You are on page 1of 29

YUNIT 5

BATAYANG KAALAMAN SA MGA TEORYA SA


PANANALIKSIK NA AKMA O MULA SA LIPUNANG
PILIPINO
PANIMULA

• Isang mahalagang pagsasaalang-alang ang pagpili ng batayang teoretikal sa pagsasagawa


ng pananaliksik. Sa pamamagitan nito ay mas nagiging malalim ang pananaliksik.
• Ano ba ang teorya?
Maaari itong itumbas sa mga salitang prinsipyo, batas, at doktrina.
Maari din itong itumbas sa mga salitang ideya, hipotesis at postulado.
Sa larangan ng matematika, ang teorya ay isang katawan ng mga prinsipyo o theorem na
kabilang sa isang paksa.
Maaari din itong gamitin sa agham at sining.
• Mahalaga ang batayang teoretikal sapagkat kailangan ito sa isang sulating pananaliksik.
PAANO GUMAWA NG BATAYANG TEORETIKAL
1. Piliin ang konseptong aaralin.
2. Bigyang depinisyon ang mga modelo, teorya at konseptong gagamitin
3. Ipaalam kung ano ang kahalagahan ng pananaliksik
MGA LAYUNIN

1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na


sanggunian sa pananaliksik.
2. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Pilipino sa iba’t ibang
larangan.
3. Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang konteksto.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas
ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.
LUNSARAN

• Ipaliwanag ang ugnayan ng pananaliksik, lipunan at komunidad.


MGA DISKURSO SA NASYONALISMO

• Ayon sa Philippine Cultural Education , ang nasyónalismo ay isang sistema ng


paniniwala o ideyolohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng
bansa, ng identipikasyon nang may pagmamalaki sa kultura at tradisyon ng bansa, at ng
paglulunggating matamo ang pambansang pagsulong.
• Sa Philippine EJournals naman ay sinabing ang nasyonalismo o makabayang pilosopiya
ay tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng
paninindigan, karapatan, diwa, at pakikisangkot para sa lipunan.
PAANO BA MAIPAPAKITA ANG PAGIGING ISANG
NASYONALISMO
• Pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagiging isang disiplinadong mamamayan.
• Pagpapahalaga sa wikang Filipino.
• Tangkilikin ang sariling produkto ng bansa.
• Pagpapahalaga sa likas na yaman ng bansa.
• Ayon sa akdang “ Nationalism ” (2009) ni Anthony Smith, dating propesor sa London School of
Economics , ang mga kahulugan ng nasyonalismo ay maaaring nagmula sa pagkakaroon ng nasyon.
Ayon kay Smith, dalawang uri ang kinabibilangan ng mga kahulugan ng nasyon—ang objective factors
at ang subjective factors . Ang objective factors ay mga kahulugang nakatuon sa wika, relihiyon, asal,
teritoryo, at institusyon. Ang sinaunang kahulugan ng nasyonalismo na nakabatay sa geographical
notion o pagsasama-sama ng mga tao sa iisang teritoryo ay isa sa mga halimbawa ng objective factors
mula sa akda ni Smith . Idinagdag ni Lopez, propesor ng Literature sa Faculty of Arts and Letters ng
UST, na ang mga naninirahan sa iisang teritoryo ang bumubuo ng nasyon at ang pananatili nila sa
bansa ang nagiging sukatan ng nasyonalismo.Samantala, ang subjective factors naman ay tumutukoy sa
mga kahulugang nakasentro sa mga saloobin, pang-unawa, at sentimyento ng mga mamamayan .
• Sa aklat nina San Juan et al, (2019), nabanggit na sa isang bansang dating kolonya gaya
ng Pilipinas, isa sa mga karaniwang lente ng pagsipat sa mga pananaliksik ang mga
diskurso sa nasyonalismo. Isang magandang halimbawa ng pagdidiskurso sa
nasyonalismo ang “ Miseducation of the Filipino ” ni Renato Constantino, na malayang
isinalin ni Martinez sa Filipino bilang “Lisyang Edukasyon ng mga Pilipino.” Sa
nasabing artikulo , sinuri ni Constantino ang kasaysayan ng edukasyon sa bansa,
partikular ang sitwasyon nito sa panahong direktang kolonya pa ang Pilipinas.
• Ilan sa mga halimbawa ng mga akdang nasulat ng ating mga bayani na tumatalakay sa
nasyonalismo ay kinabibilangan ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” at sanaysay na
“Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres Bonifacio, ng “Kartilya ng Katipunan”
at ng sanaysay na “Ningnging at Liwanag” ni Emilio Jacinto. Ang mga pagsusuri sa mga
akda ng mga bayaning Pilipino ay mainam ding sanggunian para sa mga diskurso hinggil
sa nasyonalismo, gaya ng sanaysay na “Ang Apat na Himagsikan ni Francisco Balagtas”
ni Lope K. Santos at ang artikulong “Perspetibo, Realismo, at Nasyonalismo” ni Rolando
Tolentino.
TEORYANG DEPENDENSIYA

