You are on page 1of 19

Paulit-ulit na Pagbasa tungo sa Pagpapaunlad ng Katatasan

ng Pagbasa ng mga Piling Mag-aaral sa Ika-pitong

Baitang ng Isaub National High School

Bilang Kahilingan sa isa sa Pangangailangan ng Larangang

Pag-aaral (Teaching Internship), Aksyong Akademikong

Pananaliksik

Nina;

Marianne Angelica S. Padilla

Gwynn Rose Z. Felizarte

Jannie Jean R. Ombe

Jesseca V. Morales

Charish C. Conde

Reymon E. Gadot

Jaster C. Serna

Lloyd A. Luna

2023
KABANATA I

Konteksto at Rasyunal

PANIMULA

Dalawang taon na ang nakalilipas mula nang humagupit ang pandemyang

dala ng COVID 19, maraming sektor ang lubhang naapektuhan at kasama na rito

ang edukasyon. Ang edukasyon ay ang napakahalagang salik tungo sa

pagpapayabong ng kaalaman. Sa pagtamo nito, kailangan ng puspusang

kasanayan gaya ng pagbasa at pag-unawa upang maging madali ang pagtamo ng

kaalaman. Ang pag-unawa ay ang pangunahing layunin kapag nagbabasa. Ang

mga kasanayan sa pag-unawa ay tumutulong sa mag-aaral na maunawaan ang

kahulugan ng mga salita at koteksto (Palani, 2012). Ang pagbasa ay isa sa apat na

kasanayang pangwika kung saan nakikilala at nakukuha ang mga ideya at

kaisipan na nakapaloob sa isang babasahin. Ang pagbasa at pag-unawa ay

itinuturing na isang aktibidad na hindi maaaring ihiwalay. Nangangahulugan ito

na ang pag-unawa sa pagbabasa ay isang aktibidad na kumukuha ng kahulugan

ng mga nakasulat sa mga materyal na may ganap na pag-unawa. Masasabi

lamang na may pagkatuto o pag-unawa kung may kakintalan na naganap at hindi

tuwirang pagsasaulo. Ang isang estudyanteng mahilig magbasa ay may mas

malaking posibilidad na masagutan at maipasa ang mga pagsusulit na ibinibigay

ng guro kumpara sa isang hindi palabasa, sapagkat sa kanyang pagbabasa mas

nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang kanyang karunungan at

mga karanasan. Mas nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng palabasa na

umunawa nang mas malalalim na ideya, kahulugan ng mga salita, at mga


argumentong pangangatwiran. Sa ganitong paraan, masasabing ang pagbabasa

ay isang malaking tulong sa mga mag-aaral dahil mayroon itong epektibong

proseso tungo sa pagkatuto at pagpapalawak ng kaalaman ng bawat estudyante

sapagkat nasasangkot dito ang maraming kasanayan.

Ayon sa datos ng Isaub National High School sa Taong-Panurunang 2021-

2022, naitala na 68.4% ang bilang ng mga mag-aaral na kayang bumasa at 35.2%

naman ang nahihirapan o mabagal bumasa. Ang porsyento ng mga mag-aaral na

nahihirapang magbasa ay suliranin pa rin hanggang sa kasalukuyan.

Nangangahulugan ito na may iilan pa ring mag-aaral na nangangailangan ng

gabay upang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa at pag-unawa. Ayon kay John

Wisley Quintero (2019), ang pag-unawa sa binasa ay isang kakayahan na

nagbibigay-daan sa isang mag-aaral upang sabay-sabay gamitin ang parehong

pang-unawa at kamalayan ng phonemes, palabigkasan, at makabuluhang

pakikipagsamahan sa isang teksto. Ayon naman kay Kennetth Goodman (1967),

ang pagbabasa ay isang saykolinguwistikong pahulaan (psycholinguistic guessing

gaming). Sa larong ito, ang mambabasa ang siyang nagsisilbing “taya” kung saan

siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha, at haypotesis kaugnay sa tekstong

binasa. Sa madaling salita, ang pagbabasa at pag-unawa ay magkaugnay dahil

nakabatay ang kaalaman ng tao sa kaniyang pag-unawa sa mga binasang teksto.

