You are on page 1of 2

Nakakatakot na Global Warming

Tumagatak ang pawis sa aking noo. Kay init ng panahon parang


nagbabagang apoy ang hangin na dumadampi sa aking balat. Ito na kaya ang
tinatawag nilang global warming? Bigla akong napaisip at nagbiglang –tanaw sa
aming natutunan tungkol sa global warming.
Ayon sa aming guro ang global warming ay ang pag-init ng mundo dahil sa
pagtaas ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Ang greenhouse gases
ang nagkukulong ng init sa mundo. Kung kaya ito ay naiipon at hindi makawala sa
mundo na nagdudulot ng pag-init at pagbabago ng temperatura nito. Dahil na rin
sa mga maling pamamaraan nating mga tao kaya nasisira ang ating mundo. El
Nino ang isa sa mga epekto rin ng global warming. Bakit kaya nangyayari ito?
Ang mga maling gawain at pamamaraan nating mga tao ang nagtulak sa
atin upang matamasa ito. Ang pagpuputol natin ng nga punung-kahoy dahil sa
pagpapatayo ng mga bahay o kaya ay pagpapalawak ng mga daraanan,
naisasakripisyo natin ang ating katuwang sa mundo-ang mga puno. Hindi natin
alam na tayo rin ang higit na naaapektuhan dahil wala ng nagbibigay sa atin ng
oxygen na kailangan ng ating katawan at nagpapalamig ng temperatura ng ating
mundong ginagalawan. Pagsusunog ng mga plastic, pagbuga ng usok na galing sa
mga sasakyan at paktorya ay nakadaragdag din ng pagkasira ng ating kalikasan.
Kung patuloy na iinit ang ating mundo, tuluyan na itong magbabago at tuluyan na
rin itong masisira.
Bigla akong kinabahan, umikot ang aking paningin sa aking paligid , konti na
lang pala ang mga punong tumutulong sa atin. Nasisira napala an gating
tahanan.Kaya pala nararamdaman na natin ang epekto ng global warming. Naisip
ko ang aking mga kaibigan, hihikayatin ko silang magtanim ng punung-kahoy sa
aming bakuran. Kahit sa simpleng paraan ko ay makatulong man lang sana ako sa
mundo upang maibsan ang epekto ng nakakatakot na global warming.
Nakakatakot na Climate Change

Tumagatak ang pawis sa aking noo. Kay init ng panahon parang nagbabagang apoy ang hangin
na dumadampi sa aking balat. Nang biglang may pumatak na tubig sa aking bumbunan. Ano ito? Unti-
unti nang pumatak ang ulan na aking ikinagulat. Ang init kanina ngayon biglang umulan. Ito na kaya ang
tinatawag nilang climate change? Bigla akong napaisip at nagbiglang –tanaw sa aming natutunan
tungkol sa climate change.

Ayon sa aming guro ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas
ng greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Ang greenhouse gases ang nagkukulong ng init sa
mundo. Kung kaya ito ay naiipon at hindi makawala sa mundo na nagdudulot ng pag-init at pagbabago
ng temperatura nito. Dahil na rin sa mga maling pamamaraan nating mga tao kaya nasisira ang ating
mundo. Hindi maikakaila na lumalakas at dumarami na rin ang mga bagyong pumapasok sa ating bansa.
El Nino at La Nina ay mga epekto rin ng climate change. Bakit kaya nangyayari ang mga ito?

Ang mga maling gawain at pamamaraan nating mga tao ang nagtulak sa atin upang matamasa
ito. Ang pagpuputol natin ng nga punung-kahoy dahil sa pagpapatayo ng mga bahay o kaya ay
pagpapalawak ng mga daraanan, naisasakripisyo natin ang ating katuwang sa mundo-ang mga puno.
Hindi natin alam na tayo rin ang higit na naaapektuhan dahil wala ng nagbibigay sa atin ng oxygen na
kailangan ng ating katawan at nagpapalamig ng temperature ng ating mundong ginagalawan.
Pagsusunog ng mga plastic, pagbuga ng usok na galing sa mga sasakyan at paktorya ay nakadaragdag din
ng pagkasira ng ating kalikasan. Kung patuloy na iinit ang ating mundo, tuluyan na itong magbabago at
tuluyan na rin itong masisira.

Bigla akong kinabahan, umikot ang aking paningin sa aking paligid , konti na lang pala ang mga
punong tumutulong sa atin. Nasisira napala an gating tahanan.Kaya pala nararamdaman na natin ang
epekto ng climate change. Naisip ko ang aking mga kaibigan, hihikayatin ko silang magtanim ng punung-
kahoy sa aming bakuran. Kahit sa simpleng paraan ko ay makatulong man lang sana ako sa mundo
upang maibsan ang epekto ng nakakatakot na climate change.

You might also like