You are on page 1of 6

1

16 Enero 2020

PORTFOLIO # 1

KAHULUGAN, KATANGIAN AT KAHALAGAHAN NG BARAYTI NG


WIKA

I. Rasyonal

Ayon nga kay Gonzales (1997), ang ating bansa ay may higit isang
daang wika. Naging makabuluhan ang papel na ito sapagkat inilalahad dito
ang iba’t ibang pagpapakahulugan sa wika. Binibigyang-tuon dito ang mga
kahulugang isinasaad batay sa perspektibo ng mga dalubhasa.
Tumatalakay rin ang papel na ito sa mga katangiang tinataglay ng wika,
mapa-berbal man ito o di-berbal. Ayon kay Gonzales (1997), ang bansang
Pilipinas ay may higit isang daang wikang ginagamit. Mga iba’t ibang wika
ang ginagamit ng bawat tao sa pagpapahayag ng kani-kanilang saloobin,
kung kaya, dito pumapasok ang tinatawag na barayti ng wika. Kung saan
isinasaad na ang isang tao ay isang multilingwal, nakapagpapahayag sa
iba’t ibang pamamaraan. Ang pagkakaroon ng barayti at baryasyon ng wika
ay nakabatay sa paniniwala ng mga linggwist ng pagiging heterogenous o
pagkakaiba ng wika (Saussure 1916). Nagbunga ang pagkakaiba na ito sa
pananaw at pagtingin ng tao sa wika. Panghuli, tatalakayin sa papel na ito
ang kahalagahan ng pagkakaroon ng barayti ng wika.

II. Ang Paksa

A. Pagpapakahulugan

 Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng


sosyalisasyon, na hindi matutupad ang mga relasyong
sosyal kung wala ito.
2

 Ayon naman kay Williams (1992), nasa kamalayan na ng


mga pilosopo sa ika-18 na siglo ang pagkakaroon ng mga
uri o varayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan
ng isang indibidwal. Dito nagsimula ang mga pag-aaral sa
varayti ng wika na naging bahagi ng larangan ng
sosyolinggwistika.
 Sa pananaw ni Saussure (1915), hindi kumpleto ang wika
sa sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang
ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat.
 Isinaad ni Berstein (1972), na sa pagkakaroon ng varayti o
anyo ng wika nagreresulta ito sa pananaw ng pagkakaroon
sa herarkiya ng wika kung saan tinawag niya itong Deficit-
Hypothesis. Nakita niya na may magkaibang katangian ang
wika ng mga batang mula sa mahihirap na kalagayan.
 Ngunit para naman kay Labov (1972), naniniwala siya na
natural na phenomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at
pagkakaroon ng varayti ng isang wika. At mahalagang
tingnan nang pantay-pantay ang mga varayting ito- walang
mababa walang mataas.

B. Katangian

 Heterogenous- katangian ng wikang nagpapakitang itoy


hindi maaari ng maging puro sapagkat bawat wika ay
binubuo ng iba’t ibang varayti
 Bilinggwalismo- dalawang wikang alam ang ginagamit ng
isang indibidwal
 Multilinggwalismo- dalawa o higit pang wikang alam o
wikang sinasabing mataas ang isang indibidwal
 Pormal- paggamit ng mga salitang batay sa hinihingi ng
pagkakataon
 Impormal- paggamit ng salitang balbal o palasak
3

 Istilo- nakabatay sa kung sino ang kausap at kung ano-ano


ang relasyon nila sa isa’t isa
 Mode- wikang ginagamit (medium) at ginagamit sa
pakikipagkomunikasyon

C. Kahalagahan

 Nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika sa pa


mamagitan ng pagdaragdag ng salitang gagamitin sa
isang lipunan.
 Mapaparami nito ang iba’t ibang katawagan ng isang
salita.
 Natutulungan nito ang mga tao na makapamili ng
mga salitang pinaka-angkop na gamitin.
 Mahalaga ang barayti ng wika sa atin, dahil dito
nagkakaroon ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ang
lahat ng tao. Kung wala ito, mawawala ng saysay ang
lahat ng ating sinasabi.
 Mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang barayti ng
wika upang maintindihan natin ang ating kapwa.