Mariin namang sinabi ni Van Den Broek at Spin (2012) na ang pagbasang may

pag-unawa ay isang komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko,

at kognitibong proseso na nagpapagana sa mambabasa upang makalikha ng isang

mental na representasyon ng isang teksto.


Alinsunod dito, ang Paaralang Pangsekondarya ng Isaub ay nagsagawa ng

pagtatasa o pabasa mula ika-pito hanggang sa ika-sampung baitang nitong ika-2

hanggang ika-3 ng buwan ng Oktubre upang malaman ang antas ng pagbasa ng

bawat mag-aaral at upang mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral na nasa

kabiguan at instruksiyonal na lebel. Batay sa naging resulta, karamihan sa mga

mag-aaral ay nahihirapan at mabagal pa rin magbasa kung kaya’t ang suliraning

ito ang nagsilbing inspirasyon sa mga mananaliksik upang bumuo ng

interbensyon sa paglinang ng katatasan ng pagbasa ng mga piling mag-aaral sa

ika-pitong baitang ng Isaub National High School. Layunin ng pananaliksik na ito

na matukoy ang mga kamalian sa pagbasa ng mga mag-aaral, matulungang

mapaunlad ang katatasan ng pagbasa pagdating sa bilis at sa wastong pagbigkas,

maitama ang nasuring kamalian sa pagbigkas at matukoy kung paano

makatutulong ang katatasan sa pagbasa ng mga piling mag-aaral ukol sa

paglinang ng kaalaman sa pagbasa.


Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang antas ng katatasan ng pagbasa ng mga piling mag-aaral sa ika-

pitong baitang pagdating sa wastong pagbigkas, bilis, at pag-unawa?

2. Ano ang mga suliraning kinahaharap ng mga piling mag-aaral sa ika-

pitong baitang ng Isaub National High School?

3. Paano makatutulong ang katatasan sa pagbasa ng mga piling mag-aaral

ukol sa paglinang ng kaalaman sa pagbasa?

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na makamit ang mga sumusunod:

1. Malaman ang katatasan ng pagbasa ng mga piling mag-aaral sa ikapitong

baitang ng Isaub National High School batay sa mga sumusunod:

a. Wastong Pagbigkas

b. Bilis

c. Pag-unawa

2. Matugunan ang suliraning kinahaharap ng mga piling mag-aaral sa

pagbasa.

3. Mapaunlad ang katatasan sa pagbasa na mga piling mag-aaral sa ika-

pitong baitang.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makapagbigay ng kontribusyon, tulong at patnubay sa

mga sumusunod:

Kagawaran ng Edukasyon - Upang makapagpanukala ng pagpapalakas sa

pagtuturo ng Filipino partikular na sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral.

Superbisor ng Filipino - Upang magsagawa ng mga seminar at pagsasanay sa

mga guro lalong-lalo na sa mga di-medyor ang pagtuturo ng asignaturang

Filipino.

Punong-guro - Upang maging batayan sa pagdaos ng mga pagsasanay sa mga

guro ukol sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa at pag-unawa.

Mga Guro - Upang lalong mapaghusay ang kanilang pagtuturo sa Filipino sa

iba’t ibang disiplina. Malaman ang kalagayan ng mag-aaral pagdating sa bilis ng

pagbasa at malaman ang antas ng pag-unawa sa binasa tekstong.

Magulang - Matulungan ang mga magulang na mapagaan ang suliranin sa

pagtuturo sa kanilang mga anak sa loob ng tahanan.

Mag-aaral - Matulungan ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na mapaunlad

ang kanilang kakayahan sa pagbasa, pag-aanalisa ng teksto, at magkaroon ng

bagong kaalaman lalo na ang mga salita o bokabularyo na siyang pinakamahalaga

sa pag-unawa ng teksto.

Mananaliksik sa hinaharap - Makatulong upang makapagbigay kaalaman at

gawing sanggunian sa kanilang gagawing pananaliksik sa hinaharap.


Mga Kaugnay na Pag-Aaral at Literatura

Ayon Kay Quintero (2019) sa kanyang inilathalang pananaliksik tungkol sa

pag-unawa sa binasa ito ay isang kakayahan na nagbibigay-daan sa isang

estudyante upang sabay-sabay na gamitin ang parehong pang-unawa at

kamalayan ng phonemas, palabigkasan, at makabuluhang pakikipagsamahan sa

isang teksto.

