You are on page 1of 11

3Bs Bawat Bata Bumabasa: Isang Pagsipat at Pagsisiyat

sa Makrong Kasanayang Pagbasa.

Pananaliksik na Iniharap kay G. Christian Gandeza

Kolehiyo ng Edukasyon

Ilocos Sur Polytehnic State College

Tagudin Campus

Bilang bahaging katuparan ng mga gawaing kailangan sa Asignaturang


Introduksyon sa Pananaliksik ng Wika at Panitikan

Ginalyn Mifa

Carrie Ann Shane Orine

Marjorie Barnarchea

Enero 2021
Kabanata 1

Suliranin at Kaligiran

Panimula

Isa sa pinakamahalagang institusyon ay ang edukasyon sapagkat dito hinuhubog


ang ating pagkatuto at pagkalinang, naniniwala rin ang lahat na edukasyon ang susi sa
pag-unlad at kabataan ang pag-asa ng bayan. Kaya naman, labis ang
pagpapahalagang ibinibigay ng iba’t-ibang kagawaran na may kaugnayan dito lalo na
ang mga namumuno kabilang na ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at
Commission on Higher Education (CHED). Sa pagdidisenyo at pag iimplementa ng
kurikulum sa edukasyon ay talaga namang dumaraan sa madaming proseso ngunit
minsan ay hindi maiiwasan ang pagkakamali at mayroon pa ring pagkukulang.

Taong 2018 nang isinagawa ang isang pagsusulit upang sukatin ang kakayahan
at kaalaman ng mga mag-aaral sa matematika, agham at ang komprehensyon ng
pagbasa sa Program for International Student Assessment (PISA). Sa isinagawang ito
ang mga mag-aaral na nasa edad 15 ang sumabak sa pagsusulit. Sa kasamaang palad
ang resulta ay nagdala sa mga Pilipino ng alarma at pagkadismaya sapagkat tayo ang
pinakamababa sa mahigit 50 na bansang sumali rito.

Sa komprehensyong pagbasa, maraming katanungan ang pumasok sa isipan ng


mga tao gayong alam nating lahat na kilala ang bansang Pilipinas na isa sa
pinakamahusay magsalita ng wikang Ingles, bakit sa komprehensyon ng pagbasa’y
Pilipinas ang pinakamababa o nasa laylayan, gayundin sa komprehensyon ng pagbasa
sa wikang Filipino.

Sa bansang Pilipinas ay marami ding mga estudyante ang nakakaranas ng


komplikadong pag unawa sa mga teksto. Nagkakaroon sila ng kahirapan sa pag
aanalisa sa mga susing salita at hindi nila alam kung anong kahulugan ng nasabing
salita. Isang papaunlad na bayan na ang Maragondon sapagkat may ilang mga
estudyante pa ding may problema sa paganalisa at pagpapakahulugan sa iba’t ibang
mga bagay lalong lalo na sa pagbabasa ng mga salita at paghinuha ng konsepto ng
tekstong binasa. Nakakasagabal din ang pamumuhay ng ilang mga taga-Maragondon
sa pagtamasa nila ng sapat na kaalaman sa pag aanalisa ng iba’t ibang uri ng teksto.
Isang matagumpay at papaunlad na paaralan din ang mataas na paaralan ng Bucal na
matatagpuan sa lungsod ng Maragondon,pero tulad ng ibang paaralan sa bansa, may
mga estudyante pa ding nakakaranas ng komplikadong pag intindi sa iba’t ibang uri ng
teksto.

