You are on page 1of 37

EPEKTO NG E-CLASS SA MGA MAG-AARAL NG

PAMANTASANG DE LA SALLE–DASMARIÑAS

IKALAWANG SEMESTRE, TAONG 2013

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap kay

Propesor Mary Grace Gonzales

Kagawaran ng Filipino at Panitikan

Pamantasang De La Salle Dasmariñas

Bilang Bahagi ng Pagtupad

Sa mga Pangangailangan para sa Kursong

FILI 102 Pananaliksik para sa Pagkatutong Pangkaalaman

Addun, John Paul B.

Iwabuchi, Kevin Kazu L.

Tabas, Jonbon S.

BSA 15
1

ABSTRAK

Ang pagaaral na ito ay isinagawa ng mga mananaliksik upang malaman ang

epekto sa paggamit ng e-class sa mga mag-aaral ng isang pamantasan, partikular na sa

Pamantasang De La Salle - Dasmariñas. Nais malaman ng mga mananaliksik ang mga

bentahe at disbentahe nito sa mga estudyante, epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-

aaral at dahilan sa paggamit ng e-class.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng sarbey sa Dalubhasaan ng

Pangangasiwa sa Pagnenegosyo at Pagtutuos na matatagpuan rin sa loob ng nasabing

pamantasan. Ang mga mananaliksik ay naghanap ng 100 katugon upang masagot ang

mga katanungan na makakatulong sa pananaliksik na isinagawa. Ang mga kasagutan

na nakalap sa sarbey ay sinuri at isa-isang pinaya ng mga mananaliksik at ito ang

naging basehan ng mga mananaliksik upang masagot ang mga suliranin ng mga

mananaliksik sa pananaliksik na ito.

Dito natuklasan ng mga mananaliksik ang mga mabuti at masamang naidudulot

ng e-class sa mga mag-aaral pati na rin ang mga epekto nito sa kanilang pag-aaral at

mga dahilan na rin kung bakit sila gumagamit nito. Dito din nalaman ng mga

mananaliksik na ang e-class ay may positibo at negatibong epekto sa pag-aaral ng isang

mag-aaral, partikular na sa kanilang pagkatuto.


2

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Naniniwala ang mga Pilipino na ang edukasyon ay ang pinakamahalagang

kayamanan na madadala nila sa kanilang buong buhay. Ito ang tanging kayamanang

hindi mananakaw. Ayon nga sa pambansang bayani ng Pilipinas na si Gat Jose Rizal,

“Ang edukasyon ang susi sa tagumpay.” Unang nagkaroon ng pormal na edukasyon

ang bansang Pilipinas nang dumating ang mga dayuhang Amerikano sa bansa. Noong

mga panahong iyon, naging ignorante pa ang mga Pilipino pagdating sa ganitong

sitwasyon sapagkat sila ay salat sa mga kagamitang pang-edukasyon. Lumipas ang

maraming taon ay unti-unting umunlad at gumanda ang sistema ng edukasyon sa

Pilipinas. Sa kasalukuyan, marami nang paaralan at pamantasan ang naitayo sa iba’t

ibang panig ng bansa, mula elementarya hanggang kolehiyo. Mula sa simpleng paraan

ng pagtuturo ay unti-unting umunlad at naging moderno ang estilo ng mga guro at

propesor sa pagtuturo.

Isa sa mga nakatulong upang mapaganda at mapadali ang pagtuturo ay ang

teknolohiya. Masasabi na sa panahon ngayon ay napapalibutan na ng teknolohiya ang

mga tao. Halos lahat ng bagay ay ginagamitan ng teknolohiya. Dahil dito napadali ang

ang mga proseso ng lahat ng mga bagay. Isa sa mga halimbawa nito ay ang

pagpapadala ng mensahe na ginagamitan na lamang ng “cellphone” o “e-mail” upang

maipahatid ang nais sabihin ng isang tao at mapabilis ang komunikasyon ng bawat tao.

Isa na rin ang edukasyon sa mga naapektuhan ng pag-usbong ng teknolohiya.


3

Hindi nagtagal ay nabago na rin ng teknolohiya ang sistema ng pagtuturo. Iba’t

ibang klase ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase ito ay depende sa kung

anong asignatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan. Sa huling kalahati ng ika-20 na

siglo, ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante at

mga pagpupulong. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas

maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa makabagong

panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa

edukasyon ay ang mga kompyuter kung saan nagiging posible ang pag-access ng

internet mula dito.(Marmay, 2011).

Karamihan sa mga paaralan dito sa Pilipinas lalo na ang mga pribado ay

gumagamit na ng mga kompyuter na may access sa internet. Mayroon silang tinatawag

na computer laboratory kung saan natitipon ang lahat ng mga kompyuter. Nang dahil

dito, mas naging maginhawa at madali ang pagkalap ng mga impormasyon. Mas

epektibong naibabahagi ng mga guro ang kanilang leksyon nang dahil sa internet

(Marmay, 2011). Dahil sa makabagong teknolohiya na ito ay kalaunan ay naimbento

ang electronic class o electronic learning.

