You are on page 1of 6

ANYO NG WIKA

Pangkalahatang anyo at gamit ng wika


Aralin Filipino 1: Kasanayan sa Komunikasyon (Wika at Panitikan)

Subject Code: Fil.1 Lesson Guide Code: 1 Lesson Code: 1.5 Time Limit: 30 minuto

TA: 1 minuto ATA: _____

Sa katapusan ng talakayan, ang mga iskolar ay inaasahang:

1. napag-iiba-iba ang wika ayon sa anyo at gamit nito.

TA: 4 minuto ATA: _____

Sa araw-araw na pakikipagtalastasan, bahagi na ang wika. Ginagamit ito sa


paglalahad ng hinaing at adhikain. Sa pamamagitan ng wika, naipababatid ng bawat
indibidwal ang kaisipang nais ipahayag, dahil din dito nagkaroon ng pagkakaunawaan at
pagkakaisa.

Sa larawan sa ibaba, ilagay ang iyong sarili na isa sa mag-aaral na nakaupo. Punan
ang callout batay sa iyong karanasan sa klase. Ibahagi ang sagot sa mga kaklase.

Kuha ang larawan sa https://www.childcareed.com/a/what-you-need-to-be-a-school-age-teacher-in-md-child-care.html noong July 08,2020

Filipino 1 Pahina Page 1 ng 6


TA: 10 minuto ATA: _____

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa
kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan
at okasyong dinadaluhan.

Mahalagang malaman ang iba’t ibang anyo ng wika upang magiging madali ang
pakikisalamuha sa ibang tao na may iba’t ibang katayuan sa buhay. Ang wika ay nahahati sa
dalawang anyo, ang pormal na wika at ang di-pormal na wika.

I. Pormal - Mga salitang pamantayan, istandard ito na anyo ng wika, kinikilala at ginagamit
ng nakararami. Gumagamit ng bokabolaryo, mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-
araw na usapan. Kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang
intelektwal. Ito ay may dalawang uri:

1. Pambansa - Ginagamit ito ng karaniwang manunulat ng aklat at iba pang


pambalarilang babasahin. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang
panturo sa mga nagsisipag-aral

Halimbawa:

magulang, aklat, tahanan

2. Pampanitikan - Mga salitang malalim ang kahulugan, matatayog, matalinghaga,


makukulay, masining at sadyang matataas ang uri. Mga salitang ginagamit ng mga
malikhaing manunulat at dalubwika lalo na sa mga akdang pampanitikan.

Halimbawa:

kapus-palad, bunga ng pag-ibig, amoy bawang

II. Impormal - Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw
na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan. Kabilang dito ang
lalawiganin, kolokyal at balbal.

1. Lalawiganin - Ginagamit sa partikular na pook o lalawigan. Ito ang mga salitang


kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito, hindi ginagamit sa labas ng
kinamulatang lalawigan, liban kung sila-sila’y magkakatagpo-tagpo sa labas dahil sa
kinagisnan, natural na siyang naibubukambibig kaagad.

Makikilala rin ito sa kakaibang tono at punto. Ang lalawiganing salita ang tulak
ng mga makarehiyonal na kaugalian ng mga tao.

Filipino 1 Pahina Page 2 ng 6


Halimbawa:

Pambansa/Pampani Sebuwano sa Cebu Hiligaynon sa Iloilo Maranaw sa


tikan Marawi City

pusa iring kuring bedeng

gulay utanon otan lita

bahaghari bangaw balangaw buloto

Sa mga halimbawang nasa talahanayan, iba’t iba man ang bawat salita, pareho naman
ito ng kahulugan.

2. Kolokyal - Ito’y pang-araw-araw na mga salita ngunit may kagaspangan at


pagkabulgar, bagamat may mga anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Minsan, pinaikli ang salita sa pagkakaltas ng isa o higit pang titik sa isang
salita.

Halimbawa:

Pormal Kolokyal

mayroon meron

huwag ‘wag

saan ba? san ba?

Sa halimbawa sa itaas, ang kolokyal ay pagkakaltas ng titik sa orihinal na salita katulad


ng huwag na naging wag at piyesta na naging pista, pagpapaikli rin ito ng salita katulad ng
saan ba? na naging san ba? at ang mayroon na naging meron.

3. Balbal - Ang mga salitang ito’y tinatawag sa Ingles na slang. Mababa ang antas nito
at nagkaroon ng codes. Pangalawa sa salitang vulgar na may kabastusan. Pana-
panahon kung mauso kaya karaniwan ay hindi tumatagal, agad nawawala. Ang mga
salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto, salitang lansangan, wika ng mga
estudyante, teen-age lingo at sa grupo ng mga bakla ay swardspeak.