Marami sa kanila ang nahihirapan sa pagsusuri ng konteksto ng teksto sapagkat


hindi sapat ang kaalaman sa bokubularyo at gramatika na bumubuo sa isang teksto.
Noong ika-25 ng Oktubre 2011, itinalaga ng Kagawaran ng Edukasyon ang Division
Memorandum No. 244 na nagdedeklarang Nobyembre ang buwan ng pagbasa na
gaganapin taun taon. Ito ay para mapaunlad pa ng mga magaaral ang kanilang mga
kasanayan sa pagbabasa na maglalayong magkaroon ng mataas na antas ng
kaalaman. Kaakibat ng pagbabasa ang komprehensyon ng mga magaaral sa
interpretasyon ng kanilang binasa. Ika-29 ng Nobyemre taong 2018, itinalaga naman
ang DepEd Memorandum No. 175,s.2018 bilang Pambansang Buwan ng Pagbasa para
sa mga pampublikoat pribadong paaralan sa ating bansa. Layunin nitong ipagdiwang
ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral at kultura sa pamamagitan ng pagbabasa. Ang
tema sa taong iyon ay “Pagbasa: Susi sa Magandang Kinabukasan. “Lahat ng mga
paaralan at mga sentro ng pag-aaral ay inuudyukan na magkaroon ng mga aktibidad
para sa elementarya at sekondaryang paaralan.

Isa sa mga aktibidad na isinagawa ay ang book fair kung saan may mga librong
ibinibenta upang mas magkaroon ng interes ang mga magaaral na magbasa.
Nagkaroon din ng iba’t ibang kompetisyon katulad ng masining na pagkukwento kung
saan nahahasa ng isang magaaral ang kanyang kasanayan sa pagbabasa sa
malikhaing paraan at bukod doon ay may natututunan pa silang bagong kaalaman. Ang
Araw ng Pagbasa ay isang angkop na aktibidad para sa Pambansang Buwan ng
Pagbasa upang itaguyod ang pagbabasa at ang karunungang bumasa't sumulat sa
pamamagitan ng pagpapalaganap ng ating kulturang Pilipino na nagpapakita ng iba’t
ibang kwento ng pag-asa. Mahalagang matutong umunawa at makabasa ang mga
estudyante ng iba’t ibang uri ng teksto dahil makakatulong ito para sa kanilang
kinabukasan bilang isang kayamanang hinding hindi kukupas magpakailanman.

Ang pagbabasa ay isa sa mga pangunahing kasanayan sa wika na dapat


pinagkadalubhasaan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng pagbabasa, naipababatid
ang mensahe ng isang teksto. Gayunpaman, nahaharap pa rin sila sa maraming mga
kahirapan sa pagunawa ng teksto. Ang teksto ay tumutukoy sa kaisipan ng isang
manunulat na naisasalin sa anumang babasahin na naglalaman ng mga ideya at
nabibigyan ng kahulugan sa pamamagitan ng pagbabasa. Sa panahon ngayon,
maraming estudyante ang may kahirapan sa pag-unawa ng mga teksto na nagiging
dahilan sa kawalan ng interes sa pag-aaral. Ilang halimbawa ay ang pag-babasa ng
mga babasahin gamit ang ibang linggwahe o midyum kung saan hindi masyadong
nauunawan sapagkat hindi ito ang nakasanayang wika. Ang mga problema sa
pagunawa sa pagbabasa ay kadalasang nangyayari dahil sa kakulangan ng karanasan
at kaalaman ng mga mag-aaral. Ang mga tungkulin sa pagunawa sa pagbabasa ay
maaaring maglagay ng napakalaking puwersa sa kapasidad ng memorya ng isang
magaaral lalo na kung ito ay may mga mahihirap na kasanayan sa wika. Mahalaga ang
pagunawa sa teksto sapagkat madali nitong naiibigay ang kinakailangang ideya sa mga
bagay na nais mong maintindihan. Napauunlad nitoang iba pang kasanayang pangwika
gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye at
pagpapakahulugan ng impormasyon.

