You are on page 1of 8

Capitol University

Kolehiyo ng mga Sining at Agham


Lungsod ng Cagayan de Oro

Isang Pagsusuri sa Pangwikang Diskurso ni James Soriano na

Language, Learning, Identity, Privilege

Isang Pangangailangan sa Asignaturang Fil 114:

Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Panitikan

Ipinasa ni:
John Eduard H. Florentino
Mag-aaral

Ipinasa kay:
Prof. Camilo A. Rañoa
Guro

Disyembre 02, 2020


Panimula

Nagkakaiba parin ng pananaw ang iilan sa relasyon ng wika at kultura


sa lipunan. Walang nagkakaisang pananaw at tila nabubuo ang panghuhusga
at pangmamaliit sa ibang wika. Ang magiging usapin ay ang sumusunod: a.
wika bilang instrument ng pagkatuto, b.wika at kultura bilang may
mahalagang relasyon sa isat-isa at c. Pambansang wika bilang
pagkakakilanlan o identidad. Sa usaping wika bilang instrument ng pagkatuto:
Ingles nga lang ba ang wika para tayo ay matuto? Ingles nga lang ba ang wika
para tayo ay makaangat sa global na kompitesyon? Sa usaping ugnayan ng
wika at kultura naman: Hindi nga ba tayo nalalayo sa ating kinagisna at hind
nga ba natin kinalilimutan ang ating nakaraan? Sa usaping Pambansang wika
bilang pagkakakilanlan. Patuloy parin ba nating ginagamit ang ating wikang
Pambansa bilang identidad na tayo ay isang Pilipino?

Pangunahing layunin ng papel na ito ay magbigay pag-unawa o palagay


sa ginawang diskurso ni James Soriano. Layunin din na magbigay ng puna at
pagsusuri upang mas malawakang maunawaan at matibag ang agwat at
diskriminasyon sa wikang Pambansa.

Mga Mahahalagang Puntos at Puna sa Diskuso ni James Soriano Tungkol


sa Language, Learning, Identity, Privilege

Wika bilang instrument ng pagkatuto

Galit, pagkahiya, kahibangan, mapagmataas na tingin sa sarili, kolonyal


na mentalidad. Iilan lang ito na pananaw ng mga Pilipino sa paglathala at
paglabas ng artikulo ni James Soriano na pinamagatang “Language, Learning,
Identity, Privilege”. Samutsari ang naging reaksyon ng mga Pilipino. May mga
nagtanggol at may mga pumuna at bumatikos sa kanya. Tama nga ba ang mga
binitawan ng may akda sa kanyang artikulo?

Pumakaw sa aking atensyon ang mga unang katagang binitawan ni


James Soriano na “ English is the language of Learning”. Sa mga unang
katagang binitawan ay makikita ang pangmamaliit sa halos 187 na lengwahe
na sinasalita sa Pilipinas at kabilang na rito ang ating pambansang wikang
Filipino. Binibigyang halaga lamang ang Ingles bilang superyor na lengwahe ng
kaalaman. Bawat wika ay may perpektong sistema, kaya walang sinumang
makapagsabi na nakahihigit o mas nangunguna ang wika niya kaysa sa iba.
Sabi pa niya “Filipino, on the other hand, was always the “other” subject – almost
a special subject like PE or Home Economics…” Ang Filipino din ay isang wika o
lenggwahe na ginagamit upang matuto, pinatotohanan ito ni Clemencia
Espiritu, PH.D. Founding President of ADFIL (2019) sa kanyang inilahad sa
artikulong “Filipino Language in the Curriculum” na ganito ang kanyang
sinabi, “The inclusion of Filipino was viewed as a positive direction towards
more effective teaching and learning since, compared with English, Filipino
would be an easier language to use as a tool of learning.” Bukod pa rito, ang
Filipino ay hindi itinuturing na iba o isinasantabi bilang asignatura sapagkat
dagdag pa ni Dr. Espiritu, “The two languages (English and Filipino) shall also
be taught as subjects in all levels to achieve bilingual competence…Filipino &
English are given equal treatment in the curriculum.” Kung kaya’t magkatulad
din ng paraan ng markahan ang Filipino, Science, Math, Religion at English
dahil tulad nito kabilang ang Filipino sa tinatawag na “core subjects” ayon sa K
to 12 Basic Education Curriculum.

