You are on page 1of 2

Atluna, Vermose Jr. N.

Hunyo 23,2021
1st Year/ BSMarE 1A Mercedes Manguerra

REAKSYON PAPEL
Sa Madaling Salita Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa
Perspektiba ayon kay Ricardo Nolasco

Ang wikang Filipino ay pinakapangunahing lengguwahe ng mga Pilipino, ito ang


pang araw araw natin na tayo ay nagkakaroon ng maayos na komunikasyon sa bawat
isa. Ito ay natutunan natin sa ating kapaligiran na kung saan naranasan natin na tayo’y
nakasalamuha sa ibat’t ibang tao, at natutunan din natin ito sa ating paaralan para mas
mapaunlad ang pinagmulan ng ating wika dahil ito ang saysay ng pagiging Pilipino at
para malaman ang ninaranasan na hirap ng ating mga ninuno para lang
mapangahalagaan ang ating wikang pambansa. Wikang Filipino ang ating
pagkakakilanlan, itoang nagsisilbi nating identidad ngunit ng dahil sa mga mananakop
ay nahaluan ito at nabahiran ng mga wikang banyaga.
Ang dokumentaryong aking napanood ay aking naramdaman na ang lalim ng
pinagmumulan ng bawat nagsasalita mula sa kanilang mga pananaw at karanasan
tungkol sa wikang pambansa, masasabi ko na may ibig silang ipahiwatig at layuning
gisingin ang bawat isa sa atin sa pagiging mas mapagpahalaga sa wikang sariling atin.
May isang pahayag sa bidyo mula kay Ricardo Nolasco na sinabi niya ito, "Kung gusto
nating nang tinatawag nating pambansang pagkakilanlan at pagkakaisa, isang
makapangyarihang instrument yung mayroon kang iisang wika. Yun ang palagiang
sinasabi pero palagiang din linalabag”. Ang pahayag na iyon ay tilang tumatak sa aking
isip at damdamin dahil para bang kahit na alam na natin ang problema at
pinagdadaanan ng ating wika para lamang ito ay mapanatili sa atin lalo na sa
edukasyon ng bawat estudyanteng Pilipino at ang pagrespeto sa iba’t iba nating wika at
kultura tulad sa ating mga katutubo. Tayong mga Pilipino ay may kakulangan sa
pagpapa-unlad at pagpapatibay ng ating wikang pambansa at ang mga ganitong
dokumentaryo sana’y mas mapagtuunang-pansin at panahon ng mga Pilipino.
Sa pag unlad ng wikang pambansa marami nang naniniwalang dapat Ingles na
ang gamitin dahil ito ang ginagamit na ng karamihan sa iba’t ibang bansa, ngunit ang
sariling wika ay hindi dapat kalilimutan dahil ito ang sangkap sa pambansang
pagkakakilanlan. Isang makapangyarihang instrumento na meron at may minamahal
tayong sariling wika. Dahil nga ang wika ay isang instrumento, maaari itong manipulahin
ng bawat isa sa pamamagitan ng hindi pakikipag-usap. Isang halimbawa ay ang pag
salita ng salitang banyaga upang hindi ito maintindihan ng iyong kausap at hindi
pakikipag-usap ay iyong nais dahil maaaring ipakita mo na ikaw ay mas mataas sa
kanya. Kung ating mapapansin, tayo tayo din naman ay nag-aaway away sa kung ano
ang ating wika. Sa aking tingin tunay na mahalaga ang ating wika dahil may mga bagay
na mas naiintindihan at naibabahagi kung ang wikang Filipino ang gamit.
Hanggang ngayon, di ko alam kung ano ang pagkakaiba ng Filipino sa Tagalog
kaya medyo nalilito ako sa panonood ng dokumentaryo. Ngunit baka ito ang buong
punto ng wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay “flexible” o may maraming anyo na
nagbabago base sa taong iyong kinakausap. Tulad ng sinabi sa dokumentaryo, maaari
kang magsalita ng Filipinong bisaya o Filipinong Cebuano, minsan pinagsasama natin
ang Wikang Ingles at Filipino. Ang importante ay maunawaan natin ang isa’t isa. Ang
Wikang Filipino ay tunay nga na isang lingua franca. Bagama’t ang Pilipinas ay
pinaghihiwalay ng dagat at ng iba’t ibang wikang nakasanayan, tayo ay may iisang
pambansang wikang kumokonekta sa atin. Kaya mahalin natin ito. Hindi lang dahil ito
ay sariling atin kundi dahil ito rin ang identidad natin bilang mamamayang Pilipino.

Ang Wikang Filipino ay dapat natin pagyamanin at ipagmalaki dahil ito ang
pinakapangunahing wika sa ating bansa at ito ang namana natin sa ating mga ninuno.
Ang wika natin ay mahalagang aspeto ng kultura at ito ay parte ng pagkakakilanlan ng
isang tao at bansa. Bilang isang Pilipino ay dapat huwag nating binalewala ang ating
wika, dapat natin itong pahalagahan, pagyamanan at ipagmalaki.

You might also like