Professional Documents
Culture Documents
Epekto NG Online Learning Sa JHS Student NG SPM Academy Inc
Epekto NG Online Learning Sa JHS Student NG SPM Academy Inc
Tungo sa Pananaliksik
Ipinasa nina:
Jeff E. Lepon
Guro Sa Pananaliksik
March 2021
Pasasalamat
Kay Ms.Glee Shah Ann Amar, ang aming minamahal na guro at tagapayo sa
asignaturang Filipino, ipanapaabot namin ang taos-pusong pagpapasalamat sa inyong walang
sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay, at pag-unawa sa aming mga kamalian habang
isinasagawa namin ang aming pananaliksik. Marami ring salamat sa pagbabahagi ng inyong
kaalaman ukol sa asignaturang ito na tiyak na magagamit pa namin sa susunod naming pag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay buong pagmamahal naming inihandog, unang una sa mahal na
panginoon na siya ang nagbigay nang lakas at walang sawang paggabay sa mga taong nasa paligi
Buong puso rin ang aming paghahandog ng lahat ng ito sa aming mga magulang na
unawa sa amin tuwing kami'y minsan nahuhuli sa pag uwi. Masasabing kayo ang dahilan sa
Gusto rin naming ilaan ang aming gawain sa aming minamahal na guro at tagapayo sa
asignaturang Pilipino si Ms. Glee Shah Ann Amar, ang, at sa aming mga kaibigan at kaklase na
sumuporta sa amin sa buong proseso, lagi naming pasasalamatan ang lahat ng bagay na ginawa
nila sa amin. Gusto rin nating ilaan ang gawaing ito sa ating sarili sa pagiging napakasipag at
Pamagat I.
Pagkilala/Pasasalamat II.
Dedikasyon III.
KABANATA I
A. Panimula/Introdukiyon 1-
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Layunin
D. Kahalagahan ng Pag-aaral 5
KABANATA II
METODOLOHIYA
A. Disenyo ng Pananaliksik 7
B. Instrumento ng Pananaliksik 7
KABANATA III
KABANATA IV.
LAGOM 12
KONKLUSYON 13
REKOMENDASYON 14
TALASANGGUNIAN 15
APENDIKS
Liham Ng Pahintulot 16
A. Introduksyon
pamumuhay ng bawat indibidwal, sa labas at loob man ng Pilipinas. Nang mag simula ang
Normal” ay nagkaroon ng mga panibagong sistema ng pamumuhay ang mga tao sa tulong ng
online transactions. Ito rin ay mag sisilbing plataporma at magiging midyum sa pag-aaral. Sa
panahon na ito ay tila hindi epektibo ang dating normal na sistmema ng pag aaral kung saan,
maghaharap ang mga guro at estudyante sa isang silid paaralan, na imposible ngayong “New
Normal”. Kung kaya’t ang alternatibong solusyon upang magpatuloy ang mga estudyante sa pag
aaral ay ang online learning. Ang online o distance learning na karaniwang kilala bilang online
ngayon na lumaganap na ang virus sa buong bansa. Ang World Wide Web ay gumawa ng pag-
isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo at tumutulong upang ilipat ang Distance
Education (DE) sa digital na panahon. Ang DE ay naging pangkaraniwan sa maraming
Sa panahon ng quarantine at kumakalat na banta ng virus, tila ang online learning ang
natatanging solusyon upang magpatuloy sa pag-aaral ang mga estudyante. Gayunman, ito ay tila
isang maling akala. Dapat itong bigyang-diin na ang pag-aaral sa pamamagitan ng online ay isa
Ayon kay Selvi Narayanan (2016), ang online education ay gumaganap ng mahalagang papel sa
sistemang edukasyonal ng bansa. Ginugol din ng gobyerno ang maraming pera sa teknolohiya ng
aktibidad. Ito ay naging isang kalakaran sa mga pribadong institusyong pang-edukasyon kung
application web tulad ng Google Meet, Zoom, Google Classroom, Microsoft Teams, at iba pang
Ayon naman kay Katherine Northenor(2020), Ang mga negatibong epekto ng online
learning ay makikita sa teknikal na paggamit nito. Kabilang sa mga epektong ito kung paano
hindi palaging mahusay ang teknolohiya, mas mahirap maunawaan ng mga estudyante ang mga
konseptong itinuturo, ang online learning ay maaaring maging sanhi ng paghihiwalay ng lipunan,
at maaaring maging sanhi ng hindi kailangang mga kasanayan sa komunikasyon. Ang mga
komplikasyon kung wala nito. Ang wifi ng isang estudyante ay maaaring magsara nang hindi
maaaring hindi nila sila hayaang dumalo sa klase at hindi sila maturuan. Ito ay nagiging sanhi ng
nahihirapan ang mga estudyante na maunawaan ang mga konseptong itinuturo sa pamamagitan
ng online school dahil mas marami silang panggagambala na nagtutuon sa kanilang pag-aaral.
