You are on page 1of 84

WIKA, LIPUNAN

AT KULTURA
MGA LEKTYUR BATAY SA
SILABUS
2

KABANATA I
WIKA: Konsepto, Katangian, at Kasaysayan ng Wika

NILALAMAN:
1.1. Konsepto ng Wika
1.2. Barayti at Baryasyon ng Wika
1.3. Iba’t ibang Rehistro
1.4. Kasaysayan ng Wika

INAASAHAN NA MGA BUNGA:


a. Mailahad ang konsepto ng wika
b. Mailahad at maipaliwanag ang iba’t ibang barayti at baryasyon ng wika
c. Mailahad at maipaliwanag ang iba’t ibang rehistro at larangan pangwika
d. Mailahad ang kasaysayan ng wika

LEKSIYON:

1.1. KONSEPTO NG WIKA

1.1.1. Kahulugan ng Wika

Ang WIKA ay ang kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan. Nagsisilbi rin itong sandata
tungo sa mabisang interaksiyon sa kanyang kapwa. Itinuturing din itong instrument dahil ito ay
humuhubog sa kamalayan ng isang indibidwal upang siya ay lubos na maunawaan mg komunidad kung
saan siya kabilang. Ayon kay O’Grady at Archibad (2001, kay Ancheta et.al, 2015) ang wika ay maraming
bagay – ito ay isang sistema ng komunikasyon, ito rin ay isang kasangkapan ng kaisipan, isa rin itong
pamamaraan ng pagpapahayag ng sarili, isa rin itong panlipunang institusyon, at hanguan ng
pagpapahalagang katutubo at kontrobersiyang politikal.

Karagdagan pa, ang wika ay nagsisilbing tagapamagitan ng mga tao na bumubuo sa isang tiyak na
lipunan. Ang wika ay may ‘di matatawarang papel sa pagtugon ng pangangailangan ng bawat indibiduwal
dahil ginagamit ito upang makuha ang ano mang naisin at mithiin sa buhay sa paraang mabisa at
malinaw. Nagagamit din ito sa pinakamabisang paraan na kung saan nagagawa ng isang tao na
maipahayag ang kanyang saloobin at naiisip tungo sa pansariling kasiyahan. Ito din ay hindi lamang ito
naghahatid ng isang espesipikong mensahe bagkus maaari itong gamitin sa samu’t saring paraan na
makapaghatid naman ng iba’t ibang kahulugan. (O’Grady at Archibald, 2001, kay Ancheta et.al, 2015)

Bagama’t marami ang kahulugan ng wika, maaari itong bigyang kahulugan bilang ang pinakamabisang
instrumentong ginagamit ng tao sa pagpapaunlad ng kanyang sarili, ng kanyang kapwa, at ng lipunang
kanyang kinabibilangan. Ayon sa mga sosyolinggwist, malaki ang ugnayan ng wika at lipunan. Ang
lipunan ay binubuo ng iba’t iba at maraming karanasan. Mula sa kanilang karanasan, nagagawa nilang
pagsama-samahin ang kanilang mga kaalaman, paniniwala, gawi at ang wika. Dahil dito, nakabuo ng
sarili nitong pangkat-wika (speech community) na higit na nagpapatatag sa kanilang kinagisnang wika at
kultura.

1.1.2. Kahalagahan ng Wika

a. Sa Pansarili
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
3

Nagagamit ang wika upang makapagpahayag ng saloobin.

b. Sa Kapwa
Nagagawa nating makihalubilo upang mapatatag ang ating relasyong-sosyal. Nagagawa rin nitong
mas mapalawak pa ang ating mga karanasan sa buhay.

c. Sa Lipunan
Nagiging mahalaga sa isang lipunan ang wika sa pamamagitan ng mga kolektibong karanasan ng
mga tao. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon sila ng isang tiyak na lipunang tunay na pekyular at
natatangi kaysa sa iba.

1.1.3. Kapangyarihan ng Wika

a. Ang wika ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan


Sa iba’t ibang lalawigan, may kani-kaniyang mga katumbas na kahulugan ang bawat isa. Bilang isang
halimbawa, ang salitang ibon na ang katumbas sa Ingles ay bird ay may katumbas din na salita sa
Cebuano na salitang langgam. Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga pananalita, kinakailangan na maging
mapanuri sa mga sinasabi at maging sensitibo.

b. Ang wika ay humuhubog ng saloobin


Sa paggamit ng wika, nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa
kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kanyang kapwa. Sa pamamagitan ng wika,
nahuhubog ng wika ang mga tamang pag-uugali ng isang tao.

c. Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon


Ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan. Nagdudulot ang polarisasyon ng
‘di pagkakaunawaan dahil sa malalimang pagtanaw gamit ang salita na nagdudulot ng malaking
epekto sa kausap.

d. Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito


Ang mga salita ay produkto ng mayamang karanasan mula sa kanilang interaksiyon sa isa’t isa. Hindi
nararapat tingnan ang isang wika na ito ay mababa (inferior) o mataas (superior) sa ibang wika dahil
ang antas ay laging nakabatay at sumasailalim sa isang kultura.

1.1.4. Tungkulin ng Wika

Pitong tungkulin ng wika ayon kay M.A.K. Halliday (Wesbter, 2004, kay Ancheta et.al, 2015):

a. Instrumental
Paggamit ng wika upang magpahayag ng ating mga pangangailangan tulad ng paglalahad ng
mungkahi; panghihikayat; pagbibigay-utos; at pagpapangalan.

b. Regulatori
Paggamit ng wika upang kontrolin ang ikikilos o gagawin ng iba.

c. Representasyonal
Paggamit ng wika upang magpahayag ng mga impormasyon at mga katotohanan.

d. Interaksiyonal
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
4

Paggamit ng wika upang lumikha at magpatatag ng mga ugnayang-panlipunan

e. Personal
Paggamit ng wika upang ipahayag ang damdamin, opinion, at sariling aydentidad.

f. Heuristik
Paggamit ng wika upang maging daan sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa paligid.

g. Imahinatibo
Paggamit ng wika upang pukawin ang malikhaing kaisipan ng tao sa pamamagitan ng pagpapahayag
ng mga kwento, biro at iba pa.

1.1.5. Katangian ng Wika

a. Internal na ugnayan
Ang wika ay may kakayahan na makabuo ng pangungusap sa loob ng isang pangungusap.
Halimbawa:
Si Jose ang estudyante na nakakuha ng pinakamataas na grado sa akin noong nakaraang
semestre na pamangkin ang aking kaibigan na si Nidalyn na ngayon ay nasa Canada na bilang nars
at patuloy pa ring sumusulat sa akin.

b. Ang wika ay arbitraryo


Ang bawat wika ay may kani-kaniyang mga katawagang ginagamit na itinatakda ng isang lipunan o
uniqueness ng isang salita bagaman magkasingkahulugan. Ayon kay Hazen (2015, kay Ancheta
et.al, 2015) na dahil ang wika ay arbitraryo, nangangahulugan na ang lahat ng posibleng tunog na
ating nalilikha ay maaaring magkaroon din ng ganoon karaming pagpapakahulugan. Nagsaad din
sina O’Grady at Archibald (2001, kay Ancheta et.al, 2015) na ang pagiging arbitraryo ng wika ay
nagsasaad ng katotohanang walang tuwirang kaugnayan ang salita sa konseptong tinutukoy ng
salita.
Halimbawa:
a. aso (Filipino), dog (English), perro (Spanish), anjing (Bahasa Malaysia)
b. bigas (Tagalog), begas (Tiruray), bagas (Ilokano), bugas (Bisaya)
Paliwanag: makikita na may iba’t ibang katawagan sa iisang bagay o hayop at kung papansinin pa
lalo ang ikalawang halimbawa, hindi nagpapanlayo ang mga katawagan dahil ito ay ang mga salita
ay magkakaangkan, sapagkat ang kayarian ng mga wika sa Pilipinas ay magkakaangkan.

c. Ang wika ay produktibo at likas na mapanlikha


Kakayahan ng isang tao na gamitin ang kanyang katutubong wika sa pagpapahayag na walang
kahalintulad. Nabibigyan ang isa ng Kalayaan na maging mapaglaro sa mga salita tungo sa mas
mabisang paraan ng pagpapahayag.

d. Ang wika ay isang penomenong-sosyal


Nagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang ng tao. Mas nagiging mabilis
ang pagkatuto sa wika dahil sa pakikipag-ugnayan natin sa ating kapwa.

e. Ang wika ay kakambal ng kultura


Dahil ang tao ang gumagamit ng wika, at ang mga ito ay may kultura, kaya masasabing ang wika at
kultura ay hindi mapaghihiwalay. Nadedebelop ang wikang sinasalita ng isang tiyak na lipunan.
Halimbawa: Sa Katagalugan: Sasama ka ba sa libing? sa halip na makikipaglibing ka ba?
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
5

Paliwanag: Kung ang pagbabatayan ay ang tamang gramatika, mas mainam na sundin ang
ikalawang halimbawa pero dahil hindi maiaalis ang kultura sa wika, nagiging katanggap-tanggap ito.

f. Ang wika ay tunog


Kapag tunog tungkol sa wika ang pinaguusapan, may dalawang uri ito. Ang una ay ang tonal
language. Ito ang katawagan sa mga wikang sa bawat tono ay may iba’t ibang kahulugan. Halimbawa
sa mga ito ay ang mga: wikang Hapones, Intsik, at Koreano. Ibig sabihin, mayroon silang mga
salitang magkakapareho ang ispeling subalit nagiging magkaiba ang kahulugan kapag nag-iba na
ang tono ng pagbigkas nito.
Ang ikalawa ay tumutukoy sa paniniwala na bawat wika ay sa tunog nagmula.
Halimbawa:
Tunog ng Manok - Tiktilaok (Pilipinas): Cock-a-doodle-doo (English)
Tahol ng Aso – aw-aw-aw (Pilipinas): whoorff-whoorff-whoorff (English)

1.1.6. Mga Teorya sa Pagkatuto ng Wika

a. Behaviorist Theory
Ang pag-aaral o pagkatamo ng wika ay isang proseso ng isang patuluyang rutina na mayroong trial
and error na kung saan ang bata ay sumusubok at nagkakamali hanggang sa magamit niya ng tama
ang wika. Karagdagan pa, sa teoryang ito ipinapakita na dahil sa kanilang paggaya na napakikinggan
nila sa paligid at sa pagtatama ng mga nakapaligid sa kanya, unti-unting nakukuha ng bata ang
tamang paggamit ng wika (Skinner, B.F., 1957).

b. Innates Theory (nativist theory)


Simula pa lamang sa pagkasanggol ay mayroon na itong inborn na abilidad para sa pagkatuto sa
wika. Ipinapakita rin nito na ang wika ay parte ng pagkasanggol at ito ay mayroon na talaga habang
ito ay sanggol pa lamang.

c. Cognitive Theory
Ang pagkatuto sa wika ay nagmumula sa mga impormasyon na kanyang natatanggap sa kanyang
paligid. Patuloy itong pinagbubuti ng bata hanggang sa maintindihan niya ang mga salik ng wika.

d. Social Interactionist Theory


Ayon kay Vygotsky (1978), ang pagkatuto ng wika ay nangyayari sa pakikipaginterak sa kapaligiran
pati na rin sa mga taong nakakasalamuha ng sanggol. Ipinapakita nito na ang bata ay isang munting
linggwista na inaanalisa ang wika na nanggagaling sa mga adulto na nakapaligid sa kanya. Kasabay
din nito, na ang pagkatuto sa wika ay hindi makokompleto ng siya lamang mag-isa kundi kailangan
ng tulong ng mga nakatatanda.

1.1.7. Antas ng Wika

a. Pambansa
Wikang nauunawaan ng mga mamamayan ng isang buong bansa. Para sa bansang multilingual,
napakahalaga ng pagkakaroon ng pambansang lingua franca o wikang pambansa na magsisilbing
tulay sa lahat ng wika upang magkaunawaan ang mga mamamayan.
Halimbawa:
maganda pamahalaan edukasyon kaibigan
anak tahanan paaralan

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


6

b. Pampanitikan
Pinakamayamang antas ng wika. Mayaman ito sa paggamit ng idyoma at tayutay. Kilala rin ito bilang
wikang pang-akademya at ginagamit din na wika sa usaping pang-akademya, sa pananaliksik, at sa
mga pormal na talakayan. Kinakailangan ng mas malalimang kaalaman sa wika upang maunawaan
ang paggamit ng wika sa antas na ito dahil may mga salitang may ibang pakahulugan kung ginamit
nang patalinhaga o bilang mga idyoma.
Halimbawa:
mabulaklak ang dila (bolero) di-maliparang uwak (napakalawak)
kaututang dila (kadaldalan) balat-sibuyas (sensitibo)
ahas na tulog (mabagal sa mga gawain) alog na ang baba (matanda na)
bagong-ahon (bagong dating) hasang-hasa (sanay na sanay)
bulanggugo (gastador)

c. Lalawiganin
Tawag sa mga wikang ginagamit sa bawat lalawigan. Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng mga pulo
na napapangkat sa iba’t ibang lalawigan. Marami sa mga lalawigang ito ay may kani-kaniyang wikang
sinasalita at ito ay tinatawag na lalawiganin.
Halimbawa:
Tagalog – aalis Ilokano – pumanaw
Tagalog – kaibigan Bikolano – amiga
Tagalog – sinulid Cebuano – hilo
Tagalog – itlog Kapampangan – ebon

d. Kolokyal
Tumutukoy sa pang-araw-araw na gamit ng salitang hinalaw sa pormal na mga salita. Madalas, ito
ang ginagamit sa anyong pasalita at nagkakaroon ng mga bahagyang pagbabago sa pagbigkas
upang maging madali.
Halimbawa:
lika (halika) naron (naroon) meron (mayroon)
antay (hintay) don (doon) ika (winika)

e. Balbal
Kilala bilang slang sa Ingles. Ito ay karaniwang itinuturing na pinakamababang antas ng wika at
kinabibilangan ng mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan tulad ng pagsasama-sama
ng mga saitang maaaring mahaba o maikli lamang o di kaya ay pagbabaliktad ng mga pantig ng
isang salita.

1.2. BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA

1.2.1. Kahulugan ng Barayti ng Wika

Ang salitang barayti sa simpleng pagpapakahulugan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng pagkakaiba-iba.


Ang pagkakaroon ng barayti sa wika ay hindi dapat tingnan sa negatibong pananaw. Kunin bilang
halimbawa ang wikang Ingles. Maraming mga barayti ang wikang Ingles katulad ng British English,
American English, Scottish English, Canadian English, Australian English, at marami pang iba.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


7

Pagdating sa mga wika ng Pilipinas, ang wikang Filipino ay nagtataglay rin ng iba’t ibang barayti –
Filipino-Manila, Filipino-Cebu, Filipino-Davao at iba pa. Kahit ang wikang Tagalog ay may mga barayti
ring matatawag, Tagalog-Cavite, Tagalog-Batangas, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Quezon. Bawat isa rito
ay nagkakaroon ng pagkakaiba depende sa estilo, tono, punto, at iba pang salik pangwika na ginagamit
ng isang lipunan.

Ang barayti ng wika ay dapat tingnan sa isang positibong penomenong pangwika dahil pinauunlad at
pinayayaman nito hindi lamang ang wika ng isang lipunan kundi pati na rin ang kultura nito.
Sinusuportahan iyan ng komento ni Hazen (2015, sa Ancheta et.al, 2015) na ang lahat na buhay na wika
ay patuloy na nagbabago dulot ng iba’t ibang salik tulad ng heograpiya, etnisidad, antas panlipunan,
kasarian, oryentasyon pangkayarian, at iba pang mga hangganang panlipunan.

1.2.2. Kahalagahan ng Barayti ng Wika

Mahalaga ang barayti ng wika dahil nagagawa nitong mapaunlad ang isang wika sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga salitang gagamitin ng isang lipunan. Bunga ng interaksiyon ng isang wika sa iba’t
ibang barayti nito, nadaragdagan ang mga katawagan para sa iisang konsepto na nagpapaunlad naman
ng mga barayti. Sa puntong ito, magagawang makapamili ng mga gumagamit ng mga gumagamit ng
wika ng angkop na salitang gagamitin upang maipahayag ang kanilang saloobin. Ang mga pag-unlad
naman ng mga wika na dulot ng barayti ay nagiging daan sa mga gawaing pananaliksik kaugnay ng wika.
Ang mga gawaing pananaliksik ay nakatutulong sa intelektuwalisasyon ng ating wika.

1.2.3. Mga Barayti ng Wika

a. Idyolek
Ayon kina Akmajian et.al (2010, kay Ancheta et.al, 2015) ito ay ang anyo ng wika na ginagamit ng
isang partikular na indibidwal. Ang pagkakagamit naito ng wika isang indibidwal ay sumasailalim sa
gramatika ng ispiker (Fromklin, Ridman, & Hyams, 2011, kay Ancheta et.al, 2015).
Halimbawa: So, Ok, Ano, Actually, Grabe at Iba pa

b. Dayalek
Wikang rehiyonal, isang tiyak na anyo o barayti ng isang wika na ginagamit sa isang partikular na
lugar (Akmajian et.al, 2010, kay Ancheta et.al, 2015). Sa pagkakataong mayroong sistematikong
kaibahan ang iba’t ibang grupo sa paggamit ng isang partikular na wika, masasabing ang mga
grupong iyon ay gumagamit ng mga dayalek ng isang partikular na wika (Fromkin et.al, 2011, kay
Ancheta et.al, 2015).
Halimbawa: Tagalog-Cavite, Tagalog-Batangas, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Davao

c. Sosyolek o Sosyal Dayalek


Wikang ginagamit ng mga tao sa siyudad. Malalaman ang sosyolek sa pamamagitan ng kanilang
paraan ng pagsasalita o pagbigkas at paraan ng estruktura ng kanilang pangungusap (Yule, 2010)

d. Etnolek
Ito ay barayti ng wika na sinasalita ng isang partikular na pangkat etniko o kultural.
Halimbawa: Wika ng mga Badjao, Wika ng mga Mangyan, Wika ng T’boli at iba pa

e. Pidgin
Wikang walang pormal na estruktura at nabubuo lamang dahil sa pangangailangan ng mga
tagapagsalita. Nabubuo ito upang magkaroon ng midyum ng komunikasyon sa pagitan ng mga taong
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
8

magkaiba ang unang wika at madalas ang mga salita at ang estruktura ay nagmumula sa mas
nangingibabaw na wika (Fromkin et.al, 2011, kay Ancheta et.al, 2015)
Halimbawa: mga salitang ginagamit ng mga Instik sa Binondo: Akin tinda bago,ikaw bili

f. Creole
Wikang dumaan sa creolization, kung saan, mula sa isang pidgin, nagkakaroon ng pagpapalawak sa
leksikon at gramatika at higit na pinalawak ang kontekstong pinaggagamitan nito (Fromkin et.al, 2011,
kay Ancheta et.al, 2015).
Halimbawa: Chavacano na isang Spanish-based creole

g. Jargon
Ito ay espesiyalisadong wika na ginagamit sa isang partikular na larangan. Ito ay limitado lamang sa
mga kabilang sa isang espesipikong grupo. Ginagamit din ito upang bumuo at mapanatili ang
koneksiyon doon sa mga itinuturing nilang mga kabilang sa grupo.
Halimbawa: Wika ng mga Doktor, Wika ng mga Lingguwista, at iba pa

1.3. IBA’T IBANG REHISTRO

1.3.1. Kahulugan ng Rehistro ng Wika

Ang rehistro ay isa sa mga estilo or barayti ng wika na nauuri sa pamamagitan ng mga sumusunod:
sosyal na okasyon o konteks, layunin, at manonood o awdiyens. Karagdagan pa, ito rin ay tumutukoy sa
antas ng pormalidad nang paggamit ng wika. Ang pinakakaraniwang feature ng rehistro ay ang jargon.
Ito ay ang isang espesiyalisadong wika na ginagamit sa isang partikular na larangan.

Konteks ay maaaring tumukoy sa isang okasyon o sitwasyon na kung saan nagaganap ang
komunikasyon, kasama na rito ang social setting at ang estado ng tagapagsalita at tagapakinig.

Layunin tumutukoy sa layunin ng mensahe. Maaari itong maging isang paglalahad, paglalarawan,
eksposisyon, at argumento.

Awdiyens tumutukoy sa mga tagapakinig.

1.3.2. Wika ng iba’t ibang Sosyal-Domeyn

1.3.2.1. Wika ng Tahanan

Wika na ginagamit sa loob ng tahanan. Ito ang wika na nakasanayan ng mga bata sa loob ng tahanan
at sa komunidad. Ito rin ang wika na pangunahing ginagamit bilang midyum sa komunikasyon at ito rin
ang nagsisilbing identidad ng kanilang komunidad.
Katangian ng Wika ng Tahanan: wika ng dila, impormal, at flexible

1.3.2.2. Wika ng Relihiyon

Ito ang wika na ginagamit sa mga sulatin at literatura noong una sa relihiyon. Bilang paghahalimbawa:
Ang wikang Hebreo ang itinuturing na sagradong wika na nabubuhay pa rin sa ngayon.

1.3.2.3. Wika ng Paaralan

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


9

Tinatawag na academic language ang wika ng paaralan. Ito ay nangangahulugan na ang wikang ito ay
ginagamit sa mga libro, mga leksiyon, mga gawaing bahay, at mga pagsusulit. Ito ang wika na
kinakailangan at dapat pag-aralan ng mga bata at isang kahilingan upang maging matagumpay sa
paaralan. Ito rin ay tinatawag na propesyonal na wika.

1.3.2.4. Wika ng Advertisement

Wika na ginagamit sa mga anunsiyo na isang part ng estratehiya upang mapansin ito ng madla at para
makapagbigay ng impormasyon at motibasyon. Ginagamit ang wika na ito upang mahikayat ang madla
na mabago ang kanilang pag-iisip upang ang isa ay gumawa ng aksiyon batay sa kagustuhan ng isang
advertiser.

1.3.2.5. Wika ng Diyaryo

Ang paggamit ng wikang ito ay upang maihatid ang impormasyon at para maentertayn ang mga tao.
Ginagamit din ang wikang ito upang maipresenta ang partikular na ideolohiya at interpretasyon ng mga
pangyayari kahit na ang artikulo ay isang obhetibong artikulo.

1.3.2.6. Wika ng Call Centers

Wika na ginagamit ng mga nagtatrabaho sa call centers. Malaki ang kaibahan ng normal na mga salitaan
na ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Gumagamit din ng jargon ang mga taong nagtatrabaho sa
mga call center.

1.3.2.7. Wika ng Negosyo

Ginagamit ang wikang ito sa negosyo. Ang business linguistics ay larang na nagsisiyasat sa mga
espesipikong tungkulin ng wika sa isang business context, iniimbestigahan din ang paggamit ng wika sa
mga business activities, at mga berbal at para-berbal na aspekto ng business communication.

1.4. KASAYSAYAN NG WIKA

Timeline ng Kasaysayan ng Wika

a. Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896)


Ipinanukala na ang wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas. Ito ang naging dahilan
sa pagdagsa ng panitikang nasusulat sa wikang Tagalog at pag-usbong ng nasyonalismo (Añonuevo,
2013, sa Ancheta et.al, 2015).

b. Batas 74 ng Philippine Commission (1901)


Itinalaga ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan dahil sa pananakop ng mga Amerikano
(Austero et.al, 2009, kay Ancheta et.al, 2015). Edukasyon ang kanilang ginamit na instrument sa
demokratikong pamumuhay ng mga Pilipino (Badayos et.al, 2010, kay Ancheta et.al, 2015)

c. Saligang Batas ng 1935


“ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng
ibang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy na gagamiting mga wikang opisyal (Seksiyon 3, Artikulo
XIV)
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
10

d. Batas Komonwelt Blg. 184


Itinatag ni Pangulong Manuel Louis Molina Quezon (Manuel L. Quezon) ang Surian ng Wikang
Pambansa na siyang gagawa ng isang pag-aaral ng mga katutubong wika sa Pilipinas upang maging
batayan sa pagpili ng batayan ng wikang pambansa.

e. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)


Itinakda na ang Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang
pambansa. Ayon kina Antonio, Mangahis, Nuncio, at Javillo (2005, kay Ancheta et.al, 2015) na ang
Tagalog ang napiling batayang wika dahil mas marami ang may kakayahang makapagsalita at
makaunawa nito kumpara sa ibang wika, mas madali itong matutuhan, ito ang ginagamit sa Maynila
kung nasaan ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas, nakaugat din sa kasaysayan dahil ito ang ginamit
na wika sa Himagsikan sa pamumuno ni Andres Bonifacio at mayroong diksiyonaryo at aklat
panggramatika ang wikang Tagalog.

f. Kautusang Pangkagawaran sirkular Blg. 26, serye 1940


Ang pagtuturo ng wikang pambansa ay sinimulan muna sa mataas at paaralang normal.

g. Batas Komonwelt 570 (1940)


Nagtatadhana na, bukod sa iba pa, na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang
opisyal ng Pilipinas.

h. Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959)


Nagsasaad na tatawaging Pilipino ang wikang pambansa.

i. Saligang Batas ng 1973


“ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na
adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino”.

j. Resolusyon Blg. 73-7 (1973)


Ginawang asignatura sap ag-aaral at midyumng pagtuturo sa lahat ng antas ng paaralan. Dito
umusbong ang bilinggwalismo sa edukasyong Pilipino.

k. Artikulo XIV ng Bagong Konstitusyon ng Pilipinas 1987


SEK.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

SEK.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wika ng rehiyon at pantulong na
mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.
Dapat itaguyod nang kusa at opsiyonal ang Kastila at Arabic.

