You are on page 1of 15

Paggamit ng Modyul sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Naga National High School

Baitang -10 sa Pagbuo ng Pangungusap: Isang Pagsusuri


Kabanata:1
Introduksyon
Higit isang taon na ang nakalipas mula nang gambalain ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic ang
normal na buhay ng mga tao. Kabilang sa mga institusyong matinding tinamaan ay ang sistema ng
edukasyon sa bansa.  Maraming nagbago sa paraan ng pag-aaral ngayon dahil na rin sa patuloy na pag-
unlad ng teknolohiya at sa mga nangyayari sa buong mundo pagdating sa usaping pangkalusugan.

Kung noon ay home schooling at traditional schooling lang ang pagpipilian ng mga magulang, ngayon ay
mayroon na ring distance learning at blended learning approach.

Ang blended learning approach ay kahit anong education strategy na pinaghahalo ang mga digital at
traditional na paraan ng pagtuturo. Ibig sabihin, magkahalo ang mga online activities, webinars, at
modules para turuan ang mga mag-aaral.
Ayon sa mga pag-aaral, epektibo at nakakatulong ito sa tinatawag na long-term information retention ng
mga estudyante o ang kakayahan nilang panatilihin sa isip nila ang mga natutunan nila.
May dalawang paraan sa pagpapatupad ng blended learning approach. Isa ang paghahalo ng pag-aaral sa
online at physical classrooms samantalang ang isa ay purong online lang gamit ang mga instructional
videos at mga interactive tools.

Samantala, ang blended learning approach naman ay binubuo ng pinagsamang webinars, online modules,
at instructor-led na pag-aaral. Kabilang din sa blended learning approach ang mga printed at offline
modular learning, pati na rin ang television at radio-based na pagtuturo.

Ang Naga National High School ay isa sa mga paaralan sa buong bansa na nagpatupad ng blended
learning approach (offline modular learning), ito ay bilang pagsunod at pag-angkopn sa pagbabago ng
Sistema ng pag-aaral bunsod ng pandemya. Sa kasalukuyan mayroong 445 baitang – 10 na mag-aaral ang
Naga.
Sa isang survey na inilabas nitong Marso 2021 ng Social Weather Stations (SWS), 89 porsiyento ng mga
Pilipinong pamilya na may miyembro na naka-enroll sa school year 2020-21, ay ikinokonsidera ang
blended learning na “more difficult” kumpara sa regular na face-to-face setup. Ilang magulang ang
nagsabi na sa kasalukuyang sistema, bagamat provided ng mga paaralan ang printed materials at online
support, kalimitang kailangang matuto mag-isa ng mga estudyante. Ang iba namang mga ina at ama ay
tumayo nang guro sa kanilang tahanan, na mahirap para sa mga hindi naman full-time houseparents. : (1)

Mahalaga ang papel na ginampanan ng mga magulang sa matagumpay na implementasyon ng blended


learning system ng Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa
lungsod.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Paggamit ng Modyul sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Naga
National High School Baitang -10 sa Pagbuo ng Pangungusap: Isang Pagsusuri . Ang layunin ng pag-
aaral na ito ay matukoy ang kalagayang pangakademiko ng mag-aaral partikular sa pagsulat at pagbaybay
gamit ang wikang Filipino ng pangungusap.

Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan ang mga sumusunod
na suliranin:

1. Ano ang maaaring dahilan at sagabal sa pagkatuto ng mga ilang piling mag-aaral sa Baiting-10 sa
pagbuo ng pangungusap gamit ang wikang Filipino?

2. Kung pasusulatin ang mga mag-aaral, ilang porsyento ng tatlumpong (30) piling mag-aaral ng
Baitang – 10 ang may kaalaman sa pagbuo ng pangungusap gamit ang wikang Filipino?

