kahandaan
Online Public Access Catalog (OPAC)
7. pagbuo ng pamamaraang patanong mula sa 2.32 Kulang na Kahandaan
outside source
8. pakikipanayam sa itinakdang panahon 2.27 Kulang na Kahandaan
9. pangangalap ng datos gamit ang obserbasyon 2.18 Kulang na Kahandaan
10. pagtingin sa isang pangyayari sa pamamagitan
ng paglahok-obserbasyon 1.91 Kulang na Kahandaan

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
11. paghahanda ng talatanungan na nasa anyong
tseklist 1.41 Walang Kahandaan
12. paggamit ng sampling upang matukoy ang bilang
ng kalahok 1.32 Walang Kahandaan

Composite Mean 2.45 Kulang na Kahandaan

Nanguna sa mga gawaing ito ang paghahanap ng datos gamit ang internet bilang
karagdagang hanguan na may weighted mean na 3.41 at may sapat na kahandaan. Ayon sa
mga guro, sa pagkuha ng mga datos, pinakagamitin ng mga mag-aaral ang paggamit ng
internet subalit hindi nakikilala nang mabuti ang website na ginamit kung abeylabol ang
may-akda at ang taon ng pagkakalimbag. Ngunit, hindi lahat ng impormasyong nakikita o
nababasa rito ay tama. Nangangailangan pa rin ito ng matibay na pagpapasya kung isasama
ang mga datos sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng paglalagay ng susing salita o keyword sa
search engine, isang click lamang ay kaagad na magbibigay ng agarang suhestyon ng mga
paksa at impormasyon at mahahanap na ang mga datos na kailangan.
May sapat na kahandaan at nakakuha ng weighted mean na 3.23 ang pagkuha ng
datos gamit ang mga aklat. Ang resultang ito ay naging talakay sa kung paano nakagisnan ng
tao ang pagbabasa ng mga aklat bago pa man umunlad ang makabagong teknolohiya gaya
ng internet. Masasabing mas tama ang mga datos o impormasyong nakapaloob sa mga aklat
kaysa sa internet. Sa pagdaan ng mga taon, ang bawat aklat ay may kanya-kanyang bersyon
subalit ang nais iparating nito ay ganoon pa rin kaya walang pag-aalinlangang maaaring
gamitin ang mga makabagong aklat. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng malawakang
pagbabasa ng mga aklat na may kaugnayan sa paksa upang makapangalap ng datos. Dahil
dito, ang mga mag-aaral ay pumupunta sa mga silid-aklatan upang maghanap ng aklat na
mapagkukunan ng datos. Hangga’t maaari, pumili ng mga aklat na nailimbag sa huling
sampung taon upang napapanahon ang isasagawang gawain.
Makikita rin sa talahanayan ang pakikipag-usap ng personal sa mga taong
kasangkot sa pag-aaral na may weighted mean na 3.00 na sapat na kahandaan din ang
ipinakita ng mga mag-aaral. Ayon sa mga guro, magandang matutunan ng mga mag-aaral
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
ang personal na pakikipag-usap sa mga kalahok dahil bahagi ito ng pananaliksik kung saan
kailangang maranasan at maipakita ng mga mag-aaral ang wastong proseso. Sa gawaing ito,
matututunan ng mga mag-aaral ang pagpili ng mga salitang gagamitin sa pakikipag-usap,
pagiging magalang at pagharap sa mga kalahok sa pag-aaral na may tiwala sa sarili.
May kaparehong weighted mean na 3.00 at may sapat na kahandaan ang pag-
oorganisa ng mga ideya gabay ang mapa ng konsepto. Ang kinalabasang ito ay mailalapit sa
inihayag nina Atanacio et al., kung saan binanggit nila na sa pamamagitan ng mga susing
salita, naipakikita ang ugnayan ng ideya at konsepto na ginagamit sa pagsusuri at pag-
oorganisa ng mga ideya. Nakatutulong ito upang makita ang kabuuang saklaw ng
impormasyon maging ang kayarian o balangkas ng mga pinag-uugnay-ugnay na ideya at
impormasyon. Dapat ilagay sa sentro ang pangunahing konsepto kasunod ang mga
sekundaryang konsepto, ideya, salita, paksa o tanong. Isinusulat ito bilang sangay at
palalawakin sa pamamagitan ng pag-uugnay ng iba pang suportang ideya, konsepto o tanong.
Sa paggamit, madaling matutukoy kung anong mga datos ang dapat hanapin at pagtuunan
ng pansin upang magkakaroon ng malinaw na pagtingin sa pagmamapa ng mga ideya,
konsepto at kaisipan.
Ang pagsasagawa ng focus group discussion ay may weighted mean na 2.77. Sa
resultang ito, sapat na kahandaan ang naipakita ng mga mag-aaral subalit nangangailangan
pa rin ito ng ibayong pagtalakay kung paano ito isinasagawa. Ang gawain ay may layuning
matamo at maunawaan ang mensahe ng maliit na grupong kinabibilangan. Ang maingat na
pagpili sa mga salita at makabuluhang tanong ang kailangang ihanda upang makuha ang mga
datos para sa pag-aaral. Inihahanda rito ang mga tanong na may kabuluhan at kaugnayan sa
bubuuing pananaliksik. Ang mga katanungang ito ang magsisilbing saligan upang magkaroon
ng matibay at magandang interpretasyon ang gawain.
Pinatunayan ng pag-aaral ang mga ibinahagi nina Nuncio et al. na ang focus group
discussion ang ginagamit upang lubos na makakuha ng opinyon, karanasan at ideya mula sa
mga kalahok na kadalasang binubuo ng 6 hanggang 15 kalahok. Sa pagpili ng mga kalahok,
maaaring gumawa ng pamantayan na may kaalaman sa paksang tatalakayin at mga tanong.
Kailangang may pare-parehong background at interes ang mga kalahok tungkol sa paksa
kung saan ang paksa ng talakayan ay nakatutok sa mga tanong na sasagutin ng mananaliksik
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
sa pag-aaral. Sa pagsasagawa nito, ang mga tanong na dapat sagutin sa pag-aaral ay
kailangang balikan. Upang maging maayos ang daloy nito, ang mga pangunahing tanong ay
isinusulat subalit hindi dapat na sinasagot lamang ng simpleng oo o hindi.
Nakakuha ng weighted mean na 2.55 at sapat na kahandaan ang paggamit ng mga
sanggunian sa tulong ng Online Public Access Catalog (OPAC). Sinabi ng ilang gurong
kinapanayam, dahil nagsisimula pa lamang ang senior high school, walang gaanong
sangguniang ginagamit sa pananaliksik. Mas makatutulong at makalilikha ng panibagong
mundo ng pananaliksik ang OPAC sa mga darating pang panahaon. Ibig sabihin, dahil wala
namang OPAC ang mga paaralan na saklaw ng pag-aaral na ito, ang ibang mga mag-aaral
ay humihingi ng pahintulot na makagamit ng silid-aklatan sa ibang mga paaralan. Doon,
natututo silang makihalubilo at gumamit ng OPAC upang magsaliksik.
Sinang-ayunan ang pag-aaral na ito sa inilahad nina Atanacio et al., na ang
pinakamodernong paraan ng paghahanap ng mga sanggunian sa silid-aklatan ang tinatawag
na OPAC. Karamihan sa mga aklatan sa mga pamantasan ay may modernong paraan upang
ang sistema ng pakakatalogo ng mga aklat, may akda at paksa ay mapadali. Mabilis na
mahahanap ang kailangang datos o impormasyon sa tulong nito. I-type lamang ang may
kaugnayang salita sa paksang sasaliksikin at kaagad na makikita ang mga sanggunian sa
screen ng kompyuter. Kailangang masinop sa pagkuha ng tala upang makatipid ng oras sa
pagsulat at mapadali ang pagbuo ng sulating pananaliksik.
Mula sa gurong kinapanayam, may kahinaan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng mga
tanong para sa panayam. Ito ang magiging dagdag na datos sa pagkalap kung kaya, dapat
na pinag-isipang mabuti ang mga tanong sapagkat limitado ang bilang nito. Makabubuti na
ang ilalagay na katanungan ay sumasagot sa tanong na ano, saan, sino, bakit at paano.
Makatutulong din ang pagkakaroon ng organisadong talaan ng mga tanong upang mapili at
mapaunlad ang tanong na sasagutin sa panayam. Ito ang naging paliwanag sa pagbuo ng
pamamaraang patanong mula sa outside source na nakakuha ng weighted mean na 2.32 at
kulang na kahandaan.
Ang pakikipanayam naman sa itinakdang panahon na kulang na kahandaan ay may
weighted mean na 2.27. Ito ang isa sa mga instrumentong pinakagamitin ng mga mag-aaral
na may sinusunod na proseso bago, habang at pagkatapos ng panayam. Sa pagsasagawa,
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
kailangang positibong pag-uugali ang ipamalas gaya ng pagiging magalang, mahinahon at
marunong makisama sa mga kalahok. Sinabi ng mga gurong kalahok na nahihiya ang mga
mag-aaral na makipanayam, subalit bahagi ito ng pagsasagawa ng pananaliksik, kailangan
nilang maranasan ang pakikipanayam. Ito ang ipinaliwanag nina Bernales et al. na sa
pagsulat ng pananaliksik, isa sa makabuluhang paraan ng pagkuha ng mga impormasyon ang
pakikipanayam. Ito ay isang uri ng pasalitang diskurso na maaaring kasangkot ang dalawang
tao o isang pangkat at indibidwal. Itinuturing ito na mabisang paraan ng pagbe-verify ng mga
impormasyong nakalap at isang pagkakataon upang maapdeyt ang mga nakalap tungkol sa
makabagong pag-unlad hinggil sa isang tiyak na larangan o paksa na maaaring hindi pa
nailalathala. Bago ganapin, masusing paghahanda ang isinasagawa at maaaring itakda ito
depende sa aveylabiliti ng dalawang panig.
Nagkaroon ng weighted mean na 2.18 ang pangangalap ng datos gamit ang
obserbasyon na sinundan naman ng pagtingin sa isang pangyayari sa pamamagitan ng
paglahok-obserbasyon na may weighted mean na 1.91. Kapwa kulang na kahandaan ang
dalawang nabanggit na gawain. Ayon sa mga guro, nagkakaroon ng ideya ang mga mag-
aaral na magkaiba ang obserbasyon sa paglahok-obserbasyon. Dahil dito, nagkaroon sila ng
positibong pagtingin sa dalawang instrumento na maaaring gamitin sa pananaliksik. Sa
paglahok-obserbasyon, ang pagmamasid, pagsusuri at pagpili ng mga datos o impormasyon
ay itinatala sa pamamagitan ng bolpen at papel. Natututunan ng mga mag-aaral ang
pagtitimbang ng mga ideya at konseptong ilalagay sa pag-aaral.
Sinuportahan ang pag-aaral na ito sa naging ipinaliwanag nina Cruz et al. na
pinakamabuting paraan sa pagtatamo ay ang obserbasyon sa mga nagaganap na pangyayari
na kinasasangkutan nang masusing pagmamasid ng mananaliksik sa aktwal na sitwasyong
pinag-aaralan. Inilalatag sa paraang ito ang balangkas ng gawain sa obserbasyon na
nakabatay sa mga nilalayong isagawa sa mga datos gayundin sa kung ano at sino ang
paglalapatan ng pamamaraan. Dahil sa kaangkla ito ng pagbabalangkas ng mga instrumento
na gagamitin sa pagsasakatuparan ng gawain, isinasaalang-alang ang ugnayan ng mga
kalahok, tala ukol sa tagamasid at mga gagawing pamamaran sa pagmamasid.
Ang paghahanda ng talatanungan na nasa anyong tseklist ay may weighted mean na
1.41 na lumabas na walang kahandaan. Ito ay isang paraan ng pangangalap ng datos na
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
ginagawa sa pamamagitan ng pamimigay sa mga kalahok ng talatanungang nasa anyong
tseklist na makatutulong sa sulating pananaliksik. Sa paghahanda nito, humihingi ng
pahintulot sa kinauukulan na sakop ng pag-aaral. Kapag nagawa ito, magkakaroon ng
koordinasyon sa pagitan ng pamunuan at mga kalahok. Mabuting isama sa liham na ang
makakalap na mga datos o impormasyon ay gagamitin sa pag-aaral kasama ang pag-iingat
sa pagkatao ng mga kalahok. Ayon sa mga gurong kalahok sa fgd, isa sa pinakagamiting
instrumento sa pananaliksik ng mga mag-aaral ang paghahanda ng talatanungan. Sa pagbuo
nito, nangangailangan ito ng masinop at malawakang pagbabasa ng mga aklat at iba pang
babasahin. Bagamat gamitin, mahirap pa rin itong gawin sapagkat nangangailangan ito ng
wastong paggamit ng mga salita at dapat na kaangkla ito sa binuong literaturang konseptwal.
Pinakahuli sa antas na ito ang paggamit ng sampling upang matukoy ang bilang ng
kalahok na may weighted mean na 1.32 at walang kahandaan. Sinabi ng mga guro na
nagkakaroon ng suliranin sa paggamit ng nito sapagkat nalilito ang mga mag-aaral kung
anong uri ng sampling ang dapat gamitin sa kanilang isinasagawang pananaliksik. Hindi nila
masyadong alam kung paano wastong ilapat ito sa pananaliksik. Dahil dito, ang pagsangguni
sa mga guro sa matematika at mga gurong may kaalaman sa ganitong uri ng gawain ay isang
magandang halimbawa upang masolusyunan ang nakikitang suliranin. Gayundin, kailangang
bukas ang isipan ng mga mag-aaral sa panibagong dagdag kaalaman tungkol sa gawaing ito.
Sa kabuuan, makikitang ang antas ng kahandaan sa paggamit ng instrumento sa
pangangalap ng datos ay kulang na kahandaan ang naipamalas ng mga mag-aaral. Ito ay
may composite mean na 2.45. Gayunpaman, anuman ang maging instrumento sa
pangangalap ng datos, laging tandaan na maging mapanuri sa pagkuha ng mga datos
sapagkat hindi palaging tumpak ang mga impormasyong makukuha mula rito. Upang higit na
maunawaan ang paksa ng isinasagawang pananaliksik, sikaping maraming nakalap na mga
impormasyon tungkol sa paksang pinag-aaralan. Sa pagsasagawa nito, huwag magkasya o
masiyahan sa iisang sanggunian lamang. Naniniwala ang mananaliksik na kailangan ang
paggamit ng gabay sa gawaing ito na magbibigay kalinawan sa wastong pagpili at paggamit
ng instrumento.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
1.4 Pagpili at Pag-aanalisa ng Angkop na Istadistika. Makikita sa talahanayan 6
ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa pagpili at pag-aanalisa ng angkop na
istadistika at pag-aanalisa sa kinalabasan.
May weighted mean na 3.18 ang pagpili ng wastong pormula sa pagkuha ng weighted
mean at composite mean at pagsusuri ng kinalabasan ng pananaliksik batay sa layunin ng
pag-aaral ang mga gawaing ito. Talastas ng mga mag-aaral ang wastong proseso sa pagkuha
ng weighted mean upang makuha ang weighted mean na 3.14. Parehong ang dalawang
gawain ay may sapat na kahandaan. Ipinahayag ng mga guro na sapat ang kahandaan ng
mga composite mean. Sa pagsusuri ng kinalabasan, malaki ang kaugnayan nito sa layunin
ng pag-aaral upang matiyak na nasusunod at nasasagot nang wasto ang mga katanungan ng
pananaliksik.
Ang pagsusuri ng mga datos na kailangan at pagpapaliwanag sa datos gamit ang
angkop na istadistika ay parehong may weighted mean na 3.05 at may sapat na kahandaan.
May pangangailangang suriin ang mga datos o impormasyong nakalap sapagkat iba’t iba ang
ginagamit na pamamaraan upang lapatan ng angkop na istadistika. Ito ang magbibigay linaw
upang maanalisa ang mga ideya at magkaroon ng wastong pagkakahanay ng mga konsepto
at kaisipan sa gawain. Pagkatapos ang pagsusuri, kailangan itong ipaliwanag nang malinaw
at makabuluhan gamit pa rin ang istadistikang angkop sa pananaliksik. Nagsisilbi itong
matibay na pundasyon sa gawain para sa madaling pagkaunawa ng isinasagawang pag-
aaral.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Talahanayan 6
Antas ng Kahandaan sa Pagpili at Pag-aanalisa ng
Angkop na Istadistika
Aytem Weighted Berbal na Interpretasyon
Mean