Binigyan din naman ni Van Den Broek et. al (2012) ang pagwawasto,

pagsusuri, at pagtataya ng pag-unawa ang bubuo o kukumpleto sa siklo ng

pagpaplano ng proseso ng pagtuturo/pagkatuto. Ito ay maisasakatuparan sa

pamamagitan ng patunay o ebidensiya ng pagkatututo upang sagutin ang mga

katanungang: ano ang mga patunay bilang sukatan o batayan ng pag-unawa,

paano matutukoy na naunawaan ang isang aralin? at paano uunawain ang

kakayahang umunawa? Sa mga gawaing pampagtuturo at pagkatuto magmumula

ang kakayahang umunawa. Ang mga gawain sa proseso ng pagtuturo at

pagkatuto ay nakaugnay sa paglalapat (application) na magiging pangunahing

daan sa pagtataya ng pag-unawa ng mag-aaral. “Doing with understanding,”.

Ayon naman sa pag-aaral ni Herrera (2019) maituturing na bahagi na ng

pang-araw-araw na gawain ang pagbasa. Isa sa kapangyarihang naihahatid ng

pagbasa ang pagkakaroon ng karunungan tungkol sa iba't ibang bagay. Isa rin sa

kapangyarihan ng pagbasa ang maipadama ang emosyong nakapaloob sa akda na

nakapupukaw sa damdamin. Kaakibat ng gawaing ito ang pag-unawa, ang

kakayahan na magbigay ng kahulugan at interpretasyon sa binasa. Ang malalim

at maayos na pagkakaunawa sa binasa ang maituturing na epektibong pagbabasa.


Kaya binigyang-diin ng mga mananaliksik ang pag-unawa sa binasa ng mga mag-

aaral sapagkat ang pagbasa nang may pag-unawa ang pangunahing kasanayang

dapat matutunan ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Kaya layunin ng pag-

aaral na ito na makabuo ng programang ABAKADAPA upang mapataas ang antas

ng kasanayan sa pag-unawa sa pagbasa gamit ang mga akdang pampanitikan ng

bansang Pilipinas. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ay mabisa ang

implementasyon ng programang ABAKADAPA. Patunay dito ang makabuluhang

pagbabago sa antas ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan

ng iba't ibang gawain sa pagbasa, may malaking pag-unlad sa antas ng pag-

unawa ng mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral.

Kapansin-pansin sa resulta ng pag-aaral na lahat ng estratehiya ay

nagpapakita ng lubos na makabuluhang relasyon ang antas ng pagbasa ng mga

bata at ang estratehiyang kalendaryo ng pagbasa. Ito ay isang patunay na ang

pakikipagtulungan ng mga magulang sa mga guro upang mapabasa ang mga bata

ay may lubos na makabuluhang relasyon sa pag-unlad ng antas ng pagbasa ng

mga bata (Calibara, 2019).

Ang pag-unawa sa teksto ay mahalaga sapagkat madali itong nagbibigay

ng kinakailangang ideya ng mga bagay na nais mong maunawaan at nais mo ring

ibahagi sa mga nangangailangan. Bukod dito, ang pag-unawa sa pagbabasa ay

itinuturing na isa sa mahahalagang pangunahing sangkap din sa wikang Ingles

ng mga mag-aaral, dahil nagiging batayan para sa isang mahusay na pakikitungo

sa kaalaman (Gilani, 2018).


Batay sa mananaliksik na nabanggit ni Varona et al. (2022), pinagtibay na

ang pagbabasa ay isa sa mga kasanayang makro-lingguwistiko na unti-unting

bumababa sa kasalukuyang antas ng kultura dahil sa pagkakaroon ng mass of

social media at telebisyon na sa halip na magbasa, ang mga kabataan ay mas may

hilig manuod o makinig, napakaraming mga detalye, nawala sila sa kaalaman.

Ayon sa pag-aaral ni Ramos (2019) na pinamagatang Antas ng Kasanayan

sa Pagbasa Tungo sa Pagtamo ng isang Pambansang Literasi ang naturang

resulta ay patunay lamang na kapos sa pag-unawa sa pagbasa ang ating mga

mag- aaral sa Pilipinas at nananatiling suliranin magpahanggang ngayon ng mga

guro lalo pa’t tayo ay dumaan sa dalawang taong modular distance learning na

walang aktuwal na interaksyon ang guro at mag-aaral sa klase na kung saan may

malaking nangyaring learning loss sa ating mga mag-aaral.