3. Paano matututgonan ang paglaki ng bilang ng mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbuo ng


pangungusap gamit ang wikang Filipino at mas pagyayamain ng mga mag-aaral na may kaalaman
sa pagbuo ng pangungusap?
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang paraan upang mas lalong maunawaan ng bawat isa ang mga karanasan
sa pagkatuto ng mga estuyante sa panahong ito ng pandemya sa pagsasagawa ng modular learning sa
akademikong performans ng mga mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Sa departamento ng paaralan – makakatulong ito sa kanila upang matukoy ang lakas at kahinaan ng
bawat mag-aaral sa bagong paraan ng pag-aaral na ito at para sa kagawaran ng paaralan na gabayan
ang kanilang mga mag-aaral sa pinakasimpleng paraan at kung paano nila mas pagtutuunan ng pansin
ang mga mga mag-aaral

Sa mga Guro- makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng mga kaalaman at
kabatiran sa mga dapat na gawin para sa isang matagumpay at kalidad na edukasyon sa bagong
sistema ng edukasyon, ang New Normal setting. Magiging gabay at patnubay ito upang mas
maunawaan ng mga guro ang sitwasyon ng bawat estudyante sa paggamit at pag-aaral sa modyular na
pagkatuto sa mas epektibo at produktibong paraan.

Sa mga magulang - ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, ay makakapag-isip
isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak, kasabay ng paggabay tungo sa
maayos at magandang pamamaaran ng kanilang pag-aaral

Sa mga mag-aaral - sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mailalahad ang mga kalakasan at


kahinaan ng mga piling mag-aaral sa baitang-10 ng Naga National High School sa kung paano nila
mapaghuhusayan at mapagtatagumpayan ang bagong sistema ng edukasyon

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paggamit ng modyul sa pagkatuto ng mag-aaral. Saklaw ng


pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na nasa Naga National High School na may bilang na 30. Ang mga
mag-aaral na nasa ika-10 na baitang ang magsisilbing respondent na taga-tugon sa serbey kwestyuner na
sumasaklaw patungkol sa gagawing pananaliksik na pumapaksa sa paggamit ng modyul sa pagkatuto ng
mga mag-aaral sa Naga National High School baitang 10 sa pagbuo ng pangungusap: isang pagsusuri.
Ang pananaliksik na ito ay nakatitiyak na magiging kompidensyal at pribado ang panlahat na
saloobin, opinyon at kasagutan ng mga respondente.

Balangkas Konseptwal

Ang pananaliksik na ito na may paksang “ Paggamit ng Modyul sa Pagkatuto ng mga mag-aaral ng
Naga National High School Baytang 10 sa Pagbuo ng Pangungusap: Isang Pagsusuri” ay ginamitan ng
input-process-output model. Inilalahad ng input frame ay profyl ng mga tagatugon tulad na lamang ng
paaralan baitang. Ang Input ay naglalaman ng mga datos na kailangan upang malutas ang suliranin. Ang
proseso naman ay nagsagawa ng interview upang makakuha ng impormasyon. Ang mga impormasyon
nakolekta ay sinuri at pinag-aralan ng mga mananaliksik. Habang ang output frame nman ay sumasaklaw
sa implikasyon ng mga nakalap na datos at ang epekto, resulta ng pag-aaral o naglalaman ng nagging
resulta at kinalabasan ng isinagawang pananaliksik.

INPUT: PROSESO:
OUTPUT:
 Pagsagawa ng isang
Ang profyl ng mga pagiinterbyu “Mas mapabuti at
tagatugon ay ang mga  Pagbuo ng pangungusap napagyaman ang
sumosunod: gamit ang Wikang Pagbuo ng
1. Paaralan Filipino pangungusap gamit ang
2. Baitang  Pagsusuri ng sanaysay Wikang Filipino”

