You are on page 1of 1

GRADE 9-d

SI JOSE RIZAL SA DAPITAN


Si Jose Rizal ay ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 17, 1892. Ginugol niya ang
kanyang oras sa mga makabuluhang gawain. Ginamot niya ang mga maysakit. Matiyaga
siyang nagsaka at maingat na nagplano ng patubigan para sa mga tanim. Nagturo rin siya
ng mga samahang sibiko. Gumawa siya ng ilang eskultura at mga drowing. Sumulat din
siya ng mga tula. Lubos siyang hinangaan at iginalang ng mga taga-Dapitan, pati na rin ng
kanilang gobernadorsilyo.

Isang araw, nagulat si Rizal nang biglang dumating sa Dapitan si Pio Valenzuela.
Ibinalita nito ang pagkakatatag ng Katipunan at ang isang balak na paghihimagsik sa
pamahalaan. Binanggit din niya ang alok na ibibigay ni Bonifacio kay Rizal, ang liderato ng
Katipunan kung sakaling aanib ang doktor sa kilusang ito.

Biglang tumayo si Rizal at sinabi na hindi pa panahon upang maghimagsik. “Ang


binabalak ninyo ay isang kabaliwan. Kung ako ang tatanungin, dapat itigil agad ang inyong
balak habang maaga. Sabihin mo kay Bonifacio na dinaramdam kong hindi tanggapin ang
kanyang iniaalok.” Nagpasalamat siya at sinabing, “Mayroon pang ibang mapayapang
paraan upang makamit ang minimithi nating pagbabago para sa ating bayan.”

Malungkot na umalis sa bahay ni Rizal si Pio Valenzuela. Kinabukasan, naglakbay


siyang pabalik patungo sa Maynila.

1. Alin sa sumusunod ang unang naganap sa seleksyon?


a. Naglakbay si Valenzuela papunta sa Dapitan.
b. Nalaman ni Rizal ang balak na paghihimagsik.
c. Hindi sang-ayon si Rizal na maging lider siya.
d. Hinangaan at iginalang si Rizal ng mga tao sa Dapitan.
2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?
a. May nagdala ng balita tungkol sa Katipunan kay Rizal.
b. Napabalita sa Dapitan ang magaganap na paghihimagsik.
c. Hindi sang-ayon si Rizal sa balak ni Bonifacio para sa bayan.
d. Naging mabuti ang buhay sa Dapitan nang dumating si Rizal.
3. Ano ang kahulugan ng salitang ginugol sa pangungusap sa kahon?
Ginugol niya ang kanyang oras sa mga makabuluhang gawain
a. ibinuhos
b. inayos
c. iningatan
d. plinano
4. Ano ang kahulugan ng salitang aanib sa pangungusap sa kahon?
Ang liderato ng Katipunan ay ibibigay kay Rizal kung sakaling aanib ang doktor
sa kilusan.
a. magsisilbi
b. sasali
c. sasang-ayon
d. susuporta
5. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Bonifacio sa desisyon ni Rizal?
a. Magagalit siya sa tagadala ng balita.
b. Ipagdiriwang nila ang desisyon ni Rizal.
c. Aayon ang Katipunan sa paniniwala ni Rizal.
d. Hindi ikatutuwa ni Bonifacio ang maririnig na balita.

You might also like