You are on page 1of 15

Mulaan ng Impormasyon:

Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis

Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan (halimbawa.


Facts, and figures at datos (halimbawa. Obserbasyon , berbal, at biswal na teksto, artifact fossil)
na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o
panlipunang realidad. Ang mga ito ay maikakategorya sa dalawang pangunahing uri: primarya at
sekundarya.
Primarya at sekundaryang batis. Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag,
obserbasyon at teksto na direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon
nanakaranas, nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena. Mula pa rin kina San
Juan et al. (2018) ang halimbawa ng mga primaryang batis ay ang sumusunod:
Mula sa harapang ugnayan sa kapuwa tao:
1. pagtatanong tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan;
5. umpukan
6. pagbabahay bahay

Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang electroniko:


1. awtobiyograpiya
2. talaarawan
3. sulat sa koreo at email
4. tesis at diertasyon
5. sarbey
6. artikulo sa journal
7. balita sa diyaryo, radio, at telebisyon;
8. mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon,
katitikan ng pulong kopya ng batas at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang
pang-organisasyon.
9. orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament;
10. talumpati at pananalita; at
11. larawan at iba pang biswal grapika

Mula sa iba pang batis


1. harapan o online na survey.
2. artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen pera,
kagamitan, at damit;
3. nakarecord na audio at video,
4. mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon.
5. website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet at
6. mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting, at music video
Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at kritisismo
mula sa indibidwal, grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas, nakaobserba o nagsaliksik
sa isang paksa o penomeno. Kasama na rito ang account o interpretasyon sa mga pangyayari
mula sa taong hindi nakaranas nito o pagtalakay sa gawa ng iba. Halimbawa ng sekundaryang
batis ang mga sumusunod:

1. Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editorial kuro kurong tudling,


sulat sa patnugot, at tsimis o tsika
2. encyclopedia
3. Teksbuk
4. Manwal at gabay na aklat
5. Diksyonaryo at Tesoro
6. Kritisismo
7. Komentaryo
8. Sanaysay
9. Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
10. Abstrak
11. Mgakagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation at
12. Sabi-sabi
Mayroong pagkakataon na ang mga sekondaryang batis ay maaring maging primaryang
batis kung ito ang mismong paksa ng pananaliksik. Halimbawa, ang nilalaman ng tsismis na
pangshowbiz na nalalathala sa mga diyraryo at katuturan nito sa buhay ng mga Pilipino ay
maaring maging paksa ng isang pag- aaral ng diskurso. Sa gayon, ang tsismis ay ituturing na
primaryang batis dahil ito mismo ang susuriin.
Sa pangkalahatan, sa dalawang uri ng batis, binibigyang prayoridad ng isang
mananaliksik ang primary kesa sekondaryang batis sapagkat ang una ay nanggaling sa aktuwal
na karanasan, obserbasyon o pagsisiyasat kaya itinuturing na mas katiwa- tiwala kaysa
pangalawa. Ngunit hindi dapat ipagwalang bahala ang alinmang sekondaryang batis dahil
maaaring maghain ito ng kaugnay o alternatibong perspektiba at kabatiran na magpapapatatag
sa kaaalamang binubuo ng manananaliksik lalo na kung ang mga ito ay mula sa kinikilalang
eksperto. Dagdag pa, daan ito tungo sa pagtukoy ng iba pang mahahalagang batis ng
impormasyon na posibleng magamit ng manananaliksik; gayunman, dapat na balikan, suriin, at
gamitin ng manananaliksik ang primaryang batis kung saan kinuha ang mga imporamsyong
nagamit sa
sekondaryang batis.
Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga
sanggunian na ang nialaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad na lamang ng
Wikipedia.

Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon. Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis
impormasyon, kailangan timbangin ang kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at
mediadong pakikipag ugnayan. Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang
batis, maliban kung ang nsagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao.
Sa harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng mananaliksik
ang indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong sinasaliksik, ang mga apektado
nito, nakaobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay, nito sa ibat-ibang dahilan (halimbawa.lider
ng komunidad kung saan nagaganap ang penomeno, mananaliksik at nagsisisyasat din sa paksa).
Sa mediadong ugnayan naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon mula sa kapwa-tao sa
pamamagitang ng ICT (halimbawa. Telepono, email, pribadong mensahe sa social media), lalo
na kung may limitasyon sa panahon at distansya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy ng
mga indibidwal. Ilan sa mga kalakasan ng harapang ugnayan ang mga sumusunod:
1. maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid;
2. makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod na tanong ( follow-up question) sa kaniya;
3. malinaw niya agad ang sagot; at
4. maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.
Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas malaking oras para sa
fieldwork lalo na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga tagapagbatid. Bentahe
naman sa mediadong ugnayan ang:
1. pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang oras at
pagkakataon kung kalian nila maiisisingit ang pag responde
2. ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang
personal ng manananaliksik ang mga tagapagbatid; at
3. ang mas medaling pag oorganisa ng mga datos lalo na kung may elektonikong
sistema na ginagamit ang manananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa. Mga
online survey tools, digital transcriber, vedio analysis, software, computer, assisted
qualitive data analysis. )

Midya bilang batis ng impormasyon. Kung pipiliin ang midya bilang batis ng
impormasyon, kelangan ding pag isipang mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito
para sa binubuong pahayag ng kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang
batis, angkop na uri ng midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.

Paglubog sa mga Impormasyon:


Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.


 https://www.youtube.com/watch?v=d3XCfnsAQL4
 https://www.youtube.com/watch?v=F_h_LUv2VF8
 https://www.youtube.com/watch?v=PCC1xFZFyXE
 https://www.youtube.com/watch?v=Hj1ZlgvsOPk

Nilalaman

Bukod sa pagili ng mga batis ng impormasyon, mahalagang ding malaman ng mga


mananaliksik ang mga tamang paraan ng pagkalap ng impormasyon upang maging matagumpay
ang paghanap ng mga kasagutan sa paksa at layon ng pananaliksik. Mahalang mayroon nang
napiling paraan ng pagklap ng datos ang mananaliksik bago pa man siya sumuong sa napakalawa
na batis ng mga impormasyon at sanggunian. Karaniwang porma ng mga pananliksik ang ang
kwalitatibo at kwantitatibong disenyo ng pananaliksik. Mahihinuha na kaagad sa pangalan ng
kwantitatibong disenyo na ito ay tumutuos sa bilang o dami dahil sa salitang kwantiti. Kadalasan
itong gingamitan ng sarbey gamit ang mga talatanungan o dili kaya ay mga eksaminasyong tulad
ng pre at post test kung saan lahat ng ito ay magbibigay ng numerikal na resulta. Sa kabilang
banda, ang kwalitatibo naman ay tumutukoy sa kalidad ng mga baryabol sa pananaliksik.
Malimit namang gamitin dito ang mga interbyu or kaya ay focus group discussion.

Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon. Maraming disenyo ng


pagsasaliksik (halimbawa. Sarbey, eksperimento, sosyomatrikong analisis) kung saan kailangan
munang malikom ang bago ang pagbabasa at pagsusuri nito. Subalit mayroon ding mga disenyo
kung saan pinagtatambal ang dalawang magkahiwalay na mga gawaing ito. Halimbawa sa kaso
ng mga midya bilang batis ng impormasyon( halimbawa mga publikasyon, tesis, disertasyon,
aklat, ulat ), kailangan ng panimulang pagbabasa habang nangangalap ng impormasyon kung
hindi pa natutukoy ang espesipikong sanggunian mula sa isang uri ng batis na napili
( halimbawa. Aling partikular na artikulo sa anong journal). Maaaring tingnan muna ang abstrak
(artikulo sa journal), ang pamatnubay (balita sa diyaryo), at buod (aklat, ulat) para malaman kung
mahalaga o kaugnay ba ito ng paksa.

Pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao. Isa sa pinakamayamang batis ng


impormasyon ay tayong mga tao. Buhat sa kasabihang ang ating mga karanasan ang
pinakamahusay na guro tayo ay mananatiling pinakamahuhusay na guro na nagtatglay ng
maraming kaalaman. Marami ding mananaliksik ang kinukunsidera ang mga kapwa tao bilang
batis ng impormasyon. Bukod sa mga karanasang maari niyang masabi na maaring kapareho o
kaiba ng sa mananaliksik ay posible din kaagad ang pagpapasubali, pagsangagyon, at maging
paglilinaw. Lalo at higit sa modernong panahon ngayon kung saan hindi na isyu ang layo, o ang
oras na namamagitan sa mg tao, mas madami ng maging batis ang mga kapuwa tao. Dapat
lalmang isasaalang alang na hindi porket mediado o harapan ang gagawwing pagkalap ng
impormasyon ay magiging palasak na ang magiging paguugali ng mananaliksik. Kailangan pa
rin ang pakikipagusap ng masinsinan sa napiling maging batis, hingin ang kanyang pirmiso, at
bigyang prayoridad ang oras at panahong abeylabol sila para gawin ang pangangalap ng
impormasyon. Linawin din kung saang paraan sila magiging komportable, harapan o mediado, at
ito ang inyong gawin.

1. Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipuanan, ang eksperemto ay isang kuwantitatibong disenyo ng
pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na tinatalaban ng
interbensiyon. Isa sa mga kilalang mukha nito ay ang tinatawag na social experiment, karaniwan
itong isinasagaw sa gitna ng matataong lugar kung saan gingawang independent baryabol ang
mga sitwasyon at dependent baryabol naman ang reaksyon ng mga taong inilalagay sa mga
sitwasyong ito. Bukas ang mga link na ito para sa halimbawa ng social experiment
https://www.youtube.com/watch?v=8ASUihjLgqk at https://www.youtube.com/watch?
v=tiU5HJn7AZs.
2. Interbyu
Ang interbyu o panayam ang ugnayan sa pagitang ng mananaliksik at ng kanyang
tagapagbatid kung sa ang mananaliksik nagtatanong ng mga bagay na may kaugnayan sa
kanyang paksa at gayunddin ay nakikinig sa ibabahagi ng kanyang tagapagbatid. Ang interbyu
ay maaring gawin sa tatlong paraan ang estrukturado, semi-estrukturado, at ang di estrukturado.
Ang estrukturadong panayam ay paraang kung saan ang mananaliksik gumagamit ng mga gabay
na tanong upang masiguro ang detalyado at istrikting pagsagot sa paksa at layon ng pananaliksik.
Sa semi-estrukturado naman ay may gabay na tanong din ngunit ito ay hnd kasing detalyado ng
sa estrukturado. Di tulad ng sa estrukturado, sa semi-estrukturado maaring magkaroon ng follow
up question na hindi kabilang sa inihandang gabay na tanong. Napakanatural naman ng ugnayan
ng mananaliksik at ng kanyang kinakapanayam sa sa di-estrukturadong panayan. Hindi ito
ginagamitan ng gabay na tanong at gaanong pormal ang panayam. Mahalagang maging
mapagmatyag ang mga mananaliksik sa oras ng panayam dahil madalas ang kanilang di berbal
na komunikasyon ay nagbibigay ng mas malalim sa sagot kaysa kanilang mga salita.

3. Focus group Discussion


Ang Focus group Discussion (FGD) naman ay semi estrukturadong talakayan na binubuo
ng tagapagpadaloy na kadalasay ginagampanan ng manananaliksik na , at anim hanggang
sampung kalahok. Gamit ang mga gabay na mga tanong ang tagapagpadaloy ay nagbabato ng
mga tanong at nangangasiwa sa usapan ng mga kalahok. Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok
ay may pagkakataong makapag bahagi ng ideya o impormasyon. Ilan sa mga bentahe ng FGD
ang mga sumusunod:
1. naitatama,napapasubalian, o nabeberipika ng mga kalahok ang impormasyong
ibinabahagi;
2. may naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag silay
magkakasamang nag uusap ( na maaaring di lumabas sa indibidwal na interbyu); at
3. maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag usapa sa isang
pagtitipon.