Modyular – ang modyular


na pagkatuto ay isang
nakalimbag na material, layuning mapalawig ang pagkatuto ng isang mag-
aaral sa panahon ng pandemya.
Teknolohiya - Ang teknolohiya ay isang produkto o solusyon na binubuo ng isang hanay ng mga
instrumento, pamamaraan, at pamamaraan na idinisenyo upang malutas ang isang problema.
Modular Distance Learning - Ang Modular Distance Learning ay isang individual na pagbibigay ng
kaalaman sa pamamagitan ng paggamit ng mga mag-aaral ng self-learning modules o SLMs.
Blended Learning Approach - Ang blended learning approach ay kahit anong education strategy na
pinaghahalo ang mga digital at traditional na paraan ng pagtuturo.
Radio-Based Instruction – Ang RBI (Radio-Based Instruction) ay isang epektibong kagamitan na
ginagamit upang mailahad ang mga dagdag na kaalaman na dapat kailanganin ng isang mag-aaral na
hindi na kinkailangan ng maayos o malakas na internet connection.
Input-Process-Output model - Ang konseptwal na balangkas o conceptual framework´ ng pag-aaral na
ito ay ginamitan ng input-process-output model. Inilalahad ng input frame ang profyl ng mgatagatugon
tulad ng edad, kasarian, katayuan sa buhay at pag-uugali. Mga karaniwangsitwasyon na pinagdadaanan
ng mga estudyante at ang kanilang karaniwang mgagawain sa pang-araw-araw. Ang process frame ay
tumutukoy sa mga hakbang nagagawin ng mga mananaliksik ukol sa pagkuha ng mga datos saklaw ang
interbyu atdokumentasyon ng mga nakalap na resulta. Ang output frame ay sumasaklaw saimplikasyon
ng mga nakalap na datos at ang epekto ng maling pagdidiyeta sakalusugan ng mga mag-aaral.
Webinars - ay isang pangyayari na ginaganap online. Tinatawag din na webcast o online event. Mula sa
pinagsamang kataga na web at seminar. Ang organisasyon o kompanya na nagtanghal ng webinar ang
siya na ring host nito. Ipinalalabas sa pamamagitan ng internet sa mga piling indibidwal o grupo.
Kadalasang binubuo ng mga audio at visual.
Traditional Learning – Ay isang uri ng Teacher Centered na kinakailangan ng harap-harapang pagtuturo
sa mga mag-aaral. Sa ganitong paraan mas nabibigyang diin at mas nalilinang ang mga mag-aaral sa mga
nararapat nilang matutunan.

Balangkas Teoretikal
Studies have established that factors such as content, rhetorical strategy or linguistic (grammar,
spelling,vocabulary) and non-linguistic features (organization, style, content etc.) can separate less
proficient and more proficient writing. These factors, however, are weighed differently by raters
depending on their background and experience (Kobayashi, n.d.; Weltig, n.d.,Cumming et al., 2002).
Previous studies have indicated that errors do significantly affect raters’ evaluation of the overall
quality of essays. For instance, Sweedler-Brown (1993) attributed the low scores of L2 essays for the
original than for the corrected essays to sentence-level errors.
Ang pananaliksik na ito ay may kaugnayan sa ginawang pag-aaral tulad ng kung paano
nakakaapekto sa pangkalahalatang ebalwasyon at pag susuri ng pangungusap at sanaysay ang mga
sumusunod na salik (nilalaman, paraan ng paggamit ng tamang retorika o lingguwistikas( gramatika,
pagbabaybay, bokabularyo, organisasyon, istilo, nilalaman atbp). Ang mga nabanggit na salik ang siyang
basehan ng pangkalahatang pagsusuri sa gawaing sanaysay at itong rin ang magbibigay hatol kung
mahusay ang ginawang pagsusulat.
Dito natin makikita kung bakit napakahalagang may sapat na kaalaman ang isang mag-aaral sa
paggamit ng tamang gramatika at retorika lalo pa’t sila’y nasa blended learning approach (offline modular
learning). Kung ang mag-aaral ay kabisado na ang gramatika at retorika ay mahusay na nitong
matutugunan ang bawat katanungan at mga gawain sa kanilang modyul.
Kaligiran ng Pag-aaral
Panimula
Sa kasalukuyang panahon, sa paglaganap ng pandemya, kabi-kabila ang naapektuhan sa iba’t ibang
panig ng mundo. Naging banta sa ekonomiya, kalusugan gayundin sa sistema ng edukasyon. Maraming
nabago sa paghahatid ng kaalaman para sa mga mag-aaral kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya.
Ang blended learning approach ay kahit anong education strategy na pinaghahalo ang mga digital at
traditional na paraan ng pagtuturo. Ibig sabihin, magkahalo ang mga online activities, webinars, at
modules para turuan ang mga mag-aaral.
Batay sa obserbasyon ng mga mananaliksik, maraming mga mag-aaral ang kulang na sa kaalaman lalo
na sa pagbuo ng pangungusap gamit ang Wikang Filipino, na minsan ay nagiging dahilan ng mali at hindi
malinaw na komunikasyon.
Ayon sa mga pag-aaral, epektibo at nakakatulong ito sa tinatawag na long-term information retention ng
mga estudyante o ang kakayahan nilang panatilihin sa isip nila ang mga natutunan nila.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Paggamit ng Modyul sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral ng Naga
National High School Baitang -10 sa Pagbuo ng Pangungusap: Isang Pagsusuri . Ang layunin ng pag-
aaral na ito ay matukoy ang kalagayang pangakademiko ng mag-aaral partikular sa pagsulat at pagbaybay
gamit ang wikang Filipino ng pangungusap.
Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan ang mga sumusunod
na suliranin:
1. Ano ang maaaring dahilan at sagabal sa pagkatuto ng mga ilang piling mag-aaral sa Baiting-10 sa
pagbuo ng pangungusap gamit ang wikang Filipino?

