You are on page 1of 2

“Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?


Directed by: Eddie Romero (1976)
Sa aking pag-aaral simula noong elementarya pa lamang ay
hinding-hindi mawawala ang kasaysayan ng Pilipinas. Sinasabi satin
kung ano ang importansya nito, ngunit ipinokus satin ang 19 th century
kung saan madaming pangyayari na naganap dito. Noong 19 th century
dito umusobong ang panahon ng Kastila. Sa palabas na aming
pinanuod na ‘Ganito Kami noon, Paano kayo ngayon?’ pinakita kung
ano meron noong kapanahunan nila noon sa ngayon. Sa palabas na
ito, ang bida ay nagpakita ng kanyang katapatan sa kanyang pagiging
Pilipino. Nagsikap siya mag isa at nagpursigi upang makaalis sa
kahirapan hanggang sa nakaya niya na tumayo sa kanyang sariling
mga paa. Bilang Pilipino sa panahon na iyon ay napakahirap sa
kadahilanang maraming kaguluhan ang mga nangyare noon katulad
ng mga rebolusyon ng mga Pilipino.
Sa aking napansin mula sa palabas ay madaming lahi na ang
mga nandito sa ating bansa. Ang bida sa palabas na lalaki o si Kulas
ay maagang naulila sa kanyang pamilya, sa palabas ito pinakita ang
kanyang buhay at kung paano nya ito nalagpasan. Hindi man naging
madali ang kanyang buhay hindi niya naman kinalimutan ang kanyang
pagigibng Pilipino.
Napatanong ako sa sarili ko matapos mapanuod ang palabas,
Naisasabuhay pa nga ba namin o sa panahong ito ang pagiging
Pilipino? Dahil nagustuhan ko kung paano siya lumaban sa buhay na
hindi nya kinakailmutan ang pagiging Pilipino niya. Kung nabubuhay si
Kulas sa panahon na ito, siya ang maitutukoy ko sa kabataang
sinasabi ni Rizal na ‘Ang kabataan ang pag-asa ng bayan’.
Napakahirap ng buhay noon na halos lahat ay kailangang paghirapan.
Naiapply ko sa aking sarili ang magandang aral ng palabas na
huwag susuko kahit walang wala na tayo, dahil hindi lang ako ang
nakakaranas ng mga bagay na nararanasan ko, kundi maghanap ng
solusyon sa problema at matutong tumayo sa sariling paa, sa panahon
kasi ngayon madaming kabataan ang nakaasa nalamang sa magulang,
hindi nila naiisip na hindi maganda ang umasa lang. Para saakin hindi
man maging malaking hakbang ang pagtayo ko sa sarili kong paa ay
mas okay na paunti unti kaysa sa walang ginagawa, kasi sa
pamamagitan nito matutulungan ko ang aking mga magulang at lalong
lalo na ang aking sarili dahil dadating ang araw na ako nalang sa sarili
ko.

You might also like