Depinisyon ng mga Terminolohiya

Antas – lebel ng pagbasa ng mga piling mag-aaral sa Isaub National High School.

Estratehiko – pamamaraan na gagamitin ng mga mananaliksik upang isagawa

ang pag-aaral.

Interbensyon – ito ay tumutukoy sa paulit-ulit na pagbasa bilang panlinang sa

katatasan ng pagbasa ng mga piling mag-aaral sa Isaub National High School.

Junior High – ang taga-tugon sa isinasagawang pananaliksik na kinbibilangan ng

mga mag-aaral mula sa ika-7 hanggang ika-10 baitang na nasa kabiguan at

instruksiyonal na lebel ng pagbasa at pag-uanawa.

Katatasan – kakayahang bumigkas nang wasto, may tamang bilis, magpahayag

ng eksprisyon at may pag-unawa sa tekstong binasa.

Literasi – Kaalaman na nauugnay sa pag-aaral na gagawin.

Palabigkasan – Tawag sa mga tiktik sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga piling

mag-aaral sa Isaub National High School.


KABANATA II

Inobasyon, Interbensyon at Estratehiya

Ang paulit-ulit na pagbasa ay isang interbensiyong gagamitin ng mananaliksik

upang linangin ang abilidad ng mag-aaral sa bilis ng pagbasa at pag-unawa sa

isang maikling kwento. Ito ay gagawin tatlong beses sa loob ng isang linggo na

may kabuuang anim (6) na sesyon sa loob ng dalawang linggo. Isasagawa ang

interbensyon na ito mula Lunes hanggang Miyerkules sa ganap na ika-4

hanggang ika-5 ng hapon upang hindi maapektuhan ang oras ng kanilang klase.

Sa pagsusuri ng wastong pagbigkas at bilis gagamit ang mananaliksik ng correct-

word-per minute na estratehiya.

Sa unang tatlong araw ng sesyon, ang mga piling mag-aaral ay bibigyan ng

parehong babasahing nakaimprinta na naglalaman ng maikling kwento.

Para sa unang sesyon ng pagbasa, magbibigay ng paunang pabasa o pre-

reading ang mga mananaliksik upang masuri ang antas ng katatasan sa pagbasa,

oorasan ang mga piling mag-aaral upang masukat ang bilis sa pagbasa,

sasalungguhitan ang mga maling pagbigkas ng mga salita para matukoy ang

kanilang kahinaan sa pagbabasa at hugis parehaba para sa pagbasa na may

ekspresiyon. Pagkatapos bumasa bibigyan ang mga piling mag-aaral ng (3) tatlo

hanggang (5) limang katanungan para masuri ang antas ng kanilang pag-unawa.

Itatala ang bawat maling bigkas sa pagbasa at hindi tamang sagot sa mga
katanungang inihanda upang talakayin sa pangalawang sesyon at mabigyan ng

solusyon sa pamamagitan ng pagtatalakay. Para sa ikalawang sesyon, bibigyan ng

talatanungan na nasa anyong checklist ang mga piling mag-aaral upang matukoy

ng mananaliksik ang suliraning kanilang kinahaharp sa pagbasa. Sunod ay

tatalakayin ang mga hindi tamang pagbigkas sa pamamagitan ng paulit-ulit na

pagbasa o repeated reading ng mga mag-aaral gamit ang flashcard at hihimay-

himayin ang mga salitang hirap unawain ng mga piling mag-aaral. Para sa

ikatlong sesyon, magpapabasang muli ng parehong maikling kuwento na ginamit

sa unang sesyon para malaman kung mayroong pagbabago o pag-unlad sa

kanilang pagbasa at pag-unawa.

Para sa ika-apat na sesyon, magpapabasang muli ang mga mananaliksik

na mayroong kahirapan sa bokabularyo na nakabatay sa antas ng kanilang

baitang upang masuri kung may pag-unlad na naganap at bibigyan ng (3) tatlo

hanggang (5) limang katanungan ang mag-aaral na susukat sa lalim ng pag-

unawa sa binasang teksto.

