You are on page 1of 4

MGA BATAYANG KAALAMAN SA WIKA

LAYUNIN:

 Matukoy ang kahulugan, kahalagahan kahalagan at kalikasan na wika.


 Makapagbigay ng sariling kahulugan sa wika.

HALIMBAWA

Bicolano Masbatiño Pangasinense


Waray Manobo Surigaonon
Cebuano Chavacano Sulod
Tibuli Tagalog Tausog
Maranao Ibatan

WIKA

Medyum ng Komunikasyon Tulay para makapag-usap at


magkaunawaan

Proseso ng pagpapadal at pagtanggap


ng mensahe

KAHALAGAHAN NG WIKA

 Instrumento sa komunikasyun
 mahalaga sa pagpapanatili, pagpapayabong ng kultura ng bawat grupo ng tao.
 Naipapakilala ang kultura dahil sa wika
 ginagampanan ng wika ang tagapagpanatili ng pambansang kamulatan at
pagkakakilanlan.
 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunongan at
kaalaman
 mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at
magkaunawaan ang ibat-ibang grupo ng taong may kanya-kanyang wikang
ginagamit.
TATLONG KATANGIAN NG WIKA

1. Masestemang Balangkas
 binubuo ng mga makabuluhang tunog o ponema ang wika na makalikha
ng mga yunit ng salita na kapag pinagsama-sama sa isang maayos nt
makabuluhang pagkasunod-sunod ay nakabubuo ng mga
parirala,pangungusap,at talata.
2. Wika ay arbitaryo
 pinagkakasunduan ang anumang wikang gagamitin ng mg grupo ng tao
para sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
3. Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taung kabilang sa isang kultura.

KASAYSAYAN AT PAGKAKABUO NG WIKANG PAMBANSA


 Saloob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, Espanyol ang opisyal
ng wika at ito rin ang wikang panturo.
 Engles at Espanyol ang wika noong sakupin ng mga amerikano ang pilipinas.

Marso 1999
 Wikang engles ang tanging wikang panturo.
1897
 Tagalog ang intinadhanang opisyal na wika ayon sa kontitusyong
probisyal ng baik na bato.
Enero 1899
 Itinadhana namang pansamantalang ganito ang espanyol bilang opisyal na
wika ayon sa kontitusyon ng malolos.
Marso 1934
 Pinagtibay ni pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estadong Unidos ang
Batas Tyding Medeffie sa natatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang
pilipinas.
Pebrero 1935
 Pinagtibay ng pambansang asamblea ang konstitusyon ng pilipinas
nisatipika ng sambayanan noong Mayu 14,1935.
Wenuslao Q. Vinzons
 Siya ang nanguna sa paggawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa mga umiiral na
katutubong wika.
Manuel L. Quezon
 Siya ang nag patupad sa probisyon ukol sa pambansang wika.
Octubre 1936
 Ang pagtatag ng surian ng wikang pambansa.
Nobyembre 1936
 Pinag tibay ng kongriso ang batas, komonwelt no1.184, na nagtatag sa
unang surian ng wikang pambansa.
Enero 1937
 Hinirang ng pangulo ang mga kagawad ng surian,alinsunod sa seksyun 1
batas komonwelt 185.
Nobyembre 1937
 Inilabas ng surian ang resulosyon ng tagalog ang gawing batayan ng
pambansang wika.

REGISTER BILANG VARAYTI NG WIKA

Ang isang salita o temrmino ay maaring magkaroon ng ibat-ibang kahulogan ayon sa


larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa anitong uri ng mga termino.
tinatawag ang mga espisyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na
nagtataglay ng ibat-ibang kahululogan sa larangan o disiplina.

Bawat propisyon ay may register o espisyalisadong salaitang ginagamit. Iba ang register
ng wika ng guro sa abugado. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang particular o tiyak na
larangan kundi sa ibat-ibang larangan o disiplina rin. Espisyal na katangian ng mga register ang
pagbabago kahulogang taglay kapag ginamit na sa ibat-ibang disiplina o larangan. Dahil iba-iba
ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang kahulugang taglay ng register kapag
naiba ang larangan pinagagamitan nito. Itinuyuring ang register bilang isang salik sa varayti ng
wika.

HEOGRAPIKAL,MORPOLOHIKAL, AT PRONOLOHIKAL NA VARAYTI NG WIKA.

Heograpikal
 Magiging salik ang heograpiya o lugar ng nagsasalita sa pagkakaroon ng
varayti ng wika.Dahil ang pilipinas ang isang archipelago na nahahati ng
katubigan at kapatagan, at napaghihiwalay ng mga pulo at kabundokan
hindi maiiwasang makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay
ang mga taung sunasawang naninirahan sa isang partikular na pulo o
lugar.Sumakatawid ,isang salita ngunit magkaiba ng kahulugan sa
dalawang magkaibang wika.
Morpolohikal
 Hindi lamang ang lokasyon ng mga lugar at ang magkakaibang
kultura na lumilikha ng magkakaibang katawagan at kahulugan
ang nagiging dahilan ng varayti sa wika.Ang ibat-ibang paraan
ng pagbuo ng salita ng mga taong kabilang sa ibat-ibang kultura
ay nagiging salik din sa varayti ng wika.
Ponolohikal
 bukod sa mga mga pagkakaiba sa katawagan at kahulugan
(Heograpikal na varayti),anyo at espiling (Morpolohikal na
varayti),nag kakaroon din ng pagbabago sa bigkas at tunog ng
mga salita ayon sa pangkat ng mga taong nito.

TANDAAN:
 Sa HEOGRAPIKAL na varayti,nasa katawagan at kahulugan
ng salita ang pagkakaiba.
 Sa MORPOLOHIKAL na varayti,ang pagkakaiba ay nasa anyo
at espiling ng salita at hindi taglay sa kahulugan nito.
 Samantala,sa PONOLOHIKAL na varayti nasa bigkas at tunog
ng salita ang pagkakaiba.

You might also like