Ang pagbabasa ay ang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng


daynamikong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mambabasa, teksto at konteksto ng
sitwasyon. Upang maunawaan ang isang teksto, binabanggit ni Westwood (2001:31) na
dapat gamitin ng mga mambabasa ang impormasyong tumutukoy sa pag-scan,
pagbibigay-kahulugan, pag-oorganisa at pagpapakita ng impormasyong makuha nila
mula sa teksto. Iniisip niya na ang mahusay na interpretasyon ng teksto ay
nagsasangkot ng isang kombinasyon ng mga kasanayan sa pagkilala ng salita, pag-
uugnay ng bagong impormasyon sa naunang kaalaman, at paggamit ng naaangkop na
mga estratehiya tulad ng paghahanap ng pangunahing ideya, gumagawa ng mga
koneksyon, pagtatanong, pagpapalagay at panghuhula. Samakatuwid, ang pag-unawa
sa mga tekstong pagbabasa ay hindi isang madaling bagay, kaya maraming estudyante
ang nakakaranas ng kahirapan sa pag-unawa ng teksto.Ang kahirapan sa pagbabasa
ay tumutukoy sa isang problema na nauugnay sa pagbabasa at nagiging sanhi ito
bumaba sa mga tuntunin ng mga kinakailangan sa pagbabasa sa loob ng silid-aralan
(Oberholzer,2005). Ang problemang ito ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto
sa kanilang pag-aaral lalo na sa kakayahan ng ga mag-aaral sa pagbabasa. Ang mga
problema sa pagbabasa ay nagmumula sa maraming mga kadahilanan. Sina Bond,
Tinkel at Wasson (1979) ay nagbigay ng mga sumusunod na pangkalahatang
klasipikasyon ng mga kahirapan sa pagbabasa: ang kakulangan ng pagkilala, hindi
naaangkop na mga kasanayan, kakulangan ng mga pangunahing kasanayan sa pag-
unawa at limitadong kakayahan sa pagunawa, kakulangan ng kakayahang umangkop
sa pagbabasa ng mga kinakailangan sa nilalaman.

Pinili ng mga mananaliksik ang paksang "3Bs Bawat Bata Bumabasa: Isang
Pagsipat at Pagsisiyat sa Makrong Kasanayang Pagbasa" sapagkat nais nilang
malaman kung ano nga ba ang impak ng mababang komprehensyon sa iba't ibang
aspetong panlipunan at ekonomiya, nais ring makapag-ambag sa komunidad ang mga
mananaliksik sa paraang pabibigay ng bagong impormasyon o kaalaman na may
kaugnayan sa paksa, upang mabigyang solusyon ang problema sa mababang
komprehensyon sa pagbasa.

Layunin ng Pananaliksik
Sa taong 2018, ay nagsagawa ang PISA ng isang pagtatasa sa 79 na bansa, ito
ay ang Reading Comprehension, Science at Math sa antas ng sekondarya , edad 15.
Sa kasamaang palad, lumabas sa resulta na pinakahuli ang bansang Pilipinas sa lahat
ng ito, kung kaya’t naalarma ang Kagawaran ng Edukasyon. Kaya naman sa
isasagawang pananaliksik, hinahangad na masagutan ang mga sumusunod na
katanungan upang mabigyang linaw ang suliranin sa mababang komprehensyon.
1. Ano ang mga salik na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagbasa?

2. Anong mga interbensyon ang iyong ginagawa para malinang ang iyong pagbasa?
Kahalagahan ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, naniniwala ang mga mananaliksik na malaki ang maiaambag


nito sa problemang kinahaharap natin ngayon partikular sa problemang komprehensyon
sa edukasyon, magbibigay linaw ang pagtatalakay na ito sa mga mag-aaral, guro,
magulang at sa komunidad.

Para sa mga mag-aaral- upang maunawaan nila ang kahalagahan ng komprehensyon


sa kanilang pag-aaral, mapagtutuunan nila ang mga salik na nakakapagpababa ng
kanilang komprehensyon sa pagbabasa, magiging handa sila bilang isang kapaki-
pakinabang na mag-aaral.

Para sa mga guro- upang mabigyan sila ng malawakang pagpapaliwanag kung bakit
may mga mag-aaral na mababa ang komprehensyon, malalaman ang mga salik nito
gayundin ang solusyon,.

Para sa mga magulang- upang magbigay daan ito na mas lalong pagtuunan nila ng
atensyon at gabay ang kanilang mga anak upang mapataas ang komprehensyon ng
mga bata.