Filipino 1 Pahina Page 3 ng 6


Halimbawa:

Pormal Balbal

tatay/ama erpat

pulis lispu

gutom tom-guts

Sa nabasang talahanayan, nagpapakita ito na ang balbal ay pagpapaikli at


pagbabaligtad ng salita, katulad ng gutom sa pormal na tom-guts sa balbal at pulis na
nagiging lispu. Dagdag pa na halimbawa ang pantalon na nagiging talon at sigarilyo
na yosi naman sa balbal.

TA: 10 minuto ATA: _____

I. Panuto: Suriin ang bawat pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot. 1 puntos
bawat tamang sagot.

1. Habang nagbabasa si Edna ng sanaysay, palagi niyang nababasa ang salitang


kapusod na kapatid sa normal na salita at ga-higanta na malaki. Ang sinalungguhitang
salita ay nasa anyo ng wika na _____.

a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pampanitikan

2. Ang epal (mapapel), tsikot (kotse) at baboo (paalam) ay halimbawa ng anong anyo
ng wika?

a. Balbal c. Lalawiganin
b. Kolokyal d. Pampanitikan

3. Anong anyo ng wika ang ginamit nina Romil at Arlene sa pahayag sa ibaba?
Ang magkababayan na Romil at Arlene, ay walang kupas ang kwentuhan gamit
ang wikang kinamulatan sa probinsiyang kinalakihan, nang nagkita sa Manila
airport.

a. Kolokyal c. Lalawiganin
b. Pambansa d. Pampanitikan

Filipino 1 Pahina Page 4 ng 6


4. Pista (piyesta), kelan (kailan), at sa ‘kin (sa akin) ay halimbawa ng _____.

a. Kolokyal c. Lalawiganin
b. Pambansa d. Pampanitikan

5. Ang wikang ginamit ng guro sa talakayan, ginamit sa korte at pamahalaan.

a. Pormal c. Pambansa
b. Di-Pormal d. Pampanitikan

II. Panuto: Makinig sa isang lokal na programa ng radyo (Teleradyo, DZMM o Tulfo).
Ibigay ang hinihingi sa baba at isulat sa talahanayan ang sagot.

1. Ibigay ang sumusunod:


a. Pangalan ng programang pinanood o pinakinggan.
b. Ang pangalan ng tagapagsalita/reporter.
c. Oras at petsa kung kailan ito napanood o napakinggan.

2. Magtala ng 3 salitang balbal, 3 kolokyal at 3 lalawiganin.

Pangalan ng Programa:

Pangalan ng Reporter:

Petsa at Oras Napanood:

Balbal Kolokyal Lalawiganin

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

TA: 5 minuto ATA: _____

I. Panuto: Batay sa wika ng inyong lugar, punan ang di-pormal ayon sa pormal na
salitang ibinigay. Sundan ang halimbawa na naaayon sa wikang Cebuano sa
Zamboanga del Sur. 1 puntos bawat sagot.

Filipino 1 Pahina Page 5 ng 6


PORMAL DI-PORMAL

Pambansa/ Balbal Kolokyal Lalawiganin


Pampanitikan

Hal. nanay ermat ma (mama) mamang

1. aso

2. lolo

3. bata

4. masarap

5. maganda

TA – suggested time allocation set by the teacher


ATA – actual time spent by the student (for information purpose only)

Mga Sanggunian:

Santos, Angelina L. at Nerissa L. Hufana. (2009). Ang Akademikong Filipino sa K


omunikasyon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Ugot, Irma V. at Abangan, Veronica C. (2013). Komunikasyon Sa Akademikong Filipino.


Sta. Ana, Manila: LACSAMANA Press and Publishing Corp.

_______________. Anyo ng wika, kuha sa https:// tagapagtaguyodngfilipino.


wordpress. com /2017/02/05/kaantasan-ng-wika/. Noong 7-08-2020

Mga Kasagutan:

I. 1. d. Pampanitikan II. at III. Ang mag-aaral ay maaaring iba-ibang kasagutan.


2. a. Balbal
3. c. Lalawiganin
4. a. Kolokyal
5. a. Pormal

Inihanda ni: Mary Jane R. Sumarago


Posisyon: Special Science Teacher I
Kampus: PSHS-Central Visayas
Pangngalan ng Reviewer: Janeth B. Llorca
Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher III
Kampus: PSHS-SOCCSKSARGEN

Filipino 1 Pahina Page 6 ng 6

You might also like