1. pagpili ng wastong pormula sa pagkuha ng weighted 3.18 Sapat na Kahandaan


mean at composite mean
2. pagsusuri ng kinalabasan ng pananaliksik batay sa 3.14 Sapat na Kahandaan
layunin ng pag-aaral
3. pagsusuri ng mga datos na kailangan gamit ang 3.05 Sapat na Kahandaan
angkop na istadistika
4. pagpapaliwanag sa datos gamit ang angkop na 3.05 Sapat na Kahandaan
istadistika
5. paglalahad ng populasyon at bilang ng kalahok 2.32 Kulang na Kahandaan
6. pagkonsulta sa istatistisyan o taong may kasanayan
sa paggamit ng istadistika 2.27 Kulang na Kahandaan
7. paglalapat ng angkop na disenyo ng pag-aaral
8. pagtitipon at pag-uuri-uri sa mga datos na nakalap 2.23 Kulang na Kahandaan
9. paggamit ng angkop na istadistika na bihirang
magbigay ng isang simpleng uring oo o hindi bilang 2.14 Kulang na Kahandaan
sagot sa tanong
10. pagtukoy sa instrumentong ginamit 2.09 Kulang na Kahandaan

2.05 Kulang na Kahandaan


Composite Mean 2.55 Sapat na Kahandaan

Nakakuha naman ng weighted mean na 2.32 ang paglalahad ng populasyon at bilang


ng kalahok. Sinundan ito ng pagkonsulta sa istatistisyan o taong may kasanayan sa paggamit
ng istadistika na may weighted mean na 2.27 at natuklasan ang kulang na kahandaan.
Nagkakaroon pa rin ang mga mag-aaral ng kalituhan sa paglalahad ng kabuuang populasyon
batay sa kanilang pananaliksik. Gayundin ang pagkuha sa bilang ng kalahok mula sa
kabuuang populasyon at paggamit ng wastong pormula at disenyo sa pag-aaral. Ang
malalimang pagtingin sa disenyo, pagpili at pag-aanalisa ng angkop na istadistika at magiging
daloy ng pag-aaral ang magsisilbing gabay sa gawaing ito. Sa maingat na pamatnubay ng
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
guro, lalo na ng mga gurong may kasanayan sa matematika, magagabayan ang mga mag-
aaral sa upang maiwasto ang kanilang pagkakamali sa gawain. Bagama’t walang opisyal na
istatistisyan ang mga paaralang sakop ng pag-aaral, malaki pa rin ang maitutulong ng mga
guro sa matematika upang maisakatuparan at mapaunlad ang paggamit ng istadistika.
Ang dalawang aytem na paglalapat ng angkop na disenyo sa pag-aaral at pagtitipon
at pag-uuri-uri sa mga datos na nakalap ay parehong may kulang na kahandaan na may
weighted mean na 2.23 at 2.14. Sinabi ng ilang gurong kalahok na nagkakaroon ng suliranin
ang mga mag-aaral sa paglalapat ng angkop na disenyo sapagkat sa senior high school hindi
espesipikong inilahad kung ang gagamitin ng mag-aaral ay kwantitatibo o kwalitatibong
metodo. Hindi katulad ng ibang asignatura na sa unang semestre ay nakalagay kung ano
mismo ang gagamiting metodo. Sa pag-uuri-uri ng tinipong mga datos nagkakaroon ng
suliranin kung paano ito lalapatan ng angkop na istadistika. Mahalagang gawain ang
pagtitipon at pag-uuri-uri sa mga datos o impormasyong nakalap. Ito ay magsisilbing
balangkas ng pag-aaral sapagkat aalamin ng mananaliksik ang uri ng mga nakuhang detalye.
Dito nagkakaroon ng paunang kaalaman na sa pagtitipon ng mga datos, kasunod nito ang
pag-uuri nito batay sa kahalagahan at kabuluhan nito sa pag-aaral.
Sa mga gawaing kaugnay ng pagpili at pag-aanalisa ng angkop na istadistika, ang
paggamit ng angkop na istadistika na bihirang magbigay ng isang simpleng uring oo o hindi
bilang sagot sa tanong ay isa sa nakakuha ng mababang weighted mean na 2.09 at may
kulang na kahandaan. Ipinahiwatig ng mga guro sa panayam, na ang mabuting pag-aaral ay
hindi lamang basta sinasagot ng oo o hindi. Ito ay pinag-iisipang mabuti at pinaglalaanan ng
panahon. Ang pakikipagtulungan ng tagapayo, gurong tagapag-ugnay sa pananaliksik at mga
guro sa matematika ay makatutulong upang magamit at mailapat ng mga mag-aaral ang
angkop na istadistika batay sa isinasagawang pananaliksik.
Bihirang magbigay ng isang simpleng uring oo o hindi bilang sagot sa tanong ang
istadistika. Kadalasang humahantong ang lebel ng kahalagahang istadistikal (statistical
significance) sa pagbibigay interpretasyon na nilalapat sa mga bilang at kadalasang
tumutukoy sa probabilidad ng isang halagang tiyak na di-tanggap na haypotesis na minsang
tinatawag na halagang-p. Ang isang pagkakaiba na mataas na mahalagang istadistikal ay
wala pa ring praktikal na kahalagahan ngunit posibleng angkop na magpormula ng mga
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pagsubok para dito. Maaaring iulat ang mga interbal ng kompiyansa sa isang mas mabuti at
tumataas na karaniwang pakikitungo. Bagaman ang mga ito ay nililikha mula sa parehong
mga kalkulasyon gaya ng sa mga pagsubok ng haypotesis o mga halagang p, ang mga ito ay
naglalarawan ng parehong sukat ng epekto at kawalang katiyakan na pumapalibot dito.
Ang huli sa gawaing ito na kulang na kahandaan ang naipamalas ng mga mag-aaral
ay ang pagtukoy sa instrumentong ginamit na may weighted mean 2.05. Ipinahayag ng mga
guro na may mga mag-aaral na nalilito sa wastong pagpili at paggamit ng instrumento sa
pananaliksik. Sa puntong ito, naaapektuhan ang kabuuan ng isinagawang gawain. Mas pinipili
nila ang paggamit ng talatanungan upang madaling makapangalap ng mga impormasyon.
Hindi nila nakikita ang iba pang instrumento na maaaring makatulong at makapagbigay ng
malaking ambag at kapakinabangan sa kanilang isinasagawang pananaliksik. Dahil dito,
nagkakatulad ang resulta ng pag-aaral na ito sa inilahad nina Marquez Jr. at Garcia na kapag
nalikom ng lahat ang mga datos, bubuo ng pamantayan sa pagsusuri na maaaring gamitin sa
mga susunod na may tuon sa mga tauhan, paksa, istilo ng pananalita, tagpuan, ilustrasyon at
pangyayari. Sa bahaging ito, gagamitan ng paglalarawan, pag-uugnay, pagtanggi,
interpretasyon, pagpapahalaga, paglalahat at pagtataya. Ipinaliliwanag dito kung paano sinuri
ang mga datos at kung ang pag-aaral ay nangangailan ng istadistika. Dapat din na ilagay sa
talahanayan ang mga nakalap na datos upang higit na maging malinaw ang presentasyon nito
at mabigyang halaga ang mga datos.
Hindi nagiging makabuluhan ang pangangalap ng mga datos kung hindi pag-uukulan
ng sapat na pagpapahalaga at pagpapaliwanag. Kung kaya upang makabuo ng tunay na anyo
at larawan ng makabuluhan pag-aanalisa, masusing paghihimay at lubos na pang-unawa sa
mga nakalap na datos ang dapat gawin. Maaaring isagawa ang pagsusuri sa mga akdang
tuon sa pag-aaral. Malaki ang naiaambag sa pagbibigay-halaga sa puntong sosyal at moral
na pagsisikap upang maitala ang kahalagahan ng bawat elementong sangkot sa kabuuan.
Sa kabuuan, ang antas ng kahandaan sa pagpili at pag-aanalisa ng angkop na
istadistika ay may weighted mean na 2.55 at ito ay may sapat na kahandaan.
Nangangahulugan itong naituro ng mga guro ang aralin tungkol sa istadistika na natutunan
ng mga mag-aaral.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
1.6 Paghahanay ng mga Datos at Pagbibigay-Interpretasyon. Sa talahanayan 7
nakatala ang antas ng kahandaan sa paghahanay ng mga datos at pagbibigay-interpretasyon
sa pananaliksik.
Nanguna sa 12 gawain na may sapat na kahandaan ang pagsasaayos nang
sistematiko ng magkakaugnay na datos sa talahanayan na may weighted mean na 3.23.
Isinaad ng mga guro na ito ay isang magandang uri ng presentasyon sa pananaliksik.
Naipakikita rito ang ugnayan ng bawat datos na higit na makatutulong sa pagbuo ng gawain.
Sa pamamagitan ng mga datos, madaling nauunawaan ang nilalaman ng isang pananaliksik
na nakahanay sa talahanayan ngunit hindi lamang talahanayan ang maaaring gamitin sa
pagsasaayos ng mga datos. Karaniwang ginagamit ang mga grapikong presentasyon tulad
ng grap, tsart at iba pa.
Ang paghahambing ng mga datos bilang pansuporta sa kinalabasan ng pag-aaral,
paglalahad ng mga datos sa talahanayan o anumang pantulong na grapiko at pag- oorganisa
ng mga datos sa lohikal at sikwensyal na paraan ang tatlong aytem na nakakuha ng pare-
parehong weighted mean na 3.09 na may sapat na kahandaan. Ayon sa mga gurong
kinapanayam, pinakamahirap na gawain ang ikaapat na kabanata sa pananaliksik sapagkat
may pangangailangan itong paghambingin ang mga datos na susuporta o magpapatibay sa
kinalabasan ng pag-aaral. Kailangang nakaangkla ang bahaging ito sa ikalawang kabanata
sapagkat kung hindi ito tumutugon sa pangangailangan ng pananaliksik, dapat itong
dagdagan o irebisa. Kapag napaghambing na ang mga datos, ilalapat ito bilang paliwanag sa
kinalabasan ng pag-aaral. Sa presentasyon, inilalagay sa talahanayan ang bawat aytem na
nakatala sa talatanungan kung ang metodong ginamit ay kwantitatibo. Makikita rito ang
weighted mean, berbal na interpretasyon, ranggo at composite mean ng pag-aaral. Sa
tradisyunal na pananaliksik, ginagamit ang pie chart, line graph at ibang pantulong na grapiko
na hindi kasunod ang interpretasyon ng bawat talahanayan o grapiko. Kailangan din na ang
mga inilahad na mga datos ay ayon sa lohikal na paraan upang madaling maunawaan ang
nilalaman nito.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Talahanayan 7
Antas ng Kahandaan sa Paghahanay ng mga Datos at Pagbibigay-Interpretasyon
Aytem Weighted Berbal na Interpretasyon
Mean
1. pagsasaayos nang sistematiko ng magkakaugnay na 3.23 Sapat na Kahandaan
datos sa talahanayan
2. paghahambing ng mga datos bilang pansuporta sa 3.09 Sapat na Kahandaan
kinalabasan ng pag-aaral
3. paglalahad ng mga datos sa talahanayan o anumang 3.09 Sapat na Kahandaan
pantulong na grapiko
4. pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal at sikwensyal 3.09 Sapat na Kahandaan
na paraan
5. pagbibigay-kahulugan sa weighted mean batay sa 3.05 Sapat na Kahandaan
binuong opsyon, interbal at berbal na interpretasyon
6. paglalahad ng mga nakalap na datos sa anyong
naratibo 3.05 Sapat na Kahandaan
7. pagsagot sa lahat ng mga tiyak na katanungan ng
pananaliksik 3.00 Sapat na Kahandaan
8. paggamit ng wastong gramar sa pagbibigay-kahulugan
o interpretasyon 2.36 Kulang na Kahandaan
9. pagbibigay-interpretasyon gamit ang tamang
konstruksyon ng pangungusap 2.23 Kulang na Kahandaan
10. pagsasaalang-alang sa haypotesis ng pag-aaral
11. paggamit ng mga patalatang pahayag upang 2.18 Kulang na Kahandaan
mailarawan ang mga datos
12. paggamit ng wastong pagbabaybay at mga bantas 2.14 Kulang na Kahandaan

