You are on page 1of 12

EPEKTO NG ONLINE PLATFORM NG PAG-AARAL SA MGA ESTUDYANTE

NG PAMANTASAN NG DE LA SALLE – DASMARIÑAS

SA TAONG 2019 – 2020

Ang pananaliksik ay iprinisinta kay:

Bb. Rheza Mae Salle

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturang:

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Iprinisinta nila:

Causing, John Gabriel D.

Hayag, Shannen Honey Lou B.

Imbuido, Cyra T.

Largo, Gemer Matthew G.

Mendoza, Bismarck Jean L.


TSAPTER 1

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Sa patuloy na pag-unlad at pagbabago ng panahon ngayon, ang edukasyon at


pagtuturo ay nagbabago na rin. Ang mga online platform ng pag-aaral ay itinatatag ng
mga paaralan upang mas mapadali ang pag-tuturo ng mga guro at pag-aaral ng mga
estudyante. Sa pamamagitan nito, nakakapagbigay na ng mga pagsusulit at lektyur ang
mga guro sa kanilang mga estudyante online. Ang Pamantasan ng De La Salle –
Dasmariñas ay isa na sa mga eskwelahan na nakikisabay sa pagbabago at pag-unlad ng
teknolohiya. Ang isa sa mga plataporma na kanilang ginagamit ay ang Schoolbook. Ang
Schoolbook ay itinatatag para sa mga estudyante ng kolehiyo ngunit, noong taong 2016
– 2017 nagkaroon ito ng hiwalay na plataporma para sa mga estudyante at guro ng Senior
High School sa Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas. Ito ay eksklusibo lamang para
sa mga estudyante ng Senior High School sapagkat iba ang plataporma na ginagamit ng
Junior High School at hiwalay ang Kolehiyo.

Ang pokus at layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang epekto ng


Schoolbook sa mga estudyante sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pagkakalap ng mga
datos at pagsasagawa ng survey, madaling matutukoy ang mga negatibo at positibong
epekto ng online platform na Schoolbook. Sa ganitong paraan, maari pang mapuna ang
anumang mga pagkukulang ng Schoolbook na imumungkahi ng mga estudyante.

Ayon kay Elder Craig A. Cardon, “Ang edukasyon ay isa sa pinakamahahalagang


makamtan sa buhay, pagpapala, ang higit na pagpapahalaga sa karagdagang kaalaman
ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magkaroon ng mas malaking impluwensya sa
pagsasakatuparan ng mga layunin ng Panginoon.” Ang pag-aaral o edukasyon ay isa sa
mga bagay na mahalagang pagtuunan ng pansin, kaya ang mga instrumento na
ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral ay mahalaga sapagkat malaking aspeto ito na
makakaapekto dito. Hindi lang mga estudyante, pati na rin ang mga guro ay maaring
makadanas ng ginhawa o hirap sa paggagamit ng Schoolbook o anumang Online
Platform.
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para malaman ang Epekto ng Online


Platform ng Pag-Aaral sa Mga Estudyante ng Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas
sa Taong 2019-2020. Maging malaman ang mga naging positibo at negatibong epekto
ng paglulunsad ng Schoolbook sa pamantasang ito.

Naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano ang tunay na layunin Schoolbook?


2. Sa pagtatatag ng Schoolbook sa Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas,
anu-ano ang mga positibong at negatibong epekto ng Schoolbook sa mga
estudyante ng Pamantasan ng De La Salle Dasmarinas?

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Nagkaroon ng Schoolbook noong nagkaroon ng Senior High School sa


Pamantasan ng De La Salle - Dasmariñas. Ito ay isang plataporma kung saan puwede
mag-enroll ang mga estudyante ng mga kanilang asignatura, at dito rin nagbibigay ang
mga guro ng mga talakayan ng mga pagtatasa. Malalaman dito ang mga anunsuyo ng
mga guro tungkol sa mangyayari sa kanilang asignatura, at mayroon din sa Pamantasan
na tinatawag na “Blended Day” kung saan ang isang strand ng Senior High School ay
walang pasok at bibigyan ng guro ng mga gawain at ang mga talakayan. Isa sa mga
katangian ng Schoolbook ay puwede mo sya mabuksan at magamit sa anumang gadyet
o teknolohiya, hanggat mayroon itong internet koneksyon. Puwede din magtanong ang
mga estudyante sa mga kanilang guro tungkol sa mga kanilang gawain o sa mga kanilang
talakayan. Nagbibigay din ang mga guro dito ng mga pagsususlit na sasagutan ng mga
estudyante,

Ang Schoolbook ay puwedeng gamitin ng ng mga estudyante sa pag aaral nila


dahil nagbibigay ng mga kailangan aralin lalo na pag may mga pagsusulit sa paaralan.
Ang mga datos na makakalap sa pag-aaral ay makatutulong upang malaman kung ang
Schoolbook ba ay talagang nakatutulong at may positibong epekto sa mga guro at
estudyante na gumagamit nito. Mahalaga itong pag-aralan sapagkat ang mga plataporma
ng pag-aaral ay gumaganap ng isang malaking aspeto sa edukasyon ng mga estudyante.
Ang malaman ang epekto nito sa mga mag-aaral ay makakatulong upang matukoy ang
mga pagkukulang at kabutihan nito.

