You are on page 1of 7

GNED 04 – MRS.

VICENTE 7AM-10AM

MODULE 1

Etimolohiya
• History- “historia” (Griyego na salita)
• Impormasyon mula sa pananaliksik.
• Ginamit ni Herodutus, sumulat ng isang kasaysayan ng mahabang digmaan na
naganap sa isang daigdig.
“Ama ng kasaysayan”

Kasaysayan
• Saysay at salaysay- pag-aaral ng nakalipas
• Mga bagay na tumutukoy sa mahalagang naganap sa isang lugar
• Isang agham ng pag-aaral ng mga makabuluhang pangyayari.
• Pinkamatandang sangay ng pag-aaral sa Agham Panlipunan
• Sistematikong pag-aaral ng mga karaang pangyayari uoang maunawaan ang ating
kasulukuyan at mapaghandaan ang ating hinaharap.
• Sumasalamin sa mga pagbabago ng mga tao, bayan at pangyayari.

Mga Anyo ng Kasaysayan


Tala- ang una at ang pinkasimpleng paglalahad ng kasaysayan. Ang ilang mga
sinauanag pamayanan ay gumamit ng tala upang illista ang ilang mahahalagang
impormasyon.

Kronolohiya- paraan ng pagalahad ng Kasaysayan ay ang paglilista ng mga bagay o


kaganapan ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Mga Sangay na may Kaugnayan sa Kasaysayan


• Arkeolohiya (Archeology)
• Antropolohiya (Anthropology)
• Paleontolohiya (Paleontology)
• Heograpiya(Geography)

Mga Batayan ng Kasaysayan


1. Primaryang Batis- mga orihinal na doumento at salaysay ng mga tunay na
nakasaksi.

Mga Uri ng Primaryang Batis


a. Dokumento - mga bagay o usaping nakasulat sa papel.
- Maaring pampublikong dokumento o Personal/Pribadong
dokumento.
Halimbawa:
Ulat Pampamhalaan, Batas/Ordinansa, Talaarawan, Talambuhay,
Autobiograpiya
GNED 04 – MRS. VICENTE 7AM-10AM

b. Pahayagan at Broadcast Media - publikasyon na naglalaman ng balita,


tampok na kwento, dokumentaryo, anunsyo at iba pa na inilalathala araw-
araw.

Halimbawa:
Broadsheet, Tabloid, Magasin, Editorial Cartoon, Editorial, News Report

c. Anunsyo/Patalastas - anunsyo na makikita sa pahayagan, radio, TV, Poster,


atbp. na may layuning maglahad ng mensahe o di kaya ay magbenta ng
produkto o serbisyo.

Halimbawa:
TV and Radio Commercial, Ad Posters, Print Ads, Commercial Flyers

d. Larawan/Litrato - larawang likha sa pamamagitan ng potograpiya

e. Oral Histories/ Kasaysayang Pasalita - pagtatala ng pagkaka-alala,


salaysay at interpretasyon ng isang tao na nabuhay sa nakaraan at/o
nakasaksi sa isang pangyayari, gamit ang pagrerecord o pagsulat.

f. Artifacts - produkto ng sining, kasanayan at pamumuhay ng mga sinaunang


tao

g. Literatura - produkto ng sinig, kasanayan, at pamumuhay ng mga sinaunag


tao.

h. Historical Sites/ Houses/Shrines - mga lugar o istruktura na may


makasaysayang kahalagahan o pangyayaring naganap, o di kaya ay naitayo
bilang pagkilala sa isang tao o pangyayari.

i. Digital - mga tala mula sa internet o mga kagamitang digital.

Halimbawa:
Facebook account, Twitter, E-mail, Text Messages, Online site, Online Page

j. Quantitative Data/Statistics - pananaliksik na nagpapakita ng mga


quantitative na datos; madalas naka-table o di kaya ay grapiko.

Halimbawa:
Census, Surveys, Stastical Reports, pictographs

2. Sekondaryang Batis - tumutukoy ito sa mga salaysay ng mga hindi tuwirang


nakasaksi.
- Karaniwang nakabatay ito sa mga Primaryang batis ng
kasaysayan.
GNED 04 – MRS. VICENTE 7AM-10AM

- Nagpoprodyus sa matagal na panahon pagkatapos ng


pangyayari.

