You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

GOVERNOR MARIANO E. VILLAFUERTE COMMUNITY COLLEGE-SIRUMA


Poblacion, Siruma, Camarines Sur
gmvcc.siruma@gmail.com

FILIPINO 4
(SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG PANLIPUNAN (SOSLIT))

MODYUL 4
Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao

NILALAMAN NG MODYUL:

1. Mga probisyong preliminary


2. Ang lupon sa mga karapatan ng mga biktima ng karapatang pantao
3. Mga may karapatan, pagbabayad, at pagkilala
4. Mga pangkalahatang probisyon

LAYUNIN NG MODYUL :

1. Maipaalam ang ibang pang karapatang pantao.


2. Mailathala ang batas republika blg. 10368.
3.

Sinimulan at isinagawa sa Kalakhang Maynila, noong Lunes, ikadalawampu’t tatlong


araw ng Hulyo, dalawang libo at labindalawa.

[BATAS REPUBLIKA BLG. 10368]

ISANG BATAS NA NAGKAKALOOB NG REPARASYON AT REKOGNISYON NG MGA


BIKTIMA NG MGA PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO NOONG REHIMENG
MARCOS, DOKUMENTASYON NG NASABING MGA PAGLABAG, PAGLALAAN NG
MGA PONDO PARA DOON AT PARA SA IBANG MGA LAYUNIN

Isinasabatas ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Pilipinas na natitipon sa


Kongreso:

KABANATA I

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 1
MGA PROBISYONG PRELIMINARYO

SEKSIYON 1. Maikling Pamagat.  — Ang Batas na ito ay kikilalanin bilang “Batas sa


Reparasyon at Rekognisyon ng mga Biktima sa mga Karapatang Pantao ng 2013.”

SEK. 2. Pagpapahayag ng Polisiya. — Ipinahahayag ng Seksiyon 11 ng Artikulo II ng


Saligang Batas ng 1987 ng Republika ng Pilipinas na hinahalagahan ng Estado ang
dangal ng bawat tao at tinitiyak ang ganap na paggalang para sa karapatang pantao.
Tungo sa ipinahayag na polisiyang ito, ipinagbabawal ng Seksiyon 12 ng Artikulo III ng
Saligang Batas ang paggamit ng tortiyur, lakas, karahasan, pagbabanta, intimidasyon, o
anupamang ibang pamaraan na makasisira sa malayang loob at nag-aatas ng kabayaran
at rehabilitasyon ng mga biktima ng tortiyur o mga katulad na praktis atang kanilang
mga pamilya.

Sa bisà ng Seksiyon 2 ng Artikulo II ng Saligang Batas na inaampon ang tinatanggap sa


pangkalahatan na mga prinsipyo ng pandaigdigang batas bílang bahagi ng batas ng
bayan, sumusunod ang Pilipinas sa pandaigdigang mga batas at kumbensiyon sa
karapatang pantao, ang Pandaigdigang Pagpapahayag ng Karapatang Pantao, kasama
ang International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR) at ang Convention
Against Torture (CAT) at Iba Pang Malupit, Di-Makatao, o Nakapanliliit na Pagturing na
nagpapataw sa bawat kasaping Estado ng pananagutang magpása ng pambansang
batas na magpapatupad sa mga karapatang kinikilala roon at upang tiyakin na
sinumang nalabag ang mga karapatan o kalayaan ay magkakaroon ng epektibong
lunas, kahit pa ang paglabag ay naisagawa ng mga taong gumaganap sang-ayon sa
tungkuling opisyal. Sa katunayan, ang karapatan sa isang lunas ay mismong tinitiyak sa
ilalim ng umiiral na mga kasunduan sa karapatang pantao at/o kinaugaliang batas na
pandaigdigan, bilang may katangiang di-mapasusubalian (jus cogens) at bilang gayon
ay kinikilala bilang di-derogable.

Tugma sa mga nasa itaas, ipinapahayag dito ang polisiya ng Estado upang kilalanin ang
kabayanihan at mga sakripisyo ng lahat ng Filipino na naging biktima ng maramihang
pagpaslang, tortiyur, pinuwersa o di-kusàng pagkawala at iba pang matitinding
paglabag sa mga karapatang pantao na nagawa noong rehimen ni dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos na sumasaklaw sa mga panahong mula 21 Setyembre 1972
hanggang 25 Pebero 1986 at ibalik ang dangal at dignidad ng mga biktima. Kinikilala
rito ng Estado ang mga pananagutan nitong moral at legal upang kilalanin at/o
magkaloob ng kabayaran sa mga naturang biktima at/o kanilang mga pamilya para sa
mga kamatayan, sakit, pagdurursa, pagkakait, at pinsalang dinanas nila sa ilalim ng
rehimeng Marcos.

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 2
Gayundin, pananagutan ng Estado na kilalanin ang mga pagdurusa at pinsalang dinanas
ng mga taong puwersahang kinuha ang mga ari-arian at mga negosyo, inangkin o
ginamit, o iyung ang mga propesyon ay napinsala at/o nasira, o iyung nilimitahan ang
kalayaan ng paggalaw, at/o iba pang mga biktima ng mga paglabag sa Bill of Rights.

