You are on page 1of 10

PAGKATAONG PILIPINO: ISANG TEORYA SA LALIM NG BANGA

Bomen Guillermo KAL, DFPP UP-Diliman

Sa isang maikling walong pahinang sanaysay na pinamagatang "Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino" at sa pamamagitan ng isang diagram ay sinikap ipaliwanag sa madla ng antropologong si Prop. Prospero Covar ang kanyang iskema ng "Istruktura ng Pagkataong Pilipino." Ang binuo niyang diagram ang masasabing pinakamadali at pinakasimpleng representasyon ng teoryang ito. (Tgn. Diagram 1.) Makikita rito ang tatlong konsentrikong bilog. Sa pinakanakapaloob na bilog ay may hugis ng "yin at yang" na humihiwalay sa dalawang salitang "kaluluwa" at "budhi." Sa susunod na dalawang bilog na konsentriko ay makakakita ng mga katawagan ng bahagi ng katawan na nakahanay na magkakatambal. Binansagan sa diagram ang pinakanakapaloob na bilog bilang "lalim," ang sumusunod bilang "loob" at ang huli bilang "labas." Payak ang diagram pero tila may nais ipaliwanag na malalim hinggil sa hugis at anyo ng tinatawag na "pagkataong Pilipino." I. Saan nanggaling ang metapora ng "banga"? Ano kaya ang istatus ng banga bilang isang metapora ng "pagkataong Pilipino"? Bahagi ba talaga ang "banga" ng tinutukoy ni Covar na diskurso o wika na sinasalita ng mga Pilipino o ng kahit ilang Pilipino lamang hinggil sa "pagkataong Pilipino"? Matutuklasan ba ito sa mga pahayag ng mga Pilipino sa paglalarawan ng kanilang "pagkatao"? Ibig sabihin ay konseptong emiko ba ito? Kung bahagi talaga ito ng diskurso ng pagkataong Pilipino, ano ang mga patunay na makikita ito sa pang-araw-araw na diskurso ng pagkatao? Hindi inilinaw ni Covar ang usaping ito sa kanyang mga pagpapaliwanag. Minsa'y inaamin ni Covar ang artipisyalidad ng kanyang metapora bilang personal na pagpapakahulugan hinggil sa pagkataong Pilipino pero mas madalas naman ay tila ipinalalabas niya ang impresyon na ganito talaga ang pagtingin ng mga Pilipino mismo hinggil sa kanilang sariling pagkatao. Sa kabila ng pagpapahalaga niya sa wika bilang batis ng kaalaman hinggil sa pagkatao ay wala siya ni isang patunay na inihaharap maliban sa kanyang sariling mga asersyon na ganito o ganito nga dapat ang pagtingin ng mga Pilipino hinggil sa kanilang pagkatao. Tumatalon siya mula sa pagtingin at pagmumuni-muni hinggil sa sa bangang Manunggul tungo sa malalim na obserbasyon na ganito nga rin ang tao, "parang banga." Pansinin ang mga pahayag ni Covar:
a) PAHAYAG "Itinatakda ng lekturang ito ang katawan ng tao bilang isang banga: may labas, loob at ilalim; at pinagagalaw ng tambalan ng budhi at kaluluwa." (16) "Sa matagal kong pag-aaral ng pagkataong Pilipino, napasok ko ang metaphor at ginamit ko yong konsepto ng banga, kasi ang katawan ng tao ay parang banga sisidlan, vessel. Sa spirit possession, parang napapasok yong vessel, yong katawan ng tao. Banga nga." (57) KOMENTARYO Dito makikita na sa lektura mismo itinatakda ang pagiging banga ng tao na nagtataglay ng mga katangiang mala-banga tulad ng "loob," "labas" at "lalim." Mapapansin muli rito ang pag-amin ni Covar na ang banga ay isang metaporang siya mismo ang "nagpasok" sa diskurso ng pagkataong Pilipino pero tila nababawi ang pag-amin na ito ng biglang panggigiit na parang katotohanang mula sa langit na "banga nga" talaga ang tao. Sabihin man na "matagal" nang pinag-aaralan ni Covar ang pagkataong Pilipino, hindi maituturing ang "tagal" ng pananaliksik o pagmumuni-muni

b)

c)

d)

"Ang katawan ng tao ay parang isang banga. Ang banga ay may labas, loob at ilalim. Gayundin naman ang kaluluwa ng tao. Sisidlan na banga. Ang laman nito ay kaluluwa. Sa ilalim tumatahan ang kaluluwa, kaniig ang budhi." (9) "The Filipino views the katawan as a vessel not unlike the Manunggul jar. The Filipino katawan has a labas (externality), loob (internality), and lalim (depth). The lalim is where the kaluluwa resides." (23)

bilang isang patunay ng katotohanan ng alinmang teorya. Hindi iyan matatanggap sa alinmang siyentipikong larangan bilang patunay o pandagdag sa patunay. Higit na niyutral ito pero malinaw na may metaporikal na paghahambing na ipinahihiwatig ng pariralang "parang isang banga."

Dito sa bersyong Ingles ay walang pangingimi at tuwirang sinasabi na ganito talaga ang pagtingin ng Pilipino sa kanyang katawan. Pero nasaan pa rin ang patunay?