Para sa komunidad- upang maliwanagan ang ating kaisipan sa kung gaano kahalaga
ang komprehensyon sa pagbabasa at ihanda tayo sa mga solusyon na gagawin upang
mapagtagumpayan ang problemang ito.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa problemang komprehensyon sa


pagbasa, ang mga respondente ay pili lamang, ang mga mag-aaral sa ISPSC, Tagudin
Campus na nasa unang taon pa lamang sa kolehiyo. Saklaw rin ng pananaliksik na ito
ang mga salik at solusyon na dapat isagawa upang malagpasan ang matagal ng
problemang ito.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

 Pagbasa - Pagkilala, pag-unawa at pagpapakahulugan sa binasa


 Komprehensyon- Pagpoproseso ng mga impormasyon o kaisipan patungkol sa
binasa

 Teksto- Babasahin na naglalaman ng mga ideya, konsepto o impormasyon sa mga


bagay-bagay

 Edukasyon- Sistema ng pag-iipon ng kaalaman upang mapaunlad ang isang


indibidwal

 PISA (Programme for International Student Assessment)- Ito ay programa sa buong


mundo na nagsasagawa ng ebalwasyon sa paraan ng pagsusulit upang malaman
ang kalidad ng edukasyon sa iba’t ibang bansa.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ang No Child Left Behind Act of 2001 na inilathala sa Education Week ay naglalayon na magkakaroon ng mataas na
kalidad sa pag-unawa ng pagbasa ang mga mag-aaral upang makabuo ng isang de-kalidad na mga mag-aaral. Ang
pagbabasa ay isang perceptual at isang kognitibong proseso sa kamalayan ng isang mambabasa. Ito ay isang
proseso kung saan nabibigyang linaw nito ang mga bagay-bagay na malabo para sa isang indibidwal. Bukod dito, sa
gawaing ito, ang isang bihasang mambabasa ay dapat na gumamit ng pandama, syntactic, semantiko, at pragmatik
na impormasyon upang maisagawa ang gawain. Ang iba't ibang mga mapagkukunan ng impormasyon ay lumilitaw
na nakikipag-ugnay sa maraming mga kumplikadong kaparaanan sa panahon ng proseso ng pagbasa.
Nangagahulugan lamang na ang isang mababasa ay kailangang dumaan sa proseso ng pagbabasa upang higit
niyang maunawaan ang teksto at nilalaman ng isang babasahin.Sa gawaing ito, mas nabibigyang halaga at sapat na
pang-unawa ng isang indibidwal sa paglalahad ng sariling intepretasyon sa nilalaman ng teksto. Dahil isa sa mga
suliraning kinakaharap sa panahon ng kasalukuyan ay ang pagbabasa nang walang pag-iintindi sa tekstong binasa.
Sa katunayan ang resulta ng mga pag-aaral nina Pabuaya (2014), Monter (2016), Villacruz (2016), Yamson (2017) at
marami pang iba na halos pareho ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-unawa na nasa mababang
pamantayan. Ang resulta ng mga pag-aaral sa mga mananaliksik ay nanatiling matinding suliranin sa kasalukuyan.
Ito ang dahilan kung bakit nahikayat ang mananaliksik na suriin ang kakayahan ng pag-unawa ng mga mag-aaral na
nagpapakadalubhasa sa Filipino ng Visayas State University (VSU). Tulad ng ibang mananaliksik na sa ilang taong
pagtuturo, ang kakayahan ng pag-unawa ng mga mag-aaral lalo na sa kritikal at inferensiyal na lebel ay
nangangailangan ng atensiyon ang mga mag-aaral. Ito ay isa sa mga suliranin ng mananaliksik sapagkat ang
kakayahang ito at dapat malinang ng bawat mag-aaral lalo na nasa kolehiyo. Ayon kay Tizon (2013) hindi sapat na
marunong lamang ang mga mag-aaral na magbasa sa mga salitang nakalimbag, kailangan may kakayahan siyang
makapag interpreta sa tunay na kahulugan ng binasa. Ganoon din ang pahayag ni Cekiso (2012) na nagsabing mag-
isip ng mga estratehiya upang makilala ang pagkamalikhain at pagkakritikal na mag-isip ang mga mag-aaral.
Napakahalagang pagtuunan ng mga guro ang kakayahang pag-unawa at malinang ng bawat mag-aaral sapagkat
