You are on page 1of 27

1

Isang Pananaliksik Tungkol sa Epektibong Solusyon para sa


Maayos at Mapayapang Proseso ng enrolment sa
Pamantasang De La Salle Dasmarias
Iniharap nina:
Erliz Camille Espiritu
Stephanie Ann Umali
Jonas Ivan Reyes
Panimula
Pagka-inip ng mga mag-aaral, pag-uunahan at pagtutulakan sa pila,
mga hindi
pagkakaintindihan sa pagitan ng mga magulang at sekyuriti, reklamo ng mga
magulang sa mga awtoridad at pagkainis sa proseso ng pamantasan.
Ito ay ilan lamang sa mga pangyayari sa opisina ng administrasyon ng
pamantasan at sadyang magulo ang mga sitwasyong ito kung ating iisipin.
Ang mga ito ay karaniwang makikita tuwing magbabayad ng matrikula ang
mga mag-aaral sa pagsisimula ng taunang pagtuturo o ng bawat semestre.
Sa kabila ng mga teknolohiyang ginagamit upang mapadali ang bawat
trabaho
sa sistemang ipinatutupad, hindi pa rin maiiwasan na magkaroon ng
problema ang bawat taong nakikinabang rito.
Mga kompyuter ang ginagamit ng Pamantasang De La Salle
Dasmarias sa pagrerekord ng ibat ibang transaksyon na isinasagawa
ngunit nagkakaroon pa rin ng mga balakid sa layunin ng mga awtoridad na
maayos na proseso ng enrolment.
Ayon sa Heraldo Filipino noong taong 2009, upang maiwasan ang mga
ganitong pangyayari, nagpatupad ang pamantasan ng prosesong tinatawag
nilang pre-registration. Dito na isinasagawa ang pag-aayos ng iskedyul ng

bawat mag-aaral. Sa pamamagitan rin nito, mapapabilis ang pagpili ng mga


asignaturang kukuhanin ng isang mag-aaral sa isang semestre. Ito rin ang
susi upang malaman ng mag-aaral kung magkano ang dapat bayaran na
matrikula. Madali itong maisasagawa sapagkat ito ay ginagawa online o sa
pamamagitan ng Internet. Sinabi ng awtoridad ng pamantasan partikular na
si Administrator Jonah Dave Mendez, ang Information Technology Center
Database Administrator na inaasahan nila na mas magiging epektibo ang
sistemang ito sa taong 2012.
Gumagamit man ito ng makabagong teknolohiya at nakakabawas man
ng trabaho para sa mga awtoridad ng pamantasan, may mga mag-aaral pa
rin na nakakaranas ng aberya sa iskedyul at kakulangan ng slot sa napiling
asignatura kahit nag pre-registration na sila. Ito ay isa sa mga dahilan kung
bakit lalong nagtatagal ang proseso ng enrolment.
Hindi nabigo ang mga awtoridad sapagkat nabawasan ang mga
transaksyon na isinasagawa at bahagyang bumaba ang bahagdan ng mga
problemang nangyayari sa opisina ng administrasyon. Bumaba man ang
kaso ng kaguluhan sa opisina ay patuloy pa rin ang pagkakaroon ng mga ito
kung kayat nagpatupad ng panibagong sistema ang pamantasan upang mas
maging maayos at mabilis ang enrolment.
Nagpatupad sila ng mga iskedyul upang makontrol ang dami ng magaaral na pupunta sa pamantasan. Ang mga mag-aaral sa unang taon at
ikatlong taon sa kolehiyo ay may parehong oras at araw ng pagbabayad ng

matrikula. Gayon din naman sa mga mag-aaral ng ikalawa at ikaapat na


taon.
Masakit mang isipin, ang pagiging epektibo ng prosesong ipinatupad
ng mga awtoridad ay hindi pa rin masukat hanggang ngayon sapagkat sa
kabila ng mga partikular na oras at araw na inilaan sa bawat mag-aaral,
nagkakaroon pa rin ng kaguluhan kapag nakapila na ang mga tao sa opisina
ng pamantasan. Bukod pa rito, hindi rin nasusunod ng maayos ang iskedyul
na ibinibigay ng awtoridad.
First come, first serve basis ang ipinatutupad sa mga araw ng
enrolment ayon sa mga awtoridad sa Registrars office, ito marahil ang
dahilan kung kayat ang mga taong nakapila ay nag-uunahan. Siguro ay nais
nilang matapos kaagad upang makauwi na at hindi na makipagsiksikan sa
iba.
Maraming tao ang nagkakagulo tuwing magbabayad ng matrikula sa
pamantasan, marami ang nauubos ang pasensya, maraming nasasaktan ng
pisikal dahil sa pag-uunahan at higit sa lahat, may mga pagkakataong ang
isang tao ay nakakapagsalita ng masakit sa mga sekyuriti at awtoridad dahil
sa kanilang galit at pagkairitang nararamdaman tuwing enrolment.
Sa bawat transaksyon na gagawin sa opisina ng administrasyon ng
Pamantasang De La Salle Dasmarias nagaganap ang mga nasabing
suliranin at nasisiguro ng mga mananaliksik na nakakaranas rin ang ibang
unibersidad ng ganitong mga problema.