Kahinaan naman ng FGD kapag:


1. may dimonante sa grupo
2. may nag aagam –agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong
ibinibigay ng iba;
3. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok; at
4. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna, o matsismis.
Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang magaling at maparaan ang tagapagpadaloyt
upang maging organisado, mahinahon, masigla, at kawili-wili ang talakayan.

4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa


Sa hanay ng mga pamamaraan maka Pilipino, maraming mapagpipilian ang isang
mananaliksik, depende sa mananaliksik, depende sa layon ng pananaliksik, at dulog ng
pangangalap ng datos. Sa kanyang panananaliksik hinggil sa pagkalalake, halimbawa, ginamit ni
Santiago (1977) ang pakikisangkot sa buhay ng tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa
kanilang komunidad sa loob ng maraming araw sa tatlong buwan. Nakilahok siya sa pang araw
araw na Gawain habang isinisingit ang pakikipanayam. Dahil pakapa kappa ang dulog ng
pangangalap ng datos, hindi siya agbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago ang fieldwork
para hindi makulayan ang kaniyang pananaw. Bilang dulog, ang pakapa kappa ay isang
eksplorasyon hingil sa isang paksa sa konteksto ng pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad
gamit ang mga katutubong pamamaraan ng pagkuha ng datos kagay ng “pagmamasid,
pagtatanong tanong, pagsubok, pagdalaw, pakikilahok, at pakikisangkot( Tores. 1982, p. 171).

5. Pagtatanong-tanong
Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap ng
katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na pagkakataon :
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa paksang
sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid
( Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat. Impormal
at bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang nagtatanong at ang
tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may mga dapat isa alang alang ang
mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag siyasat, pook nbg pagtatanong tanong, at
panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales, 1982).

6. Pakikipagkwentuhan
Pakikipag kwuwentuhan naman ang ginagamit ni De Vera (1982 ) upang pag aralan ang
pakiki apid sa isang baryo sa Camarines Norte. Maiging gamitin ang pakikipagkwentuhan bilang
paraan ng pagkalap ng impormasyon. Dahilan nga ng pagiging likas na makwento ng mga
Pilipino ay madaling makakakuha ng impormasyon sa simpleng pakikipagkwentuhan sa kanyang
mga sabjek. Dito ay walang kailangang tiyak na tanong, lugar, o kahit pagkakataon. Hindi
kailangan ang anumang pamantayan dahil malaya ang mga kasangkot sa pakikpagkuwentuhan.
Malaman din ang mga karaniwang ekspresyon at kilos ng mga kakwentuhan at mula dito ay
lalong nagiging malaman ang impormasyon nakukuha.

7. Pagdalaw-dalaw
Sa pag aaral ng kahirapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa Malabon,
Rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco
(1982) ay pagdalaw dalaw. Ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at
pakikipag usap ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala
at makuha ang loob ng iat isa,mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang
mga nais niyang sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194). Ito ay
maaroing kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag
kuwentuhan at pakikilahok. Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago itopalalamin at
palawigin ang mga imporamsyon kinakalap mula sa mga tagapagbatid.
8. Pakikipanuluyan
Para makakuha ng datos sa pamamaraang ito dumadalaw muna sila nbsa barangay habng
sa naninirahan na siya ng talong buwan ditto para sa kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya
ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa kanyang mga aktibidad kagaya ng pag
kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa ibat ibang pagtritipon; pagmamasid
sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong hingil sa paksang sinasaliksik. Sa
gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang matagalan at masaklaw na pamamaraan
dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat ng iba pang mga espesipikng amamaraan
ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg nakikitira sa isang bahay at
nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag mamasid nag tatanong tanon,
nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain. Pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim
at komprehensibo ang mga impormasyong malilikom ngmananaliksik. Hindi to kataka taka dahil
ang pakikipanuluyan “ ay isa sa pinakamabisang pamamaraan upanfg mapaunlad ang pakikipag
kapuwang isang tao” (San juan & Soriaga, 1985,p.433).

9. Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa
bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nagmamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag
kuwentuhan at nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasasaggawa
ng survey, pero
ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks,
at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid. I-click ang link na ito para sa
halimbawa ng pagbabahay-bahay https://www.youtube.com/watch?v=UM1V--XBw1A.

10. Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula
kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa
medaling salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at
kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng
mananaliksik kung “maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa
pananaliksik ( Gonzales 1982 p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may
pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at
pakikipanulyan.

Instrumento sa pagkalap ng datos mula sa kapuwa tao. Kaparehoong harapan at mediado


na nangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao, dapat ihanda ng mananaliksik ang angkop
na instrument. Narito ang ilan sa mga instrument na karaniwang ginagamit ayon kina San Juan et
al. (2018):
1. Talatanungan at gabay na katanungan
2. Pagsusulit o eksaminasyon
3. Talaan sa fieldwork
4. Rekorder
Pangangalap ng impormasyon mula sa mga aklatan. May mga katunayan at datos na
hindi sa kapwa-tao direkta at tahasang maapuhap, kundi mula sa mga midya at iba pang mga
materyal na maaaring matagpuan sa mga aklatan. Magandang linawin na midya ay kahit anong
teknolohiya – pisikal o birtuwal, na gingamit sa pagbabahagi ng impormasyon mula sa
tagapagbatid o sa prodyuser tungo sa mambabasa, tagapakini, o manonood.
Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyonsa aklatan.
1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para
sa isang pananaliksik.
2. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at patakaran na
pinaiiral sa aklatang natukoy.
3. Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok at
makagamit ng mga pasilidad. (http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/1444).
4. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa dalawang
ito ang madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan.
(Hinampas, 2016, pp.51-54)
5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon, at
ilan pang mga printed na materyal kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabsa
kung maraming sangunian ang bubulatlatin.
6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga sangunian
bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisiyon ng aklatan.
7. Huwag kalilimutang halughugin ang pinagkunanna online ng aklatan gaya ng
subkripsiyon sa journal, e-books, e-databases, at iba pang batis ng impormasyon sa
Internet.

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga online na materyal. Sa kaslukuyang


panahon ng Internet at digital na teknolohiya, maaakses ang maraming primaryang batis ng
impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na laptop at desktop kundi pati sa mas maliit na
gadyet na cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis na ito ang mga artikulos sa
journal, balita sa online news site, at account ng karanasan sa blog.
Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad ang online
news sites na:
1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga
artikulong may iba’t ibang panig;
2. pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata; at
3. hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo, o
institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa
isyung pambansa.
 Website ng pamahalaan
 Website ng ahensiya ng pamahalaan
 Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
 Website na gumagawa ng fact check
Pagsusuri ng Datos:
Mula sa Kaugnayan at Buod ng mga Impormasyon
Hanggang sa Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman

Layunin

Ang lunsaran sa ibaba ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng paksa.


 http://www.dlsu.edu.ph/conferences/arts_congress/2018/_pdf/it-01.pdf

Nilalaman

Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, hinahanapan ng mananaliksik ng kaugnayan sa


isa’t isa ang mga datos at bumubuo siya ng buod hinggil dito. Gabay niya ang mga layon ng
pananaliksik sa paguugnay-ugnay at pagbubuod ng mga datos. Ang mga kaugnayan at buod na
ito ang gagamitin niya sa pagtukoy ng mga pangunahing tema ng naprosesong impormasyon at
sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman.

Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon. May iba’t ibang dulog sa pag-uugnay-ugnay ng


impormasyon.
1. Maaring palitawin ang iba’t ibang aspekto ng ugnayan ng mga impormasyon kagaya ng
pagkakatulad at pagkakaiba, bentahe at disbentahe, ibat ibang anggulo at anyo/mukha,
pgatatguyod o pagsalungat/pagttol, pagbatikos, paglilinaw, pagpapalalim, mga hakbang
sa isang proseso, at elborasyon.
2. Paggamit ng semantikong relasyon sa pagitan ng mga impormasyon ni Spradley (1979)

 Istriktong paglalakip (strict inclusion)


o Espasyal (spatial)
o Pagbibigay-katuwiran (rationale)
o Sanhi – bunga/kinalabasan (cause – effect)
o Lugar ng isang kilos (place of action)
o Gamit (function)
o Paraan – kinayarian (means – end)
o Pagkakasunod – sunod (sequence)
o Atribusyon (attribution)
3. Maaaring gumamit ng pamamaraan ng coding na angkop sa disenyo ng pananaliksik.

