You are on page 1of 23

KOMUNIKASYON

SA WIKA AT
KULTURANG
FILIPINO
INIHANDI NI:
Bb. Izza Shane F. Cinto
Talaan ng Nilalaman:
Wikang
01 Wika 02 Pambansa

03 Wikang Panturo 04 Wikang Opisyal


01
Wika
Wika
Ang wika ay isang instrumento at proseso ng
pakikipagtalastasan o palitan ng kuro-kuro
upang maghatid ng ideya, damdamin, at iba pa.
Kalipunan ito ng mga simbolo, bantas, at tunog
na kung saan ginagamit upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan.
KAHULUGAN NG WIKA
Dalawang Linggwistikang nagbigay kahulugan ng wika:
1. Ayon kay Archibald Hill
- Ang wika raw ay ang pangunahin at ang pinaka elaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao. Sining ng
Pakikipagtalastasan

2. Ayon kay Henry Gleason


- Ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitaang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang abitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang o kasapi sa isang kultura o
lipunan.
KATANGIAN NG WIKA
Ang Wika ay:
1. Masistemang Balangkas (Mula Maliit) 2. Sinasalitang Tunog
Ponema – tawag sa makabuluhang tunog Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat
Ponolohiya – makaagham na pag-aaral ng mga hindi lahat ng tunog ay may kahulugan.
tunog. Makahulugan ang isang tunog sa isang
Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita. wika kapag ito ay may kakayahang
Morpolohiya – pag-aaral ng morpema makapagbago ng kahulugan ng isang
Sintaks – makaagham na pag-aaral ng mga morpema o salita.
pangungusap
Diskors – makahulugang palitan ng mga
pangungusap ng dalawa o higit pang tao.
3. Pinili ang Isinasaayos
Pinipili ang wikang ating gagamitin upang tayo’y
maunawaan ng ating kausap.Samantala upang
maging epektib ang komunikasyon, kailangang
isaayos natin ang paggamit ng wika.

4. Arbitraryo (PINAGKAKASUNDUAN)
Ang isang taong walang ugnayan sa isang komunidad ay hindi
matututong magsalita kung paanong ang mga naninirahan sa
komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat ang ESENSYA NG
WIKA AY PANLIPUNAN.
Bawat indibidwal ay nakakadebelop din ng sariling
pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiiba niya sa iba pa.
6. Nakabatay sa Kultura
5. Ginagamit Nagkaiba-iba ang mga wika sa daigdig
Ang wika ay kasangkapan sa dahil sa pagkaiba-iba ng mga kultura ng
komunikasyon at katulad ng iba mga bansa at mga pangkat.
pang kasangkapan, kailangang
7. Nagbabago
patuloy itong ginagamit.
Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring
Kapag hindi ginagamit, ito’y
tumangging magbago.
nawawalan ng saysay, unti-unting
Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng
mawawala at tuluyang mamamatay.
mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging
malikhain ng mga tao, maaaring sila ay
nakakalikha ng mga bagong salita.
KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Instrumento ng Komunikasyon
Ang wika, pasalita man o pasulat ay pangunahing kasangkapan ng tao sa
pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Ang dalawang tao ay
nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika.
2. Nag-iingat at nagpapalaganap ng Kaalaman
Maraming kaalaman ang naisasalin sa ibang salinglahi at napakikinabangan
ng ibang lahi dahil sa wika. Ang mga nobela ni Rizal halimbawa, ay naisulat
ilang daang taon na ang lumipas ngunit patuloy itong napakikinabangan sa
ating panahon dahil may wikang nagkanlong rito at nag-iingat hanggang sa
kasalukuyan.
3. Nagbuklod ng bansa
Nang makihamok ang mga Indones sa kanilang mga mananakop na Olandes,
naging battlecry nila ang Satu Bangsa! Satu Bahasa! Satu Tuna-ir! (Isang bansa!
Isang wika! Isang inang bayan.) PEOPLE POWER
4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kwento o nobela o di kaya’y kapag tayo’y
nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan ang mga tagpo
niyon. Maaaring tayo’y napapahalakhak o napapangiti, natatakot o kinikilabutan,
nagagalit o naiinis, naaawa o naninibugho.
02 Wikang
Pambansa
Wikang
Pambansa
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Filipino. Ito ay nakasaad sa 1987
constitution Artikulo XIV, Seksyon 6
ng Saligang Batas.
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Ang wikang Filipino ay kinilala bilang wikang opisyal ng bansa kasama ng
Ingles. Ito ay nakabatay sa Tagalog, isang rehiyunal na wika na sinasalita sa
malaking bahagi ng kapuluan.