Ang electronic class o mas kilala sa katawagang e-class ay isang uri ng pagtuturo

gamit ang kompyuter at internet. Dito ay ginagamit ang chat o message upang

makapagusap ang bawat estudyante at guro. Ang mga guro ay nagbibigay ng mga

katanungan sa pamamagitan ng pag-post, at sumasagot naman ang mga estudyante sa

pamamagitan ng pag-comment o pag-message sa post na ginawa ng guro. Ito ay


4

kapakipakinabang dahil maaring makapagturo ang guro kahit nasa bahay o kahit saan

mang lugar ang mga estudyante basta’t may kompyuter at internet access. Ayon nga kay

Jenco,M.(2014), ang pagkakaroon ng mga e-class ay maghahatid ng karagdagang

kaalaman sa mga mag-aaral at makakatulong din sa mga propesor sagutin ang iba’t

ibang mga katanungan ng mga estudyante. Makakatulong ito sa pamantasan kapag

nawalan ng klase dahil sa bagyo o kung kaya’y lumiban ang isang guro. Isa pa ay

masasabi din na ito ay isang paraan para maiba ang paraan ng pag-aaral ng mga

estudyante at hindi puro face-to-face na paraan ng pagtuturo ang gagamitin. Ngunit

ayon kay Oremus,W.(2014), ang mga online classes at e-learning na magaganap ay hindi

dapat maging sanhi ng pagbaba ng mga abilidad ng mga guro, bagkus ay dapat pang

mapaunlad ang kanilang mga kaalaman at mga kahusayan pagdating sa kanilang

propesyon. Mula sa pahayag na ito, sinasabi ni Wells, C. (2013) na pinaniniwalaan

niyang malaki ang magiging pagbabagong magaganap sa edukasyon dahil sa e-class.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto ng paggamit

ng e-class sa mga estudyante ng Pamantasang De La Salle – Dasmariñas. Layunin ng

pananaliksik na ito na masagot ang mga katanungan na maaaring lumabas kapag nais

magtaguyod ng electronic learning ang isang paaralan o pamantasan. Nais din malaman

ng mga mananaliksik ang masamang epekto ng pagkakaroon ng ganitong uri ng

pagtuturo maging ang mga mabuting at ang mga benepisyo na maaring makuha ng

mga estudyante at guro. Nais rin malaman ng mga mananaliksik ang mga maaaring
5

maging solusyon upang mapaunlad ang sistema ng e-class, partikular na sa

Pamantasang De La Salle – Dasmariñas.

Paglalahad ng Suliranin

Pangkalahatang Suliranin

Ano-ano ang mga epekto ng paggamit ng e-class sa mga mag-aaral ng

Pamantasang De La Salle- Dasmariñas?

Mga Tiyak na Suliranin

1. Ano-ano ang mga bentahe at disbentahe sa paggamit ng e-class ng mga mag-

aaral ng Pamantasang De La Salle-Dasmariñas?

2. Ano-ano ang mga epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa

Pamantasang De La Salle-Dasmariñas?

3. Ano-ang ang dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit ng e-class sa

Pamantasang De La Salle- Dasmariñas?

Balangkas / Paradimo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang iba’t-ibang epekto ng

paggamit ng e-class sa mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle – Dasmariñas. Ang

mga mananaliksik ay gagamit ng teoretikal na balangkas upang makamit ang mga

ninanais na layunin. Ito ay makatutulong upang mapadali at mapabilis ang


6

pangangalap ng datos ng mga mananaliksik. Isa rin itong paraan upang mas mapadali

ang pagkaklasipika ng mga datos.

Konseptual na Balangkas

Positibo

Paggamit ng
Epekto Buod Kongklusyon
e-class

Negatibo

Pagbubukud-bukurin ng mga mananaliksik ang mga positibo at negatibong

epekto ng paggamit ng e-class sa mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle-

Dasmariñas. Ang pagbubukod-bukod ng mga resultang ito ay makakatulong upang

malaman ang mga lehitimong epekto ng e-class.

Depinisyon ng Termino

Binigyan ng kahulugan ng mga mananaliksik ang mangilan-ngilang terminong

gagamitin sa pananaliksik.

Electronic class (e-class) . Isang modernong paraan ng pagtuturo na ginagamitan ng

makabagong teknolohiya.
7

Internet. Ang mga magkakabit na computer network na nag-uugnay sa mga tao sa

buhay mundo.
8

METODOLOHIYA

Disenyo at Uri ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptiv-analitik na disenyo ng pag-

aaral. Ang deskriptiv-analitik na pag-aaral ay isang pamaraan kung saan

gumagamit ng mga talatanungan ang mga mananaliksik. Ang mga talatanungan o

survey questionnaire na ito ang magsisilbing instrumento upang makakalap ng datos

mula sa mga tao. Ito ang napili ng mga mananaliksik dahil ang pag-aaral na

isinasagawa ay nangangailangan ng opinyon ng mga estudyante at propesor.

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng sarbey. Ang sarbey-kwestyoner ay

isang pamamaraan upang makakolekta ng impormasyon o datos mula sa mga

grupo ng mga tao tungkol sa isang bagay o isyu na konektado sa pag-aaral na

isinasagawa. Sa pamamagitan nito ay malalaman ang opinyon, pananaw, ideya o

paniniwala ng isang tao o grupo ng mga tao. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan

ng pagbibigay ng mga katanungan na may pagpipilian na maaaring sagot ng isang

tao. Pagkatapos nito ay kokolektahan ang lahat ng mga impormasyon na nalikom

upang maanalisa. Ang resulta na makukuha sa sarbey-kwestyoner ay makakatulong

sa pag-aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik. Ito ay maaaring makapagbigay

ng impormasyon tungkol sa e-class na ginagamit ng mga esudyante at propesor. Sa

pag-aaral na ito ay magkakaroon ideya hindi lamang ang Pamantasan ng De Lasalle

pati na rin ng ibang institusyon para mapaunlad ang sistema ng e-class.


9

Mga Kalahok sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay mangangailangan ng 100 kalahok para sa pag-

aaral na ito. Ang 100 kalahok na ito ay binubuo ng 100 estudyante, 50 na lalaking

estudyante at 50 na babaeng estudyante na nagmumula sa Dalubhasaan ng

Pangangasiwa sa Pagnenegosyo at Pagtutuos (CBAA). Ang mga pamantayan ng

pagpili ay ang sumusunod: (1) ang mga mag-aaral ay dapat nagaaral sa CBAA, nasa

una hanggang ika-limang taon ng kolehiyo. (2) Dapat ay gumagamit o nakaranas

nang gumamit ng e-class. (3) Nasa edad 14 hanggang 20 taong gulang lamang.

