You are on page 1of 4

INTRODUKSYON

Nabubuhay tayo sa daigdig ng salita (Fromkin at Rodman, 1983). Sa pagsasalita


gumagamit tayo ng wika. Dahil dito, nagiging instrumento ng tao ang wika sa pagpapahayag ng
kanyang sarili para makamit ang mithiin at adhikain niya sa buhay. Sa pamamagitan ng wika ay
naipaparating ng tao ang mga impormasyon na gusto niyang maibahagi sa iba. Sa katwiran ni
Hoebel (1966) walang makapagsasabi kung saan o paano ba talaga nagsimula ang wika. Maaring
ang tao noon ay nakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pag-iyak, paghiyaw, pagkilos
hanggang ang mga senyas na ito ay binigyan ng simbolo at kahulugan. Ganoon pa man,
pinaniniwalaan na ang wika ay binubuo ng mga simbolo na naghahatid ng kahulugan. Binubuo
rin ito ng mga patakaran at pinagsama samang simbolo na makabubuo ng walang katapusang
ibat ibang mensahe.

Nagbigay ang mga teoristang neo-klasikal (Tollefson, 1991) ng tîpolohiya ng mga


pangkat-wika batay sa mga katangiang istruktural ng mga varayti ng wika sa degri ng
pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga varyasyong ito. Sa pagpapahayag ni Saussure (1916),
nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa paniniwala ng mga lingwist ng
pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika. Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na
may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng
panahon nagiging ispesyalisado ang mga gawain at tungkulin ng tao na nagreresulta sa
pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang nagiging panukat sa progreso ng tao (Roussean,
1950). Sa pagpapaliwanag ni Constantino (2000), nagbunga ang mga pagkakaibang ito sa wika
ng iba't ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay ng di-pagkakapantay-pantay ng mga
wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon.

Ang topograpiya at heograpikal na tanawin ng isang rehiyon ay kadalasang nagdudulot


ng pagkakaiba-iba sa pag-uugali ng mga tao, paraan ng pagsasalita, at wika ng mga tao. Iba
ibang mga linggwistika ang nagpapakita ng pagkakaiba-iba sa mga tuntunin ng pagbigkas,
leksikon, morpolohiya, at syntax. Dulot ng pagkakaibang ito ay nakakasagabal sa komunikasyon
sa pagitan ng grupo ng mga tao. Tinataya ng mga linguist na hanggang 7,097 na wika ang
sinasalita sa buong mundo, ang mga wikang ito ay buhay at dinamiko. Ang sinasalita ng
komunidad ay buhay at hinuhubog ng mabilis na pagbabago ng mundo (Lewis et al., 2016).
Masasabing malaking dulot o epekto ang varyasyon at varayti ng isang wika sa pagiging
natatangi nito. Tulad ng wikang maguindanaon na maraming bilang ng tagapagsalita ang
gumagamit sa iba’t ibang karatig ng bansa. Sa pahayag ni Finegan (2014), maaaring magkaiba
ang iba pang mga varayti ng wika sa bawat rehiyon sa loob ng isang bansa. Ang Magindanáwon
ay isa sa mga wikang Danáw na kinabibilangan din ng mga wikang Iránun at Mëranáw.
Sinasalita ito sa halos buong lalawigan ng Maguindanao, gayundin sa ilang bahagi ng Lungsod
Cotabato, Timog Cotabato, Lanao del Sur, at Sultan Kudarat, Zamboanga del Sur, at Zamboanga
Sibugay. Kasámang naninirahan ng mga Magindanáwon ang iba pang grupo tulad ng mga
Sebwáno, Chabacano, at Tausúg sa kanilang lugar kung kayâ nakapagsasalita rin silá ng alinman
sa wika ng mga grupong ito. Marunong din silá ng mga wikang Filipíno at Inglés na mga wikang
panturo sa paaralan. Higit pa rito, ang wikang Maguindanaon ay malawakang ginagamit sa
lalawigan ng Maguindanao. Gayunpaman, bihira ang mga pag-aaral at sulatin tungkol sa wikang
Maguindanaon. Noong 1906, si C. Smith (Captain of the 14th U.S. Cavalry) ay sumulat ng libro
tungkol sa gramatika ng wikang Maguindanao ayon sa paraan ng pagsasalita nito sa Interior at sa
South Coast ng Island ng Mindanao. Ito ay isinalin mula sa Kastila ni Rev. Padre Juanmarti. Ang
aklat ay naglalaman ng mga tuntunin sa gramatika batay sa obserbasyon at karanasan ng may-
akda sa paraan ng pagpapahayag ng mga ideyang Moro. Kasama rin sa aklat ang mga letrang
ginamit ng mga Moro o Maguindanaon at ang kanilang pagbigkas. Nang maglaon, isang
Diksyunaryo Maguindanaon-English, English-Maguindanaon ang inilathala ni Sullivan (1986).
Ang obra ay batay din sa diksyunaryong inihanda ni Fr. Juanmarti, SJ, na gumugol ng 24 na taon
sa Tamontaka, Cotabato City at naglathala ng Maguindanao- Spanish, Spanish-Maguindanao
taong 1893. Iilan lamang ito sa mga materyales patungkol sa wikang Maguindanao. Ang mga ito
ay isinulat ng mga dayuhan o hindi katutubong nagsasalita ng wika.