tulay ito sa pagkakaroon ng matagumpay na academic performance. Sa mga nakaraang taon, maraming
mananaliksik na binigyang pokus ang kakayahan ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral. Isa itong
makabuluhan dahil paraan ito upang matulungan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral. Ngunit sa
kasalukuyan patuloy pa rin ang mga pag-aaral na ito kung saan nanatili pa ring pinagtuunan ng pansin ang
komprehensiyon ng mga mag-aaral lalo na sa antas na integratibo, kritikal at pagkamalikhain (Medina, 2011;
Antoniou at Souvignier, 2007). Ang kakulangan sa pag-unawa sa mga elemento ng pagbasa ay isa sa mga
kadahilanan sa patuloy na pagbaba sa kakayahan ng pag-unawa sa kritikal at inferensiyal na mga mag-aaral na
siyang dahilan kung bakit binuo ang pag-aaral na ito. Ang estratehiya ng pagbasa o pagkilala sa kakayahan ng pag-
unawa ay nangangailangan ng pagplano at pag-analisa sa mga uri at klase na mga mag-aaral. Kritikal at inferensyal
na kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa larangan ng Filipino ng VSU International Journal of Research
Studies in Education 53 Kaugnay nito ipinaliwanag ni Yamson (2017), na ang kritikal na kakayahang ng pag-unawa
ay naging suliranin din sa ibang mga tagahubog na nangangailangan ng atensiyon. Binanggit ni Monter (2015), ang
kakayahang pag-unawang kritikal at inferensiyal ng mga mag-aaral ay isa sa mga suliranin ng mga guro sa
kasalukuyan. Marami sa mga mag-aaral ay kulang ang interes sa mga gawaing pagbasa. Ito ang dahilan kung bakit
mababa ang kanilang kakayahan sa pag-unawa lalo na sa mga nangangailangan nang mataas na lebel na pag-
aanalisa. Sa pag-aaral ni Kispal (2008) nakakuha ng mababang antas ng kakayahang ang kanyang mga mag-aaral sa
kritikal at inferensiyal na kakayahan sa pag-unawa sa pagbasa. Ang pahayag nina Yamson (2017) at Monter (2015)
ay kaugnay sa suliranin ng mananaliksik sa pag-unawa ng pagbasa sa kanyang mga mag-aaral. Maituturing niya
itong isang malaking suliranin sapagkat ang mga katanungan na nangangailangan ng integratibo sa sarili at
malikhaing pag-iisip ay hindi ginamit ng kanyang mga mag-aaral sa tuwing hinihingi ang mga ganitong kasagutan.

Sa panahon na tinatawag na kompetisyon ng globalisasyon kailangan magtaglay ng ganitong kakayahan.


Iminungkahi nina Monter (2016), Tagalog (2015), Pabuaya (2014) at Pia (2011) na ang guro ay hindi dapat tumigil
sa pagbibigay ng mga gawaing makapagpapaunlad sa kakayahan ng mga mag-aaral lalo na sa kasalukuyan na ang
daigdig ay puno ng mga pagbabago. Ang mga pagbabagong ito ay nakapagdudulot ng hindi magandang resulta sa
kakayahan ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral nina Monter (2016), Tagalog (2015), at Pabuaya (2014) naipakita na
parehong nasa mababang antas na kakayahan ang mga mag-aaral sa kritikal na pag-unawa. Ang resultang ito ay
kailangan hindi dapat ipagkawalang bahala ng mga gurong may hangarin makabuo ng isang kwalidad ng mga mag-
aaral. Ang kakayan ng pag-unawa sa pagbasa ay isang napakahalagang puhunan sa mga kakayahang pangka-
akademiko. Marami sa mga mag-aaral ay mahina sa paglalahad na nangangailangan ng mga aplikasyong mula sa
sariling pag-unawa. May nagsabing marami sa kanilang mag-aaral ay hindi sinanay ang kritikal na pag-unawa sa
mga nabasa. Isa totoo maraming suliraning ang kinaharap ng mga guro sa usaping pagbabasa kaya patuloy na
naglulunsad ng mga programa ang DepEd upang masolusyunan ang suliraning ito. Isa sa mga programa ay ang
Philippine Informal Reading na sinusukat dito ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral.

