You are on page 1of 26

Interdisiplinaryo,

Transdisiplinaryo
at
Multidisiplinaryo
ARALIN 1
Interdisiplinaryo
 Ang interdisiplinaryo ay pagsasama ng dalawang
akademikong disiplina sa isang aktibidad.
 Ito ay paggawa ng bagong ideolohiya sa
pamamagitan ng crossing boundaries. Ito ay
maiuugnay sa isang interdisiplina.
 Ang interdisiplinaryo ay kasama ang mga
mananaliksik, mag-aaral at mga guro na layunin
na magkaroon ng pag-uugnay sa iba’t ibang
pananaw sa akademik, propesyon at teknolohiya
tungo sa isang ispisipikong perspektibo para sa
isang hangarin.
Multidisiplinaryo
 Ang multidisiplinaryo ay pag-aaral mula
sa iba’t ibang disiplina o multiple
discipline.
 Ito ay pagsilip sa ibang pananaw
panlabas upang higit na maunawaan
ang kompleks ng isang sitwasyon.
Transdisiplinaryo
 Ang paggawa ng istratehiyang
pananaliksik na pumapasok sa iba’t
ibang larang o disiplina para sa
holistikong pananaw.
 Isang pananaw sa isang larangan na
nabuo sa pamamagitan ng ibang
disiplina na muling ginagamit sa ibang
disiplina. (Halimbawa ay etnograpiya na
orihinal sa antropolohiya na nagagamit
narin sa ibang larang).
 Ang FILDIS ay isang praktikal na
kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa,
pagsulat, at pananaliksiksa wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan, sa
konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng
mga mamamayang Pilipino.
MGA PAKSA
NG FILDIS
MGA PAKSA NG FILDIS
Filipino bilang larangan at Filipino
sa iba’t ibang larangan
Filipino sa Humanidades, Agham
Panlipunan at iba pang kaugnay
na larangan
Filipino sa Siyensya, Teknolohiy,
Inhenyeriya, Matematika at iba
pang kaugnay na larangan
Filipino Bilang Wikang
Pambansa: Filipino
bilang Wika ng Bayan,
Kasaysayan ng Pag-
unlad ng Wikang
Pambansa
Aralin 2
Wikabilang
pagkakakilanlan.
Kasaysayan ng Wikang
Pambansa
 Ibigay ang natatandaang pag-unald ng wikang
pambansa.
 1936 - SWP
 1937 - Tagalog
 1940 – Balarila at disyunaryo
 1954 – Marso 29 hanggang Abril 4
 1955 – Agosto 13 - 19
 1959 - Pilipino
 1967 – Mga gusali na papangalanan sa Pilipino
 1987Artikulo XIV – Wika
 2009 – MTB-MLE
Wika at
Sikolohiya
Aralin 3
Sikolohiyang Pilipino
 Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang
bunga ng karanasan, kaisipan at
oryentasyong Pilipino.
 Ito ay para mas higit na maunawaan ng
isang Pilipino ang kanyang sarili upang sa
gayon ay mapaunlad niya ang kanyang
buhay.
 Isang alternatibong perspektibo kung paano
ipapaliwanag ang pag-iisip, pagkilos at
damdaming Pilipino, na malaki ang kaibahan
sa mga pananaw ng iba pang anyo ng
sikolohiya sa Pilipinas.
Tatlong Anyo ng Sikolohiyang
Pilipino
 Ayon kay Dr. Virgilio Eniquez, mayroong tatlong
anyo ng Sikolohiyang Pilipino:
1. Sikolohiya sa Pilipinas - tumutukoy sa lahat ng
mga pag-aaral, libro at sikolohiyang makikita sa
Pilipinas, banyaga man o maka-Pilipino.
2. Sikolohiya ng Pilipino – tumutukoy sa lahat ng
mga pag-aaral, pananaliksik at mga konsepto
sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino.
3. Sikolohiyang Pilpino – bunga ng karanasan,
kaisipan at oryentasyon ng sa Pilipinas.
Samakatuwid, mga Pilipino lamang ang
makakasulat tungkol dito.
Mga Konsepto ng
Sikolohiyang Pilipino
 Ang katutubong konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ay
tumutukoy sa mga salitang galing at ginagamit sa Pilipinas.
Ang kahulugan ay kinuha sa mga Pilipino.
 Ang pagtatakda ng kahulugan. Ang salitang ginamit ay
galing sa Pilipinas, habang ang kahulugan nito ay
banyaga.
 Pagkukuha ng salitang dayuhan at baguhin ang kanyang
anyo hanggang magkaroon ng Pilipinong kahulugan.
 Paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang sariling
kahulugan sa mga salitang Pilipino.
 Paimbabaw na asimilasyon ay mga salitang banyaga na
ginagamit sa Pilipinas ngunit mahirap isalin sapagkat iiba
ang kahulugan nito.
 Mga salita o konsepto na hindi ginagamit sa Pilipinas,
kaya’t walang Pilipinong katapat ito.
Mga Karaniwang Kaugaliang
Pilipino
 Pakikipagkapwa-tao
 Pagiging malapit sa Pamilya
 Biro
 Pakikibagay sa Sitwasyon
 Pananampalataya at Relihiyon
 Tibay at lakas
 Kasipigan
 Paggalang
Wika at
Sosyolohiya
Aralin 4
Wika at Kultura
 Ayon kay Henry Gleason, “ang wika ay
masistemang balangkas na sinasalitang
tunog na pinili sa paraang arbitraryo
upang magamit sa isang kultura.”
 Masistemang Balangkas
 Sinasalitang tunog
 Paraang arbitraryo
 Kabilang sa isang kultura
Sa pag-aaral ni Zeus Salazar
(1996) na itinatampok ang
ugnayan ng wika sa kultura.
1. Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-
hanguan at agusan ng kultura ng isang
grupo ng tao, maliit man o malaki, na
may sarili at likas na katangian. Wika ang
ekspresyong kakikilanlan ng isang
kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-
anyo rito sa labas, ang siyang
nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri
nito- ng kanyang pagbubukod sa
kultura.
2. Wika ang nagpapahayag ng diwa
mismo ng kinaukulang kultura, ang
wika hindi lamang tangi at di
maiiwasang kasangkapan sa
pakikiugali sa loob ng isang
kabuuang kultural kundi ang
pinakabalangkas parin ng
pagkakaunawa nito sa reyalidad-
kung paano nadarama, inuuri,
isinasaayos at natatarok upang
hubugin ng isang kultura ang mga
katotohanan, ang lahat ng bagay:
3. Wika ang bukod tanging
pagtanaw at pagsasaayos ng
reyalidad upang ang isang kultura ay
umiral at magkaroon ng kakayahang
gumawa at lumikha. Ang daigdig at
reyalidad bilang karanasan
maipapahiwatig ng bawat isa sa
kanyang kapwa at kakultura ay
nakapapaloob at nakabalangkas sa
wika ng isang kabuuang kultural.
4. Wika ang impukan-kuhanan ng
isang kultura. Dito natitipon ang pag-
uugali, isip at damdamin ng isang
grupo ng tao.

