You are on page 1of 115

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
Kahalagahan at Kabuluhan
ng Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Eksplorasyon sa
Pananaliksik: Pagpili ng
Paksa, Pagbuo ng Tesis na
Pahayag at Balangkas
• Sinasabing ang mabisang pananaliksik
ay nakabatay sa makabuluhang
suliranin na tinatawag na gap.
• Ang pagpapasya sa isyu o gap ng
pananaliksik ang pangunahing
kailangang isaisip ng mananaliksik sa
pormulasyon ng pipiliing paksa, pagbuo
ng pahayag sa tesis, at gabay sa
pagbabalangkas.
Katangian ng mahusay na
paksa sa larangan ng wika
at kultura:
1. Tiyaking ang paksa ay
malapit sa interes ng
mananaliksik at
pagkokonsidera sa kapakanan
ng paksa.
2. Makapagtitiyak ng
sapat na materyales o
sanggunian.
3. Makabubuo ng mga
tiyak na suliranin at
haypotesis.
4. May katangiang
napapanahon at nakapag-
aambag sa kasalukuyang
kalagayan o phenomena sa
larangan ng wika at kultura.
5. May matibay na kaugnayan
at kabuluhang
mapaglalapatan ng angkop at
malayang metodo o
pamamaraan.
6. Paksang
makapagpapayaman sa pang-
unawa, pagdalumat, at
pagpapahalaga sa anomang
isyu o usapin sa larangan ng
kultura at wika.
Ilan sa mga panukalang
istratehiya ng University of Illinois
na maaaring isagawa sa
pagpopokus ng isang malawak na
paksang pampananaliksik
1. Lumikha ng
tentatibong pokus
2. Itala ang mga nilalaman
sa paksa o mga tanong
tungkol sa paksa at hanapin
ang higit na interesante
3. Magsaliksik ukol sa
kaligirang impormasyon ng
paksang napili
4. Magpasya para sa
partikular na perspektiba o
pananaw sa napiling paksa
5. Limitahan ang
pagsasaliksik sa tiyak na
panahon.
Marapat na isaalang-alang sa pagpili ng
paksa kung para kanino ang gagawing
pananaliksik, na magtitiyak sa benepisyo ng
kaalamang panlahatan na lilikha ng mga
mambabasang mapag-isip, may bukas na
pag-iisip at may matatalas na pag-iisip.
(Simbulan, 2008)
Pokus sa Paglilimita ng Paksang Pampananaliksik

• Uri
• Panahon
• Grupong kinabibilangan
• Perspektiba
• Edad
• Kasarian
• Lugar
Pokus sa Paglilimita ng Paksang Pampananaliksik

Halimbawa:

“Pagbabanghay sa Iba’t Ibang Imahe ng


Kababaihan sa Piling TV Adbertisment”
Ilang Tips sa Pagsulat ng Tesis na
Pahayag
(Online Writing Lab by Purdue
University)
1. Tukuyin ang uri ng papel na isusulat batay sa
katangiang analitikal (pagtalakay sa isyu at
ebalwasyon ng isyu o ideya ng madla), ekspositori
(layuning magpaliwanag sa madla), o
argumentatibo (pagbuo ng katuwiran ukol sa isang
paksa at pagigiit ng tiyak na katibayan; maaaring
ang katuwiran ay isang opinyon, panukalang
polisiya, isang ebalwasyon o sanhi at bunga, o
interpretasyon).
2. Kinakailangang maging tiyak
ang tesis na pahayag at
kinakailangang saklawin lamang
nito ang tatalakayin sa papel na
sinusuportahan ng mga tiyak na
patunay.
3. Kadalasang inilalagay ang tesis
na pahayag sa katapusan ng
unang talata ng papel.
4. Maaaring mabago ang paksa
habang nagsusulat, kung kaya
maaaring rebisahin ang tesis na
pahayag batay sa pagkakatalakay
sa papel.
Pagkalap ng Datos sa
Pananaliksik: Mga Hakbang,
Lapit at Pamamaraan
Klasipikasyon ng Datos:
1. Nakasulat o hindi nakasulat na datos
• Maituturing ang datos bilang nakasulat na datos kung
mayroong limbag na dokumentong kaakibat nito.
• Kabilang dito ang mga libro, journal, magasin,
pahayagan, liham, awtobiyograpiya, kronika, mapa,
larawan, kalendaryo, at iba pang kasulatan.
• Ang mga hindi nakasulat na datos ay pasalitang
panitikan, sining audio-biswal, iba’t ibang labi, fossil,
artifact, at iba pang katulad nito.
Klasipikasyon ng Datos:
2. Primarya, Sekondarya, o Terserang Datos
• Naituturing na primarya ang datos kung
kapanahong saksi at may tuwirang kaugnayan
ito sa pinag-aaralang paksa.
• Primarya ang datos kung nanggaling ito mismo
sa tinutukoy na pangyayari sa paksang pinag-
aaralan. (Evasco et al., 2011)
Klasipikasyon ng Datos:
2. Primarya, Sekondarya, o Terserang Datos
• Sekondarya ang datos kung hindi ito
kapanahong saksi ng paksang pinagtutuunan at
gumamit lamang ng mga primaryang datos.
Klasipikasyon ng Datos:
2. Primarya, Sekondarya, o Terserang Datos
• Terserang datos ang turing sa mga sangguniang
gumamit, nagtipon, at naglagom ng mga
primarya at sekondaryang datos.
Lapat at Paraan sa
Pangangalap ng Datos
Pananaliksik sa Laboratoryo

• Tumutukoy sa ginagawang
pag-eeksperimento ng mga
nasa larangan ng agham
pangkalikasan.
Pananaliksik sa Laboratoryo

• Ang datos ay nakukuha mula


sa kahihinatnan ng
ginagawang eksperimento.
Pananaliksik sa aklatan o sa lugar na pinaglalagakan ng
mga dokumento at impormasyon

• Tumutukoy sa pangangalap ng datos


mula sa dokumento at babasahing
makikita sa aklatan, artsibo o
sinupan, Internet, pribadong
koleksiyon, simbahan, munisipiyo,
museo, at iba pa.
Pananaliksik sa larangan