Proseso ng Pagkalap ng Datos

Pumunta ang mga mananaliksik sa aklatan upang mangalap ng

impormasyon tungkol sa teknolohiya sa edukasyon pati na rin ang mga epekto nito

sa mga gumagamit nito. Kumuha rin ng mga datos ang mga mananaliksik sa mga

nakaarang pananaliksik na tungkol din sa teknolohiya sa edukasyon. Gumamit din

ng internet ang mga mananaliksik upang makakuha pa ng iba pang impormasyon sa

mga blogs, artikulo at mga websites.

Ang mga mananaliksik ay gagawa ng sarbey-kwestyoner na naglalaman ng

mga katanungan at ang bawat katanungan ay mayroong pagpipilian. Ang mga

katanungan na ay tungkol sa e-class na ginagamit ngayon sa pagtuturo. Ito ay

ilalagay sa isang papel at ipapamigay sa mga piling estudyante at mga propesor ng

Pamantasan ng De Lasalle.
10

Pagsusuri ng Datos:

Nagbigay ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle-

Dasmariñas ng mga sarbey form upang mabigyan ng kasagutan ang mga suliranin ng

pananaliksik. Pumili ang mga mananaliksik ng 100 katugon nang hindi pinipili.

Pagkatapos sagutan ng mga mag-aaral ang sarbey, tinally nila ang mga sagot na

nakalap nila mula rito. Sumunod dito ang paggawa ng grap upang masuri ang mga

datos. Itinalaga ang mga grap sa mga suliranin upang mabigyan na ng sagot ang mga

katanungan dito.
11

RESULTA AND DISKUSYON

Sa bahaging ito ng pananaliksik ipinapakita ang mga kasagutan ng 100 na

estudyanteng naging katugon mula sa Dalubhasaan ng Pangangasiwa sa Pagnenegosyo

at Pagtutuos. Mula dito, malalaman ang epekto ng paggamit ng e-class sa mga mag-

aaral.

Dito makikita ang mga biswal na presentasyon ng mga mananaliksik sa mga

kasagutan ng mga katugon. Dagdag pa rito, malalaman rin ang mga bentahe at

disbentahe, mga dahilan sa paggamit ng e-class, at mga epekto nito sa pagkatuto ng

mga mag-aaral.

Dalas sa Paggamit ng E-class

9
35

Palagi
37 Madalas
Minsan
Bihira
19

Grap 1. Dalas sa Paggamit ng E-class


12

Makikita sa Grap 1. kung gaano kadalas gumamit ng e-class ang mga mag-aaral

na naging katugon sa sarbey. Maoobserbahan sa grap na ito na malaking bahagi ng

mga mag-aaral ang gumagamit ng e-class. Pinapatunayan nito na bahagi na sa paraan

ng pagtuturo ng mga propesor ang paggamit ng e-class.

Maraming maidudulot ang paggamit ng e-class sa isang pamantasan, kasama na

ang mga mag-aaral nito. Nakagagaan man ito sa panig ng mga propesor at mag-aaral,

hindi naman nito napapababa ang kalidad ng edukasyon sa pamantasang ito.

Suliranin Bilang 1: Ano-ano ang mga bentahe at disbentahe sa paggamit ng e-class ng

mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle-Dasmariñas?

Bentahe at Disbentahe

8 5

Bentahe lamang
Disbentahe lamang

87 Parehas

Grap 2. Bentahe at Disbentahe ng E-class


13

Ipinapakita sa Grap 1 na 87 mula sa 100 na mga mag-aaral ang nagsasabing may

bentahe at disbentahe ang pagkakaroon ng e-class. 8 na mag-aaral naman ang

nagsasabing pawang bentahe lamang ang tinataglay ng e-class. Ang 5 na natitira ay

nagsasabing puro disbentahe ang hatid ng e-class sa kaniya.

Batay sa mga datos na nakuha, mababakas na karamihan sa mga mag-aaral ang

nagsasabing dalawa ang epektong dulot ng paggamit ng e-class. Sa kabila ng mga

bentaheng nakukuha sa paggamit ng e-class, mayroon ring disbentahe ang naidudulot

nito.

Mga Bentahe ng E-class


100 92
90
80 73
70 61
60
50
37 39
40
30
20
10
0
Madaling Malawak ang Madaling Alternatibo Madaling
komunikasyon mapagkukunan magpasa ng tuwing may matapos ang
ng mga requirements "class mga gawain
impormasyon suspension"

Grap 2.1. Ipinapakita ang mga bentaheng nakukuha sa paggamit ng e-class ayon

sa mga katugon.
14

Makikita natin sa grap na ito na ang pangunahing bentahe ng e-class ay ang silbi

nito sa pagiging alternatibong klase tuwing may suspensyon o kawalan ng klase

dahilan ng mga kalamidad o holiday. Pangalawang bentahe ng paggamit ng e-class ay

ang madaling pagpapasa ng mga requirements tulad ng mga pagsusulit, takdang-aralin

at iba pang mga gawain kung saan hindi na kinakailangang pumunta pa sa unibersidad

upang ibigay at isumita ang mga nasabing gawain. Ang sumunod na bentahe naman ay

ang madaling matapos ang mga gawain dahil sa pagkakaroon ng internet. Itata-type mo

lamang ang katanungan na iyong gustong masagot at isang pindot mo lamang ay

marami nang mga kasagutan ang lalabas. Ang sunod na bentahe ay ang pagkakaroon

ng malawakang mapagkukunan ng impormasyon sapagkat ang internet ay mabilis

makakuha ng iba’t ibang impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Malaking tulong na rin dito ang mga internet sites tulad ng Wikipedia, Google at

Youtube. Dito ay makakakuha ka ng mga ideya, pananaw ng mga tao, facts at mga

biswal na presentasyon ng paksang iyong hinahanap o nais malaman. Huling bentahe

na nakakuha ng pinakamababang porsyento sa mga pagpipilian ay ang madaling

komunikasyon dulot ng e-class. Dahil sa pinapahintulutan sa e-class ang pagkakaroon

ng mga friends, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagusap sa

iba pang mga mag-aaral. Dagdag pa rito, nagagawang maka-usap ng mga mag-aaral

ang kani-kanilang mga propesor dahil sa e-class. Hindi na kinakailangang puntahan pa

ng isang estudyante ang kaniyang propesor kung mayroon siyang nais sabihin dito.
15

Mula sa mga bentaheng nakuha, masasabing may mga disbentahe rin itong

naidudulot sa ilang mag-aaral.