2.00 Kulang na Kahandaan

Composite Mean 2.71 Sapat na Kahandaan

Ang natuklasan ng ginawang pag-aaral ay nagkakapareho sa inilahad nina De


Castro at Taruc tungkol sa mga datos. Binaybay nila na maaaring nasa anyong tekstwal,
tabular at grapikal na pamamaraan. Gayundin, maaaring ilahad sa paraang tekstwal ang mga
nakalap na datos o impormasyon gamit ang pantulong na grapiko. Binigyang-kahulugan nila
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
ang tekstwal na presentasyon na gumagamit ng mga salita, pangungusap at talata. Taglay
nito ang mekaniks ng isang maayos na sulatin tulad ng kalinisan, kalinawan, kaisahan at
kaangkupan at kawastuhan. Maaaring nasa anyong grap, talahanayan, tsart, larawan at iba
pa ang mga pantulong na grapiko. Nakatutulong ang paggamit nito sa pag-uulat ng mga datos
mula sa pag-aaral. Sa halip na ipaliwanag o ilahad ang mga bilang kaugnay ng mga salik,
mainam na gumamit ng grapiko. Sa pag-uulat ng mga datos, pumili ng angkop na grapiko at
mahalagang maglakip ng pamagat at maikling paglalarawan.
Sumunod dito ang dalawang gawaing nakakuha ng weighted mean na 3.05 at ito ay
ang pagbibigay kahulugan sa weighted mean at paglalahad ng mga nakalap na datos sa
anyong naratibo na parehong may sapat na kahandaan. Upang lubos na maunawaan ang
mga datos sa talahanayan, ipinaliliwanag ang mga ito nang sunod-sunod batay sa weighted
mean na nakuha. Maaari din namang batay sa ranggo sapagkat ito ay nakabatay rin sa
weighted mean. Mula sa Lykert Scale na gagamitin na may katumbas na opsyun at berbal na
interpretasyon, mabibigyang-kahulugan ang mga datos at weighted mean ng pag-aaral.
Sinabi ng mga gurong nagtuturo ng pananaliksik na ipinahahayag sa patalatang paraan ang
paglalarawan ng mga datos. Inilalahad ito sa makabuluhan, maayos at lohikal sa anyong
naratibo.
Tumitibay ang mga patunay sa pag-aaral dahil iniugnay ito sa mga naging sabi ni
Reyes na sa paglalahad ng mga nakalap na datos sa anyong naratibo na isa rin sa
pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang presentasyon at interpretasyon ng mga datos.
Dito inilalahad ang mga resultang natuklasan sa pag-aaral. Ang mga tanong na layong
matugunan ng pananaliksik ay dito mismo sinasagot. Dahil sa naipakikita ng mananaliksik
ang kakayahang itanghal ang mga datos na nakalap sa sistematikong paraan, gagawin ang
malalim na pagsusuri upang mapalutang ang kabuluhan o saysay ng mga ito. Makikita rin ang
mga bagong kaalamang maiaambag ng pananaliksik sapagkat nasa bahaging ito ang mga
pangunahing datos sa pag-aaral.
Ang pagsagot sa lahat ng mga tiyak na katanungan ng pananaliksik ay may sapat na
kahandaan at weighted mean na 3.00. Sa ikaapat na bahagi ng pananaliksik, kailangang
masagot ang mga katanungang inilahad. Natuklasan dito ng mananaliksik ang tinalakay nina
San Juan et al. kung saan sinabi nila na mahalaga ito sapagkat masasagot ang lahat ng mga
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
tiyak na katanungan na nasa unang kabanata sa ilalim ng paglalahad ng suliranin.
Ipinaliliwanag ito matapos ilagay ang mga datos sa talahanayan na nagbibigay-diin sa mga
makahulugan at makabuluhang resulta o kinalabasan. Tinutukoy, nabibigyang paliwanag at
interpretasyon dito ang mga pangunahing datos na tatalakayin ang posibleng kalabasan. Ang
nakalap at nabasang mga datos ay maaaring ihambing at pagtibayin bilang suporta sa
kalalabasan ng pag-aaral. Isaalang-alang din ang bawat haypotesis ng pag-aaral sa
paglalahad ng kinalabasan. Gayunpaman, iiwasan ang pagkakamali sa paghahanda ng
talahanayan na tumatalakay sa lahat ng nilalaman makabuluhan man o hindi makabuluhan.
Nakakuha ng weighted mean na 2.36 at kulang na kahandaan ang paggamit ng
wastong gramar sa pagbibigay-kahulugan o interpretasyon. Ipinahayag ng mga guro na
mahina ang mga mag-aaral sa gramar kung kaya hindi sila makapagbigay ng tamang
kahalagahan at interpretasyon sa pagbuo ng ganitong uri ng gawain. Kailangang may sapat
na kaalaman ang mga mag-aaral sa gramatika at wika. Sa puntong ito, dapat bigyang-pansin
ang pagtuturo ng gramar upang makapagpahayag nang wasto. Matutulungan ang mga
mananaliksik sa gawain sa pamamagitan ng ortograpiya ng Wikang Filipino kung saan bawat
mahahalagang detalye ay binibigyag-kahulugan o interpretasyon gamit ang wastong gramar.
Nalilinang dito ang kasanayan ng isang mananaliksik kung naging mabisa ang pagpaparating
at pagpapaliwanag ng bawat detalye sa mga mambabasa.
Lumabas naman ang weighted mean na 2.23 at may kulang na kahandaan ang
pagbibigay-interpretasyon gamit ang tamang konstruksyon ng pangungusap. Binigyang-diin
ng mga guro sa fgd ang tamang konstruksyon ng pangungusap sa pagbuo ng pananaliksik.
Hindi batid ng mga mag-aaral ang wastong paggamit ng mga salita sa talataan. Hindi rin lahat
ng mga mag-aaral ay mahusay sa ganitong gawain kung kaya magiging matagumpay ito sa
pamamagitan ng pakikipagtulungan ng bawat miyembro ng pangkat sa patnubay ng
tagapayo. Magkakaugnay ang bawat bahagi ng isang pag-aaral. Nilalaman nito ang mga
bantas, baybay at angkop na paggamit ng mga salita. Magiging maligoy ang takbo at
pagbibigay-interpretasyon kung may mali sa konstruksyon ng pangungusap.
Napatunayan sa pag-aaral na ito ang sinabi ni Julian et al. na ang pagkakaroon ng
malawak na kaalaman tungkol sa wika at tamang konstruksyon ng pangungusap ay isang
kasangkapan para sa malalimang pagkatuto at pag-unawa sa mga aralin. Ito ay
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pangangailangan sa pananaliksik na makatutulong upang lalo pang mapalalim ang pag-
unawa sa mga aralin at sa paghahanda para sa mga pagsusulit o gawaing pang-akademiko.
Gayundin, sa pananaliksik, mahalaga ring may kasanayan sa pagsulat kung nakasusunod sa
tamang mekanismo upang ang anumang isusulat na makakalap na impormasyon ay
mabibigyan ng tamang pagbasa at pag-unawa.
Isa sa may mababang weighted mean na 2.18 at may kulang na kahandaan ang
pagsasaalang-alang sa haypotesis ng pag-aaral. Ipinahayag ng guro sa matematika na isa
ring kalahok sa panayam, na isang suliranin ng mga mag-aaral ang paggamit ng istadistika
gaya ng chi-square. Nahihirapan silang gumamit ng pormula sa paghahambing ng kaugnayan
ng bawat baryabol. Nahihirapan din silang bumuo ng wastong alternatibo at null na haypotesis
kaugnay ng tamang paggamit ng mga salita at wastong konstruksyon ng pangungusap. Ang
nakuhang datos mula sa pahayag ng guro at resulta ng pag-aaral sa aytem na ito ay
maisusunod sa naging katwiran ni Pacay III na pinakalohikal o pinakamakatuwirang mga
palagay ang haypotesis na may kahirapang gawin. May iba’t ibang uri nito gaya ng haypotesis
na deklaratibo, prediktibo, patanong at null. Ang haypotesis na deklaratibo ay kilala sa tawag
na direksyunal na haypotesis. Ito ay isang batayang uri na nakatuon sa paglalahad ng
positibong ugnayan ng dalawang salik sa pananaliksik. Ang unang salik o bahagi ay sanhi at
ang pangalawa bilang bunga. Sa huli, ito ay dapat na mapatunayan, mapatibay, masusugan
o mapasubalian.
Samantala, ang haypotesis na prediktibo ay kaugnay ng pagbibigay ng isang
kondisyonal na sitwasyon sa paksa. Dito matutukoy at masusuri matapos isakatuparan ang
panukala o rekomendasyon ng pananaliksik. Ang mga lohikal na tanong na inilahad sa
pananaliksik ay maaaring magsilbing haypotesis na patanong. Ang kahalagahan at sagot sa
mga patanong na ito ay masusuri sa pagtatapos ng gawain. Hindi direktang umiiral sa
haypotesis na null ang mga salik na naitala kaugnay ng problemang pinapaksa ng
pananaliksik na madalas ginagamit sa kwantitatibo o sa isang tiyak na istadistikal na
pagsusuri.
Ang paggamit ng patalatang pahayag upang mailarawan ang datos ay may weighted
mean na 2.14 at kulang na kahandaan. Ayon sa mga gurong kalahok sa panayam, dahil sa
mahina ang mga mag-aaral sa paggamit ng wastong gramar at tamang konstruksyon ng
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pangungusap, apektado nito ang pagbuo ng patalatang pahayag upang mailarawan ang mga
datos o impormasyong nakalap. Hangga’t maari, iwasan ang napaikli o napakahabang talata
sapagkat magdudulot ito ng kalituhan sa kabuuan ng pananaliksik. Magdudulot ng kakulangan
ang interpretasyon kung ito ay maikli at kalabisan naman kung napakababa. Ang pagkakaroon
ng sapat na batayan at interpretasyon ay kailangang isaalang-alang sa pananaliksik na
isasagawa. Kailangan ding gumamit ng mga payak na salita. Ibig sabihin, ang mga malalalim
na salita ay hindi angkop sa pananaliksik lalo na sa pagpapaliwanag o pagbibigay-
interpretasyon.
Pinatatag ng mga tuklas sa pag-aaral ang mga pahayag ni Wennie kung saan sinabi
niya na sa pananaliksik, dapat sundin ang proseso ng pag-oorganisa ng mga datos, gawin
ang presentasyon sa lohikal, sikwensyal at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon
sa maayos na pagbibigay-interpretasyon at pag-aaral. Naglalayon itong maituon ang
atensyon sa mahahalagang datos at magsilbing pansuporta sa presentasyong tabular,
grapikal o iba pag pantulong na grapiko. Taglay nito ng pagiging kohirent, malinaw, tuwiran,
maikli, lohikal, may kaisahan, may empasis, at wasto ang gramatika na nagiging batayan ng
isang magandang pananaliksik.
Nakakuha naman ng pinakamababang weighted mean na 2.00 at kulang na
kahandaan ang paggamit ng wastong pagbabaybay at mga bantas. Ayon sa mga gurong
kinapanayam, dahil sa nais kaagad matapos ng mga mag-aaral ang pananaliksik, hindi nila
napapansin ang wastong pagbabaybay at mga bantas na ginamit kahit ito ay iwinasto na ng
tagapayo. Anila, gumagamit ang mga bata ng modernong teknolohiya, ang paglipat ng mga
impormasyon sa kompyuter ay madali na subalit kailangan pa rin ng muling pagbasa
(proofreading). Sa anumang uri ng sulatin, hindi maiiwasan ang pagbabaybay at ang paggamit
ng mga bantas. Malaki ang nagagawang pagbabago ng mga nabanggit sa daloy ng
pangungusap o mga datos o impormasyong nais iparating. Nariyan ang tinatawag na
ortograpiya sa patnubay ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF). Upang makatiyak na wasto
ang pagbaybay at paggamit ng bantas, ang masusing pagbabasa at pagsunod dito ay
makatutulong nang malaki at maging kaaya-aya ang daloy ng pangungusap.
Sa pangkalahatan, may composite mean na 2.71 at may sapat na kahandaan ang
paghahanay ng mga datos at pagbibigay-interpretasyon. Bagama’t naipakita ng mga mag-
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
aaral na sila ay may sapat na kahandaan sa gawaing ito, nahihirapan pa rin sila sa pagbibigay-
interpretasyon. Dito sila nagkakaroon ng kalituhan sa pagbibigay ng angkop at magandang
paliwanag o interpretasyon. Magagawa ng mga mag-aaral na mapaunlad ang bahaging ito ng
gawaing pananaliksik sa tulong ng mga gurong tagapayo at mga gurong nagtuturo ng
pananaliksik sa senior high school.
1.7 Pagbuo ng Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon. Makikita sa talahanayan 8 ang
antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng lagom, konklusyon at rekomendasyon.
Talahanayan 8
Antas ng Kahandaan sa Pagbuo ng Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon
Aytem Weighted Berbal na Interpretasyon
Mean
1. pagrerekomenda sa ibang mananaliksik na ipagpatuloy 3.23 Sapat na Kahandaan
ang pagpapalawak ng katulad na pag-aaral
2. pagmumungkahi ng pagpapanatili tungo sa pagpapabuti
ng natuklasan 3.14 Sapat na Kahandaan
3. paglalagay ng konklusyon batay sa indirektang epekto ng
datos na nakalap 3.09 Sapat na Kahandaan
4. pagpapakita ng mga tiyak na natuklasan mula sa
suliraning inilahad 3.05 Sapat na Kahandaan
5. pagbibigay ng rekomendasyong ideyal, praktikal,
naisasagawa at makatotohanan 3.00 Sapat na Kahandaan
6. pagsisiyasat sa bawat ideya at katibayang inilahad
7. pagbuo ng maikli at tuwirang kongklusyon batay sa 3.00 Sapat na Kahandaan
resulta ng pag-aaral
8. pagbanggit sa mga mahahalagang tuklas at bahagi ng 3.00 Sapat na Kahandaan
datos upang mapagbatayan ng kongklusyon
9. pagsagot ng tumpak sa mga katanungang tinutukoy sa 2.36 Kulang na Kahandaan
layunin ng pag-aaral
10. paglalahad ng lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa
pamamagitan ng mahahalagang datos 2.32 Kulang na Kahandaan
11. paglutas ng mga suliraning natuklasan sa pag-aaral
12. pagbibigay ng maikli ngunit makabuluhang lagom 2.27 Kulang na Kahandaan

