You are on page 1of 26

KOMUNIKASYON

AT
PANANALIKSIK
SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
Pagkatapos ng talakayan, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo
ng isang makabuluhang pananaliksik;
 Natutukoy ang kawastuhan o kamalian ng
mga pahayag batay sa binasa; at
 Naisusulat nang angkop ang bibliyograpiya
gamit ang estilong APA at MLA.
• Pagbuo ng Pahayag ng Tesis (Thesis Statement)
• Pangangalap ng Tala o Note Taking
• Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
• Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final
Outline
• Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik
• Pagsulat ng Borador o Rough Draft
• Pagpili ng Mabuting Paksa
• Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
• Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador
Mga Hakbang
sa Pagbuo ng
Sulating
Pananaliksik
PANANALIKSIK
Ang pananaliksik ay isang
sistematikong pag-aaral o
inbestigasyon ng isang bagay
sa layuning masagot ang mga
katanungan ng isang
mananaliksik.
1. Pagpili ng Mabuting Paksa
 Ito ang ang unang hakbang sa pagbuo ng
sulating pananaliksik na kailangan ang
masusing pag-unawa at mga kaugnay na
gawaing ibibigay ng isang guro.
• Paksa- napakahalagang piliing mabuti upang
maging matagumpay ang isang sulating
pananaliksik.
- nararapat pinag-isipang mabuti at dumaan sa
isang maingat na pagsusuri upang matiyak na
makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
Ilang tanong na maaari mong itanong sa
iyong sarili bago tuluyang magpasiya sa
paksang susulatin:
 Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili
kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng ukol dito?
 Angkop, makabuluhan, at napapanahaon ba ang
paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular
sa mga kaklase ko?
 Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng
panahong ibinigay sa amin?
 Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong
pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang
paksang napili ko?
2. Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
(Thesis Statement)
 Kapag napagpasiyahan na ang paksa bumuo ka
na ng iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag na
magsasaad ng posisyong sasagutin o
patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik.
Naririto ang ilang tanong na maaaring gumabay
o magbibigay direksyon sa pagbuo mo ng
pahayag ng tesis.

Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito?


Layunin kong maglahad ng impormasyong
magpapatunay sa pinapanigan kong posisyon?
Sino ang aking mga mambabasa?
Ang guro lang ba ang makababasa ng sinulat
ko? Sino pa kaya ang makababasa? Ano kaya
ang inaasahan at karanasan ng aking mga
mambabasa?
Ano-anong kagamitan o sanggunian ang
kakailanganin ko?
May sapat bang kagamitan o sanggunian
upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking
pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang
mga ito?
3. Paghahanda ng Pansamantalang
Bibliyograpiya
 Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian
ay bumuo ka ng pansamantalang
bibliyograpiya.

Bibliyograpiya- ay talaan ng iba't ibang


sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo,
report, peryodiko, magasin, web site, at iba
pang nalathalang materyal na ginamit. Ito'y
maaaring isang 3”x5” na index card na
kakikitaan ng sumusunod na mga
impormasyon:
• Pangalan ng awtor
• Pamagat ng kanyang isinulat
• Impormasyon ukol sa
pagkakalathala
- mga naglimbag
-lugar at taon ng pagkakalimbag
-pamagat ng aklat
• Ilang mahalagang tala ukol sa
nilalaman
4. Paghahanda ng Tentatibong
Balangkas
 Mahalaga ito upang magbigay
direksyon sa pagsasaayos ng iyong
mga ideya at pagtukoy kung ano-
anong materyal pa ang kailangang
hanapin. Maaaring gamitin ang mga
inihanda mong card ng
bibliyograpiya upang maging gabay
sa pagbuo ng iyong balangkas.
5. Pangangalap ng Tala o Note
Taking
 Iminumungkahing isulat nang maayos ang
iyong mga tala. Gumamit ng index card na
mas malaki kaysa sa ginamit mo sa
bibliyograpiya para mapag-iba ang dalawa
bukod sa mas marami kang maisusulat sa
mas malaking card.
 Ang bawat card ay ilalaan lamang sa isang
tala. Kung kukulangin ang isang index
card ay maaaring magdagdag pa ng ibang
card.
Maaari kang gumamit ng 3 uri ng
tala:
Tuwirang sinipi - kung ang tala ay direktang
sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng
panipi sa simula at dulo ng sinipi. Itala ang
sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina
kung saan ito mababasa.
Buod- ito'y pinaikling bersiyon ng isang mas
mahabang teksto. Ito'y maikli subalit nagtataglay
ng lahat ng mahahalagang kaisipan ng orihinal na
teksto. Ito ang pinakamadalas gamitin sa pagkalap
ng tala.
Hawig - kung binago lamang ang mga pananalita
subalit mananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
6. Paghahanda ng Iwinastong
Balangkas o Final Outline
Dito na susuriing mabuti ang
inihandang tentatibong balangkas
upang matiyak kung may mga
bagay pang kailangang baguhin o
ayusin. Maaari nang ayusin ang
dapat ayusin upang ang pangwakas
na balangkas ay maging mabuting
gabay sa pagsulat ng iyong burador.
7. Pagsulat ng Borador o Rough
Draft
 Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga
card ng tala ay maaari ka nang
magsimulang sumulat ng iyong borador.
Tandaang ang isang sulating pananaliksik
ay dapat magkaroon ng:

introduksiyon na kababasahan ng mga


ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin,
katawan nakababasahan ng pinalawig o
nalamnan ng bahagi ng iyong balangkas
konklusyon na siyang nagsasaad ng
buod ng iyong mga natuklasan sa iyong
pananaliksik.

Pag-ukulan ng pansin ang


pagkakaugnay-ugnay ng mga kaisipan.
Dapat ding isaalang-alang na ang wikang
gagamitin ay payak ngunit malinaw;
tama ang baybay, bantas, at kaayusang
panggramatika; pormal ang anyo; at
karaniwang nasa ikatlong panauhan.
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng
Borador
 I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang
mga bagay na kailangang iwasto sa iyong
borador. Pag-ukulan ng pansin ang
pagkakabuo ng mga pangungusap, ang
baybay, bantas, wastong gamit,
pamamaraan ng pagsulat, at angkop na
talababa o footnote.
 Maaari nang pumili ng tiyak na pamagat ng
iyong sulatin. Ihanda ang paunang salita,
talaan ng nilalaman, at pinal na bibliyograpiya.
Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay
nararapat tandaan ang sumusunod:
• Pangkat-pangkatin ang mga ginamit
na sanggunian. Pagsama-samahin ang
mga aklat, pahayagan, web site, at iba
pa.
• Isaayos muna nang paalpabeto ang
pangalan ng mg awtor gamit ang
apelyido bilang basehan.
• Isulat ang bibliyograpiya gamit ang
iba't ibang estilo ng pagsulat nito.
APA
(American Psychological
Association)
Para sa mga aklat
- Apelyido ng awtor, pangalan ng
awtor. (Taon ng Paglilimbag)
Pamagat. Lungsod ng
Tagapaglimbag: Tagapaglimbag.

Halimbawa:
Almario ,Virgilio S.,(2010) Filipino ng Wika.
Quezon City:Aninao Publishing, Inc.
Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin

-Apelyido ng awtor, Pangalan ng


awtor.(Taon ng Paglilimbag) Pamagat
ng Artikulo. Pamagat ng Pahayagan o
Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #),
pahina #.
Halimbawa:
Lala, Anna.(Agosto 3, 2017) To Create a
World Without Nuke. Philippine Daily
Inquirer, 76. (276), 3.
Para sa mga Kagamitang Mula sa Internet

- Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat


ng Artikulo o Dokumento.” Pamagat ng
Publikasyon. Petsa kung kailan sinipi o
ginamit mula sa buong web address simula
sa http://.

Halimbawa:
Ma. Gemma C. Cruz.(Hunyo 4, 2010) “Kahirapan ng
mga Tao.”Udyong Bataan Official Website.Oktubre
5,2014.http://udyong.gov.ph/teachers-corner/5679-
kahirapan-ng-mga-tao
MLA
(Modern Language Association)
Estilong MLA
 Ang estilong MLA ang pinakapopular na
estilo ng dokumentasyon sa larangan na
malayang sining at humanidades gaya ng
wika, literature, kasaysayan, at pilosopiya.
 Sa estilong ito, ipinapaloob sa panaklong o
parentesis ang pagkilala sa may-akda at
inilalagay sa loob mismo ng teksto matapos
ang salita o ideyang hinalaw.
• Ito ay nararapat tumugma sa
sangguniang nasa likod ng
saliksik.

Halimbawa:
Constantino, Pamela C. Pagpaplanong
Pangwika Tungo sa Modernisasyon:
Karansan ng Malaysia, Indonesia at
Pilipinas. Lungsod Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino, 1991.
9. Pagsulat ng Pinal na Sulating
Pananaliksik
Pagkatapos pagdaanan at isigawa
nang mabuti ang naunang walong
hakbang, ngayon ay nakatitiyak ka
na ng isang mainam na sulating
pananaliksik. I-type na ito gamit
ang pormat na ibinigay ng iyong
guro.
Maraming salamat!

Madamu nga salamat!

Daghang salamat! Raku nga salamat!

Abo saeamat!

Thank you very much!

You might also like