Mga Disbentahe ng E-class


100
89
90
80
70 62
60
50 42
40
30
19
20
10
0
Nakakaranas ng May mga Sanhi ng "plagiarism" Kakulangan sa
teknikal na pandarayang patnubay ng mga
paghihirap nagaganap sa mga propesor
gawain

Grap 2.2. Pinapakita ang mga disbentaheng nakukuha sa paggamit ng e-class

ayon sa mga katugon.

Pinapaniwalaang ang e-class ay nilikha para sa ikabubuti at ikadadali ng pag-

aaral ng mga estudyante ng isang pamantasan. Ngunit, sa kabila ng ganitong pahayag,

ilan parin sa mga mag-aaral ang naniniwalang may disbentahe rin ang pagkakaroon ng

e-class. Unang disbentahe ay ang presensya ng mga error o iba pang mga teknikal na

paghihirap. Ito ay posible sapagkat ang e-class ay umaandar sa iisang network kung

saan maraming tao ang maaaring kumonekta dito na magiging dahilan ng pagbagal ng
16

pagproseso ng mga datos. Pangalawang disbentahe ng pagkakaroon ng e-class ay ang

kakulangan ng patnubay ng propesor sa mga estudyante, kung saan hindi niya

nagagabayan ang kaniyang mga estudyante sa tuwing mayroong pagsusulit o mga

gawain. Limitado lamang sa mga output na pinapasa ng mga estudyante ang gabay ng

propesor. Pangatlo sa mga disbentaheng naihahatid ng e-class ay ang presensiya ng

mga pandarayang maaaring maganap dulot ng kawalan ng gabay ng propesor.

Karamihan sa mga mag-aaral, kung hindi nababantayan ng maigi, nagkakaroon ng

temptasyong mandaya tulad ng pangongopya sa iba pang mga estudyante. Panghuli sa

mga disbentahe ay ang paglaganap ng plagiarism. Dahil sa kinakailangan ang access sa

internet, nagkakaroon rin ng access ang mga mag-aaral sa iba’t ibang websites, dahil dito

nakakahanap ng mga resources ang mga mag-aaral na maaaring makadagdag sa

kanilang gawain. Dahil sa katamaran kung minsan, ang iba ay nagagawang mag copy &

paste na lamang sa halip na gumawa ng kanilang orihinal na komposisyon. Ang mga

nasabi ay ilan lamang sa mga disbentahe sa paggamit ng e-class.

Suliranin Bilang 2: Ano-ano ang mga epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga mag-

aaral sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas?

Ipinapakita ng mga grap sa ibaba ang epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas.


17

Epekto ng E-class sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral

4
29

Positibo
Negatibo
67
Walang Epekto

Grap 3. Epekto ng E-class sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral

Ipinapakita sa Grap 3 ang iba’t ibang epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga

mag-aaral ng Pamantasang De La Salle-Dasmariñas. Ayon sa naganap na sarbey, 67 ang

nagsabing positibo ang epekto ng e-class sa kanilang pagkatuto, 29 ang nagsabing

negatibo ang epekto ng e-class sa kanilang pagkatutuo at 4 naman ang nagsabing

walang epekto sa kanilang pagkatuto ang pagkakaroon ng e-class.

Batay sa mga datos na nakalap, makikita natin na malaking bahagi ng mga

katugon ang nagsabing positibo ang epekto sa kanilang pagkatuto ang paggamit ng e-

class. Dahil dito, masasabi ng mga mananaliksik na malaki ang naitutulong ng e-class

sa mga mag-aaral, partikular na sa edukasyon. Bahagi na ng buhay ng mga tao sa

panahon ngayon ang paggamit ng makabagong teknolohiya. Nabago na rin ang

pamumuhay ng mga tao sa paglabas ng mga makabagong teknolohiyang ito. Naging


18

komportable na sila sa paggamit ng mga ito. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit

maging sa pag-aaral, nakakatulong ang mga makabagong teknolohiya. Isang mabisang

halimbawa na nito ang paggamit ng e-class.

Positibong Epekto sa Pagkatuto dulot ng E-class


64

60

50 45

40

30

20 18

10

0
Mas madaling naiintindihan ang Mas nagkaroon ng kongkretong Nagkaroon ng karagdagang
mga paksa impormasyon kaalaman

Grap 3.1 Positibong Epekto sa Pagkatuto dulot ng E-class

Sa Grap 3.1 makikita ang iba’t ibang positibong epekto sa pagkatuto dulot ng e-

class. Makikita sa resulta ng grap na 64 ang nagsabing mas madali nilang naiintindihan

ang mga paksa, 18 ang nagsabing mas nagkaroon sila ng kongkretong impormasyon at

45 naman ang nagsabing nagkaroon sila ng karagdagang kaalaman sa paggamit ng e-

class.

Makikita sa grap sa itaas na sari-sari ang mga kasagutan ng mga katugon

pagdating sa mga positibong epekto ng e-class. Nangibabaw ang mga kasagutang “mas
19

madaling naiintindihan ang mga paksa” at “nagkaroon ng karagdagang kaalaman”. Sa

mga kasugating ito, napatunayan ng mga mananaliksik na isang mabisang instrumento

ang e-class sa pagkatuto ng mga mag-aaral maging sa pagkakaroon ng karagdagang

kaalaman.