SEK. 3. Kahulugan ng mga Termino. — Ang mga sumusunod na termino sang-ayon sa


paggamit ng Batas na ito ay mangangahulugan ng mga sumusunod:

(a) Ang detensiyon ay tumutukoy sa pagkuha sa isang tao upang ibilanggo nang laban
sa kanyang kagustuhan ng mga taong kumikilos sang-ayon sa kanilang opisyal na
kakayahan at/o mga ahente ng Estado.

(b) Ang paglabag sa karapatang pantao  ay tumutukoy sa anumang gawain o


pagkaligtang isinagawa sa panahon mula 21 Setyembre 1972 hanggang 25 Pebrero
1986 ng mga taong kumikilos sang-ayon sa kanilang opisyal na kakayahan at/o mga
ahente ng Estado, subalit hindi limitado sa mga sumusunod:

(1) Anumang paghahanap, pag-aresto at/o detensiyon nang walang nang walang
mabisàng warrant sa paghahanap o pagdakip na inilabas ng isang sibilyang hukuman
ng batas, kasama ang pag-aresto o detensiyong walang warrant na isinagawa sang-
ayon sa deklarasyon ng Batas Militar ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos
gayundin ang anumang pag-aresto, detensiyon, o pagkakait ng kalayaan na isinagawa
sa nasasaklaw na panahon sang-ayon sa isang “Arrest, Search and Seizure Order
(ASSO),” isang “Presidential Commitment Order (PCO),” o isang “Preventive Detention
Action (PDA),” at iba pang katulad na pahatid tagapagpaganap sang-ayon sa mga
inilarawan ng mga dekreto ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, o sa anumang
paraan na ang pag-aresto, detensiyon, o pagkakait ng kalayaan ay ipinatupad;

(2) Ang pagpapataw ng isang taong kumikilos sa isang opisyal na kapasidad at/o isang
ahente ng Estado ng pisikal na pananakit, tortiyur, pagpatay, o paglabag sa iba pang
mga karapatang pantano, sa iba pang taong nagsasanay ng mga karapatang sibil o
politikal, kasama na, bagaman hindi limitado sa, kalayaan ng pamamahayag, pagtitipon
o samahan; at/o sa kalayaan na magpetisyon sa pamahalaan para tugunan ang mga
hinaing, kahit pa ang mga paglabag na iyon ay naganap habang o samantalang
isinasagawa ang itinuturing ng mga awtoridad nang panahong iyon bilang ilegal na
pagtitipon o demonstrasyon; Basta at, Na ang tortiyur sa anumang anyo o sa anumang
pagkakataon ay ituturing na isang paglabag sa karapatang pantao;

(3) Anumang pinilit o di-kusàng pagkawalâ na idinulit sa isang taong inaresto, ikinulong
o kinuha nang laban sa sariling kagustuhan o kaya ay inalisan ng kalayaan, sang-ayon sa

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 3
pagpapakahulugan sa Batas Republika Blg. 10350 {{1}} na kilala rin bilang “Batas Laban
sa Pinilit o Di-Kusàng Pagkawala ng 2012”;

(4) Anumang puwersa o intimidasyong nagbunga ng di-ginustong pag-alis ng isang tao


mula sa Pilipinas;

(5) Anumang pamumuwersa, intimidasyon, o panlilinlang na nag-uuwi sa di-


makatarungan o ilegal na pagkamkam sa isang negosyo, pagkuha ng ari-arian,
detensiyon ng (mga) may-ari at/o kanilang mga pamilya, pag-aalis ng ikinabubuhay ng
isang tao ng mga ahente ng Estado, kasama na ang mga idinulot ni Ferdinand E.
Marcos, ng kanyang maybahay na si Imelda R. Marcos, ang kanilang mga malalapit na
kamag-anak sang-ayon sa dugo o kaugnayan, o gayundin ang mga taong itinuturing
bilang kanilang malalapit na kamag-anak, katuwang, mga crony, at mga pinapasunod sa
ilalim ng Batas Tagapagpaganap Blg. 1, na inilabas noong 28 Pebrero 1986 ng noon ay
Pangulong Corazon C. Aquino bilang pagpapatupad ng kanyang mga kapangyarihang
lehislatibo sa ilalim ng Saligang Batas ng Kalayaan.

(6) Anumang gawain o serye ng mga gawain na nagdulot, nagsagawa, at/o nagpatupad
ng mga sumusunod:

(i) Pag-kidnap o kaya ay pananamantala sa mga anak ng mga taong pinaghihinalaang


gumagawa ng mga laban sa rehimeng Marcos;

(ii) Nagsasagawa ng mga paglabag na seksuwal laban sa mga biktima ng mga


karapatang pantao na nakabilanggo at/o nasa yugto ng pagsasagawa ng mga
operasyon ng militar at/o pulisya; at

(iii) Iba pang mga paglabag at/o pag-abusong katulad o maitutulad sa mga nasa itaas,
kasama na ang mga kinikilala ng batas pandaigdigan.

