You are on page 1of 6

MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 8

Indicators:

1. Applies knowledge of content within across curriculum teaching areas.


2. Plan and deliver teaching strategies that are responsive to special educational
needs of learners in difficult circumstances including: geographical isolation
conflict, urban resettlement or disaster, child abuse and child labor.
3. Select, develops, organized and uses appropriate teaching and learning resources
including ICT to address learning goals.

Kompetensi: Nagagamit nang wasto ang masining na antas ng wika sa pagsulat ng tula- F8WG-
IIi-j-29

I. Layunin:
a) Natutukoy ang pagkakaiba ng Pormal at Di pormal na antas ng wika.
b) Napapahalagahan ang mga pananalitang ginagamit sa pakikipag
komunikasyon.

II. Paksang Aralin:


a. Paksa: Mga Antas ng Wika
b. Sanggunian: : Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Nina Gng Chona Navarro at Normita S Galang pahina 20-21
c. Kagamitan: Pantulong Biswal,pisara, yeso ,laptop,telebisyon at aklat
d. Pagpapahalga: Napapahalagaan ang wastong paggamit ng mga salita sa paklikipagusap
batay sa hinhingi ng panahon,lugar at sitwasyon.

III. Pamamaraan:
A. Paghahanda:
 Panalangin
 Pagbati
 Paglalahad ng Layunin
B. Pagganyak:
Suriin ang mga larawan at magbahagi ng inyong ideya patungkol dito.

Mga tanong:
1. Ano-ano ang mahihinuhang ideya sa mga larawan?
2. Ano ang masasabi ninyo sa wikang ginagamit sa bawat larawan?

C. Paglalahad:
Dalawang antas ng wika
1. Pormal - Ito ay ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.

 Pambansa
-mga salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika
-wikang kadalasang ginagamit ng pamahalaan at paaralan

 Pampanitikan 
-mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.
-matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining.
Halimbawa:

2. Impormal - Ito ang mga salitang karaniwan, palasak at pang-araw-araw


na madalas nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa
mga kakilala at kaibigan.

 Lalawiganin 
- Ito ang mga bokabularyong pandayalekto.
Gamitin ang mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang,
Hal:

PAMBANSA LALAWIGANIN

Hiligaynon Bisaya

Upo pungko Lingkod

Aso Ayam/ ido Iro

Gabi Gab-e Gabi-i

Kalamansi Suha Lemonsito


 Kolokyal 
- Ito’y mga pang-araw- araw na mga salita
-Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang salita

Halimbawa:

PAMBANSA KOLOKYAL

Saan naroon Sanaron

Nasaan nasan

Naroon naron

Tayo na tana

 Balbal 
- May katumbas itong “slang” sa Ingles
-itinuturing na pinakamababang antas ng wika
-karaniwang ginagamit sa lansangan..

Halimbawa:

PAMBANSA BALBAL

Matanda Gurang

Kapatid Utol

Inom Tagay/Toma

Pulis Lispu
Tandaan:

 Alamin ang bawat limitasyon sa pakikipagkomunikasyon.


 Magbigay respeto sa mga nakakasalamuha mapa ano man ang kultura at
pangkat na kinabibilangan nito.
 Iangkop ang wikang gagamitin batay sa hinihingi ng partikular na lugar o panahon at
mga tao nakakausap natin.

1. Applies knowledge of content within across curriculum teaching areas.

D. Paglalahat:
Ano ang dalawang Antas ng wika?
Ano ang antas pormal na wikang ginagamit sa pamahalaan at paaralan?
Anong antas ng wika ang makikita sa tula at sulating pampanitikan?
Ito ay bokabularyong pandayalekto.
Pang araw-araw na salita na pinapaikli.
May katumbas itong slang sa Ingles.

Pambansa Pampanitikan

Kolokyal Balbal Pormal

Lalawiganin Di-pormal

IV. Ebalwasyon:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakapaloob sa bawat bilang. Piliin kung ito ay
Lalawiganin, Pampanitikan, Pambansa, Kolokyal o Balbal na salita. Isulat ang tamang
sagot sa sagutang papel.

1.Buhay
2.Todas
3.Malakat
4.Bokal
5.penge
6.Nanghihilakbot
7.meron
8.Panibugho
9.Hinigugma
10.musta

2. Plan and deliver teaching strategies that are responsive to special educational needs
of learners in difficult circumstances including: geographical isolation conflict, urban
resettlement or disaster, child abuse and child labor.

V. Takdang- Aralin:
Maghanap ng halimbawa ng Antas ng wika (Pormal at Di-Pormal) sa mga magazine,
dyaryo, aklat at online application tulad ng Facebook o messenger. Pagsamasahin ito sa
pamamagitan ng Scrapbook.

Inihanda ni:

Vinna Elieza S. Perlado

You might also like