Flores, M. S. (2020). Kritikal at inferensyal na kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa larangan ng


Filipino ng Visayas State University. International Journal of Research Studies in Education, 9(3), 51-61.
https://doi.org/10.5861/ijrse.2020.5825

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Sa aklat ni Arrogante (2007) sinabi ni Urquhart at Weir na ang pagbasa ay isang proseso

ng pagtanggap at pag-interpreta ng mga impormasyong nakakoda sa anyo ng wika sa

pamamagitan ng limbag midyum.

Ganito rin ang pahayag ni Bernales et al., (2013) ang pagbasa ay ang pagbibigay ng

interpretasyon sa mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Hindi lamang kasanayang pangwika

ang pagbasa kung hindi isang mahalagang gawain din. Kung nais matuto, itinuturing niya ang

pagbasa bilang behikulo sa pagtuklas at pagtamo ng sari-saring kaalaman.

Binanggit sa aklat ni Austero et al, ang pagbasa ay mabisang saykolinggwistiks na

paghinuha o guessing game kung saan ang nagbabasa ay muling bumubuo ng isang mensaheng
kaisipan hango sa tekstong binasa. Isang prosesong sibikal buhat sa teskto na nagpapakahulugan

o nagbibigay ng prediksyon. Idinagdag pa rito ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang

maiugnay niya sa kanyang binubuong konsepto, kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga

impormasyon na mababasa sa teksto.

Sinabi naman ni Toze (2012) na nagbibigay ng impormasyon at nagiging daan sa

kabatiran at karunugan ang pagbasa. Isa itong aliwan, kakayahan,pakikipagsapalaran,pagtuklas

at nagbibigay ng ibat-ibang karanasan sa buhay. Tunay na napakaraming kaalaman ang

makukuha ng tao sa pagbabasa. Maaari siyang makatuklas ng mga bagay na makatutulong sa

kanyang pang araw-araw na pamumuhay. Isa itong mabisang aliwan na hindi lamang

nagpapatalas ng isipan kundi nakapagbibigay ng kasiyahan lalo na sa mga taong hilig ang

pagbabasa.

Sang ayon ito sa sinabi ni Adison (2006) na kung ang ehersisyo ay para sa katawan, ang

pagbasa ay para sa isip. Sa lahat ng libangan o direksyon sa buhay, wala pang makapupuno sa

mga empty spaces o espasyo maliban sa kapakipakinabang na pagbasa.

Sinabi din ni Adler (2006) na ang pagbasa ay isang basikong instrumento sa mabuting

pamumuhay ngunit sinabi ni Matineau na bagaman at marami ang nagbabasa, kakaunti lamang

ang nag-iisp kung kaya ipinahayag ni Dalberg na kailangang matuto hindi lamang sa

pamamgitan ng pagsulat kung hindi maging sa pagbasa.

