You are on page 1of 2

GRADE 8-b

Ang dengue fever ay isang kondisyong dulot ng dengue virus. Ang virus na ito ay
dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes Aegypti. Kagat ng lamok na may dalang dengue
virus ang sanhi ng pagkakasakit.
Patuloy na gumagawa ng hakbang ang Department of Health para sugpuin ang
dengue. Itong taon na ito, may naitala na mahigit na tatlumpung libong kaso ng dengue.
Kailangan na ng gobyernong gumawa ng mga bagong paraan upang maibaba ang bilang
ng mga kasong ito.
Ang isang dahilan kung bakit patuloy sa pagdami ang may sakit na dengue ay dahil
binibigyan ng pagkakataon ang mga lamok na mabuhay sa paligid. Kailangan ng
pakikipagtulungan ng lahat sa mga simpleng gawaing makaiiwas sa sakit na ito.
Una, dapat malaman na ang lamok na Aedes aegypti ay nabubuhay sa malinis na
tubig. Palagi dapat sinusuri ang loob at labas ng bahay kung may mga naipong tubig na
hindi napapalitan. Kung minsan ay may mga programa rin ang lokal na gobyerno para
mapuksa ang mga lamok katulad ng fogging.
Iginiit ng DOH na sa lahat ng mga paraang ito, mahalaga talaga ang pakikiisa ng
bawat mamamayan sa komunidad. Ito ang pinakamabisang paraan upang mapuksa ang
mapahamak na sakit na ito.

1. Ano ang kondisyon na dala ng ilang uri ng lamok tulad ng Aedes aegypti?
a. dengue fever b. hepatitis c. hika d. malaria
2. Anong ahensya ng gobyerno ang namamahala sa paghanap ng solusyon tungkol
sa problema ng dengue?
a. Department of Health b. Department of Science and
Technology
c. Department of Education d. Department of Public Works and Highways
3. Bakit patuloy ang pagdami ng may sakit na dengue?
a. patuloy na nagkakahawahan ang may sakit
b. patuloy na walang mainom na tamang gamot
c. patuloy na di kumakain nang tama ang mga tao
d. patuloy na nabubuhay ang lamok sa maruming paligid
4. Ano ang mararamdaman ng babasa ng unang bahagi ng seleksyong ito?
a. magagalit b. mananabik c. mangangamba d. matutuwa
5. Ano ang kasingkahulugan ng sugpuin sa pangungusap sa kahon? “Patuloy na
gumagawa ng paraan ang DOH upang sugpuin ang dengue.”
a. pigilan b. paalisin c. subukan d. tulungan

You might also like