You are on page 1of 2

Eliang, Mary Rachelle Anne F.

BS ECE 1-1

FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN

Higit natin mauunawaan ang kasalukuyan kung alam natin ang nakaraan. Mabibigyan

natin ng konkretong balangkas ang hinaharap kung mayroon tayong analitikal sa pagtatasa

kasalukuyan na malaya sa panatisismo at anumang sariling paghuhusga o pagkiling.

Ang paninindigan natin at pananaw sa kasaysayan ay kailangang maka-PILIPINO. Ang

ibig sabihin nito, ang pag-aaral sa kasaysayan ay kailangang isaalang- alang, una at higit sa lahat

ang interes ng lahing Pilipino. Hindi rin dapat na panghinayangan ang maaaring pagkawala ng

mga kaibigan, gaano man sila kayaman at makapangyarihan. Hindi rin dapat umiwas sa

pagsalunga sa mga institusyon na nagsisilbing sagabal sa radikal na transpormasyon ng lipunan.

Ang pag-aaral ng kasaysayan ay dapat maging kagaya ng isang manggagamot na nag-oopera ng

kanyang pasyenteng may tumutubong kanser, mga kanser ng lipunan.

Ang mga Kastila at Amerikano ay may ambag sa akademikong disiplina sa Pilipinas. Ito

ang dahilan kung bakit mayroong maayos at magandang edukasyon sa bansa. Subalit, kabalikat

nito, naging isip-kolonyal ang mga Filipino kung saan ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa ay mala

kanluranin samantalang taga silangan sila. Pinalaganap nila ang unibersalismo kung saan ang

etniko, parokyal, at probinsyal ng bansa ay unti-unti ng nawawala o napapalitan. Subalit, kailangan

din ng Filipinolohiya ang akademikong disiplina upang mapalaya ang Pilipinong kaisipan, kultura,

at lipunan at hindi ang kabaliktaran nito.

Nag simula tayo sa isang maunlad na pamumuhay. Sagana sa agrikultura at naging

maunlad ng dahil sa pangangalakal at agrikultura. Ngunit ng dahil sa isang pangyayari, nagbago


Eliang, Mary Rachelle Anne F.
BS ECE 1-1

ang lahat ng ito. Ang isang pangyayari sa buhay nating mga Pilipino ay makakapagbago ng isang

henerasyon. Sa pagdating ng mga kastila, amerikano, hapones at iba pa ay makikita natin na

nabago nang tuluyan ang unang mga Pilipino ng dahil sa karahasan at pagiging alipin dito. Ngunit

may pag-asa pa dahil narito pa tayong mga kabataan na maaaring maging isang solusyon upang

mabago pa natin ang ating bansa. Mabago ito upang maging isang kilalang maunlad na bansa at

mayroon ng sariling identidad na sa ngayon ay konti pa lamang ang mulat. Sa pagmumulat sa lahat

ng kabataan ukol sa paksang ito ay mabibigyan natin ng tunay na pagpapahalaga ang mga

ginawang pagtatanggol ng ating mga bayani para sa ating bansa. Ito ang dapat at ito ang magiging

solusyon para sa panibagong Pilipinas na ating minimithi.

You might also like