Ang mga pangyayaring personal na nasaksihan ng mga mananaliksik


ang nagtulak sa mga miyembro ng ika-pitong grupo na gumawa ng
pananaliksik na nagtataglay ng paksang, Isang pananaliksik tungkol sa
Epektibong Solusyon para sa Maayos at Mapayapang Proseso ng enrolment
sa Pamantasang De La Salle Dasmarias.
Pinili ng mga mananaliksik ang paksang ito sapagkat mismong ang
mga miyembro ng ika-pitong pangkat ang nagkaroon ng pagkakataong
maranasan

ang

ibat

ibang

sitwasyon

at

suliraning

kinakaharap

at

nararanasan ng bawat taong nakapila sa opisina ng pamunuan tuwing


dumadating ang panahon ng pagbabayad ng matrikula ng mga mag-aaral sa
pamantasan.
Napagkasunduan

rin ng mga mananaliksik na ito ang piliing paksa

sapagkat nilalayon nilang matuklasan ang sanhi ng kaguluhan at ano ang


mali sa prosesong ipinatutupad kaya madalas nangyayari ang mga ganitong
sitwasyon. Nilalayon rin ng pananaliksik na ito na mabatid kung sino ang
tunay na may pagkukulang kaya nagkakaroon ng mga problema tuwing
enrolment.
Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakaroon
ang mga mananaliksik ng pagkakataong malaman ang ibat ibang saloobin
at pananaw ng bawat mag-aaral sa pamantasan.
Ang pagbatid sa mga pananaw ng ibang tao ay makatutulong sa mga
mananaliksik upang magkaroon ng maraming ideya at makalikha ng
mahusay na rekomendasyon tungo sa matagumpay na pananaliksik.
Magsasagawa rin ng ibat ibang metodolohiya ang mga mananaliksik
upang mangalap ng sapat na datos para sa isasagawang pag-aaral. Ang mga
paraang ito ay magiging malaking tulong upang maging mahusay ang

pananaliksik at makapagmungkahi ng mga epektibong solusyon sa suliranin


para magkaroon ng mapayapang proseso ng enrolment.
Mahalaga ang pag-aaral na ito sapagkat ito ang magiging susi upang
makapagpatupad ng panibagong sistema ang pamantasan tungo sa mas
maayos at sistematikong proseso ng pagbabayad ng mga matrikula o iba
pang transaksyon.
Mas mapapabuti at mapapaganda rin ang imahe ng pamantasan
sapagkat magkakaroon ng magandang ugnayan ang mga magulang,
sekyuriti, mag-aaral at mga awtoridad sa pamantasan.
Ang kabuluhan ng pananaliksik na isasagawa ay mabibigyang solusyon
ang mga problemang nangyayari tuwing proseso ng enrolment. Bukod pa
rito, bilang mga Lasalyano, naniniwala ang mga miyembro ng ika-pitong
grupo

na

kapag nabigyang solusyon

ang

kaguluhan sa opisina

ng

administrasyon tuwing may transaksyon na isasagawa, magkakaroon ng


magandang ugnayan sa pagitan ng mga magulang, mag-aaral, sekyuriti at
awtoridad ng Pamantasang De La Salle Dasmarias.

Metodolohiya

Para sa epektibo at konkretong pananaliksik na isasagawa, nabatid ng


mga mananaliksik na mangalap ng ibat ibang datos sa pamamagitan ng
sumusunod: a.) Pagkuha ng mga sampol b.) Sarbey c.) Interbyu d.)
Obserbasyon sa karanasan e.) Opinyon ng mga eksperto f.) Pagsusuri ng
mga datos
Pagkuha ng sampol
Ayon sa aklat na isinulat nina Fraenkel at Wallen (2008), ang
pagkuha ng sampol ay ang pagkuha ng mga tao sa isang populasyon
na sasagot sa isasagawang pangangalap ng datos. Kaugnay nito, isang
daang tagasagot ang kukuhanin ng mga mananaliksik para sa sarbey.
Ang mga taong kabilang dito ay mga Lasalyanong mag-aaral ng ibat
ibang kolehiyo. Isang daang tagasagot rin naman ang kabilang sa
interbyu na magmumula sa mga awtoridad ng Pamantasang De La
Salle Dasmarias at mga mag-aaral mula sa ibang pamantasan.
Sarbey
Ayon sa depinisyon nina Fraenkel at Wallen (2008), ito ay paraan
ng pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng katanungan na
sasagutin ng mga tao sa isang populasyon. Mula sa mapanuring
katanungan na ginawa ng mga mananaliksik, hihingi at masusing pagaaralan ng mga mananaliksik ang ibat ibang opinyon at saloobin na
magmumula sa mga Lasalyanong mag-aaral.