2. Kung pasusulatin ang mga mag-aaral, ilang porsyento ng tatlumpong (30) piling mag-aaral ng
Baitang – 10 ang may kaalaman sa pagbuo ng pangungusap gamit ang wikang Filipino?
3. Paano matututgonan ang paglaki ng bilang ng mga mag-aaral na nahihirapan sa pagbuo ng
pangungusap gamit ang wikang Filipino at mas pagyayamain ng mga mag-aaral na may kaalaman sa
pagbuo ng pangungusap?

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isang paraan upang mas lalong maunawaan ng bawat isa ang mga karanasan sa
pagkatuto ng mga estuyante sa panahong ito ng pandemya sa pagsasagawa ng modular learning sa
akademikong performans ng mga mag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:
Sa departamento ng paaralan – makakatulong ito sa kanila upang matukoy ang lakas at kahinaan ng bawat
mag-aaral sa bagong paraan ng pag-aaral na ito at para sa kagawaran ng paaralan na gabayan ang
kanilang mga mag-aaral sa pinakasimpleng paraan at kung paano nila mas pagtutuunan ng pansin ang
mga mga mag-aaral
Sa mga Guro- makakatulong ang pananaliksik na ito upang magkaroon sila ng mga kaalaman at kabatiran
sa mga dapat na gawin para sa isang matagumpay at kalidad na edukasyon sa bagong sistema ng
edukasyon, ang New Normal setting. Magiging gabay at patnubay ito upang mas maunawaan ng mga
guro ang sitwasyon ng bawat estudyante sa paggamit at pag-aaral sa modyular na pagkatuto sa mas
epektibo at produktibong paraan.
Sa mga magulang - ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak, ay makakapag-isip isip
ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak, kasabay ng paggabay tungo sa maayos at
magandang pamamaaran ng kanilang pag-aaral
Sa mga mag-aaral - sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mailalahad ang mga kalakasan at kahinaan ng
mga piling mag-aaral sa baitang-10 ng Naga National High School sa kung paano nila mapaghuhusayan
at mapagtatagumpayan ang bagong sistema ng edukasyon.

Hakbang sa Pagkalap ng Datos


Ang pag-aaral ay gumamit ng interbyu sa pagkalap ng datos. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng
kwestyuner upang matukoy ang porsyento ng mga piling mag-aaral sa Baitang 10 ng Mataas na Paaralang
Pambansa ng Naga.
Upang matukoy ang porsyento, ang mga piling respondante sa Baitang 10 ay nagsulat ng sanaysay
tungkol sa kanilang sarili, Ang mga mananaliksik ay gumamit ng krayterya sa pagtukoy ng kanilang antas
sa pagbuo ng pangungusap gamit ang Wikang Filipino.
KRAYTERYA SA PAGBUO NG PANGUNGUSAP