(c)  Ang Human Rights Violations Victim (HRVV) ay tumutukoy sa isang tao na ang mga
karapatang pantao ay nalabag ng mga taong gumaganap sa isang kapasidad na opisyal
at/o mga ahente ng Estado sang-ayon sa pagpapakahulugan dito. Upang mapabilang
para sa babayaran sa ilalim ng Batas, ang paglabag sa karapatang pantao ay
kinakailangang naisagawa sa panahong mula 21 Setyembre 1972 hanggang 25 Pebrero
1986: Basta at, gayumpaman, Na ang mga biktima ng mga paglabag sa karapatang
pantao na naisagawa isang (1) buwan bago ang 21 Setyembre 1972 at isang (1) buwan
matapos ang 25 Pebrero 1986 ay makatatanggap ng kabayaran, sa ilalim ng Batas na ito
kapag kaya nilang mapagtibay na ang paglabag ay naisagawa:

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 4
(1) Ng mga ahente ng Estado at/o ng mga taong gumaganap sa isang opisyal na
kapasidad sang-ayon sa pagpapakahulugan sa ibaba;

(2) Para sa layunin ng pangangalaga, pagpapanatili, pagtataguyod, o pagpapalaganap


ng naturang rehimen; o

(3) Upang itago ang mga pang-aabuso sa panahon ng rehimeng Marcos at/o ang mga
bunga ng Batas Militar.

(d) Mga Taong Gumaganap sa isang Opisyal na Kapasidad at/o Mga Ahente ng Estado.
––Ang mga sumusunod na tao ay ituturing na mga taong gumaganap sa isang opisyal
na kapasidad at/o mga ahente ng Estado sa ilalim ng Batas na ito:

(1) Sinumang kasapi ng dating Philippine Constabulary (PC), ng dating Integrated


National Police (INP), ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at ng Civilian Home
Defense Force (CHDF) mula 21 Setyembre 1972 hanggang 25 Pebrero 1986 gayundin
ang sinumang ahenteng sibilyan na kasama roon; at sinumang kasapi ng pangkat na
paramilitary kahit pa hindi ito organikong kabahagi ng PC, INP, AFP, o CHDF basta at
naipakitang ang pangkat ay binuo, pinondohan, binigyan ng mga kagamitan, pasilidad
at/o mga yaman, at/o nakapaloob sa doktrina, hinahawakan at/o pinapangasiwaan ng
sinumang gumaganap sa isang opisyal na kapasidad at/o ahente ng Estado sang-ayon
sa pagpapakahulugan dito;

(2) Sinumang kasapi ng serbisyo sibil, kasama na ang mga taong may hinawakang
posisyong pampubliko bilang halal o itinalagang opisyal mula 21 Setyembre 1972
hanggang 25 Pebrero 1986;

(3) Mga táong tinutukoy sa Seksiyon 2(a) ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1, na


lumikha sa Presidential Commission on Good Government (PCGG), na inilabas noong 28
Pebrero 1986 at sa mga kaugnay na batas ng noon ay Pangulong Corazon C. Aquino sa
pagpapatupad ng kanyang mga kapangyarihang lehislatibo sa ilalim ng Saligang Batas
ng Kalayaan, kasama na ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, maybahay na
Imelda R. Marcos, ang kanilang malalapit na kapamilya sa dugo o kaugnayan, gayundin
ang kanilang malalapit na kamag-anak, mga katuwang, mga crony, at mga
pinapasunod; at

(4) Sinumang tao o (mga) pangkat ng taong gumaganap nang may pahintulot,
pagtataguyod, o pagpayag ng Estado noong rehimeng Marcos.

(e) Ang tortiyur ay tumutukoy sa anumang gawain na kusang nagpapataw ng matinding


sakit o pagdurusa, pisikal man o mental, sa sinumang taong nasa pangangalaga ng mga
Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 5
taong gumaganap sa isang opisyal na kapasidad at/o mga ahente ng Estado, sang-ayon
sa pagpapakahulugan ng batas, hurisprudensiya, mga kumbensiyong pandaigdigan, at
Batas Republika Blg. 9745, na kilala rin bilang “Batas Laban sa Tortiyur ng 2009”.

SEK. 4. Pagiging Karapat-dapat sa Kabayarang Pananalapi.  –– Sinumang HRVV na


kalipikado sa ilalim ng Batas na ito ay makatatanggap ng kabayaran mula sa Estado,
walang buwis, sang-ayon sa itinatalaga rito: Basta at, Na sa isang namatay o di-kusang
nawalang HRVV, ang mga legal na tagapagmanang sang-ayon sa Kodigo Sibil ng
Pilipinas, o iba pang taong pinangalanan ng tagapagpaganap o tagapangasiwa ng ari-
arian ng yumao o di-kusang nawalang HRVV sang-ayon sa gayong pagkakasunod-
sunod, ay karapat-dapat na makatanggap ng naturang kabayaran: Basta at, gayundin,
Na walang kikilalaning special power of attorney sa mismong paglalabas ng gawad, at
tanging ang biktima o ang binanggit na (mga) kasunod-sa-pagtanggap ang magiging
karapat-dapat upang personal na tanggapin ang nasabing kabayaran mula sa Lupon,
maliban kung ang sangkot na biktima ay naipakitang walang kakayahan sang-ayon sa
pagtanggap ng Lupon: Basta at, higit pa rito, Na ang kabayarang natanggap sa ilalim ng
Batas na ito ay walang pagkilala sa pagtanggap ng ibang halaga ng HRVV mula sa
sinumang tao o entidad sa anumang dahilang may kinalaman sa mga paglabag sa mga
karapatang pantao na binigyang-kahulugan sa Batas na ito.