Ang mga mag-aaral ay maaaring magambala ng mas madali kapag wala sa isang kapaligiran sa
paaralan sa harap ng iba pang mga estudyante at guro, na nagiging sanhi ng hindi nila
Maraming problema ang kinakaharap ng online learning at isa na rito ay ang online
games. Ang online games ay mahirap tanggihan lalo na kung ito ay nasa ating mga mobile
devices lamang. Masaya't nakalilibang ang pag-lalaro nito at nakakalimot tayo sa mundo ng ating
mga alalahanin ngunit, ito din ay may mga masamang naidudulot sa atin, katulad ng adiksyon at
estudyante lalo na ngayong online classes na nasa bahay lang ang mga estudyante at malayang
gawin ang anomang gusto nila. Ito ay nagiging centro ng kanilang attensyon at dahil dito ay
nawawalan sila ng gana na makinig sa mga talakayan at minsan ay napapabayaan nila ang
kanilang pag-aaral.
B. Paglalahad ng Suliranin
Ang paksa ay tumatalakay sa mga negatibong epekto ng online learning sa mga Mga
Negatibong Epekto ng Online Online Learning sa Junior High School na mga Estudyante ng
a. Edad
b. Kasarian
1.2. Ano-ano nga ba ang mga negatibong dulot nitong makabagong paaran ng pag-aaral?
3. Ano-ano ang mga dahilan bakit hindi epektibo ang online learning?
5. Paano nakaka apekto ang online games sa akademikong performance ng mga estudyante?
C. Layunin
na ito upang malaman ang mga disadvantages ng online homeschooling at ang sanhi ng paghina
ng akademikong performance ng mga estudyante at gayundin ang mga sanhi ng mga negatibong
D. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa upang matukoy ang mga epekto ng online
pagtukoy ang epekto ng homeschooling patungo sa kanila, ang mga kasagutan nila ay
makakatulong sa mga mananaliksik na malaman kung ano ang epekto ng homeschooling sa iba't
Ang mga Guro. Ang mga ibinigay na impormasyon ay makakatulong para ma unawaan
and mga epekto ng online homeschooling sa mga bata at tinedyer na mag-aaral ng SPM
Academy Incorporated. Ang pag-aaral na ito ay isang magandang benepisyo para sa mga guro
dahil ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng ideya sa mga estudyante ng SPM Academy
Incorporated.
Ang mga Magulang. Gaya ng mga Guro, makatutulong ang pag-aaral na ito sa pag-
unawa sa pag-uugali ng bawat estudyante. Ang ibinigay na data ay makakatulong sa kanila para
malaman nila ang akademikong performance ng kani-kanilang mga anak sa pagkuha ng mga
kaalaman kung ano o paano naging sanhi ng pagbabago ang online homeschooling sa iba't ibang
bata.
sitwasyon
New Normal - ay isang estado kung saan ang isang ekonomiya, lipunan, atbp. ay naninirahan
kasunod ng isang krisis, kapag ito ay naiiba mula sa sitwasyon na nanaig bago magsimula
ang krisis.
Penomena - isang katotohanan o sitwasyon na sinusunod upang umiral o mangyari, lalo na
isang organisasyon na nabuo upang makamit ang isang misyon, layunin o tunguhin.
Kabanata II
Methodolohiya
A. Disenyo ng Pananaliksik
naangkop ito sa mga estudyanteng nakaranas sa mga negatibong epekto ng online learning.
Susuriin ng pag-aaral na ito ang kasalukuyang kaalaman kaisipan at pananaw ng mga tao sa mga
B. Instrumento ng Pananaliksik
Ang instrumentong ginamit upang makapag kalap ng mga datos ay sariling katanungan
na ihininda ng mananaliksik patungkol sa epekto ng online learning sa mga mag aaral sa gitna ng
new normal na sistemang pang edukasyon. Ang mga makakalap na datos ay pag sasamahin at
Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga mag-aaral mula sa Junior High School students
negatibong epekto ng online classes gayundin ang sanhi ng negatibong epekto sa mga estudyante
ng SPM Academy. Nagtulungan ang mga mananaliksik upang gumawa ng paraan para matapos
nakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondents na Junior High School Students ng SPM
upang kunin ang kanilang mga sagot sa ibinigay na tanong ng mga mananaliksik at analisahin ito
upang higit na mas maiintindihan ng mga mananaliksik kung ano ang pinagmulan ng problema
ng mga negatibong epekto ng online classes at di para mas mapatunayan ang panig ng mga
mananaliksik ay nangalap din ng ibat ibang impormasyon sa internet para masuportahan ang
Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik mula sa
mga mag-aaral ng Junior High School students tungkol sa negatibong epekto ng online learning.
