You are on page 1of 4

RIZAL SA DAPITAN

I. Panimula
Ang pelikula ay nagsimula sa pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan probinsya ng
Zamboanga. Ito ay dahil sa paglaban niya sa relihiyon at gobyernong Kastila. Nakilala niya si
Padre Obach sa kanyang unang araw sa Dapitan. Dito ay pinilit siya ng pari na magbalik loob
ngunit ito ay nabigo dahil sa kanyang matibay na paninindigan.
II.Buod
Sa kanyang pagdating sa Dapitan, nakita niya ang bayan na kalunos-lunos. Siya ay
nangako na siya ay gagawa ng mga pagbabagong ikakaunlad ng bayan. Kasama sa kanyang mga
ginawa ay ang paglalagay ng patubigan gawa ng mga kawayan, ang papatanggal ng mga tubig sa
mga ilat para mawala ang mga lamok dahil ito ang nagiging sanhi ng sakit na Malaria, kasama
rin dito ang pagpapalagay ng mga lamparang gawa sa niyo para sa mga kalsada. Ipinaayos rin
niya ang liwasang bayan sa tulong ng kanyang Heswitang guro na si Padre Francisco Sanchez.
Ginawang makabuluhan ni Rizal ang kanyang pamamalagi sa loob ng piitan. Hindi lamang siya
naging isang ordinaryong bilanggo, siya rin ay naging guro, manggagamot at tagapamahala ng
kanyang bukirin.
Dumating sa Dapitan ang kanyang ina na si Doa Teodora kasama ang dalawa sa kanyang mga
kapatid na babae, sina Narcissa at Maria. Si Teodora sa naging isa sa mga pasyente ni Rizal. Isa
rin sa kanyang mga naging pasyente ay ang Amerikanong si George Taufer. Dumalaw si George
kay Rizal dahil sa kanyang kalagayan, ngunit ito ay hindi kaya ni Rizal.

Dito na niya nakilala si Josephine Bracken, ang anak-anakan ni George. Dahil sa hindi kayang
gamutin ni Rizal ang ama nito, nagpaalam ito at nangakong babalik. Tinupad niya ang kanyang
pangako at sila ay naging magkarelasyon ni Rizal.
Ang kasunduan ng pagpapakasal nina Rizal at Josephine ay kinuwestyon ng kanyang pamilya
lalo na ang kanyang kapatid na si Maria. Naniniwala si Maria na si Josephine ay isang espiya.
Hindi sila nagpakasal sa simbahan dahil sa pagsalungat ng mga lokal na prayle sa mga kasulatan
ni Rizal, itinuloy pa rin nila ang pagpapakasal kahit walang presensiya ng pari.
Naging masaya ang pagsasama ng dalawa hanggang sa malaman ni Rizal ang pagtataksil ni
Josephine. Ito ang naging dahilan ng pagkasira ng kanilang magandang samahan at nagresulta ng
pagkalaglag sa sinapupunan ng kanila sanang magiging anak na si Francisco.
Ang pelikula ay nagtapos sa pag-iwan ni Rizal kay Josephine pati na rin sa bayan ng Dapitan.
Kasabay dito ang kalungkutang bumalot sa mga mamamayan ng bayan dahil sa pag-alis ni Rizal.
Siya ay nagtungo sa Cuba kasama ang kanyang mga mahal sa buhay

.III. Talasalitaan

Naglibot Umikot sa isang lugar


Cuba Bansa sa Europa
Espanyol Tao mula sa Espanya
Prayle Pari mula sa Espanya

IV. Pagtatalakay

Ang halaga ng pelikulang ito ay ang pagbibigay kaalaman sa mga naganap sa


pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, ipinakita rito ang mga
nangyari kay Rizal sa panahon na siya ay ipinatapon.
Ang pelikulang ito ay nagbibigay ng aral sa mga manunuod nito. Isa sa mga aral na ito ay ang
pagtulong sa kapwa kahit ano pa ang iyong kalagayan. Ang pagtulong ay hindi lang para sa mga
piling tao kundi ito ay para sa lahat.
Ang pelikulang pinamagatang Rizal sa Dapitan sa direksyon ni Tikoy Aguiluz ang nagbigay
linaw sa mga tagpong naganap sa buhay ni Rizal noong siya ay ipinatapon sa bayan ng Dapitan
sa probinsya ng Zamboanga. Ipinakita ng pelikulang ito ang mga bagay na nagawa ng ating
pambansang bayani upang buhayin ang bayan ng Dapitan.
V. Mungkahi
Ang aking mukahi sa lahat ng makakabasa nito ay ang ating kalayaan ay hindi libre, ito
ay pinaghirapan at binahiran ng dugo hindi lang ni Rizal. Normal na mamayaman man, nag aaral
o hindi dapat nating alamin ang mga pangyayaring ating ginugunita.
Sa mga paraalang pangkataasan, sana sa hindi lang Noli Me Tangre at El Filibusterismo o
mga akda ni Rizal ang mas binibigyang pansin. Mas magandang kilalanin muna natin ang taong
nag sulat ng mga ito upang mas lalo natin maintindihan ang paksa at kahulugang nakabalot dito.
Sa mga nakapanood ng pelikula, iminumungkahi kong mag reflect tayo sa mga
ebidensya na inilahad sa atin at tayo ay gumawa ng sarili nating imbestigasyon sa kung gaano
ang nagawa at nai-ambag ni Rizal sa ating natatamasang kalayaan ngayon.

REAKSYON SA PAPEL

SA PELIKULANG
RIZAL SA DAPITAN

Isinumite ni:
Gonzales, Nikko Wilfredo V.
BSIE 5A

Isinumite kay:
Daniel S. Ortega, DPA

You might also like