You are on page 1of 4

Bulacan State University

City of Malolos

College of Industrial Technology

“Ganito kami noon,


Paano kayo ngayon”

Ipinasa nina:

Cabarles, Sherwin

Bartolome, Kenneth

Cruz, Ryan James

Balbuena, Ram

BIT ET 1-13

Ipinasa kay:

Mr. Josephus Ranopa

March 04, 2019


“Ganito kami noon, Paano kayo ngayon”

Direktor: Eddie Romero

Taon: 1976

Lugar ng Pinangyarihan:

Pilipinas – Noon, ito ay puno pa ng kagubatan at simpleng pamumuhay lamang

Mga Karakter:

Kulas – Isang binatilyo na pawang kabutihan lamang ang maiaalay

Diding – Minamahal ni Kulas, isang artista sa Zarsuela

Bindoy – Ang batang inaruga ni Kulas, anak ni Padre Gil

Don Tibor – Abogado ni Padre Gil, inalalayan si Kulas

Padre Gil – Tinulungan ni Kulas mula sa pagkakabihag ng mga Kastila

Concordia – tagapangalaga ng bahay ni Padre Gil, anak si Leonora

Buod:

Nagsimula ang lahat sa pagkakasawi ng ina ni Kulas. Naiwan siyang nag-iisa sa mundo. Sa

kaniyang paglalakbay, may nakilala siyang isang Padre na pinagbibintangang tulisan ng mga

Kastila. Tinulungan ito ni Kulas at tinanaw ito ng padre, si padre Gil, na isang utang ng loob sa

binata.

Inutusan ni Padre Gil si Kulas upang hanapin ang anak niyang si Bindoy. Sa paglalakbay ni
Kulas

at Bindoy papuntang Maynila, nakilala nila ang isang grupo ng mga manananghal. Dito na nga

nahulog ang loob ni Kulas kay Diding.

Sa pagpapatuloy, hindi alam ni Kulas ang kanilang patutunguhan, sa Maynila. Hanggang sa


nakilala niya ang isang mabait na Tsino na nagngangalang Lin, na tumulong sa kanila upang

makarating sa Maynila at mapuntahan si Padre Gil.

Nagampanan ni Kulas ang kaniyang misyon kay Padre Gil. Bilang kapalit, pinamana ni Padre
Gil

ang lahat ng kaniyang ari-arian kay Kulas, at pinapunta si Don Tibor upang alalayan si Kulas.

Naging mas mabuting tao si Kulas sa tulong ni Concordia at Don Tibor. Nagpayaman siya ngunit

hindi pa rin niya nakakalimutan ang kaniyang mga pinagmulan.

Sa kaniyang mga pinagdaanan, lagi niyang tinatanong kung siya ba talaga ay isang Pilipino.

Nasagot niya ito ng “oo” sa huli.

Mga Aral:

Ipinakita ng pelikula na sa kabila ng pagkakabihag natin sa ilalim ng mga espanyol at


Amerikano,

hindi ito puro kasakiman. Laging nakapalibot ang mga mabubuting loob.

Ang mga Pilipino ay patuloy pa rin na pinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Kailan man ay

hindi mauubusan ng mga tao na handang tumulong.

Kailangan rin na makilala natin ang ating mga sarili ng husto at kailangan rin na pahalagahan

ang mga pinaglaban ng ating mga ninuno.

Talakayan:

Napakadaling sabihin na tayo ay isang Pilipino;. Ngunit paano nga ba natin masasabi na tayo

ay isang tunay na Pilipino?. Sapat ba na isinilang tayo sa Bansang Pilipinas? O ang ating mga

magulang ay mga Pilipino?.

Isa ito sa kinaharap ni kulas, tinatanong niya ang kanyang sarili kung sino ba siya, Kung siya ba

ay isang Pilipino o isang banyaga. Nakahalubilo niya ang ibat ibang uri ng tao noong panahon ng

mga Kastila. Kung saan naatasan siyang hanapin ang anak ng isang prayle. Dito ay naglakbay

siya kung saan saan may mga nakilala siyang mga indio at mga mangangalakal. Nanilbihan siya

sa mga kastila at namuhay ng malayo sa pamumuhay ng isang indio. Dito niya nakita ang
kalupitan at pagpapahirap ng mga kastila sa mga kapwa niya Pilipino. Minsan nyang naranasan

ang pagpapasakit ng mga kastila. Dito ay napagtanto niya kung anu nga ba ang isang tunay na

Pilipino.

Ang pagka Pilipino ay hindi lamang nababatay dahil dito tayo ipinanganak sa bansang Pilipinas

at di rin dahil ang mga magulang natin ay kapwa mga Pilipino. Hindi lamang ito nagtatapos dito,

ang pagiging isang Pilipino ay handa tayong ipagtanggol ang ating bayan sa mga banyagang

mananakop. Ang pagmamahal at pagtangkilik sa mga sariling atin ay simpleng bagay para tayo’y

maging isang tunay na Pilipino. Tulad ng mga nauna, ang pagmamahal sa kapwa Pilipino at sa

bayan, paggalang at pagsunod sa batas at sagradong institusyon nito ay Isang tatak ng isang

tunay na Pilipino.

Talasalitaan:

Indio - klasipikasyong panglipunan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila

Prayle- mga paring kastila

Gobermador- Heneral - pinakamatass na posisyon sa pamahalaan noong panahon ng mga

kastila

You might also like