Sa talahayan 1.1, makikita mo ang mga bilang ng sagot batay sa kasarian na kung saan ay
mayroong (17) o 68% ay babae at (8) o 32% ay lalaki, sa kabuoan ng (25) o 100% na
respondente.
Talahayan 2.
Katanungan Sumasang-Ayon Hindi sumasang-ayon
1. Mas mataas ba ang oras na iyong 20 5
ginagamit sa paglalaro kaysa sa oras na
lumalahok sa online classes?
Posyento 80% 20%
2. Mas nakukuha ba ng online games ang 17 8
attensyon mo kaysa sa pag-aaral?
Posyento 68% 32%
3. Malakas ba ang signal sa lugar na iyong 10 15
tinitirhan?
40% 60%
4. Kayo ba ay “financially stable”? 5 20
20% 80%
5. Mas epektibo ba ang online classes kaysa 2 23
sa traditional na face-to-face classes?
8% 92%
6. Nagbabase kaba sa internet sa pagsagot 25 0
sa mga katanungan na ibinigay ng iyong
guro?
100% 0%
sa tanong na kung saan ay mas mataas nga ang oras ng paglalaro nila ng online games sa oras na
makukuha ng online games ang kanilang attensyon kaysa sa kanilang pag-aaral at Walo o 32%
ang hindi naman sumang-ayon sa katanungang ito. Sa pangatlong tanong naman ay makikita
natin na Labing-lima o 60% ng mga respondente ang hindi sumang-ayon dahil hindi malakas ang
coverage ng signal sa kanilang lugar at Sampu o 40% naman ang sumang-ayon sa katanungang
sila ba ay financially stable na kung saan ay Dalawampu sa mga respondente o 80% ang hindi
sumang-ayon at lima naman sa mga respondente o 20% naman ang sumang-ayon. Sa ika-limang
tanong naman ay Dalawampu’t tatlo o 92% naman ang mas pabor sa traditional face to face
classes at Dalawa o 8% naman sa mga respondente ang pumapabor sa online classes kaysa sa
Batay sa nasuring resulta ng mga mananaliksik, mas malinaw ang paglalaro ng online
games ang isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit hindi naka pokus ang mga estudyante
lahat ng estudyante ay “financially stable” na kung saan ay hindi palagi mayroon silang nakalaan
na budget sa pagbili ng load para internet na ginagamit sa online classes, lalo na ngayon na
maraming magulang ang nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. At nalaman din ng mga
positibong epekto ang dulot ng online learning ngunit hindi natin maitatanggi na ito rin ang
siyang naglilikha ng daan upang ipag-patuloy ang ating pag-aaral at panatilihin tayong ligtas sa
2.1 Natuklasan ng mga mananaliksik na hindi lahat ng lugar ay malakas ang signal at daloy
ng internet connection.
2.2 Bukod dito, napag-alaman ng mga mananaliksik ng mas malinaw na mas maraming
negatibong epekto ang online learning kaysa sa positibong epekto na dulot nito.
3.1 Ayon sa mga nakalap na datos, natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga
respondente ay namomoblema sa kakulangan ng supportang pinansyal para bumili nag pang
internet para makapasok sa online classes.
3.2 Napag-alaman ng mga mananaliksik na mas nagiging dependent ang karamihan ng mga
estudyante sa internet sa paghahanap ng sagot.
4.4 Batay sa nakalap na impormasyon ay napag-alaman ng mga mananaliksik na mas pabor
ang mga estudyante sa traditional face-to-face classes kaysa sa online classes dahil mas
epektibo raw ito.