Para sa ikalimang sesyon ipababasang muli ng mga mananaliksik ang

tekstong ginamit sa ika-apat na sesyon upang masuri kung mayroong pag-unlad

at magbibigay ng katanungan ang mga mananaliksik na mayroong mataas na

antas na katanungan.

Para sa ika-anim na sesyon magbibigay ng pinal na pagbasa o post-reading

na katulad sa maikling kuwentong ginamit sa ikalimang sesyon upang matukoy

kung naging epektibo ang ginawang pabasa ng mga mananaliksik sa piling mag-
aaral sa ika-pitong mag-aaral at pagkatapos ay magbubuod ang mga piling mag-

aaral tungkol sa binasang teksto.

KABANATA III

METODOLOHIYA NG AKSYON PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng deskriptibong korelisyonal na

disenyo ng pananaliksik para ilarawan ang antas ng katatasan sa pagbasa ng mga

piling mag-aaral sa ika-pitong baitang ng Isaub National High School.

Ipinapakita nito ang datos na sumusukat sa katatasan sa pagbasa pagdating sa

wastong pagbigkas, bilis, at pag-unawa. Sinusuri naman ng correlational

approach kung paano nakatutulong ang paulit-ulit na pagbasa sa katatasan ng

pagbasa.

Ang mga Respondeante o Tagasagot

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mapaunlad ang katatasan ng pagbasa

ng mga piling mag-aaral sa ika-pitong baiting ng Isaub National High School sa

pamamagitan ng paulit-ulit na pagbasa o repeated reading. Saklaw ng pag-aaral

na ito ang (60) animnapung mag-aaral – (30) tatlumpu na mula sa lalaki at (30)

tatlumpu na mula sa babae na nasa Ika-pitong baitang ng Isaub National High

School. Nakatuon lamang ang ilalatag na maikling kuwento at talatanungan sa

wikang Filipino.
Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng dalawang nakaimprintang maikling

kuwento na mayroong magkaibang antas ng bokabularyo para basahin ng mga

mag-aaral at pagkatapos ay bibigyan ang mga piling mag-aaral ng tatlo (3)

hanggang limang (5) katanungang susuri sa katatasan ng kanilang pagbasa at

pag-unawa sa binasa. Gagamit din ang mga mananaliksik ng flashcard para sa

paulit-ulit na pabasa upang iwasto ang hindi tamang pagbigkas at pagpapahayag

na may kalakip na pag-unawa sa binasang teksto. Ang checklist din ay gagamitin

para sa pagkalap ng datos hinggil sa suliraning kinahaharap ng mag-aaral.

Mga Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gagawa ng liham pahintulot na ibibigay sa

tanggapan ng punong-guro, at sa mga piling mag-aaral mula sa ika-pitong

baitang ng Isaub National High School. Pagkatapos mabigyang pahintulot ang

mga mananaliksik ay isasagawa na ang pananaliksik sa pamamagitan ng

pagpapabasa sa mga piling mag aaral. Ang mga mananaliksik ay magbibigay ng

paunang pabasa o pre-reading na may kalakip na katanungan pagkatapos

bumasa upang malaman ang antas ng katatasan ng pagbasa pagdating sa bilis,

kawastuhan, pagpapahayag at pag-unawa. Magkakaroon ng pinal na pabasa o

post-reading upang matukoy kung naging epektibo ang isinagawang


pagpapabasa ng mga mananaliksik sa mga piling mag-aaral sa ika-pitong baitang

ng Isaub National High School.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang nakalap na datos sa pamamagitan ng correct-word-per minute ay

gagamitin upang masuri ang kawastuhan at bilis ng pagbikas.

One-Minute Reading

TOTAL WORDS - = WORDS CORRECT PER


ERRORS
READ MINUTE (WPM)

Baitang at Edad Words-Per-Minute

Hasbrouck, J. & Tindal,G.(2017)-Brysbaert, M. (2019)


Baitang at Edad Words-Per-Minute
(6-8 Grade) 11,12,13,14 years old
150-204 WPM
(9-12 Grade) 15,16,17,18 years old
200-300 WPM

Upang maisagawa ang correct-word-per minute ay magkakaroon ng

dalawang hakbang. Una, oorasan ang mga mag-aaral habang nagbabasa at ang

tamang pagbigkas ay ibabawas sa bawat maling bigkas ng salita, at ang magiging

resulta ay tinatawag na words read correctly. Ikalawa, para makalkula ang words

per minute, ang nakuhang resulta sa unang hakbang o ang words read correctly
ay imumultiplika sa kabuang bilang ng salita at hahatiin sa bawat Segundo ng

pagbasa at ang magiging resulta ay ang tinatawag na words per minute (WPM).