• Tumutukoy sa mismong
pagtungo sa pook ng
pinag-aaralang paksa.
Pananaliksik sa larangan
• Mahalagang maisaalang-alang sa ganitong lapit ang
pakikipagkapuwa ng mananaliksik sa kaniyang
kalahok. Nararapat kilalanin ng kalahok hindi lamang
bilang tagapagbigay ng impormasyon, kundi bilang
kapuwa tao. Kongkretong manipestsyon nito ang bukal
na pakikipagkaibigan sa kalahok at hindi lamang para
sa layuning makapangalap ng impormasyon. Gayundin
esensiyal ang paggamit ng ng katutubong wika o
diyalekto sapagkat tanging taal na wika ng mga
kalahok lamang nila maipapahayag ang kaniyang
ideya, damdamin, pananaw at pag-uugali.
(Pe-Pua, 2005).
Pananaliksik sa larangan
• Ilan sa mga katutubong paraan ng
pananaliksik ay pagtatanong-tanong,
pakikipagkuwentuhan,
nakikiugaling pagmamasid,
pagdalaw-dalaw, panuluyan, at
pakikipagtalakayan.
Interbyu Bilang Paraan
sa Pagkuha ng Datos
• Isa sa mga popular na paraan sa
pangangalap ng datos ang pagsasagawa
ng interbyu.
• Ang paraang ito ay hindi
nangangailangan ng maraming
kagamitan – tanging recorder at sulatan
lamang – at ang komplikadong
kasanayan sa pakikipag-usap.
• Hindi nangangahulugang walang dapat
isaalang-alang sa pagpili ng interbyu
bilang paraan ng pangangalap ng datos
sa isang pananaliksik.
• Naglatag si Dencombe (2003) ng listahan
para sa pagpili at paghahanda sa
interbyu. Aniya kung isasagawa ang
nasabing paraan, mahalagang “oo” ang
sagot ng mananaliksik sa mga
sumusunod na katanungan:
1. Angkop ba ang pagsasagawa ng
interbyu kung pag-uusapan ang:
a. Paksa ng pananaliksik;
b. Pangangailangan sa detalyadong
impormasyon;
c. Akses sa kakapanayamin;
d. Kasapatan sa oras at pananalapi?
2. May malinaw ba akong
bisyon sa mga usaping
tatalakayin sa panahon ng
interbyu?
3. Maisasaayos ba ang
iskedyul ng mga interbyu,
sapat upang makabuo ng
transkripsiyon at analisis ng
mga ito?
4. Kumpiyansa ba akong ang
aking personal na
pagkakakilanlan ay hindi
magiging hadlang sa pagkuha ng
mga kakapanayamin, at sa
kanilang bukas at tapat na tugon
sa aking mga itatanong?
5. Nakapagsangguni at nakakuha
ba ako ng pahintulot sa awtoridad
para sa gagawing interbyu?
6. Malinaw ba sa akin ang
pamantayan sa pagpili ng
kakapanayamin?
7. Naisaayos o napili na ba ang
oras at pook ng interbyu?
8. May limitasyon ba sa oras ang
isasagawang interbyu at batid ba
ito ng mga kalahok?
9. Nabigyang-pansin ko na ba ang
angkop na paraan ng
pagpapakilala (estilo ng
pananamit, digri ng pormalidad,
at iba pa)?
Kaugnay ng mga nabanggit,
nakapagbigay rin sina
Constantino at Zafra (1997) ng
mga hakbang na nararapat
bigyang-pansin bago isagawa,
habang isinasagawa, at
pagkatapos isagawa ang interbyu:
1. Bago ang Interbyu
• Tiyakin ang taong iinterbyuhin
batay sa impormasyong nais mong
makuha. Hindi lamang ang mga
propesyunal kundi maging ng
karaniwang mamamayan ay
maaaring magsilbing awtoridad
batay sa paksang pag-uusapan.
1. Bago ang Interbyu
• Makipag-uganayan sa iinterbyuhin
at itakda ang petsa at lugar ng
interbyu nang may malinaw na
konsiderasyon sa tasa taong
iinterbyuhin.
1. Bago ang Interbyu
• Magsasaliksik tungkol sa paksa at
taong iinterbyuhin. Sa ganitong
paraan, natututukan ang proseso ng
interbyu ang pagpapalawak at
pagpapalalim ng impormasyon,
hindi ang mga batayang datos
lamang na maaari nang makuha sa
ibang sanggunian.
1. Bago ang Interbyu
• Maghanda ng mga gabay na tanong.
(Tandaan ang mga tanong ay gabay
lamang. Iwasan ang magpatali rito.
Mahalagang umangkop ang tanong
sa daloy ng usapan.
1. Bago ang Interbyu
• Ihanda ang mga teknikal na
kagamitan para sa interbyu gaya ng
tape o digital rekorder, panulat, at
sulatan.
2. Habang nag-iinterbyu
• Dumating sa itinakdang petsa, oras,
at lugar ng interbyu.
2. Habang nag-iinterbyu
• Magpakilalang muli sa iinterbyuhin at
talakayin sa kaniya ang kaligiran ng
paksa at layunin sa isasagawang interbyu.
2. Habang nag-iinterbyu
• Isagawa ang interbyu sa
pamamagitan ng epektibong
pagtatanong. Ibig sabihin, I big
sabihin, mahalagang lumikha ng
iba’t ibang uri ng katanungan na
may layuning magbukas ng paksa,
manghingi ng opinyon, magpalalim
ng ideya, at iba pa.
2. Habang nag-iinterbyu