Halimbawa:
History textbooks
Biographies
Published Stories
Movies of Historical Events
Music Recordings
Thesis
Sabi-sabi

Kasanayan na Malilinang sa Pag-aaral ng Kasaysayan

 Kakayahang malaman ang mga katangian ng mga leader, pinuno o pangulo ng


ating bansa.
 Maging ang mga pag-angat at pagkatangal nila sa kanilang posisyon.
 Pagsasapuso at paggalang sa mga simbulo, adhikain, batas, alituntunin at
pamunuan ng bansa.
 Pagtataguyod sa pambansang pagkakaisa, pag-unlad at pagkakaroon ng
kapayapaan.
 Pagsasabuhay ng karapatan at responsibilidad ng bawat isa ayon sa Saligang-
Batas at adhikaing demokrasya.
 Paglinang at wasting pagpapahalaga sa yamang likas at yamang tao ng ating
bayan.

Kahalagan ng Kasaysayan
 Aralin ang takbo ng Lipunan
 Intindihin ang Pagbabago
 Pag-reserba ng mga Kwento
 Isisiwalat sa atin ang mga Babala
GNED 04 – MRS. VICENTE 7AM-10AM

MODULE 2
Ang mga Pangulo ng Pilipinas

EMILIO AGUINALDO
 Unang Pangulo
 Emilio Aguinaldo y Famy
 Pangulo ng Unang Republika
 Naging pangulo ng bansa noong Enero 23, 1899 hanggang Abril 1, 1901. Isang
tanyag na heneral na nagsusulong ng kasarinlan ng bansa at namuno ng
maraming pag-aalsa laban sa España kasama ang nabigong rebolusyon noong
1896.

MANUEL L. QUEZON
 Ikalawang Pangulo
 Manuel Luis Quezon y Molina
 Unang Presidente ng Commonwealth
 Naging ikalawang Pangulo ng Piipinas noong Nobyembre 15, 1935 hanggang
Agosto 1, 1944. Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng
Tayabas noong Agosto 19, 1878. Kapwa mga guro ang kaniyang mga magulang
na sina Lucio Quezon at Ma. Dolores Molina. Nakiisa siya sa pakikibaka laban sa
kastila noong siya ay binata pa.

JOSE P. LAUREL
 Ikatlong Pangulo
 Jose Paciano Laurel y Garcia
 Pangulo ng Ikalawang Republika
 Naging pangulo ng bansa noong Oktubre 14, 1943 hanggang Agosto 17, 1945.
Siya ay naging pangulo matapos italaga ng Hapones sa ilalim ng kanilang
pananakop. Matapos ang digmaan, siya ay nahalal na Senador ng Ikatlong
Republika.

SERGIO OSMEÑA
 Ikaapat na Pangulo
 Sergio Osmeña y Suico
 Ikalawang Pangulo ng Commonwealth
 Naging pangulo noong Agosto 1, 1944 hanggang Mayo 28, 1946. Bago naging
pangulo, siya ay nahirang na bise-preisdente noong 1935. Kasama siya nang
bumalik si Heneral MacArthur sa Pilipinas at nagsumikap na muling maibangon
ang bansa sa pinsala ng digmaang nagdaan.

MANUEL ROXAS
 Ikalimang Pangulo
 Manuel Acuña Roxas
 Ikatlong Pangulo ng Commonwealth
 Unang Pangulo ng Ikatlong Republika
GNED 04 – MRS. VICENTE 7AM-10AM

 Naging pangulo ng Republika noong Mayo 28, 1946. Nagtapos siya ng abogasya
sa UP at naging 1st Bar Exam topnotcher siya noong 1912.

ELPIDIO QUIRINO
 Ikaanim na Pangulo
 Elpidio Rivera Quirino
 Ikalawang Pangulo ng Ikatlong Republika
 Naging Pangulo ng Republika mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30,
1953. Pagkatapos ng digmaan, siya ay nahalalal bilang bise-presidente noong
1946 at nahirang na kaplit ng Pangulong Roxas matapos itong pumanaw noong
1948.

RAMON MAGSAYSAY
 Ikapitong Presidente
 Ramon del Fierro Magsaysay
 Ikatlong Pangulo ng Ikatlong Republika
 Naging pangulo ng bansa mula Disyembre 30, 1953 hanggang Marso 17, 1957.
Hinirang na “Tagapagligtas ng Demokrasya” sapagkat pinigilan nya ang
paghihimagsik ng Huk. Nagpamahagi rin siya ng mga lupain sa mga magsasaka.
Siya ay pumanaw nang bumagsak ang kanyang eroplano sa Cebu noong Marso
17, 1957 sa edad n 49.

CARLOS P. GARCIA
 Ikawalong Pangulo
 Carlos Polistico Garcia
 Ikaapat na Pangulo ng Ikatlong Republika
 Naging pangulo mula Marso 18, 1957 hanggang Disyembre 30, 1961. Humalili
kay Pangulong Magsaysay matapos itong masawi. Siya ang nagpasimula ng
katagang “Pilipino Muna” bilang simbolo ng pagiging makabayan.