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
2.14 Kulang na Kahandaan

1.45 Walang Kahandaan

Composite Mean 2.67 Sapat na Kahandaan

Nanguna rito ang pagrerekomenda sa ibang mananaliksik na ipagpatuloy ang


pagpapalawak ng katulad na pag-aaral na may weighted mean na 3.23, pagmumungkahi ng
pagpapanatili tungo sa pagpapabuti ng natuklasan na may weighted mean na 3.14 na
parehong binigyang-kahulugan na sapat na kahandaan. Ayon sa mga guro, madali na sa
mananaliksik ang magbigay ng rekomendasyon sapagkat nakikita na nila ang resulta pag-
aaral. Ang pagpapalawak ng katulad na pag-aaral ay maaaring gawin upang mapaunlad pang
lalo ang naisagawa ng pag-aaral. Ang mahahalagang detalye at mga datos na natuklasan ay
pinagbabatayan upang humantong sa konklusyon. Ito ay inilalapat sa bawat bahagi ng
talahanayan na mayroon ang isang pag-aaral. Makapagmumungkahi rin ang mananaliksik
upang mapanatili at maipagpatuloy ang magandang nasimulan.
Ang pagbibigay ng konklusyon batay sa indirektang epekto ng datos na nakalap ay
may weighted mean na 3.09. May sapat na kahandaan ang mananaliksik sa bagay na ito

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
sapagkat ang konklusyon ay nakabatay sa natuklasan at lohika ng mga datos. Ito ang sinasabi
na kapag malinaw ang mga natuklasan, madali na sa mananaliksik ang makapagbigay ng
konklusyon. Hindi kailangang bumuo nito batay sa mga implayd o hindi direktang epekto ng
mga datos o impormasyong nakalap. Gaya ng lagom, ito ay maikli at tuwiran ngunit kailangang
maihayag ang mga kailangang impormasyong na hinihingi ng mga tiyak at ispesipikong
tanong. Kailangang iwasan ang mga salitang nagpapahayag ng walang katiyakan. Ang isang
diwa na una nang nabanggit sa ibang bahagi ay kailangang maihayag sa ibang paraan sa
konklusyon.
May weighted mean na 3.05 at may sapat na kahandaan ang pagpapakita ng mga
tiyak na natuklasan mula sa suliraning inilahad. Ibinahagi ng mga gurong kinapanayam, na
madaling naisasagawa ng mga mag-aaral ang gawaing ito sapagkat habang sila ay
gumagawa ng ikaapat na kabanata, natitiyak na nila ang mga natuklasan mula sa suliraning
inilahad sa unang kabanata. Sumunod na may sapat na kahandaan ang pagbibigay ng
rekomendasyong ideyal, praktikal, naisasagawa at makatotohanan na may weighted mean na
3.00. Naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon o pagsisiyasat ang
nilalaman ng rekomendasyon.
Maidadagdag pa, hindi nagrerekomenda ng mga solusyon sa anumang suliranin na
hindi naman natuklasan o natalakay sa pag-aaral. Maaaring gawin itong ideyal subalit
kailangang maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatarungan at makatotohanan.
Ipinatutungkol ito sa indibidwal, pangkat, institusyon o tanggapang nasa posisyong
magpatupad ng iminumungkahi. Kung may mga natuklasang mabubuting bagay, irekomenda
ito upang panatilihin, pagbutihin at ipagpatuloy. Maaari ding irekomenda ito sa iba pang mga
mananaliksik upang palawakin at ipagpatuloy ang isinagawang pag-aaral upang mai-aplay o
mapasinungalingan ang mga natuklasan sa pag-aaral.
Parehong may weighted mean na 3.00 at sapat na kahandaan ang pagsisiyasat sa
bawat ideya at katibayan na inilahad at pagbuo ng maikli at tuwirang kongklusyon batay sa
resulta ng pag-aaral. Ang dalawang gawaing ito ay parehong may sapat na kahandaan. Ayon
sa mga guro, mahalaga ang pagsisiyasat sa bawat ideya at katibayang inilahad. Ang
pagtitimbang-timbang kung alin ang dapat isamang ideya ay nakatutulong sa pagpapaunlad
ng isang pag-aaral. Sa tulong ng katibayan na nagpapatunay ng mahalagang natuklasan sa
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pag-aaral, napalalalim nito ang konsepto ng isang talata. Mas mainam na maikli at tuwiran
ang konklusyong ilalagay sa pag-aaral. Ang pag-iwas sa mahaba at paligoy-ligoy na
konklusyon ay makapagdudulot ng madaling pag-unawa sa mga mambabasa higit sa
kabuuan ng pag-aaral. Samantala, ang nakatutuwang bagay sa pananaliksik ay ang
pagbibigay ng rekomendasyong ideyal, praktikal, naisasagawa at makatotohanan. Kung
iaayon ito batay sa mga nabanggit na katangian, hindi malayong maisasagawa ito ng walang
pag-aalinlangan.
Nakita sa pag-aaral ang talang naibahagu nina Mangahis et al. kung saan ipinaliwanag
nila na ang pananaliksik ay masusi sa bawat detalye at datos, at umuusisa sa bawat katwiran
bago lumikha ng angkop na konklusyon. Ilan sa prosesong ito ang pagiging mahusay na
pagsisiyasat sa bawat ideya at katibayan na ilalahad sa proseso ng pagkalap ng datos,
pagtitimbang at pag-aaral ng datos na nakalap sa pamamagitan ng pagsusuri, pagbibigay-
linaw sa mga ideya o paksa na bagamat makabuluhan ay nangangailangan pa rin ng
karagdagang datos o impormasyon. Ang pananaliksik ay napasusubalian sa mga dating
pinaniniwalaan sa pamamagitan ng mga bagong datos na nakalap upang pagtibayin o
pabulaanan. Higit sa lahat, ito’y nagpapatunay sa mga haka-haka o sabi-sabi.
May iba’t ibang weighted mean at may kulang na kahandaan ang mga sumunod na
natuklasan sa pag-aaral. Ang mga ito ay pagbanggit sa mga mahahalagang tuklas at bahagi
ng datos upang mapagbatayan ng konklusyon, pagsagot ng tumpak sa mga katanungang
tinutukoy sa layunin ng pag-aaral at paglalahad ng lagom sa paraang tekstwal at numerikal
sa pamamagitan ng mahahalagang datos na may katumbas na 2.36, 2.32 at 2.27. Inilahad ng
mga guro sa panayam na mahalagang ilagay sa huling kabanata ang mga natuklasan sa pag-
aaral sapagkat ito ang magsisilbing batayan ng pagbuo ng konklusyon. Anuman ang
natuklasan sa pag-aaral ay dapat itong ilagay upang hindi magkaroon ng pagmamanipula sa
kinalabasan ng pag-aaral. Maaaring isama ang kasagutan mula sa layunin ng pag-aaral ang
natuklasan sa pamamagitan ng ilang pangungusap. Binabanggit ang mahahalagang
natuklasan sa ikaapat na kabanata na pagbabatayan ng bubuuing konklusyon. Samantala,
dapat balikan ang mga katanungang inilahad sa layunin o sa unang kabanata upang masagot
nang wasto at sunod-sunod ang mga ito. Makatutulong naman ang pagbanggit ng
mahahalagang datos, tekstwal at numerikal sa pagbuo ng lagom.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Isa sa nakakuha ng mababang weighted mean na 2.14 na kulang na kahandaan ang
paglutas ng mga suliraning natuklasan sa pag-aaral. Ipinahayag ng mga gurong kalahok sa
fgd na tumitigil ang mga mag-aaral sa huling kabanata na hindi nalulutas ang mga suliraning
natuklasan sa pag-aaral. Kadalasan, hindi sila nakapagbibigay o nakagagawa ng awtput na
patunay na maaaring maging kalutasang mungkahi sa mga natuklasang suliranin.
Naglalaman ng mga mungkahi para sa tao o sa sinumang pinag-uukulan ang rekomendasyon
kaugnay ng pag-aaral na isinagawa. May layunin itong tumulong sa paglutas ng natuklasang
suliranin. Ang mga suhestyon para sa isang pananaliksik ay maaaring isama tungo sa
ikagaganda ng pag-aaral upang mabigyan ng tiyak na pakinabang ang isang pag-aaral.
Kakikitaan ito ng pagiging praktikal, maaabot o matatamo, may salitan at makatwiran. Para
sa isang suliraning hindi tinalakay sa pag-aaral, walang rekomendasyong ibibigay. Ang
pagkakaroon ng panibagong pag-aaral tungkol sa pareho ring paksa subalit sa ibang lugar
isasagawa ay maaaring banggitin. Kung natuklasang ang pananaliksik ay katulad ng nauuna,
maaring magsagawa ng malawakang pagpapatupad o pagpapairal.
Pinakahuli at walang kahandaan ang pagbibigay ng maikli ngunit makabuluhang
lagom na may weighted mean na 1.45. Hindi mahalagang napakahaba ng lagom. Maaaring
ilagay muna sa bahaging ito ang paglalahad ng suliranin at pamamaraang ginamit kasunod
ang kinalabasan ng pag-aaral. Nagbibigay ito ng maikling pahayag sa layunin ng pag-aaral,
pagbanggit sa saklaw ng pananaliksik, pamamaraang ginamit at instrumento. Nagpapakita rin
ito ng mga tiyak na natuklasan mula sa suliraning inilahad sa sulatin. Taglay nito ang pagiging
maikli subalit nagpapabatid ng lahat ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isinagawang
pananaliksik. Hindi ito dapat na lumabas na pag-uulit lamang ng anumang pahayag ng mga
nakapaloob sa pag-aaral. Upang makabuo ng maikli subalit makabuluhang lagom, piliin at
timbangin ang mahalagang datos na ilalagay. Maaaring ito ay ipaloob lamang sa isa o
dalawang pangungusap.
Sa pangkalahatan, may composite mean na 2.67 ang antas ng kahandaan sa pagbuo
ng lagom, konklusyon at rekomendasyon at ito ay may sapat na kahandaan.
Nangangahulugan na bagama’t ang apat na gawaing nakahanay rito ay kulang na kahandaan,
at isang gawain ay walang kahandaan, naipakita ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng
sapat na kahandaan sa kabuuan ng gawaing ito.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
2. Kabuuang Antas ng Kahandaan ng mga Mag-aaral sa Sulating Pananaliksik.
Makikita sa bahaging ito ang kabuuang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa
gawaing pananaliksik mula sa pagpili ng paksa hanggang sa pagbuo ng lagom,
konklusyon at rekomendasyon.
Talahanayan 9
Antas ng Kahandaan sa Gawaing Pananaliksik
Aytem Weighted Berbal na Interpretasyon
Mean