• Magpasalamat sa pagpapaunlak
ng interbyu.
3. Pagkatapos ng Interbyu
• Lagyan ng wastong identipikasyon
ang tape na ginamit (o file kung
digital) sa interbyu (halimbawa:
Interbyu kay Dr. Rosario Torres-Yu
tungkol sa panunuring
pampanitikan, UP Faculty Center,
10 Abril 2015).
3. Pagkatapos ng Interbyu
• Gawan ng transripsiyon ang
interbyu. Upang ganap na
maorganisa ang transkripsiyon,
bukod sa mismong pahayag ng
kinapanayam, mahalagang maisama
ang mga sumusunod:
3. Pagkatapos ng Interbyu
Anotasyon
• Tumutukoy ito sa mga impormal na tala at
komento kaalinsabay ng mga pahayag ng
ininterbyu. Nakabatay ang anotasyon sa alaala
ng mananaliksik habang isinasagawa ang
interbyu. Kinapapalooban ito ng mga
obserbasyon sa ininterbyu – ang kaniyang kilos,
emosyon katahimikan, at iba pang hindi
naitatala sa salita.
3. Pagkatapos ng Interbyu
Line number at code
• Bawat linya ay makabubuting lagyan ng numero
upang maging madali ang paghahanap sa
anomang mahalagang pahayag. Gayundin,
mainam ding magbigay ng code o koda sa mga
ideyang lalabas sa pahayag upang maging madali
ang pag-oorganisa at analisis ng interbyu.
Halimbawa ng Transkripsiyon
• Pansinin sa transkripsiyon ang mga numero sa
gilid na nagpapakita ng haba ng interbyu.
• Tingnan din ang paglalagay ng koda na
maaaring tumutukoy sa iba’t ibang ideya –
“koda 5” para sa unang karasan sa pag-inom at
“koda 12 para sa reaksiyon ng mga kaibigan.
• Naglagay rin ng anotasyon upang ilarawan ang
iba pang bagay na hindi nahahagip ng rekorder.
• Mahalagang isaisip din sa reyalidad
ng interbyu ang mas maluwag na
gamit ng wika. Dagdag pa rito, sa
kaso ng mga pangkatang interbyu,
maaaring mangyari ang
pagsisingitan o pagsasaluhan sa
usapan.
Bentahe at Disbentahe ng
Pagsasagawa ng Interbyu
• Ang paggamit ng interbyu bilang paraan ng pangangalap
ng datos ay may mga bentahe at disbentahe.
• Makabubuting pakasuriin ang paggamit nito batay sa
kalikasan at kaangkupan sa sinasaliksik.
• Mainam na hindi lamang magpokus sa interbyu bilang
tanging paraan ng pangangalap ng datos.
• Nararapat na langkapan pa ang pag-aaral ng mga datos
na makukuha sa ibang paraan ng pangangalap ng datos
na makukuha sa ibang paraan gaya ng pananaliksik sa
aklatan.
Bentahe
• Lalim ng impormasyon
• Bagong ideya
• Kagamitan
• Pokus ng interbyu bilang tagapagbahagi ng
impormasyon
• Fleksibilidad
• Katumpakan (Validity)
• Mataas na antas ng pagtugon
• Nakalulunas
Disbentahe

