You are on page 1of 1

Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?

Ang pelikulang Pilipino noong 1976 na pinamagatang Ganito Kami Noon Paano
Kayo Ngayon? ay nasa ilalim ng direksyon ni Eddie Romero na kilala bilang isang batikang
director at manunulat.
Ang ilan sa mga pangunahing tauhan sa pelikulang ito ay si Nicolas Kulas Ocampo
(ginanapan ni Christopher De Leon), Matilde Diding Diaz Patron (Gloria Diaz), at si Don Tibor
(Eddie Garcia). Ang mga pangyayari, at mga pagbabago sa mga tauhang ito ay isa sa mga
mahahalagang kaganapan na nagpaikot sa kwento. Samantalang ang tauhang sina Padre Gil at
Bindoy naman ay may mga mahalagang papel na ginampanan upang magkaroon ng ugnayan sa
pagitan ng tatlong naunang karakter.
Simula pa lamang ay ipinakita kaagad ang katangian at tunay na ugali ni Kulas. Siya ay
isang binatang magbubukid na simple lamang ang hangarin sa buhay at sadyang may taglay na
kabutihang loob na siya naman nagiging madalas na kadahilanan kung kayat siya ay napapasok
sa gulo at mapaglalamangan ng karamihan. Kung si Kulas ay masiya na sa kung ano ang
mayroon siya at hindi nagaalala sa mangyayari sa kanyang kinabukasan, ay ito naman ang
salungat sa kagustuhan ng kanyang iniibig na si Diding. Isa siyang dalaga na kasakasama ng
isang grupo ng mga manananghal at nangangarap siya na baling araw ay magiging magaling at
tanyag siyang mangangawit at aktres sa buong mundo. Mataas ang pangarap ni Diding at
ipinakita rin sa pekikula kung paano niya ginamit ang kanyang isip at mga taong nakapaligid sa
kanya upang maabot ang mga ito. Natunghayan rin ang pagdadalawang isip at pagbago-bago ng
mga desisyon ni Diding, maaring sa isang banda ay masaya rin siya sa kung anu ang meron siya
at sa kabilang banda naman ay buhay parin sa kanyang kalooban ang kagustuhang maabot ang
pangarap. Ang abogadong si Don Tibor naman ay naging mapanglamang na nilalang sa buhay ni
Kulas pagdating sa pagibig ngunit sa isang banda siyay mayroon din naman kaunting kabutihan
sa pagkat kahit papaano siyay naging tapat naging gabay ni Kulas sa ibang mga bagay At sa
bandang huli ay naging umamin at nagsisi sa naging malaking kasalanan siya kay Kulas.
Ang pelikulang ito ay sadyang kapupulutan ng aral kahit kailang panahon o taon mo ito
panoorin sapagkat magpasaanong henerasyon ka man nabibilang ay tiyak na makikita parin ang
mga paguugali at klase ng lipunan na ginalawan ng mga tauhan sa pelikula.

You might also like