Ang susunod na ibabahagi ko sa artikulo ni James Soriano ay


nauunawaan ko na kung bakit ganoon siya mag-isip at kung bakit ganoon
kahalaga sa kanya ang wikang Ingles, kasi ito na ang ginagamit niya bilang
instrument ng komunikasyon. Sinabi sa artikulo niya na “My mother made
home conducive to learning English: all my storybooks and coloring books were
in English… She even hired tutors to help me learn to read and write in
English… In school I learned to think in English… I learned about God in English,
and I prayed to Him in English.” Ang sistemang pang edukasyon at pagpapalaki
sa kanya ang bibigyan ko ng puna. Globalisasyon ito ang una at kung bakit
tinuturuan siya ng magulang niya at ng paaralan para maka pagkumpetensya
sa global na larangan. Hindi man direktang sinasabi ngunit ito narin ang
nagiging kahulugan kung bakit siya tinuturuan nito. Ngayon tingnan natin
ang ibang bansa. Mga bansa na mas maunlad pagdating sa larangan ng
globalisasyon. Ayon sa 2018 globalization report ni Johann Weiß, Dr.
Andreas Sachs, Heidrun Weinelt na pinamagatang “Who Benefits Most from
Globalization?”. Tinaguarian ang Switzerland bilang kampeon sa
Globalisayon mula 1990 hanggang 2016 at sumunod ang mga bansang Japan,
Finland, Ireland, Israel at Germany. Kung mapapansin ang bansang ito kagaya
ng Switzerland ay hindi Ingles ang ginagamit na pangunahing wika bagkus
Swiss-German o ang kanilang pambansang wika at sa Japan naman ay
Japanese ang ginagamit na paraan sa pagtuturo. Ginagamit ang pambansang
wika bilang wikang panturo sa elementarya, sekondarya at maging sa kolehiyo.
Ginagamit din nila ang kanilang pambansang wika sa larangan ng medisina,
agrikultura, matematika at iba pa. Mapapansin natin kung sa antas ng
globalisasyon nakakaangat ang mga bansang ito. Marami rito ay mas
magagaling kumpara sa Pilipinas kahit na ang ginagamit nilang wika ay hindi
Ingles. Marami sa mga bansang ito ay nag eexport ng mga mataas na kalidad
at teknolohiya. Kaya huwag nating sabihin na makakaangat lang o mas
mangunguna ang isang bansa kapag marami ang mga magagaling pag
nagsasalita na ng Ingles. Kung titingnan natin iba ang naging dating ng
Pilipinas kahit man mataas at may magagaling na mga tao sa pagsasalita ng
Ingles ay hindi parin nakaka angat o nangunguta sa global na kumpitensya.
Pumapangalawa tayo sa may mga magagaling sa pagsasalita ng Ingles sa Asya
ayon sa 2020 English Proficiency Index. Pero hindi parin tayo umaangat
pagdating sa larangan ng globalisasyon kasi ang totoo hindi ang kaalaman o
kagalingan sa ibat-ibang larangan ng mga Pilipino ang ineexport kung hindi
ang tao mismo. Kapag marunong tayong magsalita ng Ingles pwede na tayong
pumunta ng ibang bansa para mamuhay at doon ipamalas ang ating galing.
Halos mga materyales at mga pinag-aaralan nga natin ay nasusulat sa Ingles.
Kasi ito ang Global na pananaw. Ito ba talaga ang buhay nating mga Pilipino?
Umaalis sa bansang sinilangan. Kinakailangan baguhin muna natin ang ating
sistema ng edukasyon. Kinakailangan na dapat ang mga babasahin, mga aklat
at wikang panturo pati na ang ibat-ibang larangan ay naihahayag sa ating
pambansang wika. Kasi nagiging dayuhan na tayo sa ating sariling wika. Kung
nagagamit natin ang ating sariling wika sa ibat-ibang larangan ay mas
nakikinabang ang mga Pilipino kasi mas nauunawaan ito ng mga Pilipino.
Hindi naman masamang tumangkilik ng iba ang nakakasama lang isipin ay
mas inaral pa natin ang lennguwahe nila at nakakalimutan ang ganda at tibay
ng ating pambansang wika.