III. Ang Natutunan

Natuklasan ng mga mananaliksik sa pahayag ni Sapir, na talagang


walang mabubuong interaksyong sosyal kung walang kasangkot na wikang
ginagamit o gagamitin. Nalaman din ng mga mananaliksik na sa simula pa noong
ika-18 siglo ay napag-alaman na ng mga pilosopo na mayroong pagkakaiba sa
paggamit ng wika.kaya marami ang gustong pag-aralan ang tungkol sa pagkaka-
iba-iba nito. Sang-ayon naman ang mga mananaliksik sa pahayag ni Saussure,
ito ay may kaugnayan sa pahayag ni Sapir, mangyayari lamang ang isang
kabuuang paggamit ng wika kapag ito ay manggagaling sa pakikipagtalastasan,
pakikipagkwentuhan at pakikipag-interaksyon ng isang tao tungo sa ibang tao
kung gayon, ang kahalagahan ng isang wika ay makikita sa mga taong
4

gumagamit nito. Sa pahayag naman ni Berstein, naikinta sa mga isipan ng mga


mananaliksik ang pagkakaiba ng mahirap at mayaman na tao sa paraang iba-
iba ang kanilang pamamaraan sa pagsasalita ng isang wika sa madaling salita,
nakadepende ito sa kinalakihan niyang estado sa buhay. Panghuli, sa pahayag
ni Labov, natutunan namin na sa kabila ng pagkakaiba ng mga wika na sinasalita
ng isang tao ay pare-pareho itong importante at kinakailangang gamitin sa iba’t
ibang taong makasasalamuha. Hindi kailangang maliitin ang isang wika bagkos
dapat itong paunlarin at pahalagahan.

Sa kabuuan, ang varayti ng wika ay kinakailangang bigyang-pansin at


pag-aralan sapagkat naging instrumento ito sa pakikipagsapalaran sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay.

IV. Konklusyon

Batay sa mga pananaw ng mga dalubhasa at pilosopo, makikita na ang


varayti ng wika ay may kalakip na mga katangian at nakapaloob din ang
kahalagahan sa pagkakaroon pagkaka-iba nito at kuna bakit natin ito dapat pag-
aralan.

V. Mga Sanggunian

Getigan, C. E. (2015, October 26). Barayti ng wika. Retrieved from


https://www.slideshare.net/christopheregetigan/barayti-ng-wika-54380991

Liwanag, L. B. (n.d.). Ang Pag-Aaral ng Varayti at Varyasyon ng Wika:


Hanguang Balon sa Pagtuturo at Pananaliksik. Retrieved from
http://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/normallights/article/view/38

Punay, M. (2016, July 18). BARAYTI NG WIKA. Retrieved from


https://prezi.com/rerxlab9rciv/barayti-ng-wika/

SCPS Follow. (2016, June 22). Barayti ng Wika. Retrieved from


https://www.slideshare.net/RainierAmparado/barayti-ng-wika-63351730
5

21 Enero 2020

REAKSYONG PAPEL #1

ANG KAHULUGAN NG BARAYTI NG WIKA

I. Rasyonal

Ang Pilipinas ay mayroong yaman sa wika na dapat tangkilikin at


pagyamanin. Ayon sa KWF (Komisyon sa Wikang Filipino), ay mayroong 186 na
iba’t ibang wika sa Pilipinas. Nagkakaiba-iba ang wikang sinasalita ng mga tao
ngunit ayon sa mga pag-aaral, sa isang bansa, natural ang pagiging
multilinggwal ng mga tao. Sa pamamagitan ng wika, masasabi nito ang
pagkakakilanlan ng isang tao sa partikular na lugar. Nakapokus ang papel na ito
sa paglalahad ng mga perspektibo ng mga eksperto tungkol sa pagkakahulugan
sa barayti ng wika. Lalamanin din ng papel na ito ang reaksiyon ng mga
mananaliksik ukol sa mga naibigay na pahayag sa kahulugan ng wika at
mailalahad din dito ang pagsang-ayon o pagsalungat ng mga mananaliksik sa
mga naibigay na pagpapakahulugan.

II. Paksa

Isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga dalubhasa sa larangan ng


sosyolingwistika ang pagkakaroon ng varayti sa wika. Isinaad ni Saussure
(1916), na nakabatay ang pagkakaroon varayti at varyasyon ng wika sa
paniniwala ng mga lingwist ng pagiging heterogenous o pagkakaiba ng wika at
sinuportahan naman ito ni Bloomfield (1918), sabi niya ay hindi kailanman
pagkakatulad o uniformidad ang anumang wika. Dahil ito sa iba’t ibang lugar na
tinitirhan, interes, gawain, kultura, at iba pa. Kaugnay ng pananaw nito ang
Teoryang Akomodasyon ni Howard Giles (1982), ito ay may kaugnayan sa mga
6

teorya sa pag-aaral o pagkatuto ng pangalawang wika sa linguistic convergence


at linguistic divergence na nakapokus sa mga taong kasangkot sa sitwasyong
pangwika.

You might also like