Hindi binabanggit ni Covar kung saan sa tinatawag niyang "kaalamang bayang dalumat" niya nahalaw ang sentral na bahaging ito ng kanyang pormulasyon ng teorya hinggil sa "pagkataong Pilipino." Sinabi lamang niyang "natalos" niya na ang "ang paglalarawan ng pagkataong Pilipino bilang banga na may labas at loob ay nagsimula sa Niyolotikong Panahon" kung kailan maaaring nililok ang bangang Manunggul. (13) Samakatwid ay nalaman niya na itinuturing ng Pilipino ang kanyang katawan bilang banga sa pamamagitan ng paglilimi-limi sa hugis ng bangang Manunggul sa loob ng museo. Mula sa ganitong kadahupan ng tuwirang pagpapatunay ay dapat pansinin ang suliranin ng paglipat mula sa diumanong deskriptibong paglalawaran ng pagkataong Pilipino sa pamamagitan ng banga (na hindi pa nga nabibigyan ng sapat na patunay at dokumentasyon) tungo sa implisitong normatibong prinsipyo na dapat naniniwala ang bawat tunay na Pilipino dito na maibubuod sa pangungusap ni Covar na, "The Filipino views the katawan as a vessel not unlike the Manunggul jar." (23) II. Ano kaya ang ibig sabihin ng "lalim" ng "banga"? Tila lumilikha ng malaking kalituhan at kalabuan ang palagay ni Covar na ang kaluluwa ay nasa "lalim" ng banga na nasa sipi (d) sa itaas. Maaaring tumingin muna sa ilang halimbawa upang maging malinaw ang kasalukuyang puntong ipinagdidiinan. Kapag ginamit ang isang bagay X bilang metapora para sa isang bagay Y. Nangangahulugan ito na bagamat maaaring walang tuwirang ugnayan ang X at Y ay nakakatanggap ang Y ng mga katangian ng X. Hal., "kasinglalim niya ang dagat." Dito ay nagkakaroon din ng lalim ang tao na may konotasyon na di siya madaling maarok, hindi madaling maunawaan. Ang kanyang lalim ay isang isang sukat na di masukat. Mula rito ay maaaring tingnan kung paano ginamit ang "banga" bilang metapora ng "pagkataong Pilipino." Bahagi ng depinisyon mismo ng "lalagyan" na ito ay may loob at labas. Kapag tinanong kung nasaan ang bola ay pwedeng sagutin na "nasa labas ng lalagyan ang bola " o pwede ring "nasa loob ng lalagyan ang bola." Kapag isinaalang-alang naman na ang isang silindrikal na lalagyan ay may partikular na lalim at diametro ay maaaring tanungin ang sukat ng lalim at/o ng diametro upang malaman ang bolyum o makapagkalkula ng iba pang importanteng impormasyon. Ang sagot sa tanong na "ano ang sukat ng lalim at diametro?" ay mabibigyang tugon sa pamamagitan ng pagbibigkas ng mga partikular na numerikal na sukat. Malaking kalituhan ang ibubunga kapag ang tanong na "nasaan ang bola?" ay sinagot ng nasa "lalim" o "diametro." Halimbawa ito ng tinatawag na "category mistake" kung saan inihahanay ang isang konsepto sa isang kategoryang hindi rito naaangkop (Ryle 1963). Isang halimbawa ng

pagkakamaling pangkategorya ang pangungusap ni Covar na "The lalim is where the kaluluwa resides" (23). na inilarawan niya sa kanyang diagram para sa istruktura ng pagkataong Pilipino. Masasabing ang serye ng mga salitang "haba," "lapad" at "taas" ay seryeng lohikal dahil binubuo ng mga konsepto na ang lahat ay tumutukoy sa sukat. Ngunit ang seryeng "loob," "labas," at "lalim" ay seryeng hindi lohikal sapagkat ang unang dalawang pang-abay (o adverb) ay tumutukoy sa lokasyon at pangsagot sa tanong na "nasaan" habang ang ikatlo namang pangngalan ay tumutukoy sa sukat. Ang problema yata ay dahil naisip na may lokasyong panlabas o panloob ang serye ng mga bahagi ng katawang binabanggit sa diagram ng "pagkataong Pilipino" ay naisip na kailangan ding magtakda ng "lokasyon" para sa kaluluwa. At ang lokasyon daw na ito ay hindi ang labas at hindi rin ang loob kundi ang "lalim." Pero walang bagay na maaaring lumagi sa isang sukat. (Tgn. Diagram 2.) Kasing absurdo ito ng pangungusap na ang isang barko ay may "loob," "labas" at "haba," kung saan ang dagat ay nasa labas, ang mga pasahero ay nasa loob at ang kapitan ay nasa haba. Ang "lalim" sa metapora ni Covar ay hindi ang "sukat na hindi masukat" tulad ng makikita sa linyang "singlalim siya ng dagat" kundi isang "pook na di maipook" na wala sa loob at wala rin sa labas. Ang banga ay mayroong "lalim" sa pakahulugan ng sukat pero walang "lalim sa" pakahulugan ng lugar o puwesto. Kaya hindi masasabing ang tao ay maitutulad sa banga na may "lalim" bilang lugar dahil wala talagang ganitong banga. Sa pagitan ng "lalim ng banga" at ng "lalim ng pagkatao" ni Covar ay may nangyaring misteryosong kumbersyon ng pakahulugan ng "lalim" mula sa sukat patungong pook. Pero wala naman talagang problema kung may magsulat ng tulang may linyang "ang aking pag-ibig ay nagtatago sa lapad ng banga." Ang tanong lamang ay kung magandang tula ang kalalabasan. Ang mahalaga rin sa kaso ng linyang "nasa lalim ang kaluluwa" ay kung lalong naliliwanagan ang mambabasa sa katangian ng "pagkataong Pilipino" sa pamamagitan nito o hindi. III. Ano ang batayan ng pagpili ng mga bahagi ng katawan na nakapaloob sa iskema ng "pagkataong Pilipino"? Dagdag pang puna sa iskema ang hindi kumprehensibong pananaliksik na naging batayan ng kagyat na pagpili ng walong bahagi ng katawan na nakaugnay daw sa konsepto ng pagkataong Pilipino. Hindi napatunayan ni Covar na ang mga ito lamang ang mga bahagi ng katawang tampok at mahalaga sa paglalarawan ng pagkatao sa diskursong pinag-aaralan dahil hindi niya ipinakita Covar ang proseso ng pagpili at ang mga pamantayang kanyang ginamit. Bakit halimbawa hindi ipinapalagay na nakaugnay sa paglalarawan ng pagkatao ang mga ari ng lalaki at babae o ang kanilang mga puwet? Hindi ba may kasabihang "may balat sa puwet"? Wala bang kinalaman sa pagkataong Pilipino ang kasarian at sekswalidad? Niyutral ba ang kasarian ng mukha, ng tiyan o ng sikmura? Inaamin ni Covar (58) na merong bahagi ang kasarian sa pagkatao pero nakapagtatakang hindi na niya ito isinama sa kanyang diagram. Kung walang kasarian ang "pagkataong ito" ay mukhang wala rin itong uri. Wala ba talagang kinalaman sa kapangyarihan, pagsasamantala, pambubusabos at pang-aapi sa mga konkretong panlipunang konteksto ang diskursong moral ng pagkatao? Sabihin mang nais i-abstrakto ni Covar ang mga usapin ng kasarian, kapangyarihan at kahirapan sa kanyang iskema ay maaaring pagdudahan kung ganoon talaga kadaling maibubukod ang isang diskursong pundamental na etikal at moral tulad ng usapin ng pagkatao sa kaligirang panlipunang kinababaran nito. Dapat niyang tingnan ang mga malalalim na akda nina Lazaro Francisco at Amado V. Hernandez para malinawan hinggil dito. Ang pagsisimula ni Covar sa abstrakto at pananatili sa abstraktong antas ang sanhi ng hindi niya pagbibigay ng pagkilala sa salimuot at kompleksidad ng wika sa tunay na konteksto ng pag-iral nito sa loob ng lipunan at kasaysayan. Hindi kumprehensibo at malaki ang naging kakulangan sa dokumentasyon sa pananaliksik hinggil sa iba't ibang gamit ng mga kasabihan at pariralang nakakabit sa mga naturang bahagi ng katawan. Sa kabuuan ay tatlumpu't pitong (37) piraso lamang ng datos ang iniharap niya upang