Interbyu

Ayon kina Fraenkel at Wallen (2008), ito ay maihahalintulad sa


sarbey, ang tanging pagkakaiba lamang ay tinatanong ng personal ang
mga respondents ng isang populasyon. Magsasagawa ng interbyu ang
mga mananaliksik sa mga mag-aaral mula sa ibang pamantasan upang
mabatid

ang

pagkakatulad

at

pagkaka-iba

ng

mga

prosesong

ipinatutupad sa bawat pamantasan. Kabilang rin sa interbyu ang mga


awtoridad ng Pamantasang De La Salle Dasmarias.
Obserbasyon sa karanasan
Ito

ay

paraan

ng

pagsagot

sa

isang

katanungan

sa

pamamagitan ng panunuod o pag-oobserba. Sa paraang ito, sisikaping


alalahanin ng mga mananaliksik ang bawat detalye sa kanilang mga
personal na karanasan noong sila ay nagbabayad ng matrikula. Ito ay
makatutulong upang mabatid nila ang pagkakatulad at pagkaka-iba ng
mga opinyon na magmumula sa mga Lasalyanong

sasagot sa mga

isasagawang sarbey at interbyu sa kanilang sariling pananaw.


Opinyon ng mga eksperto
Ang paraang ito ay pagsasaalang-alang ng mga karanasan at
kahusayan ng mga awtoridad at iba pang taong may sapat ng
kaalaman sa isang partikular na bagay. Kaugnay nito, ang mga
kasagutang magmumula sa mga awtoridad ng pamantasan, partikular
na sa mga sekyuriti at pamunuan ay magiging malaking tulong upang
mabatid ng mga mananaliksik ang tunay na sanhi ng suliranin ng pagaaral, mabigyang solusyon ito, at higit sa lahat, mabigyang solusyon

ang

problemang

kinakaharap

ng

bawat

isa

sa

opisina

ng

administrasyon.
Pagsusuri ng datos
Sa paraang ito pinag-aaralan ang mga datos na nakalap ng mga
mananaliksik.

Dito

susuriin

ang

bawat

detalyeng

nakalap

at

paghahambingin ang mga ito. Ipakikita ng mga mananaliksik ang


resulta ng pagsusuri sa pamamagitan ng mga tsart. Ipaliliwanag ng
mga mananaliksik ang pagkaka-iba at pagkakapareho ng mga nakalap
nilang datos na magmumula sa mga sasagot ng mga sarbey at
interbyu.

Pagtalakay
Layunin Blg. 1 - Matukoy ang mga sanhi tungkol sa mabagal na
proseso ng enrolment
Sa pamamagitan ng ibat ibang uri ng metodolohiyang ginamit upang
makapangalap ng datos ang mga mananaliksik ng ika-pitong pangkat,
nabatid nila ang mga saloobin at opinyon ng mga Lasalyanong mag-aaral na
nagmula sa ibat ibang kolehiyo.
Pagkuha ng mga sampol ang unang isinagawa ng mga mananaliksik,
may isang daan na sasagot sa mga isasagawang sarbey at isang daan na tao
rin naman ang para sa interbyu. Ang sarbey ay binubuo ng mga mag-aaral
ng Pamantasang De La Salle Dasmarias samantalang ang interbyu naman
ay binubuo ng mga awtoridad ng pamantasan at mga mag-aaral mula sa
ibang pamatasan.

Pagiging epektibo ng enrolment sa pananaw ng mga Lasalyanong mag-aaral


12
Epektibo
Hindi Epektibo
88

Tsart 1: Ang pagiging epektibo ng enrolment sa pananaw ng


mga Lasalyanong mag-aaral.

10

Ang unang katanungan sa sarbey ay pumapatungkol sa pagiging


epektibo ng enrolment sa pananaw ng mga Lasalyanong mag-aaral, ayon sa
tsart 1, 88 ng mga Lasalyanong mag-aaral na sumagot sa sarbey ang
nagsabing hindi epektibo ang prosesong ipinatutupad ng pamantasan tuwing
isasagawa ang enrolment. 12 naman ang sumang-ayon sa panuntunan at
prosesong ipinatutupad ng pamantasan.
Sa resulta ng sarbey, makikita na halos lahat ay nakakaranas ng mga
problema tuwing enrolment. Sinabi ng mga tagasagot sa sarbey na hindi
epektibo ang proseso ng enrolment sapagkat pumipila pa rin sila ng sobrang
tagal bawat semestre.
Ang mga katanungan sa sarbey ang sumasagot sa unang layunin ng
pag-aaral na matukoy ang sanhi sa mabagal na proseso ng enrolment. Ayon
sa mga kasagutan sa sarbey, ang sanhi ng mabagal at magulong proseso ng
enrolment ay ang pabago-bagong sistema na ipinatutupad ng pamantasan
sa mismong araw ng enrolment.
Sinabi ni Aira Mae Esguerra ng HUB11, marami ang naghahangad na
mauna sa pila kung kaya ang bawat isa ay gumagawa ng sariling paraan
upang mauna na nagreresulta ng kaguluhan. Ayon rin sa kanya, bagamat
namimigay ng mga konsekyutibong numero ang pamantasan para sa ikaaayos ng enrolment, hindi pa rin ito mahigpit na nasusunod dahil may mga
sekyuriti na nadadaan sa pakiusap ng mga magulang.