SEK.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
11

SEK.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay, at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili sa
Filipino at iba pang mga wika.

l. Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (1988)


Nagtatagubilin sa lahat ng departamento, kawanihan, tanggapan, ahensiya, at kaparaanan ng
pamahalaan na gumawa ng mga kinakailangang hakbang para sa paggamit ng wikang Filipino sa
mga opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.

m. CHED Memorandum Blg. 59 (1996)


Nagtadhana ng siyam na yunit sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon – Filipino 1 (Sining ng
Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).

n. Proklamasyon Blg. 1041


Itinakda ang buwan ng Agosto taon-taon na maging Buwan ng Wikang Pambansa at nagtagubilin sa
iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na magsagawa ng mga gawain kaugnay
sa taunang pagdiriwang nito.

o. 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino


Ginawa upang sa mabilis na estandardisasyon at intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. Subalit,
sinuspinde ito noong 2006 dahil sa ilang suliraning nakita ng mga dalubwika tungkol sa nilalaman
nito.

p. Gabay sa Ortograpiyang Filipino (2009)


Inilabas at ito rin ang tuluyang nagsantabi sa 2001 Revisyong Alfabeto at 1987 Alpabeto, ngunit ang
mga tuntunin sa 1987 at 2001 na hindi binago sa 2009 Gabay ay mananatiling ipatutupad.

q. Ortograpiyang Pambansa (2014)


Ang pinakabagong inilabas upang maging gabay sa pagkilala sa kasalukuyang anyo ng wikang
Filipino.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


12

MGA MUNGKAHING GAWAIN:


i. Indibidwal na gawain
Panuto: Gumawa ng sanaysay ayon sa mga tanong o pangungusap na nasa ibaba. Bigyang pansin ang
tamang bantas, gramatika, at estruktura ng pangungusap at ang kohirens ng mga talata.
a. Ipaliwanag ang kahalagahan ng wika
b. Ilahad ang iyong pananaw tungkol sa estado ng wikang Filipino bilang wikang pang-
akademiko
c. Sa iyong palagay, ano o ano-anong mga aksyon ang maaaring isagawa upang higit na
mapahalagahan ng mga mamamayan ang wikang Pambansa?
d. Anong mga gawain o proyekto na maisasagawa sa iyong paaralan upang mapahalagahan
ang pambansang wika ang iyong imumungkahing isagawa sa Buwan ng Wikang
Pambansa?

ii. Maikling pagsusulit


A. Isulat sa patlang ang hinihinging tamang sagot ng mga pangungusap.

1. Pinakamabisang instrumentong ginagamit ng tao sa pagpapaunlad ng kanyang


sarili, ng kanyang kapwa, at ng lipunang kanyang kinabibilangan.
2. Maaaring tumukoy sa isang okasyon o sitwasyon na kung saan nagaganap ang
komunikasyon, kasama rito ang social setting at ang estado ng tagapagsalita at tagapakinig.
3. Tumutukoy ito sa mga tagapakinig.
4. Tumutukoy sa layunin ng mensahe. Maaari itong maging isang paglalahad,
paglalarawan, eksposisyon, at argumento.
5. Sandata tungo sa mabisang interaksiyon sa kapwa.
6. Ito ay barayti ng wika na sinasalita ng isang partikular na pangkat etniko o
kultural.
7. Tinatawag na academic language.

B. Ibigay ang mga hinihinging datos. Isulat ito sa patlang.

8-10. Kahalagahan ng Wika

8.
9.
10.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


13

MGA SANGGUNIAN:

Pangunahing Sanggunian:

Ancheta, J. R., Cruz, E. T., Hernandez, J. S., Matilla, M. S., Rivera, J. B., & Bernardino, E. C. (2015).
Mabisang Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Ibang Mga Pinaghanguan:

Almario, V. S. (2014). Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa. San Miguel, Manila: Komisyon
sa Wikang Filipino.
Bernales, R. A., Babasa, E. E., Driz, A. J., Gawahan, R. L., Jinayon, E. C., Maranan, E. A., . . . Salas,
E. A. (2011). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya Publishing House,
Inc.
Francisco, A. C. (2017). Introduction to Registers in English: Reporting in ENGL140A. College of Arts
and Sciences-Department of Languages and Mass Communication, Cavite State University,
Indang, Cavite: Registers in English Class.
Hammed, T. O. (2018). Theories of First Language Acquisition: Special Reporting in ENGL21. College
of Arts and Sciences - Department of Languages and Mass Communication, Cavite State
University, Indang, Cavite: Introduction to Language Study Class.
Yule, G. (2010). The Study of Language. Cambridge, UK: Cambridge University Press.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


14

KABANATA II
Kalikasan, Estruktura, at Gramatika ng Wika

NILALAMAN:
2.1 Ponolohiya
2.2 Morpolohiya
2.3 Sintaksis
2.4 Pagpili ng Wastong Salita
2.5 Wastong Gamit ng mga Salita
2.6 Matalinhagang Salita

INAASAHAN NA MGA BUNGA:


a. Matukoy ang kahulugan ng ponolohiya
b. Matukoy ang kahulugan at gamit ng morpolohiya
c. Magamit ang tamang sintaksis sa mga pangungusap
d. Magkaroon ng tamang kaunawaan sa pagpili ng mga salita sa pangungusap
e. Magamit ang mga wastong gamit ng mga salita
f. Magkaroon ng tamang kaunawaan sa mga matatalinhagang salita

LEKSIYON:

2.1 Ponolohiya

Ponema ang tawag sa mga makahulugang tunog ng isang wika.

Ponolohiya ang tawag sa makaagham na pag-aaral naman ng tunog.

2.1.1 Mga Ponemang Segmental

a. Ponemang Patinig at Katinig

May dalawampu’t isang (21) ponema ang wikang Filipino, labing anim (16) ang katinig at lima (5) naman
ang patinig. Bawat ponema ay kinakatawan ng mga simbolo na kung tawagin natin ay mga titik. Ang mga
katinig sa Filipino ay ang mga sumusunod: /b,k,d,g,h,l,m,n,ᶇ,p,r,s,t,w,y,?/ ; Ang ponemang /ᶇ/ ay
kumakatawan sa titik na “ng”, samantalang ang /?/ naman ay kumakatawan sa impit na tunog (glottal) o
saglit na pagpigil sa hangin. Ang mga ponemang patinig naman ay /a,e,i,o,u/.

b. Ponemang Malayang Nagpapalitan

Ito ay mga pares na salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema subalit hindi nagbabago
ang kahulugan.
Halimbawa:
/e/ at /i/ /o/ at /u/ /r/ at /d/
lalake – lalaki pito – pitu marumi – madumi
babae – babai walo – walu marami - madami

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


15

c. Pares Minimal

Ito ay mga pares na salita na magkatulad na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na naging
dahilan upang mabago ang kahulugan.
Halimbawa:
pala – bala uso – oso mesa – misa
lapad – lapat titig – titik palay – balay

d. Diptonggo

Tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (w,y).


Halimbawa:
saliw giliw aliw
bahay kamay palay
baboy saluysoy biloy

e. Kambal Katinig o Klaster

Tumutukoy ito sa magkasunod na tunog katinig. Karaniwang mga salitang hiram ang may ganitong tunog
bagama’t ginagamit din ito ng ilang katutubong wika sa Pilipinas.
Halimbawa:
gwantes eskwela sandwits
drama kontrata nars
braso konklusyon iskawt

2.1.2 Ponemang Suprasegmental

Tumutukoy sa mga makabuluhang tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga titik sa pagsulat.
Upang matukoy ang paraan ng pagbigkas, sinisimbolohan ito ng mga notasyong phonemic.

a. Haba at Diin o Stress

Tumutukoy ito sa lakas ng bigkas sa pantig na kailangang bigyang-diin. Ito ay mahalaga dahil karaniwang
nagbabago ang kahulugan ng salita depende saan ang diin sa isang salita.
Halimbawa:
ba:lah – bullet tu:boh – pipe paso? – flower pot
bala? – threat tu:bo? – sprout pa:soh – burn
tuboh – sugar cane pasoh - expired

b. Tono

Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upang higit
na maging mabisa at maunawaan ang ating pakikipag-usap. Ito rin ay maaaring makapagpabago ng
kahulugan.
Halimbawa:
ra (3) (3) mi
(2)ma (2) ma
mi (1) (1) ra

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


16

Sa tono ng pagbasa, masasabing sa unang “marami” ang nagsasalita ay “nagsasalaysay” samantalang


sa ikalawa, ang nagsasalita ay “nagtatanong”.

c. Antala o Hinto

Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng nais ipahatid sa
kausap. Sinisimbolo ng kuwit (,) ang panandaliang paghinto o antala sa pagsasalita.
Halimbawa:
Hindi, pula – no, it’s red
Hindi pula – it’s not red

2.2 Morpolohiya

Morpolohiya ito ay ang pagsusuri ng mga paraan ng pagbuo ng mga salita ng isang wika.

Morpema ito ay ang pinakamaliit ng yunit ng isang salita na may kahulugan.

Malayang Morpema (free morpheme)


Ito ang mga ponemang salitang-ugat. Nagtataglay ito ng kahulugan.

Leksikal na Morpema (Lexical Morpheme)


Ito ang mga salita na may sariling kahulugan. Mga salitang may kahulugan na makikita sa diksiyonaryo.

Pangkayariang Morpema (Functional Morpheme)


Ito ang mga salita o morpemang walang sariling pagpapakahulugan. Kadalasan na mga halimbawa nito
ay ang mga pangatnig.

Di-malayang morpema (bound morpheme)


Mga morpemang walang kahulugan, ngunit nagkakaroon ito ng kahulugan kapag isinama sa mga
salitang ugat. Ang halimbawa nito ay ang mga panlapi.

2.2.1 Pagbabagong Morpoponemiko

Ang alin mang pagbabagong nagaganap sa ordinaryong anyo o itsura ng isang morpema na sanhi ng
bisa ng kaligirang nito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko.

a. Asimilasyon

Tumutukoy sa pagbabago ng anyo ng morpema dahil sa impluwensiya ng mga katabing tunog. Umaayon
sa katabing tunog ang mga tunog ng salita. Ang mga pagbabagong ito ay makikita sa mga morpemang
unlaping nagtatapos sa -ng gaya ng mga sumusunod: pang-, mang-, mapang-, sing-, kasing-,
magkasing-, at labing-.

2.2.1.a.1 Asimilasyong di-ganap o parsyal

Ang pagbabagong nagaganap sa hulihan na morpemang -ng o ponemang /ᶇ/ na nagiging /n/ o /m/ dahil
sa mga sumusunod na tunog. Maliban dito ay wala ng pagbabagong nagaganap sa salita.
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
17

Ang ponemang /ᶇ/ (-ng) ay nagiging “n” kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa titik /d,l,r,s,t/
Ang ponemang /ᶇ/ (-ng) ay nagiging “m” kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa titik /b,p/.
Halimbawa:
pang + ligo = panligo sing + bango = simbango labing + lima = labinlima
sing + pula = simpula pang + bansa = pambansa labing +pito = labimpito

2.2.1.a.2 Asimilasyong ganap

Nagaganap ang asimilasyong ito kapag matapos na maging /n/ o /m/ ang ponemang /ᶇ/ o ang
morpemang -ng dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog at nawawala pa ang kasunod na unang titik
nito at napapalitan ng ponemang /n/ o /m/
Ang ponemang /ᶇ/ (-ng) ay nagiging “n” kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa titik /d,l,r,s,t/
Ang ponemang /ᶇ/ (-ng) ay nagiging “m” kung ang salitang ugat ay nagsisimula sa titik /b,p/.
Halimbawa:
pang + pukaw = pamukaw mang + salamin = manalamin
mang + tahi = manahi pang + palo = pamalo

b. Pagpapalit ng ponema

May mga ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbubuo ng mga salita. Kung minsan ang ganitong
pagbabago ay nasasabayan ng pagpapalit ng diin.

2.2.1.b.1 /d/ at /r/


Napapalitan ng ponemang /r/ ang ponemang /d/ kapag ang tunog na sinusundan ng ponemang /d/ ay
patinig. [ r = d kapag ang kasunod ay patinig]
Halimbawa:
ma + dami = marami tawid + an = tawiran
ma + dapat = marapat lakad + an = lakaran

Paalala: May ilang pagkakataon na hindi maaari ang pagpapalitan ng /d/ at /r/ dahil ang salita ay
nagkakaroon ng panibagong kahulugan kung ipagpapalit.
Halimbawa:
madamdamin – puno ng emosyon
maramdamin – sensitibo, madaling maapektuhan ng emosyon

madilag – maraming babae o kadalagahan


marilag – maganda, kaakit-akit

2.2.1.b.2 /h/ at /n/


Ang ponemang /h/ bagama’t hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsulat ng panlaping /-han/ ay
nagiging /n/
Halimbawa:
tawa + han = tawanan talo + han = talunan

Paalala: Ayon sa aklat ni Virgilio Almario (2014) na pinamagatang “KWF Manwal sa Masinop na
Pagsulat” sa pahina 31-33 na hindi na dapat baguhin ang /o/ patungong /u/ at /e/ patungong /i/. Kaya sa
pag-aaral na ito, hindi na inilakip ang pagpapalit ng ponemang /o/ - /u/ at /e/ - /i/

c. Paglilipat o metatesis
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
18

Tinatawag ding metatesis na nangangahulugang paglilipat ng posisyon ng mga ponema. Nagaganap ito
kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat at ito ay nilalagyan ng gitlaping -in-, nagkakapalitan ang
/i/ at /n/ at nagiging /ni-/.
Halimbawa:
-in- + lipad = nilipad -in- + yakap = niyakap
-in- + luto = niluto -in- + yaya = niyaya

May mga pagkakataon na nagkakaroon ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagpapalitan ng posisyon


dalawang ponema.
Halimbawa:
tanim + an = taniman = tamnan atip + an = atipan = aptan

d. Pagkakaltas ng ponema

Nangangahulugan ito ng pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Nagaganap ang
pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.
Halimbawa:
kitil + in = kitilin = kitlin lagay + an = lagayan = lagyan
takip + an =takipan = takpan bili + han = bilihan = bilhan

e. Pagdaragdag

Nangangahulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat (hulapi) kahit
mayroon na itong dating hulapi ang salitang-ugat.
Halimbawa:
totoo + han = totoohan = toto(o)han + in = totohanin
paalala + han = paalalahan = paalalahan + an = paalalahanan
alala + han = alalahan = alalahan + in = alalahanin

f. Pang-aangkop

Sa pagbabagong ito, pinagsasama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita.
Nagkakaroon din ito ng pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng nabuong salita.
Halimbawa:
hintay + ka = teka tingnan + mo = tamo
hayaan + mo = hamo wika + ko = ikako

2.3 Sintaksis

Kapag ang mga salita ay pinagsama-sama upang magkaroon ng kahulugan sa loob ng pangungusap,
tinatawag itong sintaksis. Saklaw nito ang kayarian ng mga pangungusap, ang mga pag-aaral ng mga
bahagi ng pananalita at ang tuntunin sa paggamit nito sa loob ng pangungusap at ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga salita para makabuo ng isang buong pangungusap.

2.3.1 Pangungusap at ang Kayarian nito

Ayon kay Santiago at Tiangco (2003), kay Ancheta, et.al., (2015), ang pangungusap ay isang sambitlang
may patapos na himig sa dulo. Ang patapos na himig na ito ay nagsasaad na naipahayag na ng
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
19

nagsasalita ang isang buong diwa o kaisipang nais niyang iparating sa kausap. Ito ay maaaring buuin ng
isang salita lamang o lipon ng mga salita.
Halimbawa:
Halika! / Inay! (panawag) Sunog / Aray! (pandamdam-nagsasaad ng damdamin)
Lumilindol / Mainit! (phenomenal) Hindi. / Oo. (panagot sa tanong)
Makikiraan po. / Magandang umaga po. (pormularyong panlipunan)
Napakaraming likas na yaman ang Pilipinas. (may buong diwa)

May dalawang bahagi ang pangungusap na may buong diwa. Ito ay ang paksa at panag-uri.
Paksa – tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob ng pangungusap
Panag-uri – nagsasabi tungkol sa paksa.
Halimbawa:
Si Alicia ay pumunta sa palengke Pumunta sa palengke si Alicia
(paksa) (panag-uri) (panag-uri) (paksa)

May dalawang ayos ng pangungusap na makikita natin sa halimbawa sa itaas. Ito ay ang Karaniwan at
Di-Karaniwan.
Karaniwang ayos ng pangungusap kung nauuna ang panag-uri kaysa sa paksa
Di-karaniwang ayos ng pangungusap kung nauuna ang paksa at nahuhuli ang panag-uri. Ang pananda
upang makita agad kung ito ay nasa di-karaniwang ayos ay kung may panandang “ay” sa pangungusap.
Halimbawa:
Karaniwang Ayos: Nanalo sa lotto ang mag-asawang Bryan at Anne.
Di-Karaniwang Ayos: Ang mag-asawang Bryan at Anne ay nanalo sa lotto

2.3.2 Pangungusap at Layunin nito

a. Pasalaysay (declarative):
Magkikita-kita kami sa Luneta para mamasyal.

b. Patanong (interrogative):
Tuloy ba ang pagdating ng Santo Papa sa Pilipinas?

c. Pautos (imperative):
Dalhin mo ang mga gamit na ito sa kwarto ko.

d. Padamdam (padamdam):
Sunog! Tulungan niyo kami!

2.3.3 Pangungusap at Uri nito

a. Payak
Nagpapahayag ng kaisipan lamang.
Halimbawa: Ang pamahalaan ay masigasig sa pagsugpo ng kahirapan at kriminalidad
sa ating bansa.

b. Tambalan
Binubuo ng dalawang magkaugnay na kaisipan.
Halimbawa: Naglunsad ng proyekto ang pamahalaan at agad itong sinuportahan ng
mga mamamayang Pilipino.
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
20

c. Hugnayan
Nagpapahayag ng isang punong kaisipan at isang pantulong kaisipan.
Halimbawa: Gaganda ang iyong kinabukasan kung mag-aaral kang mabuti.

d. Langkapan
Nagpapahayag ng isang punong kaisipan at dalawa o higit pang pantulong na
kaisipan.
Halimbawa: Pansamantala lamang ang buhay sa mundo kaya dapat tayong
magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang mundo.

2.4 Pagbuo ng Pangungusap

Para maging epektibo ang pangungusap, kailangan ng kaisahan sa pangungusap. Kapag ang bawat
bahagi ay may kaisahan, tumutulong ito para maipahayag nang malinaw ang pangunahing diwa nito.
Narito ang dapat tandaan upang matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng pangungusap.

a. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.

Di-timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater
Timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang mga napaalis
na iskwater
Di-paralel: Ang pag-eehersisyo at masustansiyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng
ating kalusugan.
Paralel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng mga masustansiyang pagkain ay mahalaga sa
pagpapabuti ng ating kalusugan.

b. Tiyaking nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa (verb) sa pangungusap.


c. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan.
d. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.
e. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang pantulong na sugnay
f. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng pangungusap ay hindi siyang
gumaganap ng kilos.
g. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.
h. Sa Filipino, nauuna ang panag-uri kaysa sa paksa sa karaniwang ayos ng pangungusap.

2.5 Pagpili ng Wastong Salita

Ang pagiging malinaw ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang angkop
ang salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May mga pagkakataon na ang mga salitang tama
naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop na gamitin.

Halimbawa:
Tanaw na tanaw na naming ang maluwang na bibig ng bulkan. (bunganga)
Bagay kay Olga ang kanyang makipot na bunganga. (bibig)
Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na bisita. (pagkain)
Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba. (mapili)

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


21

Tandaan: Ang ating wika ay maraming salita na maaaring pare-pareho ang kahulugan pero may kani-
kaniyang tiyak na gamit sa pahayag.
Halimbawa:
bundok, tumpok, pumpon, salansan, tambak
kawangis, kamukha, kahawig
samahan, sabayan, saliwan, lahukan
daanan, pasadahan
aalis, yayao, lilisan

Karagdagang Paalala: May mga pagkakataon din na kailangang gumamit ng eupemismo o paglumanay
sa ating pagpapahayag kahit na may mga tuwirang salita naman para rito.
Halimbawa:
Namayapa sa halip na namatay
Palikuran sa halip na kubeta
Pinagsamantalahan sa halip na ginahasa

2.6 Wastong Gamit ng mga Salita

a. NANG at NG
NANG
Ginagamit ang NANG bilang pangatnig (conjunction) sa mga hugnayang pangungusap at ito ang
panimula ng katulong na sugnay.
Halimbawa:
Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam.
Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga panauhin.
Magsikap tayo nang umunlad ang ating buhay.

Ginagamit din ang NANG sa pagitan ng pandiwa (verb) at ng panuring (modifier) nito.
Halimbawa:
Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.
Nangaral nang mahinahon si G. Morales.
Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.

Ginagamit din ang NANG sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na
inuulit at dalawang pandiwang (verb) inuulit.
Halimbawa:
Suklay nang suklay
Mag-ipon nang mag-ipon
Nagdasal nang nagdasal

NG
Ginagamit ang NG bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Halimbawa:
Nag-aaral siya ng liksiyon.
Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak.
Nagtanim ng palay ang magsasaka.

Ginagamit din ang NG bilang pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintayak (passive
voice)
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
22

Halimbawa:
Pinangaralan ng guro ang mga nahuling mag-aaral.
Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.
Ibinaling ng bata ang kanyang atensiyon sa liksiyon.

Ginagamit din ang NG bilang pananda kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Halimbawa:
Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang buwayang politico.
Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang makikinis.
Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iiwan ng mapapait na alaala sa mga Ita.

b. KUNG at KONG
Ginagamit ang KUNG bilang pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap.
Halimbawa:
Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi ng mga politico ang kanilang
pamumulitika.
Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga magulang.
Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kaibigan.

Ang KONG ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng.


Halimbawa:
Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili.
Maaasahan sa mga gawain ang mga matalik kong kaibigan.
Ang tangi kong inaasahan sa iyo ay ang maging tapat sa ating pag-ibig.

c. MAY at MAYROON
MAY
Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng pangngalan (noun).
Halimbawa:
Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito.
May virus ang nahiram niyang flashdrive.
Habang may buhay ay may pag-asa.

Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng pandiwa (verb).


Halimbawa:
May pupuntahan ka ba mamaya?
May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi.
May nakita siyang nakakapanghilakbot na pangitain kagabi.

Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng pang-uri (adjective).


Halimbawa:
May mahabang buhok si Olga.
May bagong cellphone si Aldrin.
Ang makakaibigan ay may mabuting pagsasamahan.

Ginagamit ang MAY kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari (possessive pronoun).
Halimbawa:
Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
Ang mga anak ni Aling Ana ay may kani-kanila nang kabuhayan.
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
23

Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.

MAYROON
Ginagamit ang MAYROON kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.
Halimbawa:
Mayroon pa bang natirang ulam?
Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.

Ang MAYROON ay ginagamit na panagot sa tanong.


Halimbawa:
May pasok ba tayo? – Mayroon
May maaasahan ba akong tulong sa kanya? – Mayroon naman.
May takdang-aralin ka ba? – Mayroon po.

Ang MAYROON ay ginagamit kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay.


Halimbawa:
Ang mga Morales ay mayroon sa bayan ng Dolores.
Si Norberto ay nagpapanggap na mayroon sa kanilang lalawigan.
Iniiwasan kong makibarkada sa mga mayroon sa aming paaralan dahil ako’y isang
mahirap lamang.

d. SUBUKIN at SUBUKAN
Ang SUBUKIN ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas, o kakayahan ng isang tao
o bagay.
Halimbawa:
Subukin mong gamitin ang sabong ito baka hiyang sa iyo.
Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
Susubukin ng mga tagalalawigan ang galing ng mga tagalunsod.

Ang SUBUKAN ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao.
Halimbawa:
Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan.

e. PAHIRIN at PAHIRAN
Pahirin – pag-alis o pagpawi ng isang bagay
Halimbawa:
Pahirin mo ang iyong pawis sa noo.
Pahirin mo ang uling sa iyong mukha.
Pinahid ni Ace ang dugong umagos mula sa kanyang labi.

Pahiran – paglalagay ng isang bagay


Halimbawa:
Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
Pahiran mo ng biton ang sapatos mo upang magmukha iyong bago.
Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran ng mantekilya.

f. PUNASIN at PUNASAN

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


24

Punasin – binabanggit ang bagay na tinatanggal


Halimbawa:
Punasin mo ang alikabok sa mesa.
Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.

Punasan – binabanggit ay ang bagay na pinagtatanggalan ng kung ano man


Halimbawa:
Punasan mo ang mesa.
Punasan mo ang iyong noo.

g. OPERAHIN at OPERAHAN
Operahin – bahagyang tinitistis
Halimbawa:
Ooperahin bukas ang mga mat ani Geelyn.
Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?
Dok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan.

Operahan – tao mismo at hindi ang bahagi ng kanyang katawan.


Halimbawa:
Ooperahan na ng doctor ang naghihirap na bulag.
Inoperahan na si Luisa kahapon
Kasalukuyang inooperahan si Woody sa Ospital ng Makati.

h. DIN at RIN, DAW at RAW


Rin at raw – ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtapos sa patinig (vowels) at sa malapatinig
na w at y
Halimbawa:
Si Darwin ay katulad mo ring masipag mag-aral.
Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating Pamantasan.
May bahay rin sa Malabon sina Mr. Lingkod.

Din at daw – ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig (consonants) maliban sa
w at y
Halimbawa:
Masakit daw ang ulo ni Malou kaya hindi siya nakapasok sa klase.
Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
Nakapagsulat din ng aklat si Perla.

i. SILA at SINA, KINA at KILA


Sila – panghalip panao (maramihan)
Halimbawa:
Sila ay mabubuting anak.
Nanalo sila sa timpalak

Sina – pangkayariang pangngalan (dalawa)


Halimbawa:
Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.
Sina Jun at Emma ay nanalo sa timpalak.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


25

Kina – panandang pangkayarian sa pangngalan katulad ng sina


Halimbawa:
Papunta na kami kina Ms. Katipunan.
Kina Malou gaganapin ang pagdiriwang.
Malayo ba rito ang kina Riza at Ronnie?