Krayterya Porsyento
- Kaangkupan ng gamit ng salita at bantas 50%
- Kabuuan ng ideya 20%
-Tamang pagbaybay ng salita 30%
KABUUAN 100%
Table 1.0
KAUGNAY NA LITERATURA

Ang Modyul Bilang Primaryang Kagamitang Pampagtuturo


Hindi mapapalitan ang kahusayan at kahalagahan ng guro sa pagtalakay ng aralin. Sila ang
tagapanguna sa klase upang maabot ngmga mag-aaral ang hiyas na karunungang kanilang dapat
tamuhin. Ngunit hindi rin maitatanggi na ang kahusayan ng mga guro ay higit na mapauunlad sa
pamamagitan ng iba’t ibang kagamitang pampagtuturo.
Ang mga kagamitang ito ang magiging lunsaran ng mga guro sapaghahatid ng kaalaman sa mga
mag-aaral. At isa sa pinakatampok nakagamitang pampagtuturo ay ang modyul.Sa mayamang
impormasyong ukol sa masining na pagtuturo na nakapaloob sa aklat ni Belvez (2001), “Ang
Sining at Agham ng Pagtuturo”, inilahad na ang modyul ay isang kagamitan sa pansariling pag-
aaral ng mga aralin. Sa tulong ng mga tiyak na takdang gawain sapagkatuto ng maayos ang
pagkabuo at kalakip ang mga kaugnay na nakaraang gawain sa pagkatuto ay inilalahad at
itinuturo ang mga aralin.Sa pamamagitan ng mga pamatnubay na pagsubok pagkatapos ng bawat
munting likha ng aralin at ng pangwakas na pagsusulit sa katapusan ngmodyul ay nagkakaroon
ng pagtataya sa anumang kaalamang nakuha ng mga mag-aaral sa modyul. Maliban sa aklat, ang
modyul ay isang gamitin na kagamitang pampagtuturo sa kasalukuyan. Magkamukha ang aklat
at ang modyul ngunit maaaring ang modyul ay may serye at nakaangkla sa ibinibigay na
pamantayan at nilalaman ng mga aralin. Ang modyul ay naglalaman ng mga gawain na may
kaugnayan sa tatalakayin ng guro at ito ay nagsisilbing basal at supplementary sa pagitan ng guro
at mag-aaral. Para sa pagpapaunlad at pagpapayaman ng pagtuturo sa paaralan, naglalaan ang
gobyerno ng kagamitang pampagtuturo upang mapalalim at mailapit sa epektibong pagtuturo at
pagkatuto ang mgatalakayan sa klase. Isa na sa tampok na ginagamit ang modyul. Sinasabi sa
isang blog na ginawa ni Noel R. Duran (w.p.), isang Master Teacher -I,na ang modyul ay isang
set ng mga gawain sa pagkatuto na maayos nabinuo na may kalakip na mga araling may tiyak na
layunin, pagpapahalaga at sangguniang pagsusulit na malaki ang tulong sa mga guro at mga
mag-aaral para sa maayos at masikhay daloy ng talakayan. Kaugnay nito, inilahad din ni Noel R.
Duran (w.p.) ang mga katangiang taglay ng modyul gaya ng sumusunod: (a) Malayang
ginagamit na may buong pakikilahok ang klase; (b) Natatamo ng mga mag-aaral ang mga
layunin/ tunguhing na may patnubay ng mga guro; (c) Nagtataglay ng mga tiyak ng gawain,
panuto at pagtataya na malinaw at maayos na inilapat. Dagdag pa niya, ang mga yunit
pampagtuturo sa modyul ay maaaring ilahad sa anyo ng teksto, audio o video
recording, programmed materials, pagsasanay panglaboratoryo o anumang malikhaing gawaing
pampagkatuto. Sinasabi rin na ang mga modyul ay dapat interaktibo at madaling gamitin kung
saan ay nagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng guro at mga mag-aaral at mga gawain ay
