You are on page 1of 3

ENROLLMENT SYSTEM NG PAMANTASANG LASALLE DASMARINAS: MGA DAPAT PAGBUTIHIN

Tiyak na suliranin (Javier, Juan Paolo) 1. Online Enrollment pero Manual Payment Sa panahon natin ngayon, lahat ng ginagawa natin ay napapadali sa gamit ng makabagong teknolohiya, isa na rito ang paggamit ng teknolohiya upang mapadali ang pang araw-araw na suliranin ng mga estudyante. Oo, online na ang pagpapatala na ginagawa ng mga estudyante, pero ano ang saysay nito kung maghihintay ka pa rin sa paaralan para pumili ng matagal para lang magbayad? Online na ang pagpapatala, bakit hindi puwedeng online na rin ang pagbabayad? 2. Kakayahan ni Roland at Pearl sa oras ng pagpapatala Noong nakaraang pagpapatala para sa ikalawang semestre, nakita naming ang kakulangan ni Roland at Pearl upang maayos at nasa oras na makapagpatala ang mga estudyante. High tech na ang paaralan at mga pasilidad n gating paraan, bakit hindi maayos ang servers ng enrollment? 3. Mga klase na puwedeng madissolve Sa pamantasang De Lasalle, may minimum na dami ng estudyante na dapat na nakapagpatala sa isang klase bago pahintulutang buksan ang nasabing klase. Kapag hindi nakaabot sa itinakdang dami ng estudyante ang klase na pinagtalaan mo, ang klaseng ito ay madidisolve. Pakinabang ng Pag-aaral (Reyes, Joseph) Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang sumusunod: Maliwanagan ng mga mag-aaral kung bakit ganito ang enrollment system natin Malaman ng Registrars office at ng mga dekano ang mga hinanaing ng mga estudyante ukol sa enrollment system Maisaayos/mabigyang solusyon/magpagbuti ang enrollment system para sa mga estudyanteng nagnanais mag-aral sa pamantasang De Lasalle

Teoryang Pansuporta (Fabillar, Noel) Batay sa taun-taong statistika na ginagawa ng Registrars Office, nakita naming na patuloy ang pagtaas sa dami ng mga estudyanteng pinipiling mag-aral sa pamantasang De Lasalle. Nakita rin naming na sa nakaraan, pinalitan na ang Enrollment System natin mula sa Manual Enrollment

papuntang Online Enrollment. Patuloy pa rin ang pag-taas ng estudyante pero tila ang sistema ng pagpapatala ay hindi naisasaayo. (Lahat ng statistikang nabanggit sa pag-aaral na ito ay mula sa pahayagang Heraldo Filipino) Metodolohiya (Macha, Eliezer) Uri ng Pananaliksik Kumparatibo ang gagamitin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito Mga kalahok sa Pag-aaral Ang mga kalahok sa pag-aaral ay ang mga sumusunod: Mga mag-aaral ng pamantasang De LaSalle Dasmarias (mga mag-aaral mula sa unang taon galing sa ibat ibang dalubhasaan) Mga dekano ng ibat ibang dalubhasaan Office of the Registrar Mag-aaral mula sa ibang pamantasan

Paraan ng pangangalap ng datos (Dimapilis, MJ) Para sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng panayam sa mga kalahok sa pag-aaral. Makikipag-ugnayan rin ang mga mananaliksik sa Aklatang Emilio Aguinaldo upang maghanap ng mga thesis na tutulong sa amin na mapabuti ang pag-aaral na aming gagawin. Note: Hindi pa nakagagawa ng mga tanong ang mga mananaliksik dahil hindi pa tiyak ang pagpasa ng topic na ito sa defense. Pagsusuri ng mga Datos Pagkatapos maisagawa ang mga panayam sa mga mag-aaral, bibilangin ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral na tinatangkilik ang enrollment system ng pamantasang De LaSalle Dasmarias at ikukumpara sa dami ng mga mag-aaral na nagkakaroon ng prublema sa enrollment system. Pagkatapos nito ay ikukumpara namin ang mga sagot sa panayam ng mga mag-aaral ng pamantasang De LaSalle Dasmarias sa mga estudyante mula sa ibang pamantasan.

You might also like