SEK. 5. Kabayarang Di-Pananalapi. –– Ang Department of Health (DOH), Department of


Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepED),
Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development
Authority (TESDA), at iba pang katulad na mga ahensiya ng pamahalaan ay magbibigay
ng kinakailangang mga serbisyo bilang kabayarang di-pananalapi para sa mga HRVV
at/p kanilang mga pamilya, sang-ayon sa tutukuyin ng Lupon sang-ayon sa mga
probisyon ng Batas na ito. Ang halagang kinakailangan para sa layuning ito ay
magmumula sa badyet ng sangkot na ahensiya sa taunang General Appropriations Act
(GAA).

SEK. 6. Halaga ng Kabayaran.  — Ang halaga ng kabayaran sa ilalim ng Batas na ito ay


sang-ayon sa tindi ng paglabag sa karapatang pantao na naipataw sa HRVV at sang-
ayon sa bilang ng mga puntos na nakatalaga sa indibidwal sa ilalim ng Seksiyon 19 mula
rito.

SEK. 7. Pagkukunan ng Kabayaran. — Ang halagang Sampung bilyong piso


(PHP10,000,000,000.00) at naipong interes na bumubuo sa bahagi ng mga pondong
isinalin sa pamahalaan ng Republika ng Pilipinas sa bisa ng Orden ng Swiss Federal
Supreme Court noong 10 Disyembre 1997, na tinanggap ng Korte Suprema ng Pilipinas
bilang pangwakas at maipatutupad sa Republika vs. Sandiganbayan noong 15 Hulyo

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 6
2003 (G.R. Blg. 152154) bilang yamang nakamal ng mga Marcos sa masamang paraan
(ill-gotten wealth) at binawi para sa Republika ng Pilipinas, ang pangunahing
pagkukunan ng mga pondo para sa pagpapatupad ng Batas na ito.

KABANATA II

ANG LUPON SA MGA KARAPATAN NG MGA BIKTIMA NG KARAPATANG PANTAO

SEK. 8.  Paglikha at Pagbubuo ng Lupon sa mga Karapatan ng mga Biktima ng


Karapatang Pantao. — Nilikha roon ang nakapagsasarili at malahukumang pangkat na
kikilalanin bilang Lupon sa mga Karapatan ng mga Biktima ng Karapatang Pantao, na
tutukuyin mula rito bilang Lupon. Bubuuin ito ng siyam (9) na kasapi, na magtataglay ng
mga sumusunod na kalipikasyon:

(a) Kilalang marangal, may kakayahan at integridad;

(b) Kinakailangang may malalim at masaklaw na pag-unawa at kaalaman ng karapatang


pantao at pakikisangkot sa mga pagsisikap laban sa mga paglabag sa mga karapatang
pantao na naisagawa noong rehimen ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos;

(c) May tatlong (3) taon man lamang na kasapi ng Philippine Bar na may pakikilahok sa
praktis ng batas nang hindi bababa sa sampung (10) taon; at

(d) Kinakailangang may malinaw at sapat na pag-unawa at pananagutan sa


pangangalaga, pagtataguyod, at adbokasiya ng karapatang pantao.

Ang Lupon sa mga Karapatan ng mga Biktima ng Karapatang Pantao ay ikakawing


bagaman hindi nakapailalim sa Commission on Human Rights (CHR).

Isasaayos ng Lupon ang sarili nito sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa
pagkompleto ng itinalagang siyam (9) na kasapi at mula roon ay isasaayos ang
Secretariat nito.

SEK. 9. Pagtatalaga sa Lupon. — Ang Pangulo ang magtatalaga sa Tagapangulo at sa


walong (8) iba pang kasapi ng Lupon: Basta at, Na ang mga organisasyon para sa
karapatang pantao tulad ng, bagaman hindi limitado sa Task Force Detainees of the
Philippines (TFDP), Free Legal Assistance Group (FLAG), Movement of Attorneys for
Brotherhood, Integrity and Nationalism (MABINI), Families of Victims of Involuntary
Disappearance (FIND), at Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto
(SELDA) ay makapagpapása ng mga nominasyon sa Pangulo.

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 7
SEK. 10. Mga Kapangyarihan at Gawain ng Lupon. — Ang Lupon ay magkakaroon ng
mga sumusunod na kapangyarihan at gawain:

(a) Tumanggap, magtaya, magproseso, at magsiyasat ng mga aplikasyon para sa mga


claim sa ilalim ng Batas na ito;

(b) Maglabas ng (mga) subpoenang ad testificandum at (mga) subpoenang duces tecum;

(c) Magsagawa ng mga nakapagsasariling gawaing administratibo at magsaayos ng


mga di-pagkakasundo kaugnay ng mga claim;

(d) Tanggapin nang mapasusubalian ang lahat ng karapat-dapat na claim sa ilalim ng


Batas na ito;

(e) Kumatawan sa mga angkop na ahensiya ng pamahalaan upang tulungan itong


maipatupad nang epektibo ang mga gawain nito;

(f) Itaguyod ang mga tuntunin na maaaring kailanganin upang ipatupad ang mga
layunin ng Batas na ito, kasama na ang tuntuning susundin sa pagsasagawa nito, nang
isinasaalang-alang ang Nirebisang Tuntuntin ng Korte ng Pilipinas sa pagpapatupad;

(g) Magpataw ng administratibong kontrol at superbisyon sa Secretariat nito;

(h) Ang Lupon, sang-ayon sa pasya nito, ay maaaring kumonsulta sa mga organisasyon
para sa karapatang pantao na binanggit sa Seksiyon 9; at

(i) Magsagawa ng iba pang mga tungkulin, gawain, at pananagutang maaaring


kailanganin upang mabisang makamit ang mga layunin ng Batas na ito.