marapat na maging mapanghamon, malikhain at masining upang mahubog at malinang ang
kasanayan at kakayahan ng bawat mag-aaral. Gayundin, turuan ang mga mag-aaral sa lahat ng
aspetong pangkaisipan,pandamdamin at pansaykomotor upang magbunga ng lubos
napagkatuto.May mga elemento rin ang modyul na binaggit ni Noel R. Duran(w.p.) katulad ng
(1) Malayang yunit ng instruksyon; (2) Malinaw na tinutukoy ang mga dapat na matamong
layunin; (3) Nagtataglay ng mga set ng mga sistematikong paglalahat ng mga gawain sa
pagkatuto; (4) at may paraan ng ebalwasyon ng mga gawain. Mahalagang sangkap rin ang mga
elemento dahil ito ang nagpapatibay ng modyul gayundin naman,hindi mabubuo ang isang
modyul kung wala itong mga komponent na magpapatibay ng gamit nito bilang isa sa
kagamitang pampagtuturo.Narito ang mga taglay na komponent ng binuong modyul: (a)
Paglalahad ng Layon, ito ay paglalarawan sa kahalagahan ng modyul mula sa paningin ng awtor
at ng mga gumagamit nito, ang guro at mag-aaral; (b) Mga Kasanayang Kakailanganin, na may
layuning linangin ang iba’t ibang aspeto ng kakayahan ng mga mag-aaral; (c) Mga Layuning
Pampagtuturo, sinasabi rito kung ano ang mga itatakdang panuntunan at kung sino ang
magpapamalas ng kilos; (d) Mga Tagubilin at Panuto,bilang gabay sa guro at mag-aaral sa
paggamit ng modyul; (e) at ang programang modyular na maaaring ilahad sa iba’t ibang anyo o
porma kung saan ay pinagsanib na media instructional units na gumagamit ng audio-tape, film at
iba pa.Inilahad din ni Darrel L. Murray (w.p.) na hango sa isang socialnetworking site, "A
module is a self-contained and independent unit of instructions with a primary focus on a few
well defined objectives." Sa katuturang ito, ang modyul ay buo at ganap sa kanyang sarili. Hindi
nanangangailangan pa ng ibang aklat at maaaring pag-aralan sa tahanan o saan man sa labas ng
paaralan at wala sa ilalim ng pamamatnubay ng isang guro. Sa tinatawag na Home Studying,
hinahayaan na mamalagi sa tahanan ang mga nagnanais mag-aral sa pamamagitan lamang ng
paggamit ng modyul. Ito ang nagsisilbing guro na magsasanay at magtuturo sa mga mag-aaral ng
mga bagong kaalaman. Samakatuwid,ang modyul ay isang sistematikong paglalahad ng mga
gawaing makatutulong sa mag-aaral upang matamo ang mga tunguhin sa aralin. Ito ay
kinapapalooban ng iba’t ibang akdang pamapanitikan na pangunahing tinatalakay sa
asignaturang Filipino. Sa inilahad ng mga detalye o impormasyon hinggil sa pagdalumatat
pagsipat ng kahalagahan at gamit ng modyul bilang isa sa pangunahing kagamitang
pampagtuturo na ginagamit sa paaralan, masasabi na hindi basta-basta ang pagbuo ng isang
modyul at paggamit nito dahil maraming salik ang dapat isaalang-alang upang maging
komprehensibo at kapaki-pakinabang ang gamit nito sa mga guro at mga mag-aaral para
samalalim at maunlad na pag-aaral tungo sa epektibong pagtuturo at pagkatuto na siyang
pangunahing layunin ng edukasyon sa paaralan.
(DOC) Pananaliksik | Niezel Buso - Academia.edu