BATAYANG KONSEPTUWAL

Input:

Nais malaman ng mga mananaliksik kung may epekto ang online platform sa mga
gumagamit nito sinusuri ng mga mananaliksik ng ika-11 at ika-12 na baitang ang isyu na
ito at gagawa ng kuwestyuner o survey ang mga mananaliksik ng Pamantasan ng De La
Salle – Dasmariñas.

Proseso:

Ang mga mananaliksik ay nagsasagawa ng sarbey na nag-aaral sa Pamantasan


ng De La Salle – Dasmariñas upang makalap ang mga impormasyon o datos hinggil sa
paksang pinag aaralan o tinutukoy ng mananaliksik.

Output:

Inaasahan ng mga mananaliksik sa pag aaral na ito na malaman kung may epekto
ba ang online platform sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng De La Salle – Dasmariñas.

Fidbak:

Magkakaideya ang mga ika-11 at ika-12 na baitang na nag-aaral sa Pamantasan


ng De La Salle – Dasmariñas na inaaalam kung ano ang mga epekto nito.
SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay naka-pokus sa mga mag-aaral ng Pamantasan ng De


La Salle – Dasmariñas. Saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng Senior High
School ng pamantasan na may bilang na bente (20). Sampu (10) sa Grade 11, at sampu
(10) sa Grade 12.

Ang mga nasabing mag-aaral ang makakapagbigay ng malaking parte sa


pananaliksik sapagkat sila ang tinatalakay sa pag-aaral at sila ang maapektuhan sa
nasabing paksa. Ang hangganan ng pananaliksik na ito ay napapaloob lamang sa mga
mag-aaral ng nasabing pamantasan at sa nasabing paksa. Ang panahong sakop ng pag-
aaral ay simula ngayong semestre.

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik as magbibigay na malinaw na


kasagutan ayon sa perspektiba ng mga nasabing respondante. Hindi sakop ng
perspektiba ng mga mag-aaral na nag-aral sa Pamantasan ng De La Salle - Dasmariñas
noong nakaraang taon. Hindi rin nangangahulugan na ang magiging resulta ng pag-aaral
na ito ay pareho rin sa naging resulta ng mga nagdaang pag-aaral o sa pag-aaral sa iba
pang eskwelehan na may katulad sa paksang ito.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa


minarapatnaming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa
kung paano angbawat isa sa pamanahong-papel na ito. Ang mga terminong ito ay
makakatulong sa mambabasaupang maunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa
ang kanilang talasalitaan at upang masmaging pamilyar pa sila dito.

1. Schoolbook – Ang online platform ng pag-aaral na itinatag ng Pamantasan ng De


La Salle – Dasmariñas para sa mga estudyante ng Senior High School
2. Blended Day – Isang araw kungsaan ang mga estudyante ay hindi pumapasok
sa paaralan sapagkat nakalaan ito upang gawin nila ang kanilang mga gawain sa
Schoolbook.
3. Plataporma – Isang entablado para sa isang bagay na mayroong layunin.
4. Pagtatasa – Isang proseso ng pagkala at pagsuri ng impormasyon mula sa iba’t
ibang batis/paraan/estrarehiya upang magkaroon ng malalim na pag-unawa ang
guro sa nalalaman, naiintindihan, magagawa ng mag-aaral sa natutuhan sa
kanilang leksyon, paggawa ng gawain, proyekto, at iba pa.

SANGGUNIAN

1. Pag-aaral Sa Mga Naidudulot Ng Makabagong Teknolohiya Sa Relasyon


https://www.studocu.com/en/document/university-of-perpetual-help-system-
dalta/bachelor-of-science-in-information-technology/other/pag-aaral-sa-mga-
naidudulot-ng-makabagong-teknolohiya-sa-relasyonresearch/2563174/view
2. Ang Kahalagahan ng Makabagong Teknolohiya sa Pagkatutuo ng Mga Mag-
aaral ni Joey Cabrera
http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=8794%3A
ang-kahalagahan-ng-makabagong-teknolohiya-sa-pagkatuto-ng-mga-mag-
aaral&catid=90&Itemid=1267
3. Benepisyo Ng Makabagong Teknolohiya Sa Mga Estudyante ni
Razel Resula-Razel
https://philippineone.com/benepisyo-ng-makabagong-teknolohiya-sa-mga-
estudyante/
TSAPTER 2

REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Lewis R. Aiken (1998) sa kanyang librong Tests and Examinations, sa
kabila ng pagsisikap sa paggagawa ng isang pagsusulit na may angkop na nilalaman at
ayos, walang garantiya na ang mga indibidwal na sasagot dito ay magiging gayak na
sumagot ng maingat at tapat o talagang maintindihan ang kanilang dapat na gawin. Isa
pa, maaring mapagod, magulo ang isip, o sa ibang dahilan maging tamad at mawalan ng
gana upang ipagpatuloy.

Isa sa mga katangian ng Schoolbook, ay maaring magbigay ang mga guro ng


kanilang mga pagsusulit at ensayo dito. Hindi lamang ito nagiging mabisa ngunit sa
ganitong paraan, nababawasan na rin ang mga trabaho ng guro sapagkat wala ng papel
na manu-mano pang winawasto. Ngunit, sa kabila ng kapakinabangan nito, mayroon din
itong katumbas na negatibong epekto. Ang mga estudyante ay maaring hindi maging
tapat sa pagsasagot ng pagsusulit, hindi lamang sila maaring kumopya sa internet ngunit
pati na rin sa kanilang kapwa kaklase. Nakakaapekto ito sa kanilang pag-aaral sapagkat
maaring wala silang tunay na matutunan.

Ayon kay Sue Soan (2004) sa kanyang librong Additional Educational Needs, ang
mga guro o tagapagturo ay kailangang gumamit ng nonlinguistic na
pakikipagkomunikasyon, sa pamamagitan ng kilos at galaw, biswal na mga gamit,
praktikal na ensayo, at iba pa.

Ayon kay Jeanne Ellis Ormrod (2012) sa kanyang librong Human Learnings,
ang kakayahan na makakuha ng malaking kaalaman at impormasyon at iba’t-ibang pag-
uugali ay ang nagpapahintulot sa mga tao na magkaroon ng kakayahang umangop at
humigit sa ibang mga uri. Ang mga tao rin ang makikinabang at matututo sa kanilang
sariling karanasan.
Ayon kay Manuel Buenconsejo Garcia (1989) sa kanyang librong Focus on
Teachings, isang katanggap-tanggap na pananaw sa pagtuturo ay ang pagtulong sa mga
estudyante na matuto at malaman ang mga kaalaman ng mag-isa. Ang papel ng guro ay
iwanan ang tradisyunal na pagtuturo, maging matyaga, mapamaraan, at malikahain
upang magkaroon ng matatag na istruktura sa e-learning environment.

Ayon kay Ramon C. Cabag (1999) sa kanyang librong Non-Formal Education,


bilang pagpapatupad ng 1996 General Appropriation Act (GAA), ang pagpapalawak ng
serbisyo ng WVSU ay kinakailangang kasangkot ang demonstrasyon at aplikasyon ng
teknolohiya, kagamitan, at proseso, na nabuo sa pamamagitan ng pananaliksik at
teknikal na pag-aaral sa ilang mga komunidad para sa pag-unlad ng bansa.

Ayon kay Allan Jollife, Jonathan Ritter, at David Stevens (2001) sa kanilang librong
The Online Learning Handbook, ang mga kompyuter ay nagsisilbing instrumento sa
pagpapalaganap ng kagamitan sa pag-aaral. Ang mga tao na gustong makita ang mga
kagamitan na ito ay maaring gawin sa pamamagitan ng kanilang laptop o kompyuter. Ang
pagkakaroon ng mga online platform ng pag-aaral ay nangangahulugang madali ang
pagkalap, pagtatabi, at pagtitipon ng mga datos sa mabilis at mabisa na paraan.

Sa pamamagitan ng isang online platform kagaya ng Schoolbook, mas napapadali


ang pag-aaral at pagkalap ng kaalaman ng mga estudyante. Sa pagbibigay ng guro ng
kaniyang lektyur, madali itong mahahanap at makukuha ng mga mag-aaral upang aralin.
Itinuturing na mas mabisa ito sapagkat hindi na kinakailangan ng sandamakmak na papel
at sulat kamay upang matuto ang isang estudyante, kundi isang gadyet at internet lamang
ay maari na siyang matuto.
TSAPTER 3
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang mananaliksik ay gumagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang
pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang
talatanungan ay naglalaman Survey ukol sa paksang pinagaaralan. Ang talatanungan
ay nagbibigay ng iba’t ibang persepsyon sa mga mag-aaral kung sa papaanong paraan
nakakaapekto ang Schoolbook sa kanilang pag-aaral.

