You are on page 1of 6

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Hinunangan
HINUNANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bangcas A/B, Hinunangan, Southern Leyte

Pangalan: ______________________________________ Lebel: ____________________


Seksyon: ______________________________________ Petsa: ____________________

LEARNING ACTIVITY SHEET

Paksa: Gamit ng Wika sa Lipunan


Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagsasaliksik ng mga halimbawang sitwasyon na nagpapakita ng
gamit ng wika sa lipunan. F11EP – Ie – 31

Aralin 5
Gamit ng Wika sa Lipunan
“Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang susi sa pagkakaisa at pagkakaunawaan.”

SIMULAN NATIN

Kilala mo ba si Tarzan?
Kung kilala mo siya, isulat mo sa kahon sa ibaba ang mga
katangian niyang hindi mo malilimutan. Sa kabilang kahon
naman ay paraan ng kanyang pakikipag-usap.

Mga Katangian ni Tarzan Paraan ng pakikipag-usap ni Tarzan

 Nagkakaintindihan ba si tarzan at ang mga hayop sa gubat? Bakit?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
 Batay sa kuwento ni Tarzan, nakikita mo ba ang kahalagahan ng wika?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
 Kapag ang isang lipunan ay may iba’t-ibang wikang ginagamit?, nagkakaunawaan baa ng
mga naninirahan ditto? Sa paanong paraan?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Alam Mo Ba?

Lingua franca- ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan. Sa Pilipinas Filipino
ang itinuring na lingua franca.

Michael A. K. Halliday
(Michael Alexander Kirkwood Halliday)

 Siya ay isang linggwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera.


 Pinag-aralan niya ang wika at literaturang Tsino.
 Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng
gramatika na gamitin at kilala sa daigdig.

GAMIT NG WIKA

Ang Pitong Gamit ng Wika ayon kay M.K. Holliday

Ang wikang Filipino ay kunwari na tinatawag nating salamin ng kultura ng ating bansa at ang
tanging puso ng ating bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian ng ating bayan,
Pilipinas. Ang isang bansang walang sariling wika at hindi matapat na tinatangkilik ng
mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang kultura. Sa ganon, tayo, mga
Pilipino, ay may ating sariling wika at yun ay tinatawag nating wikang Filipino. Syempre, bawat
bayan rin naman ay may kani-kanilang wika rin. Sa pag-gagamit ng sariling wika, tiyak na
magpupuyos ang kalooban ng isang tao kunwari may kommunikasyon sa isa’t isa na mga
Pilipino sa kanilang mga emosyon. Sa sariling wika, dito maibahagi at mapagunawan sa kung
ano ang mapapahayag ng isang tao.

Ang wikang Filipino rin ay may maraming kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa isang
bansa ay hindi lang basta-bastang ginagamit sa pagbibigay kommunikasyon kundi ito’y

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


magagamit rin sa ibang aspekto. Ang mga aspetong ito ay tinatawag na gamit ng wika na kung
saan ay may maraming mga halimbawa nito.

Pito sa mga halimbawa ng gamit ng wika ay:

1. Instrumental
Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng
mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito
upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o
pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay
panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba pa.

 Halimbawang pangungusap:
 Ipinakain ko yung aso ko ng pagkain. § Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang
bahay ni Joseph.

2. Regulatoryo
Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring instruksiyon
o ang pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga regulasyon,
direksiyon o proceso sa kung paano igawa ang isang partikular na bagay, pag-ayon,
pagtutol, at iba pa.

 Halimbawang pangungusap:
 “Kailangan inomin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw.” § “Magbawas ng
bilis kung ika’y nagmamaneho sa mabato na bukid.”

3. Interaksyonal
Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng kontak
sa iba at bumuo ng pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan ng tao sa
kanyang kapwa. Mga halimbawa wikang Interaksyonal ay tulad ng pagpapaalam,
pagbibigay-galang o pagbati, paggawa ng liham para sa isang tao, at iba pa.
 Halimbawang pangungusap:
 Kita tayo mamaya!
 Salamat po!