Negatibong Epektibo sa Pagkatuto dulot ng E-class


30

25

20 19

15

10 9

5
5

0
Walang relasyon ang natutunan Walang natutunan Naguluhan ang mga mag-aaral
sa asignatura

Grap 3.2 Negatibong Epekto sa Pagkatuto Dulot ng E-class

Makikita sa grap 3.2 ang opinyon ng mga mag-aaral ukol sa mga negatibong

epekto sa pagkatuto dulot ng e-class. Mababakas mula sa grap na 19 sa mga mag-aaral

ang umaming wala silang natututunan dahil sa e-class. Hindi nila nagagawang makuha

ang mga leksiyon na itinuturo sa kadahilanang madalas silang gumamit ng e-class.

Dagdag pa rito, sinasabi nila na naglalaan ang ilang guro ng mas maraming oras sa

paggamit ng e-class kaysa sa aktwal na pagkaklase ito ang dahilan kung bakit madalas

ay walang relasyon ang mga bagay na natututunan ng mga mag-aaral mula sa e-class
20

sa isang asignatura na pumapangalawa sa mga piniling kasagutan ng mga katugon.

Ang kawalan ng mga relasyon na ito ay nagiging dahilan ng pagkahirap para sa parte

ng mga mag-aaral na makuha at matutunan ang kanilang leksiyon kung saan limang

mag-aaral na nagsilbing katugon ang nagsasabing naguguluhan sila sa mga leksiyon na

kanilang pinag-aaralan dahil sa e-class.Mula sa mga resultang nakuha, masasabing

mayroon ding mga negatibong epekto ang e-class pagdating sa pagkatuto ng mag-aaral

sa kabila ng mga bentaheng inihahanda ng nasabing teknolohiya.

Suliranin Bilang 3: Ano-ano ang mga dahilan sa paggamit ng e-class ng mga mag-

aaral sa Pamantasang De La Salle-Dasmariñas?

Dahilan sa Paggamit ng E-class


96
100
90
80 71
70
60
50
40 32
30
20 12
10
0

Grap 4. Dahilan sa Paggamit ng E-class

Ipinapakita sa grap na ito ang iba’t ibang dahilan ng mga mag-aaral sa paggamit

ng e-class. Ayon sa naganap na sarbey, 32 ang nagsabing para sa make-up class, 71 ang
21

nagsabing lumiban ang propesor, 12 ang nagsabing kailangan ng online research at 96

ang nagsabing para sa mga pagsusulit at takdang-aralin ang paggamit nila ng e-class.

Hindi sa lahat ng pagkakataon nakukumpleto ng mga pamantasan ang

nararapat na number of school days. Ilan sa mga dahilan nito ay ang iba’t ibang special

holidays at mga malalakas na bagyong dumarating sa ating bansa. Ito ang isa sa mga

dahilan kung bakit kailangang-kailangan ng mga propesor na magkaroon ng make-up

class. Isang mahalagang instrumento ang e-class para maging possible ang mga

nasabing make-up class.

Ang pagliban ng mga propesor ay isa rin sa mga dahilan sa paggamit ng e-class.

May mga oras na kailangan din ng mga propesor na lumiban sa klase dahil sa

mahahalagang rason. Sa mga ganitong pagkakataon nila nagagamit ang e-class.

Batay sa sagot ng nakakarami, gumagamit sila ng e-class para sa mga pagsusulit

at takdang aralin. Kadalasang ginagamit ang e-class sa pamantasang ito sapagkat 3 oras

lamang ang nilalaan sa karamihan sa mga asignatura. Nauubos na ang oras sa

pagtatalakay pa lamang ng mga propesor. Ito ang dahilan kung bakit ang e-class ang

ginagamit ng mga propesor para sa mga pagsusulit. Ginamit rin ito upang sanayin ang

mga mag-aaral sa kani-kanilang napiling kurso.


22

Kinalabasan ng Pag-aaral

Batay sa mga resultang nakalap ng mga mananaliksik, kanilang nalaman na

karamihan na pala sa mga mag-aaral ng pamantasang ito ang gumagamit na ng e-class.

Lumabas ito sa unang katanungan ng mga mananaliksik na “Gaano ka kadalas

gumamit ng e-class?” Nangibabaw ang mga sagot na “minsan”, “madalas” at “palagi”

sa katanungang ito. Patunay lamang ito na bahagi na ng edukasyon ng pamantasang ito

ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang mapaunlad ang kalidad ng

edukasyon rito. Ito ang naging basehan ng mga mananaliksik sa kanilang mga susunod

na katanungan.

Ang sumunod na katanungan ay ang tanong na tungkol sa pagkakaroon ng

bentahe at disbentahe ng e-class. Sa mga pagpipilian, napiling sagot ng nakararami ang

sagot na “parehas” na nagsasabing hindi lamang bentahe mayroon ang e-class ngunit

mayroon din itong mga bentahe. Upang matukoy ang mga bentahe at disbentahe nito,

nagkaroon ng follow-up question ang mga mananaliksik na nagtatanong kung ano ang

mga bentahe at disbentahe nito. Ang karamihang sagot sa bentahe ay tungkol sa

komunikasyon at pagpasa ng mga gawain ng mga mag-aaral. Sa kabilang banda naman

nito, may mga lumabas na mga disbentahe rin sa nasabing sarbey. Pandaraya at mga

teknikal na paghihirap naman ang kadalasang sagot ng mga katugon.

Epekto ng e-class sa pagkatuto ng mga mag-aaral naman ang sumunod na

katanungan sunod sa mga bentahe at disbentahe nito. Sa mga pagpipilian, napiling

sagot ng nakararami ang sagot na “positibo” na nagsasabing positibo ang epekto ng e-


23

class sa kanilang pagkatuto. May mga nagsasabi rin naman na negatibo ang epekto nito

sa kanila at iilan lamang ang nagsabing wala itong epekto sa kanilang pagkatuto.

