You are on page 1of 15

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK

SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


(KOMPAN)
Naniniwala ka ba na ang
wika ay Daynamiko?

KOMPAN Pamukaw Sigla 2


ARALIN 2. Antas ng Wika

Inihanda ni G. Jhon Paul T. Pojas


Ang mga Mag-aaral ay inaasahang:
• Natutukoy ang iba't ibang antas ng wika;
• Maunawaan ang pagkakaiba ng bawat antas ng wika at ang
kanilang kahalagahan sa komunikasyon;
• Makapagbigay ng mga halimbawang salita, pangungusap, o mga
kataga batay sa iba't ibang antas ng wika.

KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 4


ANTAS NG WIKA
Mayroong (2) dalawang antas ang wika na umiiral
sa ating lipunan...
1. Pormal. Ito ay ang mga estandard na wikang ginagamit at kinikilala ng
higit sa nakararaming tao lalo na ang mga may pinag-aralan.

Mayroong (2) dalawang lebel:

1.1 Pambansa. Ito ang pinakang ginagamit ng lahat sapagkat nauunawaan


ito ng buong bansa.
1.2 Pampanitikan. Ito ang pinakamataas na lebel ng wika sapagkat
mayaman ito sa paggamit ng mga idyoma, tayutay at matatalinghagang
pananalita.
KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 6
Mayroong (2) dalawang antas ang wika na umiiral
sa ating lipunan...
2. Di-Pormal. Ang wikang ito ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan.

Mayroong (3) tatlong lebel:

2.1 Balbal
2.2 Kolokyal
2.3 Lalawiganin

KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 7


2.1 Balbal. Maituturing na pinakang mababang lebel ng wika na kungsaan
impormal itong nalikha at nabuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga
salitang maaaring maikli o may kahabaan. Tinatawag ito sa wikang ingles na
“Slang”.

Mga Halimbawa ng Balbal:


Gaylinggo. Ang wika na nagmula sa LGBTQ+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender,
Queer/Questioning, at iba pa) komunidad.

HAL.
Charot/Charing
Keribels
Kabog
Chika

KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 8


Mga Halimbawa ng Balbal:

Jejemon. Gumagamit ng isang kakaibang estilo ng pagsulat at komunikasyon, kung


saan ang mga salita ay sinusulat gamit ang iba't ibang mga kombinasyon ng mga letra
at simbolo. Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinulat nang may
halong numero, simbolo, at malaki at maliit na titik.

HAL.
"EoW pOwZ! KAmuZtaH nAh pUwH?" (Hello! Kumusta na po?)
"WuZz0zZp p0wZ, cUtIeH?" (What's up po, cutie?)
"dAyMz, iMbaT tAwA mE sA j0kEs mOwH!" (Damn, imbat tawa me sa jokes mo!)

KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 9


Mga Halimbawa ng Balbal:

Jologs. Nagmula sa mga mahihirap o lower-class na mga Pilipino. Ito ay


ginagamit upang tukuyin ang mga taong may mababang antas ng edukasyon o
kultural na interes.

HAL.
Feelingerong
Epal
Tsismoso/Chismosa

KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 10


2.2 Kolokyal. Hango ito sa pormal na mga salita na araw-araw na ginagamit.

HAL:
Pare
Kumpare

Sanaron (Saan naroon)


Kelan (Kailan)
Saken (Sa akin)
Yun (hayun)
Tamo (kita mo)

KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 11


Dalawang lebel ng Kolokyal:

Kolokyalismo karaniwan. Ito ay impormal, kungsaan inihahalo o malayang


pinagsasama ang wikang Filipino sa Wikang ingles p tiinatawag na Taglish.

HAL:
Maaaring i-explain mo sa akin?
Let’s make tusok-tusok the fishballs.

Kolokyalismong may talino. Ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan.


At ang ikawa ay ang tinatawag na kolokyalismong may talino, na kungsaan ito
naman ay ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan.

KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 12


2.3 Lalawiganin. Ito ang mga wikaing ginagamit sa iba’t ibang lalawiganin.

HAL:
Adlaw (Araw) – Bisaya
Magayon (Maganda) Bicol

KOMPAN ARALIN 2. Antas ng Wika 13


PAGBATI!
Isaisip palagi na ang pagiging mabuti at mahusay na mag-aaral ay
hindi lamang para sa ngayon, kundi para sa mas magandang bukas.
Sanggunian:
Gonzalvo, R. P., Jr., M.A.F. (2016). KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG PILIPINO (1st ed.). MINDSHAPERS CO., INC.

KOMPAN 23

You might also like