You are on page 1of 20

ANTAS NG KASANAYAN SA

PAGBASA AT PAG-UNAWA NG
MGA MAG-AARAL: SALIGAN SA
PAGBUO NG PROGRAMANG
INTERBENSYON SA FILIPINO IV
NG PAMBANSANG MATAAS NA
PAARALAN NG TALIPAN
TAONG PANURUAN
2013-2014

Maria Teresa M. Lucila


Ang pagbasa ng mga mag-aaral sa
TNHS ay taun-taon na suliranin ng
mga guro sa asignaturang Filipino at
Ingles. At ang isa sa mga mabigat na
pasanin at nakakalungkot na sinaryo
ay sa pagtuntong ng mga ito sa
Ikaapat na Taon, mababa ang
kanilang antas ng kasanayan sa
pagbasa at pag-unawa.
Napatunayan ito ng magbigay ng
pagsusulit ang mananaliksik at
nagpabasa nang tahimik sa mga
mag-aaral. Ang pagsubok na ito sa
pagbasa at pag-unawa ng mga mag-
aaral ay binubuo ng isang teksto na
may 516 na salita at pagsusulit na
may 10 tanong at 4 na pamimilian
mula a hanggang d. Ginamit na
panukat sa kasanayang ito ang PHIL-
IRI Silent Reading Criteria.
At lumabas na sa kabuuang 447 na
mga mag-aaral, 387 o 86.58% ang
mabagal bumasa; 380 o 85.01% ang
nasa antas na pagkabigo sa pag-
unawa; at 382 o 85.46% sa kabuuan
ang nasa antas sa pagkabigo sa
pagbasa.
II. Suliranin
Mula sa nakalap na datos ng
mananaliksik, may mababang antas
sa kasanayan sa pagbasa ang mga
mag-aaral. Patunay nito ang
mababang resulta ng National
Achievement Test ng paaralan mula
2009-2012.
Kaya naman, isang programang
interbensyon sa pagbasa ang
idinisenyo at nabuo ng mananaliksik
upang matugunan ang kalagayang
ito.
Bilang tugon sa pangangailangan ng
paaralan at mga mag-aaral nito, ang
PILANTIK NG DIWA IV ay inilunsad
upang matugunan ang inilahad na
suliranin at pagalingin ang mga mag-
aaral sa pagbasa nang may pag-
unawa sa teksto.
A. Layunin
Pukawin ang interes ng mga mag-
aaral sa pagbabasa at linangin ang
kanilang talasalitaan, pang-unawa,
pag-aaral at interpretasyon sa
binasang teksto na siyang
pangunahig pokus ng PILANTIK NG
DIWA IV
B. Panahon
Ito ay isinagawa 2 beses isang buwan
mula Setyembre 18 hanggang
Nobyembre 8, 2013 alinman sa araw
ng Miyerkules hanggang Biyernes, sa
oras na ika-4 hanggang ika-5 ng
hapon.
C. Kalahok sa Pag-aaral
Ang mga mag-aaral sa Ikaapat na
Taon na natuklasang nasa pagkabigo
ang antas sa pagbasa.
Sila ay maiuuri sa tatlong
antas/lebel: A, B at C.
D. Isinagawang mga Gawain
Upang mas higit na mapukaw ang
interes ng mga mag-aaral sa pagbasa,
bumuo ang mananaliksik ng 5 set ng
mga Gawain sa Pagbasa ayon sa 3
lebel / antas na kinabilangan ng mga
mag-aaral. Sa pagbuo ng mga
gawain, ginamit ng mananliksik ang
modelo ni Tomlinson (2001).
Nahahati ang mga gawain sa 3
bahagi: Bago Bumasa, Habang
Bumabasa at Pagkatapos Bumasa.
Mayroon din itong Pretest at Post
Test. Gumamit ang mananaliksik ng
mga awtentikong kagamitan at
nilapatan ng iba pang gawain na
naaayon sa Multiple Intelligences ng
mga mag-aaral.
E. Pamantayan sa Pagtataya
Upang nasukat ang antas ng
kasanayan sa pagbasa at pag-unawa
ng mga mag-aaral, gumamit ng PHIL-
IRI Silent Reading Criteria (2011) ang
mananaliksik at pormulasyon nito.

V. PAGLALAHAD AT
INTERPRETASYON
NG KINALABASAN NG
PAG-AARAL
Talahanayan 1 : Antas ng Kasanayan sa Pagbasa at Pag-unawa

400
350
Antas ng Kasanayan sa
Pagbasa at Pag-unawa

300
250
200
150
100
50
0
Bilang Bahagdan
Malaya 32 8.38
Naituturo 143 37.43
Pagkabigo 207 54.19
Kabuuan 382 100

Ipinakikita ng grap sa itaas na mula sa 382 na kabuuang bilang ng


mga mag-aaral, may 32 o 8.38% ang mga mag-aaral ang umakyat
sa antas na malaya; 143 na mag-aaral o 37.43% ang umakyat sa
antas na naituturo at 207 na mag-aaral o 54.19% ang nasa antas na
pagkabigo. Sa antas na pagkabigo may 148 na mag-aaral o 71.50%
ang nasa lebel B ang umakyat sa lebel A samantalang may 59 na
mag-aaral o 28.50% naman ang nasa lebel C na umakyat sa lebel B.
Ang naging progreso o pag-unlad ng
mga mag-aaral sa pagbasa ay isang
indikasyon na ang programa ay
epektibo at nakatulong ang mga
Gawain sa Pagbasa.

VI. KONGKLUSYON AT
REKOMENDASYON
Mula sa mga nakalap na datos ang
sumusunod ay napatunayan: (1)
halos 87% ng mga mag-aaral sa
Ikaapat na Taon ay may mababang
antas sa pagbasa at pag-unawa;
(2) Nakapagpataas ng kasanayan
sa pagbasa ang programang
interbensyon na nabuo; (3)
Nakatulong sa pagpapanumbalik
ng interes ng mga mag-aaral sa
pagbasa ang nabuong gawain.
Iminumungkahi rin ng mananaliksik
ang sumusunod na rekomendasyon
bilang susog sa awtput ng pag-aaral
na ito: (1) Ipagpatuloy ang
interbensyon sa pagbasa di lamang
sa Ikaapat na Taon kundi lalo’t higit
sa G7,G8 at G9; (2) Gamitin ang
nabuong pamantayan sa pagsukat
ng antas sa pagbasa at pag-unawa
ng mga mag-aaral sa lahat ng
Taon/Antas;
(3) Patuloy na suportahan ng mga
administrador ng paaralan, ng mga
guro ng wika at magulang ang
ganitong gawain at pag-aaral; (4)
Makabuo ng mga kagamitang
pampagtuturo ang mga guro gamit
ang mga awtentikong kagamitan.
Sa kabuuan, ang anumang suliranin
ay mahahanapan ng solusyon
basta’t ito ay may sangkap ng
pagsusumikap at pagmamahal sa
anumang gawain. Sinasabing
walang anumang bagay na maliit o
malaki sa isang nangangailangan,
kaya, ang mga programang
interbensyon na kagaya nito ang
tumutugon sa kanilang
pangangailangan.
At bilang guro, ang pag-unlad ng
isang/mga mag-aaral sa pagbasa
nang may pag-unawa at sa pagtaas
ng kanilang literasi sa wika ay isa
nang maituturing na gantimpala.

You might also like