Kila – walang salitang KILA sa Balarilang Filipino. Ang paggamit ng KILA ay karaniwang pagkakamali.

j. PINTO at PINTUAN
Pinto – bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas
Pintuan – kinalalagyan ng pinto
Halimbawa:
Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang pinto.

k. HAGDAN at HAGDANAN
Hagdan – baytang na inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali.
Hagdanan – ang kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos
ang lindol.

l. IWAN at IWANAN
Iwan – huwag isama o dalhin
Iwanan – bigyan ng kung ano ang isang tao
Halimbawa:
Iwan mo na ang anak mo sa bahay niyo.
Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko.
Iwanan mo ako ng perang pambili ng pananghalian.
Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero.

m. SUNDIN at SUNDAN
Sundin – sumunod sa payo o pangaral
Sundan – gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba
Halimbawa:
Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.
Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng
paella.
Sundan mo agad ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan na iyong magtampo.

n. TUNGTONG, TUNTONG at TUNTON


Tungtong – panakip sa palayok o kawali
Tuntong – pagyapak sa ano mang bagay
Tunton – pagbakas o paghanap sa bakas ng kung ano man
Halimbawa:
Hindi makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.
Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
26

Hindi ko na matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.

o. DAHIL SA at DAHILAN SA
Dahil sa – sinusundan ito ng pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari.
Mali ang DAHILAN SA. Ang DAHILAN ay pangngalan mismo.
Halimbawa:
Hindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto.
Paninira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan ng pagkasira ng reputasyon
ni Romano.
Dahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating magkakaibigan.

p. KUNG ‘DI, KUNGDI at KUNDI


Kung ‘di – pinaikling kung hindi
Ang KUNGDI ay di dapat gamitin. Walang salitang ganito.
Ang KUNDI ay kolokyalismo ng kung ‘di.
Halimbawa:
Kung ‘di ka sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si Bernie.
Hindi ka sana nakapagtrabaho kung ‘di dahil sa iyong kaibigang pinagtaksilan mo ngayon.
Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.

2.7 Matalinghagang Salita

2.7.1 Mga Idyoma

Ito ay nagpapabisa, nagpapakulay, at nagpapakahulugan sa pagpapahayag. Ang mga idyoma ay mga


di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag ng gusting sabihin na may kahulugang patalinhaga.
Ang kahulugan ng idyoma ay malayo sa literal o denotatibong kahulugan ng salita. Tinatawag ding
idyomatikong pahayag o sawikain sa ating wika.

Mga ilang halimbawa ng idyoma:

a. Mababaw ang luha ng guro namin. (madaling umiyak)


b. Hindi siya sanay na maglubid ng buhangin. (magsinungaling)
c. Matuto kang magbatak ng buto kung nais mong umasenso ang iyong buhay. (magtrabaho)
d. Tampulan siya ng tukso sapagkat siya ay putok sa buho. (anak sa pagkadalaga)
e. Patuloy si Lingkod sa pagbibilang ng poste. (walang trabaho, naghahanap ng trabaho)

Narito pa ang iba pang idyoma:


a. kayod kalabaw – halos walang tigil sa pagtratrabaho
b. nagtaingang-kawali – nagbingi-bingihan
c. walang itulak-kabigin – parehong-pareho ang katangian
d. pabalat-bunga – hindi tapat sa loob na anyaya
e. parang nilubugan ng araw – nawalan ng pag-asa
f. anak-pawis – manggagawa
g. hawak sa tainga – taong sunud-sunuran sa isang tao
h. may utak – matalino
i. kalatog-pinggan – taong nag-aabang sa kainan o handaan
j. papatay-patay – mahiyain, babagal-bagal
k. bukas ang palad – galante, handang tumulong
l. magmahabang dulang – pakakasal, mag-aasawa
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
27

m. sanga-sangang dila – sinungaling


n. maraming kuskos-balungos – makulit, hindi makatuwirang pamimilit
o. kapit-tuko – mahigpit ang kapit
p. nagpuputok ang butse – galit na galit
q. amoy lupa – malapit nang mamatay, matanda na
r. may gatas pa sa labi – bata pa
s. abotdili – malubha na ang kalagayan
t. hilong talilong – litong-lito
u. hindi kakapitan ng alikabok – bihis na bihis; pusturang-pustura
v. hagisan ng tuwalya – tapos na ang labanan dahil natalo na ang isa
w. humuhukay ng sariling libingan – siyang lumikha ng sariling kapahamakan
x. laman ng lansangan – palaboy
y. balat-kalabaw – hindi marunong mahiya
z. nagsusunog ng kilay – nagsisikap sa pag-aaral
aa. huling hantungan – libangan

2.7.2 Mga Tayutay


a. Aliterasyon
Pag-uulit ito ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita.
Halimbawa:
Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi
sa mahal niyang bayan

b. Asonans
Pag-uulit naman ito ng mga tunog-patinig sa alin mang bahagi ng salita.
Halimbawa:
Nasisiyahan ka palang manghiram ng ligayang may hatid na kamandag at lason.

c. Konsonans
Katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng mga katinig, ngunit sa bahaging pinal naman
Halimbawa:
Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamot sa isang pusong wasak.

d. Onomatopiya
Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.
Halimbawa:
Langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig, dagundong ng kulog, haginit ng hangin

e. Anapora
Pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
Halimbawa:
Kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating inang bayan. Kabataan ang sanhi ng
pagsisikap ng bawat magulang. Ngunit kabataan din ba ang sisira sa kanyang sariling
kinabukasan? At kabataan din aba ang wawasak sa pangarap ng kanyang kapwa?

f. Epipora
Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.
Halimbawa:

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


28

Ang Konstitusyon o Saligang Batas ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan, at


mula sa mamamayan.

g. Anadiplosis
Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una at sa huli. Magandang halimbawa nito ang isang tula
ni Huseng Sisiw o Jose Dela Cruz.
Halimbawa:
Matay ko man yatang pigili’t pigilin
pigilin ang sintang sa puso’y tumiim;
tumiim na sinta’y kung aking pawiin,
pawiin ko’y tantong kamatayan ko rin.

h. Pagtutulad o Simili
Hindi tuwirang paghahambing ito ng magkaibang bagay, tao o pangyayari pagkat gumagamit ng mga
pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng.

Halimbawa:
Tumakbo siyang tulad ng isang mailap na usa nang makita ang papalapit sa kaaway.

i. Pagwawangis o Metapora
Ito ay tuwirang paghahambing sapagkat hindi na gumagamit ng mga nabanggit na parirala sa itaas.
Halimbawa:
Isang bukas na aklat sa akin ang iyong buhay, kaya’t huwag ka nang mahiya pa.

j. Pagbibigay-katauhan o Personipikasyon
Inaaring tao rito ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga
gawi o kilos ng tao.
Halimbawa:
Mabilis na tumakbo ang oras patungo sa kanayang malagim na wakas.

k. Pagmamalabis o Hayperboli
Lagpas ito sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung pakasusuriin.
Halimbawa:
Sa dami ng inimbitang kababayan, bumaha ng pagkain at nalunod sa mga inumin ang
mga dumalo sa kasalang iyon.

l. Pagpapalit-tawag o Metonimi
Nagpapalit ito ng katawagan o ngalan sa bagay na tinutukoy
Halimbawa:
Malakas talaga siyang uminom, sampung bote ay agad niyang naubos nang ganoon na
lamang.

m. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoki
Binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan.
Halimbawa:
Kagabi’y dumalaw siya, kasama ang kanyang mga magulang upang hingin ang kamay ng
dalagang kanyang napupusuan.

n. Paglumanay o Eupemismo
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
29

Paggamit ito, katulad ng nabanggit na, ng mga salitang magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng
orihinal na salita.
Halimbawa:
Magkakaroon din lamang siya ng babae (kabit) ay bakit sa isa pang mababa ang lipad
(prostityut).

o. Retorikal na Tanong
Isang uri ito ng pagpapahayag na hindi naman talaga kailangan ng sagot kundi ang layunin ay
maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Halimbawa:
Magagawa kaya ng isang ina na magmaramot sa isang anak na nagugutom, may sakit,
at nagmamakaawa?

p. Pagsusukdol o Klaymaks
Paghahanay ito ng mga pangyayaring may papataas na tinig, sitwasyon o antas.
Halimbawa:
Mabilis na humupa ang hangin, napawi ang malakas na ulan, muling sumilay ang liwanag
ng araw na nagbabadya ng panibagong pag-asa!

q. Antiklaymaks
Ito naman ang kabaligtaran ng sinundan nito.
Halimbawa:
Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga nagkakagulong tagahanga, hanggang sa unti-
unting nababawasan ang mga nanonood, padalang nang padalang ang mga
pumapalakpak at ngayo’y maging mga bulong ay waring sigaw sa kanyang pandinig.

r. Pagtatambis o Oksimoron
Paggamit ito ng mga salita o pahayag na magkasalungat.
Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatawa: may lungkot at may tuwa, may hirap at
ginhawa, may dusa at may pag-asa!

s. Pag-uyam o Ironiya
May layuning mangutya ito ngunit itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.
Halimbawa:
Kahanga-hanga rin naman ang taong iyan, matapos mong arugain, pakainin, at damitan
ay siya pa ang unang mag-iisip ng masama sa iyo.

t. Paralelismo
Sa pamamagitan ng halos iisang estruktura, inilatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.
Halimbawa:
Iyan ang disiplinang militari: sama-samang lulusob sa mga kaaway, sama-sama rin
kaming mamamatay o magtatagumpay.

2.7.3 Alusyon

Ang alusyon ay isang pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao, pook,
katotohanan, kaisipan o pangyayari na iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may
pinag-aralan.
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
30

a. Alusyon sa Heograpiya
Halimbawa:
Ang Mt. Apo ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa ating bayan kung kaya ito ang
Mt. Everest ng Pilipinas.

b. Alusyon sa Bibliya
Halimbawa:
Nagsilbi siyang isang Moises ng kanyang lipi upang iligtas ang mga ito sa kamay ng mga
mapang-aliping nais na sakupin ang kanilang bayan.

c. Alusyon sa Mitolohiya
Halimbawa:
Unang saknong ng tulang Felicitacion (Maligayang Bati) ni Dr. Jose Rizal:
Kung si Filomena ang dila’y may tamis
ang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip
sa may kabukira’t bundok na masungit
ang may dalang awit.

d. Alusyon sa Literatura
Halimbawa:
Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag-asang kanyang maliligtas ang
kanyang bayan sa isang ideyal na paraan.

e. Alusyon sa Kulturang Popular


Halimbawa:
Kinikilala si Mang Noe bilang Elvis Presley ng lungsod ng Davao at ang anak niyang si
Liway bilang Whitney Houston ng buong Mindanao.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


31

MGA MUNGKAHING GAWAIN


i. Pagsusulit:
A. Panuto: Isulat ang PM kung pares minimal at H kung hindi pares minimal ang mga sumusunod
na pares ng salita.
1. alab-bala 4. buti-bote
2. kulay-gulay 5. loro-lolo
3. mesa-misa

B. Isulat sa patlang ang mga klister na ginamit sa bawat salita.


1. relaks 4. transportasyon
2. breyk 5. plantsa
3. trese

C. Lagyan ng tsek ang patlang kung ang salita ay may diptonggo.


1. araw 4. sayawan
2. kawayan 5. buhay
3. bataw

D. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pangungusap batay sa paghintong nilagay dito.
1. Hindi, ako ang sasama.
2. Hindi ako ang sasama?
3. Hindi ako ang sasama.

E. Ibigay ang pagkakaiba sa kahulugan ng mga sumusunod.


1. a. PIto -
b. piTO -
2. a. KAibigan -
b. kaiBIgan -
3. a. KAsama -
b. kaSAma -

F. Tukuyin ang pagbabagong morpoponemiko ng mga sumusunod na salita


Panlapi Morpoponemikong
Salita Salitang-ugat
Unlapi Gitlapi Hulapi Pagbabago
1. Asnan
2. Pahiran
3. Buksan
4. Pambayad
5. nilipad

G. Kilalanin ang ayos ng pangungusap. Isulat sa patlang kung karaniwan o di-karaniwan.


1. Abalang-abala ang mga kabataan sa paghahanda para sa pagdalaw ng
Santo Papa dito sa Pilipinas.
2. Ako ay pupunta sa Singapore sa bakasyon.
3. Siya ay nag-aaral nang mabuti para makakuha ng mataas na marka.
4. Namamasyal ang buong mag-anak kapag pasko at bagong taon.
5. Nahuhumaling sa mga teleserye ang mga Pilipino.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


32

H. Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian. Isulat sa patlang ang P kung payak, T kung
tambalan, H kung hugnayan, at L kung langkapan.
1. Si nanay ay nagluluto habang ang tatay ay nag-aalaga ng mga anak.
2. Kulang na kulang ang bansa ng mahuhusay ng doktor ngayon kasi marami sa kanila ay
nagpupunta sa ibang bansa upang kumite nang mas malaki doon.
3. Bumangon tayo agad kapag tayo ay nabigo.
4. Nagsusulat ng isang komposisyon ang mga guro at mag-aaral.
5. Kung hindi ka marunong gumamit ng cellphone, hindi ka makakaagapay sa mabilis na takbo
ng panahon.

I. Isulat ang angkop na salita upang mabuo ang mga sumusunod na pahayag.
1. (Hinigop, Iniinom) ni Bong ang tubig sa baso.
2. Maganang (kumain, lumamon) ang mga bisita sa handaan.
3. Makipot ang (bibig, bunganga) ng dalagang nagwagi sa pagandahan.
4. (Nilahukan, Sinaliwan) niya ng gulay ang niluluto niyang ulam.
5. (Namayapa, Namatay) na ang mahal niyang lola.

J. Piliin ang kahulugan ng idyomang sinalungguhitan sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
1. Nahalata ng guro na sila’y naglulubid ng buhangin lamang kaya hindi na sila pinapasok sa
klase.
a. nagpapakitang-tao b. nagsisinungaling c. naglalakwatsa d. nagbibiro
2. Naniningalang-pugad pa kasi si Darwin kay Heidi kaya siya ginagabi ng uwi.
a. nanliligaw b. namamasyal c. nanghuhuli ng ibon d. nagsisimba
3. Parang hinihipang-pantog ngayon si Jay kaya halos hindi ko na siya nakilala.
a. biglang gumanda b. biglang pumayat c. biglang tumaba d. nag-iba ng ayos
4. Napakatamis ng dila ng politiko kaya niya naakit ang mga botante.
a. magaling mangusap b. napakatapat c. may diabetes d. manloloko
5. Parang pinitpit na luya ang dalaga nang makita niya ang binatang kanyang hinahangaan.
a. nangulubot b. hindi nakapagsalita c. nanlaki ang mata d. nagtago

K. Uriin ang tayutay na ginamit sa sinalungguhitang bahagi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
1. Binulungan ng kabaitan ang naguguluhang isip ng bata
a. Personipikasyon b. Metapora c. Metonimi d. Hayperboli
2. Bumaha ng dugo nang magsagupa ang dalawang pangkat.
a. Simili b. Metapora c. Personipikasyon d. Eupemismo
3. Ang bait-bait mo naman! Sana kunin ka na ni Lord.
a. Simili b. Metapora c. Personipikasyon d. Eupemismo
4. Nahiya ang buwan sa kanilang kabastusan.
a. Simili b. Metapora c. Personipikasyon d. Hayperboli
5. Nahuhumaling si Mang Efren sa isang Magdalena.
a. Simili b. Sinekdoki c. Alusyon d. Hayperboli

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


33

MGA SANGGUNIAN

Pangunahing Sanggunian

Ancheta, J. R., Cruz, E. T., Hernandez, J. S., Matilla, M. S., Rivera, J. B., & Bernardino, E. C. (2015). Mabisang
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, R. A., & Bernardino, E. C. (2013). Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


34

KABANATA III
Kalikasan ng Komunikasyon

NILALAMAN:
3.1. Kahulugan at Katangian ng Komunikasyon
3.2. Modelo ng Komunikasyon
3.3. Elemento ng Komunikasyon
3.4. Antas ng Komunikasyon
3.5. Uri ng Komunikasyon
3.6. Hadlang sa Mabisang Komunikasyon
3.7. SPEAKING Model ni Dell Hymes

INAASAHAN NA MGA BUNGA:


a. Malaman ang kahulugan at katangian ng komunikasyon
b. Maipaliwanag ang modelo ng komunikasyon
c. Mailahad ang mga elemento ng komunikasyon
d. Maipaliwanag ang antas at uri ng komunikasyon
e. Mabigyang diin ang mga hadlang sa mabisang komunikasyon
f. Maipaliwanag ang SPEAKING model ni Dell Hymes

LEKSIYON:

3.1. Kahulugan at Katangian ng Komunikasyon

Ang komunikasyon ay paghahatid at pagpapalitan ng impormasyon, ideya, pananaw o paniniwala mula


sa pinagmulan patungo sa isang tagatanggap na kung saan kapwa silang makikinabang.

3.1.2. Katangian ng komunikasyon

a. Ang komunikasyon ay isang proseso

Binubuo ng mga sangkap na kailangang gamitin upang maging matagumpay ang paghatid at
pagtanggap ng mensahe ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Ang proseso ay nagsisimula sa
tagapagsalita na siyang unang lumilikha ng ideya. Ang ideyang ito na nagsisilbing mensahe ay
pinadadala sa pamamagitan ng isang daluyan o tulay patungo sa tagatanggap ng mensahe. Ang
tagatanggap ng mensahe ang siyang bahalang umunawa sa mensaheng kanyang natanggap ayon sa
kanyang sariling persepsiyon na tinatawag na frame of reference.

b. Ang komunikasyon ay dinamiko

Sa tuwing tayo ay sangkot sa proseso ng komunikasyon, iniaangkop natin ang ating pakikipag-usap sa
mga taong sangkot o kaya’y sa lugar o panahon. Ang proseso ng komunikasyon ay buhay at patuloy na
nagbabago kasabay ng pagbabago ng mga taong sangkot dito.

c. Ang komunikasyon ay komplikado

Sa proseso ng komunikasyon, may mga salik na maaaring maging daan ng miskomunikasyon. Sa


pagpapakahulugan ng mensahe, ang tagatanggap ang siyang may control sa kahulugan. Maaaring
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
35

mabigyan niya ng ibang pakahulugan ang mensaheng ipinarating ng tagapagpadala. Maging ang ating
persepsiyon sa mga bagay-bagay sa paligid ay nakakaapekto sa daloy ng komunikasyon. Sa katunayan,
maging ang ating persepsiyon sa ating kausap ay nakakaapekto sa daloy ng komunikasyon kung kaya’t
lubhang komplikado ang komunikasyon.

d. Mensahe ang ipinapadala at tinatanggap sa komunikasyon, hindi ang kahulugan

Iisipin ng tagapagpadala ang lahat na pinakaangkop na pananalita na sa kanyang tingin ay siyang


magiging daan upang mailahad ang kanyang ninanais. Sa sandaling ang mensahe ay nakarating sa
tagatanggap, hindi na kontrolado ng tagapagpadala kung sa papaanong pamamaraan bibigyan ng
pakahulugan ng tagatanggap ang mensahe. Ang sariling persepsiyon ng tagatanggap, kalakip ang
kanyang kulturang kinabibilangan at maging ang kanyang emosyonal na disposisyon sa sandaling
kanyang natanggap ang mensahe ay mga salik na makakaapekto sa kanyang paglalapat ng kahulugan
sa mensahe. Nangangahulugan na bagama’t tiniyak ng tagapaghatid na maingat niyang pinili ang mga
salitang kakatawan sa kanyang ideya, ang pagbibigay-kahulugan ay nakasalalay pa rin sa tagatanggap.

e. Hindi maaaring iwasan ang komunikasyon

Nasa paligid mo lang ang komunikasyon at kailan ma’y hindi mo maiiwasan. Sa tuwing ika’y nag-iisa,
maraming pagkakataon na nag-iisip ka ng mga bagay-bagay. Nagkakaroon ng komunikasyon sa pagitan
ng isang tao at ng kanyang sarili dahil dumarating na sa punto na siya’y nakapagdedesisyon sa mga
bagay na kailangan niyang gawin.

f. May dalawang mensahe sa proseso ng komunikasyon

Mauuri sa dalawa ang mensaheng nakapaloob sa proseso ng komunikasyon – ang mensaheng


pangnilalaman at relasyunal. Ang mensaheng pangnilalaman ay tumutukoy sa mga salitang binibigkas
ng taong nagsasalita. Tumutukoy naman sa di-berbal na mensahe ang pangrelasyunal na
nagpapahiwatig ng iyong damdamin sa taong kinakausap.
Halimbawa:
“Tahan na. Ayos lang ‘yun. Ganyan talaga ang nagmamahal, kailangan ding masaktan”
habang hinahagod nito ang likuran
Paliwanag:
Ang binibigkas na salita ay ang pangnilalaman at ang paghagod ng likod ang relasyonal.

3.2. Elemento ng Komunikasyon

a. Tagapagsalita

Ayon kina Arrogante, et.al., (2007), kay Ancheta, et.al., (2015), ang ispiker o tagapagsalita ang
pinakahanguan o pinagmulan ng mensahe. Sa kanya nakasalalay ang mensaheng nais niyang ihatid sa
kanyang mga tagapakinig. Ang tagapagsalita ay maaaring isa o grupo ng mga taong bumubuo ng isang
pahayag na maaaring nakadepende sa kanyang pananaw at karanasan.

b. Mensahe

Ito ang mga ideya, kaalaman, impormasyon, saloobin, o pananaw na nililikha at inihahatid ng
tagapagsalita sa kanyang tagatanggap. Ang mensahe ang siyang ipinadadala ng tagapagsalita sa
tagatanggap ngunit ang tagatanggap ang siyang nagbibigay kahulugan sa mensahe. Ang mensahe ay
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
36

maaaring nakapaloob lamang sa mga salitang naisambit ngunit maaari itong palakasin ng mga di-berbal
na salik tulad ng kilos o di-kaya ay paraan ng pagkakasabi.

c. Daluyan o Tsanel

Tumutukoy ito sa daan at paraan kung paano inihatid ng tagapagsalita ang kanyang mensahe.
Pangunahing daluyan sa isang karaniwang komunikasyon ang ating pandama na tinatawag na daluyang
sensori – paningin, pang-amoy, panlasa, pandinig, at pandama. Bukod dito, nagsisilbing daluyan din ng
mensahe ang sulat, telepono, fax machine, cellphone at e-mail. Sa mas pinalawak pang paghahatid ng
mensahe, nagsisilbing daluyan din ng mensahe ang diyaryo, radyo, telebisyon, at iba pang anyo ng
midya.

d. Tagatanggap

Mahalaga ang tagatanggap ng mensahe dahil siya ang magbibigay ng kahulugan sa mensaheng
ipinadala. Mabigat ang tungkulin ng tagatanggap sa proseso ng komunikasyon dahil maaaring iba ang
pagpapakahulugan niya sa mensaheng kanyang natanggap. Tulad ng tagapagsalita, nakasalalay ang
kanyang pag-unawa sa mensaheng matatanggap sa pamamagitan ng kanyang kaalaman, kakayahan,
pag-uugali, at pananaw.

e. Epekto

Tumutukoy sa pagbabagong nagaganap sa ugali, kilos o galaw, at pananaw ng taong tumatanggap ng


mensahe. May kinalaman ang epekto sa nararamdaman ng isang tao na nagiging dahilan kung bakit
siya tumutugon sa paraang positibo o negatibo.
Halimbawa:
Dayalogo sa pelikula: Bata, Bata, Paano ka Ginawa?
Vilma: Wala akong ginagawang masama!
Carlo: Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!
Vilma: (sasampalin si Carlo)

Halimbawa:
Lalaki: We’ve been together for how many years? Eight? Ikaw na nga siguro ang future
ko, ang forever ko
Babae: (kinikilig)
Lalaki: (naglabas ng singsing) Will you marry me?
Babae: (nangingiyak na niyakap ang lalaki) Yes!

f. Tugon

Tumutukoy ito sa elementong ito sa pagsagot ng tagapakinig sa kanyang kausap. Mahalagang paraan
ito upang maging mabisa ang komunikasyon at maiwasan ang hindi pagkakaintindihan.
Tuwirang tugon ito kung ipinadala nang agaran ang sagot ng nakikinig sa nagsasalita; di-tuwiran ang
tugon kung sa paraang di berbal inihatid ang sagot ng nakikinig sa nagsasalita; at tinatawag namang
naantalang tugon kung nangangailangan pa ng panahon bago maipadala ang sagot (tugon) sa
mensaheng tinanggap ng nakikinig mula sa nagsasalita.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


37

g. Ingay

Tinatawag ito sa Ingles na communication noise. Bawat proseso ng komunikasyon ay maaaring


kapalooban ng ingay na maaaring maging sagabal sa daloy ng pagpapalitan ng impormasyon.