11

Sa pananaw naman ni Patricia Gunda ng BTM11, kawalan ng disiplina


ng mga mag-aaral at kakulangan sa panahon na inilaan ng pamantasan ang
mga sanhi ng mga problemang nasasaksihan sa enrolment.
Ayon sa kasagutan ng mga Lasalyanong mag-aaral sa ikalawang
tanong ng sarbey kung may pagbabago sa enrolment, sinabi nila na walang
pagbabago rito at sa halip na bumilis ang proseso sa bawat semestre, lalo
itong bumabagal at lalong dumadami ang mga suliraning kinakaharap ng
bawat isa, mag-aaral man o opisyal ng pamantasan.
Malaki man ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsabing hindi
epektibo ang proseso ng enrolment ng pamantasan, ibat iba naman ang
kanilang pananaw at kasagutan sa ikatlong katanungan sa sarbey na kung
sino talaga ang tunay na may pagkukulang kung kayat mabagal at magulo
ang enrolment.

Ang tunay na may pagkukulang sa enrolment sa pananaw ng mga Lasalyanong mag-aaral


Administratibo

8 6
30

Mag-aaral
56

Sekyuriti
Magulang

Tsart 2: Ang tunay na may pagkukulang sa enrolment pananaw


ng mga Lasalyanong mag-aaral.

12

Mula sa isang daang mag-aaral na nagbigay ng kanilang mga pahayag


sa pamamagitan ng sarbey, makikita sa tsart 2 na 56 sa kanila ang
nagsabing mga administratibo ang may pagkakamali kung kaya nagkakaroon
ng kaguluhan tuwing magsasagawa ng transaksyon sa opisina ng mga
awtoridad.
Ayon sa mga mag-aaral, isa sa mga sanhi ng kaguluhan ay bagamat
nagpapatupad ng panuntunan at iskedyul ang pamantasan, mismong ang
mga awtoridad rin ang lumalabag dito. Pinapayagan nilang pumila ang ibang
mag-aaral na hindi naman naka-iskedyul upang magbayad ng matrikula.
Pangalawang sanhi naman na itinuturing ng mga mag-aaral ay ang
hindi sapat ang oras at araw na inilalaan ng pamantasan para sa enrolment,
ito ay dahil masyadong marami ang nag-aaral sa pamantasan. Ayon sa
kasagutan ng karamihan sa mga mag-aaral, iminungkahi nila na walang time
management ang pamantasan at masyadong maluwag pagdating sa
pagpapatupad ng mga panuntunan.
Iminungkahi rin nila na pabago-bago ang ipinatutupad na sistema ng
pamantasan sa mismong oras ng enrolment. Sa kabila ng pamimigay ng mga
numero sa mga nakapila, hindi pa rin ito nasusunod at nag-uunahan pa rin sa
pagpasok sa opisina ng administrasyon.
Samantala, 30 Lasalyano naman ang nagsabing mismong ang mga
mag-aaral

ang

may

pagkukulang

kung

kaya

may

mga

kaguluhang

nagaganap sa enrolment. Ayon sa mga mag-aaral na ito, mga estudyante


ang pangunahing sanhi kung kaya nagkakaroon ng kaguluhan, ito ay dahil

13

masyadong mainitin ang mga ulo ng mga mag-aaral at hindi marunong


maghintay.
Sinabi nila na karaniwan sa mga mag-aaral sa pamantasan ay walang
tiyaga at kaunti ang pasensya, laging nagmamadali at nais kaagad matapos
ang mga ginagawa. Madalas nagbibitiw kaagad ng mga reklamo bago
sumunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng pamantasan.
8 naman ang nagsabing mga sekyuriti ang may pagkakamali tuwing
enrolment, ito ay dahil sa mga sitwasyong pinauuna ng mga sekyuriti ang
mga magulang na nakapila, kung kaya iniisip ng mga mag-aaral na
nagkakaroon ng dayaan sa pila sapagkat kahit sila ay matagal ng nakapila,
nauuna pa rin ang mga magulang na bagong dating pa lamang. Tinatawag
ng mga mag-aaral na special treatment o bias ang mga sekyuriti.
Bukod pa rito, sinabi nila na may mga sekyuriting mali ang
iminumungkahing sagot sa susunod na pupuntahan o gagawin kung kaya
lalong nagugulo ang mga nakapila.
6 namang Lasalyano ang nagsabing mga magulang ang may
kasalanan, ito ay dahil sila mismo ang nakikipagtalo sa mga awtoridad ng
pamantasan kung may mapansin silang problema. Hindi nila inaalam kung
ano ang dahilan ng kaguluhan at basta na lamang nagrereklamo.
Mula sa isang daang mag-aaral na sumagot sa sarbey, lahat sila ay
nagmungkahi na nakaranas na sila ng kaguluhan tuwing enrolment. Marami
naman sa mga kabilang sa sarbey ang nagsabi na kawalan ng disiplina ng
mga mag-aaral, awtoridad at magulang ay isa rin sa mga sanhi kung bakit

14

nagkakaroon na gulo. Ayon pa sa kanila, walang kooperasyon ang bawat isa


at isinasaalang-alang lamang ang sariling kapakanan.
Malaki ang pagkakaiba ng kasagutan mula sa sarbey sa mga nakalap
naming

kasagutan

sa

interbyu.