Modular Distance Learning Ang distance learning ay maaaring gawin sa pamamagitan ng


paggamit ng computer, smartphones at internet o kilala rin bilang online distance learning,”
paliwanag ng opisyal. Ang modular na Pag-aaral ay isang uri distance learning na ginagamit ang
Self-Learning Modules (SLM) base sa Most Essential Learning Competencies (MELC) na
ibinigay ng DepEd. Ito ay naglalaman ng pagganyak at pagtatasa na nagsisilbing isang
kumpletong gabay ng guro at mag-aaral na nais matamo ang kakayahan. Susubaybayan ng mga
guro ang pag-usad ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbisita sa bahay (pagsunod sa mga
social distancing protocol), at mga tugon, at gagabay sa mga nangangailangan ng espesyal na
pansin. Manlangit et.al, (2020) Kinikilala ang pangangailangan na palawakin ang mga
pagpipilian sa edukasyon para sa mga mag-aaral, ang mga unibersidad ay nagsimulang maging
inobatibo, lumikha ng mga bagong paraan upang maibukas ang mga degree at bumuo ng mga di-
linear, modular career at daan tungo sa pagkamit ng edukasyon. Sa pamamagitan ng istilong ito
ng modular na edukasyon, maaari matuto ng mga bagong kasanayan at kaalaman sa maliit na
mga tipak- na nagpapakita ng napakalaking halaga anuman ang iyong nasimulan, natamo, o
mag-explore ng mga bagong karera nang hindi inilalagay nang matagal ang mga gawain, Yoyce,
(2020).

Ayon naman kay Ambayon, (2020) sa modular na pagtuturo, natututo ang mga mag-aaral sa
kanilang sariling hakbang o pamamaraan. Ito ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang
mabigyan ng mahabang pagkakataong masagot ang mga gawain. Sa paraang ito ng pagtuturo
kailangang bigyan ng sapat na pagsasanay ang mga guro tungkol sa kung paano gagamitin at
ipapatupad sa loob ng klase. “Ang mga distance learning mode na ito ay higit na
nangangailangan ng suporta at gabay ng mga magulang o guardian ng bata,” pagbibigay-diin ni
Dr. Capa.

Paraan ng Pagsusuri ng Datos

Ang pag-aaral ay gumamit ng interbyu sa pagkalap ng datos. Ang mga mananaliksik ay naghanda
ng kwestyuner upang matukoy ang porsyento ng mga piling mag-aaral sa Baitang 10 ng Mataas na
Paaralang Pambansa ng Naga.

REPUBLIKA NG PILIPINAS
Komisyon ng Mataas na Edukasyon
Rehiyon V, Bikol
Tiwi Community College
Geraldine Village, Libtong, Tiwi, Albay

Sarbey para sa Pananaliksik

Demograpikong Propayl

Pangalan:
Edad:
Baitang at Seksyon:

Mga Katanungan

1. Ano ang Pangungusap?

2. Sa tingin mo, sa sukat na 1 hangang 10, gaano ka kasigurado sa iyong ideya sa pagpili at
pagbuo ng isang pangungusap gamit ang Wikang Filipino?

3. Para masukat ang iyong kaalaman, gumawa ng sariling sanaysay tungkol sa iyong sarili.

Sa ibaba, narito ang isang pamantayan sa pagwawasto ng iyong naisulat na sanaysay.

KRAYTERYA SA PAGBUO NG PANGUNGUSAP

Krayterya Porsyento
- Kaangkupan ng gamit ng salita at bantas 50%
- Kabuuan ng ideya 20%
- Tamang pagbaybay ng salita 30%
KABUUAN 100%

Table 1.1 Sarbey sa Pananaliksik

Paglalahad ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey questionare. Para maipakita ang mga
nakalap na datos mula sa mga piling mag-aaral ng Naga National High School Baitang 10,
gumamit ang mga mananaliksik ng Pie-Graph upang mas lalong maipakita ang pagkakaiba ng
porsyento ng mga piling mag-aaral na may kasanayan at kakulangan sa kaalaman sa pagbuo ng
pangugusap gamit ang Wikang Filipino.

Ang mga sumusunod na pagtalakay ay ipinapakilala, base sa mga layunin ng pag-aaral.


Ang mga pagsusuri at interpretasyon sa mga datos ay ayon sa mga resultang nakalap sa
pagsisiyasat na isinagawa ng mga mananaliksik.

Ang mga sumusunod ay ang resulta at datos na nakalap ng mga mananaliksik:


Tanong 1
Ano ang pangugusap?

