You are on page 1of 4

Antas ng Pag-unawa at Pagbasa ng Teksto ng mga Mag-aaral

____________________________________________

Isang Konseptong Papel na Bahagi sa mga Gawaing Kailangan sa Asignaturang


Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
____________________________________________

Ipinasa kay Binibining Cyrel L. Odtohan

ni
Kyla Allyza Dolceamor R. Fernandez
SUM-BSN-1B

Hulyo 2021
Antas ng Pag-unawa at Pagbasa ng Teksto ng mga Mag-aaral
(Konseptong Papel)

(Rationale)

Ayon kay John Wisley Quintero (2019) sa kanyang inilathalang pananaliksik tungkol sa pag-
unawa, ang pag-unawa sa binasa ay isang kakayahan na nagbibigay-daan saisang estudyante
upang sabay-sabay gamitin ang parehong pang-unawa at kamalayan ng phonemes, palabigkasan,
at makabuluhang pakikipagsamahan saisang teksto. Ayon naman kay Kenneth Goodman (1967),
ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa
larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula,
hinuha at haypotesis kaugnay ng tekstong binasa. Ang pagbasa at pag-unawa sa medaling salita
ay magkaugnay dahil nakabatay ang kaalaman ng tao sa kanyang pag-unawa ng kanyang
binasang teksto. Binigyang diin naman ni Van Den Broek at Espin (2012) na ang pagbasang may
pag-unawa ay isang komplikadong interaksiyon mula sa awtomatiko, estratehiko at kognitibong
proseso na nagpapagana sa mambabasa upang makalikha ng isang mental na representasyon ng
isang teksto.

Samantala, may bilang ng mag-aaral na mayroong suliranin sa pag-unawa ng mga mensahe,


ideya at salita ng tekstong kanilang binabasa. Ito ay isa sa mga hamong kinahaharap ngayon ng
ating mga mag-aaral upang maging mas malinaw at mabilis ang kanilang pagkatuto. Sinabi ni
Sencibaugh (2007) sa kanyang pag-aaral na ang mga mag-aaral na may mababang
komprehensiyon ay nagpapakita ng kakulangan sa semantikang pag-unawa dahil sa kakapusan
ng pagbibigay kahulugan sa mga salita. Sinang-ayunan naman ni Saucer (mula kay Perez) na ang
kasanayan sa pagbasa ay isang batayan upang ang mga mag-aaral ay magtagumpay sa kanilang
pag-aaral. Isa sa mga kasangkapan ng pagtuturo ay ang pagbasa bilang kasangkapan at
nagsisilbing upang matulungan ang mga mag-aaral na magkaroon ng kakayahang bumasa.

Sa karagdagan, ang pag-unawa sa binabasa ay itinuturing na isa sa mga pangunahing


mahalagang sangkap ng mga mag-aaral dahil ito ay nagbibigay ng batayan para sa malaking
halaga ng pag-aaral (Gilani, 2012). Ayon naman kay Leipzig (2001), inihalimbawa niya na ang
pagkatuto sa maunawang pagbabasa ay isang komplikadong proseso na puwedeng ihalintulad sa
isang sasakyan. May sariling sistema na kailangang alagaan at panatilihin at ang pinaka
mahalaga ay ang patuloy na paggamit dito upang masiguro ang kaayusan nito.

(Layunin)

Nais ng papel na ito na magpokus sa Antas ng Pag-unawa at Pagbasa ng Teksto upang


magkaroon ng isang malinaw na impormasyon sa mga problema o suliranin na kinakaharap ng
mga mag-araal na nagiging balakid sa kanilang malawak na pag-unawa sa pagbasa ng mga
teksto.
Ang layunin din ng papel na ito ay magkaroon ng mga solusyon upang maresolba ang mga
suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pag-unawa sa pagbasa ng mga teksto upang sila ay
mas magkaroon ng kawili-wiling pagkatuto.

Isa din sa mga layunin ng papel na ito ay makapag-bigay ng iba’t-ibang estratehiya sa pag-unawa
at pagbasa upang mas matuto ang mga mag-aaral at matuon pa ang kanilang pokus sa pagbasa.

(Metodolohiya)

Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam sa ilan sa mga


mag-aaral upang malaman ang kanilang mga kinakaharap na suliranin sa pag-unawa at pagbasa
ng mga teksto. Isasagawa din ang pakikipanayam sa mga guro upang malaman ang kanilang mga
estratehiya na kanilang ginagamit upang matuto ang kanilang mga mag-aaral sa pagbasa at pag-
unawa ng mga teksto. Ipinapanukala rin ng papel na ito ang pagsasagawa ng obserbasyon sa mga
silid-aralan ng isang piling paaralan at bigyan sila ng iba’t-ibang teksto at obserbahan kung
paano nila inuunawa ang mga ihahain na teksto. Maghahain din ng mga katanungan o answer
sheets ang mananaliksik upang malaman kung gaano ba naunaawan ng mga mag-aaral ang
nabasang teksto. Ipinapanukala din ng papel na ito ang pagbibigay ng questionnaire form upang
mas malaman pa ng mananaliksik ang antas ng pagbasa at pag-unawa ng mga magaaral.

(Inaasahang Output o Resulta)

Inaasahan ng papel na ito na makapagpahayag ng resulta na batay sa layunin ng mananaliksik.


Inaasahan din ng mananaliksik na makapagpahayag sa output na ito ang mga rekomendasyon na
maaring makatulong sa pagpapaunlad ng antas sa pag-unawa at pagbasa ng teksto ng mga piling
mag-aaral.
Sanggunian:

Broek, V. D. (2012). Connecting cognitive theory and assessment: Measuring individual. 315-
325.
Goodman, K. (1979). Pagsulat at Pagbasa.
Liepzig. (2001). Unknown. Retrieved from Google:
http://cw.routledge.com/textbooks/9780415801065/pdfs/Sample-Action-ResearchManuscript-
M.R.A., G. (2012). Impacts of Learning Reading Strategies on Students' Reading
Comprehension Proficiency.
Perez, H. (2019). PAGPAPAUNLAD SA KAKAYAHAN SA MAUNAWANG PAGBASA NG MGA
MAGAARAL SA GRADE 8 SA PAMAMAGITAN NG ESTRATEHYANG. Retrieved from
https://depedro1.com/wp-content/uploads/2019/02/Herbert-Perez.pdf
Quintero, J. W. (2019). Retrieved from
https://www.academia.edu/24000939/Kabanata_I_ANG_SULIRANIN_AT_ANG_KALIGIRAN
_NITO_Sanligan_ng_Pag_aaral
Sencibaugh, J. (2017). Meta-analysis of reading comprehension interventions for students with
learning disabilities: Strategies and implications. Reading Improvement.

You might also like