Nagsagawa

ng

interbyu

ang

mga

mananaliksik sa mga mag-aaral na nagmula sa ibang pamantasan. Bukod pa


rito, nakapanayam rin ng mga mananaliksik ang ilan sa mga awtoridad mula
sa opisina ng administrasyon. Ang paraang ito ay kabilang pa rin sa
pangangalap ng datos upang matukoy ang sanhi ng mabagal na enrolment.
Ayon sa isang awtoridad ng pamantasan na nagmula sa Student
Welfare and Formation Office (SWAFO), epektibo ang proseso ng enrolment
at laging may magandang pagbabago sa bawat semestre o taunang
pagtuturo. Batid niya ang mga kaguluhang nangyayari sa pamantasan
tuwing enrolment ngunit sinabi niya na mga mag-aaral ang may problema.
Sa kabila ng kanyang paniniwala na mag-aaral ang may pagkukulang,
sinabi niya na masyadong marami ang mag-aaral at hindi sapat ang panahon
na inilalaan para sa enrolment.
Epektibo ang enrolment ng pamantasan, ito ang sinabi ng mga opisyal
mula sa opisina ng administratibo. Ayon sa kanya, bago magsimula ang
enrolment, nagsasagawa sila ng ibat ibang plano upang maging maayos ang
proseso ng pagbabayad ng matrikula ng bawat mag-aaral ng pamantasan.
Ayon sa Office Assistant na si Ginoong Deng Bautista, hindi pa rin
maiwasan

ang

kaguluhan

sapagkat

nananatiling

maluwag

ang

mga

15

awtoridad sa kabila ng mga panuntunang inihahain ng pamantasan. Ayon rin


sa kanya, may mga magulang at mag-aaral na hindi sumusunod sa iskedyul.
Ang huling awtoridad na nakapanayam ng mga mananaliksik ay si Bb.
Jaselee Carandang, ang Accounting Associate ng pamantasan. Sinabi niya na
hindi epektibo ang proseso ng enrolment ngunit may pagbabago namang
nangyayari.
Ayon rin kay Bb. Carandang, ang bawat isa ay may pananagutan at
pagkukulang kung kaya magulo ang

enrolment. Sa kabila ng mga

panuntunang inilalaan ng pamantasan, nalalabag pa rin ito dulot ng mga


sitwasyong hindi inaasahan at nagkakaroon ng maliliit na problema sa
bagong sistemang ipinatutupad.

Pagiging epektibo ng enrolment ng ibang pamantasan

22

Epektibo
Hindi Epektibo

78

Tsart 3: Pagiging epektibo ng enrolment ng ibang pamantasan.


Mula sa mga mag-aaral na aming nakapanayam sa ibang pamantasan,
makikita sa tsart 3 na 78 porsiyento sa kanila ang nagsabing walang
kaguluhang

nangyayari

sa

kanilang

pamantasan

tuwing

enrolment

16

samantalang 22 naman ang nagsabing mayroong suliranin sa kanilang


pamantasan tuwing enrolment.
Ang 78 na mag-aaral na nagsabing walang kaguluhan sa kanilang
enrolment ay nagmula sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST), De La Salle
University Manila (DLSU), Philippine Normal University (PNU), Far Eastern
University (FEU), Adamson University at Airlink International and Aviation
College - Paraaque.
Ayon sa kanila, may kahabaan lang ang pila ngunit sistematiko naman
at mabilis ang paraang isinasagawa ng kanilang pamantasan. Mas nagiging
maayos ang proseso sapagkat maraming paraan ang pagbabayad ng
matrikula at halos buong transaksyon ay isinasagawa na sa online
enrolment.
Sila na mismo ang gumagawa ng kanilang Certificate of Registration at
dinadala na lamang ang resibo sa pamantasan upang maging patunay na
nakapagbayad na ng matrikula.
Samantala, 22 porsiyento naman ang nagmungkahi na nagkakaroon ng
kaguluhan sa kanilang pamantasan ngunit hindi naman umaabot sa
nagkakasakitan ng pisikal. Ang mga mag-aaral mula sa Mapua Institute of
Technology at STI ay itinuturo ang mga sekyuriti bilang sanhi ng kaguluhan
sa enrolment sa kanilang pamantasan sapagkat hindi raw tama ang itinuturo
ng mga sekyuriti sa mga susunod na gagawin.
Mga opisyal naman sa administrasyon ng kanilang pamantasan ang
sinisisi ng mga mag-aaral na nagmula sa Philippine State College of

17

Aeronautics

(PHILSCA),

Polytechnic

University

of

the

Philippines

Maragondon (PUP), Far Eastern University East Asia (FEU-EA), Lyceum of the
Philippines University Cavite (LPU), Technological University of the
Philippines - Manila (TUP), PATTS College of Aeronautics at Cavite State
University Indang at Imus (CavSU).
Ayon sa mga mag-aaral na ito, mababagal kumilos ang mga awtoridad
sa kanila, ang ibang paraan rin sa mga isinasagawang transaksyon ay manumano kung kayat maraming oras ang nasasayang.