1. Paghahanay ng mga Datos at Pagbibigay-Interpretasyon 2.71 Sapat na Kahandaan


2. Pagbuo ng Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
3. Pagsulat ng Literaturang Konseptwal at Kaugnay na Pag- 2.67 Sapat na Kahandaan
aaral
4. Pagpili at Pag-aanalisa ng Angkop na Istadistika 2.61 Sapat na Kahandaan
5. Paglalahad ng Tentatibong Balangkas
6. Paggamit ng Instrumento sa Pangangalap ng Datos 2.55 Sapat na Kahandaan
7. Pagpili ng Paksa
2.48 Kulang na Kahandaan
2.45 Kulang na Kahandaan

2.17 Kulang na Kahandaan

Composite Mean 2.52 Sapat na Kahandaan

Sa pitong gawaing pananaliksik, ang paghahanay ng mga datos at pagbibigay-


interpretasyon na may weighted mean na 2.71 ang nanguna. Bagama’t may sapat na
kahandaan, nahihirapan pa rin ang mga mag-aaral sa ganitong gawain. Nagkakaroon ng
kalituhan sa paggamit ng wastong gramar at tamang konstruksyon ng mga pangungusap sa
pagbibigay-kahulugan o interpretasyon, pagsasaalang-alang sa haypotesis ng pag-aaral,
paggamit ng mga patalatang pahayag upang mailarawan ang mga datos at paggamit ng
wastong pagbabaybay at mga bantas.
Maiuugnay naman ang kinalabasan ng pag-aaral na ito sa mga binigyang-diin ni Reyes
sa kanyang paniniwala na ang isa sa pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik ang
presentasyon at interpretasyon ng mga datos kung saan inilalahad ang mga resultang
natuklasan sa pag-aaral. Sa bahaging ito sinasagot ang mga tanong na
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
layong matugunan ng pananaliksik. Gagawin ang malalim na pagsusuri dahil naipakikita ng
mananaliksik ang kakayahang itanghal ang mga datos na nakalap sa sistematikong paraan
upang mapalutang ang kabuluhan o saysay ng mga ito. Makikita rito ang mga bagong
kaalamang maiaambag ng pananaliksik sapagkat sa bahaging ito makikita ang mga
pangunahing tanong sa pag-aaral. Hindi ito gagawing labis, sa puntong sinusubukan ng
mananaliksik na basahin ang isip ng mga kalahok sa pag-aaral bagkus, nakabatay ang
pagbibigay-interpretasyong ito sa kung ano ang sinasabi ng mga datos.
Sinundan ito ng pagbuo ng lagom, konklusyon at rekomendasyon na may sapat na
kahandaan at weighted mean na 2.67. May mga bahagi pa rin sa gawaing ito na kinakitaan
ng kulang na kahandaan tulad ng pagbanggit sa mga mahahalagang tuklas at bahagi ng datos
upang mapagbatayan ng konklusyon, pagsagot ng tumpak sa mga katanungang tinutukoy sa
layunin ng pag-aaral, paglalahad ng lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan
ng mahahalagang datos, paglutas ng mga suliraning natuklasan sa pag-aaral at pagbibigay
ng maikli ngunit makabuluhang lagom.
Ang pagbuo ng lagom, konklusyon at rekomendasyon ang huling kabanata sa isang
pananaliksik. Suportado ang pag-aaral sa mga inilahad ni Ulit. Nakapaloob dito ang
pangkalahatang lagom ng buong pag-aaral, ang paglalahat na ipinakikilala sa pamamagitan
ng pagbibigay ng konklusyon at ang mga solusyon sa mga suliranin sa anyong
rekomendasyon. Isinasama sa lagom ang buod ng paglalahad ng mga suliranin, layunin,
haypotesis, disenyo ng pag-aaral, paraan ng pagpili at mga kalahok, instrumentong ginamit o
gagamitin sa pangangalap ng datos, balidasyon ng instrumentong ginamit, paraan ng
pagpoproseso ng mga datos at istadistikang ginamit. Sa bahagi ng kinalabasan, nakapaloob
ang mga resulta ng isinagawang pag-aaral kung saan pinagsasama-sama at malinaw na
sumasagot sa mga inilahad na suliranin o layunin ng pag-aaral. Dapat na samahan ng mga
bilang, salitang istatistikal na sukat na pinaghabi-habi sa makabuluhang pangungusap. Dapat
din na naayon sa presentasyon ng mga suliranin o layunin ng pag-aaral subalit hindi dapat na
magbigay ng sariling hinuha sa bahaging ito ng sulatin. Samantala, ang konklusyon ay
nakabatay ayon sa dami at pagkakasunod-sunod ng kinalabasan ng pag-aaral at ibinibigay
na naaayon sa kinalabasan ng pag-aaral.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Ang pagsulat ng literaturang konseptwal at kaugnay na pag-aaral ay may weighted
mean na 2.61 at kinakitaan ng sapat na kahandaan. May mga bahagi sa gawaing ito ang
kulang sa kahandaan tulad ng pagpili ng mga bago at napapanahong mga impormasyon,
pagtukoy sa mga isasamang literaturang konseptwal at kaugnay na pag-aaral, pangangalap
ng datos mula sa iba’t ibang uri ng sanggunian, paghahanay ng mga datos mula sa iba’t ibang
sanggunian kaugnay ng paksa ng sulatin. Samantala, walang kahandaan ang pagkilala sa
mga may-akda ng pinaghanguan ng mga impormasyon.
Sa resultang ito, maiuugnay ang pag-aaral sa ipinahayag nina Alejo et al., na ang
literaturang konseptwal ang isa sa mga mahalagang bahagi ng sulating pananaliksik na may
pangangailangan ng paggamit ng mga aklat, dyornal, tesis, disertasyon, magasin at iba pang
babasahin na mapaghahanguan ng mga impormasyon, teorya at iba pa. Ang maayos na
paghahanay ay nakatutulong sa pagpaplano ng paksang pag-aaralan kung saan maaaring sa
paraang kronolohikal ang sistema ng pagkakaayos. Ang lokal na sanggunian ay inihihiwalay
ng mananaliksik sa mga dayuhang sanggunian at nakabukod din ang mga tesis at disertasyon
sa mga aklat. Sa pagkalap ng mga impormasyon, sikaping makabago at napapanahon ang
mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik at may kaugnayan sa paksa at sa kabuuan ng
pananaliksik. Ang sapat na bilang ng mga sanggunian sa paksang pag-aaralan ay kailangan
ding makatugon sa gawain.
Samantala, nakakuha ng sapat na kahandaan at weighted mean na 2.55 ang pagpili
at pag-aanalisa ng angkop na istadistika sa pag-aaral. Ang mga gawaing nakapaloob dito
tulad ng paglalahad ng populasyon at bilang ng kalahok, pagkonsulta sa istatistisyan o taong
may kasanayan sa paggamit ng istadistika, paglalapat ng angkop na disenyo ng pag-aaral,
pagtitipon at pag-uuri-uri sa mga datos na nakalap, paggamit ng angkop na istadistika na
bihirang magbigay ng isang simpleng uring oo o hindi bilang sagot sa tanong at pagtukoy sa
instrumentong ginamit ay kinakitaan na kulang na kahandaan.
Ang mga inilahad nina Galang et al., sa naunang bahagi ng pag-aaral na ito tungkol
sa pangangailangang istadistika at pagsusuri ng mga datos ay nahahawig sa kinalabasan ng
kasalukuyang pag-aaral. Ipinaliliwanag dito nang maayos kung paano susuriin ang datos pati
ang haypotesis na patutunayan o kaugnay na dapat malaman. Ang pagpili at paggamit ng
angkop na istadistika ay isang mabisang paraan na gagamitin sa pag-aaral. Nangangailangan
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
ito ng maingat na paghusga sa pagpili ng paraan para sa pag-aanalisa ng mga datos. Ang
disenyo at anyo ng suliranin ay ang pangunahing batayan sa pagpili ng istatistikal na
metodong gagamitin. Ipinakikita ang mga nakuhang resulta, tatalakayin at susuriin ang bawat
bahagi ayon sa layunin ng pag-aaral na dito ay nakalahad din ang kinalabasan ng
pananaliksik. Sa paglalahad nito, kailangang ipakita ang resulta ng pananaliksik sa maayos
na pagkakasunod-sunod. Ibinabatay sa layunin ang paglalahad kasama nito ang
mahahalagang datos at mga pigyur. Kung may lumabas na negatibo batay sa pagsusuri,
huwag itong alisin. Sa halip, ihambing ito sa mga dating pag-aaral.
Samantala, sa pitong (7) gawaing pananaliksik, tatlo (3) sa mga ito kinakitaan ng
kulang na kahandaan tulad ng paglalahad ng tentatibong balangkas, paggamit ng instrumento
sa pangangalap ng datos at pagpili ng paksa.
Ang paglalahad ng tentatibong balangkas ay may weighted mean na 2.48. May ilang
bahagi sa gawaing ito na kulang sa kahandaan ang mga mag-aaral tulad ng pagsasama ng
magkakaugnay na ideya o datos ayon sa kahalagahan, pagpapangkat-pangkat ng mga datos
o impormasyon, pag-uugnay ng mahahalagang bahagi ng sulatin, pagtatala ng pangunahing
kaisipan ayon sa pagkakasunod-sunod at pagbubuod ng punong ideya gamit ang sariling
pananalita. Walang kahandaan naman ang pagsasaayos ng mga ideya sa organisadong
pamamaraan.
Sa mga natuklasan, pinatunayan ng mananaliksik bilang guro sa gawaing ito na sa
sulatin ang mga mag-aaral ay totoong mahina at halos wala pang alam sa bahaging ito ng
pananaliksik. Nararapat ipaunawa ng mga guro sa mga mag-aaral ang sinabi ni Mangahis et
al. na napakahalaga ng balangkas sa pananaliksik, ito ay nagsisilbing gabay sa daloy ng mga
bahagi ng sulatin. Ang balangkas na papaksa at balangkas na pangungusap ang karaniwang
ginagamit. Samantalang, ang pangwakas na balangkas ay maaaring ang dating tentatibong
balangkas o maaaring panibagong balangkas na gagabay upang maisulat ang unang burador.
Kailangang batay sa impormasyong nakalap ang burador na nagtataglay ng datos sa isang
isyu o usapin at dapat na walang papanigan ang mananaliksik. Ginagamit ang ikatlong
panauhan upang magsaad ng pormalidad sa pagsulat maliban na kung kailangang isalaysay
ang naging karanasan ng mananaliksik.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Kulang na kahandaan ang naipakita ng mga mag-aaral sa mga gawaing nakapaloob
tulad ng pagbuo ng pamamaraang patanong mula sa outside source, pakikipanayam sa
itinakdang panahon, pangangalap ng datos gamit ang obserbasyon, pagtingin sa isang
pangyayari sa pamamagitan ng paglahok-obserbasyon. Walang kahandaan naman ang mga
gawaing paghahanda ng talatanungan na nasa anyong tseklist at paggamit ng sampling
upang matukoy ang bilang ng kalahok. Ito ang naging resulta sa pagkakaroon ng weighted
mean na 2.45.
Ang pinakahuli ay ang pagpili ng paksa na kulang na kahandaan at may weighted
mean na 2.17. May ilang bahagi sa gawaing ito na kinakitaan ng kulang na kahandaan tulad
ng pag-alam sa mga batayang katangian ng isang mainam na paksa sa sulating pananaliksik,
pagkuha ng sapat na impormasyon kaugnay ng paksa, pagpili ng paksang kawili-wili o
nakapupukaw ng interes at pag-iwas sa malawak na paksang pag-aaralan. Ang pagtukoy ng
paksa kaugnay ng layunin at paghanap ng paksang napapanahon ay walang kahandaan.
Sa naging resulta ng pag-aaral, mahalagang ituro at pag-aralang mabuti ang paksa sa
pagsulat ng pananaliksik upang makabuo ng mahusay na layunin. Ang mga layunin ang
magsisilbing gabay sa manunulat kung paano gagawing mas komprehensibo ang isusulat.
Ito ang mga hakbang na kailangang isagawa upang masagot ang mga tanong tungkol sa
paksa. Kaugnay nito, may dalawang bahagi ang layunin: ang pangkalahatan at tiyak na mga
layunin. Sumusukat sa kabuuang larawang nais gawin ng manunulat ang pangkalahatang
layunin. Ito ay kailangang unang buuin bago himay-himayin sa mga tiyak na layunin.
Sa kabuuan, ang mga nabanggit na gawaing pananaliksik ay may composite mean na
2.52 na may berbal na interpretasyong sapat na kahandaan. Ayon sa mga guro, bagama’t
naipamalas ng mga mag-aaral na may sapat na kahandaan sila sa pananaliksik, may
pangangailangan pa rin ito na paunlarin, paghandaan, talakayin at gamitan ng gabay sa
pagsulat-pananaliksik. Sa tulong ng mga gurong nagtuturo ng pananaliksik, mapauunlad pang
lalo ang gawaing ito at mapagtitibay ang kultura ng pananaliksik sa Senior High School.
3. Suliraning Nararanasan ng mga Mag-aaral sa Sulating Pananaliksik.
Nakalahad sa susunod na talahanayan ang mabigat na suliraning nararanasan ng mga mag-
aaral sa sulating pananaliksik.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Makikita na ang paghahanap ng mga kaugnay na pag-aaral sa mga silid-aklatan ay
nanguna sa mga suliranin na may weighted mean na 3.37. Ganito ang sinabi ng mga gurong
nakapanayam, nahihirapan ang mga mag-aaral sa pananaliksik lalo na sa paghahanap at
pagsasama ng
Talahanayan 10
Mga Suliraning Nararanasan sa Sulating Pananaliksik
Weighted Berbal na Interpretasyon
Aytem Mean
1. paghahanap ng mga kaugnay na pag-aaral sa mga silid- 3.37 Mabigat na Suliranin
aklatan
2. pangongopya ng datos nang hindi kinikilala ang 2.93 Mabigat na Suliranin
pinaghanguan
3. pagkalito sa lohikal na pagkakasunod-sunod na bahagi ng 2.76 Mabigat na Suliranin
sulating-pananaliksik
4. pagpili ng paksang sasaliksikin 2.75 Mabigat na Suliranin
5. pagkawala ng tiyaga sa gawaing pananaliksik. 2.73 Mabigat na Suliranin
6. paghuhusga sa ideya o pananaw ayon sa kahalagahan at 2.73 Mabigat na Suliranin
kaugnayan sa paksa
7. pagkawala ng interes o gana upang ipagpatuloy ang 2.71 Mabigat na Suliranin
pananaliksik
8. pagtukoy sa pananaliksik ng huwaran at organisasyon ng 2.66 Mabigat na Suliranin
teksto
9. pag-iisip na ang pananaliksik ay hindi kailangan 2.63 Mabigat na Suliranin
10.paglilimita ng pamagat ng sulatin 2.51 Mabigat na Suliranin
11.pagbibigay ng konseptwal at operasyunal na kahulugan 2.51 Mabigat na Suliranin
12.pagbuo ng layunin ng pananaliksik
13.pagsasama ng opinyon at katotohanan 2.50 Mabigat na Suliranin
14.pagtatala ng mga ginamit na sanggunian 2.50 Mabigat na Suliranin
2.46 Hindi Gaanong Suliranin
15.pagsulat at pagsunod sa wastong pormat Hindi Gaanong Suliranin
2.36

