You are on page 1of 3

PAUNLARIN I.

LAYUNIN WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Iia-b-7)  Nasusuri ang antas ng


wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal,
lalawiganin, pormal). II. PAKSA Wika: Kagamitan: Sanggunian: Bilang ng Araw:

Antas ng Wika Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals Pinagyamang Pluma 7 Elma
M. Dayag et. al. 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng


Takdang Aralin  Balik- Aral AKTIBITI 2. Motibasyon Mungkahing Estratehiya (MANOOD
TAYO) Magpapanood ang guro ng video clip ng dalawang awiting iisa ang pinapaksa.

Bebot (Black Eyed Peas)

Ikalawang Markahan | 16

Ang Dalagang Pilipina

Gabay na Tanong: a. Pansinin ang pamagat ng dalawang awit. Kapwa tumutukoy sa babae ang
mga salitang ito subalit masasabi mo ba kung paano nagkaiba ang mga ito? b. Sa ano-anong
pagkakataon o saan-saang lugar mo maaaring marinig ang salitang dalagang Pilipina? ang
salitang bebot? Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin. 3. Pokus
na Tanong Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.
Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano-ano ang iba’t ibang mga antas ng wika?

4. Presentasyon Mungkahing Estratehiya (DOKUMENTARYO) Pagpapanood ng video clip mula


sa youtube na may kaugnayan sa aralin.

HULING HIRIT SA BUWAN NG WIKA: ANG WIKANG FILIPINO SA MODERNONG PANAHON


https://www.youtube.com/watch?v=eWkw6EsA_m8

ANALISIS 1. Ano ang masasabi mo sa wikang Filipino batay sa napanood na dokumentaryo


tungkol sa wika? 2. Sa iyong palagay bakit nagkakaroon ng iba’t ibang antas ng wika? Isaisahin
ang mga dahilan nito. 3. Saan o kanino mo kadalasang naririnig ang mga salitang naimbento o
nabuo lamang? Madali ba para sa iyo na maunawaan ang mga ito? 4. Suriin ang mga antas ng
tao sa lipunan na gumagamit ng mga malalamin na salita, ng mga salitang karaniwan at ng mga
salitang hindi pormal. 5. Mahalaga ba ang kasanayan sa iba’t ibang antas ng wika? Bakit?
Pangatwiranan. Ikalawang Markahan| 17

Pagbibigay ng Input ng Guro D A G D A G K A A L A M A N - (FOR YOUR INFORMATION)


MGA ANTAS NG WIKA 1. Balbal o Pabalbal – Ito ang wikang ginagamit sa lansangan. Ito ang
pinakamababang antas ng wika. Ang salitang balbal ay nabubuo sa pamamagitan ng iba’t ibang
paraan tulad ng pagkuha ng dalawang huling pantig ng salita,pagbaligtad ng titik sa salita,
pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan. Halimbawa: Amerikano- kano
Tigas-astig Datung- pera

bagets- kabataan charing-biro sikyu- guwardiya


2. Kolokyal – Mataas lamang ito ng kaunti sa salitang balbal. Wikang sinasalita ng
pangkaraniwang tao ngunit bahagya lamang na tinatanggap sa lipunan. Madalas na
ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli o mapagsama
ang dalawang salita. Halimbawa: Pa’no- mula sa paano P’re mula sa pare

kelan- mula sa kailan meron mula sa mayroon

3. Lalawiganin – Ito’y wikang ginagamit sa isang rehiyon at sila lamang ang nagkakaintindihan
kung ang pagbabatayan ay wikang pambansa. Halimbawa: Ambot- mula sa salita Bisaya na
ang ibig sabihin ay ewan Kaon- mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay kain 4.
Pambansa o Karaniwan – Ito ang wikang sinasalita ng balana na tinatanggap sa lipunan.
Halimbawa: Maybahay sa halip na waswit Ama at ina sa halip na erpat at ermat 5.
Pampanitikan – Ito ay pinakamataas na antas ng wika. Ito ang ginagamit ng mga makata at
pantas sa kanilang pagsusulat. Kabilang dito ang matatalinghagang salita at mga salitang
nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo at larawang diwa. Halimbawa: Ang bilugang pisngi’y may
biloy na sa kanyang pagngiti ay binubukalan mandin ng pag-ibig. Sanggunian: PINAGYAMANG
PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

Ikalawang Markahan | 18

ABSTRAKSYON Mungkahing Estratehiya (STUDYANTE BLUES) Tutukuyin ng mga mag-aaral


ang mga estudyante na nagpapakita ng iba’t ibang antas ng wika.