SEK. 11. Resolusyon ng mga Claim. — Ang Lupon ay bubuuin ng tatlong (3) dibisyon na
kikilos nang sabay-sabay at nakapagsasarili sa isa’t isa para sa resolusyon ng mga claim
na babayaran. Bawat dibisyon ay bubuuin ng isang (1) Tagapangulo, na kasapi ng
Philippine Bar at dalawang (2) kasapi na itatalagang en banc ng Lupon.

SEK. 12. Mga Kabayaran. — Ang Tagapangulo at mga kasapi ng Lupon ay magkakaroon


ng ranggo, suweldo, kabayaran, at mga alawans na katumbas ng Gumaganap na Hukom
at pagkatapos ay ng Katuwang na Hukom ng Korte ng Apelasyon.

SEK. 13. Secretariat ng Lupon. — Ang Lupon ay tutulungan ng isang Secretariat na


maaaring magmula sa kasalukuyang kawani ng CHR nang walang pagkiling laban sa

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 8
pagkuha ng dagdag na kawani sang-ayon sa titiyakin ng Lupon upang maharap ang
dami ng kinakailangang gawain. Ang mga sumusunod ang mga gawain ng Secretariat:

(a) Tumanggap, magtaya, magproseso, at magsiyasat ng mga aplikasyon para sa mga


claim sa ilalim ng Batas na ito;

(b) Magmungkahi sa Lupon ng mga tatanggaping aplikasyon para sa mga claim;

(c) Tulungan ang Lupon sa mga gawaing teknikal; at

(d) Magsagawa ng iba pang tungkuling ipapagawa ng Lupon.

Ang Tagapangulo ng Lupon ay magtatalaga ng isang Kalihim ng Lupon na siyang


mamumuno sa Secretariat sa buong panahon ng pag-iral ng Lupon. Magkakaroon ng
Puno ng Technical Staff na tutulungan ng limang (5) Legal na Opisyal at tatlong (3)
Opisyal na Paralegal; at isang Puno ng Administratibong Staff na tutulungan ng tatlong
(3) Staff para sa Tulong Administratibo.

Kapag kinakailangan, maaaring kumuha ang lupon ng dagdag na empleadong


kontraktuwal o mangontrata ng serbisyo para magkaloob ng mga serbisyo bilang mga
tagapayo, sikolohista, social worker, at mga espesyalista sa pampublikong edukasyon, at
iba pa, upang suhayan ang mga serbisyo ng Secretariat: Basta at, Na ang pinakamataas
na halaga ng kontrata bawat taon ay hindi tataas sa labinlimang bahagdan (15%) ng
kabuuang taunang badyet para sa operasyon ng Lupon.

SEK. 14. Badyet para sa Operasyon ng Lupon. — Ang badyet para sa operasyon ng


Lupon ay magmumula sa Sampung bilyong pisong (PHP10,000,000,000.00) pondo, nang
may Sampung milyong piso (PHP10,000,000.00) bilang pauna nitong badyet sa
operasyon: Basta at, Na hindi ito lalampas sa Limampung milyong piso
(PHP50,000,000.00) kada taon.

SEK. 15. Wastong Paglalabas ng Pondo. — Titiyakin ng Lupon na ang mga pondong


nakalaan o iyong magagamit bilang kabayaran sa mga HRVV ay nailalabas nang wasto
sang-ayon sa mga polisiyang inilahad ng Kongreso at iba pang may-kaugnayang mga
tuntunin, regulasyon, at pamamaraan ng akawnting ng pamahalaan.

KABANATA III

MGA MAY KARAPATAN, PAGBABAYAD, AT PAGKILALA

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 9
SEK. 16. Mga May Claim. — Sinumang HRVV ay maaaring magpasa ng claim sa Lupon
para sa kabayaran at/o pagkilala sang-ayon sa mga probisyon ng Batas na ito.

SEK. 17. Pangwakas na Pagkilala na HRVV ang Isang Tao sa Ilalim ng Batas na Ito. ––
Ang mga nagpasa ng claim sa isang class suit at tuwirang mga nagsasampa ng aksiyon
sa Paglilitis para sa Karapatang Pantao Laban sa Estado ni Ferdinand E. Marcos (MDL
Blg. 840, CA Blg. 88-0390) sa US Federal District Court ng Honolulu, Hawaii kung saan
inilabas ang isang pumapabor na husga, ay bibigyan ng pangwakas na pagkilala na sila
ay mga HRVV: Basta at, Na ang mga HRVV na kinilala ng Bantayog Ng Mga Bayani
Foundation ay bibigyan din ng parehong pangwakas na pagkilala: Basta at, gayundin,
Na walang nariritong ipagpapalagay na mag-aalis sa Lupon ng orihinal nitong
hurisdiksiyon at ng nakapaloob ditong kapangyarihan upang tiyakin ang saklaw ng mga
paglabag sa karapatang pantao at ang mga katumbas na kabayaran at/o pagkilala na
maaaring ipagkaloob.