3.3. Antas ng Komunikasyon

a. Komunikasyong Intrapersonal

Saklaw ng antas na ito ang desisyong ginagawa ng isang tao na kung saan nagkakaroon ng
komunikasyon sa pagitan ng isang tao at ng kanyang sarili lalo na kung siya ay nag-iisa at nalulungkot.

b. Komunikasyong Interpersonal

Nagiging interpersonal ang antas ng komunikasyon kung kinasasangkutan ito ng dalawang taong nag-
uusap. Ayon naman kay Maslog (2007), kay Ancheta, et.al., (2015), ang antas ng komunikasyong ito ay
sa pagitan ng isa o ilang mga tao patungo sa ilan pang mga tao sa paraang harapan (face-to-face). Ayon
din sa kanya, ang ilang halimbawa dito ay sa tuwing nag-uusap ang magkasintahan sa ilalim ng buwan,
sa tuwing nagtatalakay ng aralin ang isang guro sa harap ng kanyang mag-aaral, o sa tuwing nagsasalita
ang isang politiko gamit ang mikropono sa harap ng rally sa plaza na may 2,000 katao.

a. Komunikasyong Panggrupo

Ang komunikasyon ay kinasasangkutan ng ilang tao tulad ng talakayan sa silid-aralan.

b. Komunikasyong Pang-organisasyon

Kinasasangkutan ito ng ilang tao kung saan may pamunuan. Halimbawa, pagpupulong ng pangulo ng
isang kompanya at ng iba pang may katungkulan.

c. Komunikasyong Pampubliko

Tumutukoy ito sa komunikasyon sa pagitan ng isa at mas malaki pang pangkat ng mga tao. Ang mga
sitwasyong kakikitaan ng ganitong uri ay mga seminar, kumperensiya, kongreso, at palihan na kung saan
may isang tagapagsalita at maraming tagapakinig. Nagkakaroon din ng pagkakataon ang tagapagsalita
at tagapakinig na magpalitan ng ideya sa tuwing nagkakaroon ng open forum.

c. Komunikasyong Pangmadla
Saklaw sa antas na ito ang malaking pangkat ng tao na kung saan ginagamitan ng midyum upang maabot
ang mas malawak pang pangkat ng tao. Ayon kay Emery (1966), kay Ancheta, et.al., (2015), ito ay ang
paghahatid ng impormasyon, ideya, paniniwala, at kaugalian sa mas malaki at iba’t ibang uri ng awdiyens
sa iba’t ibang lugar sa iisang pagkakataon sa pamamagitan ng paggamit ng isang tsanel o midyum.
Halimbawa sa antas na ito ang pagbabasa ng balita sa diyaryo, pakikinig ng musika sa radyo, at
panonood ng programa sa telebisyon o di kaya nama’y pelikula.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


38

3.4. Uri ng Komunikasyon


a. Berbal na Komunikasyon
Masasabi lang na ang komunikasyon ay berbal kung ang mensaheng inihahatid sa pakikipag-ugnayan
sa tao ay ginagamitan ng mga salita, harapan man ito o hindi, pasalita man o pasulat.

i. Pasalitang komunikasyon

Tulad ng pakikipag-usap sa tao nang harapan o di kaya’y sa pamamagita ng telepono, talakayan ng


isang pangkat, at pagpupulong ng isang organisasyon.

ii. Pasulat na komunikasyon

Tulad ng liham, memorandum, mga ulat, mga balita sa dyaryo, at iba pa.

iii. Biswal na komunikasyon

Tulad ng pagbasa ng mapa, pagbasa ng mga patalastas sa magasin, dyaryo o billboard, at panonood
ng mga programang pantelebisyon.

iv. Elektronikong komunikasyon

Tulad ng e-mail at pakikipag-usap gamit ang kompyuter.

b. Di-berbal na Komunikasyon
Ayon kay Maranan (2007), kay Ancheta, et.al., (2015), ang di berbal na komunikasyon ay
kinasasangkutan ng mga kilos o galaw ng katawan. Karaniwang binibigyan ng interpretasyon ang mga
senyas upang maisakatuparan ang proseso ng komunikasyon.

i. Chronemics
Mahalaga ang oras dahil may kinalaman ito sa pagbuo ng isang di berbal na mensahe. Halimbawa ang
maagang pagdating ng isang tao sa isang usapan ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa taong
kakatagpuin. Samantala, ang pagiging huli ng estudyante sa klase ay maaaring pagpapahiwatig ng
kawalang disiplina sa sarili. Ang pagtawag ng isang tao sa telepono dis-oras ng gabi ay maaaring
pagpapahiwatig na may kailangan o di kaya’y may problema ang taong tumatawag.

ii. Paralanguage
Sa pag-uusap, mas mahalaga kung paano sinasabi ang isang mensahe kaysa mismong sinabi. Pansinin
sa dayalogo sa ibaba kung paanong nag-iiba ang pagtanggap sa mensahe:
Babae: Babe, mahal mo ba ako?
Lalaki: Oo naman
Babae: Talaga?
Lalaki: (bahagyang nakulitan) Oo nga!
Babae: Sabihin mo ngang mahal mo ko.
Lalake: (nakukulitan) Di ba sinabi ko nan gang oo!
Babae: Eh, bakit di mo masabi na mahal mo ko?
Lalaki: (naiinis) Sinagot ko na nga di ba?
Babae: Sabihin mo kasi!
Lalaki: (pasigaw-galit) MAHAL KITA! Ok na?
Babae: Eh, bakit ka sumisigaw? Bakit ka nagagalit!
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
39

iii. Kinesics
Ito ang agham ng body language. Ang paggalaw ng ating katawan ay mayroon ding katumbas na
kahulugan. Halimbawa, pagkamot sa ulo habang sumasagot sa katanungan ng guro ay maaaring
magsaad na hindi natin alam ang sagot; at ang pagtango ng ulo habang nakikinig sa kausap ay maaaring
magpakahulugan ng labis na interes sa sinasabi ng kausap. Kasali rin dito ang paraan ng pag-upo,
paglakad, pagtayo, at maging ang ating pananamit.

iv. Pictics o facial expression


Ito ay ang ekspresyon ng mukha. Malinaw na makikita sa mukha ng isang tao kung siya ay masaya,
malungkot, nag-aalala, natatakot, nagagalit, nahihirapan, may problema o may dinaramdam.

v. Oculesics o eye contact


Tumutukoy ito sa mata bilang daluyan ng mensahe. Halimbawa: kapag kinindatan ka ng isang tao,
maaaring nangangahulugan ito ng pagkagusto sa’yo. Maaari rin naman itong maging hudyat ng isang
tao sa’yo na sang-ayunan ang kanyang biro upang mapaniwala ang taong binibiro. Kapag naman
tiningnan ka ng nanay mo na tila nanlilisik ang mga mata habang siya ay may ibang kausap, maaaring
sinasabi niya sa’yong “manahimik ka at huwag sumabat”. Samakatuwid, kung paano tiningnan ang isang
tao o ang kabaliktaran naman ay may mensahe ring ipinaparating.

vi. Proxemics
Agham ng personal na espasyo. Tinutukoy nito ang espasyong inilalaan natin sa tuwing tayo ay
nakikipag-usap. Mahalagang isaalang-alang ang angkop at wastong distansiya upang maiwasan ang
paglabag sa personal na espasyo ng isang tao. Maari ring mailing ang ating kausap kung masyado
tayong malapit.

vii. Objectics o artifacts


Gumagamit ang isang tao ng bagay upang maihatid ang kanyang mensahe. Halimbawa: kapag binigyan
ng isang lalaki ang babae ng tatlong piraso ng pulang rosas, ano ang ibig sabihin? Ano ang mensaheng
nakapaloob kapag ibinalik ng isang babae ang singsing sa lalaking nagbigay nito sa kanya?

viii. Olfactorics
Tumutukoy ito sa pang-amoy. Sa pamamagitan ng pang-amoy, nagagawa tayo nitong pakilusin dahil
may nakakubli rin itong mensahe. Bakit nagtatakip ng ilong ang isang tao? Bakit may mga taong
ipinapanligo ang pabango? Bakit lumalayo tayo sa taong hindi kanais-nais ang amoy?

ix. Vocalics
Tumutukoy sa mga tunog na nililikha ng isang tao sa tuwing tumatanggap siya ng mensahe. Sa halip na
sumagot siya sa pasalitang paraan, mas nagiging makahulugan ang mensahe dahil sa mga nililikhang
tunog ng isang tao. Halimbawa, kapag nag-ehem sa tuwing may gusting bigyang-diin na pahiwatig; ang
pagtaltak (tsk-tsk) sa tuwing nagkakaroon ng panghihinayang; at pagbubuntong-hininga sa tuwing may
problemang dumarating.

x. Haptics
Tumutukoy ito sa sense of touch upang ipahayag ang mensahe ng isang tao. Halimbawa, kapag tinapik
ka sa likod ng iyong guro dahil nagawa mo nang mahusay ang isang bagay, ano kaya ang ibig sabihin
nito? Ano kaya ang ibig sabihin ng paghagod sa likod tuwing ikaw ay may dinaramdam? Ano kaya ang
mensahe kapag hinawakan ka ng isang tao sa kamay?

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


40

xi. Iconics
Tumutukoy sa simbolong makikita natin sa ating paligid.
Halimbawa: sa karatula ng palikuran pambabae at panlalaki, simbolo ng elevator at escalator, at marami
pang iba.

xii. Colorics
Tumutukoy sa mga kulay. Bakit humihinto ang mga sasakyan tuwing nagpupula ang ilaw ng trapiko?
Bakit kulay puti ang kulay ng suot ng babaeng ikakasal, at marami pang iba.

3.5. Hadlang sa Mabisang Komunikasyon

3.5.1. Hadlang sa Tagapaghatid ng Mensahe


a. Pagkilala sa Tumatanggap ng Mensahe
Kinakailangang kilalaning mabuti ng isang indibidwal ang tatanggap ng mensahe at alamin kung ano ang
kaalaman sa paksa maging ang kakayahang pangkomunikasyon nito. Alamin din ang demograpikong
katangian ng taong kakausapin pati na rin ang kulturang pinanggalingan nito.

b. Hindi sapat na Kakayahang Pangkomunikasyon


Magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung gagamit ang tagapaghatid ng mensahe ng wikang
alam din ng tagatanggap ng mensahe. Halimbawa, mainam na gamitin ng isang Cebuano ang wikang
Filipino kung siya ay makikipag-usap sa mga taong hindi tubong Cebu. Ang paggamit ng isa pang wika
na naiintindihan ng dalawang magkaiba ang wika ay tinatawag na lingua franca. Nagsisilbi itong tulay
upang magkaintindihan ang dalawang tao na magkaiba ang wika na gagamit ng isang wika na
naiintindihan nilang dalawa. Samakatuwid, sa pamamagitan nito, mas magkakaintindihan ang dalawa
na maaaring humantong sa isang mabisang komunikasyon.

c. Hindi sapat na Kaalaman sa Paksa


Makatutulong din ang lawak ng kaalaman ng tagapagsalita upang maging mabisa ang pakikipag-usap
nito sa isang ito. Halimbawa: magiging mabisa ang talakayan ng asignaturang Filipino sa pagitan ng mga
mag-aaral at guro kung hindi ipagkakatiwala sa isang di kwalipikadong guro ang pagtuturo ng asignatura.
Ang lawak at lalim ng isang guro sa larangan ng kanyang itinuturo ay nagiging susi upang maipaunawa
nito sa mga mag-aaral ang paksang tinatalakay.

d. Emosyonal na Balakid
Dahil sa emosyon, maaaring hindi niya maunawaan ang mensaheng kanyang natatanggap. Halimbawa,
kung ang tatanggap ng mensahe ay galit sa taong nagsasalita, malaki ang posibilidad na hindi niya ito
pakinggan. Maaari namang magkaroon ng di magandang daloy ng usapan ang dalawang taong dating
magkasintahan dahil maaaring ang isa sa kanila ay nakararamdam ng pagkailang.

e. Labis na Impormasyon
Dumarating sa punto na napupuno na ang utak natin ng mga impormasyon lalo na sa mga mag-aaral na
sunod-sunod ang klase sa isang araw. Kung labis na ang impormasyong iyong natatanggap, maaari
itong maging hadlang sa pag-unawa ng mga detalye na makasisira rin upang maging mabisa ang iyong
pakikipagpalitan ng impormasyon.

3.5.2. Hadlang sa Paraan ng Paghahatid ng Mensahe


a. Pisikal na Ingay
Tumutukoy sa mga ingay na nasa iyong kapaligiran na nagbubunga ng hindi pagkakaunawaan sa
mensaheng iyong tinatanggap.
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
41

b. Semantikong Ingay
Nagkakaroon nito kung ang isang mensaheng ipinadadala ay naipahayg nang maayos ng taong
nagsasalita subalit iba ang interpretasyon ng taong tumanggap ng mensahe.

c. Ingay sa Tsanel
Tumutukoy sa ingay sa pisikal na paghahatid ng mensahe sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
Halimbawa: mahinang signal ng cellphone, mabagal na internet connection, at iba pa.

d. Mahabang Pasahan ng Mensahe


Kung marami ang pinagpasahan ng mensahe, mas malaki ang posibilidad na mabawasan o
madagdagan ang mensahe na maaaring magdulot ng maling impormasyon. Nagiging hadlang ito sa
komunikasyon dahil hindi na kongkreto ang mensaheng ipinadala. Pansinin ang dayalogo:

REPORTER: Tatlo ang patay at labing anim ang sugatang rebelde sa kanilang
engkwentro sa mga military noong martes sa Lungsod ng Isabela, Basilan.

TAY kay NAY: Labs, sabi sa balita, may namatay na tatlong sundalo at labing anim na
rebelde sa Isabela, Basilan kasi nagkaroon ng barilan sa pagitan nila.

NAY kay LOLO: Tay, napanood daw ni Eddie sa TV na may namatay na sundalo at rebelde
sa engkwentro nila sa Basilan. Labing anim daw yung sundalo tapos tatlo
ang rebelde.

LOLO kay LOLA: Mahal, alam mo ba nagpatayan na naman ang mga rebelde at military sa
Cagayan. Labing tatlo ang patay na sundalo tapos anim naman ang
rebelde.

LOLA kay APO: Ay, apo. Hindi ba taga-Cagayan ang boypren mong sundalo? Nagpatayan
daw ang mga sundalo dun e. nakakatakot na ang panahon ngayon,
pati mga sundalo nagpapatayan na.

3.5.3. Hadlang sa Tumatanggap ng Mensahe


a. Kawalan ng Interes
Mawawalan ng silbi ang mensahe kung ang tumatanggap ng mensahe ay walang interes dito.
Halimbawa: madalas antukin ang mga mag-aaral sa mga asignaturang hindi sila interesado. Nahuhuli
rin ng mga guro, paminsa-minsan, ang mga mag-aaral na nakikipagkwentuhan sa katabi dahil hindi sila
interesadong makinig sa tinatalakay ng guro.

b. Kakulangan ng Kaalaman
Kahit gaano kalinaw ang mensaheng ipinadala ng isang tao sa tumatanggap nito, mawawalan ito ng
halaga kung ang mismong tumatanggap ng mensahe ay walang sapat na kaalaman dito.
Halimbawa: paano maiintindihan ng isang MedTech ang pagsulat ng balita kung hindi niya alam ang mga
terminong ginagamit sa pagbabalita, at ganun di ang isang Journalist na hindi alam ang mga terminong
ginagamit ng mga MedTech?

c. Kakulangan ng Kakayahang Pangkomunikasyon


Hindi sapat ang magiging pang-unawa sa isang indibidwala sa kanyang binabasa o pinakikinggan kung
hindi sapat ang kanyang kasanayan dito. Samantala, ang mga tao naman na may malawak na kaalaman
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
42

sa bokabularyo at may konsentrasyon sa pakikinig ay higit na nakauunawa sa mga mensaheng kanyang


naririnig at pinakikinggan.

d. Emosyonal na Balakid
Kung ang mismong tumatanggap ng mensahe ay may mga isyung pang-emosyonal sa taong
kumakausap sa kanya, maaaring maging hadlang ito upang hindi pakinggan ng tagatanggap ang
mensaheng inihahatid sa kanya. Minsan naman, nagiging dahilan din ito ng hindi pagkakaunawaan lalo’t
higit kung magkataliwas ang pananaw ng dalawang taong nag-uusap dahil maaaring mamayani sa kanila
ang kanya-kanyang emosyon.

e. Pisikal na Balakid
Pisikal na elementong nakapaligid sa dalawang taong nag-uusap na nagiging hadlang sa komunikasyon.
Halimbawa: iba ang magiging paraan ng dalawang taong nag-uusap kung sila ay nasa mainit o malamig
na lugar – magiging irritable ang tagapagsalita o tagapakinig dahil sa temperatura ng paligid. Kasama
din sa balakid na ito ang mga karamdaman ng nagsasalita o/at nakikinig. Nagiging hadlang sa
komunikasyon ang taong pautal-utal kung magsalita at maging ang kahinaan sa pandinig ng taong
nakikinig.

3.5.4. Hadlang sa Pagtugon sa Mensahe


a. Walang pagkakataong makapagbigay-tugon
Sa komunikasyon, layunin ng dalawang taong nag-uusap na makapagpalitan ng saloobin at pananaw
hinggil sa paksang kanilang pinag-uusapan. Samakatuwid, kinakailangang makapaglaan ng panahon
ang tagapagsalita na makatugon sa kanya ang tagapakinig. Dahil ang komunikasyon ay two-way process
nagiging hadlang ito kung hindi makapagbibigay ng tugon ang tagapakinig. Pansinin ang halimbawang
dayalogo sa ilalim:
Halimbawa:
Estudyante: Ma’am, mayroon po bang …
Guro: (puputulin ang pagsasalita ng estudyante – galit) Bakit hindi kayo pumasok
kahapon?
Estudyante: Ma’am
Guro: (puputulin ang pagsasalita ng estudyante – mas galit) Huwag kang magsasalita!
Patapusin mo muna ako. Di ba kabilinbilinan ko na magkakaroon tayo ng make-
up class dahil sa sunod-sunod na pagsuspindi ng klase? Bakit hindi kayo
pumasok? Hindi niyo ba alam na naghintay ako ng mahigit isang oras sa inyo?
Paano natin matatapos ang mga talakayan kung di niyo ako sisiputin.
Pangalawang beses na itong nangyari! Ako na nga itong nagmamalasakit sa inyo,
kayo pa itong ayaw makiisa.
Estudyante: Ma’am, wala naman po kayong sinabi sa amin. Itatanong ko nga po kung tuloy po
ang eksam natin mamaya kasi yun po ang sinabi niyo sa amin kahapon.
Guro: Anong walang sinabi? Di ba I.T (Information Technology) ang kurso niyo?
Estudyante: Hindi po. I.E. (Industrial Engineering) po kami.

b. Hindi sapat na tugon


Nagiging hadlang din sa komunikasyon ang hindi sapat na pagbibigay-tugon sa isang mensahe.
Halimbawa, sa gitna ng mahabang talakayan ng paksa sa pagitan ng guro at mga estudyante ay biglang
nagbigay ng pulu-pulutong na tanong ang guro sa isang estudyante, maaaring sagutin lang ng
estudyante ang katanungan na kanyang matatandaan. Sa ganitong sitwasyon, hindi makapagbibigay ng
konkretong tugon ang isang estudyante na maaaring ikasira ng komunikasyon.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


43

3.6. SPEAKING Model ni Dell Hymes


a. Setting
Dapat isaalang-alang ng dalawang taong nag-uusap ang lugar na pinangyayarihan ng komunikasyon.
Mahalaga ang espasyong kinaroroonan ng dalawang taong nag-uusap dahil nakaaapekto ito sa proseso
ng komunikasyon. Iba ang pakikipag-usap kung ikaw ay nasa paaralan, palengke, at simbahan.

b. Participants
Kilalanin ang mga taong sangkot sa komunikasyon. Maaaring magkaroon ng pagbabago sa proseso ng
komunikasyon depende sa taong kinakausap. Iba ang paraan mo ng pakikipagusap sa guro, pari, at
tindera ng isda.

c. Ends
Alamin din ang layunin kung bakit ka makikipag-usap. Mahalaga ito upang alam mo kung saang paksa
iikot ang usapan. Ikaw ba ay makikipag-usap sa iyong guro tungkol sa iyong problema sa kanyang
asignatura? Ikaw ba ay makikipag-usap sa pari para mangumpisal? O, ikaw ay makikipag-usap sa
tindera upang makipagtawaran sa presyo ng kanyang itinitinda?

d. Act Sequence
Upang magkaroon ng magandang takbo ang pakikipag-usap, alamin kung paano mo ito sisimulan at
tatapusin. Ang daloy ng usapan ay nakadepende rin sa estruktura at nilalaman ng mga mensaheng
inihahatid sa isa’t isa. May mga usapan na nauuwi sa pagkakaunawaan, mayroon ding nagkakabiruan
at nagkakapikunan, at ang pinakamahirap, may mga usapang nauuwi sa awayan at sakitan.

e. Keys
Mahalagang sa simula pa lang ng pag-uusap, alam mo na kung anong antas ng wika ang gagamitin mo.
Bakit pormal na wika ang kailangan mong gamitin tuwing kausap mo ang isang guro o pari? Bakit kaya
impormal naman ang iyong ginagamit tuwing kausap mo ang iyong kamag-anak at kabarkada?

f. Instruments
Ano ang pamamaraan at midyum ng usapan? Ikaw ba ay magpapadala ng mensahe sa iyong guro sa
pamamagitan ng e-mail? Berbal ba ang iyong paraan sa pangungumpisal sa pari? O gagamit ka ba ng
di-berbal na paraan sa harap ng tindera ng isda?

g. Norms
Tumutukoy sa mga panlipunang tuntunin kaugnay ng partikular na kilos at tugon ng mga taong sangkot
sa proseso ng komunikasyon. Halimbawa, nakasanayan na nating mga Pilipino na ituring na hindi
angkop na makisali sa usapan ng mga nakakatanda ang mga bata. Isa pang halimbawa ay ang pananaw
ng mga Pilipino na hindi maaaring hayagang pag-usapan ang tungkol sa seks lalo na kung mayroong
mga kabataan.

h. Genre
Tumutukoy naman ito sa uri ng pagpapahayag na gagamitin. Maaaring ang isa ay magsalaysay,
maglarawan, maglahad, at mangatuwiran.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


44

MGA MUNGKAHING GAWAIN


I. Panuto: TAMA o MALI. Isulat ang tama kung ang pahayag ay tama. Kung mali ang pahayag,
hanapin at bilugan ang salita o parirala na sanhi ng pagkakamali ng pahayag at isulat sa patlang
ang tamang sagot.

1. Ang mensahe ay ang mga ideya, kaalaman, impormasyon, saloobin, o pananaw


na nililikha at inihahatid ng tagapagsalita sa kanyang tagatanggap.
2. Daluyan o tsanel ang pinakahanguan o pinagmulan ng mensahe. Sa kanya
nakasalalay ang mensaheng nais niyang ihatid sa kanyang mga tagapakinig.
3. Ang tugon ay tumutukoy sa pagsagot ng tagapakinig sa kanyang kausap.
Mahalagang parran ito upang maging mabisa ang komunikasyon at maiwasan ang di pagkakaintindihan.
4. Komunikasyong pampubliko ang tawag sa komunikasyon na may mas malawak
na antas na kung saan ang mga halimbawa ay balita sa dyaryo, musika sa radio, programa sa telebisyon,
at mga pelikula.
5. Komunikasyong Interpersonal ang tawag kapag ang komunikasyon ay
nagaganap sa pagitan ng isang tao at ang kanyang sarili.

II. Piliin kung anong uri ng komunikasyon ang nakapaloob sa bawat parirala.
a. Komunikasyong Intrapersonal
b. Komunikasyong Interpersonal
c. Komunikasyong Pangmadla

1. Pagpupulong ng miyembro ng Konseho ng Mag-aaral.


2. Pagbabalita ni Noli de Castro sa radyo.
3. Pag-iisip ng damit na isusuot.
4. Pagpapadala ng text message ng magkasintahan
5. Paglalathala ng opinyon ng isang editor sa dyaryo.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


45

III. Isulat sa patlang sa unahan ng bawat bilang ang titik ng kaugnay na konsepto sa Kolum B ng
mga katawagan sa Kolum A

Kolum A Kolum B
___1. Chronemics a. Pagbigkas ng salita
___2. Proxemics b. Midyum ng usapan
___3. Kinesics c. Oras
___4. Haptics d. Pormal ba o impormal
___5. Iconics e. Mukha
___6. Colorics f. Espasyo / distansiya
___7. Paralanguage g. Bagay
___8. Oculesics h. Sino ang kausap?
___9. Objectics i. Kulay
___10. Pictics j. Ano ang layunin sa pag-uusap?
___11. Olfactorics k. Ilong
___12. Vocalics l. Paraan ng pakikipag-usap
___13. Setting m. Simbolo
___14. Participants n. Paano ang daloy ng usapan?
___15. Ends o. Ano ang paksa ng usapan?
___16. Act Sequence p. Mata
___17. Keys q. Tunog
___18. Instruments r. Saan nag-uusap?
___19. Norms s. Katawan
___20. Genre t. Pandama

IV. Basahin ang mga sitwasyon sa bawat bilang at piliin kung anong salik ng hadlang ng
komunikasyon ang nakapaloob dito.

a. Hadlang sa Tagapaghatid ng Mensahe b. Hadlang sa Paraan ng Paghahatid ng Mensahe


c. Hadlang sa Tumatanggap ng Mensahe d. Hadlang sa Pagtugon sa Mensahe

1. Nagtatanong ng direksiyon ang isang taga-Cebu sa isang taga-Cavite gamit ang wikang
Cebuano.
2. Dahil sa galit ni Rolly kay Robert, hindi niya pinakikinggan ang sinasabi nito.
3. Magpo-propose ang isang lalaki sa kanyang kasintahan nang biglang dumaan at bumusina
ang isang sasakyan.
4. Nagkwento ng isang nakalulungkot na pangyayari si Jenny kay Tintin. Ikinuwento naman ito ni
Tintin kay Mylene. Sa labis na kilig, ikinuwento rin ito ni Mylene kay Eden. Nagngingitngit namang
ikinuwento ni Eden ang nasagap na pangyayari kay Sol.
5. Hindi maintindihan ni Ramon ang tinatalakay ng guro dahil nasa wikang Ingles ang kanyang
pagpapaliwanag.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


46

KABANATA IV
Makrong Kasanayan sa Pagsulat

NILALAMAN:
4.1. Kahulugahan ng Pagsulat
4.2. Mga Layunin ng Pagsulat
4.3. Kahalagahan ng Pagsulat
4.4. Mga Uri ng Sulatin

INAASAHAN NA MGA BUNGA:


a. Mailahad ang kahulugahan, layunin, at kahalagahan ng pagsulat
b. Maibigay at maipaliwanag ang mga uri ng sulatin
c. Maunawaan ang organisasyon ng pasalita at pasulat na komposisyon
d. Makalikha ng iba’t ibang uri ng sulatin: komposisyong papel, repleksiyong papel, at blog

LEKSIYON:

4.1. Kahulugahan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay isang makrong kasanayang pangwika na ginagamit ng mga tao sa kanilang
komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolong pinagsasama-sama at isinasaaayos upang maghatid
ng mensahe mula manunulat patungong mambabasa.

Ayon kina Garcia et.al (2008, kay Ancheta, et.al., 2015) ang pagsulat ay pagsasatitik sa papel o sa ano
mang bagay na maaaring gamitin na pagsasalitan ng mga ideya, sagisag at paglalarawan ng isang
indibidwal o grupo ng mga indibidwal sa pagnanais na maisiwalat ang kaniyang naiisip o nadarama. Ayon
naman kina Arrogante et.al., (2007, kay Ancheta, et.al., 2015), ang pagsulat ay isang natatanging
kakayahan ng tao na malinaw na makapagtala o makapag-imprenta sa papel ng mga karakter at simbolo,
tuloy, makaporma ng mga salita, pangungusap, at talata para makapagbigay ng mga ideya o mga
impormasyon sa mga mambabasa sa tawag ng komunikasyon.

