You are on page 1of 1

Isulat ang talata ayon sa wastong pagkakasulat ng mga salita.

Si jose rizal ay ipinatapon sa dapitan noong hulyo 17, 1892.


ginugol niya ang kaniyang oras sa mga makabuluhang gawain.
Ginamot niya ang mga maysakit. Matiyaga siyang nagsaka at
maingat na nagplano ng Patubigan para sa mga tanim. Nagturo rin
siya ng mga samahang sibiko. Gumawa siya ng ilang Eskultura at
mga drowing. sumulat din siya ng mga tula. Lubos siyang hinangaan
at iginalang ng mga taga-Dapitan, pati na rin ng kanilang
gobernadorsilyo.
isang araw, nagulat si Rizal nang biglang dumating sa Dapitan
si pio valenzuela. Ibinalita nito ang pagkakatatag ng Katipunan at ang
isang balak na Paghihimagsik sa pamahalaan. Binanggit din niya ang
alok na ibibigay ni bonifacio kay rizal, ang liderato ng Katipunan kung
sakaling aanib ang doktor sa kilusang ito.
biglang tumayo si Rizal at sinabi na hindi pa panahon upang
maghimagsik. “Ang binabalak ninyo ay isang kabaliwan. Kung ako
ang tatanungin, dapat itigil agad ang inyong balak habang maaga.
Sabihin mo kay bonifacio na dinaramdam kong hindi tanggapin ang
kanyang iniaalok.” Nagpasalamat siya at sinabing, “Mayroon pang
ibang Mapayapang paraan upang makamit ang minimithi nating
pagbabago para sa ating bayan.” Malungkot na umalis sa bahay ni
Rizal si Pio valenzuela. Kinabukasan, Naglakbay siyang pabalik
patungo sa Maynila.

You might also like