You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG MOBILE LEGENDS

Bakit kaya may larong Mobile Legends? Paano kaya ito nabuo? At sa aking malawak na
imahinasyon, ako ay bumuo ng isang kathang-isip kung paano nga ba nabuo ang Mobile Legends.

Noong unang panahon, may isang Bathala na tila walang kapaguran sa pagtulong sa mga tao.
Subalit hindi kayang tugunan lahat ng pangangailangan ng bawat isa kaya naisip niyang bumuo ng mga
katulad niyang Bathala upang may katuwang siya sa pagtulong sa mga tao. Walang pag-aalinlangan,
iwinagayway niya ang kanyang baston at lumabas nga sina Freya, Odette, Nana, Martys, Akai at Johnson.
Tuwang-tuwa ang mga ito dahil sila ay nagkaroon ng buhay at kapangyarihan.

Bathala: kayo ay aking binuhay upang maging katuwang ko sa pagtulong sa mga tao. Maasahan
ko ba kayo?

Lahat: Opo!

Bathala: Kung gayon, ipapadala ko kayo sa iba’t ibang panig ng mundo upang mamahala sa mga
tao. Kayo ang titingin sa bawat pangangailangan ng inyong mga taong nasasakupan. Maliwanag ba?

Lahat: Opo!

Ipinadala ni Bathala ang mga ito sa bawat kontinente ng mundo upang mamahala doon. Si Freya
ay ipinadala sa Africa, si Odette ay sa Antarctica, si Nana sa Asya, si Martys sa Europe, Akai sa America at
Johnson sa Australia. Naging mabuti ang mga Bathalang ipinadala sa bawat kontinente. Tinulungan nila
ang mga nangangailangan ng hindi nalalaman ng mga tao. Subalit sa pagdaan ng mga araw, tila nabagot
sila sa araw-araw na kanilang ginagawa. Minsan, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga lider ng
Europe at America, dahil nababagot ang dalawang Bathala sa pang-araw-araw nilng ginagawa, ang pag-
aaway na iyon ay tila nakakaexcite na panoorin. Kaya pinanood nila ang pag-aaway ng dalawang
kontinente, hanggang tuluyan na ngang nagkaroon ng pandaigdigang digmaan. Walang ginawa ang mga
Bathala kundi panoorin ang mga taong naglalaban. Tuwang-tuwa silang pinagmamasdan sila.

Nagalit ang Bathalang lumikha sa kanila at inutusan ang bawat isa na patigilin ang mga tao na
mag-away-away. Ginawa ito ng mga Bathala subalit hindi pa rin natuwa sa kanila ang Bathalang lumikha
sa kanila dahil marami ng buhay ang nawala. Kaya sila ay ikinulong upang ang mga tao naman ang
magmanipula sa kanila. Ito ang kabayaran ng hindi nila pagtingin sa kapakanan ng mga tao. Ang mga tao
naman ang may kapangyarihan upang sila ay mabuhay muli sa kulungang kanilang kinalalagyan.
Pinangalanan niyang Mobile Legends ang laro dahil nandito ang mga Bathalang naging alamat na
lamang. Dahil sa kanilang paglalaro sa kahinaan ng mga tao, sila naman ngayon ang pinaglalaruan ng
mga tao.

You might also like