Upang matukoy ang mga positibo at negatibong epekto nito nagkaroon muli ng follow-

up question ang mga mananaliksik upang matukoy ang mga tiyak na epekto nito sa mga

katugon. Ayon sa mga katugon, mas mabisa umanong paraang ang e-class upang

mabilis na matutunan ng mga mag-aaral ang mga paksang tinatalakay ng kanilang

propesor. Sa kabilang banda naman, dahil sa kawalan ng kasiguraduhan na ginagawa

ng mga mag-aaral ang kanilang mga tungkulin pagdating sa e-class, nasabi naman

nilang wala silang natutunan marahil sa kawalan ng presenya ng kanilang propesor. Ito

ang mga kasagutan ng nakararami sa positibo at negatibong epekto ng e-class sa

kanilang pagkatuto.

Upang malaman ang mga dahilan ng mga katugon sa paggamit ng e-class, ang

sunod na katanungan naman ng mga mananaliksik ay mga dahilan ng mga mag-aaral

sa paggamit nila ng e-class. Ayon sa mga katugon gumagamit sila ng e-class para sa

make-up class, dahil lumiban ang kanilang propesor, upang makapagsagawa ng online

research at para sa kanilang mga gawain at takdang-aralin.


24

KONGKLUSYON

Batay sa resulta ng pag-aaral, lumalabas na may iba’t ibang opinyon ang mga

katugon pagdating sa paggamit ng e-class. Makikita rin sa mga resulta nito ang mga

positibo at negatibong epekto ng e-class. Sa mga resulta ng sarbey, makikita na dito ang

iba’t ibang kasagutan sa mga suliranin ng pananaliksik na ito.

Natuklasan ng mga mananaliksik na palagian nang ginagamit ang e-class sa para

sa iba’t ibang dahilan. Ilan sa mga dahilang ito ang pagkakaroon ng make-up class,

maiba ang paraan ng pagtuturo, lumiban ang propesor, kailangan ng online research at

para sa mga pagsusulit at takdang-aralin. Sa kinalabasan ng pananaliksik, ang

pagkakaroon ng mga pagsusulit at takdang-aralin ang pangunahing dahilan kung bakit

ginagamit ng mga propesor ang e-class. Dito ay masasabi ng mga mananaliksik na ang

e-class ay may malaking benepisyo sa mga estudyante at propesor tuwing nawawalan

ng pasok dahil sa mga kalamidad tulad ng bagyo. Ang e-class ay ang nagsisilbing

make-up class upang matumbasan ang pagkakawala ng klase dahil sa bagyo, nababawi

agad ng mga propesor ang mga paksang kanilang ituturo dahil sa e-class. Pwede rin

itong gawing alternatibong klase kung sakaling lumiban o nawala ang propesor. Isa rin

na dahilan ay ang mga online research na nagbibigay ng mga karagdagang

impormasyon sa mga estudyante at napapalawak pa ang kanilang kaalaman sa isang

paksa. Ito ay dahil sa internet, dahil dito ay maraming mapagkukunan ng iba’t ibang

impormasyon mula sa iba’t ibang lugar sa mundo mula sa mga taong propesyonal o

mga dalubhasa. Ang panghuling dahilan naman ay ang mga propesor ay ginagamit
25

ang e-class sa pagsasagawa ng kanilang pagsusulit o mga takdang aralin. Dito ay

nagkakaroon ng maluwag na oras ang mga estudyante upang masagutan ang mga

pinapagawa ng mga propesor. Nababawasan ang kanilang stress sa pag-aaral na

nakakatulong sa kanila. Dahil dito, napapabuti ang kanilang pagaaral na nagreresulta

sa pagtaas ng grado.

Natuklasan din ng mga mananaliksik ang iba’t ibang bentahe at disbentahe ng e-

class. Nagkaroon umano ng malayang komunikasyon ang propesor at mga mag-aaral.

Binibigyan ng e-class ang mga mag-aaral ng pagkakataon upang mailabas nila ang mga

ninanais nilang sabihin sa kanilang propesor. Dito rin ay isa-isang nasasagot ng mga

propesor ang lahat ng katanungan ng bawat estudyante kung kaya’t mas nagkakaroon

ng magandang kouminkasyon sa pagitan ng estudyante at propesor. Isa pang bentahe

ay ang pagkakaroon ng malawak na pagkukunan ng impormasyon. Dito ay

nakakakuha ng mga pahayag o pananaw ang mga estudyante sa iba’t ibang dalubhasa

sa iba’t ibang lugar sa mundo. Isa ring benepisyo nito sa mga estudyante ay ang

madaling magpasa ng requirements at madaling matapus ang mga gawain kung kaya’t

hindi na nahihirapan ang mga estudyante na magpasa ng mga pinapagawa ng mga

propesor. Ang huling bentahe naman na natuklasan ng mga mananaliksik ay ito raw ay

mabisang alternatibong klase tuwing mayroong class suspension. Para sa mga

estudyante eto raw ay madali, hindi hassle at convinient.

Hindi rin natin maikakaila na mayroon ding mga disbentahe ang paggamit ng e-

class. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ng teknikal na paghihirap at pagkakaroon ng


26

pandaraya sa tuwing nagkakaroon ng pagsusulit at mga takdang-aralin. Lumalabas din

sa pananaliksik na ito na ang kadalasang teknikal na paghihirap na nararanasan ng

mga mag-aaral ang pagkakaroon ng error. Ito ay nagsisilbing hadlang kung kaya’t

nagkakaroon ng mababang grado ang mga estudyante kung kaya’t ito ay isang

disbentaheng dapat masolusyunan. At ang isa pang disbentahe na hindi maiiwasan ay

ang pagkakaroon di umano ng mga pandaraya na minsan lamang nagaganap. Ito ay

dahil sa kawalan ng patnubay ng propesor at ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng

mga “social networking site”. Ang mga “social networking site” na ito ay mayroong

chat na ginagamit ng mga estudyante upang magpalitan at magkopyahan ng mga

impormasyon.