4. Personal
Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin tulad
ng pagpapahayag ng sariling opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay impormal at
walang tiyak na balangkas.
 Halimbawa sa mga gawaing ito ay ang panglalait o pagmumura, pagsisigaw, pagsusulat
ng editoryal, pagsusulat ng dyaryo at iba pa.

5. Heuristiko
Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon at
gamit madalas ay mga impormasyon makakatiwalaan na makamit sa mga propesyonal at
akademikong libro o pinanggalingan.
 Halimbawa sa mga ito ay ang pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento, panonood
ng mga balita sa telebisyon o dyaryo, at iba pa.

6. Imahinatibo
Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na
bagay. Madalas itong kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na produkto.
 Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pagawit, pagkukwento ng kwento, pagbabasa
ng nobela, at iba pa.

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


7. Representasyunal
Ang wikang Representasyunal ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang
pagsusulat at pasalita.
 Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis, research paper;
pagsasaysay o pag-uulat, pagtuturo, at iba pa.

TUNGKULIN NG WIKA

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa


pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang
pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang


pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling
naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan


ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay,
maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad
ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit
pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula
sa pinagmumulang wika.

Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol
sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo
ng mga kuro-kuro.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong
pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng
isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas.
Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang
pulutong ng mga tao.

Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.

1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.


halimbawa: pasalita: pangangamusta pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan. halimbawa: pasalita: pag-uutos


pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba. halimbawa: pasalita:


pagbibigay ng direksyon pasulat: panuto

4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. halimbawa: pasalita:


pormal o di-pormal na talakayan pasulat: liham sa patnugot

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan. halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos. halimbawa: pasalita:


pagtatanong pasulat: survey

7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon. halimbawa: pasalita: pag-uulat


pasulat: balita sa pahayagan

6 na paraan ng pagbabahagi ng wika (Jakobson, 2003)

1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)


 saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at emosyon.

2. Panghihikayat (Conative)
 ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at paki-usap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
 ginagamit ang wika upang makikipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng
usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)
 ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang
pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)
 ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng
komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic)
 saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

Magagawa Natin

Gawain 2. Panuto: Panoorin ang video na may pamagat na Word of the Lourd: Bitin sa Kanin.
https://www.youtube.com/watch?v=XCiz3ccIuRM

 Isulat ang buod ng pinanood na video. Sa ilalim nito ay isulat ang tungkulin ng wika ang
masasalamin sa video. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napiling tungkulin ng wika.
Buod ng video:

Tungkulin ng Wika:

Paliwanag:

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


Pagsulat sa Journal

Gawain 3. Magsaliksik ng iba pang sitwasyong pangwika sa lipunang Pilipino.


Magtala ng mga tiyak na salitang madalas gamitin sa napiling sitwasyon, at
bigyang-pansin ang pormalidad (o kawalan nito) sa paggamit ng wika. Isulat ang
iyong tala sa journal notebook.
1. FX/jeep/bus/tricycle driver sa kaniyang mga pasahero at kapwa tsuper
2. Simbahan
3. Health worker sa mga pasyente sa isang Rural Health Unit
4. Usapan ng mga bata sa isang internet shop
5. Pag-uusap ng punong-guro at mga magulang ng mga mag-aaral

Gawain 4: Kung dati-rati ay limitado lamang tayo sa panonood ng telebisyon, pakikinig ng radio,
pagbabasa ng mga diyaryo at magasin upang makakita o makarinig ng mga sitwasyon ng
pakikipagtalastasan, ngayon ay makakukuha tayo ng iba’t-ibang sitwasyong nagpapakita ng
gamit ng wika sa lipunan sa iba’t-ibang paraan.

 Panuto: Magsaliksik ng mga 10 halimbawang sitwasyong magpapakita ng


gamit ng wika sa lipunan. Isulat sa journal notebook.

Sanggunian:

 Dayag, Alma M. (2016). Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Lungsod Quezon: Phoenix
Publishing House, Inc. pahina 59-67

http://tungkolwika.blogspot.com/2016/07/ang-pitong-gamit-ng-wika.html?m=1
https://teksbok.blogspot.com/2011/07/tungkulin-ng-wika.html?m=1

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher

You might also like