Ang mga antas ng wika ay ang balbal,kolokyal, lalawiganin, pambansa at pampanitikan.

Ang mga antas ng wika ay ang Pangatnig at pang-ugnay. Ang mga antas ng wika ay ang sanhi
at bunga.

Ang mga antas ng wika ay ang eksistensyal, modal, phenomenal at pormal.

Ang mga antas ng wika ay ang balbal,kolokyal,lalawiganin, pambansa at pampanitikan.

Ikalawang Markahan| 19

APLIKASYON Ginabayang Pagsasanay Mungkahing Estratehiya (USAP TAYO) Gumawa ng


isang usapan na nagpapakita ng paggamit ng iba’t ibang antas ng wika. Pumili sa mga
sitwasyong ibibigay ng guro.

Paggamit ng iba’t ibang antas ng wika

A. B. C. D.

Palengke Plaza Paaralan Mall

Malayang Pagsasanay Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN) Suriin ang barayti ng wikang
ginamit ng bawat tauhan sa usapang naganap sa isang family reunion. Kilalanin at isulat sa
patlang kung ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin o pormal. ___________Lola: Ang
pagdating ng buong angkan ay tila sinag ng bulalakaw na nagdulot sa akin ng kaligayahan.
(pampanitikan) ___________Jean: Uy, si Lola emote na emote……(balbal) ___________Lito:
Hayaan mo nga siya, Jean. Moment niya ito eh. (balbal) ___________Tita Lee: O sige, kaon na
mga bata. Tayo’y magdasal na muna. (lalawiganin) ___________Ding: Wow! Ito ang chibog!!!
Ang daming putahe. (balbal) ___________Kris: Oh, so dami. Sira na naman ang diet here.
(balbal) ___________Nanay: Sige, sige, kain ngarud para masulit ang pagod namin sa
paghahanda. (lalawiganin) ___________Lyn: Ipinakikilala ko ang syota kong Kano. Dumating
siya para makilala kayong lahat. (balbal) ___________Tito Mando: Naku, nag-aamoy bawang
na. Kailan ba naman ang pag-iisang dibdib? (pampanitikan) ___________Lolo: Basta laging
tatandaan, nga apo, ang pag-aasawa’y hindi parang kaning isusubo na maaaring iluwa kapag
napaso. (pampanitikan) Ikalawang Markahan | 20

EBALWASYON Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at pantas sa kanilang
pagsusulat. Kabilang dito ang matatalinghagang salita at mga salitang nagbibigay ng pahiwatig,
simbolismo at larawang diwa. a. Karaniwan c. balbal b. kolokyal d. pampanitikan 2. Alin ang
pangungusap na nagpapakita ng antas ng wika na nasa anyong balbal? a. Huwag mawawalan
ng pag-asa dahil ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa itaas minsan nasa baba. b. Dapat
ay gora lamang sa lahat ng mga pagsubok sa life. c. Ang mga taong may paniniwala sa
Panginoon ay matatag sa buhay. d. Wala sa nabangit Panuto: Tukuyin ang antas ng wikang
binabanggit sa mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Piliin ang titik at isulat ang
tamang sagot. a. Balbal b. Kolokyal

c. Lalawiganin d. Pambansa

e. Pampanitikan

_____3. Mainit ang panahon nitong mga nakaraang araw. Kaya naman nauuso ang mga iba’t
ibang uri ng sakit. _____4. Dinedma si Ruel ng kanyang kasintahan dahil sa naging away nila
kagabi. _____5. Wala siyang paki kung pag-usapan man siya ng ibang tao. Siya ay may sariling
diskarte sa buhay.

Sagot: D

Pagkuha ng Index of Mastery SEKSYON

BILANG NG MAG-AARAL

INDEX (%)

IV. KASUNDUAN 1. Magbigay ng mga halimbawa ng mga salita sa iba’t ibang antas. Gamitin
ito sa makabuluhang pangungusap. 2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 2.1.

You might also like