Konklusyon
Ang isa mga pangunahing dahilan ng mga negatibong epekto ng online learning ay ang,
Mobile and Internet games na isa sa mga sanhi kung bakit hindi nakatuon ang pansin ng mga
mag-aaral sa pag-aaral dahil mas nagiging prayoridad nila ito kaysa makinig sa mga talakayan ng
guro. Ang slow internet connection din ay isa sa mga problema ng mga estudyante sa online
classes dahil ito'y nag dudulot ng panggagambala sa sinisira nito ang pokus ng mga estudyante
kung mayroon silang mahalagang ginagawa gaya ng mga exam. At panghuli ay ang kakulangan
ng supporta, dahil sa pandemic na kinakaharap natin ngayon ay maraming mga magulang ang
nawalan ng trabaho at wala nang perang pang supporta sa kani-kanilang mga anak sa
pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Hindi natin maitataboy na mas madaling sagutan ang mga
aktibdad at ilan pang ibat ibang klase ng mga katanungan sa online class, dahil nakukuha natin
ang mga sagot sa internet ngunit, ito'y umaapekto sa paraan ng pagkatuto ng mga estudyante lalo
na ang mga nakababatang estudyante at ito ay nagdudulot ng pagkawalan ng interes sa pag-aaral
at pagkatuto.
Rekomendasyon
Habang ang Pilipinas ay pumapasok sa isang bagong mode ng pag-aaral, maraming mga
kadahilanan ang dapat isaalang-alang. Kasama dito ang kapasidad ng guro, sitwasyon at
konteksto ng nag-aaral, at kahusayan ng kapaligiran sa pag-aaral. Ang mga ito ay, siyempre, sa
tuktok ng mas malinaw na mga isyu ng bilis ng internet, gastos ng mga materyales, at mode ng
paghahatid. Ang pinakamahusay na paraan upang sumulong ay ang pagbabalik ng isang hakbang
Bilang suporta sa mga nasabing pahayag, Ang CHEd kasama ang mga HEI ay naghangad
mapagkukunan ng PHL CHEd CONNECT, at (3) paglalagay ng CHEd Hi-Ed Bayanihan digital
na komunidad ng mga tagapagturo upang "galugarin ang mga makabagong tugon sa konteksto
gobyerno at iba't ibang mga HEIs sa bansa-sinasabing ito ang una sa uri nito sa kasaysayan ng
TALASANGGUNIAN
Alejandrino, P. (2020). UST Implements ‘Enriched Virtual Mode’ Next Academic Year;
Extends Financial Assistance. Manila, PH: TomasinoWeb.
Allen, I. E., & Seaman, J. (2017). Digital Learning Compass: Distance Education
Enrollment Report 2017. Inihango mula sa https://files.eric.ed.gov/fulltext/ED580868.pdf
BrionesL.(2020)https://www.cnn.ph/news/2020/6/10/DepEd-standard guidelines-
gadgets-online-blended-learning.html
(30) (DOC) " Ang Epekto ng Larong Online sa Performance ng mga Estudyante sa
Senior Highschool " | Jeyk Nolven - Academia.edu
Jhoemz Vecide:(2020) Online Classes: Epektibo nga ba para Matuloy ang Pasukan?
(thelookout.com.ph)
Dittz Centeno- De Jesus (2020) Online Learning ang Bagong Normal na Pag-Aaral ng
mga Kabataan
https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/online-class-ang-bagong-normal-na-pag-aaral-ng-
mga-kabataan/
Selvi Narayanan (2020) Online Learning sa New Normal
https://bit.ly/3c4jajc
Katherine Northenor (2020) Online Learning Ay May Mas Maraming Negatibong Epekto
Kaysa Sa Positibong Epekto Nito.
Online school has more negative impacts than positive – The Sting (theroswellsting.com)
Liham Ng Pahintulot
Abril 5, 2021
Melbert U. Toledo
Punong-guro ng Senior High School
SPM Academy Incorporated
Mandaue City
Ginoo/Ginang:
Isang malugod na pagbati.
Ang mga mananliksik ay kasalukuyang nagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa Mga
Negatibong Epekto ng Online Learning sa Junior High School Students ng SPM Academy,
bilang pagtugon sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino.
Kaugnay nito, hinihingi ng mga mananaliksik ang inyong pahintulot na makuha ang mga
datos na kinakailangan sa pananaliksik mula sa mag-aaral ng Junior High School Department sa
pamamagitan ng pagpapasagot sa kanila ng online surbey na aming inihanda.
Lubos na gumagalang,
Mga Mananaliksik
Pinagtibay ni:
Inaprobahan ni:
Melbert U. Toledo
Punong-Guro
APENDIKS
PANUTO: LAGYAN LAMANG NG ISANG TSEK (✔) ANG IYONG SAGOT SA MGA
TANONGUNGAN.