Bunga nito nahikayat ang mga mananaliksik sa pag-aaral ng “Pagtukib sa Varayti at


Varyasyon ng Wikang Maguindanaon ng mga mag-aaral sa Mindanaon State University”. Sa
pamamagitan nito malalaman ng mga mananaliksik kung ano ang Varayti at Varyasyon mayroon
ang natatanging wika ng mga Maguindanaon. Layunin ng pag-aaral na ito na tugunan ang mga
kakulangan sa kaalaman ng wikang Maguindanaon at naglalayong ilarawan ang mga katangiang
morpolohikal, ponolohiya, at leksikal ng mga dayalektong Maguindanaon. Ang pagsusuri sa
nasabing mga katangiang pangwika ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga interesadong
matuto ng wikang Maguindanaon at sa mga nais mag-aral ng sinasalitang wika. Dagdag pa rito,
ang pangangalaga sa wikang Maguindanaon ay mapapansin sa pamamagitan ng pananaliksik na
ito. Makakatulong din ang pag-aaral na ito sa mga nagpaplanong gumawa ng mga babasahin at
kagamitang panturo gamit ang wikang Maguindanaon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang tagumpay ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga sumusunod:

Sa mga Guro, upang mas mapayabong pa ang kanilang kaalaman patungkol sa Varayti at
Varyasyon ng wikang Maguindanaon na maaari nilang gamitin sa kanilang pagtuturo.

Sa mga Mag-aaral, dahil nakapagbibigay ang pag-aaral na ito ng dagdag kaalaman para sa
kanilang pag-aaral tungkol sa wika, lalong Lalo na sa pag-aaral ng Varayti at Varyasyon ng
Isang wika.

Sa mga Mambabasa, upang mas lalong maunawaan nila ang wikang Maguindanaon hindi
lamang ang wika nito ngunit maging ang mga bahagi na mayroon ang pangkat na ito.

Sa susunod na mga Mananaliksik, lubos rin itong makatutulong sa kanilang gawaing


pananaliksik bilang batayan kung napapatungkol din sa wikang Maguindanaon ang kanilang
pag-aaral.

Reperensiya:

Saligan, H. (n.d). Aralin 1: Pagkatuto ng Wika: Kahulugan ng Wika at Kalikasan ng Wika. No


Date of Publication. Retrieved from
https://www.academia.edu/35941283/Aralin_1_Pagkatuto_ng_Wika_Kahulugan_ng_Wika_at_K
alikasan_ng_Wika
https://kwfwikaatkultura.ph/mga-wika/magindanawon/

Kunso, F. , Mendoza, R. (2021). Variations in the Maguindanaon Language. Retrieved from


https://www.researchgate.net/publication/361935690_Variations_in_the_Maguindanaon_Langua
ge

Concepcion, S. (n.d). Ang Pag-Aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika: Hanguang Balon sa


Pagtuturo at Pananaliksik. Retrieved from
https://www.academia.edu/34093314/Ang_Pag_Aaral_ng_Varayti_at_Varyasyon_ng_Wika_Ha
nguang_Balon_sa_Pagtuturo_at_Pananaliksik

You might also like