patunayan ang kabuluhan ng walong salitang napili niya (ibig sabihin may average na 4.6 na halimbawa para sa bawat isa) para sa dambuhalang proyekto ng pananaliksik hinggil sa "pagkataong Pilipino" na sumasaklaw sa ngayon sa mahigit walumpung milyong tao. Hindi niya binabanggit ang mga batis na tuwiran o di-tuwiran na pinagbabatayan ng kanyang mga konklusyon. Hindi binabanggit ang lugar at panlipunang konteksto na pinagkunan at ang panahon ng pagkagamit kaya't imposibleng malaman ang saklaw at kasaysayan ng paggamit ng mga naturang konsepto. Hindi talaga sapat ang sabihin lamang na galing ito lahat sa "kaalamang bayang dalumat." Sinong siyentista ang makakabalik sa naturang napakalawak na "kaalamang bayang dalumat" para maberipika ang sinasabi ni Covar? (Tgn. Talahanayan 1.) Kung may istruktura mang nabuo si Covar, hindi wastong tawagin itong istruktura ng "pagkataong Pilipino" sapagkat ang lahat ng mga halimbawang nahihinggil sa mga bahagi ng katawan ay galing lamang sa wikang Tagalog. Kulang na kulang sa batayang pananaliksik at labis ang pagkiling sa Tagalog bilang pribilehiyadong batis ng kaalamang pangkultura. Sa katunaya'y inaamin mismo ni Covar na hindi niya nalalaman ang pagkakatumbas ng mga konseptong ito sa iba't ibang wika ng Pilipinas. (63) Hilaw pa talaga ang datos para masabing may krosetnolinggwistikong kabuluhan ang ganitong iskema. IV. Paano ginamit ang tinaguriang "tambalang lapit" sa pagtatambal ng mga bahagi ng katawan? Ayon kay Covar, Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino: kung may labas, may loob; kung may kaluluwa, may budhi. Kaipala nahahayag sa mahahalagang bahagi ng ating katawan ang labas, loob at lalim... (11) Dagdag pa, The Filipino has a complex personhood (pagkatao) associated with body parts contrasted in binary opposition, namely: (1) panlabas and (2) panloob. (23) Isang napakahalagang paraan sa semantikong analisis ang pagsasaayos ng mga kataga sa mga serye ng dalawahang elementong magkakasalungat o magkakabaligtad. Halimbawa ng ganitong mga oposisyong tambalan o binaryo ang sumusunod:
oo liwanag kanan loob hindi dilim kaliwa labas

