You are on page 1of 10

ST. MARY’S COLLEGE OF TAGUM, INC.

SENIOR HIGH SCHOOL


S.Y. 2021-2022IISTEMIIABMIIHUMSSIITVL

BAITANG 11
MODYUL SA
MODYUL PAGKATUTO
2 LNG (F) 1
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Pangalan: XAVLEUS T. DECENA


Strand at Baitang: ST. RITA OF CASCIA

FELIX D. TUBERA JR. LPT, MAED


May-Akda

ARIEL A. ADOBAS, LPT, MAED


KRYSTAL ELIESSE A. ANUNCIO LPT, MAED
Mga Kontributor
ARALIN 2 (LINGGO 2)

YUNIT I
METALINGGWISTIKA AT MASUSING PAGTALAKAY SA WIKA

▪ Mga Barayti ng Wika


▪ Mga Kaantasan ng Wika

Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng


BIBLE pananampalataya, at ang pagkilala sa Anak ng Diyos,
VERSE hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat
ng pangangatawan ng kapuspusan ni Kristo.

Ignacian Core and Related Values: EXCELLENCE and Competence

Mga Layunin
1. Naipapaliliwanag ang mahahalagang konseptong nakapaloob sa wika.
2. Naiisa-isa ang kahalagahan, pinagmulan at teoryang nakapaloob sa konseptong
pangwika.
3. Nakagagawa ng masusing repleksyon/reaksyong papel hinggil sa paksang natalakay.

Pamukaw-Sigla

Filipino
vs English

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


Tukuyin kung alin sa dalawang wika ang karapat-dapat na maging wikang pambansa
at Ipaliwanag. Isulat ang sagot sa ibaba.

Ang karapat-dapat maging wikang pambansa natin ay ang wikang Filipino. Dahil ito ay
nagpapahiwatig na tayo ay Pilipino at hindi Amerikano. Ito rin ay pinagsama-samang wika
mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas na may pagsasaalang-alang din sa mga dayong wika
na naging bahagi na ng pang-araw-araw na talastasan. _____________________________
________________________________________________________________________
___________________________________________

LEARNING CONTENT/NILALAMAN

MGA BARAYTI NG WIKA

Ang barayti ng wika ay tumutukoy sa mga kaibahan o pagbabagong


nagaganap sa iisang angkan ng wika. Ayon sa Wikipedia, mauri ito batay
sa mga sumusunod na klasipikasyon:

INTERNASYUNAL
Maging ang wikang Ingles na itinuturing na isang wikang pandaigdig sa
kasalukuyang panahon ay nagtataglay rin ng maraming barayti. Ito ay ang
American English, British English at Australian English. Dagdag pa rito ang iba
pang barayti depende sa lugar kung saan sinasalita ang wikang Ingles tulad ng
Irish English (Ireland) at Scotish English sa (Scotland).
Simple lamang ang paliwanag sa ganitong phenomenon sa wika. Ang
magkakaibang kultura ng bawat lahi ang siyang nagbibigay distinksiyon ayon sa
interpretasyon dito ng mga gumagamit na mga tagapagsalita.
Halimbawa na lamang ang nangyari sa salitang “salvage” na hiniram natin
natin sa Wikang Ingles kung saan mula sa orihinal na kahulugan na sumagip ay
ganap na nabaligtad ang kahulugan nito.
Halimbawa:
Natagpuan sa bakanteng lote ang isang pinaniniwalaang “salvage victim.”

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


NASYONAL
Ang Nasyonal o Pambansa na wika ay tumutukoy sa wikang sinasalita ng
nakararaming bilang ng mga mamamayan. Ito ang wikang pambigkis sa isang lahi
na gumagamit nito. Tinatawag din itong “lingua franca” at sa kaso ng Pilipinas, ito
ay wikang Filipino.
REHIYUNAL
Ang rehiyunal na barayti tulad ng Iluko ay nagtataglay rin ng barayti
depende sa lugar kung saan ito sinasalita. Nariyan ang Ilokano-Baguio, Ilokano-
Cagayan, at Ilokano-Abra.

