You are on page 1of 2

DEBATE O PAGTATALO

LAYUNIN:
@ Magbigay ng kaalaman ng mga hayag na hingil sa tao, lipunan, simbahan at ng buong mundo na napapanahon at may
interes para sa makikinig.

@ Hasain ang kaisipan ng mga lumalakhok sa maayos at makatuwirang paghahanay ng ideya o kaisipan.

@ Magbabahagi ng mas malawak na kaalaman tungkol sa paksang pinag-uusapan.

@ Hikayatin ang mga nakikinig sa tamang argumento ng nagtatalo.

@ Magbigay kasiyahan at aliw sa mga nakikinig.

May dalawang grupo tungkol sa napagka-isahang paksa. Ang dalawang panig ay ang proposisyon (sumasang-
ayon) at ang oposisyon (sumasalungat).

Ang bawat kalahok sa isang pormal na debate ay binibigyan ng pantay na oras o pakakataon upang makapaglahad
ng kanilang mga paniniwala o kaisipan gayun din ng pagpapabulaan o rebuttal.

PAALALA!

Sa pagsisimula ng debate ay sikaping magkaroon ng masusing pag-aaral at pagsusuri sa paksang pagtatalunan.


Magpangkat at magpalitang kuro ukol sa paraang gagawin sa paglalakbay sa paksa. Umisip at gumamit ng iba’t-ibang
paraan ng pagsisiyasat at pagsusuri. Bumalangkas ng maayos o organisadong paglalahad ng katuwiran. Talasan ang isipan
sa paghalata sa maling pagmamatutuwid at agapan ang paghaharap ng ganting matuwid. Iwasan ang pagiging personal.
Laging isiping isyu ang pinagtatalunan at hindi ang karakter o personalidad ng katunggali. Sundin ang alituntunin ng
kagandahangasal at tanggapin nang maluwag ang anumang kapasyahan ng mga hurado.

Ang paksang pagdedebatihan ay tinatawag na proposisyon. Ito’y isang pangungusap na nilalayong patunayan ng
panig ng sang-ayon sa pamamagitan ng mga argumento. Nagsasaad ito ng isang bagay na maaring tutulan at panigan kaya
mapagtatalunan. Sa pagpapahayag ng proposisyon, isaalang-alang ang mga sumusunod:

@ Ibigay ang suliranin sa anyong kapasiyahan.

@ Ibigay ito sa payak at paturol na pangungusap na may isa lamang suliraning patutunayan.

@ Ipahayag ito sa isang paraang walang salitang pag-aalinlanganan ang kahulugan.

@ Ipahayag ito sa paraang pasang-ayon.

DALOY NG DEBATE/PAGTATALO

Mauunang magbigay ng panimulang pagbati at pang-pukaw na ideya ang moderator ng debate tungkol sa paksa.
Unang magpapaliwanag ang pangkat ng sang- ayon, na mayroong 2-3 minuto. Susundan ng unang tagapagsalita nang
pangkat ng salungat, na mayroong 2-3 minuto. At susundan ng mga pangalawang tagapagsalita ng bawat pangkat ng may
kaparehong halaga ng oras.

Magtatanong ng patuligsa sa unang tagapagsalita ng pangkat ng di-sang- ayon ang unang tagapagsalita sa pangkat ng
sang- ayon na masasagot lamang sa oo o hindi. Maaring hindi sagutin ng kabilang panig ang tanong kung hindi ito sakop
ng kanyang dagli. Mayroon ang bawat tagapagsalita ng isa’t kalahating minuto para tanungin ang katapat na katunggali.

Magpapatuloy ito hanggang sa pangalawang tagapagsalita ng pangkat ng salungat.

Matapos ang rebuttal, ang pasya ng hurado ang magiging batayan ng pagkapanalo ng isang pangkat. Ito’y hindi maaring
kwestyunin ayon sa hatol.

You might also like