Mapapansin sa mga binaryong oposisyong ito na hindi maaaring umiral ang isa na wala ang isa. Nakasalalay ang pakahulugan ng dalawang kataga sa isang binaryong oposisyon sa isa't isa. Hindi maipapaliwanag ang liwanag kung wala ang dilim. Hindi maipapaliwanag ang kanan kung walang kaliwa. Hindi rin maipapaliwanag ang loob kung wala ang labas. Sa pamamagitan ng ganitong mga tambalan ay maaaring gumawa pa ng karagdagang hakbang ng pagpapailalim o paghahanay ng mga elemento sa ilalim ng magkasalungat na konsepto. Halimbawa kung ang "liwanag" ay may pangkulturang konotasyon ng "kalayaan" at ang dilim ay may konotasyon ng kawalan ng "kalayaan" ay maaaring tingnan ang kasaysayan ng Pilipinas bilang serye ng pagkakasunod ng mga panahon ng "liwanag" at "dilim" kung saan ang "dilim" ay ang panahon ng kolonyalismo at ang liwanag ay ang panahong malaya sa mga

mananakop. Kung ang konotasyon naman ng "liwanag" ay ang pagdating ng Kristiyanismo tulad ng makikita sa matandang tulang "May Bagyo ma't may Rilim" ay biglang magbabaligtad ang mga pagpapahalaga at ang "liwanag" ay tutukoy na sa pagdating ng mga mananakop at ang "dilim" sa buong panahong binansagang "prekolonyal." Nakadepende ang paghahanay sa ilalim ng "liwanag" at "dilim" doon sa parametrong ginagamit na batayan ng paghahanay ng mga panahon. Kung lilipat naman sa tambalan ng "loob" at "labas," maraming makikitang parametro ng paghahanay ng "pagkaloob" at "pagkalabas." Maaaring ang konotasyon ng "loob" ay "masikip" at "kulob" habang ang "labas" ay "maluwag" at "maaliwalas." Kaya maaaring sabihin na "huwag ka palaging nasa loob, lumabas ka naman at magpa-araw." Maaari ring ang konotasyon ng "loob" ay "isip" habang ang "labas" ay "salita." Kaya maaaring sabihin na "huwag mong ikulong sa iyong loob, ilabas mo na." Sa kabila ng pagbabansag niya sa kanyang pamamaraan bilang "tambalang lapit" o paghahanap ng mga "binaryong oposisyon," hindi malinaw ang batayan ng klasipikasyon sa ilalim ng mga kategoryang "loob" at "labas" ng mga termino ng bahagi ng katawan at kung bakit simetrikal at tig-aapat na elemento ang nilalaman ng dalawang kategorya. Hindi rin binabanggit ni Covar kung ano ang partikular na katangiang parehong tinataglay ng apat na bahagi ng katawang panlabas at ng apat na bahaging panloob na maaaring maging batayan ng kanilang klasipikasyon. Hindi man lang inilinaw na "ganito" ang katangiang taglay ng lahat ng mga panloob sa isang banda, at sa kanilang banda, "ganito" naman ang katangian ng lahat ng mga panlabas. May kinalaman ba sa "emosyon" o "isipan" ang "loob"? May kinalaman ba sa "aksyon" at "ekspresyon" ang labas? Hindi ito inilinaw ni Covar. Kulang talaga sa konseptwal na pagsisinsin na kinakailangan sa analisis ng mga binaryong oposisyon at napakamatetaporikal at impormal ng argumento. Kung panloob ang turing sa "atay," bakit panloob? Ano ang katangian ng atay kung kaya't maituturing itong panloob? Sirkular ang argumentong panloob ito dahil may kinalaman sa "loob." At kung panloob ang "atay" at "puso," ano naman ang pagkakatulad nila? Kung ayon kay Covar "ang panlabas ay pangmukha" (58), ano ang "pagkamukha" ng "sikmura"? Ano ba at nasaan ba ang "sikmura"? Hindi rin kaya masasabi na may dimensyong panloob at panlabas ang mga katawagan para sa mga bahagi ng katawang inilista niya? Kumbaga may panloob na bahagi ng "isipang" inililihim at may panlabas naman na bahagi ng "isipang" inihahayag? Sa ngayon ay hindi talaga malinaw ang prinsipyong gumagabay sa paghahanay ng mga konsepto batay sa mga kategoryang "panlabas" at "panloob." Malabo rin ang batayan ng pagkakapares o pagtatambal ng bawat elementong nakapailalim sa "loob" at "labas" sa isa't isa. Maaaring tumingin muna sa isang halimbawa para lalong luminaw ang usapin. Sa talahanayan sa ibaba, maaaring ihanay ang mga letra sa ilalim ng mga kategoryang "malaking letra" at "maliit na letra":
Malaking Letra A B C D E Maliit na Letra v w x y z

Makikita rito na magagamit ang binaryong oposiyon sa pagitan ng "malaki" at "maliit" na letra upang maiklasipika ang limang malaking letra sa kaliwa at limang maliit na letra sa kanan. Malinaw na isa itong konseptwal na dikotomiyang may katangiang maramihan-sa-maramihan. Ang tanong ngayon ay kung may iba pang binaryong oposisyong isahan na mabubuo sa pagitan ng mga elementong nakapailalim sa masaklaw na binaryong oposiyon ng "maliit" at "malaking" letra. Halimbawa, maaaring makita sa talahanayan sa ibaba ang isang posibleng pagsaayos kung saan maliban sa pababa na prinsipyo ng kategorisasyon na "malaki" at "maliit" na letra ay may iba pang katangian na umuugnay sa bawat pahalang na elemento sa isa't isa. Maaaring itambal ang "maliit na letrang a" sa "malaking letrang A" atbp.:

Malaking Letra A B C D E

Maliit na Letra a b c d e

Gayumpaman, kung walang kagyat na makitang sistema ng pag-uugnay ng bawat elemento sa isa't isa tulad ng makikita sa naunang talahanayan ay makikitang mahirap o imposibleng makabuo ng binaryong oposisyon para sa bawat elemento lalo na kung hindi magkapareho o di simetrikal ang kanilang bilang para sa bawat hanay na siyang madalas matuklasan sa mga tunay na penomenong makikita sa lipunan o kalikasan. Sa kaso ng iskema ng "pagkataong Pilipino," malinaw ang pagiging binaryong oposisyon ng "loob" at "labas" pero hindi gaanong malinaw at hindi inilinaw ang binaryong oposisyon lalo ng mga tambalang puso-dibdib, tiyan-bituka, sikmura-atay. Napakahalaga ng ganitong paglilinaw dahil may 576 na posibleng arbitraryong kumbinasyon at pagkakasunod-sunod na maaari kahit sa tig-apat na elemento lamang sa dalawang hanay. Tila sinasakyan ng mga tambalang ito ang pambungad na tambalang pang-sentido-kumon ng "mukha" at "isip" kahit pa hindi talaga masasabing bahagi ng katawan ang "isip" kundi "utak." Sa pamamagitan ng pagdulas mula "utak" patungong "isip" at pagpapalit-palit ng mga ito ay lumilikha si Covar ng ilusyon ng lohikal na oposisyon sa pagitan ng dalawang bahagi ng katawan na naipapasa naman sa sumusunod pang mga tambalan. Pero ano ba talaga ang batayan ng konseptwal na oposisyon ng mga ito sa isa't isa? Kung ang kaliwa ay nauunawaan lamang kung may kanan, ganito rin ba ang relasyon ng atay sa sikmura? Walang pagpapaliwanag si Covar. Hinahayaan ang mambabasang gumawa ng sariling pagmumuni-muni sapagkat sa katunaya'y nakasalalay ito sa salamangka at hindi sa katwiran. Tila ang tanging batayan ng pagbubuo ng mga tambalang dalumat ay nakaayon lamang sa proksimidad ng mga bahagi ng katawan sa isa't isa. Sa gayon, ang pamantayan ng pagtatambalan ay nakabatay sa "panlabas" na pamantayan. May lumilitaw ditong kontradiksyon sa pangyayaring ang binaristikong pagkategorya ng mga bahagi ng katawan ay batay sa metaporikal at konseptwal na kaugnayan ng mga ito sa panloob o panlabas na bahagi ng pagkatao, habang ang pagbubuo ng mga ispesipikong tambalan o pagpapares ng mga elemento ay nakabatay lamang sa pisikal at literal na proksimidad ng mga organo sa isa't isa mula sa itaas pababa. Sa gayon ang mga ispesikong tambalang binuo ni Covar ng mga bahagi ng katawan ay hindi nakabatay sa kanilang konseptwal na oposisyon sa metaporikal na antas kundi sa simpleng pagkakatapat nila sa pisikal na katawan. Hindi maituturing ang ganitong uri ng tambalan bilang binaryong oposisyon. Imbes na tambalang lapit ito'y matatawag na "tabihang lapit." Ibig sabihin, hindi nakasalalay sa konseptwal na tambalan kundi sa pisikal na pagkakatapat. Tama si Covar na, "Ang pag-uugnay ng iba't ibang konsepto ay isang pagtatangka na makabuo ng isang sistema o teorya tungkol sa pagkataong Pilipino." (10) Ang kailangan lang talaga ay maipakita sa isang malinaw at hayag na paraan kung paano isinasagawa ang paguugnay-ugnay na ito ng mga konsepto. Kailangang maipaliwanag ang mga batayan ng teorya para sa lahat at hindi isinasalalay sa anumang partikular na talento ng mambabasa o sa kung ano mang lihim na kaalaman. Sa kasalukuyang anyo nito'y tila hindi masinsin at maingat ang paggamit o paglalapat ng tinatawag na "tambalang lapit" sa teorya ng "pagkataong Pilipino." Pagbubuod at Ilang Mungkahi Maaaring balikan muli ang pangungusap ni Covar na, "The Filipino views the katawan as a vessel not unlike the Manunggul jar." (23) Maihahalintulad ito sa sumusunod pang mga pangungusap mula rin kay Covar:

a) "Even now, the Filipino believes in the existence of a spirit or kaluluwa." (23) b) "No Filipino would claim that he/she does not have a kaluluwa." (23) c) "Ang lahat ng Pilipino'y naniniwala sa spirit possession." (57) Mabubuo ang sumusunod na mga pangungusap mula sa tatlong asersyong ito: a) "Ang lahat ng totoong Pilipino sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ay naniniwala sa pag-iral ng kaluluwa at naniniwala na mayroon siya nito at naniniwala rin na pwede siyang masaniban ng ibang kaluluwa." b) "Hindi totoong Pilipino ang sinumang Pilipino na magsabi na hindi siya naniniwala sa pagiral ng kaluluwa at tumatanggi na mayroon siya nito at hindi naniniwala na maaari siyang masaniban ng ibang kaluluwa." Ang pangunahing usapin kaugnay ng mga asersyong ito kasama na ang lahat ng iba pa tungkol sa "loob," "labas," at lahat ng mga bahagi ng katawan ay kung posible talagang gumawa ng pagpapakahulugang pangkultura tulad nito na umaangkin para sa sarili ng interpretatibong awtoridad na lumikha ng monolohikal na pagpapakahulugan hinggil sa diumanong tunay na "pagkataong Pilipino." Sa pangkalahatan ay hindi malinaw ang mga parametro at hangganan ng mga pagpapakahulugan ni Covar dahil hindi isinasaalang-alang ang kasaysayan ng mga dalumat at ang pagkakaiba-iba at maaaring kontradiktoryong paggamit at pagpapakahulugan ng mga ito. Sa gayo'y umaangkin ito ng unibersal (sa loob ng kultura) at di nagmamaliw na katunayan ang kanyang pagpapakahulugan. Pinagtatakpan ng ganitong lapit ang ideolohikal na mga salik na maaaring humubog sa kanyang mga interpretasyon bilang isang Pilipinong babad din sa isang partikular na yugtong pangkasaysayan at kalagayang panlipunan. Kailangan ding punahin ang isang mapanglahat na obserbasyon ni Covar hinggil naman sa tinatawag niyang mga "Kanluranin" na tila kabaligtad ng mga Pilipino, The Filipino pagkatao, made manifest in myriad situations and circumstances, enables him to relate quite warmly to people. We do not consider people as others. Unlike in the West, the Filipino considers people as kapwa. The way we deal with people is pakikipagkapwa. (24) Hindi talaga lehitimo ni siyentipikong obserbasyon ang dambuhalang binaryong oposisyong ibinabatay sa iskematisasyong ito na ang Pilipino per se ay mapagkapwa habang ang mga binabansagang "Kanluranin" naman, o ang lahat ng mga taong saklaw ng buong dambuhalang larangang tinatawag na "Kanluran," ay hindi mapagkapwa. May pag-aaral na bang nagawa hinggil sa pagka-hindi-mapagkapwa ng lahat-lahat ng Kanluranin sa buong daigdig at sa buong kasaysayan ng kanilang pag-iral? Hindi ba si Kant ang mismong nagsabi na hindi dapat ituring ang kapwa-tao bilang gamit kundi bilang layon mismo? Hindi ba ang pakikipagkapwa (sa ibang wika) masasabi pa ngang pundamental na elemento ng etika at pilosopiyang etikal ng Kanluran? Kapuna-puna ang tendensya ni Covar sa mabilisan at walang pakundangang mapanglahat na konklusyon kahit pa wala o hilaw ang pananaliksik na pinagbabatayan nito. Masasabing may malalaking kahinaan ang teoryang ito sa mga katangian kailangang itinataguyod sa akademiko at siyentipikong konteksto hinggil sa kasapatan ng patunay at ng pagka-lohikal ng argumento. Sinasabi ni Covar na "di-gaya ng syensya na may pretensyong panukat na unibersal, ang gagamitin kong parametro ay kaalamang bayang dalumat." (9) Isinalin pa niya para lalong maunawaan ang "kaalamang bayang dalumat" bilang "folkloric analysis." Hindi man unibersalistang konklusyon ang hinahangad ng naturang "folkloric analysis," hindi pa rin ito nangangahulugang hindi na kailangang umayon ang mga pananaliksik sa ganitong erya sa iilang minimum na pamantayang siyentipiko upang matanggap bilang isang lehitimong disiplinang akademiko. Ibig sabihin, kahit sa ganitong larangan ng pag-aaral ay kinakailangang isaalangalang ang pagtatakda ng mga pamantayan at batayan ng pagpapatunay ng mga asersyon sa loob

ng disiplina. Pumapasok din dito ang usapin ng kasapatan ng mga inihaharap na patunay upang maituring ngang matibay ang batayan ng alinmang teoryang pangkultura. Kung gaano kalawak at kalalim ng teoryang inihaharap ay ganoon din dapat kalawak at kalalim ang pagsisikap na mapatunayan ang mga nilalaman nitong mga asersyon . Mula sa ganitong pananaw at konsiderasyon ay masasabing hindi nakakakumbinse ang diagram ng "istruktura ng pagkataong Pilipino." Makikita rin sa kanyang pagtutumbas ng "pagkataong Pilipino" sa "Pilipinong tao" (9), na eksklusibong pangkultura ang kanyang depinisyon ng "Pilipino," na umiinog lamang talaga sa mga penomenong pangwikang Tagalog. Ang mga kaugalian, kaisipan at kilos na hindi umaayon sa mga nailatag niyang pamantayang pangkulturang Pilipino ay maituturing sa gayon na hindi Pilipino. Salungat dito, masasabing ang kasalukuyang penomeno ng pagka-Pilipino ay masalimuot na pagtatagpo at kumbinasyon ng mga pamantayang teritoryal, pampulitika, pangwika at pangkultura. Maging napakahalaga man ng salik ng pagkakamag-anak ng karamihan ng mga wika at kultura sa Pilipinas (sa kabila ng salimuot ng pagsasanga-sanga at iba't ibang pinagdaanang pangkasaysayang karanasan) at maging napakahalaga man ng Tagalog, hindi binubuo ng mga salik na ito ang masasabing kaisa-isang batayan ng pag-iral ng modernong estadong-bansa na tinaguriang Pilipinas at eksklusibong batayan ng pagtatakda ng pagkamamamayan at ng pagiging kabilang ng bansang ito. Ano sa gayon ang posibleng magawa? Maaari pa ring tunay na pag-aralan ang kasaysayan at panlipunang salimuot ng diskurso ng "pagkatao" at "pagpapakatao" sa kontekstong Pilipino pero hindi ang "pagkataong Pilipino" per se. Maisasama na rin dito halimbawa ang proyekto ng pananaliksik sa kasaysayan ng diskursong pampulitika sa mga mayor na wika sa Pilipinas. Lalalim at lalong yayaman lamang ang ganitong pananaliksik kapag iniugnay ang mga pakahulugan sa tunay na salimuot na ibinubunga ng mga konteksto at panahong pinaggamitan ng mga diskursong ito. Malaki ang maitutulong sa ganitong gawain ng mga modernong lapit sa pagsusuri sa diskurso at ng mga makabagong teknolohiya sa pagpoprosesong tekstwal at panlinggwistika. Kasama sa nabanggit na kontekstong Pilipino hindi lamang ang Tagalog o Filipino kundi ang lahat ng mga mayor o di gaanong mayor na wika sa Pilipinas. Bagamat maaaring magsimula sa Filipino na tutuloy din agad sa iba pang mayor na wika sa Pilipinas. Ibig sabihin hindi tuwirang layunin ng ganitong proyekto ang pagsuporta sa pagpapalagay na may esensyang magkakatulad ang lahat ng pangwika at pangkulturang penomeno sa buong kapuluan tulad ng makikita sa ideya ng "pagkataong Pilipino" kundi nagsisimula sa prinsipyo ng salimuot at pluralidad ng mga penomeno. Sa ganitong paraan, ay masasabing may ginagamit na ganito at ganyang mga dikurso hinggil sa "pagkatao" at "pagpapakatao" sa Pilipinas sa ilang panahon, yugto, konteksto, pamayanan at ng ilang pangkat, uri, kasarian, etnisidad. Pero hindi talaga masasabing may iisang "pagkataong Pilipino" lamang na sumasaklaw sa lahat ng mga tinataguriang tunay at taal na Pilipino sa nakaraan, kasalukuyan at sa hinaharap magpakailanman. Hindi katanggap-tanggap ang mapanglahat at istatikong paglalarawan sa "pagkataong Pilipino." Ang pagka-Pilipino at pagkataong Pilipino, anupaman ang mga ito, ay nililikha araw-araw ng milyon-milyong Pilipino sa iba't ibang lugar, paraan, kalagayan at pamayanan. Hindi kailanman matatakdaan ng mga hangganang ipinapataw ng mga depinisyong artipisyal na iniimbento sa akademya o planado ng represibong estado ang mapanlikha at walang-tigil na gawaing ito ng sambayanan.