Composite Mean 2.67 Mabigat na Suliranin

mga kaugnay na pag-aaral sapagkat walang sapat na sanggunian ang silid-aklatan tungkol
sa paksang sinaliksik. Dahil dito, gumagawa ng paraan ang mga guro. Tinutugunan ng mga
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
guro ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapahiram ng mga
aklat at iba pang babasahin kung may abeylabol kaugnay ng kanilang paksa. Pinahihintulutan
din ang mga mag-aaral na makapagsaliksik sa ibang silid-aklatan sa iba’t ibang paaralan.
Upang mabigyang solusyon ang suliraning ito, sumasama ang tagapayo sa mga mag-aaral
sa mga silid-aklatang maaaring mapagkunan ng kaugnay na pag-aaral.
Ang pangongopya ng datos nang hindi kinikilala ang pinaghanguan ay may weighted
mean na 2.93. Mabigat itong suliranin sapagkat ang hindi angkop na pagkilala sa
pinaghanguan, kakaunti man o malaki ang naging ambag sa pag-aaral ay maituturing na isang
uri ng pagnanakaw. Ayon sa ilang guro, hindi alam ng mga mag-aaral ang wastong pagkilala
kung kaya hindi na nila ito nailalagay sa sanggunian. Sa pagtuturo ng mga guro sa
pananaliksik, dapat ipaunawa na ang pagkilala sa awtor ng ginamit o pinaghanguan ng mga
ideya ay mahalaga. Ang hindi pagkilala o pagpapahalaga ay maaaring maiakusa sa kanila ng
plagyarismo. Ganito nga ang paliwanag ni Pacay III sa plagyarismo na ang pagkopya ng
balangkas, karikatura, sulatin, disenyo o anumang likhang-isip, tahasan man o hindi, o maging
bahagi man lamang nito nang walang pahintulot sa orihinal na nagmamay-ari. Ang hindi
wastong pagkilala sa pinaghanguan ng mga impormasyon ay isang akto nito.
Masasabi namang labag ito sa etika ng pananaliksik. May tinatawag na etika sa
pagsulat ng pananaliksik kung saan dapat na maging matapat sa bawat ideyang kukunin. Higit
sa pagiging potensyal na kaso ng paglabag sa intellectual property right law at copyright law
ang isyung plagyarismo, moral at etikal na responsabilidad ito ng mananaliksik. Sa puntong
ito, tungkulin na humingi ng permiso at kilalanin ang kanilang mga gawa kahit kaunting bahagi
lamang ng likha at tanging mga sarili at orihinal lamang ang gagamitin. Sa pagpasok ng
internet na dala ng modernisasyon sa teknolohiya, ang pangongopya o ang pagka-copy-and-
paste mula sa social media ay madaling gawin na sa tingin ay mapakikinabangan. Bunga ng
teknolohiya, dito ay nagiging tamad ang mga mag-aaral bilang mananaliksik. Sa katotohanan,
bumabalot sa larangan ng pananaliksik ang plagyarismo hindi lamang sa mga mag-aaral,
maging sa mga guro, administrador at mga mananaliksik at ito ay nangyayari.
Mabigat na suliranin at may weighted mean na 2.76 ang pagkalito sa lohikal na
pagkakasunod-sunod na bahagi ng sulating-pananaliksik. Ayon sa mga gurong
nakapanayam, kung hindi batid ng mananaliksik ang bawat bahagi, maaaring magkabali-
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
baliktad ang nilalaman at bahagi nito. May mga pagkakataong tinalakay na ang
pagkakasunod-sunod na bahagi, nagkakaroon pa rin ng kalituhan sapagkat walang gabay na
nagagamit ang senior high school. Subalit sa kabila ng suliraning ito, pursigido ang mga guro
na magsaliksik at bumuo ng lohikal na bahagi ng pananaliksik.
Ang pagpili ng paksang sasaliksikin na may weighted mean na 2.75 ay natuklasan
ding mabigat na suliranin. Ang gawaing ito ang unang isinasaalang-alang ng mananaliksik
kaya mahalagang sa simula pa lamang ay malinaw na kung ano ang paksang nais saliksikin
sapagkat ang buhay ng pananaliksik ay nagmumula sa paksa. Kailangan ding isaalang-alang
ang usaping pinansyal.
Pinatunayan ng pag-aaral ang ipinahayag nina Bernales et al., na may mga gawaing
nakapaloob sa pagpili ng paksa na nangangailangan ng malaking gastusin na kung titipirin ay
maaaring makaapekto at magsakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Dahil dito, kailangang
isaalang-alang at iayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik ang isasagawang sulatin.
Makikita rin na ang pagkawala ng tiyaga sa gawaing pananaliksik may weighted mean
na 2.73 ay mabigat na suliranin. Totoo ang nangyayari, karamihan walang tiyaga ang mga
mag-aaral. Sa kanila, ang pananaliksik ay negatibo at kompleks na gawain. Kinatatamaran
nila ang gawaing ito sapagkat ito ay nangangailangan ng mahabang proseso. Sa pagpasok
ng K to 12 Kurikulum, ang pagbuo ng sulating pananaliksik ay binigyang-halaga kayat isang
hamon sa mga mag-aaral maging sa mga guro ang pagsulat nito. Maituturing na ito ang simula
ng pagbibigay-halaga sa kultura na mayroon tayo, higit sa pananaliksik.
Sa nakitang resulta ng pag-aaral, bilang isang guro sa pananaliksik dapat ding
bigyang-pokus sa pagtuturo ang sinabi nina Good at Santos, na layunin ng pananaliksik ay
mapaglingkuran, matulungan at maiangat ang sangkatauhan at tunguhin ang mabuting
buhay. Sa pagbuo ng pananaliksik, mahalagang magkaroon ng sipag at tiyaga. Kailangang
maglaan ng mahabang panahon upang makabuo ng isang makabuluhang pananaliksik. Ang
pagsasagawa ng pananaliksik ay nangangailangan din ng tatag sapagkat sa proseso ng
paggawa, mararanasan ng mga mananaliksik ang ilang mga suliranin na magdudulot ng hirap
sa pagbuo ng gawain. Isang komprehensibong gawain ang pananaliksik na bunga ng
organisado at sistematikong pagmamasid at pagsasagawa ng pag-aaral upang makatuklas
ng mga bagong impormasyon na maaaring magamit sa panlipunang pag-unlad. Laging
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
magkaagapay ang teknolohiya at ang paksang ibig bigyang-kasagutan na matutugunan sa
paraan ng pagbuo ng isang pananaliksik. Sa pamamagitan nito, mabibigyang-pagkakataon
ang mga mag-aaral na mapalawak ang kanilang karanasan at higit sa lahat, maging kapaki-
pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad. Samakatuwid, sipag at tiyaga ang puhunan sa
pagbuo ng ganitong gawain.
Ang paghuhusga sa ideya o pananaw ayon sa kahalagahan at kaugnayan sa paksa
ay mabigat na suliranin at may weighted mean na 2.73. Ipinahayag ng mga guro sa panayam,
sa halip na isama ang mga pananaw ng mga may akda at kalahok ayon sa kahalagahan at
kabuluhan nito sa paksa, hindi ito naisasagawa nang maayos. Kung ano lamang ang
nakasulat sa sanggunian at sinabi, ay iyon na rin ang pinagbabatayan ng mga mag-aaral.
Sinundan ito ng pagkawala ng interes o gana upang ipagpatuloy ang pananaliksik na
may weighted mean na 2.71 at pagtukoy sa pananaliksik ng huwaran at organisasyon ng
teksto na may weighted mean na 2.66. Ang mga ito ay natuklasang mabigat na suliranin.
Nawawalan ng interes o gana ang mga mag-aaral na ipagpatuloy at tapusin ang sulating
pananaliksik dahil wala sa gawaing ito ang kanilang interes o hilig. Ang kawalan ng interes ay
kapatid ng kawalang tiyaga, subalit dala ng pangangailang dapat sundin at tuparin, kailangang
maisagawa ang pananaliksik sa loob ng isang semestre. Ito ang kahingian sa K to 12,
makapagsagawa ng pananaliksik.
Ang resulta ng kasalukuyang pag-aaral ay pumanig sa paniniwala nina Ordoñez et al.
na nagkakaroon ng kalituhan ang mga mananaliksik sa pagtukoy sa huwaran at organisasyon
ng teksto. Malaking bagay na dapat isaalang-alang ang pagpili ng mga materyales o aklat na
naglalaman ng mga kailangang impormasyon. Kung hindi ito maisasagawa nang maayos,
suliranin din ang idudulot nito sapagkat gugugol ng mahabang panahon sa paghahanap o
pagpili ng mga kinakailangang datos. Sa puntong ito, ang matalinong pagpili ng mga
babasahin ayon sa pangangailangan ay makikilala sa pamamagitan ng ugnayan ng mga
nilalaman ng aklat, magasin, dyaryo at iba pang babasahin. Kung tutuusin, bawat aklat sa
iba’t ibang disiplina ay pare-pareho ang daloy at nilalaman. Nagkakaiba lamang ito batay sa
lapit o dulog ng may-akda ayon sa kanyang kasanayan at lawak ng kaalaman. Isang sulyap
pa lamang sa aklat na gagamitin, sa pamagat, bilang ng pahina, paunang salita at pagtingin