Iba't ibang proseso ng enrolment

10

Random
Bawat Kolehiyo

10

Bawat Kurso
74

Bawat Antas

Tsart 4: Ibat ibang proseso ng enrolment


Sa tsart 4, makikita na random na proseso ang may pinakamaraming
bilang ng proseso ng enrolment sa ibang pamantasan, mayroon itong 74
bahagdan. Ang prosesong ito ay tinatawag din na First come, first serve
basis.

18

Parehong may 10 bahagdan naman ang nakuha ng prosesong bawat


kolehiyo at antas. Ang natitirang 6 na bahagdan ay tumutukoy sa prosesong
bawat kurso ang sistemang gamit sa pagbabayad ng matrikula.
Lahat ng nasabing pamantasan ay may ibang paraan ng pagbabayad
ng matrikula maliban sa Cavite State University na cash basis lamang ang
pinahihintulutan. Ito daw ay ipinatutupad upang maiwasan ang kaguluhan sa
pagitan ng bangko at pamantasan. Katulad naman ng ibang pamantasan,
ang Pamantasang De La Salle Dasmarias ay maaaring magbayad ng
matrikula sa bangko, sa pamamagitan ng tseke at mga SM.
Nag-obserba naman ang mga mananaliksik sa kanilang mga sariling
karanasan. Inilimbag nila ang bawat detalye at pangyayaring nangyari noong
nakapila sa opisina ng administrasyon para magbayad ng matrikula.
Nabatid ng mga mananaliksik na halos magkatulad ang kanilang
kasagutan sa mga kasagutan na nakalap nila noong isinagawa nila ang
sarbey. Sa pananaw ng mga mananaliksik, hindi maayos ang proseso ng
enrolment sapagkat kulang ang panahong nakalaan para dito. Pabago-bago
rin ang sistemang ipinatutupad na lalong nakapagpapagulo sa sitwasyon.
Ang pagiging maluwag rin ng mga sekyuriti sa pag-papatupad ng mga
panuntunan ay isa rin sa mga sanhi ng kaguluhan sa pananaw ng mga
mananaliksik. Ito ay nakapagdudulot rin ng kaguluhan sapagkat marami ang
nagtitiyagang pumila ng maaga ngunit nauunahan pa ng mga nahuhuling
dumating.

19

Sa pagkuha ng opinyon ng mga eksperto, sinuring mabuti ng mga


mananaliksik ang mga kasagutang ibinahagi ng mga eksperto noong
isinagawa ang interbyu. Ang mga kasagutan at pananaw na inihayag ng mga
opisyal ay makapagpapalawak ng ating pag-intindi sa mga prosesong
ipinatutupad ng pamantasan. Sa bahaging ito, nabatid ng mga mananaliksik
na nagpapatupad ng panibagong sistema ang pamantasan ngunit hindi pa
rin masubok ang pagiging epektibo nito at wala pang sinabing partikular na
panahon kung kailan ipatutupad ito sapagkat nangangailangan pa ito ng
pag-aapruba mula sa mga mas matataas na opisyal ng pamantasan.
Pagkukumpara at pag-aanalisa sa mga kasagutan mula sa sarbey,
interbyu, obserbasyon sa karanasan at opinyon ng mga eksperto ang ginawa
ng mga mananaliksik.

Sa pamamagitan ng mga ito, natukoy ng mga

mananaliksik ang sanhi at nagkaroon sila ng mga ideya kung anu-ano ang
maaaring ihain na solusyon upang maging maayos na ang proseso ng
enrolment sa Pamantasang De La Salle Dasmarias.
Layunin Blg. 4 - Mailahad ang saloobin ng mga mag-aaral tungkol sa
mabagal na proseso ng enrolment
Mula sa mga kasagutan sa sarbey at interbyu, iminungkahi ng mga
mag-aaral na talagang hindi sila kuntento sa mga panuntunang ipinatutupad
ng pamantasan tuwing enrolment. Sinabi nila na sa bawat semestre,
inaasahan na nilang laging magulo ang sistema ng pamantasan.

20

Isang mag-aaral mula sa JOU11 at bagong miyembro ng Heraldo


Filipino ang nagbahagi ng kanilang mga saloobin, sinabi nila na sa sobrang
pagka-inis na nararamdaman nila tuwing enrolment, gumagawa sila ng mga
artikulo na pumapatungkol sa kaguluhan sa sistema ng enrolment ng
pamantasan upang maipabatid ito sa mga awtoridad ngunit pakiramdam nila
na bigo sila sapagkat hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nasosolusyunan.
Layunin Blg. 5 - Makapaghain ng mga mungkahing solusyon upang
mapabilis ang proseso ng enrolment
Isa sa mga katanungang kabilang sa sarbey at interbyu ng mga
mananaliksik ay kung ano ang maaaring maimungkahing solusyon ng bawat
isa upang maiwasan ang kaguluhan sa enrolment.
Maraming Lasalyanong mag-aaral ang nagsabing kinakailangan
na magkaroon ng disiplina ang bawat isa upang maging maayos ang proseso
ng enrolment at mawala ang kaguluhan na nangyayari dito. Sinabi nila na
dapat ay mas higpitan dapat ang pagpapatupad ng mga panuntunan,
maging pantay sa mga taong nakapila at huwag maging bias. Higit sa lahat,
magkaroon ng sapat ng araw at oras ng enrolment upang maiwasan ang
kaguluhan.
Ayon naman sa isang opisyal ng Student Welfare and Formation Office
(SWAFO), ang pinakamabisang paraan kung siya ang tatanungin ay hayaan
ang mga mag-aaral na gumawa ng hard copy ng kanilang Registration Form.