SEK. 18. Pagkilalang Motu Propio. — Maaaring kunin ng Lupon ang panghukom


na motu propio ng mga indibidwal na nagdusa sa mga paglabag sa karapatang pantao
sang-ayon sa pagpapakahulugan dito at bigyan ang mga ito ng pagkilala bilang mga
HRVV at isa sa Hanay ng mga Biktima sang-ayon sa itinala ng Seksiyon 26 mula rito.

SEK. 19. Pagtiyak sa Gawad. — (a) Susundin ng Lupon ang sistemang de-puntos sa


pagtiyak sa gawad. Ang lawas ay mula isa (1) hanggang sampung (10) puntos, tulad ng
mga sumusunod:

(1) Ang mga biktimang namatay o nawala at patuloy pa ring nawawala ay bibigyan ng
sampung (10) puntos;

(2) Ang mga biktimang tinortiyur at/o ginahasa o inabusong seksuwal ay bibigyan ng
anim (6) hanggang siyam (9) na puntos;

(3) Ang mga biktimang ikinulong ay bibigyan ng tatlo (3) hanggang limang (5) puntos;
at

(4) Ang mga biktimang nilabag ang mga karapatan sa ilalim ng Seksiyon 3, talata (b),
mga bilang (4), (5), at (6) ng Batas na ito ay bibigyan ng isa (1) hanggang dalawang (2)
puntos.

Gagamitin ng Lupon ang kapangyarihan nito nang may kaukulang ingat sa pagtukoy sa
puntos ng bawat biktima, na magiging batay sa uri ng paglabag na isinagawa laban sa
HRVV, sa dalas, at sa tagal ng paglabag. Sa bawat kategorya, ang mga HRVV na mas
dumanas ng pagdurusa ang makatatanggap ng mas maraming puntos. Sa mga
Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 10
pagkakataon na ang isang biktima ay nasa ilalim ng higit sa isang kategorya, igagawad
sa kanya ang mga puntos ng mas mataas na kategorya: Basta at, Na sa mga kaso kung
saan may ilang katanggap-tanggap na ipinasang claim para sa kabayaran sa o sa ngalan
ng isang partikular na HRVV, ang Lupon ay maggagawad lamang ng isang (1)
katanggap-tanggap na claim na tumutumbas sa kategoryang mayroong pinakamataas
na bilang ng puntos para sa bawat katanggap-tanggap na nagpasa ng claim.

(b) Magpapatuloy ang Lupon sa pagtiyak sa gawad ng bawat may karapatan sa ilalim ng
mga Seksiyon 16, 17, at 18 ng Batas na ito.

(c) Saka bibilangin ng Lupon ang pangwakas na halaga sa salapi ng gawad para sa isang
tao na katumbas sa halagang bilang ng isang puntos katapat ng bilang ng mga puntos
na matatanggap ng isang may karapatan, sang-ayon sa dati nang tinukoy ng Lupon.

(d) Sa loob ng tatlumpung (30) araw matapos tanggapin ng Lupon bilang pangwakas
ang lahat ng katanggap-tanggap na claim bago ito at matapos ang kaukulang
paglalathala ng naturang lehitimong claim, magkakaroon ng bisa ang gawad ng
kabayarang pananalapi: Basta at, Na anumang nakasalang na apelang ipinasa ng
napinsang may karapatan o sa harap ng Lupong en banc ay kinakailangang resolbahin
nito sa loob ng animnapung (60) araw bago maging functus officio  ang Lupon.

KABANATA IV

MGA PANGKALAHATANG PROBISYON

SEK. 20. Pagsasalin ng Pondo. — Sang-ayon sa husgang binanggit sa Seksiyon 7 nito,


ang halagang Sampung bilyong piso (PHP10,000,000,000.00) at ang naipong interes ay
itatabi at ilalaan sa pondo para sa mga layunin ng Batas na ito.

SEK. 21. Dokumentasyon ng mga Paglabag sa Karapatang Pantao na Naisagawa ng


Rehimeng Marcos. — Sa pagpapatupad ng Batas na ito at nang walang pagkiling laban
sa anumang iba pang dokumentaryo o ibang ebidensiya na maaaring hingin para sa
paggagawad ng anumang kabayaran, sinumang HRVV na naghahangad ng kabayaran
ay magsasagawa ng isang detalyadong sinumpaang salaysay na nagsasaad ng mga
pangyayaring kaugnay ng naisagawang (mga) paglabag sa karapatang pantao.

SEK. 22. Publikasyon. — Sang-ayon sa Seksiyon 23 nito, ang Lupon, matapos magtipon,


ay magtatakda ng panahon para sa pagsisimula at pagtatapos ng mga aplikasyon ng
mga HRVV at magsisimula ng paglalathala niyon: Basta at, Na ang naturang panahon ay
magsisimula lamang nang labinlimang (15) araw matapos ang huli nitong publikasyon,
na magiging isang beses sa isang linggo sa loob ng tatlong (3) magkakasunod na linggo
Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 11
sa hindi bababa sa dalawang (2) pambansang pahayagan na may malawakang
sirkulasyon.