1897 – Dito nakasaad na ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika
ng pamahalaang rebulusyonaryo.
1901 – sa pamamgitan ng Philippine Commision, ginawang opisyal na
wikang panturo ang wikang Ingles sa mga paaralan.
1931 – ipinag-utos ng kalihim ng Republic Instruction na wikang
BERNAKULAR na lamang ang gagamitin bilang wikang panturo sa
elementarya simula taong aralan 1932-1933.
1935 – Nakasaad sa artikulo 14 Seksyon 3 ng Konstitusyon na “Ang
kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral
na katutubong wika.”
Mga katutubong wika/dayalekto:
o Bisaya Waray-waray Tagalog
o Ilokano Pangasinense Tiruray
o Ibanag Kapampangan Chavacano
o Bikolano Ivatan Marano
o Hiligaynon Tausug Sambal
1936 – itinatag ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian
ng Wikang Pambansa upang mamuno sap ag-aaral at pagpili
sa wikang pambansa.
- Tungkulin ng SWP na magsagawa ng pananaliksik, gabay
at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang
pambasa ng Pilipinas.
1937 – nabuo ang Kautusang Tagapagganap Blg. 134 na nag-
aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa
pagbubuo ng Wikang Pambansa.
1940 – Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 263 na nagpapahintulot sa
pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa
Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng
Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.
1959 – Nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose
Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang
opisyal na tawag sa Wikang Pambansa.
1967 – KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG 96, itinakda ni
Pangulong Marcos na nagtadhana na lahat ng gusali, edipisyo, at
tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Filipino.
1971
• Memo Sirkular Blg 488, humihiling sa lahat ng tanggapan ng
pamahalaan na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo
ng Wikang Pambansa simula Agosto 13-19.
• Memo Sirkular Blg 443, lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng palatuntunan sa alaala ng ika-183 na kaarawan ni
Baltazar sa Abril 2, 1971.
1973 – Si Pangulong Ferdinand Marcos,nakasaad sa
Artikulo 15 Seksiyonn 2 at 3 na ang Batasang Pambansa ay
magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pormal na paggamit ng pambansang Wikang Filipino.
Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino
ang mananatiling wikang opisyal ng Pilipinas.

1986 – Proklamasyon Blg. 19 kinilala ni Pres. Corazon


Aquino ang mahalagang papel na ginampanan ng wikang
pambansa na nagbunsod sa bagong pamahalaan.
1987
• Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na “Ang Wikang
Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
• Kautusang tagapagpaganap Blg 117
o Ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika sa
Pilipinas
• Saligang Batas ng 1987
o Naisakatuparan nang maipasa ang Batas Republika
7104 noong Agosto 1991, na nagtatag sa Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF)
1996
• CHED MEMO Blg 59 – nagtadhana ng 9 na yunits na
pangangailangan sa pangkalahatang edukasyon.
• Proklamasyon Blg 1041 – Ginawang BUWAN NG
WIKA ang buwan ng AGOSTO ito ay nilagdaan ni
Pangulong Fidel Ramos bilang pagbibigay parangal sa
kapanganakan ng itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa
na si dating Pangulong Manuel Quezon.
Awesome
words
“This is a quote, words
full of wisdom that
someone important said
and can make the
reader get inspired”
—Someone Famous
Thanks!
Do you have any questions?

youremail@freepik.com
+34 654 321 432
yourwebsite.com

CREDITS: This presentation template was created by


Slidesgo, and includes icons by Flaticon, and
infographics & images by Freepik

Please keep this slide for attribution

You might also like