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
sa mga kabanata ay maaaring alam na kung ano ang dapat basahin at isama sa pagsulat ng
pananaliksik.
Ang pagiging kritikal kung balido o hindi ang mga ideya o pananaw ay mahalagang
dapat taglayin ng isang mananaliksik. Hindi kailangang tanggapin na lamang ang ideya o
kaisipan na inihain ng mga may-akda. Ang paghuhusga sa teksto ayon sa kahalagahan at
kaangkupan sa tema ng paksa ay dapat isaisip. Dito gumagawa ng hatol kung isasama ang
mga ideya o pananaw. Balido ang isang pananaw kung may suporta ito sa paraang may
pangangatwiran at iba pang pala-palagay taglay ang pagiging lohikal. Samantala, kung wala
itong anumang patunay at hindi sumusuporta sa inihaing argumento at haka-haka lamang ang
nilalaman, hindi ito balido.
Nasundan ito ng pag-iisip na ang pananaliksik ay hindi kailangan na may weighted
mean na 2.63 at mabigat pa ring suliranin. Ayon sa gurong kalahok sa fgd, marami sa mga
mag-aaral na kumukuha ng pananaliksik ay hindi pa bukas ang isip sa gawaing ito. Wala pa
sa isip nila ang magiging resulta ng pananaliksik kung ito’y pagtitiyagaan nilang unawain, pag-
aralan at gumawa ng pananaliksik. Laging iniisip nila na ito ay mahirap, walang kabuting
maidudulot sa kanila at kahirapan lamang ang mararanasan sa pagbuo nito. Ngunit, ang hindi
pa nila gaanong alam, malaki ang kapakinabangan ng pananaliksik sa indibidwal lalo na kung
ito ay makatutulong sa komunidad.
Ang paglilimita ng pamagat ng sulatin ay mabigat na suliranin at may weighted mean
na 2.51. May mga batayan sa ganitong gawain upang mapaganda at magkaroon ng
impresyon ang pananaliksik. Sinabi ng mga guro na sa pagsunod ng mga batayang ito,
makabubuo ng pamagat ng pag-aaral; sa pag-ikli ng pamagat, sa pagganda nito. Pinagtibay
sa pag-aaral ang mga pahayag nina Cruz et al., na ang pamagat ng pananaliksik ang
nagbibigay-ideya kung tungkol saan ang isang sulatin. Maliban sa tungkuling makapukaw ng
atensyon at kawilihan ng mambabasa, tinutupad din ng pamagat ang paglalagom ng paksa
na tinatalakay sa pag-aaral. Nagsisilbi itong batayan ng mga kaisipang ilalahad sa
pananaliksik at gabay sa mga nagbabalak pang magsaliksik. Nagbibigay ito ng distinksyon at
pagkakakilanlan sa mananaliksik na lumikha ng pag-aaral. Gayundin, ang paglalahad ng mga
pamagat na maliwanag at ispesipik ay mainam na bahagi ng gawain. Mahalagang iwasan ang

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
pagbubuod ng pamagat. Maaaring isama ang mga baryabol na gagamitin sa pag-aaral
sapagkat naipakikita nito ang limitasyon ng pananaliksik.
May weighted mean na 2.51 ang pagbibigay ng konseptwal at operasyunal na
kahulugan. Sa pananaliksik, ang mga termino na makailang beses na binaggit o ginamit ay
binibigyang-kahulugan. Ito ay isinasaayos nang nakaalpabeto. Inuuna ang kahulugang batay
sa mga konsepto kung saan ito ay magmumula sa mga aklat. Isinusunod dito ang operasyunal
na pagpapakahulugan kung paanong ang termino ay ginamit sa pag-aaral. Pinatunayan ng
kasalukuyang pag-aaral ang naging paliwanag nina Sioson et al., magiging malinaw ang isang
pananaliksik kung bibigyang-kahulugan ang mga termino kasama sa kabuuan ng manuskrito.
Sa pagbibigay-kahulugan, ito ay may dalawang paraan, ang konseptwal na
pagpapakahulugan kung saan batay ito sa aklat-sanggunian at ang operasyunal na batay sa
paraan ng pagkakagamit ng salita sa pananaliksik. Angkop itong isagawa tungo sa ganap na
paglilinaw ng mga termino. Ang presentasyon ng mga termino, mga akronim ay maaari ding
ilagay nang paalpabeto.
Mabigat na suliranin din ang pagsasama ng opinyon at katotohanan na may weighted
mean na 2.50. Ayon sa mga guro, nagkakaroon ng kalituhan ang mga mag-aaral kung alin
ang dapat isamang datos o impormasyon. Ibig sabihin, hindi ipinagbabawal ang pagkuha ng
mga datos mula sa internet subalit kailangang basahin nang mabuti at timbangin kung ito ay
balido at maaaring isama sa isinasagawang pag-aaral. Nalilito ang mga mag-aaral sa mga
datos o impormasyong kanilang nakalap kung ito ay opinyon o katotohanan. Hindi nila
magawang iayos at ihanay ang mga ito ayon sa kahalagahan at kabuluhan batay sa daloy ng
ideya.
Samantala, ang pagtatala ng mga ginamit na sanggunian na may weighted mean na
2.46 ay hindi gaanong suliranin sapagkat naituro ng guro ang wastong paglalagay nito sa
sanggunian. Nagkakaroon din ng pagsasanay (boardwork) ang mga mag-aaral sa tamang
pagbuo nito. Ang lahat ng sanggunian ginamit tulad ng mga aklat, tesis, disertasyon,
dokumento at hanguang elektroniko ay inilalagay sa huling bahagi ng pananaliksik.
Magkakahiwalay at paalpabeto itong inilalagay gamit ang American Psychological Association
(APA).

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Ang huli sa nararanasan ng mga mag-aaral sa sulating pananaliksik na hindi
gaanong suliranin ay ang pagsulat at pagsunod sa wastong pormat na may weighted mean
na 2.36. Sa fgd, ipinahayag nila na nagbibigay sila ng pormat sa pagbuo ng pananaliksik
kasama na rito ang bahagi ng sulatin upang mabilis na mabuo ang gawain kung kaya,
nasusunod ito ng mga mag-aaral. Ngunit, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng kamalian sa
pananaliksik.
Sa katunayan, walang makapagsasabi na ang isa ang tama at ang iba ay mali
sapagkat iba’t iba ng pormat ang iminumungkahi ng iba’t ibang unibersidad at kolehiyo. May
mga pagkakataon na nagtatakda ng iba’t ibang pormat ang mga guro ng iisang paaralan kung
kaya’t nagbubunga ito ng kalituhan sa mga mag-aaral. Nagpapagawa naman ang ibang guro
na walang itinatakdang pormat. Dahil sa ganitong sitwasyon, nagbubunga Ito ng pagkakaiba-
iba sa pormat ng mga awtput ng mga mag-aaral. Ang mga progresibong unibersidad at
kolehiyo ay may itinakdang isang tiyak na pormat sa pagsulat ng anumang papel-
pampananaliksik sa anumang disiplina o larangan. Layunin nito na makapag-establish ng
isang kultura sa pananaliksik na nagpapahayag ng respeto sa nasabing larangan. Ito ang
nagiging kalakaran sa anumang unibersidad at kolehiyong nangangarap na umagapay sa
mga pagbabago sa pangunahing institusyong pang-akademiko sa loob at labas ng bansa.
Sa pangkalahatan, may composite mean na 2.67 at mabigat na suliranin ang
nararanasan ng mga mag-aaral sa sulating pananaliksik. Nangangahulugan ito na sa kabila
ng mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral, gumagawa ng paraan ang mga guro at
mag-aaral upang tugunan at bumuo nang maayos na pananaliksik. Isang napakalaking
hamon ang pagsasagawa nito sa kabila ng mga nabanggit na mga suliranin. Magagawa rin
ito nang maayos sa pakikipagtulungan ng dalawang panig, magkakaroon ng sapat na
kahandaan ang mga mag-aaral upang maipamalas ang positibong pagtingin sa kultura ng
pananaliksik.
Sumasang-ayon ang kinalabasan ng pag-aaral sa pinaniniwalaan nina Austero et al.
na mahirap ang gawaing pananaliksik sapagkat napakalaki ng pananagutan sa sarili, sa mga
may-akda, sa mambabasa at sa lipunan. Sa ganitong uri ng gawain, kailangang taglayin ang
pagiging masipag at matiyaga sapagkat walang humpay na pangangalap ng datos, walang
sawa sa pagsusulat ng mga ideya, pagbabasa at paghahanap ng mga tao na maaaring
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
magpakunan ng tala sa paksang sinasaliksik. Kailangan ang tiyaga, pasensya, malawak na
pang-unawa sa pagkakaiba-iba ng mga tao sa panahong sila ay tinatanong, hinahabol upang
sumagot sa talatanungan. Dapat taglayin ng isang mananaliksik ang pagiging maingat,
sistematiko at kritikal na pagsusuri sa bawat ideya at datos o impormasyong makakalap.
Ang mga resulta ay kinukuha ng mananaliksik mula sa mga pangunahing hanguan at
mga sanggunian o hanguang first-hand sapagkat dapat na sariling likha ang pag-aaral. Ang
pagpapasagot ng mga survey form sa mga kalahok ay hindi madaling gawain lalo’t higit ang
muling pagkalap ng mga ito. Gumugugol at naglalaan ito ng mahabang panahon. Itinatala
nang maayos at isa-isang sinusuri ang mga nakuhang sagot at binibigyan ng interpretasyon.
Para sa mga karagdagang impormasyon, suhestyon, rekomendasyon at pagwawasto,
isinasangguni sa istatistisyan at isinusulat, nirerebisa saka sinusulat muli kapag iniharap na
sa mga tagasuri, panel o ebalweytor.
4. Gabay sa Sulating Pananaliksik sa Senior High School. Sa isinagawang pag-
aaral ng mananaliksik, lumabas na sapat na kahandaan ang ipinamalas ng mga mag-aaral
subalit may mga gawaing pananaliksik pa rin na kailangang paunlarin. Dahil dito, ang
mananaliksik ay nakabuo ng gabay sa sulating pananaliksik sa Senior High School na
maaaring magamit ng mga guro sa pagtuturo at gayundin ng mga mag-aaral bilang
kagamitang pantulong sa pagkatuto upang mapaunlad at madaling maisagawa ang pagbuo
ng nasabing gawain. Ang gabay na binuo ng mananaliksik ay may layuning mabigyan ng
karagdagang kaalaman, matulungan at magabayan ang mga guro at mag-aaral sa pagbuo
ng pananaliksik. Kalakip ng tesis na ito ang awtput, ang sipi ng Gabay sa Pagsulat-
Pananaliksik na binuo ng mananaliksik.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
KABANATA V
PAGLALAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paglalagom, konklusyon at rekomendasyon.
Lagom
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagbuo ng gabay sa sulating pananaliksik para
sa Senior High School. Layunin nitong sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa sumusunod na gawaing pananaliksik:
1.1. pagpili ng paksa;
1.2. paglalahad ng tentatibong balangkas;
1.3. pagsulat ng literaturang konseptwal at kaugnay na pag-aaral;
1.4. paggamit ng instrumento sa pangangalap ng datos;
1.5. pagpili at pag-aanalisa ng angkop na istadistika;
1.6. paghahanay ng mga datos at pagbibigay-interpretasyon; at
1.7. pagbuo ng lagom, kongklusyon at rekomendasyon?
2. Ano ang kinalabasan ng kabuuang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral ayon sa
natuklasan ng mga guro?
3. Ano ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa sulating pananaliksik?
4. Gamit ang nakalap na datos, anong gabay sa sulating pananaliksik ang mabubuo?