Para sa pag-aanalisa ng datos ng pag-unawa gagamit ang mananaliksik ng

mean percentage score at rubric para matukoy kung saan kabilang ang lebel ng

pag-unawa.

Mean Percentage Score Formula

Total No. of Correct Answers


MPS = x 100
Total No. of Questions

Rubric

Antas ng Pagganap Puntos Porsyento

Pinakamahusay 5 90-100

Katamtaman na Husay 4 80-89

Mahusay 3 70-79

Kailangang Sanayin 2 60-69

Kailangan ng Gabay 1 <60


Etikal na Pagsasaalang-alang

Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay hindi makararanas ng anumang

pinsala bilang resulta ng kanilang pakikilahok. Ang pag-aaral ay magpapatuloy

lamang sa kumpletong kasunduan ng lahat ng respondente at instruktor.

Isasaalang-alang ng pananaliksik ang boluntaryong pagkikilahok ng mga

respondente sa mga piling mag-aaral sa ika-pitong baitang ng Isaub National

High School.

Ang isang sapat na antas ng pagiging lihim ay magagarantiyahan kapag

pinangangasiwaan ang datos. Dapat iwasan ang pagbibigay ng hindi tumpak na

impormasyon ng anumang uri at pagpapakita ng mga resulta ng pangunahing

datos sa isang pinapanigang paraan. Sa kabilang banda, isasaalang-alang ang

pagpapanatili ng pinakamataas na antas nang walang kinikilingan sa kabuuan ng

pananaliksik. Bukod pa rito, ang anumang mga ugnayan ng anumang uri,

pinagmumulan ng pagpopondo, at mga potensyal na salungatan ng interes ay

ibubunyag. Sa kabilang banda, ang lahat ng mga komunikasyon na nauugnay sa

pag-aaral ng aksyon na ito ay hindi ibubunyag. Panghuli, lahat ng komunikasyon

sa pag-aaral ng aksyon na ito ay dapat na bukas at makatotohanan.


SANGGUNIAN

Don Mariano Marcos Memorial State University (03/29/2020) Ang pag-unawa

ay ang pangunahing layunin kapag nababasa ang kasanayan sa Filipino.

Retrieved from www.course.hero.com

Enriquez, F. (2019) Proyektong Basa Pa(Bata ay Sanayin sa Pagbasa): Tugon sa

Pagtaas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Sangay ng Lungsod ng

Lipa.Vol. 3 No. 2M (2019): Ascendens Asia Pte. Ltd/NLB Singapore

Registered Publisher

https://www.ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view

8431.

Fernandez, K. A. D (2021). Antas ng Pag-unawa at Pagbasa ng Teksto ng mga

Mag- aral. Retrieved from www.Scribd.com

Herrera, C. R. (2019). Ang Epekto ng Paggamit ng Programang ABAKADAPA sa

Antas ng Pag-unawa sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Ikapitong Baitang

Pangkat Acacia ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Dagatnan,Doleres,

Quezon sa Panu. Vol. 3. No2C, AS Cendences Asia Pte.Ltd./NLB Singapore

Registered Publisher.

https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/5315
Palani (2012). Ang Pag-unawa. From

https://www.coursehero.com/file/p66lo39/Ang-pag-unawa-ay-ang

pangunahing-layunin-kapag-nagbabasa-Ang-mga-kasanayan-sa/

Ramos, A. S. (2019). Antas ng kasanayan sa pagbasa tungo sa pagtamo ng isang

pambansang literasi. Hango mula

https://www.psurj.org/online/index.php/deap/article/view/175

Varona, F., & Mandado, J. O. (2022). Elektronikong kagamitang linangan sa

integratibo tungo sa kasanayan (E-KLIK) sa malikhaing pagsulat sa

Filipino.International Journal of Research Studies in Education. From

https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.186

Villanueva, V.M (2013) Karatulastasan: Mungkahing Gamit/paraan sa pagtuturo

at pagkatuto upang alamin at suriin Ang kakayahang umunawa, Retrieved

from www.ejournals.ph

You might also like