1. Gaano kadalas mo ginagamit ang Schoolbook?


a. Madalas
b. Paminsan-minsan
c. Madalang
2. Mayroon ka bang sariling laptop/kompyuter sa iyong bahay?
a. Mayroon
b. Wala
3. Mayroon ba kayong sariling internet koneksyon sa bahay?
a. Mayroon
b. Wala
4. Bilang mag-aaral nakakatulong ba ang mga online platform ng pag-aaral kagaya
ng Schoolbook sa edukasyon?
a. Oo
b. Hindi
5. Kawili-wili o nakakalibang bang gamitin ang Schoolbook?
a. Oo
b. Hindi

6. Sa pagbibigay ng mga guro ng mga pagtatasa at gawain sa Schoolbook, madali


bang naiintindihan kaagad ng mga estudyante ang nararapat na gagawin?
a. Oo
b. Hindi
7. Sa iyong palagay, sapat ba ang isang araw o tinatawag ng Blended Day na
inilalaan upang gawin at tapusin ang lahat ng gawain sa Schoolbook?
a. Oo
b. Hindi
8. Madali at mabisa bang gamiting ang Schoolbook?
a. Oo
b. Hindi
9. Mas epektibo at madali ba ang pagkakaroon ng pagsusulit sa Schoolbook kaysa
sa tradisyunal na papel at bolpen?
a. Oo, mas epektibo.
b. Hindi
10. Ano ang mga pagkukulang na maari mong imungkahi upang mapabuti pa ang
Schoolbook?
TSAPTER 4
LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, natuklasan, konklusyon at


rekomendasyon ng pag-aaral. Ang pamagat ng pag-aaral na ito ay “Epekto ng Online
Platform sa Pag-aaral ng mga Estudyante ng Pamantasan ng De La Salle-Dasmariñas
sa taong 2019 – 2020.”

LAGOM
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy at malaman ang mga mabubuti
at negatibong epekto ng mga online platform o Schoolbook sa pag-aaral ng mga piling
mag-aaral ng Pamantasan ng De La Salle-Dasmariñas.

Upang matukoy ang iba’t ibang mga epekto nito, ang mga mananliksik ay
naghanda ng isang talatanungan or survey questionnaire para sa mga piling mag-aaral
lamang na magsasagot. Ang datos na natipon ay magsisilbi bilang pangunahing nakalap
na kasagutan ng pag-aaral na kung saan ay maingat na inihaharap at nasuri ng maayos.

KONKLUSYON
Batay sa mga natuklasan ng pag-aaral, ang mga sumusunod ay:
1. Mayroong positibong epekto ang pagkakaroon ng Schoolbook sa pag-aaral ng
mga estudyante sa Pamantasan ng De La Salle-Dasmariñas. Napapadali nito ang
mga gawain ng mga estudyante at guro.
2. Mabisa at madali lamang gamitin ang Schoolbook na nakakatulong, lalo na sa mga
bagong mag-aaral na gagamit nito.
3. Mayroong mga ilang estudyante na mas gugustuhin pa ring magkaroon ng
pagsusulit gamit ang papel at bolpen kaysa sa pagsasagot nito sa Schoolbook.
REKOMENDASYON
Isang malaking tulong ang Schoolbook sa mga estudyante ng Pamantasan ng De
La Salle-Dasmariñas palibhasa ito ang nagsisilbing kagamitan para lamang sa mga araw
na walang klase. Ito ang nagsisilbing plataporma upang maibigay ng mga guro ang mga
asignatura at proyekto sa mga estudyante upang ito ay matapos lamang.

Matapos ang masusing pagkalap ng mga kailangang datos nabuo ng mga


mananliksik ang mga rekomendasyong ito:

1. Ang Schoolbook ay mabisa at madaling gamitin, hindi na kinakailangang gawin


pang kompkikado ang istraktura nito.
2. Hindi lahat ng estudyante ay mayroong sariling kompyuter at internet koneksyon
sa bahay, mahalagang mabigyang pansin ng mga guro na dapat bigyan ng palugit
ang mga mag-aaral sa pagsasagot ng mga pagtatasa at pagsusulit.
3. Ang Schoolbook ay wala gaanong kalibang-libang na mga nilalaman, kagaya ng
mga edukasyonal na laro, na maari pang makahikayat at makatulong sa mga
estudyante sa kanilang pag-aaral.
4. Mahalagang maging balanse ang pagsasagawa ng mga guro ng pagsusulit sa
papel at sa Schoolbook, sapagkat mayroong ilang mga mag-aaral na hindi
nakikitang epektibo ang pagsasagot ng mga pagsusulit sa Schoolbook.

You might also like