• Ang teoryang dependensya na kilala rin sa tawag na Teoria de la Independencia o Teorya


ng Dependensiya at nakaugat sa Amerika Latina . ay ang paniniwala na ang
pinagkukunang-yaman ay dumadaloy mula sa "silid" ng nasa mahihirap na kalagayan
tungo sa "sentro" ng mayayamang estado , kung saan ang kapalit ng pag-unlad ay ang
paghirap ng isa. Ayon kina Raul Prebisch at Thetonio dos Santos, ang pagsasamantala ng
mga bansang industriyalisado sa mga bansang mahihirap ay sa pamamagitan ng
Neokolonyalismo, sa ekonomiya na nakaapekto rin ng malaki sa sistemang politikal at
kultural ng bansa.
Neokolonyalismo – impluwensyang panlipunan at pangkultura ng mga mananakop. Ito ay
impluwensya na walang ginamit na military o politikal na kontrol para makamit.
Ang salitang “neo” ay nangangahulugang “makabago”. Sa pamamagitan ng ekonomikal na
paraan. Isa sa mga pangunahing layunin ng neokolonyalismo ay ang pagsakop sa mga
mahihirap na bansa at kontrolin ito.
MARXISMO

• Ito ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa ugnayan at


hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng
takbo ng kasaysayan at diyalektong pananaw ng pagbabago ng lipunan.
• Ipinapakita nito ang pagtutunggali o paglalaban ng dalawang magkasalungat na pwersa.
• Ang Marxismo naman sa Piilipinas (San Juan, 2019) ay karaniwang ginagamit sa
panunuring pampanitikan.
MARXISMO

Itinataguyod ng Marxismo ang materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng lipunan, simula sa


gawaing pang-ekonomiya na kinakailangan ng sangkatauhan upang matugunan ang mga
materyal nitong pangangailangan. Ang anyo ng kaayusang pang-ekonomiya o paraan ng
produksiyon ay nauunawaang batayan kung saan nagmumula o direktang naiimpluwensiyahan
ang karamihan ng iba pang panlipunang penomena, gaya ng ugnayang panlipunan, sistemang
pulitikal at legal, moralidad at ideolohiya. Habang humuhusay ang mga puwersa ng
produksiyon (lalo na ang teknolohiya), ang mga kasalukuyang anyo ng kaayusang panlipunan
ay nagiging kabaligtaran naman at siyang pumipigil sa lalo pang pag-unlad. Lumalabas
angkawalang-husayang ito sa mga kontradiksiyon sa lipunan sa anyo ng tunggalian ng uri.
FEMINISMO

• Ang Feminismo ay maituturing na malapit sa Marxismo ay isa ring batayang teoretikal.