21

Sinabi naman ni Ginoong Deng Bautista, isang Office Assistant sa


pamantasan, ang maibibigay niyang solusyon ay mabilis na pagpapakalat
ng impormasyon tungkol sa enrolment sa mga magulang at mag-aaral at
mahigpit na ipatupad ito, mas maaga ay mas maganda ayon sa kanya.
Sa pananaw naman ni Bb. Carandang, ang solusyon upang maiwasan
ang kaguluhan ay magkaroon ng disiplina ang bawat isa lalo na ang mga
mag-aaral at tuparin ang kanilang mga tungkulin tulad ng pagbabayad ng
matrikula sa tamang panahong inilaan ng pamantasan.
Sinabi rin ni Bb. Carandang na kailangang bigyang pansin ng
administrasyon ang mga sanhi ng kaguluhan at ano ang maaaring ibigay na
solusyon. Huwag magturuan, magtulungan ayon kay Bb. Carandang.

Kongklusyon
Mula sa pag-aaral ng mga nakalap na datos ng mga mananaliksik,
nabatid ng mga miyembro ng ika-pitong pangkat na maraming Lasalyanong
mag-aaral ang hindi kontento sa proseso ng enrolment na ipinatutupad ng
pamantasan.
Nalaman rin ng mga mananaliksik na batid ng mga awtoridad ang
kaguluhan ngunit inaamin rin nila na hindi sapat ang kanilang mga
ginagawang aksyon upang mabigyang solusyon ang kaguluhan tuwing
enrolment.

22

Mula sa panayam na isinagawa ng mga mananaliksik, sumang-ayon


sila sa sinabi ng Accounting Associate ng Pamantasang De La Salle
Dasmarias na si Binibining Jaselee Carandang. Sinabi ni Bb. Carandang na
lahat ay may pagkakamaling nagagawa tuwing enrolment. Ayon sa kanyang
pananaw, ang mga mag-aaral ay dapat magkaroon ng tiyaga at haba ng
pasensya sapagkat hindi naman batid ng mga awtoridad ang mga maaaring
mangyari tuwing may transaksyon na isinasagawa sa opisina.
Sa pananaw ng mga mananaliksik, ang bawat isa ay totoong may
pagkakamali tuwing enrolment. Kinakailangan na maging malawak ang pagunawa ng mga mag-aaral sapagkat hindi kasing dami ng mga mag-aaral ang
mga nagtatrabaho sa loob ng opisina ng administrasyon.
Kinakailangan na maisip ng bawat mag-aaral na hindi madali ang
trabaho

ng

mga

awtoridad

sa

pamantasan,

nagkakaroon

man

ng

pagkakamali sa sistema, kinakailangan nating intindihin ito sapagkat hindi


lamang tayong mga mag-aaral ang nahihirapan kundi bawat taong kasali sa
pagsasagawa ng mga transaksyon hinggil sa pagbabayad ng matrikula.
Ang mga mag-aaral ay kailangang maging mulat sa mga panuntunan
at magkaroon ng disiplina upang maging maayos ang pagsasagawa ng
proseso. Bilang mag-aaral, sumunod tayo sa panuntunan sapagkat ito ay
mas makabubuti at mas makadadali sa mga gawain hindi lamang para sa
ating mga mag-aaral, kundi para din sa mga awtoridad ng pamantasan.
Ang mga sekyuriti rin ay kailangang maging patas sa kahit kanino
mang tao upang walang makaramdam ng pagka-inis sa kanila. Paunahin

23

dapat ang mga nauna at paghintayin ang mga nahuhuli upang maging
pantay at maibigay ng maayos ang mga karapatan, mag-aaral man o
magulang.
Kinakailangan rin na ang mga magulang ay turuan ang kanilang mga
anak na matutong magbayad ng matrikula ng mag-isa upang mabawasan
ang dami ng tao sa opisina ng administrasyon. Kung hindi man maiwasan at
kagustuhan ng magulang na samahan ang anak sa pamantasan, dapat ay
tumigil na lamang sila sa isang lugar at huwag ng makihalo pa sa pagpila sa
opisina ng mga awtoridad.
Dapat rin ay magkaroon sila ng pasensya at malawak na pag-intindi
sapagkat mas nakatatanda sila. Alamin muna ang sanhi ng kaguluhan bago
magreklamo laban sa mga awtoridad at higit sa lahat, makipagtulungan at
disiplinadong

sumunod

muna

sa

panuntunan

na

ipinatutupad

ng

pamantasan at saka magbigay ng reaksyon tungkol dito.


