You are on page 1of 15

Proseso ng Pagsulat ng

Sulating Pananaliksik

G. Mar Anthony Simon dela Cruz


Ikalawang Semestre, 2014-2015
 Maisa-isa ang iba’t ibang uri o anyo ng tala at
angkop na paggamit ng mga ito; at

 Magawa ang mga naturang tala gaya ng


direktang sipi, presi (precis), hawig
(paraphrase), at salin.
 Gawin ito kung sa palagay mo, magandang sipiin
ang isang bahagi ng akda.

 Nagdadagdag ito ng bigat sa argumento.

 Tiyaking hindi sobra ang haba ng sisipiin na halos


buong parte na ng papel ay galing sa ideya ng iba.

 Lagyan ng panipi (“ “) ang mga tala para makilala


bilang direktang sipi.
 Lagyan ng elipis (…) ang sipi kung may bahagi na
piniling hindi sipiin pero nasa gitna ng talata.
Halimbawa:

 “In the discourse perspective on media language,


the analysis of texts is not treated in isolation from
the analysis of discourse practices and socio-cultural
practices… between the texts that are in focus and
other dimensions of the framework” (Fairclough,
2008, p.4).
 Lagyan ng elipis (…) ang sipi kung hindi na tinapos
ang pangungusap o talata. Halimbawa:

 “In the discourse perspective on media language,


the analysis of texts is not treated in isolation from
the analysis of discourse practices and socio-cultural
practices…” (Fairclough, 2008, p.4).
 Lagyan ng elipis (…) kung may hindi siniping bahagi
mula sa simula at gitna ng talata. Halimbawa:

 “…the analysis of texts is not treated in isolation


from the analysis of discourse practices and socio-
cultural practices… between the texts that are in
focus and other dimensions of the framework”
(Fairclough, 2008, p.4).
 Salitang Pranses na nangangahulugang “pruned or
cut-down statement.”

 Ito ang pinakakatas ng isang talata o artikulo.

 Isang uri ng buod kung saan itinatala ang


pinakamahalagang kaisipan at suportang detalye.

 Ang talatang presi ay karaniwang higit sa 10%,


ngunit hindi hihigit sa 50% ng orihinal na teksto.
 Basahin ang kabuuan ng teksto.

 Hanapin ang pangunahing ideya o paksang


pangungusap.

 Gamitin ang sariling salita ngunit panatilihin


ang estilo o punto de bista ng awtor ng
orihinal na teksto.
 Pinananatili rito ang buong orihinal na
kaisipan ng tala, ngunit ginagamit ng
mananaliksik ang sariling salita at hindi ang
salita ng orihinal.

 Maaaring mas maikli o higit na mahaba kaysa


orihinal na teksto.
 Rewording. Gamitin ang sariling salita. Hanapin ang
kasingkahulugan ng mga salita.

 Gumamit ng mga simpleng salita o pangungusap


para mas maunawaan ito ng mambabasa.

 Maaaring magpaliwanag, ngunit hindi dapat


magdagdag ng mga impormasyong wala sa
orihinal.
 Ang pagsasalin ay ang paglilipat ng ideya
mula sa isang wika tungo sa isa pa.

 Makadadagdag sa ikalilinaw ng ideya ang


pagsasalin.

 Isang kontribusyon ng mananaliksik na


maisalin kahit isang bahagi man lang ang
akdang gagamitin sa pananaliksik.
 Alamin ang konteksto

 Tiyakin ang kahulugan ng mga idyoma

 Iwasang maging literal

 Huwag na munang isalin ang mga salitang


teknikal at siyentipiko kung walang angkop,
tiyak, at tamang katumbas nito.
Dahil nasa tapat lamang ng bahay at mga lutong bahay na ito, kahit sino
ay pwedeng magluto at magtinda. Bagamat mayroon talagang mga
nakilala sa kanilang pagluluto, kung mapapansin, kahit matagal nang
bahagi ng pagkain ng mga tao ang mga lutuing ito, walang isang
malawakang industriyang nabuo para sa mga nabanggit na mga pagkain.
Oo, ginawa itong hanapbuhay ngunit tradisyon din ang pagluluto ng mga
ito. Gawain itong ipinasa’t minana ng mga magluluto sa kanilang pamilya.
Ibinibenta ito para sa isang kaanak. Sa mahabang panahon, ang diwa ng
pagbebenta ay di para sa kumpetisyon at tubo. Kung meron man nito,
sekondaryong konsiderasyon na lamang ito. Ang diwa ng pagbabahagi
ang siya pang nagbibigay daan upang paglapitin at pagtagpuin ang mga
tao. Hindi lamang panlaman ng sikmura ang niluluto’t kinakain ng mga
tag-Angono. Nalalaman din nito ang diwa’t pagpapahalaga sa pamilya,
kapwa, pakikipagkapwa-tao at pagkakaisa na nagpapatibay sa kulturang
bayan.
 Ang pagluluto ng pagkaing Angono ay isang
hanapbuhay ngunit isa ring pamanang
tradisyon kung saan higit na nagingibabaw
ang mga diwang nagpapatibay sa kanilang
kultura.
 Ang pagluluto ay hindi lamang isang gawaing
pinagkakakitaan ng mga taga-Angono. Isa rin
itong mahalagang elementong pangkultura
na ipinamana sa mga nagdaang henerasyon.
Ang mga diwang nangingibabaw at
pinahahalagahan sa tradisyong ito ang higit
na nagpapalabas at nagpapatibay sa malakas
at matibay nang kultura ng mga taga-
Angono.

You might also like