Ang pokus Feminismo ay nakatuon sa pang-aapi o pagsasamantala sa isang partikular na
kasarian.
PANTAYONG PANANAW

• Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong konspto na tumutukoy sa anumang kalipunan na


nagtataglay ng pinag-isa at panloob na artikulasyon ng linggwistik – kultural na istruktura ng
komunikasyon at interaksyon ng kahalagahan ng pagkakaisa ng layunin at dahilan ng pananatili.
• Ang pantayong pananaw (San Juan, et.al, 2019) ay isang konsepto at hinuha ng multiliggwal na
historyador na sir Dr. Zeus A. Salazar mula sa Unibersidad ng Pilipinas na nag-aadhika ng isang
nagsasariling diskurso ng mga Pilipino sa wikang pambansa para sa kasaysayan at agham
panlipunan. Napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw sa pagkakaugnay – ugnay ng mga
katangian, halagahan, kaalamn, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng isang
kabuuang pagkalinangan.
MAY TATLO (3) MAHAHALAGANG SANGKAP
ANG PANTAYONG PANANAW
1. Dulog etic at emic – tumutukoy ito sa dalawang sangay ng pananaliksik batay sa
pananaw,. Ang emic ay tinitingnan mula sa pangkat ng lipunan mula sa perspektiba ng
paksa o subject. Ang etic ay tinitingnan mula sa labas o perspektiba ng mga tagamasid.
2. Pag-unawa at pagpapaliwanag – Ang pinakamahinang posisyon ay ikinukonsidera ang
parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang paggamit ng emic sa mga diskusrso
ng pantayong pananaw basta ang higit na nakararaming teskto na nakasulat ang
pagpapalitan ng berbal na komunikasyon ay ginagamitan ng Filipino.
3. Suliranin ng ideolohiya – ang panggitnang posisyon ay ang pagbibigay ng prebilehiyo o
prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaban ng konsepto, habang
inilalayo ang huli sa prinsipyo.
PANTAWANG PANANAW

Ipinaliwanag ng isang sosyolohista na maraming Pilipino ang pinaniniwalaan na kanilang


kakampi ang pag-asa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Ayon kay Bro. Clifford
Sorita, sa panayam sa kanya ni Apples Jalandoni (2018) na higit sa kaligayan ay
mayroong tatlong (3) “F” na kayamanan ang lipunan:
1. Faith
2. Family
3. Friends
Dalawang salita na bumubuo sa kontekstong pantawang pananaw:
• Pagtawa – tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahan ng isang tao. Sa isang
artikulo ni Dr. Salvo (2017) ang pagtawa ay nakakahawa sa kapaligiran. Ang epekto ng
endorphin ang makakapagpaliwanag kung bakit ang pagtawa ay nakakahawa. Ang
pagpapalaganap ng endorphin sa pamamagitan ng pangkat ay nagsusulong sa
kahalagahan ng pagsasama at kaligtasan. Ang bawat utak sa yunit ng lipunan ay ang
tagapaghatid ng mga nasabing nararamdaman na nagtutulak sa nararamdamang kabutihan
sa ibang utak sa pamamagitan ng pagtawa.
• Ang pagtawa ay may objek na pinanggagalingan.
• Sa pagsusuri ni Nuncio, mariing pinapahalagahan ang kakayanan ng tawa upang
pagaanin at pasayahin ang kalagayan ng buhay ng tao. Sa ngiti, hagikhik, halakhak
naibubulalas ang tanging paggapi sa kalungkutan. Sa tawa ngakakaroon ng pagtudling sa
sakit at pag-ahon upang purgahin ang emosyon ng tao mula sa kabigatan ng saloobin o
damdamin.
• “Laughter is the best medicine and humor is the spice of life”.
• Ang paghahalo ng imahinasyon at libido ng tao upang kilitiin ang sexual na sensibilidad
ay nagiging katawa – tawa rin; ito ang tinaguriang green jokes o toilet humor.
LIMANG ELEMENTO NG PANTAWANG PANANAW