Bibliograpiya Covar, Prospero. "Kaalamang Bayang Dalumat ng Pagkataong Pilipino." Sa kanyang Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture. Maynila: NCCA, 1998. mp. 9-19. Covar, Prospero. "Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture. Maynila: NCCA, 1998. Panganiban, Jose Villa. Diksyunaryo-Tesauro Pilipino-Ingles. Lungsod Quezon: Manlapaz Publishing Co., 1972. Ryle, Gilbert. The Concept of Mind. Middlesex, Harmondsworth: Penguin Books, 1963. Santiago, Lilia Quindoza. Sa ngalan ng ina : sandaang taon ng tulang feminista sa Pilipinas, 1889-1989. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1997.

Diagram 1: Ang

Istruktura ng Pagkataong Pilipino (Halaw sa Covar (1998)) Diagram 2: Loob, Labas at Lalim

TALAHANAYAN 1: Mga Batayan ng Tambalan ng mga Bahagi ng Katawan


Paliwanag "Bawat bahagi ng mukha ay may sari-saring kakanyahan: noo, kilay, pilik-mata, mata, ilong, bibig, labi, dila, ngipin, nguso, baba at pisngi. Tingnan natin ang ilang matalinhagang kakanyahan ng bawat isa: Malapad ang noo (matalino), Salubong ang kilay (matapang, galit, mainitin ang ulo), Malagkit ang tingin (may pag-ibig na ipinararating), Nakatutunay na tingin (tinging may tangka), Matangos na ilong (magara, magilas, ilong Kastila), Maduming bibig (masamang magsalita), Ngiping nagngangalit (nanggigigil). Ang nguso ay labing panturo. Hindi taos sa puso ang paggawa ng bagay ng isang taong panguso-nguso. Sa pisngi idinadampi ang halik; sa pisngi ipinaaabot ang mag-asawang sampal. Sa kabuuan, may sarili ring kakanyahan ang mukha, gaya halimbawa ng hayag na mukha na walang itinatago o dili kaya ay walang mukhang ipakita kahiya-hiya. Masasabi natin na ang mukhang Pilipino ay mukhang nangungusap ng sariling pagkatao ayon sa kapahayagan ng iba' t ibang bahagi ng mukha." (12) 9 na halimbawang parirala, hindi tinukoy ang mga batis, hindi tinukoy kung saan nakalap at kailan Panlabas mukha Walang halimbawa ni pagtalakay ng mga katumbas sa ibang mga wika sa Pilipinas. Bk. lawog, lalawgn, Bk. Kpm. Ilk. Png. Sb. Tg. pando; isip; Kpm. Png. lupa; Kpm. pamisisip; Hlg. guy; Hlg. pagpanumdum; Ilk. Hlg. Sb. SL. nawng; panunot; Png. kanonotan; Ilk. rupa, lang Sb. SL. hunahun atbp. atbp. Panloob isipan/utak "Ang pag-aasawa ng mga Pilipino ay tinutukoy na pag-iisang dibdib at hindi pagiisang puso. Marahil ang pag-aasawa ay dapat dibdibin at hindi isang biro. Maliban sa dibdiban, mayroon din tayong ginagamit na maluwag ang dibdib, masikip ang dibdib at mababang dibdib. Ang mababang dibdib ay walang kinalaman sa malaki ang hinaharap. Ang dibdib ay kaugnay ng mga salitang 'damdam; at 'dama'. Ang dibdib ang pandama ng damdamin." (12) Walang paliwanag kung bakit magkatambal ang mukaisipan/utak. (bandang itaas?) dibdib puso Walang halimbawa ni pagtalakay ng mga katumbas sa ibang mga wika sa Pilipinas. Bk. Sb. SL. daghan; Kpm. Bk. Hlg. Sb. SL. Tg. Ilk. sal; Hlg. Sb. dughan; Png. puso; Kpm. pus; Hlg. Png. pagew tagipusuon; Hlg. Sb. SL. atbp. kasng-kasing atbp. Walang paliwanag kung bakit magkatambal ang dibdibpuso. (bandang gitnang-itaas?) tiyan bituka Walang halimbawa ni pagtalakay ng mga katumbas sa ibang mga wika sa Pilipinas. Bk. Hlg. Ilk. Sb. SL. Tg. Bk. Kpm. Ilk. SL. Tg. tiyan; Bk. tulk; Kpm. bituka; Hlg. kasudlan; Hlg. atyn; Ilk. boksit, bituka; Sb. SL. tinai; Ilk. bagis, Png. egs bagbagis; Png. bituk, pait atbp. atbp. Walang paliwanag kung bakit magkatambal ang tiyanbituka. (bandang gitnang-ibaba?) sikmura atay Walang halimbawa ni pagtalakay ng mga katumbas sa ibang mga wika sa Pilipinas. Kpm. Tg. sikmura. Bk. Hlg. Sb. SL. Tg. atay; Bk. tulk, tikab; Bk. Hlg. Sb. katy; Kpm. ate; Ilk. dalem; SL. tungol; Kpm. dungus; Png. alty. Hlg. sulksulk; Ilk. rusok, atbp. bituka; Png. ges, lusok, bituka; Sb. kutkuto; SL. surksurk atbp. Walang paliwanag kung bakit magkatambal ang sikmuraatay. (bandang ibaba?) Bakit tumitigil dito ang tambalan? Paano ang mga mahahalang organo sa "ilalim ng sinturon"? Hindi ba mahalaga ang kasarian sa "pagkataong Pilipino"?