Ayon kay Arapoff (1975, kay Matilla, et.al., 2015), ang pagsulat ay higit pa sa paggamit ng mga titik o
simbolo, ito ay isang proseso ng pag-iisip na inilalarawan sa pamamagitan ng mahusay na pagpili at pag-
oorganisa ng mga karanasan. Hinahasa ng pagsulat sa tao ang kanyang kakayahang isaayos ang
kanyang mga ideya kung saan magagawa niyang piliin kung ano ang mahalaga sa kanyang layunin sa
paraang magkakaugnay at lohikal.

Si Smith (1976, kay Matilla, et.al., 2015) naman ay naniniwalang ang pagsulat ay isang tao sa taong
komunikasyon. Hindi lamang ito basta pagsasabi ng isang bagay kundi ang pagpapahayag nito sa isang
partikular na sitwasyon ng isang tao. Kaya naman, kinakailangan pinipili ang mga salita at isinasaayos
ang estruktura upang maging malinaw ang mensahe nito.

4.2. Mga Layunin ng Pagsulat

a. Makapagbigay-impormasyon

Layunin ng manunulat na ipabatid sa mga mambabasa ang mga datos o impormasyon na kapaki-
pakinabang sa kanilang personal o propesyonal na buhay. Nararapat itong maging tiyak, wasto, at

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


47

malinaw ang detalyeng inilahad ng manunulat. Madalas itong mababasa sa mga pahayagan, magasin,
ulat, ensayklopidya o elektronikong materyales na may lathalain.

Halimbawa:

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


48

b. Mapanghikayat

Nagsusulat ang isang tao upang baguhin ang paniniwala ng mambabasa o kumbisihin ang mga ito na
paniwalaan ang isang ideya, impormasyon, opinyon, saloobin o damdamin. Tinatangka ng manunulat na
impluwensiyahan ang mambabasa sa pamamagitan ng mga nakasaayos na pahayag. Mahusay na
inalalahad ang mga patunay o ebidensiya upang hikayatin ang mambabasa na sumang-ayon sa kanya.
Makikita ang mga ganitong sulatin sa sanaysay, editorial, pananaliksik, proposal, at iba pa.

Halimbawa:

Bakit hindi dapat alisin ang wikang Filipino sa Kolehiyo?


ni MARTA

Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at
malansang isda. Isa itong linya mula sa kanyang tula na “Sa Aking mga Kabata.” Bagama’t alam
ito ng karamihan mga Pilipino ngunit sigurado ako na hindi naman nila ito nauunawaan. Kabilang
na riyan ang mga namumuno sa CHED sapagkat nagpalabas sila ng CHED Memorandum (CMO)
No. 20, series of 2013 na nagsasaad na tinatanggal na ang wikang Filipino sa kolehiyo.

Hindi kaila sa atin na nabibilang ang ating bansa sa ikatlong daigdig o ang tinatawag na
Third world country, kumbaga sa isda ay hindi na sariwa o masakit mang pakinggan ay bilasa na.
Karamihan sa mauunlad na bansa ay sariwang-sariwa ang ekonomiya o ang mga bansang
nabibilang sa First world country gaya ng Korea, Japan, Germany, France, Italy at United
Kingdom. Ang bansang Japan na isa sa may pinakamaunlad na ekonomiya sa Asya ay nakalilikha
ng mga makabagong teknolohiya na ibinibenta sa pandaigdigang merkado na kailan man ay hindi
sumandig sa wikang Ingles sa halip ay kinasangkapan ang wikang Nihonggo. Dagsa rin ang turista
sa kanilang bansa kahit pa ang mga establisimyento at ang mga produkto o serbisyo ay nasusulat
sa wikang Nihonggo.

Bukod sa Japan, bakit nga ba nananatiling maunlad ang kanilang ekonomiya? Walang
ibang sagot diyan kundi ang paggamit nila ng unang wika sa edukasyon at sa iba’t ibang disiplina
gaya ng medisina, batas, midya, politika, at iba pang matatayog na larangan. Pinatutunayan sa
maraming pag-aaral na ang paggamit ng unang wika ang susi sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Magiging kritikal lamang ang pag-iisip ng isang estudyante o mamamayan kung mag-iisip
siya sa wikang kabisado o sa wikang dalubhasa siya at iyan ay walang iba kundi ang wikang
Filipino o ano mang rehiyonal na wika na bihasa ang isang tao. Ayon sa ilang kumokontra sa
paggamit ng wikang Filipino, pahihinain daw nito ang mga Pilipino sa wikang Ingles. Paano na
raw ang mga Pilipinong nais magtrabaho sa ibang bansa at paano raw ang negosyanteng nasa
Pilipinas na Ingles ang gamit sa komunikasyon? Sa isang kumpanyang Hapon dito sa Pilipinas,
kumukuha sila ng serbisyo ng isang tagasalin o translator upang maihatid ang kanilang mensahe
sa mga trabahador.

Sa usapin naman sa pagkatuto ng wikang Ingles, madali lamang matuto nito basta’t
maayos ang pundasyon ng unang wika. Kaya nga’t nangungulelat na ang Pilipinas sa edukasyon
sapagkat nasusulat ang mga material sa wikang hindi naman natin nauunawaan.

Kung gayon, kung aalisin ang wikang Filipino sa kolehiyo, paano tayo makakalikha ng mga
eksperto o dalubhasa na kritikal mag-isip? Paano natin mapapaunlad ang sarili nating bansa kung
patuloy tayong sasandig sa ideya ng mga banyagang bansa na nakadisenyo naman para sa
kanilang sariling bansa? Walang ibang sagot sa aking mga katanungan kundi ang paggamit ng
unang wika at pagpapanatili ng Filipino sa Kolehiyo.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


49

c. Makapanlibang

Layunin ng pagsulat na ito na pagaanin o pabigatin ang nararamdaman ng mambabasa. Maaaring


patawarin, paligayahin, paiyakin, palumbayin, takutin o pawiin ang nararamdamang kabagutan ng
mambabasa. Ilan sa mga halimbawa nito ay matatagpuan sa mga komiks, magasin, nobela, at iba pa.

Halimbawa:

Status ng Baklang Syunga


ni MARTA

Alam mo feeling ko ang haba ng hair ko. Habang, nagfe-facebook ako ay nakita ko ang
bagong picture ng crush ko. Sobrang gwapo niya kaya’t ni-like ko agad ito at nagkomento ako. Sa
totoo lang, araw-araw ko naman bini-view ang profile niya, naku mahirap na baka maungusan pa
ako ng iba. Bukod sa like ay nag-comment ako na napakagwapo niya. Salamat naman at nag-
comment siya at nagpasalamat. Ay naku! Feeling ko gusto niya rin ako. Ayun, nag-message
agada ko na kung pwede kong makuha ang number niya at siyempre yayain ko siya na mag-date.
Pumayag siya kaya’t feeling ko talaga magiging jowa ko siya.

Tinanong ko siya kung gusto niyang lumabas kami. Sabi niya wala daw problema. Sabi ko
sa kanya, mag-SM na lang kami. Pero di raw siya pumupunta roon, pangmahirap daw ang SM.
Tinanong ko siya kung saan niya gusto. Sa Alabang Town Center daw. Sa isip-isip ko,
mapapasubo ‘ata ako. Mukhang mauubos ang lahat ng sinuweldo ko.

Nagkita na kami sa ATC. Gwapo nga siya feeling ko mahihimatay ako. Siyempre hindi ako
pwedeng himatayin at baka paggising ko wala na siya. Sabi ko kumain muna kami sa Jollibee.
Napa-ha!!!! siya. Hindi raw siya kumakain sa Jollibee, pangmahirap daw sa Jollibee. Tinanong ko
siya kung saan niya gustong kumain. Gusto niya raw sa isang buffet restaurant para raw eat all
you can. Sa totoo lang hindi pa ako nakakakain sa ganoon. E paano ba naman ang mahal at hindi
naman ako malakas kumain. Tama, sa Mang Inasal rice all you can dun, ang sabi ko. Sabi niya
hindi raw masarap ang kanin sa Mang Inasal. Ayun sabi niya hindi na lang daw siya kakain. Aba
ayaw ko namang mapahiya. Tiis ganda, pumunta pa rin kami sa buffet restaurant na 1,000 pesos
kada tao.

Pagpasok naming ng restaurant ay may naghihintay pala siyang apat na kaibigan.


Tinanong ko siya kung sino ang magbabayad. Sabi niya ako raw. Siyempre ayaw ko naman
mapahiya kahit alam kong maglalakad na ako pauwi.

Sa totoo lang 6,000 na lang ang pera ko. Kalahating buwan ko iyong pinaghirapan. Wala
na akong magagawa. Sabi ko magwi-withdraw muna ako. Pinauna ko na silang kumain. Dahil ang
haba ng pila sa ATM ay natagalan akong bumalik. Halos patapos na silang kumain pagbalik ko.

Ilang minuto lamang ang nakalipas ay nagpaalam na sila kasama ang crush ko. Sabi niya
may emergency raw. Hindi pa nga ako nakakakain ang sabi ko. Ayun, naiwang mag-isa ang
beauty ko. Siyempre pinayagan ko na siya at emergency naman, ang mahalaga nakasama ko
siya.

Napagdesisyunang kong umuwi na. Ay teka, wala na pala akong pera. 123 ang eksena ko
sad yip at walkathon papasok sa aming barangay. Bago ako makasakay sa dyip, nakita ko siyang
may kasama babae at nagmamadaling sumakay ng taxi. Tinext ko siya, sabi ko sino ‘yung kasama
mo. Hindi siya nag-reply agad sa halip ask-a-load ang natanggap ko. Dahil may extra pa naman
ako ay pinasahan ko siya. Nag-reply siya, may emergency lamang daw talaga. Magkita daw ulit
kami matapos ang 15 days. Siyempre iniintay ko na ang katapusan ng buwan para magkita ulit
kami. Dahil diyan, inspired ako sa aking trabaho dahil malapit na ulit kami magkita.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


50

d. Makapagpahayag ng sarili

May mga taong nagsusulat hindi para sa ibang tao kundi para sa kanilang sarili. Isinasatitik nila ang
kanilang nararanasan, nararamdaman o naoobserbahan upang aliwin o bigyang-kasiyahan ang kanilang
pagkatao. Matatagpuan ang mga ganitong sulatin sa talaarawan, dyornal, talambuhay at dulot ng
makabagong teknolohiya, maging ang mga status sa fb o di kaya ay mga tweet at mensahe sa Instagram.

4.3. Kahalagahan ng Pagsulat

a. Pansarili
- Natutugunan ng pagsulat ang mga pangangailangang pansarili. Sa pamamagitan ng pagsulat
naipapahayag ang mga saloobin, damdamin o ideya na makakatulong upang lalong makilala at
mapaunlad ang sarili. Nakakatulong din ito upang maidokumento ang mga mahahalagang
pangyayari sa buhay ng isang tao na malaki ang papel sa pagpapalalim ng kanyang pagkatao.
May mga taong hindi mahilig makipag-usap o makihalubilo sa ibang tao at ang pagsulat ang
kanilang nagiging katuwang upang mailabas ang kanilang mga iniisip o nararamdaman.

b. Pangkapwa
- Bagama’t madalas ay nag-uusap ang mga tao, hindi rin matatawaran ang panahon na sila ay
nag-uugnayan sa pasulat na paraan gaya ng pagpapadala ng liham, pakikipag-text, pakikipag-
chat, pagfe-facebook, pag-i-instagram, pagtu-twitter upang makabuo ng maganda at malapit na
ugnayan sa isa’t isa. Tumatag ang ugnayan ng mag-anak, mag-ama, mag-ina, magkapatid,
magkasintahan, magkaibigan, magkakilala o nagbubunsod din ito sa pagbabati ng magkaaway.

c. Pampropesyonal
- Mahalaga ang ginagampanan ng pagsulat sa hanapbuhay o propesyon ng isang tao. Sa
pamamagitan ng pagsulat ay napapaunlad ang ating talion o kasanayan partikular na sa pagsulat.
Sa ano mang organisasyon o samahan, hindi sapat na marunong lamang magsalita sapagkat
kinakailangan ang husay sa pagsulat lalo na sa mga white collar job gaya ng mga abogado,
doktor, guro, mamamahayag, superbisor o pinuno ng isang kumpanya. Bilang isang pinuno,
kinakailangan maipakita ang husay sa pagsulat sa pagbuo ng mga panuntunan o pagpapalabas
ng opisyal na pahayag o paggawa ng liham.

d. Pangkultura
- Hindi matatawaran ang papel ng pagsulat sa paglinang ng isang kultura tungo sa pagsulong ng
isang lipunan. Kung dati-rati ay payak lamang ang pamumuhay ng mga tao at limitado lamang
ang mga kayang gawin, ngayon ay mas naging produktibo na ang mga tao. Lumawak ang
pinagsasaluhan ng mga tao. Mula sa simpleng pananamit, pagkain, awitin, sayaw, kagamitan,
wika, eskultura, at arkitektura patungo sa iba’t ibang anyo ng mas malikhaing mga sining. Utang
natin sa pagsulat, partikular na sa mga pananaliksik na may kinalaman kung paano pauunlarin
ang kultura o pamumuhay ng mga tao sa isang lipunan, ang ating kasalukuyang antas ng
kabihasnan.

e. Pandaigdig
- Sa pamamagitan ng pagsulat ay napagsasaluhan ng iba’t ibang bansa na may iba’t ibang
nasyonalidad o lahi ang mga kaalaman na naisulat sa iba’t ibang wika. Nagawang ipreserba ang
mga matatayog na karunungan at dakilang panitikan nang sa gayon ay makatulong sa pagsulong
ng ating daigdig. Iba’t iba man ang mga lenggwahe, nagawa pa ring magkaunawaan ng bawat
isa sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga materyal mula sa pinagmulang wika patungo sa
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
51

tumatanggap ng wika. Patuloy sa pag-unlad ang sibilisasyon ng buong daigdig dahil sa


pagdodokumento ng pangyayari at mga gawaing patuloy nating pinakikinabangan.

4.4. Mga Uri ng Sulatin


a. Akademiko

Ito ay may sinusunod na partikular na kumbensiyon na kailangang malaman. Pinakamahalaga rito ang
pagbibigay ng suporta sa mga ideyang pinangangatuwiranan. Itinuturing ng isang intelektuwal na
pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Nilalayon din nitong maipakita ang resulta ng isang pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ilan sa mga
halimbawa ng akademikong pagsulat ay ang kritikal na sanasay, lab report, eksperimento, term paper o
pamanahong papel, tesis o disertasyon, suring basa at panunuring pampanitikan.

Katangian ng akademikong pagsulat

- Pormal
Ang akademikong pagsulat ay may pormal na estruktura. Iniiwasan ang pagsulat ng mga kolokyal na
salita at mga ekspresyon kaya naman ang paggamit ng wika ay masasabing pormal din.

- Obhetibo
Ang pagsulat ay obhetibo at hindi personal o pansarili. Kaunti lamang ang mga salitang tumutukoy sa
manunulat at mambabasa. Binibigyang-diin dito ang mga impormasyon na gustong ibigay at ang mga
argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa.

- Maliwanag
Dapat na malinaw ang paglalahad ng mga ideya. Isa sa pananagutan ng manunulat na gawing malinaw
ang pagkakaugnay-ugnay ng iba’t ibang bahagi ng teksto. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggamit
ng mga signal na salita.

- May Paninindigan
Sa ano mang uri ng akademikong pagsulat, kailangang may sarili kang pagpapasya at paninindigan sa
partikular na paksa na iyong isinulat. Mapapangatuwiranan mo kung ano man ang resulta ng pananaliksik
na iyong ginawa. Huwag kang pabago-bago ng pasya o kaya’y urong-sulong sa ginagawa mong
pagsisiyasat.

- May Panunugatan
Pananagutan ng manunulat na kilalanin ang mga awtoridad na ginamit na sanggunian sa papel na pang-
akademiko. Kailangan ding ilatag ang ginamit na mga katibayan at pangangatuwiran na iyong ginawa.

b. Teknikal
Ito ay isang espesiyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na
pangangailangan ng mga mambabasa at minsan, maging ng manunulat mismo. Ito ay isang praktikal na
komunikasyong ginagamit sa pangangalakal at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal
na impormasyon sa iba’t ibang uri ng mambabasa. Naglalaman din ito ng mga paksang panteknikal at
naiuugnay sa pagsulat ng mga manwal at gabay sa pag-aayos halimbawa ng kompyuter, pagbuo ng
kompyuter o ano mang bagay na may kalikasang teknikal. Karaniwan nang katangian nito ang paggamit
ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng agham o teknolohiya. Ang
pagsulat nito ay nakatuon sa isang tiyak na awdiyens o pangkat ng mga mambabasa. Kasama sa mga

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


52

halimbawa ng teknikal na pagsulat ang mga ulat panlaboratoryo, proposal at iba pang propesyonal na
dokumento.
i. Transaksyunal na Sulatin
Halimbawa ng Transaksiyunal na Sulatin

Republika ng Pilipinas
AMA Computer College
Cavite Branch
General Trias, Cavite
www.ama.edu.ph

Departamento ng Kolehiyo
Yunit ng Wika at Humanidades

Ika-2 ng Hulyo 2019

FERDINAND MAGTIBAY, Meng


Dekano, Departamento ng Kolehiyo
AMA Computer College – Cavite

Mahal naming Dekano:

Isang Mapagpalang araw!

Tunay na hindi na po mapasusubaliang nalalapit na ang pagdiriwang ng BUWAN NG WIKANG PAMBANSA ngayong Agosto
2019. Para sa taong ito ang temang ibinigay ng Komisyon sa Wikang Pambansa para sa naturang pagdiriwang ay “Wikang
Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino”.

Ang nasabing pagdiriwang ay naglalayong maikintal sa pambansang kamalayan ang halaga at gampanin ng wikang Filipino at
mga katutubong wika sa pagbuo ng isang bansang nagkakaunawaan. Nakatuon ang gagawing proyekto dito sa pagpapaunlad,
preserbasyon, at pagpapalaganap ng wikang Filipino at mga katutubong wika ng Filipinas. Sa wika matatagpuan ang mga
kayamanang pangkultura tulad ng identidad, gunita, oral na tradisyon, at panitikang nakasulat.

Kaugnay po nito, bilang pakikilahok ng ating institusyon sa pambansang pagdiriwang na ito, naghanda ang Departamento ng
Kolehiyo ng ating institusyon ng mga gawaing magpapakita nang aktibong pakikilahok sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa ngayong ika- 23 ng Agosto sa ganap na ika-9 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa quadrangle ng ating institusyon.

Buong-puso rin po naming kayong inaanyayahan na magbigay ng isang pampasiglang pananalita sa nasabing pagdiriwang.

Kalakip po ng liham na ito ang mga gawaing nakatakdang isakatuparan kasama ang ilang mahahalagang impormasyon ukol sa
naturang gawain.

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

KHRISH RIVERA CATOTO, BA


Punong Tagapangasiwa, Buwan ng Wika 2019

Batid:

JESUSA ALBERTO
Direktor ng Institusyon

Inaprubahan:

FERDINAND MAGTIBAY, MEng


Dekano, Departamento ng Kolehiyo
AMA Computer College - Cavite

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


53

c. Reperensyal
Ito ay naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens o sanggunian hinggil sa isang paksa. Madalas,
binubuod o pinaiikli ng isang manunulat ang ideya ng iba pang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
niyin na maaaring sa paraang parentetikal, talababa o endnotes para sa sino mang mambabasa na
nagnanais na mag-refer sa reperens na tinukoy. Madalas itong makita sa mga teksbuk na tumatalakay
sa isang paksang ganap na ang saliksik at literatura mula sa mga awtoridad. Makikita rin ito sa mga
pamanahon papel, tesis o disertasyon, lalo na sa bahaging Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura. Ilan
sa mga maihahanay na halimbawa nito ay ang paggawa ng bibliograpi, indeks, at pagtatala ng mga
impormasyon sa note cards.

Sa pagsulat ng tekstong reperensiyal, isaalang-alang ang mga sumusunod:

1. Sumulat ng tesis na nagpapahayag ng kabuuang impormasyon na nais iharap sa mambabasa.


2. Iharap ang wasto at komprehensibong katibayan na susuporta sa tesis.
3. Upang maging komprehensibo, ang impormasyon ay kailangang sumasagot sa mga tanong na sino,
ano, kailan, saan, at paano. Sa pagbibigay ng interpretasyon, ang konklusyon ay kailangang
sumasagot sa tanong na bakit.
4. Huwag magbigay ng haka-haka o palagay.
5. Sikaping maging obhetibo at walang kinikilingan.
6. Huwag gumamit ng panghalip sa una at ikalawang panauhan sa paglalahad ng impormasyon.
7. Maaaring gumamit ng pormal at di-pormal na wika.

d. Dyornalisktik

Ito ay ang mga sulating hango sa pahayagan gaya ng balita, editorial, kolum, lathalain, at mga balitang
pampalakasan. Karaniwan itong sumasagot sa lahat ng mga tanong na pangdyornalistiko tulad ng sino,
ano, saan, kailan, bakit, at paano at ang kadalasang gumagawa nito ay ang mga mamamahayag o
journalist.

Naiiba ang pagsulat nito dahil kailangang tuwiran at hindi paligoy-ligoy. Ginagamit ang baliktad na
pyramid sa pagsulat dahil ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang ibang impormasyon ay
isinisiwalat mula sa pinakamahalaga patungo sa di-gaanong mahalaga. Maingat ding pinipili ang mga
salita at pinanatiling simple at tuwiran ang estilo ang pagsulat.

Sa dyornalistikong pagsulat, isaalang-alang ang mga sumusunod na mungkahi ni Jami Cameron (2005,
kay Matilla, 2015)

a. Kunin agad punta ng istorya


Huwag magpaikot-ikot sa isyu bagkus pagtuunan agad ng pansin kung ano ang nais sabihin.

b. Huminga
Iwasan ang mahahabang pangungusap hangga’t maaari dahil nakakapagod ito sa mata. Kung
mahaba ang pangungusap, gawin itong dalawang pangungusap.

c. Sumulat nang malinaw


Basahin ang isinulat at tingnan kung nailagay ang mahahalagang impormasyon na kailangang
malaman ng mambabasa. Ang balitang pamperyodiko ay kailangang maliwang, tama ang mga
impormasyon at maikli ngunit malaman.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


54

KABANATA V
Makrong Kasanayan sa Pakikinig

NILALAMAN:
6.1. Batayang Kaalaman sa Pakikinig
6.2. Proseso ng Pakikinig
6.3. Uri ng Tagapakinig at Mga Mungkahi Upang Mapagbuti ang Pakikinig

INAASAHAN NA MGA BUNGA:


a. Maipaliwanag ang kahulugan ng pakikinig
b. Mailahad ang proseso ng pakikinig
c. Maipaliwanag ang uri ng tagapakinig at mga mungkahi upang mapagbuti ang pakikinig

LEKSIYON:
6.1. Batayang Kaalaman sa Pakikinig

Kahulugan ng Pakikinig

Maituturing na isa sa pinakamahalagang makrong kasanayan ang pakikinig. Ito ay isang gawaing
kinapapalooban ng pagproseso ng mga tunog kalakip ang pagbibigay-interpretasyon upang mabuo ang
kahulugan. Ang pakikinig ay kinapapalooban ng pag-unawa, pagbibigay interpretasyon at pagbibigay ng
ebalwasyon sa napakinggan. Bahagi ng pakikinig ang pagsasalita dahil mula sa kanilang mga
napakinggan, makabubuo sila ng mga prediksyon o mga hinuha kaugnay ng kanilang narinig. Sa
pamamagitan ng kanilang pakikinig sa nagsasalita, nakabubuo sila ng mga tugon na magiging daan sa
pagpapatuloy ng pagdaloy ng komunikasyon (Adolfo, 2012, kina Ancheta, et.al., 2015).

Ayon kay Arrogante et.al. (2007, kina Ancheta, et.al., 2015), ang pakikinig ay isang aktibong
proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig at pag-iisip. Aktibo ito sapagkat
nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at suriin ang kahulugan at kabuluhan ng mga
salitang kanyang napakinggan.

Ayon kay Villafuerte (2009, kina Ancheta, et.al., 2015), ang PAKIKINIG ay isang paraang
interaktibo at di-pasibo na nangangailangan ng higit sa itinakdang lakas at pagsasanay. Sa bawat tunog
naririnig, agad itong pinoproseso ng isipan upang makabuo ng mga tugon o reaksyon na angkop sa
daloy ng komunikasyon.

Kahalagahan ng Pakikinig

Simula nang tayo ay isinilang sa mundong ito, napakarami na nating napapakinggan/ naririnig. Tunog ng
mga bagay sa pagilid tulad ng humi ng mga ibon, ingay ng mga sassakyan tulad ng tren, bus, dyip,
traysikal, motorsiklo, at marami pang bagay sa ating paligid. Sinasabi nga na dahil sa mga tunog na iyan
ay nalikha ang iba’t ibang mga teorya ng pinagmulan ng wika.

Ayon kay Arrogante et al. (2007), mayroong kabutihang naidudulot ang pakikinig:

1. Ang pakikinig ay isang mabisang paraan sa pagkuha ng mga impormasyon.


2. Ito ay nagiging daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng magandang ugnayan.
3. Napakalawak din ng pakikinig ang kaalaman ng tao.
4. Nakatutulong ito upang maunawaan ang damdamin, kaisipan, gawi at paniniwala ng bawat tao.
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
55

Paglilinaw sa mga Maling Konsepto Tungkol sa Pakikinig ayon kay Arrogante, et.al. (2007)
1. PAKIKINIG laban sa PANDINIG
Ang pandinig, na sa wikang Ingles ay hearing, ay para lamang sa pagtanggap ng tainga sa mga tunog
na naririnig. Ito rin ay ang kakayahan ng nakikinig na makilala ang mga sangkap ng wika na ginagamit
ng tao. Lahat ng tao ay isinilang na may kakayahang makarinig. Ang pakikinig naman sa wikang Ingles
ay listening na kinakapalooban ng pagkilala sa tunog, pag-alala sa mga naririnig at pagbibigay-kahulugan
sa mga tunog na napakinggan. Hindi lamang ang tainga ang kailangan sa pakikinig, mahalaga rin ang
mga mata upang makita ang mga di-berbal na mensahe ng nagsasalita na nakakatulong sa ganap na
pag-unawa ng kahulugan. Magkaiba man ang kahulugan ng dalawang konsepto ay pareho rin naming
mahalaga sa pakikinig. Hindi magaganap ang pakikinig kung wala ang pandinig.