• Mahabang oras
• Pagkamaasahan
• Interviewer effect
• Pagpipigil sa sarili
• Halagang gugugulin
Mga Hakbang at
Prinsipiyo sa Pagsulat ng
Saliksik
1. Pre-writing
• Tumutukoy ang yugtong ito sa lahat ng
paghahanda bago ang aktuwal na
pagsulat.
• Kinapapalooban ito ng mga tala mula sa
nakuhang datos, paghahain ng mga ideya,
pagbabalangkas, pagtitiyak sa mga
sanggunian, at pagsasaaayos ng mga
nabuong komento at punto.
2. Composing
• Yugto ng aktuwal na pagsulat ng
saliksik.
• Kadikit nito ang pagsasaayos ng
bibliograpiya at talababa(footnote),
paghahanda para sa presentasyon,
at pagbubuo ng introduksiyon at
konklusyon.
2. Composing
• Mabisang teknik sa yugtong ito ang free-writing.
• Sa free-writing, tuloy-tuloy na isinisulat ng
mananaliksik ang lahat ng ideyang pumapasok
sa kaniyang isipan.
• Sa nasabing paraan, ang mananaliksik ay hindi
tumitigil para basahin lamang ang kaniyang
naisulat at isaayos ang kaniyang gramatika,
gamit ng salita, o bantas.
2. Composing
• Hinahayaan din ng mananaliksik na dumaloy
ang lahat ng kaniyang ideya sa papel at saka na
lamang rerepasuhin matapos.
• Sa pamamagitan ng free-writing, napatatatag
ang ugnayan sa pagitan ng mabilis na dagsa ng
ideya at ng pagsulat.
3. Rewriting
• Yugtong tinatasa at nirerepaso ng mananaliksik
ang sulatin sa pamamagitan ng pagtitiyak sa
kaisahan ng mga ideya at pahayag, pagwawasto
sa maling gramatika, pagtitiyak na kinilala ang
mga sinangguni, at pagrerebyu sa tono at
paraan ng pagkakasulat.
3. Rewriting
• Para sa isang mananaliksik, karaniwang
dumadaan sa tatlo hanggang apat na
rebisyon ang sulatin.
Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbuo ng
saliksik (Denscombe, 2003):

• Inaasahan ng mambabasa
• Itinakdang kumbensiyon
Iba’t Ibang Bahagi ng
Saliksik
Introduksiyon
• Sikaping maging maikli sa
binubuong introduksiyon,
proposisyonal sa haba ng kabuuang
papel.
Introduksiyon
• Kinapapalooban ng mga impormasyon hinggil
sa:
a. Kaligiran o background ng paksa, kaugnay na
mahalagang isyu, suliranin, o ideya
b. Layunin ng pananaliksik
c. Depinisyon ng mga konseptong gagamitin
d. Sa mahabang sulatin, maaaring isama ang
lagom o overview ng saliksik.
Katawan
• Makatutulong ang paggamit ng titulo o subtitulo
sa kabuuan ng talakay upang ihudyat ang daloy
o pagbabago ng mga ideya sa isang sulatin.
• Ang mga ito ang magsisilbing signpost na
gagabay sa mambabasa.
• Marapat tandaan na tulad ng signpost,
nakaliligaw sa mambabasa ang kulang na
paggamit ng titulo at subtitulo sang-ayon sa
nabuong pinal na balangkas.
Katawan
• Gumamit ng mga salitang
transisyonal na siyang umaaktong
tagapag-ugnay ng mga ideya sa
papel.
• Iangkop ang tono at estilo ng
pagsulat batay sa kalikasan ng
ginagawang pananaliksik.
Konklusyon
• Kinapapalooban ng isa o kombinasyon ng
sumusunod:
a. Buod ng mga pangunahing ideyang nabuo sa
katawan ng saliksik.
b. Sipi o pahayag na naglalagom sa papel at maaaring
maging lunsaran ng pagtatalakay sa halaga ng papel.
c. Pagbalik sa ideyang binuksan sa introduksiyon.
d. Pagbubukas ng ilang usaping kaugnay ng nilinang
na paksa para sa susunod na pananaliksik.
Konklusyon
• Tiyaking matamo ang full circle effect.
• Ibig sabihin, malinaw ang:
a. Koordinasyon ng estruktura, na natatamo sa
pamamagitan ng pagbubuod ng mga pangunahing
ideyang pinanday sa loob ng saliksik.
b. Koordinasyon ng estilo, na natatamo sa
pamamagitan ng muling pagbanggit sa bahagi ng
konklusyon ng mga sitwasyon, imahen, talinghaga,
o tayutay na maaaring nabuksan sa introduksiyon.
Pagkilala
sa
Sanggunian
• Mahalagang kasanayang nararapat matutuhan sa
pananaliksik ang karampatang pagkilala sa
sanggunian.
• Ang hindi pagtukoy sa mga sangguniang libro,
artikulo, at iba pa ay malinaw na anyo ng plagiarism
na lumalabag sa pagiging matapat ng isang
mananaliksik.
• Kapag napatunayan, may kaukulan itong parusang
legal-mula bagsak na marka hanggang ssa pagbawi
sa pinagtapusang digri o kurso-bukod pa sa pagiging
hindi katanggap-tanggap ng binuong saliksik.
• Depende sa larangang kinapapalooban,
may iba’t ibang estilong ginagamit sa
paghahanda ng sanggunian.
• Ang mga estilong MLA, APA, at CMS-
Turabian ang mga nangungunang paraan
ng dokumentasyon sa mga pananaliksik
sa larangan mng agham panlipunan,
panitikan, at sining. (Evasco et al., 2011)
A. Estilong MLA (Modern Language Association)