SEK. 23.  Panahon ng Pagpapasa ng mga Claim; Waiver.  — Ang isang HRVV ay
kinakailangang magpasa ng aplikasyon para sa kabayaran sa Lupon sa loob ng anim (6)
na buwan simula sa pagkakaroon ng bisa ng implementing rules and regulations (IRR)
ng Batas na ito: Basta at, Na ang kabiguang makapagpasa ng aplikasyon sa loob ng
naturang panahon ay ituturing na isang waiver ng karapatang makapagpasa ng
gayon: Basta at, gayundin, Na para sa mga HRVV na patay na, walang kakayahan, o
nawawala dahil sa pinilit na pagkawala, ang mga legal nilang (mga) tagapagmana o
kinatawan ay maaaring magpasa ng isang aplikasyon para sa kabayaran sa ngalan nila.

Anumang di-pagsang-ayon sa bagong (mga) aplikasyon sang-ayon sa Seksiyon 16 nito


ay kikilalanin lamang kung naipasa iyon sa loob ng labinlimang (15) araw mula sa araw
ng huling publikasyon ng opisyal na talaan ng mga maaaring claimant sang-ayon sa
pagtukoy ng Lupon. Ang Lupon ang maglalathala ng opisyal na talaan ng mga maaaring
claimant isang beses sa isang linggo sa loob ng tatlong (3) magkakasunod na linggo sa
hindi bababa sa dalawang (2) pambansang pahayagan na may malawakang sirkulasyon.

SEK. 24. Apela. — Sinumang napinsalang claimant o di-sang-ayon ay maaaring


magpasa ng apela sa loob ng sampung (10) araw sa kalendaryo mula sa pagtanggap ng
Resolusyon ng Dibisyon sa Lupong en banc, na ang pasya ay magiging pangwakas at
maipatutupad.

SEK. 25. Mga Multa; Paglalapat ng Binagong Kodigo Penal.  — Sinumang claimant na


napatunayan ng Lupon, matapos ang kaukulang pagdinig, na nagpasa ng isang pekeng
claim, ay ipapasa sa angkop na tanggapan para sa paglilitis. Kapag nahatulan,
mabibilanggo siya nang walo (8) hanggang sampung (10) taon, hindi makapapasok sa
tanggapan at trabahong pampubliko, at mawawalan ng karapatang bumoto at iboto sa
anumang pambansa at lokal na halalan, kahit matapos na pagsilbihan ang sentensiya
maliban kung pagkalooban ng ganap na pardon.

Sinumang kasapi ng Lupon at ng Secretariat nito, opisyal na pampubliko, kawani ng


isang ahensiya o sinumang pribadong indibidwal na inatasang ipatupad ang Batas na
ito na gagamitin sa maling paraan, nanakawin, o ilalaan sa di-dapat ang mga pondo
para sa kabayaran sa mga HRVV o magsasagawa ng panlilinlang sa pagpoproseso ng
mga dokumento at claim ng mga HRVV, o makikipagsabwatan sa sinumang indibidwal
upang isagawa rin iyon, ay lilitisin din.

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 12
Sinumang kasapi ng Lupon at ng Secretariat nito, opisyal na pampubliko, kawani ng
isang ahensiya o sinumang pribadong indibidwal na inatasang ipatupad ang Batas na
ito na napatunayang nagkasala ng alinman o lahat ng ipinagbabawal na gawaing
binanggit sa sinundang talata, o ng mga gawaing mapaparusahan sa ilalim ng Binagong
Kodigo Penal ay paparusahan sa ilalim ng mga kaugnay na probisyon ng Kodigo at mga
kaugnay na espesyal na batas penal.

SEK. 26. Talaan ng mga Biktima. — Ang mga taong HRVV, maging sila man ay humingi
ng kabayaran o hindi, ay bibigyan ng pagkilala sa pamamagitan ng paglalagay ng
kanilang mga pangalan sa isang Talaan ng mga Biktima ng Karapatang Pantao na
ihahanda ng Lupon.

Isang Memoryal/Museo/Aklatan ang itatatag bilang parangal at sa alaala ng mga


biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao na ang mga pangalan ay ilalagay sa
Talaan. Isang kalipunan ng kanilang mga sakripisyo ang ihahanda na maaaring tingnan
at sangguniin sa internet. Ang Memoryal/Museo/Aklatan/Kalipunan ay magkakaroon ng
hindi bababa sa Limang daang milyong piso (PHP500,000,000.00) mula sa naipong
interes ng Sampung bilyong pisong (PHP10,000,000,000.00) pondo.

Maaari ding ilantad ang Talaan sa mga ahensiya ng pamahalaan na maitatalaga ng


HRVV Memorial Commission na nililikha rito sa ibaba.

SEK. 27. Human Rights Violations Victims’  Memorial Commission. — Nililikha rito ang
isang Komisyon na kikilalanin bilang Human Rights Violations Victims’ Memorial
Commission, at tatawagin mula rito bilang Komisyon, pangunahin para sa pagtatatag,
pagbawi, pagpapanatili, at pag-iingat ng Memoryal/Museo/Aklatan/Kalipunan bilang
pagpaparangal sa mga HRVV sa panahon ng rehimeng Marcos.

Ang mga kapangyarihan at gampanin ng Komisyon ay hahawakan ng Lupon ng mga


Trustee na bubuuin ng mga sumusunod: Tagapangulo ng CHR bilang Tagapangulo;
Tagapangulo ng National Historical Commission bilang Katuwang na Tagapangulo; at
ang mga Tagapangulo ng CHED at National Commission on Culture and the Arts
(NCCA), ang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, at Puno ng Pangunahing Aklatan ng
Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman bilang mga kasapi.