Para naman kay Grades et al., (2007) ang isang metakognitibong mambabasa ay

tinatanong sa sarili kung nauunawaan ba niya ang sinasabi ng awtor, ano ang gagawin niya kung

hindi niya nauunawaan ang binasa at ano ang maari niyang gawin upang lalong maunawaan ang

sinasabi ng awtor.
Sa ginawang pag-aaral nina Abanez etal., (2005) na patungkol sa ebalwasyon sa mga

kasanayang pangwika, nilayon nilang alamin kung may sinipikanteng kaugnayan ang mga

nakuhang marka ng mga mag-aaral sa filipino sa kanilang kasanayang pangwika sa pakikinig,

pagbabasa, pagsasalita at pagsulat at alin sa mga kasanayang pangwika ang lubos na kinakikitaan

ng kaalaman ang mga mag-aaral. Ginamit nila sa pag-aaral ang palarawan o deskriptibong

pananaliksik at binuong pagsusulit bilang pangangalaap ng datos. Ginamit na respondante ng

mga mananaliksik ay ang mga mag-aaral sa ikatlong antas sa Mataas na Paaralan ng Baybayin

sa Rosario Batangas. Ang istadistikang ginamit ng mga mananaliksik ay ang one way analysis

of variance (ANOVA) o F test upang malamang ang antas ng kasanayan ng mga mag-aaral. Sa

kinalabasan ng pag-aaral, napatunayan may kaugnyan ang marka sa filipino ng mga mag-aaral sa

kanilang kasanayang pangwika na kung saan kinakitaan ng kahusayan ang mga mag-aaral sa

pagsasalita sumunod ang pagbasa at pakikinig ngunit kinakitaan ng kahinaan sa pagsulat.

Sa pag-aaral naman nina Javier et al., (2005) na nakatuon din sa ebalwasyon sa mga

kasanayang pangwika, ginamit nilang respondante ang mga mag-aaral sa ikalawa at ikaapat na

taon sa Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa Pambansang Pmantasan ng Batangas, kampus ng

Malvar na kumukuha ng mga programa na BEED ,BSED, at BSIE. Nilayon nilang alamin ang

mataas na kasanayan sa sining komunikasyon ng mga mag-aaral kaugnay sa apat na kasanayang

pangwika, alin sa apat na kasanayan kinakitaan ng kahinaan ang mga mag-aaral at kung may

sinikante bang pagkakaiba ang sagot ng mga respondente ayon sa tatlong programa. Ginamit nila

ang deskriptibong pamamaraan ng pananaliksik at binuong pagsusulit. Ang istadistikang ginamit

ay ang T-test upang malaman ang antas ng kasanayan ng mga respondante. Natuklasan na may

signipikanteng pagkakaiba ang sagot ng mga respondante batay sa tatlong programa at nakitaan
ng kahusayan ang mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita ngunit kinakitaan ng

kahinaan sa pakikinig.

Sintesis

Sa ginawang pag aaral nina Arrogante(2007), Adison(2006), Bernales(2013) at

Adler(2006), binigyang kahulugan nila ang pagbasa. Ayon sa kanila ang pagbasa ay isang

proseso ng pag-interpreta ng mga impormasyon na nakalimbag na simbolo ng kaisipan at

basikong instrumento sa mabuting pamumuhay.

Ang pag-aaral na ginawa nina Abanez et al.,(2005) at Javier et al.,(2005) ay may

kahalintulad sa kasalukuyang pag-aaral dahil ito rin sa lebel ng komprehensyon sa kasanayang

pagbasa na siyang ikinaiba nito sa dalawang pag-aaral na nabanggit. Palarawang pamamaraan

din ng pananalisik at pagsusulit ang ginamit na katulad ng sa kasalukuyang pag-aaral.

Kahit na pawang may kaugnayan ang mga nasabing pag-aaral sa pagbasa, kaiba pa din

ito sa kasalukuyang pag-aaral dahil sa ginamit na batayan o kaanyuan ng mga respondente dahil

ginawang batayan sa pangangalap ng impormasyong makatutulong sa pag-aaral ang kasarian,

marka at paraan ng pagbabasa ang mga respondante sa kasalukuyang pag-aaral, nag laman ng

pagsusulit na gagamitin, ang mga respondenteng ginamit, ang taon kung kailan isasagawa ang

pag-aaral at ang kurikulum na ngayon ay nasa ilalim na ng K-12.

ttps://www.scribd.com/document/414539986/Epekto-ng-mababang-komprehensyon-sa-pagbasa-ng-mga-mag-
docx

You might also like