You are on page 1of 2

EDITORYAL Tungkol sa Bangis ng Dengue

Inihanda ni: Shery Mae Racel C. Gomez

Editoryal – Tungkol sa Bangis ng Dengue

PANSIMULA

Ang dengue ay isang nakahawang sakit pantropiko na dulot ng virus ng dengue. Ito ay
hatid ng lamok na tinatawag na Aeidis Aegypti. Mapanganib ang dalang sakit ng nasabing
lamok sa ating kalusugan. Kapansin pansin ang mga sintomas ng sakit ng dengue ay
lagnat, sakit ng ulo, kalamnan, pananakit ng kasukasuan,pagpapantalng balat at
mababang bilang ng platelet ng dugo.

Idineklara ng Department of Health (DOH) ang national dengue alert dahil sa patuloy na
pagdami ng mga nagkakasakit at marami na ang naiulat na namatay. Ayon sa report,
mula Enero hanggang Hunyo, 106,630 na kaso na ang naitala at 456 katao na ang
namatay.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ito ang unang pagkakataon na nagdeklara
ng national alert. Ito ay para maipabatid sa publiko ang pag-iingat at maging handa sa
nakamamatay na sakit na dulot ng lamok. Ayon kay Duque, nagpadala na ang kagawaran
ng mga trained specialist sa mga lugar na laganap ang dengue. Ipinaalala ni Duque na
ang kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay ang pangunahing panlaban para hindi
kumalat o mabuhay ang mga lamok.

Pag-iingat at paglilinis sa kapaligiran ang nararapat para makaiwas sa nakakamatay na


dengue. Takpan ang mga drum, timba at iba pang lalagyan ng tubig para hindi
pangitlugan ng lamok. Itapon ang mga basyong bote at lata, tinapyas na gulong ng sa-
sakyan, mga paso ng halaman at iba pang posibleng breeding ground. Linisin ang mga
kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng


ulo, kasu-kasuan, lagnat at pagsusuka.

Ang pagbibigay ng gabay sa mamamayan ukol sa dengue ay nararapat paigtingin ng


DOH. Magbigay ng inpormasyon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap na
maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng
sakit lalo ang mga nasa liblib. Ituro sa mga estudyante ang paglilinis sa loob ng bahay at
kapaligiran. Ituro sa kanila kung paano wawasakin ang tirahan ng mga lamok.

Page | 1
EDITORYAL Tungkol sa Bangis ng Dengue

Inihanda ni: Shery Mae Racel C. Gomez

OPINYUN

Isa sa mga kinakaharap na problema ng mga batang nag-aaral sa pampublikong


eskuwelahan ay ang panganib ng dengue. Kahit pa nagkaroon ng Brigada Eskuwela at
nilinis ang mga classroom at paligid, hindi pa rin garantiya na ligtas ang mga bata sa iba’t
ibang sakit partikular na ang dengue na hatid ng lamok na Aedes Aegypti.

Ang kalinisan sa loob ng bahay, paaralan at kapaligiran ang susi para mapigilan ang
pagkalat ng mga lamok na may dengue. Huwag i-istak ang mga basyong bote, lata,
gulong ng sasakyan, paso ng halaman sapagkat napupuno ito ng tubig sa panahon ng
tag-ulan. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat dito
nangingitlog ang mga lamok.

TANONG

1. Safe ba ang bakuna laban sa dengue?


2. Sinunod ba ng Department of Health ang utos ng WHO (World Health
Organization) tungkol sa tamang paggamit ng bakuna laban sa dengue?
3. Paano ko malalaman kung nagka-dengue na ako o hindi?

KONKLUSYON

Hindi masama na hangarin natin na magkaroon ng prevention laban sa dengue na


maituturing na isa sa pinakadelikadong sakit lalo pa sa ating mga kabataan. Ngunit, sana
ay masusing pagsasaliksik at analysis muna ang ginawa ng Administrasyon. Sana rin ay
pinakinggan ang babala ng iba’t ibang health organizations ng nakaraang taon, disin sana
ay hindi ito nangyayari sa ngayon.

Nararapat ang maigting na kampanya ng DOH laban sa dengue. Imulat ang mamamayan
para hindi sila mapahamak sa sakit na ito. Magkaroon ng mga patalastas sa radyo at
anunsiyo sa mga pahayagan ukol sa pag-iingat sa dengue at maglinis sa kapaligiran para
malipol ang mga lamok upang makaiwas sa sakit na ito.

Page | 2

You might also like