2. Hindi isang natural na proseso ang pakikinig


Karaniwan nang sinasambit ng mga tao na ang pakikinig ay katulad din ng paghinga na karaniwan nang
nagaganap sa mga tao. Sinasabi rin ilan mula nang siya ay bata pa, ginagawa na n’yan ang making,
kaya bakit pa kailangan itong idedebelop sa kanila?
Sa limang makrong kasanayan, ang pakikinig ay hindi dinidelop sa mga paaralan hindi katulad ng
paglinang na ginagawa sa gawaing pagbasa, pagsulat at pagsasalita. Subalit, ang katotohanan,
napakalaking bahagi sa buhay ay ginugugol sa pakikinig.
Pansinin na ang pagbasa at pagsulat ay patuloy na nililinang mula mababa hanggang mataas ng
paaralan. Nariyan ang mga akdang pampanitikan na palaging ipinapabasa sa mga estudyante, ang
walang humpay na pagsulat na pagsulat ng mga pananaliksik sanaysay at iba pang komposisyon
hanggang kolehiyo. Sa pagsasalita naman, nagiging asignatura pa ito mula hayskul hanggang kolehiya
sa layuning malinang ang kahusayan sa pagsasalita.
Ang katotohanan, ang pakikinig ay katulad din ng pagsasalita na parehong mahalaga. Ilang tao na ang
iyong napansing hindi nakaunawa sa mga direksyong ibinigay sa kanila na maaring dahilan ng malabong
mensaheng natanggap? Ilang tao na ang iyong napansing nagtalo dahil sa malabong impormasyong
natanggap? Ang sagot sa mga tanong na ito ay nagpapakita ng pangangailangan para sa epektibong
pakikinig.

3. Hindi lahat ng Tagapakinig ay nakatatanggap ng parehong mensahe


Walang katotohanan na ang mga tagapakinig, sa oras na masangkot sa komunikasyon ay may katulad
na pagdinig at pag-unawa sa mensaheng kanilang natanggap. Ang mga pisyolohikal na salik ng tao, ang
kalagayan ng lipunan, ang kanilang kultura, interes at pangangailangan ang nakakaapekto upang
magkaroon ng hindi magkatulad na pagpapakahulugan sa natanggap na mensahe.

4. Ang pakikinig ay aktibong gawain


Mali ang paniniwala ng iba na ang pakikinig ay pasibong gawain. Kung may nagaganap mang
komunikasyon at walang berbal na pagtugon mula sa mga tagapakinig, maaring di-berbal na sagot
naman ang kanilang ibinibigay depende sa pangangailangan ng gawaing ito. Ang pagtango, pagngiti at
ang patuloy na eye to eye contact sa isipiker ay patunay na may natanggap at pagtugon sa pakikinggang
mensahe.
Ang ganitong komunikasyon ay tinatawag na one-way communication sa Ingles. Ang ilang halimbawa
nito ay ang pakikinig ng estudyante sa kanilang propesor o ang panonood ng isang programa sa
telebisyon. Mabisa rin ang ganitong paraan ng pakikinig sapagkat nakatutulong ito sa mga taong may
suliranin. Ang patuloy na pananahimik habang nakikinig sa kanilang mga hinaing o ang mailabas ang
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
56

kanilang mga sama ng loob ay nakatutulong ito sa mga taong may suliranin. Ang patuloy na pananahimik
habang nakikinig sa kanilang mga hinaing o mailabas ang kanilang mga sama ng loob ay nakakatulong
nang Malaki upang mabawasan ang kalungkutan o sakit na kanilang nararamdaman. Sa ganitong
sitwasyon, ang pananahinmik ang nagsilbing tugon sa pakikinig. Nakakatulong din ang paraang ito sa
mga taong nais maaliw. Ang pakikinig ng mga biro, kuwento at panonood ng stage play ay maganda
ring halimbawa rito. Subalit, mayroong ding hindi magandang epekto ang one-way listening sapagkat
hindi lahat ng mensaheng natatanggap ay tiyak na nauunawaan ng mga tagapakinig.
6.2. Proseso ng Pakikinig
Ang pakikinig ay isang aktibong gawain kung saan nararapat na ibuhos ng tagapakinig ang kanyang
buong atensyon. Upang maging matagumpay ang pakikinig, nararapat na hindi lamang ang tainga ang
buksan kundi maging ang isipan upang maproseso ang mga tunog. Ang pagbasa ay kinapapalooban ng
5 hakbang (The management study hq, n.d.):
1. Pagdinig – Dito nagaganap ang pagtanggap ng tainga ng mga tunog. Sa puntong ito,
nararapat na maituon ng tagapakinig ang kanyang buong atensyon upang matanggap ng
kanyang pandamag pandinig ang mga tunog. Sa pagdinig, ang isipan ay nagsisimula na rin
sa progproseso ng tunog.

2. Filtering – Sa hakbang na ito, kinikilala ng tagapakinig ang mga turog na napakinggan. Kalakip
ng pagkilalang ito ay ang pag-uuri ng mga tunog bilang mahalaga o di-mahalaga,
makabuluhan o di-makabuluhan. Ang mga tunog na kanyang itinuturing na mahalaga ang
siyang mananatili sa kanyang isipan upang gawan ng pag-unawa. Sa puntong ito ay gagana
ang personal na pagbibigay-ebalwasyon ng tagapakinig dahil siya ang nagbibigay hatol kung
ano ang mahalaga o hindi mahalaga.

3. Kumprehensyon – Sa bahaging ito ay binibigyan ng tagapakinig ng interpretasyon ang


kanyang narinig base sa kanyang pagkakaunawa dito. Ang pagsasagawa ng interpretasyon
ng kahulugan ay nakasalalay sa antas ng pang-unawa, karanasan, persepsyon at kognitibong
kakayahan ng tagapakinig.

4. Pag-alala – Ang pag-alala ay tumutukoy sa hakbang kung saan iniimbak sa isipan ang mga
mensaheng nalikom mula sa napakinggan dahil sa katotohanang marami sa ating naririnig ay
hindi lamang para sa kasalukuyan kundi higit na kailanganin sa hinaharap.

5. Pagtugon – Ang kabuuan ng pakikinig ay nagaganap sa sandaliang nagbigay ng tugon ang


tagapakinig, maaring agad-agad o maaari ring hindi. May mga pagkakataon ding ang tugon
ay hindi tuwirang pagbibigay-reaksyon sa napakinggan bagkus ay mga tanong na
naglalayong bigyang-linaw ang napakinggan na hindi malinaw sa tagapakinig.

Tatlong Antas ng Pakikinig


Ang tatlong antas ng pakikinig ay nakabase sa bias ng pakikinig ng isang tagapakinig. Sa kabuuan ng
isang araw kung saan malaking bahagi ng ating gawain ay kinasangkutan ng pakikinig, hindi natin
napapansin ngunit tayo ay pumapasok sa iba’t ibang antas ng pakikinig depende sa sitwasyon o di kaya
sa ating interes (The management study hq, n.d.):
Level 1 – Di nakikinig – Sa antas na ito, tila nakikinig ang tagapakinig ngunit sa katunayan, ang
kanyang isipan ay abala sa ibang bagay. Hindi niya batid kung ano ang sinasabi ng ispiker at madalas
ay hindi tumutugon kung tinatanong.
Level 2 – Pasibong pakikinig – Sa antas na ito, gumagana ang pandinig ng tagapakinig ngunit
nakatuon lamang siya sa mismong salita ngunit kung ano man ang lalim ng mga pakahulugan ng mga

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


57

salita ay di niya batid. Paimbabaw lamang ang kanyang pakikinig at tila tumatanggap lamang at walang
ibinabahagi sa usapan.
Level 3 – Aktibong pakikinig – Sa antas na ito, ang buong atensyon ng tagapakinig ay kanyang
ibinihagi sa ispiker. Sa ganitong posisyon, ang tagapakinigay nasa posisyon na makapagbigay ng tugon
at mas may kakayahang iimbak sa kanyang isipan ang napakinggan upang mapakinabangan sa
hinaharap. Hindi lamang siya nakatuon sa mga salita kundi maging sa paraan ng pagkakasambit ng mga
ito na maaaring makaapekto sa kanyang pagkakahulugan.

Katangian ng Epektibong Tagapakinig


Lahat ng tao ay nagnananis na siya ay mapakinggan lalong-lalo na kung ang kanyang sinasabi
ay tunay na mahalaga para sa kanya. Kung kaya naman naglahad si Bernales ng mga sumusunod na
katangian :
1. Humaharap sa ispiker at panatihiin ang eye contact.
Kung may kumakausap sa iyo, bigay ang iyong buong atensyon sa nagsasalita. Isipan mo kung ano ang
mararamdaman ng iyong kausap kung habang siya ay magsasalita, ang mga mata mo ay gumagala at
paikot-ikot. Sa ibang kultura, ang pagkakaroon ng eye-conract ay esensyal sa harapang pag-uusap.

2. Ituon ang atensyon sa nagsasalita ngunit maging relaks.


Bagama’t mayroong eye contact, iwasan naman ang pagtitig. Hindi naman nangangahulugan na hindi
mo na maaring ibaling ang iyong paningin sa iba ngunit tiyaking maaaring makaapekto sa iyong pakikinig.
‘Ika nga sa Ingles, be attentive.

3. Panatilihin ang bukas na isipan


Pakinggan ang sinasabi ng ispiker. Huwag agad magsagawa ng panghuhusga sa iyong isipan kaugnay
ng kanyang mga sinasabi. Huwag ding magsagawa ng mga kritisismo kahit sa isipan lamang. Iwasan
din ang pagsasagawa ng mga konklusyon at hayaan ang ispiker na magsasalita sa kanyang sariling
pace. Huwag madaliin ang ispiker sa pamamagitan ng pagtapos ng kanyang mga pangungusap. Ang
tanging paraan upang maunawaan mo ang nais niyang ipahayag ay ang bigyan siya ng pagkakataong
ihayag ito sa pamamaraang alam niya.

4. Pakinggan ang mensahe at subukang makabuo ng larawan sa iyong isipan.


Bumuo ng mental na konsepto ng mensaheng ipaparating ng ispiker. Makatutulong ito upang mapanatili
ang atensyon na ispiker. Iwasan din ang paghahanda ng tugon. Hindi ka makakagawa ng angkop na
tugon kung hindi mo lubusang narinig ang mensahe ng ispiker.

5. Patapusin ang ispiker at huwag ipagdiinan ang inyong mga ideya.


Pinalaki tayo ng ating mga magulang sa kaisipang hindi mabuti ang pagsingit sa tuwing may taong
nagsasalita. Hayaan ang ispiker na mailahad ang kanyang nais sabihin. Huwag siyang pahihintuin sa
kanyang pagsasalita upang ilahad ang iyong sariling ideya. Pakinggan siya nang sa gayon, kung ikaw
na ang magsasalita, ikaw ay kanya ring pakikinggan.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


58

6. Maghintay ng angkop na pagkakataon upang magtanong.


Sa mga pagkakataong nais mong magtanong upang linawin ang ilang punto, huwag bastang sumisingit.
Hintayin ang pagkakataong pansamantalang titigil ang ispiker. Ito ang angkop na panahon upang
magtanong.

7. Magtanong lamang kung may nais na mabigyang-linaw.


Sa daloy ng pakikinig, huwag magtatanong sa upang linawin ang ilang , huwag magtatanong sa ispiker
ng mga bagay ng maglilihis sa kanya sa paksang kanyang tinatalakay. Iwasan ang mga tanong na
bagama’t kaugnay sa paksa ay hindi naman ang mismong paksa. Tiyaking ang tanong ay magbunganga
sa iyong mas higit na pag-unawa sa paksa.

8. Subukang maramdaman ang nararamdaman ng ispiker.


Kung ika’y nalungkot sa malungkot na kuwento ng ispiker o di kaya ay natuwa sa masayang salaysay
ng ispiker, masasabing isa kang epektibong tagapakinig dahil nagawa mong makiisa sa damdamin in
ispiker. Ang emphaty ay isang mahalagang salik sa epektibong pakikinig.

9. Sa tuwing may pagkakataon, magbigay ng pidbak sa ispiker.


Ang pagbibigay ng tugon o pidbak sa ispiker sa tuwi-tuwina ay nagbibigay ng katiyakan sa iyong kausap
na ika’y nakikinig sa kanya at ito ay magbigay sa kanya ng tiwala sa sarili upang patuloy na ipahayag
ang kanyang damdamin o isipan.

10. Pakinggan din ang mga di-berbal na mensahe.


Alam nating sa komunikasyon ay hindi lamang salita ang pinagmumulan ng kahulugan. Sa
pagpapakahulugan, huwag kalimutang isaalang-alang ang mga di-berbal na salik tulad ng tono,
intonasyon, pansamantalang pagtigil, maging ang kilos, kumpas ng kamay, ekspresyon ng mukha at ang
mga pagkilos ng ating mata. Lahat ng ito ay may implikasyon sa pagpapakahulugan natin sa ating narinig.

Mga Elementong Nakakaimpluwensya sa Pakikinig


Ayon kay Bernales et al. (2013), upang maging isang epektibong tagapakinig, kailangan nating
isaalang-alang ang ilang elementong nakakaimpluwensya sa proseso ng pakikinig. Ang mga maingat at
matalinong pagsasaalang-alang sa mga ito ay karaniwang humahantong sa epektibong komunikasyon;
samantalang ang pagsasawalang-bahala naman sa mga ito ay karaniwang nagbubunga sa
miskomunikasyon. Ano-ano ang mga elementong ito? Paano ang mga ito’y nakakaimpluwensya sa
pakikinig?

1. Oras
Anong oras mo nais na magsimula ang mga klase mo? Kawili-wili ba sa iyo ang pakikinig sa lektyur ng
guro tuwing umaga? E kung sa tanghali naman kaya? Bakit kaya tila napakahirap unawain ang mga
sinasabi sa atin kung tayo ay bagong gising samantala madali namang unawain kung tayo ay nakakain,
nakaligo at handa na para sa panibagong araw? Ang sagot ay ang oras. Hindi sa lahat ng oras ay handa
tayong makinig. May mga pagkakataong tila hindi natin magawang pakinggan ang ating kausap dahil
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
59

marahil ay tulog pa ang ating kahandaang makinig. Nag-iiba-iba rin sa bawat tao kung anong oras sila
higit na handang makinig.

2. Daluyan/Tsanel
Dati, karaniwang harapan ang proseso ng komunikasyon. Ngunit sa kasalukuyan dulot ng
modernisasyon, marami ng tsanel o daluyan ang maaaring mapagpilian upang mapadaloy ang proseso
ng komunikasyon. Ngunit hindi rin naman maipagkaila na nakakaapekto ito sa ating pakikinig. May mga
pagkakataong mahirap maunawaan ang sinasabi ng ating kausap sa cellphone dahil mahina ang signal.
Bunga nito, hindi natin tuwirang naunawaan ang mensahe. Minsan naman ay nagkakaroon ng mga
sagabal na teknikal tulad ng sira ang mikropono at hindi maganda ang sound system kung kaya’t sa halip
na maganda ang tinig habang ika’y kumakanta, tila basag ang boses mo dahil mikropono.

3. Edad
Bawat isa sa atin ang mayroong kakayahang matutunan ang wika. Kaalinsabay nito ay ang kakayahang
makarinig at maunawaan ang ating naririnig. Ngunit, bagama’t lahat tayo ay maaaring makarinig, hindi
naman ito nangangahulugang na pare-pareho ang ating pagkakaunawa sa ating naring. Ang isang
batang paslit, bagama’t mas matalas ang pandinig dahil sa katandaan. Nangangahulugan na ang edad
ay maaaring makaapekto sa ating pakikinig at sa napakinggan.

4. Kasarian
May naniniwalang higit na epektibong tagapakinig ang mga babae samantala, mayroon ding nagsasabi
na ang mga lalaki ang higit na mahusay. Bakit nga ba may epekto ang kasarian sa ating pakikinig?
Marahil ay bunga na rin ito ng ating mga social constructs kung saan, dahil sa ating paniniwalang higit
na maunawain ang mga kababaihan, ibig sabihin ay higit silang may kakayahang makinig. Ngunit hindi
sa lahat ng pagkakataon na ito ay totoo. May mga pagkakataong higit na mainam na tagapakinig ang
mga lalakidahil hindi sila mahilig na sumingit at sakaling magsalita man sila, hindi maligoy at hindi
ipinagpipilitan ang kanilang mga ideya, kumbaga, sila’y nakikinig lamang.

5. Kultura
Dahil hindi maaaring ihiwalay ang wika sa kultura at ang wika ang ating pinakikinggan,
nangangahulugang may aspektong kultural din sa pakikinig. Pansinin ang Pilipino kung nakikipag-usap,
sa pribadong lugar man o pampubliko. Hindi ba’t kapansin-pansin ang kanilang malalakas na tinig? Ito
ay dahil ay dahil nakasanayan nating mga Pilipino ang ganoon ngunit sa ibang kultura, kapansin-pansin
ang kanilang mahinang boses kung nag-uusap dahil ayaw nilang marinig sila ng iba o di kaya ay
makadistorbo. Kahit na sa hapag-kainan. Kapansin-pansin na maingay ang mga Pilipino habang
kumakain dahil nakikipag-usap sila sa mga taong kasalo nila ngunit sa ibang kultura ay tahimik silang
kumakain. Nag-uusap lamang sila kung sila’y tapos na.

6. Konsepto sa Sarili
Bawat isa sa atin ay may sariling pananaw sa ating sarili at sa mga taong nakapaligid sa atin. Ito ay
nakakaimpluwensiya rin sa aring pakinig. Kung ang isang tagapakinig ay naniniwalang mas nakaaangat
siya sa nagsasalita, hindi niya lubusang bibigyang-halaga ang sinasabi ng tagapagsalita, kahit pa ito’y

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


60

makabuluhan. Kung naniniwala naman ang tagapakinig na nakahihigit sa kanya ang nagsasalita, lahat
ng kanyang narinig ay agad niyang tatanggapin, maging ano man ito.

6.3. Uri ng Tagapakinig at Mga Mungkahi Upang Mapagbuti ang Pakikinig


Ayon kay Finley (2010), bagama’t alam natin ang kahalagahan ng epektibong pakikinig upang maging
matagumpay ang proseso ng komunikasyon, hindi pa rin maitatanggi na mayroong mga taong hindi ito
pinapahalagahan. Hindi na mahalaga kung ano ang kanilang dahilan ngunit ang mahalaga ay makilala
natin kung anong uri tayo ng tagapakinig at bigyang halaga ang mga mungkahi kung paano natin maaring
maiwasto ito.

1. Preoccupieds:

Sila ang mga uri ng tagapakinig na panay ang baling ng kanilang mga mata sa kung saan-saan at tila
abala sa iba pang gawin. Tila napakahirap para sa kanila ang manatiling nakaupo at makinig. Bukod sa
pakikinig ay mayroon pa silang ibang pinagkakaabalahan. Kung ika’y ganito. Ituon ang iyong atensyon
sa nagsasalita sa pamamagitan ng pagtigil sa kung ano man ang ibang pinagkakaabalahan.

Sa pagkakataong ika’y may kausap na ganito, bago magpatuloy ng pagsasalita ay tanungin ang
tagapakinig kung ang sandaling iyon ba ang pinakamainam na panahon upang siya ay kausapin. Sa
puntong ito ay maiisip ng iyong kausap na mulat ka sa katotohanang siya ay di tuwirang nakikinig sa iyo.
Maaaring ituon na niya ang buong atensyon niya ang buong atensyon niya sa iyo o di kaya ay ipagpaliban
ang pakikinig.

2. Out-to-lunchers:

Sila naman ang tagapakinig na tila ipinalalabas na sila’y nakikinig sa iyo ngunit sa katunayan ay hindi.
Maaaring sa pisikal na aspekto ay nariyan sila sa harap mo ngunit sa katunayan ay hindi ang kanilang
isipan ay wala. Mapapansin na tila mga blangko ang kanilang tingin at tila walang pumapasok sa kanilang
isipan. Tatango-tango lamang sila ngunit walang nauunawaan sa iyong sinasabi.

Kung sa iyong palagay ay ganito ka, ituon ang iyong atensyon sa tagapagsalita sa pamamagitan ng eye
contact at panatilihin ito. Sa ganitong paraan ay maiwawaglit mo sa iyong isipan kung ano man ang
sagabal sa iyong pakikinig. Sakaling ika’y may kausap naman na ganito, sa tuwi-tuwina’y tanungin siya
kaugnay ng iyong mga sinabi upang maibaling niya ang kanyang atensyon sa iyong sinasabi.

3. Interrupters:

Sila ang mga tagapakinig na naghihintay lamang ng pagkakataon na tapusin ang iyong mga
pangungusap para sa iyo. Hindi sila tuwirang nakikinig sa iyo bagkus hinihulaan lamang nila ang susunod
mong sasabihin. Tila nais nilang tapusin agad usapan at minamadali ka sa pamamagitan ng pagtapos
ng iyong pangungusap.

Kung ikaw naman ay isang interrupter, sa mga pagkakataong napansin mong ika’y madalas na
sumisingit, humingi ng paumanhin. Sa pamamagitan ng pagiging mulat sa iyong gawain, magiging
maingat ka na upang maiwasan ang gawaing ito.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


61

Sa pagkakataong ika’y mayroong kausap na ganito, hayaan siyang matapos sa kanyang mga sinasabi.
Kung siya’t tapos na, ipagpatuloy ang iyong sinasabi. Huwag nang dagdagan pa kung ano man ang
kanyang sinabi upang maibalik sa pokus ang usapan.

4. Whatevers:

Sila ang tipo ng tagapakinig na walang pagpapahalaga sa ano man ang iyong sasabihin. Naririnig nila
ang mga sinasabi mo ngunit hindi naman nila ito pahahalagahan. Ano man ang sabihin mo, tila hindi sila
apektado dahil ayaw nilang pahalagahan.

5. Combatives:
Sila ang mga tagapakinig na tila handang makipagdebate. Nakikinig sila upang makabuo ng mga ideyang
isasalungat sa iyong mga sinabi. Minsan nama’y nakikinig sila upang hanapan ka kamalian at doon nila
itutuon ang kanilang mga tugon.

Kung ikaw ay ganito, subukan mong ilagay ang iyong sarili sa lugar ng iyong kausap nang sa gayon ay
maisaisip mo rin kung gaano kahirap ang magpahayag ng iyong isipan gayong araw kang pakinggan ng
iyong kausap.

Kung ika’y may kausap na ganiyo, huwag nang ipagpilitan na siya ay sumag-ayon sa iyo, sa halip ay
pagkasunduan na lamang niniyo na magkaiba kayo ng mga ideya at maaari niyong talakayin kung sa
anong pamamaraan kayo maaaring magkasundo.

6. Analysis:
Sila ang mga uri ng tagapakinig na laging handang magbigay ng kanilang mga payo o solusyon kahit pa
hindi ka naman humihingi nito. Minsan nga, kahit walang suliranin ay naghahain parin sila ng solusyon
at sila pa ang maglalahad kung ano ang suliranin. Tila may kataasan ang tingin nila sa kanilang sarili
kung kaya’t lagi silang handang makinig at magbigay-payo.

7. Engagers:
Ito ang mga epektibong tagapakinig. Nakikinig sila hindi lamang sa pamamagitan ng kanilang tainga
kundi maging ng kanilang mga mata. Walang nakakatakas sa kanilang pandinig at paningin. Sensitibo
sila sa kanilang kausap at pinakikiramdaman nila ito. Kung sa wari nila ay tagapakinig lamang ang nais
ng ispiker, tahimik silang makikinig. Kung sa wari nila ay nais ng tagapakinig ng payo, handa rin naman
silang magbigay.

Kung ika’y isang engager, makatitiyak kang pahahalagahan ito ng iyong kausap at kung ikaw naman ang
magsasalita ay pakikinggan ka rin nila. Sa pagkakataong may kausap kang ganito, pahalagahan siya at
magpasalamat sa kanyang pakikinig.

Sa kabuuan, masasabi natin na ang pakikinig ay sandatang maituturing tungo sa analitikal na pagkatuto
dahil gaya ng nabanggit, ito ay receptive skill o kasanayan sa pagtanggap ng impormasyon. Bagama’t
hindi ito nabigyang-pansin ng mga edukador, nararapat itong tingnan bilang krusyal na gawain sa
pagkatuto hindi lamang sa araling pangwika bagkus sa pangkahalatan. Higit pa iwasan din nating maging
competitive o combative na tagapakinig.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


62

KABANATA VI
Makrong Kasanayan sa Panonood

NILALAMAN:
7.1. Kahulugan ng Panonood
7.2. Kahalagahan ng Panonood
7.3. Kasanayan sa Panonood
7.4. Iba’t Ibang Uri ng Manonood at Panonood
7.5. Proseso / Domeyn ng Panonood
7.6. Mga Hadlang sa Panonood
7.7. Mabuting Epekto ng Panonood
7.8. Masamang Epekto ng Panonood
7.9. Ugnayan ng Panonood sa Paglinang sa iba pang Makrong Kasanayan
7.10. Pagsulat ng Panunuring Pampelikula

INAASAHAN NA MGA BUNGA:


a. Maipaliwanag ang kahulugan, kahalagahan, at kasanayan ng/sa panonood
b. Mailahad ang iba’t ibang uri ng manonood at panonood at proseso/domeyn ng panonood
c. Maipaliwanag ang mga hadlang at mga mabuti at masamang epekto ng panonood
d. Makalikha ng isang panunuring pampelikula

LEKSIYON:

7.1. Kahulugan ng Panonood

Ayon sa Gestalt School (Wright, n.d., kina Ancheta, et.al., 2015), sa tuwing tayo ay may tinitingnan, una
nating nakikita ang imahe sa kabuuan. Matapos na maituon ang pansin sa buong larawan, magsisimula
ang taong ituon ang atensiyon sa mga tiyak na detalye ng larawan, kung ano-ano ang nasa larawan.
Ang mahalaga sa pagbibigay-interpretasyon at sa panonood ay ang pagtuon ng atensyon sa mahalagan
detalye kaugnay ng: Sino, Ano, Kailan, Saan, Bakit, Paano at Para kanino? Sa panonood, bagama’t
kinikilala ang mga detalye, higit sa mahalaga na mahanap ang isang tiyak na detalye. Sa sandaling
matuoy ito, magsisimula na ang pagbibigay-interpretasyon kung saan iuugnay na lahat ng mga detalyeng
natuklasan ay iuugnay ito sa mga salik na nakapaloob sa imahe, maging ito man ay larawan, palabas o
anupaman.