DIOSDADO MACAPAGAL
 Ikasiyam na Pangulo
 Diosdado Pangan Macapagal
 Ikalimang Pangulo ng Ikatlong Republika
 Naging pangulo mula Disyembre 30, 1961 hanggang Disyembre 30, 1955. Kilala
bilang “poor boy from Lubao” dahil siya ay lumaki sa kahirapan. Siya ay naging
tanyag dahil sa paglulunsad ng Kodigong Pangrepormang Panlupang
Pansakahan.

FERDINAND MARCOS
 Ikasampung Pangulo
 Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos
 Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika
 Unang Pangulo ng Ikaapat na Republika
 Naging pangulo mula Disyembre 30, 1955 hanggang Pebrero 25, 1986. Marami
siyang naipagawang mga importanteng imprastaktura sa kaniyang termino.
GNED 04 – MRS. VICENTE 7AM-10AM

Noong Setyembre 21, 1972, siya ay nagpatupad ng Batas Militar sa bansa dahil
sa kaguluhan tulad ng pangbobomba sa Plaza Miranda at paninira sa ilang
pribado at pampublikong ari-arian. Pinakulong niya ang mga bumabatikos sa
kaniyang pamamahala kasama na ang mahigpit na karibal sa pulitika na si
Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

CORAZON AQUINO
 Ikalabing- isang Pangulo
 Maria Corazon Cojuangco-Aquino
 Ikalawang Pangulo ng Ikaapat na Republika
 Unang Pangulo sa Ikalimang Republika
 Kauna-unahang babaeng presidente ng bansa mula Pebrero 25, 1986 hanggang
Maro 25, 1986. Tinaguriang “Ina ng Demokrasya” dahil sa panunumbalik ng
demokrasya sa bansa. Siya ay naluklok sa pamamagitan ng mapayapang
“People Power Revolution”.

FIDEL V. RAMOS
 Ikalabindalawang Pangulo
 Fidel Valdez Ramos
 Ikalawang Pangulo ng Ikalimang Republika
 Naging pangulo noong Hunyo 30, 1992 hanggang Hunyo 30, 1998. Sa ilalim ng
kaniyang panunungkulan, nagtamasa ng paglago ang ekonomiya dahil sa mga
repormang ipinatupad at napabuti ang imahe ng Pilipinas sa intensynal na
larangan. Subalit hindi rin nagtagal ang pag-unlad matapos na maksama ang
bansa sa pagbulusok matapos na madamay sa “krisis pinansiyal” ng mga karatig
bansa sa Timog Silangang Asya noong 1997.

JOSEPH EJERCITO ESTRADA


 Ikalabintatlong Pangulo
 Joseph Ejercito Estrada
 Ikatlong Pangulo ng Ikalimang Republika
 Naging pangulo ng Pilipinas mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001.
Kilala din siya sa tawag na “Erap”, isang popular na aktor at pulitiko. Nagsimula
ang kaniyang karera sa pulitika nilang alkalde ng San Juan sa Kalahang Maynia.
Noong Enero 2001, iniwan niya ang pwesto ng pagkapangulo ng bansa dahil sa
mga alegasyon ng korapsiyon.

GLORIA MACAPAGAL ARROYO


 Ikalabing-apat na Pangulo
 Maria Gloria Macapagal-Arroyo
 Ikaapat na Pangulo ng Ikalimang Republika
 Naging pangulo ng Pilipinas mula Enero 201, 2001 hanggang Hunyo 30, 2010.
Siya at anak ni Diosdado Macapagal. Isang propesor ng ekonomiks at
nanilbihan sa pamahalaan noong 1987 bilang pangalawang kalihim ng
Kagawaran ng Kalakalan at Industirya nang italaga siya ni Pangulong Corazon
Aquino. Siya ay naging senador (1992-1998) at pagkatapos ay naging
GNED 04 – MRS. VICENTE 7AM-10AM

Pangalawang Pangulo ng bansa. Naging pangulo siya ng bansa matapos na


iwanan ni Presidente Estrada ang puwesto noong 2001.

BENIGNO C. AQUINO III


 Ikalabinlimang Pangulo
 Benigno Simeon Cojuangco Aquino III
 Ikalimang Pangulo ng Ikalimang Republika
 Siya ay kilala sa tawag na “P-Noy” o Pangulong Noynoy. Nahalal noong Hunyo
30, 201. siya ay ang nag-iisang anak ng lalaki nina Senador Benigno Aquino Jr.
at Pangulong Corazon Aquino.

RODRIGO “DIGONG” ROA DUTERTE


 Rodrigo R. Duterte
 Ikaanim na Pangulo ng Ikalimang Republika
 Siya ay nahalal noong June 30, 2016 hanggang ngayon. Siya ay kilala din sa
“Anti-Drug Campaign”.

You might also like