• Pinakapopolar na estilo ng
dokumentasyon sa larangan ng
malayang sining (liberal arts) at
humanidades gaya ng wika,
literature, kasaysayan, at
pilosopiya.
A. Estilong MLA (Modern Language Association)

• Sa estilong ito, ipinapaloob sa


panaklong o parenthesis ang
pagkilala sa may-akda at
inilalagay sa loob mismo ng
teksto matapos ang salita o
ideyang hinalaw.
A. Estilong MLA (Modern Language Association)

Halimbawa:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon
sa Pilipinas ang pinakakomplikado
kung ikukumpara sa mga nabuong
palisi sa Malaysia at Indonesia
(Constantino 127).
A. Estilong MLA (Modern Language Association)

• Maaari din naming nakapaloob na


sa pangungusap ang pangalan ng
may-akda at ang pahina na lamang
ng libro ang nasa panaklong.
A. Estilong MLA (Modern Language Association)

Halimbawa:
Ayon kay Constantino, ang patakaran
sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang
pinakakomplikado kung ikukumpara
sa mga nabuong palisi sa Malaysia at
Indonesia (127).
A. Estilong MLA (Modern Language Association)

• Ito ay nararapat na
tumugma sa sangguniang
nasa likod ng saliksik.
A. Estilong MLA (Modern Language Association)

Constantino, Pamela C. Pagpaplanong


Pangwika Tungo sa Modernisasyon: Karanasan ng
Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon:
Sentro ng Wikang Filipino, 1991.Print.
B. Estilong APA (American Psychological
Association)
• Pinakaginagamit na paraan ng
dokumentasyon sa larangan ng agham
panlipunan (social sciences) gaya ng
sikolohiya, sosyolohiya, antropolohiya,
kasaysayan, agham pampolitika,
heograpiya, aralin sa komunikasyon
(communication studies), at ekonomiks.
B. Estilong APA (American Psychological
Association)
• Gumagamit ang estilong ito ng Harvard
citation o pagkilala sa sinangguni sa
pamamagitan ng parentesis sa halip na
talibaba o footnote.
• Dito, ipinapaloob sa panaklong ang
apelyido ng may-akda at taon ng
pagkakalathala; ipinaghihiwalay ang
impormasyon ng isang kuwit.
B. Estilong APA (American Psychological
Association)
Halimbawa:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa
Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikukumpara sa mga nabuong palisi sa
Malaysia at Indonesia (Constantino, 1991).
B. Estilong APA (American Psychological
Association)
• Maaari ding isama ang pangalan ng
may-akda sa daloy ng pahayag at
ipaloob na lamang sa panaklong ang
taon ng pagkakalathala ng libro o
artikulo.
B. Estilong APA (American Psychological
Association)
Halimbawa:
Ayon kay Constantino, ang patakaran sa
wika ng edukasyon sa Pilipinas ang
pinakakomplikado kung ikukumpara sa
mga nabuong palisi sa Malaysia at
Indonesia (1991).
B. Estilong APA (American Psychological
Association)
Samantala, kung ang binabanggit na
pangungusap ay direktang sipi (direct
citation), nararapat itong ipaloob sa panipi
at maisama rin ang numero ng pahina sa
panaklong.
B. Estilong APA (American Psychological
Association)
Halimbawa:
“Kagaya ng pagpili sa wikang Pambansa,
ang Palisi sa Wika ng Edukasyon sa
Pilipinas ang pinakakomplikado kung
ikokompara sa palisi ng Malaysia at
Indonesia.” (Constantino, 1991).
B. Estilong APA (American Psychological
Association)