Sinasabi ng Center for Media Literacy (sa Adolfo, 2012), ang isang mahusay na mambabasa ay hindi
humihinto sa kanyang pag-unawa sa teksto sa sandaling natapos niya itong basahin. Sa katunayan, ang
mga ideya ay nilalapatan niya ng mga imahe at sa kanyang isipan ay tila nakikipag-usap siya sa may
akda at ipinapahayag ang kanyang mga puna sa akda. Ganon din ang mahusay na manonood. Habang
nanonood at pagkatapos na makapanood, tila mayroon din siyang patagong ugnayan sa mga taong
lumikha sa palabas, at tila binibigyang pugay-pugay sila sa kagandahan ng kanilang likha o di kaya ay
binabatikos naman sila kung kabaliktaran. Sa puntong ito, tila walang ipinagkakaiba ang pabasa sa
panonood kung saan ang mambabasa at manonood ay kapwang aktibong kasangkot ng gawain upang
hamunin, suriin, magbigay-reaksyon, siyasatin, at unawain ang medyum, maging ito man ay nakalimbag
na teksto o isang palabas sa telebisyon.

Sa pamamagitan ng panonood, lalo na kung ito ay isang pelikula o dula, natutuklasan din ang natatagong
kaalaman na makikita sa tema ng isang produksiyon o sa pinapanood sa pamamagitan ng pagbibigay-
kahulugan sa kilos, ekspresyon ng mukha, sa imahe, sa plot o balangkas ng iskrip, sa panahong
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
63

pinapanday ang isang palabas o pagtatanghal hanggang sa daloy ng kuwento na nais iwanan ng mga
nagsiganap dito.

Malalim na nabibigyan ng interpretasyon ang mga nakikita sa iba’t ibang uri ng palabas sa pamamagitan
ng panonood. Ang kakayahang magbigay-pakuhulugan sa pamamagitan ng masusing obserbasyon sa
pinapanood ay napapaunlad. Ito ang natutunang kasanayan na nagbibigay sa mga manonood ng
abilidad na mahusgahan ang halaga, katotohanan, kahusayan, at mga teknik ng isang programa at ang
mga elemento nito. Kaugnay nito, matutukoy rin ang pagkakaroon o kawalang importansya ng panonood.
Sa pamamagitan pa rin ng panonood, nililinang ang kaalaman ng isang indibidwal sa pag-intindi o pag-
unawa ng mga bagay-bagay sa paraan ng pagtingin sa ginagawa ng tao at ng iba pang bagay kaya
mabilis itong natutunan at maaari ring tularan. May pagkakataong nagiging gabay ito kung ano ang dapat
gawin sa buhay.

7.2. Kahalagahan ng Panonood

1. Mapaunlad at malinang ang kakayahang magbigay-pakahulugan upang mapalawak ang


kaalamang pangkaisipan at pag-unawa.
Sa panonood, nalilinang ang talas ng isipan ng isang tao upang makapagbigay-kahulugan sa kanyang
nakikita. Halimbawa, ang mga reaksyong papel, kritikal na pagsusuri tulad ng suring-pelikula, at suring
pantanghalan. Sa panonood ng isang pelikula, dula o teleserye, napapalalim natin ang ating pang-unawa
sa mensaheng nakapaloob sa kuwento sa pamamagitan lamang ng mga di-berbal na kilos at galaw ng
mga tauhan. Matapos ipapanood sa atin ng ating mga guro sa paaralan ang isang dulang pantanghalan,
palabas sa telebisyon, pelikula, at iba pang panoorin ay nakakapagsusulat tayo ng isang sanaysay
tungkol sa ating napanood. Sa ganitong mga gawain, nasusukat ang lalim o babaw maging ang lawak
ng ating pagkakaunawa sa pinanood.

2. Higit na malinang ang kakayahang magsuri o mangilatis sa pagiging makatotohanan ng isang


bagay.
Madalas, nakakapanood tayo ng mga palabas sa telebisyon na bunga lamang ng malikhaing-isip ng
gumawa nito. Ito yaong mga kuwentong kathang isip lamang na tila ba ikaw ay dinadala sa mundo ng
panaginip at imahinasyon – mga kuwento na hinubog ng manunulat at director na binigyang-buhay ng
mga artista. Bilang isang tagapanood, may kapasidad at kakayahan tayong masuri ang katotohanan nito.
Halimbawa, ang fantaseryeng Dyesebel at Darna. Alam nating kailan man ay walang sirenang nagkaroon
ng paa at namuhay sa lupa bilang isang normal na tao. Sa pamamagitan ng panonood, lalong nagiging
makatotohanan ang totoo at nagiging daan naman ito upang malinang ang ating malikhaing pag-iisip.

3. Mataya ang iba’t ibang elemento ng isang produksiyon (pangyayari, suliranin, kagamitan, at iba
pa)
Sa tuwing nanonood tayo ng isang palabas, mapa-telebisyon, pelikula o dulang pantanghalan, hindi lang
tayo nakatuon sa kung maaaliw tayo nito o hindi. Kinakailangan ding basahin natin ang palabas bilang
isang teksto sa pamamagitan ng paghimay sa iba’t ibang elemento ng produksiyon mula sa tauhan,
disenyo ng produksiyon (props, costume, at iba pa), pag-iilaw, musika at tunog, at sa mismong kuwento
ng palabas. Sa pagkakataong ito ay napupukaw ang kritikal na pag-iisip ng manonood kaugnay ng
produksiyon ng isang palabas. Nakakabuo siya ng sariling pagkukuro kung mahusay o hindi ang
kabuuang produksiyon at maaaring sa hinaharap, kung may pagkakataong magsagawa ng produksiyon
at higit ng mapapahusay ang gawa.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


64

4. Magkaroon ng kamalayan sa katotohanan ng buhay


Ang panonood ng mga balita sa telebisyon ang pinakamabuting halimbawa nito. Nagpapakita ito ng
kasalukuyang pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagpapakita rin ng realidad ng buhay. Ang
iba pang halimbawa ay ang mga dokumentaryong programa tulad ng I-Witness (GMA), Storyline
(ABSCBN/ANC), at Dokumentado (TV5) na nagpapakita ng kasalukuyang kalagayan ng lipunan. Dahil
sa panonood nito, nagiging mulat tayo sa katotohanan ng buhay.

5. Maging mapagmasid at alerto sa mga pangyayari sa paligid.


Ang halimbawa nito ay ang mga programang Imbestigador, Bitag at Failon Ngayon. Ang mga ito ay
nagpapakita ng mga pangyayari sa paligid na maaaring magsilbing gabay natin sa ating pamumuhay.
Tinuturuan tayong maging mapagmasid at alerto sa paligid natin ganoon din sa mga taong
nakakasalamuha natin. Kaakibat ng mga ganitong panoorin sa telebisyon ang pagpapaalala o
pagbibigay-babala sa ating mga ginagawa sa ating pang-araw-araw na pamumuhay na dapat tayo ay
maging alerto.

6. Magsilbing inspirasyon at maging pamantayan ito upang gawin kung ano ang tama at nararapat.
May kasabihan tayo na, “Walang taong perpekto”, kaya kung minsan, sa bawat tagpo ng ating buhay ay
mayroon tayong nagagawang mga kamalian o sa tingin natin ay mga kahihiyan sa bawat bagay,
pangyayari o sa mismong sarili natin. Ngunit sa oras na napanood natin ang mga palabas na nagbibigay
inspirasyon, mapanonood natin kung paano mabuhay nang nararapat a may kaayusan. Tinuturuan din
tayo ng panonood kung paano tayo mamumuhay nang tama na kahit may mga kamalian na nagagawa
o nagaganap, ipinapakita pa rin na dapat ay magkaroon tayo ng pag-asa at pagmamahal sa kapwa.
Halimbawa ng mga ganitong palabas ay May Bukas Pa, 100 Days, Budoy at Honesto.

Sa kabuuan, masasabing ang halaga ng panonood ay sa katotohanang ito ay nagiging daan sa lalo pang
pagkatuto ng tao. Dahil hindi lahat ay nabiyayaan ng pagkakataong makapag-aral at matutong magbasa,
sa pamamagitan ng panood, maaari pa ring makakalap ang tao ng kaalaman sa pamamagitan ng
panonood kung saan nakapaloob ang kasanayan sa pakikinig at pagbibigay-interpretasyon.

7.3. Kasanayan sa Panonood


Sa pagiging isang mahusay na manonood, nalilinang ang kakayahan ng indibiduwal na maging higit na
mapanuri sa kanyang nakikita at napapanood. Aktibo siyang kalahok sa gawain at hindi isang pasibong
nilalang na tinatanggap lamang kung ano man ang nasa kanyang harap. Sa panonood, sinisikap ng
isang manonood na (Adolfo, 2012, kina Ancheta, 2015):

1. Hamunin
Bagama’t hindi kaharap ng manonood ang mga taong responsable sa palabas na napanood, sa kanyang
isipan ay tila mayroon siyang pakikipagdayalogo sa mga manlilikha at nakakabuo siya ng sariling kuro-
kuro tungkol sa kanyang opinyon sa napanood. Ang kanyang opinyon ay maaari naman niyang ihayag
sa iba pang nakapanood ng kanyang napanood at maaaring magkaroon ng kritikal na dayalogo.

2. Suriin
Ang mapanuring manonood ay hindi katulad ng isang taong tumitikim ng isang partikular na putahe sa
unang pagkakataon na kung hindi magugustuhan ay maghahanap na ng ibang makakain. Ang
mapanuring manonood ay sisikaping higit na kilalanin ang napanood. Susuriin ang mga salik na nagbigay
daan sa pagkakabuo nito sa pagtangkang maunawaan kung bakit ganoon ang kinalabasan nito.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


65

3. Magbigay-reaksiyon
Ang mapanuring manonood ay handang magbigay ng kanyang kuro-kuro tungkol sa napanood dahil
alam niyang walang perpektong interpretasyon. Sa halip, ang kanyang mga ideya ay magbibigay-daan
sa pagkaunawa ng iba sa kanyang paraan ng pag-iisip.

4. Siyasatin
Dahil nga hindi naman iisa ang takbo ng pag-iisip ng bawat tao, maaaring bigyan ng manonood ng
pagkakataon ang kanyang isipan na bumuo ng sariling ideya patungkol sa napanood, kung ano ang iba
pang posibleng pagwawakas o di kaya ay iba pang maaaring gawin ng tauhan. Sa pagsisiyasat ng
manonood, higit niyang nalilinang ang kakayahang mag-isip nang kritikal at malikhain.

5. Unawain
Marahil ay hindi na kailangan pang pagtalunan kung bakit isang kasanayang nararapat na linangin ang
kasanayang umunawa ng napanood. May ibang manonood na hindi nasisiyahan sa kanilang panonood
kung sa katapusan ng panonood ay may mga katanungan silang hindi nasagot, na kung pakaiisipin, sila
rin ang dahilan ng hindi pagkakasagot ng tanong. Ito ay dahil sa kanilang kawalan ng kakayahang unawin
ang napanood. May pagkakataon na ito ay dahil sa kaisipan ng manonood na sa kanilang panonood,
lahat ng kanilang kailangan malaman ay ihahain sa kanila nang lantaran ng palabas, na kung iisipin ay
hindi naman sa lahat ng pagkakataon.

7.4. Iba’t Ibang Uri ng Manonood at Panonood


a. Diskriminatibo
Paggamit ng opinyon o prejudice sa panunuri ng pinapanood. Dahil sa iba-iba ang pagtanggap ng mga
manonood sa palabas, maaaring tanggap ng isa ang hindi tanggap ng iba. Malaking salik ang kulturang
kinalakihan ng isang manonood kung kaya’t nagiging diskriminatibo ang kanyang panonood. Halimbawa,
kung ang isang palabas ay tumatalakay sa relasyong lalaki-sa-lalaki tulad ng My Husband’s Lover at
mapapanood ito ng isang lalaking hindi bukas ang isip sa konsepto ng relasyong ito, maaaring magbigay
siya ng maraming negatibong puna tungkol sa palabas.

b. Kaswal o panlibang
Walang ibang layunin ang manonood kundi ang malibang. Impormal na pamamaraan ng panonood ang
ginagawa rito na hindi nagbibigay tuon sa detalye, bagkus ay naglilibang lamang habang nanonood.
Ginagawa lamang ang panonood bilang pampalipas-oras. Ang panonood ng noontime variety at gag
shows ang halimbawa nito.

c. Komprehensibo
Ito ang uri ng panonood na kung saan nagpapahalaga sa mensahe at sa ibang detalye ng palabas ang
manonood. Sinasamahan ng pag-unawa at hindi lamang basta nanonood ang isang indibiduwal dahil
nais nitong maunawaan ang isang kaisipang tinatalakay sa palabas. Halimbawa nito ang panonood ng
news magazine at documentary shows.

d. Kritikal
Gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o
pagsusuri sa paksang napanood. Sinusuring mabuti ang bawat anggulo ng pinapanood. Karaniwan itong
gumagawa ng komentaryo o rating sa pinapanood. Kadalasan ding bumubuo ng isang argumento ang
manonood na nais niyang patunayan sa pamamagitan ng palabas na pinanood.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


66

7.5. Proseso / Domeyn ng Panonood

Sa proseso/domeyn ng panonood, hindi tuwirang masasabi na ito ay nakatuon sa isang partikular na


palabas o panoorin dahil ito ay nakadepende mismo sa manonood. May mga pagkakataong magkaiba
ang prosesong nagaganap sa dalawang tao bagama’t iisa ang kanilang pinapanood. Maaari rin namang
kabaliktaran kung saan, iba-iba ang napanood ngunit iisa ang prosesong nagaganap sa manonood.

1. Kognitibong Proseso (Cognitive Domain)


Pag-unawa ng tao sa kanyang pinapanood sa pamamagitan ng pag-iisip. Maaari itong maganap sa
panood ng isang pelikula o dulang panteatro kung ito ay itinalaga ng guro bilang kahingian sa klase.
Maaari rin namang mga ulat sa klase kung saan siyang magiging basehan ng pagsusulit.

2. Emosyonal at Sikolohikal na Proseso (Emotional and Psychological Domain)


Binibigyang-halaga ng tao ang panonood batay sa kanyang damdamin, pag-iisip, at gawi. May
pagkakataong nagaganap ito sa isang manonood na nanonood ng isang pelikula kung saan ay nagawa
niyang iugnay ang kanyang sarili sa isang tauhan. Maaaring nakaranas siya ng kahawig na karanasan o
di kaya ay mayroong malapit na kakilala na may katulad na karanasan.

3. Estetikong Proseso (Aesthetic Domain)


Nagbibigay kasiyahan sa tao at nag-iiwan ng kakaibang imahinasyon. Maaaring maganap ito kung ang
isang tao ay nanood ng isang pelikula o di kaya ay isang pandulang teatro o eksibit ng mga likhang
sining. Sa kanyang panonood, napupukaw ang kanyang malikhaing kaisipan at maaaring nakabubuo
siya sa kanyang kaisipan ng mga ideya base sa napanood.

4. Moral na Proseso (Moral Domain)


Nagkakaroon ng kakayahang umunawa ang tao batay sa mga pinapahalagahang moral. May mga
panoorin na nagiging daan upang tayo ay makapag-isip at makabuo ng mga desisyon kaugnay ng mga
mahahalagang isyu. Halimbawa ay panonood ng mga dokumentaryo. May pagkakataong napapaisip
tayo nito kaugnay sa ating mga pinaniniwalaan at pinahahalagahan.

7.6. Mga Hadlang sa Panonood


1. Intrinsik
Ito ay mga pansariling suliranin na maaaring sikolohikal at pisyolohikal. Halimbawa nito ay ang
karamdaman ng isang tao na maaaring makasagabal sa kanyang pag-unawa sa panonood. Gayon din
ang mali o kahinaan ng pag-unawa sa nakita, nagbubunga ito ng maling pagpapakahulugan o pagbibigay
interpretasyon sa panonood. Isa pang halimbawa ay ang kapansanan sa paningin, tulad ng kalabuan ng
mata o pagkabulag. Sagabal o hadlang ang ganitong mga kapansanan dahil sa kawalan ng kapasidad
na makakita at makapanood. Gayon din ang kahinaan sa pandinig na isa ring mahalagang tulay sa
panonood.

2. Ekstrinsik
Ito ay mga suliraning teknikal at distraksiyong biswal mula sa midyum na ginamit sa panonood.
Halimbawa, ang kalabuan o madilim na imahe at sobrang maliwanag na imahe ay maaaring makaapekto
sa ating panonood. Maging ang kasuotan ng artistang gumaganap sa palabas ay maaaring maging
balakid sa panonood dahil posibleng maibaling ang atensiyon ng manonood sa kanilang kasuotan at
hindi na sa nilalaman ng kuwento. Isang balakid din ang hindi malinaw na resepsiyon ng tsanel na
nakaaapekto sa pagkaunawa ng isang tao sa kanyang panonood.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


67

Bukod dito, maaaring ang hadlang ay magmula rin sa manonood. Halimbawa, ang biglaan o di
maiwasang gawain ay isa pa ring sagabal sa panonood, kagaya ng pag-alis agad sa sinehan habang
nasa kalagitnaan ng panonood dahil sa isang emergency at iba pang katulad ng ganitong pangyayari.
Ang panonood ng paboritong palabas sa teleserye ay maaaring hadlangan ng isang tawag mula sa
telepono.

7.7. Mabuting Epekto ng Panonood


a. Nakapagdaragdag ng mga bagong kaalaman at pagkatuto. Naglalantad ng katotohanan ng
buhay at nagiging malay sa pangyayari sa kapaligiran. Sa pamamagitan nito, nagiging mulat tayo
sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.
b. Nakapagpapatalas ng kaisipan at nakalilinang din ng psychomotor skills o kasanayan ng isang
tao.
c. Nagiging mabuting libangan at nakakadagdag ng aliw. Nagiging alternatibong pamamaraan din
ito sa pag-iwas sa problema o suliranin ng isang tao.
d. Nagiging instrumento ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga programa na naghahatid ng
balita at pangyayari sa loob at labas ng bansa.
e. Nakapagpapatatag ng relasyon, dahil sa pamamagitan ng panonood, nagkakaisa at
nagkakasama sa panonood ang mga manonood, nagsisilbing bonding ito ng ano mang samahan.

7.8. Masamang Epekto ng Panonood


a. Ang madalas at masyadong malapit na panonood ng telebisyon o sine ay maaaring
makapagdulot ng sakit sa mata kagaya ng panlalabo ng mata o pagkakaroon ng katarata sa
pamamagitan ng palagiang pagtitig sa screen ng telebisyon. Maaaring makapagbigay nang di
mabuting impluwensiya sa mga manonood.
b. Nagiging tamad ang isang manonood lalo na sa pagbabasa dahil maaaring panoorin nalang niya
ang isang palabas na hango sa isang maikling kuwento o nobela.
c. Maaaring maging masamang impluwensiya ang palabas lalo na kung ang tema ng panoorin at
hindi akma sa batang nanonood. Bagama’t may mga paalala, ang palabas, hindi naman sa lahat
ng oras ay magkasamang nanonood ang bata at magulang.
d. Nagbubunga ng adiksiyon (sobrang paglilibang na humahantong sa di pagkain).
e. Nawawalan ng oras sa iba pang gawain.

7.9. Pagsulat ng Panunuring Pampelikula

Ayon kay Golz (n.d.), bago magsulat ng pagsusuri, mahalagang itanim sa isipan ng manunuri na iba ang
paggawa ng rebuy sa pagsusuri. Ang rebuy ay ginawa para sa mga taong hindi pa napapanood ang
pelikula sa layong bigyan sila ng ideya tungkol sa pelikula. Sa kabilang banda, ang pagsusuri ay para sa
mga nakapanood ng pelikula sa layong magpasimula ng isang kritikal na dayalogong tatalakay sa mga
kahulugang maaaring nabuo mula sa pelikula at iba pang isyu na maaaring magbunga mula rito. Sa
pagsusuri, nakapaloob dito ang pagbuo ng argumento at pagsuporta nito ng mga detalyeng mula sa
pelikula. Sa pagsulat ng kritisismo, hindi na kailangan pang gumawa ng buod dahil nga napanood na ng
mambabasa ang pelikula. Maingat na piliin ang mga salita at iwasan ang mga salitang may kalabuan sa
pagpapakahulugan. Isulat ang mga pangyayari sa pangkasalukuyang banghay dahil ang naganap sa
pelikula ay kasalukuyang nagaganap sa tuwing pinag-uusapan ito. Simulant ang pagsusuri sa isang tesis
na malinaw na nagbibigay ng pangkalahatang ideya ng pagsusuri. Ito rin ang magtatakda ng tono ng
pagsusuri. Hindi kinakailangang suriin ang pelikula ayon sa pagkakaganap. Ang mahalaga ay mabigyan
ng sapat na paliwanag ang argumentong iniharap. Isaayos ang mga ideya sa isang lohikal na paraan.
Iwasan na maging isang sanaysay na naglalarawan ang pagsusuri.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


68

KABANATA VII
Pagsilip sa Mundo ng Pananaliksik

LEKSIYON:

PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG PANANALIKSIK

Pananaliksik – Isang proseso ng pangangalap ng datos o impormasyon ukol sa isang bagay upang
lubusang maunawaan ito.

BAHAGI NG ISANG PANANALIKSIK

- Mga Preliminaryong Dahon


o Dahon ng Pamagat (Title Page)
o Abstrak
o Talaan ng Nilalaman
- INTRODUKSIYON
o Pagpapahayag ng Suliranin (Background of the Study)
o Layunin ng Pag-aaral (Objectives of the Study)
o Kahalagahan ng Pag-aaral (Significance of the Study)
o Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral (Scope and Limitations of the Study)
o Saligang Teoretikal (Theoretical Framework of the Study)
o Saligang Konseptuwal (Conceptual Framework of the Study)
o Talaan ng mga Termino (Definition of Terms)
- KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL (REVIEW OF RELATED LITERATURE)
o Lokal na Literatura at Pag-aaral (Local Studies and Literature)
o Banyagang Literatura at Pag-aaral (Foreign Studies and Literature)
- METODOLOHIYA
o Pamamaraan sa Pananaliksik (Research Design)
o Pinagmulan ng mga Datos (Sources of Data)
o Kagamitan sa Pananaliksik (Research Instrument)
o Prosidyur sa Pagkalap ng mga Datos (Data-gathering Procedure)
o Pag-aanalisa at Pagpapakahulugan sa Datos (Analysis and Interpretation of Data)
o Kagamitang Estadistika (Statistical Tool)
- PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN NG DATOS
- LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON
- SANGGUNIAN
- APENDISE

PAGTALAKAY SA MGA BAHAGI

- Mga Preliminaryong Dahon


o Dahon ng Pamagat (Title Page)
▪ Ito ay nagtataglay ng pahina i (hindi ito dapat ilagay, ito ay awtomatiko)

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


69

Ang susunding pormat ng inyong Dahon ng Pamagat (Title Page) ay makikita sa ibaba:

Pamagat ng Pananaliksik (Research Title)


(12 ss)
Isang Proposal na Papel
Na Ipinasa kay:
KHRISH RIVERA CATOTO, BA
Instruktor, FILI6101
(11 ss)
Bilang Pagbuo sa Kahilingan sa Asignaturang
FILI6101: Wika, Lipunan, at Kultura
(11 ss)
Na Ipinasa Ni:
KARL TABUENA
BS IT
MAY0 2019 (pinakahuling linya na abeylabol)

o Abstrak (abstract)
Ang abstrak ay ang pinaka-capsule ng inyong pananaliksik;
Dapat na hanggang 250 – 300 na salita lamang ito o kaya isang buong pahina, single spaced, block
style, 1 parapo lang;
Ang nilalaman nito ay ang layunin ng pag-aaral kasama ang mga espesipikong layunin nito(objectives
and the specific ones), ang pamamaraan sa pananaliksik(research design), mga kagamitan o
instrumentong ginamit(research instrument), mga respondante/partisipante(respondents/participants),
ang lokasyon ng pananaliksik(research locale), at ang Kagamitang Estadistika (Statistical Tool). Ang
sumaryo ng datos at kongklusyon ay nasa hulihan ng parapo.
Susing Salita (kalimitan ang mga termino na ginamit/varyabols), ito ay dapat na nakalista sa pinakailalim.
Sa huling bahagi ng parapo (huling linya na abeylabol).
Ang pahinang ito o dahon ay laging pagkatapos ng Dahon ng Pamagat
pahina ii naman ang tinataglay nito (dapat na isulat ang “ii” sa pinaka-ibaba, gamitin ang page number
setting sa Word Application)

o Talaan ng Nilalaman
Naglalaman ito ng mga titulo/subtitulo. Nagsisimula ito sa Abstrak hanggang Apendise na mayroong
kaugnay na pahina.
Gumamit ng mga dotted lines upang maihiwalay ang mga titulo/subtitulo mula sa mga pahina.