Ang Lupon ng mga Trustee ang may kapangyarihang tumanggap at magtalaga ng mga
opisyal nito at kawani, tumanggap ng mga donasyon at grant para at sa ngalan nito, at
lumikha ng rebenyu para sa pakinabang ng Komisyon.

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 13
Ang Komisyon ay ikakawing sa CHR para lamang sa mga layunin ng pagbabadyet at
administrasyon. Ang badyet para sa operasyon ng Komisyon ay magmumula sa Batas
Pangkalahatang Apropyasyon.

Makikipag-ugnayan at makikipagtulungan din ang Komisyon sa DepED at sa CHED


upang matiyak na ang pagtuturo ng mga karahasa ng Batas Militar, ang mga buhay at
mga sakripisyo ng mga HRVV sa ating kasaysay ay kasama sa mga kurikulum ng
edukasyong batayan, sekundaryo, at tersiyaryo.

KABANATA V

MGA PANGWAKAS NA PROBISYON

SEK. 28. Mga Gabay para sa Implementing Rules and Regulations (1RR). — Sa


pagpapatupad ng Batas na ito at sa pagbubuo ng mga katumbas na mga tuntunin at
regulasyon, at upang matiyak na lahat ng aplikasyon ay natingnan nang wasto para sa
mga mapanlinlang na claim, kinakailangang magpakita ng Lupon ng:

(a) Pagiging bukas sa pagpoproseso ng mga claim;

(b) Isang paraan na magpapahintulot sa sinuman upang labanan ang isang aplikasyon o
claim sa dahilang isa itong panlilinlang, katha, o peke at nagbibigay rito ng pagkakataon
upang tanungin iyon at magharap ng ebidensiya bilang suporta roon; at

(c) Isang paraan na mabilis at agaran nang hindi naisasaalang-alang ang mga
pundamental na karapatan ng sinumang panig.

Sa loob ng labinlimang (15) araw mula sa araw ng organisasyon nito, ang Lupon ay
magpapatibay ng kinakailangang IRR at mga hakbang para sa mabisang pagpapatupad
ng Batas na ito. Ang IRR ay magkakaroon ng bisa labinlimang (15) araw matapos ang
publikasyon nito sa dalawang (2) pambansang pahayagan na may malawakang
sirkulasyon.

SEK. 29. Panahon ng Paggawa; Sugnay ng Pagsasara.  — Tatapusin ng Lupon ang


gawain nito sa loob ng dalawang (2) taon mula sa pagkakabisà ng IRR na pinagtibay
nito. Matapos ang panahong iyon, magiging functus officio ito.

SEK. 30. Sugnay ng Pagkakahiwalay. — Sa kung anumang dahilan at ang anumang


seksiyon o probisyon ng Batas na ito ay ipahayag na hindi sang-ayon sa konstitusyon o
walang bisa, ang ibang mga seksiyon o mga probisyon na hindi naapektuhan mula roon
ay mananatiling may ganap na puwersa at bisà.

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 14
SEK. 31.  Sugnay na Pambawi. — Lahat ng batas, dekreto, kautusang tagapagpaganap,
mga tuntunin at regulasyon, at iba pang inilabas o bahagi ng mga iyon hindi naaayon sa
mga probisyon sa Batas na ito, kasama na ang Seksiyon 63(b) ng Batas Republika Blg.
6657, sang-ayon sa pagsusog dito, na kilala rin bilang Batas sa Malawakang Repormang
Agraryo ng 198 at Seksiyon 40(a) ng Batas Republika Blg. 7160, na kilala rin bilang
Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng 1991, ay binabawi rito, binabago, o sinususugan
nang naaayon dito.

SEK. 32. Sugnay ng Pagkakabisà. — Ang Batas na ito ay magkakaroon ng bisà sa loob


ng labinlimang (15) araw matapos ang kompletong publikasyon nito sa Official Gazette
o sa dalawa (2) man lamang pahayagang pambansa na may malawang sirkulasyon.

Inaprubahan,

(Lagda) FELICIANO BELMONTE JR.


(Lagda) JUAN PONCE ENRILE
Ispiker ng Mababang Kapulungan
Pangulo ng Senado
 

Ang Batas na itong konsolidasyon ng Panukalang Batas sa Mababang Kapulungan Blg.


5990 at Panukalang Batas sa Senado Blg. 3334 ay tuluyan nang naipasa ng Mababang
Kapulungan at Senado noong 28 Enero 2013.

(Lagda) EMMA LIRIO-REYES (Lagda) MARILYN B. BARUA-YAP

Kalihim ng Senado Kalihim-Heneral  Mababang Kapulungan

Pinagtibay: 25 PEB 2013

(Lagda) BENIGNO S. AQUINO III


Pangulo ng Pilipinas
GAWAIN:

Ibigay ang mga nilalaman ng mga sumusunod na batas.

1. Batas Republika Blg. 7877 o Batas laban sa Sekswal na panliligalig ng 1995


2. Batas Republika Blg. 8358 o Batas laban sa pangagahasa 1997
3. Batas Republika Blg. 9208 o Batas laban sa Pangangalakal ng Tao/Bentahang
Tao ng 2003

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 15
4. Batas Republika Blg. 9262 o Batas laban sa Karahasan laban sa mga babae at
Bata ng 2014.

Modyul 4 (SOSLIT)
RCMabana Page 16

You might also like