You are on page 1of 11

Rizal Technological University

Boni, Mandaluyong City

Kabisaan ng Learning Management System sa Performance ng mga Mag-aaral ng


Accountancy
KABANATA I
Introduksiyon
Ang ating bansa ay isa sa mga bansang patuloy pa ring nakikipagbuno sa

kalagayang dulot ng pandemya sa buong mundo. Tunay na ang lagay nating ito ay

isang hamon sa pagkamit ng mahusay at epektibong edukasyon ng mga mag-aaral.

Mabisa ang pagkatuto noon kumpara ngayong nasa gitna tayo ng pandemya sapagkat

mas mabilis at mas madaling maunawaan ang mga detalye at konsepto kapag nakikita

at naririnig ng paulit ulit. Napakakritikal ng yugto na ito sa mga mag-aaral higit na sa

mga nagkokolehiyo dahil maraming suliranin ang pumipigil sa mga mag-aaral upang

maging produktibo at epektibo sa kanilang mga pag-aaral. Isa sa mga suliranin ang

hindi pagiging organisado. Malaki ang oras na nasasayang resulta nito, dahilan upang

mataranta at malito ang mga mag-aaral higit na sa panahon ng pagsusulit subalit sa

paggamit ng prosesong tinatawag na Learning Management System ay maaaring

mapabuti ang kalidad ng pagkatuto at mapadali ang mga bagay na nagsasanhi ng

pagkalito sa ating pag-aaral.

(PAKIDAGDAGAN PO HEHE)
Paglalahad ng Suliranin

Pag aaralan ng mga mananaliksik ang mga balakid ng paggamit ng "moodle" bilang

"learning management system" sa akademikong pagsasanay ng mga mag-aaral ng

Accountancy. Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin upang

magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at solusyon ukol sa kabisaan ng learning

management system sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.

1. Anu-ano ang mga ginagamit na learning management system at gaano ito kabisa sa

akademikong pagsasanay ng mga mag-aaral?

2. Anu-ano ang mga suliranin sa paggamit ng moodle bilang learning management

system sa mga mag-aaral?

3. Ano ang mga epekto ng mga suliraning ito sa akademikong pagsasanay ng mga

mag-aaral?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat/titulo na "Kabisaan ng Learning Management

System sa Performance ng mga Mag-aaral ng Accountancy" ay nagbibigay

kahalagahan sa mga sumusunod:

Mga Magulang. Ang pag-aaral na ito ay isa sa magiging kasangkapan upang lubos na

maunawaan ng mga magulang ang nangyayari sa kanilang mga anak, makakatulong

rin ito upang malaman ng mga magulang ang mga salik sa saliksik na ito patungkol sa

Learning Management System ng paaralan. Ito ay nakakaapekto sa performance ng

mag-aaral dahil sa sobrang bagal ng system nahuhuli magexam o nahuhuli na

magpasa ng gawain. Nang sa ganon ay matukoy ng mga magulang kung bakit mababa

ang mga grado o marka ng kanilang mga anak. Maaari nila itong tulungan sa

pamamagitan ng pagmomotivate at pagsuporta sa kanilang mga anak.

Mga Estudyante. Matutuklasan ng mga Accountancy Student ang mga bagay o

suliranin na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral o performance sa paaralan. Nang sa

ganon ay masaliksik o mapag-aralan nila ng husto ang kanilang magiging pasya

habang gumagawa ng saliksik.

Mga Guro. Makakatuklas ang mga guro na parte ng kanilang pagtuturo ang

pagpapagawa ng pananaliksik sa kanilang mga Accountancy student na kung ano ang

mga bagay o mga salik na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral. Bukod pa rito,

magagabayan ng mga guro ang kanilang mga estudyanteng nagsasaliksik upang

magawa ito ng buo, wasto at makabuluhan.


Sa Paaralan. Ang saliksik na ito ay isa sa magiging kasangkapan upang mas

malaman ng mga parte ng paaralan ang mga nangyayari sa Accountancy Student ng

RTU patungkol sa Learning Management System. Kung mabisa ba ito o mas lalong

nakapagpapahirap sa mga estudyante. Upang malinawan sila kung anong solusyon

ang dapat gawin.

Sa Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay mahalagang malaman o mapag aralan sapagkat

ito ay pumapatungkol sa kalagayan ng mga Accountancy student sa rtu hinggil sa

paggamit ng Learning Management System. Magbibigay kaalaman ito sa lahat kung

ang proseso ng pag-aaral ngayon ay malusog pa ba para sa mga accountancy student

ng rtu o hindi. At dahil sa saliksik na ito magbibigay kalinawan na kung ano ang dapat

gawin o solusyon ng buong taong parte ng kagawaran ng edukasyon.

Sa mga Susunod na Mananaliksik. Ito ay magiging gabay at makapag aambag

kaalaman sa mga susunod o parating na mananaliksik. Ito rin ay makakatulong sa

kanila kung anong proseso ang dapat nilang gawin sa kanilang pag-aaralan.
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Learning Management System-

Online class

Academic Performance

Moodle-

Accountancy/ Akawntansi-

Kabisaan-

Saklaw at Limitasyon

(ako na dito-she)
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Araújo Junior at Marquesi (2009) ang Learning Management System

na kilala rin sa tawag na LMS ay isang birtuwal na kapaligiran kung saan ang

interaksyon ay nangyayari sa pamamagitan ng paggamit ng mga device na nagbibigay-

daan sa komunikasyon na maaaring "synchronous" o "asynchronous" upang makalikha

ng mga estratehiyang makakapang-hikayat sa mga mag-aaral na lumahok sa klase.