BARAYTI NG MGA WIKA SA PILIPINAS

DAYALEKTO
Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Ito
ay tumutukoy sa wikang sinasalita o ginagamit sa partikular na rehiyon
o lalawigan. Kaya hindi nakapagtataka na may apat na daang (400)
dayalekto sa Pilipinas, (Ernesto Constantino).

May pagkakaiba-iba o baryasyon sa loob ng isang wika. Ang


Tagalog ay isang wika sa Pilipinas na ginagamit ng mga tagarehiyong
Tagalog sa Luzon. Sinasalita ito sa Maynila, Cavite, Laguna, Batangas,
Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac, Bataan at Quezon.

Kapag nagkakaroon ng pagkakataong magkausap ang mga tao


sa mga nasabing mga lugar gamit ang Tagalog ay magkakaunawaan
sila. Subalit may mga ilang sitwasyon na maaaring hindi sila lubusang
magkaintindihan. Kapag sinabi halimbawa ng Bulakenyo sa Manilenyo
ang pahayag na “Pakiurong nga po ang plato”; ang tiyak na gagawin
ng Manilenyo ay iusog lamang ang plato mula sa kinalalagyan nito.

Ang ganitong pagtugon ay ikagagalit ng nauna at ikabibigla


naman ng huli! Bakit? Sapagkat ang kahulugan ng urong sa Bulacan
ay hugasan samantalang sa Maynila ay iusog.

IDYOLEK
Ito ang nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang
indibidwal o ng isang pangkat ng mga tao na gumagamit ng isang
komon na wika. May mga taong likas na mabulaklak magsalita
samantalang mayroon naming matipid magsalita.
Halimbawa: Noli de Castro at Mike Enriquez.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


SOSYOLEK
Ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa
pangkat ng lipunan. Ito ay tumutukoy sa ginagamit na wika batay sa
kinabibilangang estado ng pamumuhay, kasarian, lebel ng edukasyon
at paniniwala.

Halimbawa:
Besh, Tom Jones na aketch. (Gay Linggo)
Why you so kulit? (Konyo)

REGISTER NG WIKA

Ang register ng wika ay unang ginamit ni Reid (1956) na pinaunlad na M.A.K Halliday,
Augus Mcintosh at Peter Stevens. Ito ay isang anyo ng wika na may istilong ginagamit batay
sa partikular na disiplina o larangan.
KLASIPIKASYON NG REGISTER
▪ Frozen Register ay gamit sa ating Saligang Batas, Bibliya at himno ng
partukular na institusyon o organisasyon.
▪ Akademikong Register ay ginagamit sa mga paaralan upang maghatid
ng impormasyon, pananaliksik at pampublikong pagsasalita tulad ng mga
talumpati at debate.
▪ Konsultatibong Register ay isang pormal na paghingi ng payo o opinyon
sa mga kinauukulan tulad ng konsultasyon ng isang pasyente para sa
kanyang doctor o biktima para sa kanyang abogado
▪ Karaniwang Register ay tumutukoy sa impormal na gamit ng wika sa
diskurso. Halimbawa nito ay ang pakikipag-usap sa iyong barkada.
▪ Intimasiyang Register ay kadalasang ginagamit ng magkasintahan upang
maglambingan at magsuyuan.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


ANTAS NG WIKA

PORMAL IMPORMAL

1. Pambansa 1. Lalawiganin

2. Pampanitikan 2. Kolokyal

3. Balbal
PORMAL

Pambansa—ito ang antas ng wikang ginagamit sa mga paaralan at sa


tanggapan ng gobyerno.. Mga salitang pormal subalit madaling
maintindihan.

Pampanitikan—antas ng wika na ginagamit kadalasan sa iba’t ibang


akdang pampanitikan sa kadahilanang nangangailangan ito ng
natatanging kasanayan katulad ng paggamit ng idyoma o tayutay.