- INTRODUKSIYON
o Pagpapahayag ng Suliranin (Background of the Study)
Pagliliwanag sa suliranin o problema ng inyong pag-aaral
Nakapaloob din dito ang paglalagay ng iba’t ibang sanggunian upang mapatibay ang inyong pananaliksik
Pagpapaliwanag kung bakit dapat maging isang pananaliksik ang problema o suliranin

o Layunin ng Pag-aaral (Objectives of the Study)


Isaad ang layunin mo sa pag-aaral. Maaring gamitin ang pangungusap sa ibaba upang pasimulan ang
pagbuo ng parapo sa seksyong ito:
Ang pag-aaral na ito ay susuri sa suliraning ito sapagkat …
Sa particular, ang mga layunin ng pag-aaral ay:
(ilahad ang mga espesipikong layunin ng pag-aaral)
WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
70

o Kahalagahan ng Pag-aaral (Significance of the Study)


Dito nakapaloob ang mga makikinabang sa pag-aaral na iyong gagawin.
Isulat ang bawat tao na makikinabang (hal. mga kabataan, mga guro, mga mananaliksik, at marami pang
iba) at ibigay din kung ano ang magiging pakinabang nila dito.

o Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral (Scope and Limitations of the Study)


Isusulat dito kung hanggang saan ang saklaw ng pag-aaral. Kasama din kung sino ang magiging
respondante/partisipante at kasama din kung saan o lugar gaganapin ang pag-aaral

o Saligang Teoretikal (Theoretical Framework of the Study)


Ito ang magsisilbing giya ng inyong pag-aaral. Ito ay may kinalaman sa mga teorya na susuporta sa
inyong sinasaliksik. Ito ay gagawin sa paraang pasalita. Kalimitan na ginagamit ang mga salitang ito
upang maging pambungad sa parapo:
Ang pag-aaral na ito ay nakasalig sa teorya ni Vygotsky (1978), na nagsasaad tungkol sa
Sociocultural Theory na kung saan inilarawan niya na ang pag-aaral ay isang social na proseso …
Kaya, ang teoryang ito ay sumusuporta sa pag-aaral na ito sapagkat … (ipaliwanag kung bakit
ito sumusuporta sa iyong pinag-aaralan)

o Saligang Konseptuwal (Conceptual Framework of the Study)


Ito ay isang pigura, dayagram, ilustrasyon, o larawan na nagpapakita kung paano tumatakbo ang iyong
pag-aaral. Kahon, mga arrow, linya, at mga larawan ang mga pwedeng gamitin upang maipakita ang
pagkakaugnay-ugnay ng bawat isa sa iyong pag-aaral.

o Talaan ng mga Termino (Definition of Terms)


Nakasaad dito ang lahat ng termino na di-pamilyar ngunit ginamit ito sa pag-aaral.

- KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL (REVIEW OF RELATED LITERATURE)


Ang seksyong ito ay nagpapakita ng sumaryo ng mga kaugnay na mga literatura at pag-aaral na
sumusuporta sa kasalukuyang pag-aaral.

o Lokal na Literatura at Pag-aaral (Local Literature and Studies)


Ang mga ito ay ang mga literatura o pag-aaral na sa Pilipinas ginawa at ang mga may-akda o awtor ay
mga Pilipino.

o Banyagang Literatura at Pag-aaral (Foreign Literature and Studies)


Ang mga ito ay mga literatura at pag-aaral na sa ibang bansa ginawa at ang mga may-akda o awtor ay
mga banyaga

- METODOLOHIYA
o Pamamaraan sa Pananaliksik (Research Design)
Dito nakapaloob ang plano, estruktura, at estratehiya ng gagawing pag-aaral. Nakasaad din dito ang
mga paraan ng paglikom ng mga datos, paano ito ginawa at anong gagawin sa pag-aaral.
Isusulat din dito kung anong uri ng pag-aaral ang gagawin, at anong metodolohiyang pananaliksik ang
ginamit. Sapat na ang isang parapo sa seksyong ito. (Ang pagtalakay dito ay makikita nang higit sa
susunod na mga pahina, nilagyan ito ng pamagat na “PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK”)

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


71

o Pinagmulan ng mga Datos (Sources of Data)


Ito ay ang mga pinaghanguan mong mga datos na ginamit sa pag-aaral. Kalimitan na ang inilalahad dito
ay ang mga pinaghanguan sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura pati na rin ang mga partisipante o
respondante ng iyong pag-aaral. (Tingnan sa mga susunod na pahina ang higit na paliwanag tungkol
dito, may pamagat ang seksyong ito na “PINAGMULAN NG MGA DATOS”)

o Kagamitan sa Pananaliksik (Research Instrument)


Nakapaloob dito ang ginamit na kagamitan sa pananaliksik at anong uri ng kagamitan ito. Dito rin
inilalagay ang mga parte o seksyon na kagamitang ginamit sa pananaliksik. (Ang malawakang
pagtalakay hinggil sa seksyong ito ay makikita sa mga susunod na pahina, nilagyan ito ng pamagat na
“KAGAMITAN SA PANANALIKSIK”)

o Prosidyur sa Pangangalap ng mga Datos (Data-gathering Procedure)


Inilalagay sa seksyong ito ang mga hakbang sa pagngangalap ng mga datos. Nagsisimula ito sa
paggawa at pagpapaapruba ng mga sulat-transaksiyunal hanggang sa pangangalap ng mga datos.
Maaari itong ilahad sa pamamagitan ng mga talaan na may kasamang paliwanag o Gantt chart.

o Pag-aanalisa at Pagpapakahulugan sa Datos (Analysis and Intepretation of Data)


Dito inilalagay ang paraan ng kung paano uunawain ang mga datos at paano ito bibigyan ng kahulugan

o Kagamitang Estadistika (Statistical Tool)


Descriptive Statistics
Sinusukat nito ang central tendency (mean, median, mode)
Sinusukat nito ang variability (standard deviation)
Sinusukat nito ang relationships (coefficient of correlation)

Inferential Statistics (hypothesis-testing)


Chi-square
F-test or F ratio

- PAGLALAHAD AT PAGPAPAKAHULUGAN NG DATOS


Pasimulan ang seksyon na ito sa pamamagitan ng paglalahad ng sumaryo na makikita sa buong
seksyon.
Kadalasan, ang bilang ng mga layunin ay kasingdami din ng tables na ilalagay sa pag-aanalisa ng datos.
Maliban na lang kung isasama ang Demographic Profile sa pagaanalisa. Ang bawat tables ay sinusundan
ng mga paliwanag. Analisahin at bigyan ng kahulugan ang bawat datos. Huwag paulit-ulitin ang tables.

Halimbawa:
• Kung mayroong 20 lalaki at 80 babae sa mga respondante mo, ano ang ibig sabihin nito?
• Ipinapakita nito na nahigitan sa bilang ng mga babae ang mga lalaki. Kaya, ano naman ang
ibig ipahiwatig nito sa iyong kasalukuyang pag-aaral? Ano ang relasyon nito sa iyong pag-
aaral.

Sa bawat resulta, kailangan bigyan ito ng kahulugan.


Maaaring lagyan o nararapat lamang na lagyan ng mga katulad o kaugnay na mga pag-aaral ang inyong
interpretasyon upang ito ay maging matibay. Hindi lamang ang mga bagay na kaugnay ang maaaring
ilagay, maaari ring ilagay kung ito ay kasalungat sa iyong resulta.

- LAGOM, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON


WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS
72

Sa seksiyong ito, nakapaloob dito ang sumaryo ng lahat ng ginawa. Ipaliwanag nang higit ang mga
resulta na iyong ginawa

- SANGGUNIAN
Inilalagay sa seksiyong ito ang mga sanggunian na ginamit upang mabuo ang isang pananaliksik.
Kalimitang ginagamit ang “APA format” sa pagsulat ng sanggunian. Kailangan na ang lahat na ginamit
na in-text citation at lahat ng ilalagay na mga sangguanian ay dapat ay magkapareho, ibig sabihin na
dapat lahat ng in-text citation ang siyang ilalagay sa sanggunian.
Single spacing ang ginagamit sa isang sanggunian, pero double spacing kapag nasa pagitan ng
dalawang sanggunian
Pansinin ang mga larawan kung paano ito gagawin:

Pigura 1. Paggawa ng Sanggunian

Pigura 2. Paggawa ng Sanggunian

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


73

Pigura 3. Paggawa ng Sanggunian

Pigura 4. Paggawa ng Sanggunian

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


74

Pigura 5. Paggawa ng Sanggunian

Pigura 6. Paggawa ng Sanggunian

Pigura 7. Paggawa ng Sanggunian

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


75

Pigura 8. Paggawa ng Sanggunian

- Apendise
Dito nakapaloob ang mga ginamit na mga kagamitan sa pananaliksik at mga larawan sa pagsasagawa
ng pananaliksik.
Sa Apendise A – nakapaloob ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos
Sa Apendise B – nakalagay naman dito ang mga larawan na may mga caption sa ibaba. Ang lahat ng
larawan sa Apendise ay lalagyan ng tanda na Pigurang Apendise 1, Pigurang Apendise 2, hanggang sa
matapos ang lahat ng larawan.

SUMARYO*:
Sa kabuuan, lahat ng nakalista na parte sa pamantayang ito ay kailangan na sundin.

*Sa kadahilanan na ang gagawin niyo lamang ay isang proposal na papel, ang inyong papel ay
naglalaman lamang simula sa INTRODUKSYON hanggang sa METODOLOHIYA.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


76

PAMAMARAAN SA PANANALIKSIK (RESEARCH DESIGN)


- Dito nakapaloob ang plano, estruktura, at estratehiya ng gagawing pag-aaral. Nakasaad din dito
ang mga paraan ng paglikom ng mga datos, paano ito ginawa at anong gagawin sa pag-aaral.

- Isusulat din dito kung anong uri ng pag-aaral ang gagawin, at anong metodolohiyang pananaliksik
ang ginamit. Sapat na ang isang parapo sa seksyong ito.

Ano ang mga isusulat sa seksiyong ito?

Tingnan ang halimbawa kung ano ang ilalagay sa seksiyong ito. Ang halimbawa ay isang excerpt galing
sa pananaliksik na pinamagatang “Teacher’s Strategies in Dealing With Difficulties in Reading English
Texts Among Grade-7 Students in Selected Public and Private Schools in Naic, Cavite (Catoto, 2017).

Research Design
The goal of the study is to determine the difficulties encountered in reading English texts by
the Grade-7 students as reported by the teachers and strategies used by the teachers to address the
reading difficulties encountered by the said learners. In relation, the research attained also the
implications on teaching reading that was drawn from the findings. A descriptive research design using
a quantitative method was used in the study. Thus, the researcher found that it was relevant to use
triangulation method which includes research questionnaire, interviews, and observation.

Ano ang Research Method?


Research Method

Ayon sa layunin ng pananaliksik:

- Historikal

- Deskriptibo (non-experimental)
Inilalarawan ang ‘ngayon’ (kung ano):
▪ Pag-aanalisa sa isang dokumentaryo
▪ Pag-aaral may kaugnayan sa sensus ng populasyon
▪ Sarbey ng opinion ng publiko
▪ Pag-aaral tungkol sa status

- Eksperimental (quasi-experimental and true experimental)


Inilalarawan ‘kung ano ang mangyayari’
Tanging uri ng pamamaraan sa pananaliksik na kung saan tiyak na masusuri ang mga hinuha
(hypothesis) na may kinalaman sa sanhi-at-resulta. (cause-and-effect relationship)
Nasusukat din ang pagkakaiba or pag-iiba (pre-test and post-test)

- Iba pang uri ng research method


o Indigenous research – sinusuri ang applicability at generalizability ng mga western
method.
o Ethnographic research – isang pananaliksik na may kinalaman sa lugar.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


77

Ayon sa proseso:

- Participatory Research

- Ex post facto

- Triangulation method
Paggamit ng tatlong (3) instrumento upang masukat ang iisang baryabol.

Ayon sa mga datos:

Qualitative Method – mas nangingibabawa ang MGA SALITA sa halip na mga bilang o pigura (WORDS
RATHER THAN FIGURES); ito ay deskriptibong narratib.

Mga halimbawa:
- Archival research
- Qualitative content analysis
- Oral history
- Ethno-linguistic method
- Case study
- Participant observation
- Ethnographic research

Quantitative Method – kahit anong pananaliksik na ngangailangan ng mga estadisitikang paraan.


Mga halimbawa:
- Correlational method
- Causal-comparative
- Experimental
- Descriptive survey
- Trend analysis

PINAGMULAN NG MGA DATOS (SOURCES OF DATA)

Ano ang isusulat sa seksiyong ito?


Tingnan ang halimbawa kung ano ang ilalagay sa seksiyong ito. Ang halimbawa ay isang excerpt galing
sa pananaliksik na pinamagatang “Language Preferences of Nigerians at Cavite State University”
(Catoto, 2017).

Sources of Data
Both primary and secondary data were used in this study. Primary data were taken from the
responses of the Nigerian students at Cavite State University, Indang, Cavite while the secondary
data were gathered from journals, books, and other sources of literature. Purposive sampling was
used in this study. A total of 10 Nigerians from various programs were purposively selected and
interviewed regardless of their course.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


78

Ano ang Sources of Data?

Ilalagay dito kung sino ang magiging partisipante ng isang mananaliksik. Isusulat din dito kung
sino sila, paano sila pinili, at ilan sila.

Sa pagpili ng pamamaraan ng sampling technique


Ang sampling technique ay isang proseso na kung saan ang target na partisipante ay kukunin sa
isang populasyon. Maaari itong isang probability sampling o non-probability sampling. Kasama sa
probability sampling techniques ay katulad ng: simple random, snowball technique, stratified random,
and others. Kasama naman sa non-probability sampling technique ay katulad ng: purposive sampling,
convenience sampling, and quota sampling.

KAGAMITAN SA PANANALIKSIK (RESEARCH INSTRUMENT)


Ano ang isusulat sa seksiyong ito?
Tingnan ang dalawang halimbawa kung ano ang ilalagay sa seksiyong ito. Ang unang halimbawa ay
isang excerpt galing sa pananaliksik na pinamagatang “Language Preferences of Nigerians at Cavite
State University” (Catoto, 2017).

Research Instrument
The researcher used triangulation method, in relation, the instruments used by the researcher
were research questionnaire, interview, and observation. The questionnaire anchored on the study of
Hartney (2011) and Butler (2007). It was consisted of three parts. Part I is the respondent’s profile.
Part II contained the difficulties encountered in reading English texts in the teacher’s perspective. Part
III consisted of strategies in addressing the difficulties in reading English texts.
The interview and observation guide anchored on Hartney (2011) and Nalusiba (2010) which
the purpose of the interview guide is to obtain detailed information for the study and to get an idea of
the ways in which they encourage reading in their respective schools. Thus, it allowed probing and
gathering of more information depending in the knowledge, ability, and experience of the respondents
(Nalusiba, 2010).

Ang ikalawang halimbawa ay isang excerpt galing sa pananaliksik na pinamagatang “Teachers’


Strategies in Dealing With Difficulties in Reading English Texts Among Grade-7 Students in Selected
Public and Private Schools in Naic, Cavite” (Catoto, 2017).

Research Instrument
The questionnaire was anchored from the study of Xuan (2011). It was consists of three parts.
Part A was composed of 25 statements pertaining to the situations (classroom, when doing
assignment, communicating with professors, other nationalities, fellow Nigerians, and Filipino
classmates) where the respondents would indicate what language they prefer to use. Part B was to
determine the language choice and reasons and language approach, where the respondents chose
what particular language they intended to use in an academic setting. Part C was consists of open-
ended situations that would lead to identification of the language functions.

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


79

Ayon kina Fraenkel at Wallen (2000) may dalawang klasipikasyon ng kagamitan sa pananaliksik:

1. Researcher-completed – ang kukumpleto sa mga kagamitan sa pananaliksik ay ang mismong


mananaliksik.

Rating Scale
Ang halimbawa ay isang excerpt galing sa naipresentang pananaliksik sa Seminar on Research in
Sociolinguistics – PhD in Applied Linguistics at De La Salle University na pinamagatang: “Language Use
and Motivation in a Multilingual Setting: A Sociolinguistic Survey of International Students in Cavite State
University, Indang, Cavite” (Francisco, 2011).

Part III. Language Motivation


Directions: Below are statements that describe your general view or attitude toward the languages that
you speak/use. Put a check mark [√] in the column that corresponds to your answer.

Legend: SA= Strongly agree A=Agree N=Neither agree nor disagree D=Disagree
SD= Strongly disagree

ITEM SA A N D SD
(5) (4) (3) (2) (1)
1. I prefer using my first language in most situations, whenever possible.
2. I prefer using my second language in most situations, whenever
possible.

Interview Schedule
Ang halimbawa ay isang excerpt na galing sa unpublished research paper sa Developmental Reading
na pinamagatang: “Teachers’ Strategies in Dealing with Difficulties in Reading English Texts among
Grade-7 Students in Selected Public and Private Schools in Naic, Cavite” (Catoto, 2017)

Purpose: In order to obtain detailed information for the study and to get an idea of the ways in which they
encourage reading in their respective schools. It allowed probing and gathering of more information
depending on the knowledge, ability and experience of the respondents (Nalusiba, 2010).
I. Difficulties Encountered in Reading English Texts (Hartney, 2011)
1. What are the difficulties encountered in reading English texts in the following factors?
a. Factors within the individual;

observation sheets / cameras and other mechanical devices

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


80

Ang halimbawa ay isang excerpt na galing sa unpublished research paper sa Developmental Reading
na pinamagatang: “Teachers’ Strategies in Dealing with Difficulties in Reading English Texts among
Grade-7 Students in Selected Public and Private Schools in Naic, Cavite” (Catoto, 2017).

PURPOSE: This observation guide used for observing the activities and facilities in the schools where
the study conducted. It is one of the instruments that the researcher used to collect data for the research
about “Teachers’ Experiences on Difficulties in Reading English Texts Among Grade-7 Students in
Selected Public and Private Schools in Naic, Cavite”.

I. RESPONDENT’S PROFILE:
Name (OPTIONAL):
School:
II. Difficulties encountered in reading English texts in the following factors: (Hartney, 2011)

a. Factors within the individual;

thematic table
Ang halimbawa ay isang excerpt na galing sa unpublished research paper sa Developmental Reading
na pinamagatang: “Thematic Progression in the Stories of Reading Books of Grade IV, V, and VI of Tanza
Del Carmen School” (Tan, 2017).

Table 1. The Thematic Table for the Analysis of Data


Grade Categories of Theme Types of Theme Thematic Progression Patterns
level

Top Int Text Simp Mult Claus Par Lin CC MR Cent

F P F P F P F P F P F P F P F P F P F P F P

IV

VI

Where: TOP = Topical Claus = Clausal Cent = Centralized Int =


Interpersonal Par = Parallel
Text = Textual Lin = Linear Simp = Simple CC = Crisscross Mult =
Multiple Mr = Multiple Rheme

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


81

2. Subject-completed – ang kukumpleto sa mga kagamitan sa pananaliksik ay ang mismong


partisipante/respondante.

survey questionnaire
Ang halimbawa ay isang excerpt na galing sa unpublished research paper sa Sociolinguistics na
pinamagatang: "Language Preferences of Nigerians at Cavite State University”. (Catoto, 2017)

PART B. Language Choice and Reasons and Language Approach


Instruction: Identify the most appropriate answer which indicates your language choice and reasons.
Write the letter on the space provided.
1. Which language is used as the medium of instruction inside your language class?
a. English b. Filipino c. Taglish d. Nigerian Language
2. When giving a presentation in the class, which language do you prefer?
a. English b. Filipino c. Taglish d. Nigerian Language

self-checklist
Ang halimbawa ay isang excerpt na galing sa isang published research paper in Psychology na
pinamagatang: "Development of Self Orientation Scale for Measurement of Karen Horney’s Tripartite
Neurotic Trends”. (Kumar, 2014)

SELF-ORIENTATION SCALE
Your Name: ___________________ Sex: ______________ Age: _____
Instructions: This scale has fifteen items. Each item has three responses. You are required to choose (i)
the response which closely describes you (write ‘M’ in front of it) and the (ii) response which least closely
describes you ‘L’ in front of it). There is no right or wrong response, so respond freely. Please do not
spend too much time on each item.
1. When I meet a stranger, I ….
(a) (___) take initiative to know him better. (b) (___) try to avoid him.
(c) (___) try to ensure that he is not up to some tricks.

2. When a friend moves to another town, I ….


(a) (___) don’t bother about it. (b) (___) miss him very much.
(c) (___) consider it to be a good riddance.

opinionnaire
Ang halimbawa ay isang excerpt na galing sa unpublished research paper in Sociolinguistics na
pinamagatang: “Language Preferences of Nigerians at Cavite State University” (Catoto, 2017).

PART C. Open-ended Situations


Instruction: Kindly answer the following questions. Provide a reason if necessary.
1. In what specific places in the University do you ask for requests?

What language do you prefer in doing so?

Why?

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


82

Basic Structures of Questions


Open-Ended Questions: The example is an excerpt from unpublished research paper in
Sociolinguistics titled: “Language Preferences of Nigerians at Cavite State University” (Catoto, 2017).

PART C. Open-ended Situations


Instruction: Kindly answer the following questions. Provide a reason if necessary.
1. When in the dormitory I speak
language because

Close-ended with ordered choices: The example is an excerpt from the research guide in Developmental
Reading Class titled: “How to Write the Research Paper” (Francisco, 2017)

Which of the following do you think is the most, second, and third responsible for the decline of English
Proficiency in the Philippines?
a) The school curriculum is poorly designed.
b) The Bilingual Policy is not strictly implemented.
c) There is poor English skills among teachers.
d) There is lack of motivation and adequate teaching materials for English learners.

Closed-ended with unordered choices: The example is an excerpt from the research guide in
Developmental Reading Class titled: “How to Write the Research Paper” (Francisco, 2017).

Which of these three grades would you most like to receive from your DevRead professor? Circle the
letter of your answer.
a) A final grade of 1.0
b) A final grade of INC
c) A final grade of 5.0

Partially close-ended: The example is an excerpt from the research guide in Developmental Reading
Class titled: “How to Write the Research Paper” (Francisco, 2017).

Which of these three grades would you most like to receive from your DevRead professor? Circle the
letter of your answer.
a) A final grade of 1.0
b) A final grade of INC
c) A final grade of 5.0
d) Other (specify)

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


83

NOTE: In case the survey questionnaire is used, a cover letter must precede it. An excerpt from
unpublished research paper in Developmental Reading titled: “Teachers’ Strategies in Dealing with
Difficulties in Reading English Texts among Grade-7 Students in Selected Public and Private Schools in
Naic, Cavite” (Catoto, 2017).

Dear Participant,
Greetings!
I am a fourth year AB English student of Cavite State University – Indang, Main Campus and
currently conducting a research titled: Teachers’ Strategies in Dealing with Difficulties in Reading
English Texts Among Grade-7 Students in Selected Public and Private Schools in Naic, Cavite
as part of the requirements in ENGL ELEC 3 – Developmental Reading. This study aims to identify
the difficulties encountered in reading English texts and strategies used to address the reading
difficulties.
In connection with this, may I ask for your cooperation to answer the attached research
questionnaire.
Thank you very much for your cooperation.
Truly Yours,

Khrish Rivera Catoto


Researcher

Example2: An excerpt from presented research paper at the Seminar on Research in Sociolinguistics –
PhD in Applied Linguistics at De La Salle University titled: “Language Use and Motivation in a Multilingual
Setting: A Sociolinguistic Survey of International Students in Cavite State University, Indang, Cavite”
(Francisco, 2011).

De La Salle University
Department of English and Applied Linguistics

Dear Respondent,

I am a graduate student at the Department of English and Applied Linguistics, De La Salle University,
Manila, and I am currently conducting my study on “Language Use and Motivation in a Multilingual
Setting: A Sociolinguistic Survey of International Students in Cavite State University, Indang, Cavite”,
one of the major requirements in our course, LIN 806D (Seminar on Research in Sociolinguistics).
This study aims to determine how foreign students use spoken languages and factors that influence
their level of use as well as the level of motivation in the use of these languages.

In connection with this, may I request you to be one of my respondents and fill-out the attached survey
questionnaire.

Rest assured that any information elicited from you shall be treated with utmost confidentiality. Thank
you very much.

Truly yours,

AGNES C. FRANCISCO
Researcher

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS


84

MGA SANGGUNIAN

Catoto, K. R. (2017). Language Preferences of Nigerians at Cavite State University. Unpublished


Research Paper in Sociolinguistics.

Catoto, K. R. (2017). Teachers' Strategies In Dealing With Difficulties In Reading English Texts Among
Grade-7 Students in Selected Public and Private Schools in Naic, Cavite. Unpublished Research Paper
in Developmental Reading.

Fraenkel, & Wallen. (2000). Classification of Research Instrument. In A. C. Francisco, How to Write the
Research Paper. College of Arts and Sciences, Cavite State University-Indang, Cavite: Department of
Languages and Mass Communication - English Unit.

Fraenkel, J. R., Wallen, N. E., & Hyun, H. H. (2012). How to Design and Evaluate Research in Education
(8th Edition). 1221 Avenue of the Americas, New York, NY 10020: McGraw-Hill Inc.

Francisco, A. C. (2011). Language Use and Motivation in a Multilingual Setting: A Sociolinguistic Survey
of International Students in Cavite State University, Indang, Cavite. Seminar on Research in
Sociolinguistics - PhD in Applied Linguistics.

Francisco, A. C. (2017). How to Write the Research Paper. Indang, Cavite: Developmental Reading
Class.

Kumar, A. (2014). Development of Self Orientation Scale for Measurement of Karen Horney's Tripartite
Neurotic Trends. International Journal for Research in Emerging Science and Technology.

Miranda-Plata, & et.al. (2006). Research: Process and product workbook. In A. C. Francisco, How to
Write the Research Paper. College of Arts and Sciences, Cavite State University - Indang, Cavite:
Department of Languages and Mass Communication - English Unit.

Prudente, M. (2012). Preparing and Writing research proposals. In A. C. Francisco, How to Write the
Research Paper. College of Arts and Sciences, Cavite State University-Indang, Cavite: Department of
Languages and Mass Communication - English Unit.

Tan, P. C. (2017). Thematic Progression in the Stories of Reading Books of Grade IV, V, and VI of Tanza
Del Carmen School. Unpublished Research Paper in Developmental Reading.

KHRISH RIVERA CATOTO, BA


Instruktor, FILI6101

WIKA, LIPUNAN, AT KULTURA – MGA LEKTYUR BATAY SA SILABUS

You might also like