Kinalabasan ng Pag-aaral
Matapos masuri, inilahad sa bahaging ito ang kinalabasan ng pag-aaral at nakuha
ang sumusunod na mga resulta.
1. Antas ng Kahandaan ng mga Mag-aaral sa Gawaing Pananaliksik
1.1. Pagpili ng Paksa. Sa pagpili ng paksa bilang gawaing pananaliksik, ang
pagsusuri ng paksang makabuluhan kaugnay ng wika at kultura at pagtukoy sa saklaw ng
panahon kaugnay ng napiling paksa ang nakakuha ng pinakamataas na weighted mean na
3.14. May pinakamababang weighted mean naman na 1.41 ang pagtukoy ng paksa kaugnay
ng layunin at 1.32 ang paghahanap ng paksang napapanahon. Sa pangkalahatan, kulang na
kahandaan ang gawaing ito na may composite mean na 2.17.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
1.2. Paglalahad ng Tentatibong Balangkas. Kulang na kahandaan ang mga
gawain sa paglalahad ng tentatibong balangkas. Nanguna sa mga ito ang pagsunod sa uri ng
balangkas na gagamitin na may weighted mean na 3.14. Nakakuha ng weighted mean na
3.09 ang paggamit ng balangkas sa pagsulat ng sulating pananaliksik. Samantala, ang
pagtatala ng pangunahing kaisipan ayon sa pagkakasunod-sunod, pagbubuod ng punong
ideya gamit ang sariling pananalita at pagsasaayos ng mga ideya sa organisadong
pamamaraan ay may pinakamababang weighted mean na 2.05, 1.36 at 1.27. Ang mga
gawaing ito sa kabuuan ay may composite mean na 2.48 at kulang na kahandaan.
1.3. Pagsulat ng Literaturang Konseptwal at Kaugnay na Pag-aaral. Ang
pagtukoy sa mga layunin, disenyo at resulta ng kaugnay na pag-aaral na may weighted mean
na 3.18 at pagtiyak sa mga pag-aaral nang nagawa kaugnay ng isinagawang pag-aaral na
may weighted mean na 3.09 ang nanguna sa gawaing ito. Samantalang ang pangangalap ng
datos mula sa iba’t ibang sanggunian na may weighted mean na 2.32, paghahanay ng mga
datos mula sa iba’t ibang sanggunian kaugnay ng paksa ng sulatin na may weighted mean na
2.00 at pagkilala sa mga may-akda ng pinaghanguan ng mga impormasyon na may weighted
mean na 1.32 ang nasa huli. Sa gawaing ito, ang kabuuang composite mean ay 2.57 na may
sapat na kahandaan.
1.4. Paggamit ng Instrumento sa Pangangalap ng Datos. Nanguna sa gawaing
ito ang paghahanap ng mga datos gamit ang internet bilang karagdagang hanguan na may
weighted mean na 3.41 at pagkuha ng mga datos gamit ang mga aklat na may weighted mean
na 3.23 na parehong may sapat na kahandaan. Ang pagtingin sa isang pangyayari sa
pamamagitan ng paglahok-obserbasyon na may weighted mean na 1.91, paghahanda ng
talatanungan na nasa anyong tseklist na may weighted mean na 1.41 at paggamit ng sampling
upang matukoy ang bilang ng kalahok na may weighted mean na 1.32 ang may
pinakamababang weighted mean sa gawaing pananaliksik na ito. Sa kabuuan, kulang na
kahandaan ang paggamit ng instrumento sa pangangalap ng datos na may composite mean
na 2.45.
1.5. Pagpili at Pag-aanalisa ng Angkop na Istadistika ng Kinalabasan. Sa
gawaing pananaliksik na ito, sapat na kahandaan ang ipinakita ng mga mag-aaral at nakakuha
ng pinakamataas na weighted mean 3.18 ang pagpili ng wastong pormula sa pakuha ng
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
weighted mean at composite mean at pagsusuri ng kinalabasan ng pananaliksik batay sa
layunin ng pag-aaral na may weighted mean 3.14. Nasa huli naman ng gawaing ito ang
pagtitipon at pag-uuri-uri sa mga datos na nakalap na may weighted mean na 2.14 at paggamit
ng angkop na istadistika na bihirang magbigay ng isang simpleng uring oo o hindi bilang sagot
sa tanong na may weighted mean na 2.09. Pinakahuli ang pagtukoy sa instrumentong ginamit
na may weighted mean na 2.05. Sa kabuuan, may composite mean na 2.55 na may sapat na
kahandaan.
1.6. Paghahanay ng mga Datos at Pagbibigay-Interpretasyon. Sa gawaing ito,
nanguna ang pagsasaayos nang sistematiko ng magkakaugnay na datos sa talahanayan na
may weighted mean na 3.23. Sumunod dito ang paghahambing ng mga datos bilang
pansuporta sa kinalabasan ng pag-aaral, paglalahad ng mga datos sa talahanayan o
anumang pantulong na grapiko at pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal at sikwensyal na
paraan na pare-parehong may weighted mean na 3.09. May pinakamababang weighted mean
naman na 2.18, 2.14 at 2.00 ang pagsasaalang-alang sa haypotesis ng pag-aaral, paggamit
ng mga patalatang pahayag upang mailarawan ang mga datos at paggamit ng wastong
pagbabaybay at mga bantas. Sa kabuuan, may composite mean na 2.71 ang gawaing ito na
may sapat na kahandaan.
1.7 Pagbuo ng Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon. Bilang huling gawaing
pananaliksik, ang pagrerekomenda sa ibang mananaliksik na ipagpatuloy ang pagpapalawak
ng katulad na pag-aaral na may weighted mean na 3.23 at pagmumungkahi ng pagpapanatili
tungo sa pagpapabuti ng natuklasan na may weighted mean na 3.14 ang nanguna sa gawaing
ito. Samantala, ang paglalahad ng lagom sa paraang tekstwal o numerikal sa pamamagitan
ng mahahalagang datos ay may weighted mean na 2.27 at ang paglutas ng mga suliraning
natuklasan sa pag-aaral ay may weighted mean na 214. Ang huli ay pagbibigay ng maikli
ngunit makabuluhang lagom na may weighted mean na 1.45. Sa pangkalahatan, ang gawaing
ito ay may sapat na kahandaan na may composite mean na 2.67.
2. Kabuuang Antas ng Kahandaan ng mga Mag-aaral sa Sulating Pananaliksik.
Sa pitong gawaing pananaliksik, ang paghahanay ng mga datos at pagbibigay-interpretasyon
na may weighted mean na 2.71 ang nanguna. Sinundan ito ng pagbuo ng lagom, konklusyon
at rekomendasyon na may weighted mean na 2.67. Ang pagsulat ng literaturang konseptwal
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
at kaugnay na pag-aaral ay may weighted mean na 2.61. Nakakuha ng weighted mean na
2.55 ang pagpili at pag-aanalisa ng angkop na istadistika sa pag-aaral. Ang unang apat (4)
na gawaing pananaliksik ay may sapat na kahandaan.
Samantala, sa pitong gawaing pananaliksik, tatlo (3) sa mga ito ang may kulang na
kahandaan. Ang paglalahad ng tentatibong balangkas may weighted mean na 2.48 at ang
paggamit ng instrumento sa pangangalap ng datos ay may weighted mean na 2.45. Ang
pinakahuli ay ang pagpili ng paksa na may weighted mean na 2.17.
Sa kabuuan, ang pitong (7) gawaing pananaliksik na nabanggit ay may composite
mean na 2.52 at may sapat na kahandaan.
3. Suliraning Nararanasan ng mga Mag-aaral sa Sulating Pananaliksik. Makikita
sa talahanayan 10 na ang mga mag-aaral ay may mabigat na suliranin sa pagbuo ng sulating
pananaliksik. Sa 15 suliraning ito, 13 ang mabigat na suliranin at 2 lamang ang hindi gaanong
suliranin. Sa kabuuan, may composite mean na 2.67 na binigyang-kahulugan na mabigat na
suliranin.
4. Gabay sa Pagsulat-Pananaliksik para sa Senior High School. Batay sa resulta
ng pag-aaral, bumuo ang mananaliksik ng gabay sa pagsulat-pananaliksik para sa senior high
school. Ang gabay na ito ay naglalaman ng mga proseso sa gawaing pananaliksik na
nakakuha ng kulang at walang kahandaan sa kabuuan ng pag-aaral. Binuo ito upang mabatid
ang daloy sa pagbuo ng gawain at makadagdag sa kaalaman at pang-unawa ng mga guro at
mag-aaral.
Konklusyon
Batay sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral, inilahad ang sumusunod na mga
konklusyon:
1. Natuklasan mula sa pitong (7) gawaing pananaliksik, apat (4) na gawain ang may
sapat na kahandaan at tatlong (3) gawain ang walang kahandaan.
2. Sa kabuuan , sapat na kahandaan ang ipinamalas ng mga mag-aaral sa gawaing
pananaliksik.
3. Ang pagbuo ng sulating pananaliksik ay isang mabigat na suliranin para sa mga
mag-aaral.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
4. Bumuo ang mananaliksik ng gabay sa pagsulat-pananaliksik para sa Senior High
School.
Rekomendasyon
1. Iminumungkahi na isailalim sa rebyu ang binuong gabay sa pagsulat-pananaliksik.
2. Inirerekomenda ng mananaliksik na gamitin ang binuong gabay sa pagtuturo ng
sulating pananaliksik sa Senior High School.
3. Patuloy na pahalagahan ang kultura ng pananaliksik at magsagawa ng iba pang
malalim na pagsusuri o pagtataya.
4. Iminumungkahi ang pagsasagawa ng katulad na pag-aaral na nakatuon naman sa
pagsusuri ng nabuong pananaliksik(research output) ng mga mag-aaral gamit ang rubrik sa
pananaliksik.
5. Padaluhin ang lahat ng mga guro na nagtuturo ng pananaliksik sa seminar
kaugnay ng sulating pananaliksik.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
SANGGUNIAN

A.MGA AKLAT
Alejo et al.(2005).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Pilipinas:C & E Publishing Inc.
Astroga, Eriberto R. at William P. Nucasa.(2010).Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik.
Manila:Mindshapers Co., Inc.
Atanacio et al.(2016).Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik.Quezon City:C & E Publishing, Inc.
Austero et al.(2006).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Pasig City:Unlad Publishing
House
Bernales et al.(2016).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Malabon City:Mutya
Publishing House Inc.
Bernales et al.(2009).Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik.Malabon City:Mutya Publishing House
Inc.
Cruz et al.(2013).Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik sa Antas
Tersaryo.Manila:Mindshapers Co., Inc.
Cruz et al.(2010).Pagbasa at Pagsulat sa Masining na Pananaliksik sa Antas
Tersaryo.Manila:Rex Book Store Inc.
De Castro at Taruc.(2010).Kritikal na Pagbasa at Akademikong Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.Maynila:University of Santo Tomas Publishing House.
Evasco et al.(2011).Saliksik Gabay sa Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan at
Sining.Quezon City:C & E Publishing Inc.
Galang et al.(2007).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Sampaloc Maynila:Rex
Bookstore, Inc.

Gonzalvo Jr., Romeo P.(2012).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa mas Mabisang


Pananaliksik.Manila:Purely Books Trading & Publishing Corp.
Jocson et al.(2016).Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.Quezon
City:Vibal Group, Inc.
*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
Jocson et al.(2005).Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Quezon
City:Lorimar Publishing Co., Inc.
Marquez, Jr., Servillano T.(2016).Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp.
Mangahis et al.(2008).Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Quezon City: C & E
Publishing, Inc.
Marquez, Jr., Servillano T. at Garcia, Florante C.(2011).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik.Quezon City:SIBS Publishing House, Inc.
Nuncio et al.(2015).Makabagong Filipino sa Nagbabagong Panahon: Batayang Aklat sa
Kapaki-pakinabang na Komunikasyon sa Ika-21 Siglo (Filipino 1).Quezon City:C & E
Publishing, Inc.
Ordoñez et al.(2007).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Cabanatuan City:Jimcy
Publishing House.
Pacay III, Wilmor L.(2016).Pagbasa ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Makati
City:JFS Publishing Services, Inc.
Reyes, Alvin Ringgo C.(2016).Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino.Makati City:Diwa Learning Systems Inc.
San Juan et al.(2009).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (Filipino 2).Metro
Manila:Grandbooks Publishing Inc.
Sioson et al.(2014).Pananaliksik sa Filipino Mula sa Pagbasa at Pagsulat. Mandaluyong
City:Books Atbp. Publishing Corp.
Ulit Perla G.(2008).Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.Metro Manila:Grandwater
Publications.
Villaruel, Rosie R.(2012).Retorika Mabisang Pagpapahayag sa Filipino.Mandaluyong
City:Books Atbp. Publishing Corp.

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
B. MGA TESIS AT DISERTASYON
Abadilla, Magdalena O.(2006).Debelopment at Validasyon ng Modyul sa Panimulang
Pananaliksik para sa Kolehiyo.Tesis Pangmasteral. Pambansang Normal ng Pilipinas.
Danao III, Diogenes V.(2010).Modyul sa Pag-aaral ng Pananaliksik para sa Antas Tersarya.
Tesis Pangmasteral.Pambansang Normal ng Pilipinas.
Escarez, Mary Grace A.(2015).Developing Skills in Conducting Science Research Among
Teacher Education Students.Tesis Pangmasteral. Pambansang Pamantasan ng
Batangas.

Loyola, Lean G.(2015).Research Program for Elementary Grade Teachers in the Division of
Lipa City.Tesis Pangmasteral.Pambansang Pamantasan ng Batangas.

Vergara, Imelda B.(2010).Students’ Motivation and Readiness for Research: Basis for a
Proposed English Language Instruction Design.Tesis Pangmasteral.Pambansang
Pamantasan ng Batangas.

C. HANGUANG ELEKTRONIKO
Culatta, Richard.(2013).Constructivist Theory (Jerome Bruner).
Crossman, Ashley.(2018).Understanding Purposive Sampling.
https://www.thoughtco.com/purposive-sampling-3026727
Francisco, Christian George C. (2013).Tatlong Yugto sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik.
https://www.scribd.com/doc/122291325/Tatlong-Yugto-Sa-Pagbuo
Garcia, Mark (2018)
https://www.scribd.com/document/341483246/KAGAMITANG-PAMPAGTUTURO
Hale, J. (2011). The 3 Basic Types of Descriptive Research Methods. Psych
Central.https://psychcentral.com/blog/archives /2011/09/27/the-3-basic-types-of-
descriptive-research-methods/
Holland, Peter C. (2011).Cognitive Versus Stimulus-Response Theories of Learning.
Madrona, Mark. (2016).Pagpili at Paglilimita ng Paksa.
https://www.filipinoscribe.com/pananaliksik101/pagpili-ng-paksa/

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************
INSTABRIGHT e-GAZETTE
ISSN: 2704-3010
Volume I, Issue IV
May 2020
Available online at www.instabrightgazette.strikingly.com
*********************************************************************************************************
McLeod, Saul. (2012).Zone of Proximal Development (Jerome Bruner).
https://brainy.ph/question/310520.(2016)
https://en.wiktionary.org/wiki/guide.(2018).
http://www.deped.gov.ph/k-to-12/faq/senior-high-school.(2017).
https://en.wikiversity.org/wiki/Wikiversity:Learning_by_doing(2016).

D. IBA PANG SANGGUNIAN


K to 12 Core Curriculum – Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t - Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.Disyembre 2013

*********************************************************************************************************
Editorial Team
Editor-in-Chief: Alvin B. Punongbayan Associate Editor: Andro M. Bautista
Managing Editor: Raymart O. Basco Web Editor: Nikko C. Panotes
Manuscript Editors / Reviewers:
Chin Wen Cong, Christopher DC. Francisco, Camille P. Alicaway, Pinky Jane A. Perez,
Mary Jane B. Custodio, Irene H. Custodio, Mark-Jhon R. Prestoza, Keive O. Casimiro,
Rjay C. Calaguas, Mario A. Cudiamat, Jesson L. Hero, Albert Bulawat
*********************************************************************************************************

You might also like