• Nararapat na tumugma ang


pagsangguniang ito sa
talaan ng mga sangguni sa
dulo ng sulating
pananaliksik.
B. Estilong APA (American Psychological
Association)
Halimbawa:
Constantino, P.C. (1991). Pagpaplanong pangwika tungo sa
modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at
Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang
Filipino.
C. Estilong CMS (Chicago Manual Style) at
Estilong Turabian
• Pinakamatandang nangungunang pamantayan
ng dokumentasyon na unang inilabas ng
University of Chicago Press (UCP) noong 1906
at sa kasalukuyan ay nasa ikalabing-anim nitong
edisyon.
• Hango sa estilong ito ang estilong Turabian na
inilathala rin ng UCP.
C. Estilong CMS (Chicago Manual Style) at
Estilong Turabian
• Si Kate Larimore Turabian (1893-1987),
Graduate School Dissertation Secretary ng
University of Chicago, ang orihinal na may-akda
ng A Manual for Writers off Research Papers,
Theses, and Dissertations na pangunahing
ginagamit na gabay sa pagsusulat ng mga papel
pananaliksik, tesis at disertasyon ng mga
institusyong akademiko sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
C. Estilong CMS (Chicago Manual Style) at
Estilong Turabian

• Dalawa ang batayang pormat ng


dokumentasyon sa estilong CMS-
Turabian – ang sistemang tala-
bibliograpiya at sistemang
parentetikal-talasanggunian.
C. Estilong CMS (Chicago Manual Style) at
Estilong Turabian
1. Tala-bibliograpiya:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang
pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at
Indonesia.4
____________
4
Pamela C. Constantino, Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas (Lungsod Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino. 1991), 127.

Bibliograpiya:
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod Quezon:
Sentro ng Wikang Filipino, 1991.
C. Estilong CMS (Chicago Manual Style) at
Estilong Turabian
1. Parentetikal-talasanggunian:
Ang patakaran sa wika ng edukasyon sa Pilipinas ang
pinakakomplikado kung ikukumpara sa mga nabuong palisi sa Malaysia at
Indonesia (Constantino 1991, 127).
____________
Bibliograpiya:
Constantino, Pamela C.1991. Pagpaplanong Pangwika Tungo sa
Modernisasyon: Karanasan ng Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Lungsod
Quezon: Sentro ng Wikang Filipino.
Sa hindi lalampas sa limang pangungusap pagkompa-
komparahin ang magkakagrupong konsepto.

Pre-writing Composing Rewriting


Inaasahan ng Mambabasa Itinakdang Kumbensiyon
Introduksiyon Katawan Konklusyon
Ayusin ang sumusunod na datos ayon sa tatlong
uri ng bibliograpiya:
Ayusin ang sumusunod na datos ayon sa tatlong
uri ng bibliograpiya:
Ayusin ang sumusunod na datos ayon sa tatlong
uri ng bibliograpiya:
Ayusin ang sumusunod na datos ayon sa tatlong
uri ng bibliograpiya:

You might also like