5. Wika ay umpukan-kuhanan din ng


nakaraan at kaalaman ng isang
kultura.
6. Wika ay daluyan din ng
kultura/pagsasakultuta, sarili mang
kultura o hindi. Sa huli ang
pagkawika-at-kultura ay isang
kabuuang hindi maihahati o
mapaghahati. Dagdag pa niya,
walang kulturang hindi dala ang
isang wika, na bilang saligan at
kaluluwa, ay siyang bumubuo,
humuhubog at nagbibigay diwa sa
kulturang ito.
Sosyolinggwistik at Sosyolohiya
ng Wika
 Sa pag-aaral ng wika, madalas na
tinitignan ang ugnayan nito sa lipunan at
kung paano ang dalawang bagay na
dikit sa isa’t isa. Ang pag-aaral na ito ay
may dalawang pangunahing disiplina,
ang sosyolinggwistik at sosyolohiya o
bagay na iniuugnay sa isa.
 Ayon kay Ronal Wardhaugh (1986), “ang
sosyolinggwistik ay nababahala sa
imbestigasyon hinggil sa ugnayan sa
pagitan ng wika at lipunan na may
layunin ng isang mas mahusay na unawa
ng istraktura ng wika at kung paano ang
gamit ng wika sa komunikasyon.
Samantalang, ang katumbas na layunin
sa sosyolohiya ng wika ay upang
matuklasan kung paano ang
panlipunang istraktura ay maaaring mas
mahusay na maunawaan sa
pamamagitan ng pag-aaral ng wika”
 Ayon sa pagtingin ni Hudson, “ang
sosyolinggwistik ay ang pag-aaral ng wika
sa kaugnayan sa lipunan samantalang
ang sosyolohiya ng wika ay ang pag-
aaral ng lipunan sa kaugnayan sa wika. ”
Speech Community
 “Ito ay isang grupo ng mga tao na ibinabahagi
ang isang hanay ng mga kaugalian at mga
inaasahan tungkol sa paggamit ng wika”.
 Ibinabahagi ang isang tiyak na hanay ng mga
kaugalian para sa paggamit g wika sa
pamamagitan ng pamumuhay at pakikipag-
ugnayan sa isa’t isa.
 Ang speech community ay maaaring ibahagi ang
parehong mga partikular na hanay ng bokabulary
at gramar, pati narin ang estilo ng pagsasalita at
genres, at gayundin ang kaugalian para sa kung
paano at kailan makikipag-usap sa isang
partikular na paraan.

You might also like