You are on page 1of 5

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PATULOY NA PAGHUBOG SA

PERSONALIDAD NG MGA MAG-AARAL MULA SA BAITANG 11

NG MUNTINDILAW NATIONAL HIGH SCHOOL

TAONG PANURUAN 2021-2022

Isang Pamanahong Papel

Na inihanda Para kay

Maricel E. Jamero

Muntindilaw National High School

BIlang bahagi pagsasakatuparan ng mga pangangailangan Sa Asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik nina:

Paulene Graccielle E. Cabansag

Vivian M. Caoile

Jeferson Ferrer

Rey Anthony D. Marino

Rose Bhel B. Picarra

June 2022
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa pangangailngan sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t- ibang Teksto tungo sa Pananaliksik ang pamanahong papel na ito na

pinamagatang Epekto ng Teknolohiya sa Patuloy na Paghubog sa Personalidad ng

mga mag-aaral mula sa Baitang 11 ng Muntindilaw National High School Taong

panuruan 2021-2022 ay hinanda ng mga mananaliksik mula sa FIL 1 na binubuo nina:

Paulene Gracielle C. Cabansag

Vivian M. Caoile

Jeferson Ferrer

Rey Anthony D. Marino

Rose Bhel B. Picarra

Tinaggap sa ngalan ng Paaralang Muntindilaw National High School- Senior

High School, Bilang isa sa pangangailangan ng Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.


PASASALAMAT

Lubos po kaming nagpapapasalamat sa mga naging bahagi ng aming pag-

aaral kung hindi dahil sa kanila hindi namin magagawa ang pag-aaral na ito. Salamat sa

mga naging kabahagi, sapagkat mas napalawak at napaigting pa namin ang

pananaliksik na ito. Una, nagpapasalamat kami sa panginoon dahil hindi namin

magagawa at matatapos ito kung wala ang kanyang patnubay at binigyan niya kami ng

lakas ng loob upang mapagtagumpayan namin ang pag-aaral na ito. Pangalawa, sa

aming mga magulang na walang sawang sumuporta sa aming pangangailangan lalong

lalo na sa problemang pinansyal at oras na binigay sa amin upang magawa ang

pananaliksik na ito. Pangatlo, sa aming guro sa pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang

teksto tungo sa pananaliksik na si Ginang Maricel E. Jamero, Nagpapasalamat kami sa

walang sawang paggabay sa aming pananaliksik at pagtulong sa pagpili ng aming

paksa. Pang-apat, sa mga mananaliksik sa mga pag,aaral na ito dahil nadagdagan ang

aming nakalap na impormasyon at nagkaroon kami ng mga basihan sa aming pag-

aaral. Pang-lima, sa aking mga kamag-aral na tumulong magbigay ng impormassyon

tungkol sa aming paksa. Taos-puso po kaming nagpapasalamat dahil kung wala ang

mga taong ito ay di mapapagtagumpayan ang pag-aaral na ito.


PAGHAHANDOG

Bilang handog nais naming bigyan ang bawat respondente at mga indibidwal

na taos-pusong nakiisa at tumulong sa amin na marisulba kung ano nga ba ang Epekto

ng Teknolohiya sa Patuloy na Paghubog sa Personalidad ng mga Mag-aaral mula sa

Baiting 11 ng Muntindilaw National High School Taong Panuruan 2021-2022.

Ang pag-aaral na ito ay walang pag-iimbot na inihahandog ng

mananaliksik sa lahat ng naging bahagi ng pag-aaral na ito..Inihahandog din namin ang

pag-aaral na ito sa aming mga magulang na nagmahal, nag-alaga at nagbigay ng

suportang pinansyal at nanghikayat sa amin na gawin ang makakaya upang tapusin

ang pag-aaral na ito. Taos pusong inihahandog din ito sa aming guro na si Ginang

Maricel E. Jamero na walang sawang nagbigay direksyon at paalala sa amin upang

maging maayos ang kalalabasan nito.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik
ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay hinggil sa epekto ng teknolohiya sa

patuloy na paghubog sa personalidad ng mga mag-aaral mula sa baitang 11 ng

Muntindilaw National High School. Ito ay naglalayon na malaman kung meron bang

kakakyahan ang mga mag-aaral mula sa baitang 11 ng Muntindilaw National High

School na makagamit ng gadget o anumang uri ng teknolohiya. Naglalayon din ang

pananaliksik na ito na malaman ang pinakaginagamit at kinahuhumalingan ng mag-

aaral na maka-teknolohiyang gadget at aplikasyon.

You might also like