Paliwanag "Nakaugnay sa utak ang isipan. Ang isip ang pinagmumulan ng diwa, kamalayan, ulirat, talino at bait. Sa pag-iisip din nakasalalay ang pag-unawa. Mayroon tayong mga parirala gaya ng mga sumusunod: mataas mag-isip, walang malay, walang bait, walang ulirat, matalino, bukas ang kamalayan atbp. Ang pag-iisip ng tao ay hindi lamang nahahayag sa kanyang intensyon kundi lalong higit sa kanyang pagkilos o gawa. Ang kilos ng isang tao ay masasabi nating pino, magaspang, garapal, magaslaw, makatao, maka-Diyos at makabayan. Ang mga ito ay kapahayagan din ng pagkatao." (12)

6 na halimbawang parirala, hindi tinukoy ang mga batis, hindi tinukoy kung saan nakalap at kailan

"Sa Kanluranin, ang puso ang kaugnay ng buhay. Ang pagtibok ng puso ay tanda ng buhay, hindi tulad natin na ang buhay ay nakaugnay sa pagsanib ng kaluluwa at pagkalagot ng hininga. Di-kaila ang mga pariralang: matabang puso, pusong mapagbigay, malambot ang puso, pusong bato, walang puso, isapuso at mahabaging puso. Ang mga ito ay mga uri ng pagkatao." (12)

7 halimbawang parirala, hindi tinukoy ang mga batis, hindi tinukoy kung saan nakalap at kailan Asersyong hindi pinatunayan: "Ang dibdib ay kaugnay ng mga salitang 'damdam; at 'dama'. Ang dibdib ang pandama ng damdamin." "Ang pariralang 'malaki ang tiyan' ay maaaring mangahulugang: busog, matakaw, may bulate sa tiyan o mapagkamkam. Ang katambal nito na ' maliit o walang tiyan' ay maaaring: gutom, mahirap o kulang sa kain." (12)

7 halimbawang parirala , hindi tinukoy ang mga batis, hindi tinukoy kung saan nakalap at kailan Asersyong hindi pinatunayan: "ang buhay ay nakaugnay sa pagsanib ng kaluluwa at pagkalagot ng hininga." "Ang 'bitukang sala-salabid' naman ay nangangahulugang buhay na punungpuno ng balakid. Ito'y naglalarawan ng kalagayan ng pagkatao." (13)

2 halimbawang parirala, hindi tinukoy ang mga batis, hindi tinukoy kung saan nakalap at kailan Ang mga pariralang nakaugnay sa sikmura ay mga ito: masama, malakas, mahapdi o maasim. Ang sikmurang masama ay nangangahulugang di-mabuting pakiramdam. Ang mahapding sikmura o nangangasim ay nangangahulugang hindi matanggap ang isang bagay. Malakas ang sikmura ng tao kung natatanggap niya ang lahat, lalo na yaong karima-rimarim na bagay o pangyayari. Ang 'hindi ko matake' ay isang expresyon ng mga kabataan na ang ibig sabihin ay hindi matanggap subalit ang kahulugan nito'y mababaw kaysa hindi ko masikmura. Sa kabuuan, ang sikmura ay bahagi ng katawan na ginagamit na pantantiya ng damdamin, pag-iisip, kilos at gawa ng ibang tao." (13)

1 halimbawang parirala, hindi tinukoy ang mga batis, hindi tinukoy kung saan nakalap at kailan

"Sa katutubong pamayanan, ang atay ay ginagamit na panawas ng mambubunong upang matamo ang magiging kapalaran ng isang desisyon gaya halimbawa kung itutuloy ang pagdaraos ng pishit o pangangaso. Ito ay may kinalaman sa kulay ng atay. Ang madilaw na atay ay nangangahulugan na magiging matagumpay ang isasagawang balak; ang maitim na atay ay sakuna ang susuungin. Gayundin, ang taong maitim ang atay ay walang pakundangan sa kanyang ginagawa." (13)

4 na halimbawang parirala, hindi tinukoy ang mga batis, hindi tinukoy kung saan nakalap at kailan Asersyong hindi pinatunayan: " Ang 'hindi ko ma-take' ay isang expresyon ng mga kabataan na ang ibig sabihin ay hindi matanggap subalit ang kahulugan nito'y mababaw kaysa hindi ko masikmura."

2 halimbawang parirala, hindi tinukoy ang mga batis, hindi tinukoy kung saan nakalap at kailan Asersyong hindi pinatunayan: "ang taong maitim ang atay ay walang pakundangan sa kanyang ginagawa."

You might also like