Pagbubuod ng Impormasyon. May ilang gabay na dapat antabayanan sa pagbubuod ng


impormasyon.
1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang
mga suisng salita, ang paksang pangungusap, at ang pinakatema. Bago sulatin ang buod,
palitawin muna ang koneksiyon ng mga susing salita, ang paksang pangungusap, at/o ang
mga tema upang malaman ang sintesis o pinakapunto ng teksto. (Constantino et al., 2016)
2. Kahingian sa ilang uri ng materyal ang ankop na elemento at estruktura ng buod.
3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong
pamamaraan ng pangangalap ng datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang
hinahantungan ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng teksto.
4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong.
(Jimenez, 1982, p.27)

Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman. Ikonsidera ang mga sumusunod:


1. Pumili ng mga angkop na salita nasumasalamin sa mga katunayan at datos ng ginawang
pananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong komunikasyon, at
makabuluhan sa kultura at lipunang Pilipino.
2. Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon
3. Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi magdulot ng
kalituhan
4. Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience.
5. Gumamit ng angkop na panauhang pananaw: una(ako, ko akin, tayo, natin, kami );
pangalwa (ikaw, kayo, ka, mo, inyo, ninyo,); at pangatlo (siya, sila, niya, kaniya, nila,
kanila,). Mas pormal at neutral ang pangatlong panauhan dahil “inilalayo nito ang
manunulat sa tuksong makialam “ at “pinababayaang ang mga datos at impormasyon ang
kumubinsi sa mambabasa” (Alamario 2016b, p. 32). Subalit hindi naman ito
nanfgangahulugan na hindi makatothanan ang anumang pahayag na ginagamitang una at
pangalwang panauhan, lalo na kung kailangan, kung mas inilalapit sa karanasan ng
audience at nagtatangka ng mas malikhaing estilo ng pagsulat. Ang paggamit ng
pantayong pananaw o “pag uulat sa sarili” (Navaro et al. 1997, p.2 ) sa komunikasyon sa
pangkalahatan ay mahalaga rin para bigyang diin na ang mga kababayang Pilipino
ankinakausap at ang kapakinabangan ng lipunang Pilipino ang minimithi ng pahayag ng
kaalaman.
6. Iwasan ang paglalahad ng impormasyon makapapahamak sa mga tagapagbatid (Creswell
2014 p. 99-100). Kailngang respetuhin ang kanilang karapatan sa privacy. Gumamit ng
alyas sa pangalan at lugar kung nararapat (Creswell 2014).

7. Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto para patotohanan at


palakasin ang mga punto, argument, o pahayag.
8. Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lalo na kung kahingian (halimbawa sa journal
article). May tatlong kilalang estilong pangsanggunian na ginagamit sa mga journal, term
paper, aklat, manwal at iba pang publikasyon: modern languages association (MLA)
American psychological association (APA), at Chicago manual of styles (CMS). Ang
pahayagan naman tulad ng Philippine Daily Inquirer ay naglabas ng sarli nitong
stylebook. Sa telibisyon at bidyo, ang mga batis ng impormasyon ay maaaring banggitin
sa iskrip o ipakita sa screen.
Pinakaimportante sa lahat ng konsiderasyon sa pagsusulat ang mga katunayan at datos na
magpapatibay sa pahayag at kaalaman. Higit sa gramatika, dulog at estilo, mas importante ang
kapani- paniwalang paglalahad . Ang kapani paniwala ay “nakasalig sa mga katayuan” (Almario,
2016, p.27)

You might also like