1. Midyum
2. Konteksto
3. Kontent o anyo
4. Aktor
5. Manonood
• Ang midyum ay daluyan na kung saan nagiging laganap o natatangi ang pantawang
pananaw. Kasama rin sa elementong ito ang lunan o situs ng daluyan. Halimbawa sa
entablado, sa kalye, radyo at telebisyon. Samantala nakapaloob din sa daluyang ito ang
iba’t ibang anyo na kinabibilangan ng kwentong bayan, entremes, sainete, drama,
bodabil, dulang panradyo at impersonasyon bilang palabas sa telebisyon.
SIKOLOHIYANG PILIPINO

• Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang pagkilala rito ay tumutukoy sa pag-aaral


ng isip, diwa, at asal. Ito ay siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at sa tungkulin
nito lalo na ang nakakaapekto sa kilos.
• Unang nilinang ni Virgilio Enriquez ang mga ideya kaugnay ng Sikolohiyang Pilipino.
Ayon s kanya, ang sikolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
etnisidad, lipunan at kultura ng tao at ang gamit nito sa sikolohikal na pagsasanay ng
katutubong karunungan na nag-uugat sa etnikong pamana at kamalayan ng tao.
TATLONG (3) ANYO NG SIKOLOHIYANG PILIPINO

1. Sikolohiya sa Pilipinas – tumurukoy sa lahat ng mga pag-aaral, libro at sikolohiyang


makikita sa Pilipinas, banyaga man o maka-Pilipino.
2. Sikolohiya ng Pilipino – tumutukoy sa lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at mga
konsepto sa sikolohiya na may kinalaman sa mga Pilipino.
3. Sikolohiyang Pilipino – bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyon ng sa Pilipinas.
BAKOD, BUKOD, BUKLOD

• Bakod – isang patayong istruktura na nakapaligid sa isang sukat ng lupa.


• Bukod – tangi, tangi sa rito, nakahiwalay o hiwalay.
• Buklod – bangkat, balangkat, kalupkop, bigkis, tali, tangkas at bitling.
Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon
Konsepto
Bakod Heograpiya – sakop at saklaw, dimensyon, Pagbabakod
at lawak ng nasasakupan Patakaran ng segregasyon
  batay sa dibisyon ng mga uri sa
Pisikal na bakod at dibisyon ng mall – floor lipunan
plan, bilang gabay sa pagsusuri ng gender,  
komodipikasyon ng espayo at uri sa loob ng Mga bakas ng espasyo ng
mall dating pamilihan
 
Biswal na bakod – sikolohikal na hadlang at Bakuran ng mall na
sikolohikal na panghihikayat ipinahihiwatig ng biswal at
pisikal na kinalalagyan nito sa
siyudad

Pananda ng kaunlaran at
konsumeristang lipunan habang
balot ng suliranin at kahirapan
ang labas ng mall
 
Operasyonalisasyon ng midya
at advertisement para likhain
ang mood at mentalidad ng
pagkonsumo.
Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon
Konsepto

Bukod Pagsasantabi o eksklusyon Pagbubukod


Sentralisasyon at mardyinalisasyon Epekto ng pagbabakod ang
Konstruksyon ng kasarian pagbubukod
Ang espasyo ng komersya ay
isang politikal na larangan ng
mga nagtutunggaling puwersa
sa lipunan.
Nailulugar sa ganitong
pagbubuklod ang sentral at
laylayang kinalalagyan ng mga
tao at ang maselang epekto nito
sa konstruksyon ng kanilang
identidad at lokasyon ng
kanilang kapangyarihan.
Pangunahing Analitikal na Panukat Konseptwalisasyon
Konsepto

Buklod Pormasyon ng sabjek Pagbubuklod


Etnisitasyon ng global na kultura May epekto ang pagbabakod,
Multiplikasyon ng mga uri sa mall pagbubukod sa pagbubuklod ng
mga uri ng tao sa mall at sa
lipunan.
Mula sa biswal at espasyal na
kayarian, naikakahon ang
gender, pananaw-mundo, at
uring panlipunan ng mga tao.

You might also like