Ayon naman kay Lonn at Teasly (2009) ang Learning Management System ay web-

based system na nagbibigay daan sa guro at mag-aaral na makapag-bahagi ng mga

materyales at makapag-pasa ng mga takdang-aralin. Dagdag pa rito, ang LMS ay

ginagamit din sa pakikipag-komunikasyon online. Samantala, inilathala naman ni

Almrashdeh et al. (2011) na ang LMS ay isang software na ginagamit upang magplano,

magpatupad at magsuri ng isang partikular na proseso ng pag-aaral.


Matatagpuan sa moodle ang listahan ng mga kalahok, guro at mag-aaral,

kalendaryo na may iskedyul ng kurso at listahan ng mga takdang aralin, at mga

pagsusulit. Tampok rin dito ang forum o talakayan, kung saan ang mga mag-aaral ay

maaaring magbahagi ng komento at magtanong, glosaryo ng mga termino, at mga link

sa iba pang maaaring mapagkukunan ng impormasyon sa Web. Base sa pag-aaral ni

Ortiz (2017), nakaranas ang mga guro at mag-aaral ng mga suliranin sa paggamit at

paglikha ng mga gawain sa LMS. Batay sa isinalaysay ni Garcia-Peñalvo (2011), ang e-

learning ay mapanganib sa maraming paraan sa dahilan na hindi naisaalang-alang ang

pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang LMS ay malimit na bigo sa paglikha ng

inaasahang resulta at ito ay nagmumula sa maling paggamit ng LMS, at madalas na ito

ay nakatuon sa pangangailangan ng kurso at institusyon sa halip na sa mga mag-aaral.

Isinalaysay din sa pag-aaral ni Ortiz (2017) na mahalagang makahanap ng higit na

mainam na pagkakaunawa sa kung paano mapagbubuti ang learning management

system. Ang moodle ay ginagamit rin ng mga mag-aaral sa kursong Accountancy sa

Rizal Technological University. Sa paggamit ng moodle bilang LMS, humarap sa mga

suliranin ang ilang mga mag-aaral tulad na lamang ng hindi maka-access ang mga

mag-aaral sa kanilang account, at hindi rin gamay ng mga ilang guro ang feature

application nito. Dagdag pa rito, may mga mag-aaral na hirap sa paggamit nito. Ang

pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa Kabisaan ng Learning Management System

sa Performance ng mga Mag-aaral ng Accountancy sa Rizal Technological University.

Kaugnay na Pag-aaral

Base sa pag-aaral ng www.capterra.com, 14% ang gumagamit ng moodle bilang

LMS software, Ortiz (2017). Ang Moodle ay isang computer system na ginagamit upang
makalikha at makapagbahagi ng mga materyales pangpagtuturo online. Ito ay

naaangkop sa blended learning, distance learning, at e-learning projects sa paaralan,

unibersidad, trabaho at iba pang sector. Ito ay ginagamit ng libo-libong mga institusyong

pang-edukasyon upang magbigay ng isang organisadong interface para sa e-learning o

pag-aaral sa internet. Ito ay nagbigay daan rin sa mga guro upang makalikha ng mga

online na kurso, kung saan ang mga mag-aaral ay maaaring mag-access sa isang

birtuwal na silid-aralan.

(need pa to dagdagan , pakihelp naman si samson. @castillo, Legaspi, Ompad)

kahit tig-iisa lang po. Thankie! :”))

KABANATA III

Sa kabanatang ito tinatalakay ang mga metodolohiya at mga pamamaraang

ginamit sa pag-aaral pati na rin ang mga bilang ng kalahok o respondente upang

mabigyang katuparan ang pananaliksik.

Disenyo at paraan ng pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa Kabisaan ng Learning Management

System sa Performance ng mga Mag-aaral ng Accountancy. Ang ginamit na disenyo sa

pag-aaral na ito ay kwantitatibo (quantitative) at deskriptibo upang malaman at

mailarawan ang suliranin o paksa ng pag-aaral.


Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng taltanungan o survey questionare upang

makakalap ng mga datos mula sa mga respondente na magagamit at makatutulong sa

nasabing pag-aaral.

Respondente

Ang mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng mga piling mag aaral

upang maging respondenteng kasangkapan sa pananaliksik na ito. Bilang tiyak, pipili ng

sampung (10) boluntaryong magaaral na sasagot ng sarbey na inihanda ng mga

mananaliksik. Sila ay mga estudyanteng nagmula sa iba’t-ibang antas at pangkat sa

kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA). Sila ay mga estudyante ng Rizal

Technological University ng Lungsod ng Mandaluyong. Ang mga respondente ay

mainam at maingat na pinili sa kadahilanang sila ang gumagamit ng Learning

Management System na ipinatupad ng paaralan upang maging isa sa mga

kasangkapan sa pag aaral ngayong nasa gitna tayo mg pandemya.

Instrumento ng pananaliksik -Ompad

You might also like