Pambansa Pampanitikan

ama haligi ng tahanan


ina ilaw ng tahanan
nanliligaw naniningalang-pugad
mabagal usad-pagong
malawak di-maliprang uwak
kapatid kahiramang-suklay
matalino nagsusunog ng kilay

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


IMPORMAL

Lalawiganin—tinatawag din itong dayalektal na tumutukoy sa wikang


ginagamit sa isang partikular na lugar o pook. Palasak ito sa wikang Filipino
na malimit ding tawagin bilang “False Friends among Philippine Language”
sa kadahilanang ang iisang salita ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan
depende sa kung saang lugar ito sinasalita.

SALITA WIKANG TAGALOG WIKANG WARAY-WARAY


Bukid Sakahan (farm) Bundok (uphill)
Putik Putik (mud) Puwit (butt)
Bantay Bantay (guard) Humanda (ready)
Apoy Apoy (fire) Lolo/Lola (grandparents)
SALITA WIKANG TAGALOG WIKANG CEBUANO
Hubad hubad (naked) magsalin (translate)
Habol habol (pursue) kumot (blanket)
Hipon Hipon (shrimp) bagoong (shrimp paste)

Kolokyal—mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw. Kadalasan ay mga


salitang kinaltas mula sa orihinal nitong salita.

Orihinal Kolokyal

Tara na Tena
Piyesta Pista
Halika na Lika na
Mayroon Meron

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


Balbal—Itinuturing ito na pinakamababang antas ng wika na ginagamit ng
mga tao. Sa wikang Ingles ay tinatawag itong “slang” na madalas na maririnig
sa mga lansangan.

Salita Kahulugan

erpat ama
yosi sigarilyo
parak pulis
tsikot kotse
batsi takas/alis
datung pera
bebot babae/dalaga
toyo may sumpong
olats talo

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


PAGLALAPAT

PAGSASANAY
Gamit ang mga natutunan mula sa antas ng wika, magbigay ng
tigsasampung halimbawa sa bawat antas ng wika

Pambansa

Anak Kapatid Kotse


Asawa Katulong Matalino
Baliw Pulis
Magnanakaw Maganda

Pampanitikan

Bunga ng pagmamahalan Kapusod Sasakyang panglupa


Kaisang dibdib Katuwang Nagsusunog ng kilay
Nasiraan ng bait Alagad ng Batas
Malikot ang kamay Mala-diyosa ang kariktan

Balbal

Junakis Utol Tsekot

Waswas Tsimay Sipsip

Praning Parak

Palaboy Chiks

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO


SINTESIS

Malaki ang naitutulong ng wika sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon. Maraming


barayti ang wika na nagdudulot ng kalituhan at kamalian. Nararapat na mahalagang piliin
ang tamang pananalita sa lahat ng pagkakatao.

REPLEKSYON

Mula sa paksang tinalakay hinggil sa wika, bakit mahalagang piliin ang paraan ng
pagsasalita. Paano mo isaalang-alang ang pagiging magalang sa kapwa?

Upang tayo ay magkakaintindihan at magkasiyahan sa ating pang araw araw na


Komunikasyon. Nararapat lng na piliin ito upang tayo ay mag-kakaunawaan at mag-ka
Kabuklodbuklod. Maisaalang-alang ko ang pagiging magalang sa aking mga kapwa base sa
kanilang respeto o pakikitungo sa akin. Pagiging bukas sa opinion ng iba, pagiging
mahinahon sa pakikipag usap at lalong lalo na ay panatilihin na kayo ay nagkakaunawaan.

SANGGUNIAN:
Mag-aatas, Rosario et al. (2011). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Booklore Publishing Corporation. Sta. Cruz, Maynila.

Arogante Jose et al. (2012). Ugnayan: Komunikasyon sa Akademikong


Filipino. Navotas Press, Inc. Navotas City.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

You might also like