Wika at Kultura Bilang may Mahalagang Relasyon sa Isat-isa

Wika ang isa sa mga dahilan upang makilala ang kultura ng isang
indibidwal. Ang wikang Filipino ang siyang kaluluwa at pagkakakilanlan ng
mga Pilipino at ang paggamit nito ang nagpapatibay ng pundasyon bilang isang
Filipino. Ayon kay Bienvenido Lumbera (2014) “Wika ay palatandaan ng
identidad ng bayan” ngunit tila nalilimutan na ng ibang Pilipino ang adhikain
nila na maipagpatuloy ang wika na may kaugnayan sa kulturang binubuo. Ang
maliit na pananaw sa wika ay nakapagdudulot ng masakit sa mga taong
ipinaglalaban na mabuhay at maipagpatuloy pa ang wika sa kasalukuyan. Sa
mga kataga ni Soriano na “Filipino was the language of the world outside the
classroom. It was the language of the streets: it was how you spoke to the tindera
when you went to the tindahan, what you used to tell your katulong that you had
an utos, and how you texted manong when you needed “sundo na.” ipinapakita sa
mga katagang ito ang agwat ng mahihirap at mayaman hindi lang sa buhay pati
na sa paggamit ng wika. Tila nababalot ng kolonyal na mentalidad at nalilimutan
nang sumalamin sa kulturang kinagisnan. Ang wika ang nag-uugnay sa isang
tao upang siya ay makipaghalubilo sa mga tao sa lipunan. Nakasaad sa
Artikulo XV, Seksiyon 3, Talata 2 ng Saligang Batas (1987): “Ang
Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pormal na adapsiyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaging
Filipino.” Kung kaya’t binibigyang linaw ito na ang Filipino ay isang wikang
pambansang para sa lahat at hindi lamang sumasaklaw sa mababang uri ng
tao sa lipunan na ayon sa tingin ni James Soriano. Ayon kay Gng. Desiree
Reyno, Filipino Subject Area Coordinator ng Ateneo Grade School, (2018)
ang pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng
kaalamang balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi
nagtatapos ang kaalaman sa pagbuo ng wasto at makabuluhang pangungusap
at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa. Ang FILIPINO bilang isang
lenggwahe ay nagpapaunlad at pagpapalalim ng ating wika at kultura. Kung
kayat hindi lamang nagagamit ng tao ang kanyang wika sa loob ng silid-aralan
at bahay kundi pati narin sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang wika ay may
mahalagang papel sapagkat nauunawaan tayo ng mga taong nakapaligid sa
atin sa paraan ng paggamit natin rito. Nasaan na ang pagpapayabong natin sa
ating sariling wika kung mismong tayo ay hindi nakakaunawa nito.
Nakakahiya bilang isang Pilipino na hindi mo alam ang iyong inang wika at
ikinukumpara mo pa ito sa mababang uri.

Pambansang wika bilang pagkakakilanlan o identidad

Mahalaga ang ginagampanan ng wikang Filipino para ipakilala ang mga


Pilipino. Sa madaling sabi binibigkas ng wikang Filipino ang mga Pilipino.
Sinasalamin ng wikang ito ang kulturang Pilipino at inaabot ang isip at
damdamin ng mga Pilipino. Sabi ni James Soriano sa kanyang artikulo na “I
have my education to thank for making English my mother language.” Iba na
ang kanyang kinagisnan at mas minahal na niya ang pagtangkilik sa wikang
Ingles. Wag sana nating kalimutan na ang Ingles ay napapabilang lamang sa
wikang panturo at wikang opisyal at hindi ito wikang Pambansa ng Pilipinas.
Nawa’y siya lang ang may ganitong pag-iisip. Ayon nga kay Gat Jose Rizal
“Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda”.
Kung kaya’t bilang Pilipino ay nararapat lamang nating pahalagahan ang ating
sariling wika at payabongin ito. Huwag sana nating kaligtaan ang wikang
nagluwal sa ating bansa at ang wikang patuloy na ipinaglalaban ang ating
pagkakakilalan at ang inang wikang pumuksa sa mga pang-aalipin at
pagmamalupit ng mga mananakop. Winika ni Virgilio Almario (2017), dating
tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino na “kung ano ang wika mo iyon
ang pagkatao mo” Kung anong wika at isinasalita mo iyon ang pagkataong
mayroon ka. Nahuhulma ang tao dahil sa lipunang kanyang kinabibilangan.
Sabi pa ni Virgilio Almario na “Gamitin nang gamitin ang ating lenggwahe o
wika. Sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino, mas naisasaloob nila
ang diwa na naroon sa mga salita. Hindi natin maisasapuso ang pagka-Pilipino
kung magiging dayuhan ka sa sarili mong wika.” Sa kalaunan hindi talaga
ang Wikang Ingles ang kaaway natin bagkus ang ating sarili kasi
nakakalimutan na nating sumalamin sa kulturang mayroon tayo. Nawa’y ubos
na ang mga pag-iisip na ganito at mas ipayabong at ipangalandakan pa sa
ibang kultura ang kagandahan at natatanging wikang Filipino. Wikang
Filipino, Pagyamanin at ipaunlad natin. Wikang Bernakular, huwag nating
kalimutan. Wikang Ingles pagbutihan natin. Ngayon, tanungin ninyo ang sarili
ninyo: Pilipino ba ako? Kung Pilipino ako, alam ko ba ang paggamit ng wikang
Filipino?
Sanggunian:

Language, learning, identity, privilege | Inquirer Opinion

Language Policies in the Philippines - National Commission for Culture and the
Arts (ncca.gov.ph)

MT_Globalization_Report_2018.pdf (bertelsmann-stiftung.de)

SULONG WIKANG FILIPINO! (Bienvenido Lumbera) - YouTube

Saligang batas ng pilipinas(1987) (slideshare.net)

Ang Kahalagahan ng Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Bata | Ateneo de


Manila University

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda;


kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” | Filipino:
Wika ng Pambansang Kaunlaran (wordpress.com)

Panayam: Paano mapauunlad ng Filipino ang kanyang wika? (rappler.com)

2020 English Proficiency Index: Philippines out of world's Top 20 but is No.2 in
Asia | Philstar.com

You might also like