Isa sa pinakamahalagang impormasyon na natuklasan ng mga mananaliksik ay

ang epekto ng e-class sa pag-aaral ng mga tagatugon. Makikita na bumilis ang

pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura nang dahil sa e-class. Ito ang sa

kadahilanan ng pagkakaroon ng internet na may malawak na makapagkukunan ng

impormasyon. Dito ay hindi nakukulong o nalilimita ang kaalamang natututunan ng

mga estudyante sa kanilang mga propesor dahil nakakakuha pa sila ng ibang

impormasyon mula sa mga dalubhasa sa iba’t ibang parte ng mundo. Ito ay sa

pamamagitan ng mga internet blogs kung saan dito nilalagay ng mga eksperto,

dalubhasa at iba pang tao ang kanilang mga research, pananaw, opinyon at saloobin sa

isang bagay o paksa.


27

REKOMENDASYON

Ang pananaliksik na ito ay inirerekomenda sa mga mag-aaral ng Pamantasang

De La Salle – Dasmariñas upang magsilbing gabay sa mga susunod pang pananaliksik.

Inirerekomenda ng mga mananaliksik na palalimin pa ang nasabing pag-aaral kung

saan, hindi magiging limitado sa mga epekto ng e-class ang pananaliksik. Dagdag pa

rito, inirerekomdenda rin ng mga mananaliksik na palawakin ang saklaw ng pag-aaral,

kung saan hindi rin magiging limitado sa mga magaaral ng Dalubhasaan ng

Pangangasiwa sa Pagnenegosyo at Pagtutuos ang mga sarbey at katanungan. Sa

paraang ito, magiging mas malawak ang pananaliksik at mas maraming opinyon ang

makakalap. Sa paraang ito, hindi magiging bias ang gagawing pananaliksik.

Sa pamunuan ng ICTC na siyang namamahala sa e-class ng Pamantasang De La-

Salle Dasmariñas, mas makabubuti ang pagsasagawa ng buwanang sarbey na ang mga

mag-aaral na gumagamit ng e-class ang magiging katugon upang tahasang malaman

ang mga hinaing ng mga mag-aaral. Nawa’y maging bukas sila sa mga opinyon at

pananaw na kanilang matatanggap maging ito man ay positibo o negatibo. Ito ang

magsisilbing gabay at kritiko sa e-class na kanilang pinamamahalaan.

Sa mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle-Dasmariñas na humanap ng mga

posibleng solusyong lulutas sa mga disbentaheng natuklasan ng pananaliksik na ito.

Dagdag pa rito, nararapat na humanap pa sila ng dagdag pang mga disbentaheng

maaaring makaapekto sa pag-aaral ng mga estudyante. Lubos na inirerekomendang


28

maging bukas sila sa mga makabagong paraan o estilo ng edukasyon sa ating bansa at

sa mga susunod pang pagbabago dulot ng teknolohiya.

Sa mga guro na gumagamit ng e-class sa Pamantasang De La Salle – Dasmariñas

na maging sensitibo sa mga makukuhang datos, kung saan, magsasagawa sila ng mga

pagbabago o mga adjustments batay sa mga impormasyong nakuha na siya’ng magiging

pabor at patas sa parehong panig, ang mga estudyante at mga propesor.


29

Apendiks A – Gabay sa Panayam

Pamagat ng Pananaliksik:
Epekto ng E-class sa mga Mag-aaral ng Pamantasang De Lasalle Dasmariñas

Oras ng Pakikipanayam: 1:00pm – 1:30pm


Petsa: Ika- 4 ng Marso, 2014
Lugar: Dalubhasaan ng Pangangasiwa sa Pagnenegosyo at Pagtutuos
Mga Kumakapanayam / Mga Mananaliksik:
Addun, John Paul B.
Iwabuchu, Kevin Kazu L.
Tabas, Jonbon S.

Mga Kinakapanayam:
Gochuico, Jonathan V. , Ph.D

Posisyon/Titulo ng Kinakakapanayam:
Propesor ng Pamantasan ng De Lasalle - Dasmariñas

Paglalarawan sa Pananaliksik:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng e-class sa mga mag-
aaral. Tatalakayin sa papel na ito ang mga bentahe at disbentahe ng e-class sa mga
estudyante, epekto nito sa kanilang pagkatuto sa isang paksa, at mga kadahilanan kung
bakit gumagamit ng e-class ang mga estudyante.

Mga Katanungan:

Unang Tanong: Sa iyong palagay, ano-ano po ang mga kadahilanan ng pamantasan sa


paggamit ng e-class?

Ikalawang Tanong: May epekto po ba ang e-class sa pagbabago ng kalidad ng edukasyon


sa pamantasan?
Pahabol na tanong: Kung meron, ano-ano po ito?

Ikatlong Tanong: Sa iyong palagay, ano-ano po ang bentahe at disbentahe ng e-class?

Ikaapat na Tanong: Sa iyong palagay, mahalaga po ba ang paggamit ng e-class? Bakit?


30

Ikalima na Tanong: Sang-ayon po ba kayo sa paggamit ng e-class? Bakit

Wakas: Maraming salamat sa pakikiisa sa panayam na ito. Tinitiyak po naming


mananatiling konpidensyal ang inyong mga kasagutan.
31

Apendiks B - Talatanungan para sa Sarbey

Para sa mga tagatugon: Bilang bahagi ng kursong FILI 102, Pananaliksik tungo sa
Pagkatutong Pangkaalaman, kaming mga mag-aaral ng Dalubhasaan ng CBAA , ay
kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik na pinamagatang Epekto ng E-Class sa mga
Mag-aaral at Propesor . Isang malaking bahagi ng aming pag-aaral ang sarbey na ito upang
makapagtamo ang mga mananaliksik ng mga kinakailangang datos upang aming mabuo ang
aming sulating pananaliksik. Hinihingi po namin ang inyong kooperasyon sa pagsasagot
nang tama at matapat sa sarbey na ito. Bilang mga tagatugon, kayo po ay malaki ang
kontribusyon sa tagumpay ng pananaliksik na ito. Lubos po kaming nagpapasalamat sa
inyong pakikiisa. Makasisiguro kayong ang lahat ng inyong kasagutan ay mananatiling
pribado at konpidensiyal. Maraming salamat po!

