You are on page 1of 2

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Hinunangan
HINUNANGAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bangcas A/B, Hinunangan, Southern Leyte

Pangalan: _____________________________Taon/Pangkat: ______________Petsa: ________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Aralin 4, Kwarter 1

Paksa: Barayti ng Wika


Layunin: Ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
napanood na palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My
Heart, Got to Believe, Ekstra, On The Job, Word of the
Lourd(http://lourddeveyra.blogspot.com). F11PD – Id – 87
b. Naipaliliwanag ang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga
pagbibigay halimbawa. F11PS – Id – 87

Barayti ng Wika
Ito ay pagkakaiba ng mga wikang sumusulpot at nagiging bahagi ng pamumuhay ng mga tao
sa iba’t ibang larangan o panig sa bansa.
1. Dayalek- ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng mga
taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad.
Halimbawa: aalis-pumanaw-molakaw-mahali
2. Idyolek- ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika. May
mga taong kilometriko at mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang
magsalita nang malakas o di kaya ay mahina.
Halimbawa: Magandang gabi, bayan!-Noli de Castro
3. Sosyolek- ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong
sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Halimbawa: salitang coño- Let’s make kain na;
salitang gay lingo-naloka aqui; jargon- abogado=exhibit, appeal
4. Etnolek- barayti ito ng wika na nadedevelop mula sa mga salita ng mga etnolinggwistikong
grupo. Halimbawa: Bulanon=full moon, Kalipay=tuwa o ligaya
5. Rehister- ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng
wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap. Halimbawa: “Hindi ako makakasama, wala
akong datung”.-kapag kaibigan ang kausap
“Hindi ako makakasama dahil wala po akong pera.”-kapag guro ang kausap
6. Ekolek- Ang ekolek ay karaniwang nabubuo at sinasalita sa loob ng bahay.
Halimbawa: Anak, naligo ka na ba! Maaga ang pasok mo ngayon!.
Mga Gawain:
Gawain 1. Magsaliksik ng 10 salita sa Filipino na may ibang kahulugan kung sa ibang
rehiyon gagamitin. Sundan ang halimbawa sa ibaba.
Salita Kahulugan ng salita sa Lugar Kahulugan ng Salita sa Tiyak na
Filipino Lugar
Taya Pusta Cagayan de oro Kalawang
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher


Gawain 2. Tukuyin ang mga gamit ng wika sa iba’t-ibang palabas sa telebisyon at pelikula.
Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. “Akala ko ba ay ok na? Nagdadrama ka na naman. “Di ba nga pagdating sa


kapakanan ng pamilya, walang panga-panganay, walang ate-ate, walang bunso-
bunso? Ang meron lang…kapit bisig!
-Maya, Be Careful with My Heart, unang episode

2. “Minsan gusto ko nang ipagsigawan, kaya lang ako naman ang magmumukhang
tanga. Bakit ba naman kasi ang complicated magmahal?”.

-Basha, One More Chance

Gawain 3. Gamit ang iyong cellular phone o laptop, pakinggan o panoorin ang sumusunod
na mga programang panradyo o pantelibisyon at saka sagutin ang mga tanong. Isulat sa
journal notebook ang sagot.
https://www.youtube.com/watch?v=t23O2wrxso0
https://www.youtube.com/watch?v=LERL57oKnJE

Mga tanong:
1. Ano-anong barayti ng wika ang kapansin-pansin sa paraan ng pagsasalita ng host sa programang
nakita mo?
2. Bakit sina Boy Abunda, Kri Aquino at Gloria ang napiling gayahin o i-spoof sa mga pinanood
mo? Ano ang masasabi mo sa kanilang idyolek?
3. May mga nagamit bang jargon ang host o ang mga bisita? Kung mayroon, ano-ano ang mga ito?

 Gawing gabay aang Rubrik sa ibaba para sa iyong bubuoing mga kasagutan:
Puntos Pamantayan
40 Sa bawat sagot ay maliwanag na naiugnay ang mga konseptong
pangwika sa napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa
telebisyon.
30 Sa bawat sagot ay naiugnay ang mga konseptong pangwika sa
napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
20 Bahagyang naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
10 Hindi naiugnay ang mga konseptong pangwika sa napanood na
sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.

Reflection:

MARIFE B. CULABA-Subject Teacher

You might also like