At ang huli, para sa mga awtoridad, responsibilidad ng mga awtoridad
ang kaayusan ng proseso ng enrolment. Kinakailangan ay magpatupad ng
epektibong solusyon upang maiwasan ang kaguluhan. Magkaroon ng
partikular na sistemang ipatutupad, mahigpit na isagawa ito at malinaw na
ipabatid ito sa lahat ng mag-aaral at magulang upang magkaroon ng
malinaw na pagkakaintindihan at magandang ugnayan sa pagitan ng
awtoridad ng pamantasan, mag-aaral at magulang. Kung hindi man
magpatupad ng panibagong sistema ng enrolment, mas higpitan ang
pagpapatupad sa mga panuntunan na inihain ng pamantasan.

24

Rekomendasyon
Sa pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik tungkol sa paksang
Isang Pananaliksik Tungkol sa Epektibong Solusyon para sa Maayos at
Mapayapang Proseso ng

enrolment sa Pamantasang De La Salle

Dasmarias, lumabas sa pag-aaral na mas malaki ang bahagdan ng mga


sumagot na hindi epektibo ang sistemang ipinatutupad ng Pamantasang De
La Salle Dasmarias sa ngayon. May pitong kolehiyo sa pamantasan, ang
mga ito ay: College of Business Administration, College of Engineering and
Architecture Technology, College of Education, College of Liberal Arts,

25

College of Science, College of International and Hospitality Management at


College of Criminology and Justice. Ang lahat ng mag-aaral mula sa pitong
kolehiyo ng pamantasan na nasa una at ikatlong taon ng pag-aaral ay sabay
na nagbabayad ng matrikula. Samantala, ang mga mag-aaral naman mula sa
ikalawa at ika-apat na taon ng pag-aaral ang may parehong iskedyul ng
pagbabayad ng matrikula.
Mula sa pagsusuri ng mga datos na ginawa, nais imungkahi ng mga
mananaliksik na magpatupad ang pamantasan ng panibagong sistema ng
enrolment kung saan bawat kolehiyo ay magkakaroon ng iskedyul kung
kailan dapat pumunta ng pamantasan at magbayad ng matrikula. Sa bawat
kolehiyo, ang bawat kurso at taon ay dapat bigyan rin ng partikular na oras
upang matukoy mabuti ng bawat mag-aaral kung kailan dapat pumunta ng
pamantasan at kung kailan hindi.
Ang

pagiging

epektibo

ng

sistemang

iminumungkahi

ng

mga

mananaliksik ay subok na sapagkat ang sistemang inilahad ang karaniwang


ginagamit

ng

ibang

pamantasan.

Sa

interbyung

isinagawa

ng

mga

mananaliksik, ang mga pamantasan na gumagamit ng ganitong sistema ay


hindi nakararanas ng ano mang kaguluhan o suliranin tuwing enrolment.
Ito ay makatutulong upang kayanin ang dami ng tao sa opisina ng
administrasyon at magkaroon ng maayos na proseso. Sa pamamagitan ng
sistemang ito, maayos na maisasagawa ang bawat transaksyon sa proseso
ng enrolment na walang nangyayaring kahit anong kaguluhan.

26

Ang sistemang ito rin ang makatutulong upang magkaroon ng


malawak na pagkakaintindihan ang awtoridad at mga taong pumupunta sa
pamantasan. Ang malawak na pagkakaintindihan ay magiging malaking
tulong upang mabawasan ang pagkakamali sa proseso at maging mabilis
ngunit maayos ang mga transaksyon na isasagawa dito.
Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik na dapat ay maging mahigpit
ang mga sekyuriti sa pagpapatupad ng mga panuntunan upang lahat ng tao
ay sumunod para sa mapayapang enrolment. Kung hindi nakaiskedyul ang
isang mag-aaral sa pagbabayad ng matrikula, hindi dapat payagan na
magbayad upang maging sistematiko at patas sa lahat.
Bukod pa rito, batid ng mga mananaliksik ang iba pang mas mabilis na
paraan ng pagbabayad ng matrikula tulad ng pagbabayad sa bangko. Nais
rin iharap ng mga mananaliksik ang rekomendasyon na ihiwalay ang mga
counter ng mga magbabayad sa pamamagitan ng bangko sa ibang lugar o
bahagi ng opisina ng administrasyon upang hindi na makadagdag ng bilang
sa mga taong nagbabayad ng cash basis sa unahang bahagi ng opisina ng
pamunuan.
Ang paggamit ng pamantasan sa teknolohiya ay isang malaking tulong
rin kung kayat nais rin ipabatid ng mga mananaliksik ng ika-pitong pangkat
na magpatupad ng proseso ang pamantasan kung saan maaaring magbayad
ng matrikula online.

27

Sa pamamagitan ng mga prosesong iminungkahi ng mga mananaliksik,


makokontrol ng mabuti ng Pamantasang De La Salle Dasmarias ang dami
ng taong pupunta sa tanggapan ng mga pamunuan sapagkat espisipiko na
ang

mga

oras

ng

pagpunta

ng

bawat

mag-aaral

sa

opisina

ng

administrasyon. Bukod pa rito, marami na ang paraan ng pagbabayad ng


matrikula bukod sa cash basis at bangko.

You might also like