Porsyento ng mga mag-aaral

Table 1.3
47
B a t a y s a
% n a k a l a
53%

May alam di-sigurado sa sagot


may kaalaman sa kahulugan ng pangugusap samntalang mayroong 14 na mga mag-aaral o 47%
na di sigurado sa kahulugan ng pangugusap.

Tanong 2

Sa tingin mo, gaano ka kasigurado sa iyong ideya sa pagpili at pagbuo ng isang


pangungusap gamit ang Wikang Filipino?
Porsyento

10%
Table 1.4 7%
43%
13%
A n g m g a m a n a n a l

27%

1 2 3 4 5
tumutukoy sa di-sigurado, (2) may pagdududa (3) medyo sigurado (4) sigurado
(5)pinakasigurado.
Batay sa nakalap na datos ng mga mananaliksik mula sa tanong na – “Sa tingin mo, gaano
ka kasigurado sa iyong ideya sa pagpili at pagbuo ng isang pangungusap gamit ang Wikang
Filipino?” gamit ang rating scale mayroong 13 na mga mag-aaral o 43% ang sumagot na
di-sigurado, habang mayroong 8 na mga mag-aaral o 27% ang sumagot ng may pagdududa
samantalang mayroong 4 na mga mag-aaral o 13% na tumugon na medyo sigurado ,
habang mayroong 2 na mga mag-aaral o 7% ang tumugon na sigurado at mayroong 3 o
10% ng mga mag-aaral na sigurado sa pagpili ng mga ideya o salita sa pagbuo ng
pangugusap.

Tanong 3
1. Para masukat ang iyong kaalaman, gumawa ng sariling sanaysay tungkol sa iyong sarili.
Sa ibaba, narito ang isang pamantayan sa pagwawasto ng iyong naisulat na sanaysay.
KRAYTERYA SA PAGBUO NG PANGUNGUSAP

Krayterya Porsyento
- Kaangkupan ng gamit ng salita at bantas 50%
- Kabuuan ng ideya 20%
- Tamang pagbaybay ng salita 30%
KABUUAN 100%
Pagsusuri ng Ginawang Sanaysay ng mga Mag-aaral
16

14

12B a t a y s a i s i
10

0
Nangangailangan Katamtaman (11- Mahusay (21-30%) Napakahusay (31- Pinakamahusay (41-
ng kasanayan (0- 20%) 40%) 50%)
10%)

Krayterya 1 Krayterya 2 Krayterya 3


piling mag-aaral sa Naga National High School, napag-alaman na sa krayterya 1, 3 sa 30 piling
mag-aaral na nangagailangan pa ng kasanayan, mayroon namang 14 sa 30 piling mag-aaral ang
nasa katamtamang lebel, 5 sa 30 piling mag-aaral naman ang mahuhusay na sa paggawa ng
sanaysay, 6 naman sa 30 piling mag-aaral ang napakahuhusay na at 2 sa 30 piling mag-aaral
naman ang pinakamahusay, bihasa at gumamit ng kaangkupan ng gamit ng salita at bantas.
Krayterya 2, 6 sa 30 piling mag-aaral na nangagailangan pa ng kasanayan, mayroon namang 11
sa 30 piling mag-aaral ang nasa katamtamang lebel, 8 sa 30 piling mag-aaral naman ang
mahuhusay na sa paggawa ng sanaysay, 2 naman sa 30 piling mag-aaral ang napakahuhusay na
at 3 sa 30 piling mag-aaral naman ang marunong ng makabuo ng ideya sa paggawa ng isang
malikhaing sanaysay. Krayterya 3, 15 sa 30 piling mag-aaral na nangagailangan pa ng
kasanayan sa pagbaybay ng salita, mayroon namang 7 sa 30 piling mag-aaral ang nasa
katamtamang lebel, 4 sa 30 piling mag-aaral naman ang mahuhusay na sa paggawa ng sanaysay,
2 naman sa 30 piling mag-aaral ang napakahuhusay na at 2 sa 30 piling mag-aaral naman ang
pinakamahusay at bihasa na sa pagbaybay ng salita na ginamit sa paggawa ng sanaysay.

You might also like