Pangalan: __________________________________________ Control No. 2014-__________


Kurso, Taon at Seksiyon: __________ Kasarian: ____Lalake ____Babae
Edad:______

Panuto: Markahan ng tsek ( ) ang kahon ng inyong sagot. Siguraduhing lahat ng aytem ay
masasagutan. Sumagot nang matapat.

1. Gaano ka kadalas gumamit ng e-class?

Palagi Madalas Minsan Bihira

2. Sa mga pagpipilian, anu sa iyong tingin mayroon ang e-class?

Bentahe Disbentahe Parehas

Kung bentahe, tukuyin:


______________________________________________________________________________

Kung disbentahe, tukuyin:


______________________________________________________________________________

*Kung parehas, maaaring sagutan ang dalawang katanungan


32

3. Ano ang epekto ng e-class sa iyong pagkatuto?

Positibo Negatibo Walang epekto

Kung positibo, tukuyin:


_______________________________________________________________________________

Kung negatibo, tukuyin:


_______________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang dahilan ng paggamit mo ng e-class? (maaaring pumi ng higit pa sa


isang sagot)

Make-up class

Lumiban ang propesor

Kailangan ng “online research”

Para sa mga pagsusulit/takdang aralin

Kung mayroon pang iba, tukuyin: _______________________________________

Pinapatotohanan ko na ang sarbey na ito ay aking sinagutan nang buong katapatan sa


abot ng aking nalalaman.

__________________________________________________________________

Lagda sa ibabaw ng limbag na pangalan

______________ ____________________________________
Petsa Numero ng Telepono/Cp/Email address

Ang sarbey na ito ay pinangasiwaan ni:


________________________________________
33

Apendiks C – Sulat sa Kapapanayamin

Ika-4 ng Marso 2014,


Jonathan V. Gochuico, PhD
Propesor
Pamantasang De La Salle Dasmariñas
Lungsod ng Dasmariñas, Cavite

Mahal na G. Jonatahan Gochuico:

Magandang araw po!

Kami, mga mag-aaral ng mula sa Dalubhasaan ng Pangangasiwa sa Pagnenegosyo at


Pagtutuos ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik bilang tugon sa
pangangailangan sa asignaturang FILI102 Pananaliksik sa Pagkatutong Pangkaalaman.
Ang pamagat ng aming pananaliksik ay “Epekto ng E-class sa mga Mag-aaral ng
Pamantasang De La Salle-Dasmariñas”. Ninanais po naming ika’y makapanayam kahit
sa kaunting oras lamang

Bilang isang matagal nang propesor ng pamantasang ito, naniniwala po kami na malaki
ang iyong maitutulong kung ikaw ay aming makakapanayam. Naniniwala po kami sa
iyong kakayahan upang masagot ang ilang naming mga katanungan.

Ang iyong pagtugon ay lubos naming ginagalang. Handa po kaming maganap ang
panayam sa iyong nais at libreng oras.

Lubos na gumagalang,

Addun, John Paul B.

Iwabuchi, Kevin Kazu L.

Tabas, Jonbon S.

BSA 15
34

Apendiks D - Tungkol sa mga Mananaliksik

Personal na Impormasyon:

Pangalan: John Paul B. Addun

Edad: 17 taong gulang

Tirahan: Blk 5 lot 18 Phase 1. Avida Village, Sta. Cecilia.


Brgy. Salawag. Dasmariñas City.

E-mail:Johnpaul.addun@yahoo.com

Kadalubhasaan:

Sining

Pag-kanta

Edukasyon:

Elementarya

Salawag Maryhills School of Dasmariñas

Sekundarya

Salawag Maryhills School of Dasmariñas

Kolehiyo

2013-kasalukuyan - De La Salle University Dasmariñas

Mga Natanggap na Parangal:

Elementary Class Valedictorian(2008-2009)

Highschool Class Salutatorian (2012-2013)


35

Personal na Impormasyon:

Pangalan: Kevin Kazu L. Iwabuchi

Edad: 16 taong gulang

Tirahan: Blk 2 Lot 6Berlin St. Golden City. Imus, Cavite

E-mail: Xhocas_xifer@yahoo.com

Kadalubhasaan:

Teknolohiya

Computer programming

Edukasyon:

Elementarya

Maranatha Christian Academy

Sekundarya

Maranatha Christian Academy

Kolehiyo

2013-kasalukuyan - De La Salle University Dasmariñas

Mga Natanggap na Parangal:

Mr. Golden City (2004)

Dean’s Lister College of Business Administration (2013)


36

Personal na Impormasyon:

Pangalan: Jonbon S. Tabas

Edad: 16 taong gulang

Tirahan: Blk 48 lot 10 Orchard Village. Brgy. Salawag. Dasmariñas


City

E-mail:Jonbon.tabas@yahoo.com

Kadalubhasaan:

Palakasan(Sports)

Table Tennis

Basketball

Edukasyon:

Elementarya

2004-2007 – St. Jude College Dasmariñas

2007-2008 – Gregorio Del Pilar Elementary School

2008-2009 – Statefields School Inc.

Sekundarya

2009-2013 –Statefields School Inc.

Kolehiyo

2013-kasalukuyan - De La Salle University Dasmariñas

Mga Natanggap na Parangal

Preparatory Class Valedictorian (2002)

Basic Accounting Quiz bee Champion (2014)

You might also like